“Bwisit ka talagang lalaki ka. Sige na, I’ll hang up. Pag-iisipan ko ‘yang pabor mo.”
“Yes!” masaya nitong sigaw.
“Sabi ko’y pag-iisipan ko lang, hindi ko nabanggit na pumapayag na ako kaya h’wag ka munag mag-yes. Mamaya’y hindi ako pumayag tapos ikasal ka sa babaeng hindi mo naman bet. Char. Sige na!” Pinindot ko ang pulang button sa ilalim ng phone ko at natapos na ang phone call.
Tinitigan ko ang maliit na papel na naglalaman ng contact information nitong si Elton. Mayroong pangalan niya, mayroong e-mail, mayroon ding contact number. ‘Yon lang?
Binaliktad ko ang papel. To my surprise, mayroong nakasulat sa likod, ngunit hindi ito printed katulad ng nasa harapan.
If ever you change plans,
go to my place using this address ;)
Nakasulat ang full address ng “place” niya sa likuran ng kanyang business card. Ang flirty lang ng dating para sa akin.
Bumalik ako sa upuan ko at tumulala sa puto na pinadala ni ate Elsa. Ngayong naisip ko ‘yon, mukha namang matinong lalaki si Elton. Kung tutuusin, para ngang walang naging interes sa paghahanap ng babae itong si Elton. Judging from what he mentioned, nabanggit niya na dalawang kurso ang natapos niya para sa kolehiyo. And to think na wala pa rin siyang jowa ngayong 31 years old na siya, ibig sabihin no’n ay masyado siyang nagfocus sa pagpapalago ng kaalaman niya dahil siya nga ang tagapagmana ng kompanya nila.
Nawala naman ang pagiging masungit niya kapag nasa kondisyon na siya. Sa tingin ko, nainis lang siya sa akin dahil sobrang daldal ko at walang preno ang mga tanong ko sa kanya. Ngunit hindi ko rin naman matitiyak na totoo ang mga napansin ko dahil kahapon ko lang naman siya nakilala. . . Tulad nga ng pinaglalaban ko sa kasalan ni Maverick at ng babae niyang si Regina, masyadong maikli ang limang buwan para magpakasal. What more kung in one day of meeting ay pumayag na ako sa pagpapakasal sa kanya?
At isa pang bagay, hindi ko gusto ang buhay ng mayayaman. Kaya patuloy na yumayaman ang mga kapitalista ay dahil sa mga pananamantala nila sa mga manggagawa. Isipin mo nga ang mga bilyonaryo, kahit na magdonate sila ng ilang porsyento ng kanilang pera ay babalik din sa kanila ‘yon nang isang araw. Ayaw kong makatapak sa ibang mga tao.
Pero kung tutuusin. . .
I would accept his offer.
PARA BANG nilakbay ko na ang buong isla ng Las Islas Filipinas sa tagal ng nilakad ko para lamang mahanap ang condominium nitong si Elton. Sa wakas, after getting an instruction from that lady on the front line, narating ko rin ang mahiwagang tinutuluyan nitong si Elton. Hindi naman niya nabanggit na mamahaling condominium unit ang kanyang bahay at sana man lang ay naprepare ko na rin ang sarili ko sa mahaba-habang paglalakad dahil sa laki ng lugar na ito.
Huminga ako nang malalim at tumayo sa tapat ng pinto na may numerong 313. Ito ang nakalagay na numero sa kanyang business card. Kumatok ako nang tatlong beses at naglakad patalikod ng dalawang hakbang. Mayamaya pa, nagbukas na ang pinto.
“Mabuti naman at–”
Naputol ang pagsasalita ko nang tumambad sa harapan ko ang pawisan at topless na si Elton. My eyes bulged at iniwas ko ang tingin sa kanyang katawan.
Hindi ako nambabastos, sadyang katapat lamang ng gitna ng pinto ang torso niya, ‘no!
“At ano?” panggagaya niya sa nasabi ko. “I know that my body looks good.” Finlex pa niya ang muscles sa kanyang braso.
“Siraulo ka! Hindi mo naman kasi sinabi na nagwo-workout ka, e ‘di sana ay nasabihan kita na pupunta ako,” sigaw ko.
“It’s not my fault, you came here with not a single notice.” Ngumisi ang loko. “And why are you so flustered looking at my topless body? You haven’t even seen the other parts yet.” Tumawa ang loko. Hinampas ko siya sa kanyang braso at umilag naman siya ngunit nahagip ko rin.
“Yuck! Basa ng pawis!” pag-iinarte ko.
“Go straight to the point. Why did you go here? Did you come to tell me that you agree to my proposal?” usisa nito.
“Medyo related d’yan. Kailangang mag-usap pa tayo tungkol do’n.”
Tumango-tango siya. Nilipat niya ang tingin niya sa bitbit kong bilao ng puto. “And you really came to my place with food. You’re marrying me, I just know it.”
Umirap ako. “Pwede bang papasukin mo muna ako?”
“Alright, fine. Get inside.”
Tumabi siya at binuksan nang mas malawak ng pinto. Mula pa lamang sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko ang mga mamahaling kagamitan at furniture sa loob ng unit niya. Nakakahiya namang maging mahirap sa harap ng taong buong buhay ay karangyaan ang naranasan.
Pumasok ako sa loob. Bungad doon ang magaganda niyang equipments for working out. Mayroong treadmill na malapit sa pader at mayroon din siyang mga dumbbell na nagva-vary ang weight. Dito pa lamang, masasabi ko nang gym rat din itong lalaking ito. Isang goal-oriented sa studies at fitness enthusiast. Sana lang ay kung papayag nga ako na magpakasal sa kanya, may oras siya para sa akin.
Ang problema lang, hindi ako sure na mamahalin niya ako dahil tulad nga ng nabanggit niya, ang kasalang magaganap ay para lamang hindi siya mapilitang pakasalan itong isang babaeng hindi naman niya gusto pakasalan.
Tinuro niya ang gitnang table sa kanyang salas pati na rin ang itim niyang couch na sobrang cozy ang itsura. Umupo naman ako sa malawak niyang sofa. “Welcome to my humble place. Sorry, there’s not a lot of stuff here. I rarely go here.”
“Eh bakit mayroon kang condominium?” usisa ko.
“Well, I paid for this.” He shrugged.
“Wala kang ibang magandang rason? Trip mo lang talagang magkaroon ng condominium?” hirit ko. Hindi ko maintindihan ang mga mayayaman. “Kayo talagang mayayaman, ang hilig ninyong magsayang ng pera. Kung dinonate niyo na lang sana sa akin, baka maging masaya pa ako.”
Kumunot ang noo niya. Umupo siya sa maliit na sofa sa gilid ko. Anito, “Here you go with your annoying questions. I bought this when I was 24. This was a lot closer to my school and our company.”
“Eh tapos ka nang mag-aral, ‘di ba? Bakit nandito ka pa rin?”
Napabuntong hininga ang loko. “Alright. Like I said, I rarely go here. I plan on moving out since I’ll get married soon.”
“Ang laki talaga ng kumpansya mo na makasal sa ‘kin, ‘no?” Lumapit ako sa bilao ng puto na pinatong ko sa lamesa at inalis ang plastic wrap na nakabalot dito. Kumuha ako ng isang piraso.
“Of course!” nakangiti niyang sigaw. “Well, you won’t go all the way here just to turn down my offer. You even gave me a gift – this delicious puto.”
Tinaasan ko siya ng kilay. Anang ko habang lumalamon ng puto, “Malay mo, token of apology itong dinala kong puto dahil hindi ko matatanggap ang offer mo. ‘Di mo sure.”
“Alright, alright. Let’s get straight to the point. I want to hear your answer.” Tumingin siya sa akin at kinabahan naman ako sa titig niya. Kahit na excitement ang nakikita ko sa tuwang-tuwa niyang expressions at kuryosidad, nakakakaba pa rin.
Huminga ako nang malalim. “Pwede bang magsuot ka muna ng pangtaas?” pakiusap ko sa kanya.
He chuckled. Reply nito, “You really can’t resist my abs. Don’t worry, my love, you’ll see this every single day once we get married.”
Nag-init ang pakiramdam ko sa narinig ko, at lalo ring bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi dahil sa mahalay niyang sinabi kundi sa pangtawag niya sa aking my love. S***a, nafo-fall na ba ako sa lalaking ‘to?
“You’re blushing,” he pointed out. Tumayo ang loko at sinampal ang tiyan niya bilang pagmamayabang ng kanyang physique. Tumalikod pa ito at finlex ang defined muscles sa kanyang braso.
“Hoy, bilisan mo na nga!” sigaw ko sa kanya sabay akmang babatuhin ng maliit niyang pillow dito sa kanyang sofa. Tumatawa itong pumasok sa kanyang kwarto.
Habang hinihintay siyang lumabas sa kanyang kwarto, minasdan ko muna ang itsura ng kanyang condominium. Hindi talaga maikakailang mayaman itong lalaking ito. Fully furnished kasi at mukhang mamahalin pa ang mga kagamitan dito. Doon pa nga lang sa treadmill at mga dumbbell niya, sobrang ganda ng itsura nito. Dito sa living room niya ay puro puti at may hints naman ng itim ang furniture. May iilan ding halaman na siyang bumubuhay sa itsura ng lugar na ito. Hindi naman masama para sa lalaking mag-isang tumitira dito. I expected worse.
“I’m back. Now let’s talk about our marriage.” Sinara niya ang pinto at nakabihis na ito na parang normal na tao muli.
“Sobra ka talagang feeler. Hindi pa ako pumapayag,” hirit ko.
He sat on the seat he sat on earlier. Kumuha naman ang loko ng isang pirasong puto at kinain ito. “So, what is your response? Are you accepting my proposal?” tanong nito.
Huminga ako nang malalim bago sumagot. “Actually, I was positively considering it,” banggit ko. Hindi naman napigilan ni Elton na mapangiti. “Hindi pa ako tapos magsalita kaya h’wag ka munang magsaya.”
“Alright, continue. Go ahead.” Sumenyas pa ito gamit ang kamay niya na pwede na akong magpatuloy.
I continued, “Kaso marami akong problemang kakaharapin. . . o hinaharap. Something in between. I’m at a loss, actually.”
“What is it that you’re anxious or worried about?” usisa nito. Muli, napabuntong hininga ako. Lalo pang bumigat ang pakiramdam ko habang iniisip ko kung paano ko sasabihin sa kanyang maraming bumabagabag sa isipan ko.
Marrying him would solve many of my problems but other problems would probably stem out if I married him.
“Una, hindi ito alam ng pamilya ko. Wala siyang kaalam-alam na ang panganay nilang babae ay ikakasal na. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanilang magpapakasal ako dahil isang buwan ko nang hindi sinasagot ang tawag ni Mama at Papa sa akin dahil hindi ako napapayapa sa kasalan ni Maverick at Regina noon. Alam ko kasing hindi nila ako papayagan na manira ng kasal ng iba at kung malaman man nila, baka hindi na nila ako tanggapin pang muli sa bahay. Baka nga hindi pa nila ako ituring na kapamilya,” pagku-kuwento ko sa kanya tungkol sa sitwasyong kinakaharap ko. “Isa pa, wala na akong source of income. Wala akong pambayad ng utang. Would you want to marry a poor woman from a poor family?”
Napatigil si Elton. I almost jumped after he sat next to me. “You know, I asked to marry you because I saw good qualities in you. I have no problem if you’re poor or if your family is poor. I don’t care.”
“Paano naman ang masasabi ng pamilya mo? Baka mamaya, tawagin nila akong gold digger. Totoo namang gusto ko ring yumaman at magkapera pero feeling ko I’m cheating my way there by marrying an already rich man,” I argued.
Umiling lang siya nang umiling. “They don’t have a say on who I should love or who I should marry. Kung may pakakasalan ako, wala na sila ro’n. They have to accept that.”
Kahit na anong assurance ang gawin niya, hindi pa mapanatag ang loob ko. I want more answers.
Hindi ko kilala ang magulang niya at hindi rin naman nila ako kilala. Baka mamaya, suspetyahan nila ako. Or baka naman hindi sila maganda pakisamahan dahil tulad ng sinasabi ko tungkol sa ibang mayayaman, wala silang pakialam sa mga mahihirap. They look down on people who are less fortunate than them.
Hinawakan niya ang kamay ko. Suddenly, my heart was racing again. Nope.
“But are you accepting my proposal? Are you willing to be my wife?” tanong nito sa akin.
Mahinhin akong tumango. “Oo naman. Pero tulad nga ng sinabi ko, marami akong problema.”
Wala akong ekspresyon sa mukha samantalang siya naman ay may pagkalaki-laking ngiti sa kanyang mukha. Dali-dali niya akong niyakap. Sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa akin, and it was the best hug that I received for so long. It felt like home.
“Thank you, Rhea. Thank you!” sigaw nito. “This is the best day of my life, ever. It felt like I was released to a dark prison that was keeping me captive for years already. Thank you talaga, Rhea. I swear, I would be the best husband to you. Even the best father to our children, if you want that.”
I felt flattered. Para akong nakikinig sa salita ng matagal ko nang minamahal na lalaki. But I have to grasp the reality that these words that he’s promising may not actually come true. Hindi namin kailanman minahal ang isa’t isa – we just met.
And that’s the last thing that’s making me worry.
What if I marry him, and we don’t get to love each other?
Parang bata kung mag-celebrate ang loko simula nang tanggapin ko ang alok niyang magpakasal. Maybe it was something that bugged him for so long kaya ‘yon ang naging outlet niya to release what he feels. “I really can’t believe it’s happening. Thank you, Rhea. I can’t believe you’d actually agree. I’m at a loss of words. . .” Kitang-kita pa rin sa mukha niya ang kasiyahan sa laki ng ngiti nito. Kumunot ang noo ko. Hirit ko, “Alright, ikakasal na tayong dalawa. I agree to be your wife. But of course, tutal wala naman tayong romantic feelings for each other, sana man lang ay ituring mo ako with all respect. Tandaan mong malaking
“Ang ganda yata natin ngayon, ah.” Tinaasan ko ng kilay si Elton matapos niya akong i-compliment. Echosera. Anang ko, “Kung makapangbola akala mo naman hindi ako sinungitan noong unang araw nating nagkita.” “Well, technically you’ll be my wife in a few days so I’m convincing myself that I’m in love with you already,” nakangising sambit nito. Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin niya ‘yon. Hinampas ko siya nang mahina sa braso niya. “Bolera ka talaga, bwisit ka! Tara na nga.”
“NGAYONG GABI?!”Napatakip ako sa bibig matapos kong banggitin ang sinabi ni Elton (in Tagalog). Mistulan bang nagliparan ang mga ibon sa paligid matapos kong sumigaw nang malakas dahil sa big revelation ni Elton.“Yeah.” Napakamot sa batok ang lalaking ito. “You know, like I mentioned earlier, I was supposed to tell you this earlier. Probably yesterday. But it completely slipped out of my mind. I'm sorry. It's really urgent, I have to convince my parents.”Napabuntong hininga ako. Sumuko na, sabi ko, “Sige. Alam mo namang kahit pa madaldal ako, kailangan ko ng enough na mental preparation, 'no. H'wag mo na uling kalilimutan na i-remind sa akin kapag may kailangan akong i-meet sa pamilya mo, alright? Mamamatay ako sa nerbyos, alam mo 'yon?”
“ARE YOU guys really in love with each other? Or is this one of your convenient ways, kuya?” Para bang nahulog ang puso ko nang marinig ko ang sinabi ni Natasha. Lagot. Wala pa man kaming established friendship or whatever, baka turn off na ako kaagad para kay Natasha. Tiningnan ko si Elton at tumitig naman siya sa akin pabalik. “Yeah,” tipid na sagot ni Elton. Kung kanina’y parang nahulog ang puso ko, ngayon nama’y parang tinulak ako mula sa pinakamataas na palapag ng Burj Khalifa. Talaga bang umaamin ang lokong ito na ikakasal lang kami dahil napilit niya ako? Tumawa si Elton nang makita niya ang reaksyon ko
Sobrang nakakatakot ng titig ng Mama ni Elton. Parang pakiramdam ko’y gagawin niyang miserable ang buhay ko hangga’t nabubuhay siya. . . o ako. Tumayo siya sa harapan ko. Before she could even speak, I thought I should greet her first as a sign of formality. “Good evening po! Ako nga po pala si Rhea Tordecillo, I’m your son’s fiancee po. Nice meeting you po!” I offered my hand to shake with her at kinuha naman niya ito. “Nice meeting you. I’m Rosalinda Villaflor, your fiance’s mother.” Lumapit naman siya sa akin para makipag-beso. Lagot, hindi uso ito sa aming mahihirap. Charot.&
Isang linggo na rin pala ang nakalipas mula nang mangyari ang family dinner na in-arrange ni Elton para sa pamilya niya to introduce me to them. To be honest, I was more traumatized than happy or relieved. The whole time, I felt like I wasn’t meeting his family – para lang akong dumaan sa mga research panelists defending my output – ito ngang peke naming pagmamahalan at ang sudden na pagpapakasal namin. I keep picturing Elton’s Mom’s snide remarks about the wedding. “So why all of a sudden marry? You guys must have prepared prior to your announcement. Hindi ganoon kadaling mag-manage ng kasal sa simbahan in just a week or so,” anang Mama ni Elton.
Hindi ko inasahang magiging madali lang pala ang proseso ng arrangement ng civil wedding naming dalawa ni Elton. ‘Yon ang advantage ng pagiging mayaman – mayroon silang lawyer and someone can arrange stuff easily for them. Of course, it takes a little bit of monetary compensation for their service pero tulad nga ng lagi kong ina-argue, ang gastos ng mayayaman sa ganito ay para bang barya lang. Kung ako kay Elton, magco-consult na lang ako by myself than hire a lawyer. Pero dahil nga desperado na siya magpakasal, then I can’t do anything about that. Like always, impractical ang mayayaman. I just finished taking a bath at magsisipilyo na lang ako. Kumuha ako ng baso mula sa maliit kong cabinet dito sa loob ng banyo. Just when I started brushing my teeth, nag-ring ang phone ko
Hindi ko inasahang marami rin palang tao ang dadalo sa family planning counselling dito sa may city hall. Ibig sabihin lang niyan ay marami rin palang gustong lumayo sa tradisyonal at maging non-religious ang wedding. Kadalasan ng mga tao rito ay couples (of course, that's given already), at kadalasan ay mga nakasuot ng puting damit. Ano ba ang mayroon? Ako rin kasi ay nakasuot ng white na top tapos puting palda na pang-work."Alam ninyo, couples, one thing that Filipinos do not understand ay hindi mo kailangan i-rush ang lahat ng bagay," anang speaker namin. Mayamaya pa, nilipat na niya sa susunod na slide ang presentation niya na pinapakita sa malaking screen sa gitna ng room na ito. "Alam naman ang palaging sinasabi na the more, the merrier, pero hindi 'yon magandang mindset sa pagbuo ng isang pamilya. Hindi ako nangshe-shame ngunit harapin na natin ang katotohanang ang pinakamahihirap na tao ang may pi
“You’re awake already?” Nawala ang pagiging tulala ko nang marinig ko ang boses ni Elton. Kanina pa ako nakatulala sa bintana – nakatanaw sa halamang binigay ng Mama ni Elton habang iniisip ko ang sinabi niya kagabi. Mukhang malaki nga talaga ang inis sa akin ng Mama ni Elton pero sobrang unjustified ng inis niya sa akin. . . She’s so prejudiced against me. “Ah, oo.” Simple akong ngumiti. Dala-dala ang isang bed table na mayroong lamang pagkain at mainit na maiinom, dahan-dahang binuhat ni Elton ito patungo sa bed ko. “Thank you, Elton. C-in-areer mo talaga ang pagiging asawa sa akin, ah,” nakangiting anang ko. Ngumiti naman pabalik si Elton. “Of course, I’m going to be with you for the rest of my life. You have to get used to me,” sambit niya. “Sawa na nga ako sa ‘yo, eh, charot,” pagbibiro ko. Nilapag niya sa harap ko ang bed table. Inabot ko naman ito. Hinain niya sa akin ang isang platong naglalaman ng toasted buns na mayroong itlog sa loob and what seems t
Naunang umalis sa akin si Elton sa pool. I told him na sasaba na ako sa kanya ngunit sinabihan niya akong h’wag munang tumaas dahil kukuha siya ng twalya para sa akin. It was the sweetest thing ever. Habang hinihinta siya ay nakatingin lang ako sa Mama ni Elton na may kasamang babae sa gilid. Nandoon sila sa vacant table, eating from the foods on the buffet table. “My wife,” tawag sa akin ni Elton. Instantly, nawala ang kasamaan ng pakiramdam ko right after he called me. Nagpunta naman ako sa gawi niya at umahon na sa swimming pool. Pagkatayo ko ay binalot niya sa katawan ko ang tuwalya. “Thank you,” pagpapasalamat ko. “Hindi ba natin iwe-welcome ang bago
Nasamid ako sa narinig kong linya mula kay Natasha. “Girl, loka-loka ka ba?!” sigaw ko. Natatawa naman niyang p-in-at ang shoulders ko. “Half-half!” natatawang sambit niya. Napakamot ng ulo ang loka. “You know, ang cute kaya ng concept if magka-age ang mga anak natin. They’d go together sa school, they’d have fun together and grow up with each other, tapos they’re going to be very dependable cousins in the future. Don’t you like that?” Habang sinasabi niya ang konseptong nasa isipan niya, ini-imagine ko ang sinasabi niya. Sa toto
Feeling ko nagkakaroon na ako ng feelings for Elton. . . But I don’t want to get hooked just yet. Pagkatapos ng wedding, it was the most entertaining path out of the city hall. Kasama namin ang mga yaya nila, si Natasha, at saka si Attorney Rivera. Apparently, sinundo pala nang maaga ni Elton sila tita Nonnie at iba pang kasambahay samantalang mag-isa namang nag-commute si Attorney Rivera. Kinumbinsi lang siya ng mga matatanda na sumama sa byahe namin for a little celebration at hindi naman nakatanggi si Attorney. Kasi kung ako lang din naman siya, sasama talaga ako. Charot. Mayamaya pa, naani
Parang nagpipigil ng ngiti itong si Elton nang makita ako. Nakabukas ang pinto ng sasakyan at nakaupo siya sa loob nito, nagmamasid mula roon habang hinihintay kaming dalawa ni Natasha. Tinaasan ko siya ng kilay. “Gandang ganda?” pang-aasar ko sa kanya. Tinawanan lang ako ng loko. “Hindi ka naman makapaniwalang ikakasal na tayong dalawa ngayon,” hirit ko. Sinundan niya ako patungo sa passenger’s seat at binuksan ang pinto para sa akin. On the other hand, si Natasha naman ay hindi na hinintay ang kuya niyang pagbuksan siya ng pinto. Something I would do. Hindi naman kailangang buksan ni Elton ang pinto para sa akin but every time that we ride inside his ca
Gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil hindi ko namalayang ngayon na nga pala ako ikakasal. Mabuti na lang talaga at maaga akong nagising dahil sa hindi ko maipaliwanag na rason ngunit ito na nga ang biggest day – malalaman ko na kung mabubuhay ba ako nang matiwasay o panghabang buhay kong ire-regret ang desisyong pakasalan si Elton para lamang matakbuhan niya ang forced wedding na siyang in-arrange for him kung sakaling hindi pa rin siya magpapakasal beyond the age of 31 years old. Nagkanda-ugaga na ako matapos imulat ang mata – nilinis ang higaan, nilinis ang bahay, nagsipilyo, at naligo in such a short period of time. Wala na akong natitirang gamit na pinundar ko noong dalaga pa ako – tanging natitira na lang ang kama na talagang kasama na kapag nirentahan mo ang apart
“Are you really sure about marrying that girl?” I almost choked on my coffee upon hearing my Mom’s question. Instantly, my brows furrowed. “You seem to dislike Rhea a lot, Mom. I am a hundred percent sure about marrying her. She’s so much better than any girl you’re trying to set me up with,” I timidly answered, then sipped coffee from my cup. It was a hot afternoon inside my Dad’s study room where me and my Mom just went to talk about things. She said, “You know, anak, hindi ako nanghihimasok sa buhay mo pero you should know that you’re a high profile person. Magiging tagapagmana ka ng leading smartphone brand ng Pilipinas, Elton. With that, you
Hindi ko inasahang marami rin palang tao ang dadalo sa family planning counselling dito sa may city hall. Ibig sabihin lang niyan ay marami rin palang gustong lumayo sa tradisyonal at maging non-religious ang wedding. Kadalasan ng mga tao rito ay couples (of course, that's given already), at kadalasan ay mga nakasuot ng puting damit. Ano ba ang mayroon? Ako rin kasi ay nakasuot ng white na top tapos puting palda na pang-work."Alam ninyo, couples, one thing that Filipinos do not understand ay hindi mo kailangan i-rush ang lahat ng bagay," anang speaker namin. Mayamaya pa, nilipat na niya sa susunod na slide ang presentation niya na pinapakita sa malaking screen sa gitna ng room na ito. "Alam naman ang palaging sinasabi na the more, the merrier, pero hindi 'yon magandang mindset sa pagbuo ng isang pamilya. Hindi ako nangshe-shame ngunit harapin na natin ang katotohanang ang pinakamahihirap na tao ang may pi
Hindi ko inasahang magiging madali lang pala ang proseso ng arrangement ng civil wedding naming dalawa ni Elton. ‘Yon ang advantage ng pagiging mayaman – mayroon silang lawyer and someone can arrange stuff easily for them. Of course, it takes a little bit of monetary compensation for their service pero tulad nga ng lagi kong ina-argue, ang gastos ng mayayaman sa ganito ay para bang barya lang. Kung ako kay Elton, magco-consult na lang ako by myself than hire a lawyer. Pero dahil nga desperado na siya magpakasal, then I can’t do anything about that. Like always, impractical ang mayayaman. I just finished taking a bath at magsisipilyo na lang ako. Kumuha ako ng baso mula sa maliit kong cabinet dito sa loob ng banyo. Just when I started brushing my teeth, nag-ring ang phone ko