"12 na restaurant ang pagpipilian natin originally?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Sa pagtagal ng panahon, lalo lang akong napaghahalataang taga-bundok.
Tumango lang siya. "Yeah, there's a lot of places here. Mostly are Japanese, though. I wanted to eat something that feels home so I decided to take you here," sagot nito sa akin. Wala akong ginawa kundi tumango nang tumango dahil bagong-bago sa akin ang lugar na ito.
Bago dahil hindi naman ako mayaman. Actually, taga-probinsya ako. Lumayo lang ako sa mga magulang ko para abutin ang pangarap ko sa Manila. Scam pala ang sinasabi nilang marangyang buhay sa Manila.
Marangya. . . More like walang’ya. Mabuti pa't nag-aral na lang ako noon sa state university. Bukod sa makakatipid ako sa tuition, hindi ko makikilala si Maverick na ipagpapalit ako at magpapakasal na rin pala noon. Baka single pa ako ngayon pero masaya naman sa buhay. Charot.
"Habang naghihintay ng pagkain natin, bakit hindi muna tayo magpakilala? Kanina pa tayo nag-uusap na para bang kilala natin ang isa't isa. Hello, nagkakilala lang tayo a few hours ago," anang ko. Mukhang agree naman ang loko dahil hindi ito bumuntong hininga o kaya kumunot ang noo.
"Alright." Inabot niya sa akin ang isang maliit na papel na nagmula sa suit na kanyang suot. Binasa ko naman ito. Ayon sa papel na ‘yon, ang pangalan niya ay Elton Villaflor at isa siyang lisensyadong engineer na nakapagtapos ng electrical engineering. Nag-aral din ng computer engineering.
“Engineer ka pala. Kaya ka pala mayaman.”
Tumango ito. “There’s another reason.”
Nanlaki ang mga mata ko. “May isa ka pang source of income?”
Ngumisi siya. Anito, “Guess the other reason.”
“Sindikato ka?”
Sarkastikong tumawa ang loko. “Do you really think someone this handsome would commit crimes? No. Think realistically.”
Tinaasan ko siya ng kilay. “Aber, sa ating dalawa, ako pa talaga ang kailangang mag-isip nang makatotohanan? Sino ba rito ang nagpupumilit na pakasalan ko siya dahil urgent?”
He just laughed at me. “Alright, you seem like you don’t want to guess a single thing. I’m Lime Mobile’s heir. I will be the CEO someday.”
Na-estatwa ako sa posisyon ko. Hindi enough ang pag-bulge ng mga mata o ‘di kaya’y pagnganga.
“Niloloko mo ba ako?” tanong ko sa kanya.
“Nope, not at all.”
Nakatulala pa rin ako dahil sa impormasyong ayaw pumasok sa utak ko.
“Alright, alright. Kung totoo ngang anak ka ng current CEO ng Lime, bakit kailangan mong magpakasal agad? Is there a family problem?” usisa ko. Mahinahing tumungo ito.
“Yeah. My family told me that if I don't get married before my Dad gives me the company, then they're going to arrange a marriage for me.” Nilaro-laro niya ang katawan ng wine glass sa harapan niya. Pagpapatuloy nito, “I don't want to be married to someone I don't want.”
“Tapos ako ang gusto mong pakasalan? Umayos ka nga. Baka naman matino ang babaeng ipapakasal sa 'yo, 'no. Someone who's better than me,” katuwiran ko. Umiling siya.
“May pinagkaiba ang don't want sa don't know,” he argued. Tinuro niya ako gamit ang mga daliri niya. “I know you. I saw you inside the church, objecting to the wedding. I saw the raw emotions when you wanted to stop the wedding. When you ran away from the church, I saw all of that. I got intrigued.”
Para bang nahulog ang puso ko nang marinig ko 'yon mula sa kanya. I exhaled a pent-up breath. “Gusto mong makasal sa isang babaeng naninira ng kasalan,” walang emosyong banggit ko.
He shaked his head. “Nope, I saw your sincerity. Hindi ka naman iiyak nang gano'n kung walang magandang rason.”
Bumigat ang dibdib ko sa narinig ko. Wow, I can't believe that a stranger who just saw me yesterday can empathize with me.
Dinampian ko ng panyo ang gilid ng mata kong namumugto. “Nakakainis ka naman, bakit mo pa 'yon b-in-ring up. . .”
“Pero bakit ka nandoon kahapon? Sobra naman ang pagha-hunting mo ng mapapakasal na pati ang pagpigil ko sa kasal ay naabutan mo.”
Sambit niya, “I was with my Tita. Her children are all in the US and she had no one to accompany her. I insisted on going with her.”
“Sa totoo lang, I gave up already. Even though I do not like the girl that my family was setting me up for marriage with, I just accepted my fate,” pagpapaliwanag niya. Tumingin ako sa mga mata niyang malayo ang tingin. This time, hindi isang grumpy na lalaki ang nakikita ko. Tulad ng sinabi niya tungkol sa akin, I saw sincerity in him. Nakakakilabot. “But then I saw you. I think we have a lot in common — desperation.”
Napakunot ako ng noo. “Aruy,” comment ko.
“Eme, totoo naman.” Mahina akong tumawa.
“What about you? Tell me about yourself,” aniya.
“Ah. . .”
“Ako nga pala si Rhea Tordecillo. Taga-Quezon province ako. Alam mo ba 'yong sikat na hanging bridge doon?” tanong ko sa kanya. Umiling ang loko. “Basta 'yon. May hanging bridge doon.”
“Ang magulang ko, nagtatrabaho sa isang hacienda. Hacienda ng mayamang familia na ang surname ay Santos. Hindi mo 'yon makikilala syempre dahil napakaraming Santos sa Pilipinas. Pero ang catch, kahit hacienda 'yon eh napakababa nilang magpasweldo sa mga trabahador nila. May nagtangka na ngang pumatay sa mga Santos dahil doon. Kaunti lang ang tinaas, hindi pa rin minimum wage.”
Dagdag ko pa, “Bilang anak ng mahirap at panganay pa, mahirap syempreng mapunta sa sitwasyong malaki ang pangarap mo. Big dreams, big tuition. Eh sa kakarampot na kinikita ng magulang ko, baka ilang taon kaming hindi makakain dahil sa tuition ko.”
“Dahil do'n, nagpasya na lang akong lumipat sa Manila. Labag sa loob ng mga magulang ko. Sabi nga nila, gagawan nila ng paraan para mapaaral ako pero sabi ko, h'wag na. Ako na ang bahala. Lilipat ako ng Manila at saka tutuparin ang pangarap ko. All that para lamang mapunta sa buhay ng isang babaeng hindi matanggap na ikakasal na ang ex-boyfriend niya.”
“He must've hurt you so bad,” singit niya.
Tumango-tango ako bilang paraan para sumang-ayon sa sinabi niya. “Sobra. Kaya naman ako sumingit sa kasal nila ay dahil baka magbago pa ang isip ng babaeng pakakasalan niya. Dalawang taon lang ang pagmamahalan namin, paano pa kaya kung limang buwan lang silang nagmahalan ng pakakasalan niya? Baka magsisi rin 'yong babae, 'no. E hindi nga kami nagkaroon ni Maverick ng tunay na closure sa pag-iibigan namin, kawawa naman 'yong girl kung ginawa ni Maverick sa kanya 'yon.”
He just nodded lightly. “You must've taken all of your courage to do something like that.”
“Malamang!” I exclaimed. “Hindi naman ako para manira ng isang sagradong seremonya kung mababaw ang rasunan ko. Mabuti na nga lang at dito lang sa Maynila mananatili ang kahihiyang iniwan ko. Hindi naman siguro malalaman ng pamilya ko 'yon.”
Napataas ang isa niyang kilay. Sabi ko, “Itsura mo pa lang, alam ko na ang itatanong mo.”
“Kaya ko rin naman nagawa 'yong pakiki-epal sa kasal ay dahil wala akong kahit na sinong kamag-anak dito sa Maynila. May kahihiyan ako pero at least nabawasan kahit papano.”
Hindi man niya ako binibigyan ng advice o kaya'y gumawa ng kahit na anong effort pero kahit paano'y nakaka-comfort ang empathy niya para sa akin.
Tumunog ang phone ko bigla kaya napatingin si Elton sa akin. Ramdam na ramdam ko ang pagvibrate nito sa aking binti kaya nagmamadali kong kinuha ito. Ako pala'y tinatawagan na ng landlady ko — si Aling Elsa. Naku, ilang linggo na akong nakiki-usap sa kanya dahil hindi ko pa rin nababayaran ang upa ko sa apartment niya.
Sakto na kasi ang pera ko pangbyahe pabalik sa probinsya kaso nasakto namang nagbawas ng empleyado ang work ko. Napakasaklap, lahat ng kamalasan ay nangyari sa buhay ko nang isang buwan.
“Hello po, ate Elsa?” nahihiyang sabi ko nang sagutin ko ang tawag niya.
“Hello, Rhea? Makakabayad ka na ba ngayong araw?” tanong nito sa akin mula sa kabilang linya. Napakamot naman ako ng ulo. Ano na namang palusot ang sasabihin ko para itagong wala pa rin akong pera hanggang ngayon?
“Pasensya na po ate, hindi pa po ako makakabayad ngayong araw. Susubukan ko po sa mga susunod na araw.”
“Aba, Rhea. Bukod tanging ikaw lang ang tumagal nang ganito sa pagbabayad. Pati ang bill mo sa tubig noong nakaraang buwan, inutang mo pa sa akin.”
Oo na, ate Elsa. Ako na itong miserable.
“Pasensya na ate, gagawan ko po talaga ng paraan,” pagso-sorry ko rito. Rinig na rinig ko ang pagbuntong hininga nito.
“Sige na. Hanggang ngayong linggo lang. Kapag hindi ka pa nakapagbayad, lalayas ka na rito. May mga naghahanap na rin ng bakanteng marerentahan dito sa aking apartment at baka ibigay ko na sa kanila ang tinutuluyan mo.”
Nilantad pa talaga ang plano niya?
“Sige po,” walang kabuhay-buhay na sagot ko. Pinatay ni Ate Elsa ang tawag. Nilapag ko sa table ang phone ko at tumulala sa bulaklak na nasa vase sa gitna ng table.
“What's the matter?” tanong ni Elton.
“Ah, wala,” sambit ko. Tumingin ako sa kanya. “Naniningil lang ang landlady ko sa utang ko.” Mahina akong tumawa.
“Babayaran mo utang ko? Emz,” pagbibiro ko. Tumingin lang siya sa akin. Sabi ko nga.
Dumating ang isang waiter patungo sa aming table dala-dala ang tinutulak nilang cart. Tulad sa mga napapanood kong pelikula, s-in-erve nila ang pagkain namin gamit 'yong metal na takip. Nilapag nito sa tapat namin ang pagkain at binuksan ito.
Pasok na pasok sa butas ng ilong ko ang mabangong aroma ng bagong lutong Lechong Kawali. Sa bango nito, kumulo ang tiyan ko na akala mo'y hindi pa nakakakain ng masarap na pagkain nang pagkatagal-tagal.
“Bon appetit.” Ngumiti si Elton sa akin.
“Kung ano man 'yon, same,” pagbibiro ko. “Pasensya na, wala kasing ganyan sa aming mahihirap. Charot!”
PAGKATAPOS NAMING MAGLIBOT sa lugar na 'yon ay hinatid na niya ako pauwi. Tinuro ko lang ang daan patungo sa lugar namin at nakuha naman niya 'yon. Sa totoo lang, mas naging klaro sa persepsyon ko ang tunay niyang ugali. Maaari ngang nagagawa lang niya akong sungitan dahil sa problema niya. Pero hindi ko pa rin ma-wrap up sa isipan ko kung bakit kailangang ako pa ang magpakasal sa kanya e sobrang daming babae sa mundo.
One thing that is common between the two of us is we're both desperate. Bigo ako sa pag-ibig samantalang nagkukulang naman siya sa pag-ibig. Kakaiba rin talaga ang problema ng mga mayayaman, 'no? Lahat ng bagay ay kaya nilang kontrolin basta't may pera sila.
Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at bumaba sa van ni Elton. “Paano ba 'yan, Elton? Hanggang dito na lang ang pagtatagpo natin. Eme.”
Hirit ko, “Pero maraming salamat sa masarap na treat mo kanina. Salamat din sa munting galaan natin. Para akong bumalik sa pagkabata.”
Pasimple itong ngumiti at napakamot sa ulo. “You're welcome.”
“Oh siya, mauuna na ako, ha?” pagpapaalam ko sa kanya. Tumango lamang siya. Dumiretso na ako patungo sa ikalawang palapag ng gusali at nagmamadaling pumasok sa apartment na nirerentahan ko. Baka kasi sermonan pa ako ni ate Elsa. Maigi nang vigilant.
Paano na 'to? Wala akong pangbayad ng utang kay ate Elsa. Kung ibabayad ko ang pera kong pangbyahe patungo sa probinsya, wala nang matitira sa pera ko dahil saktong-sakto sa utang ko pangrenta at saka sa inutang kong pangbayad ng tubig. Or kung walang hiya-hiya, makakabalik nga akong Quezon province at matatakasan ko itong si Elton, pero kasusuklaman naman ako ni ate Elsa at baka nga sampahan pa ako ng kaso dahil sa utang na hindi ko binayaran.
Bahala na si Lord.
PASOK NA PASOK sa ilong ko ang init na simoy na nagmula sa kapeng kinakanaw ko. Alas siete ng umaga at hindi ko alam ang gagawin ko — I don't have a purpose in life now.
Tinapat ko ang mug sa labi ko ngunit napatigil naman ako nang may kumatok sa pinto ko. Diyos ko, sana hindi si ate Elsa. Patay ako nito.
Tumayo ako habang nagdadasal na mag-dilang anghel nawa ako. Binuksan ko ang pinto and to my surprise, si ate Elsa nga. Naku, hindi ako titigilan nito hangga’t hindi ako nagbabayad.
“Magandang umaga, ‘ne. Hindi mo naman sinasabi sa ‘kin na may inaasikaso ka lang pala kaya hindi ka makabayad. Sana hindi kita natarayan,” anito, at nakangiti pa. Haler, ano ang nakain nitong si ate Elsa? “Alam mo naman ang tipikal na ganap dito sa Manila, maraming mga tumatakas sa akin sa utang kaya ang bilis kong magalit. Sana sinasabi mo kasi.”
Napataas ang kilay ko. Paano naman nito nalaman ang ‘inaasikaso ko’, e wala naman akong sinasabihan ng plano kong babalik akong Quezon province?
“Ah, opo ate. Pasensya na, hindi ko po kasi talaga alam kung kanino magbabayad ng utang ko, eh saktong-sakto po kasi ang pera ko pabalik sa Quezon province,” pagpapaumanhin ko rito. Hinampas ako ni ate Elsa nang mahina habang tumatawa-tawa pa.
“H’wag mo na ‘yong alalahanin, binayaran na ng syota mo ang lahat ng utang mo. Hindi mo naman nabanggit na lilipat ka na rin pala. Sa Quezon province ang kasal ninyo?” usisa nito.
Nanlaki ang mga mata ko.
“Ano po?! Kasal?” hindi makapaniwalang sigaw ko.
She squinted her eyes. Tinuro pa niya ang kamay ko. “Ano ba ‘yang nasa ring finger mo, ‘neng? Hindi ba’t singsing ‘yan? Nakalimutan mo na bang ikakasal ka?” Tumawa si ate Elsa. Napatingin naman ako sa kamay ko.
Hindi ko pala natanggal ang singsing sa daliri ko. Walasjo.
“Ah, opo.”
“Benjo, apo! Paki-abot nga sa akin ng puto!” utos ni ate Elsa sa apo niya. Mayamaya pa’y may tumakbong bata na may dalang isang maliit na bilao ng puto. Inabot ito sa akin ni ate Elsa. “Ito nga pala ang peace offering ko at regalo na rin sa ‘yo. Nakakalungkot na mawawala ka na rito sa apartment namin, pero masaya rin dahil darating ka na sa bagong kabanata ng buhay mo, ang buhay ng may asawa. I-enjoy mo lang, ‘neng. Alam kong marami ka ring pinagdaanan dito sa Maynila.”
Totoo po, ate Elsa. Pinagdaanan ko po ang ilang beses na hindi ko na rin mabilang gamit ang mga daliri kong pinagsungitan niyo ako. Nakakalungkot daw na mawawala ako sa apartment na ‘to eh kung umasta nga noon ay para bang gusto na akong kaladkarin paalis sa inuupahan kong apartment.
“Binayaran po ate nung fiance ko ang lahat ng utang ko?” usisa ko.
“Ah, oo. Swerte mo ‘neng, ang gwapo at mayaman,” comment nito. Napakamot na lang ako sa ulo habang akward na nakangiti sa kanya.
“Oh siya, ihahatid ko lang ang apo ko sa eskwela. Baka ma-late pa kami eh kindergarten pa lang ang lokong ‘to. Paalam na.” Nakangiti pa rin ang loka habang lumalayo sa akin kasama ang apo niya.
Fiance. Binayaran ni Elton ang utang ko?!
Kaya pala ang tahimik ng loko nang banggitin ko ang landlady ko na naniningil na ng utang.
Nagmamadali akong bumalik sa lamesa para kunin ang cellphone ko. Binuksan ko ito para tawagan si Elton pero wala nga pala akong contact number niya. Leche talaga ang lalaking ‘to.
Nagtungo ako sa basket ng marurumi kong damit at kinuha hinanap ang business card sa itim kong paldang sinuot ko kahapon. Kaagad ko rin namang nahanap ito. Pandalas akong nag-dial sa cellphone ko at nagri-ring naman. Ilang segundo ang hinintay ko bago niya ito sinagot.
“Hello?”
“Hoy, loko. Bakit mo binayaran ang utang ko?”
Natahimik siya nang saglit. Anito, “Rhea?”
“Tama. Si Rhea nga. Bakit mo binayaran ang utang ko, loko? E ‘di may utang pa ako sa ‘yo ngayon? Lubog na lubog na ako sa utang, beh,” hirit ko sa kanya.
“Well, you told me that your landlady was asking for payment, so I paid all of your balance. I paid everything so you don’t have anything else to worry about.”
“Salamat pero hindi ko hinihingi ‘yon mula sa ‘yo. Nakakahiya, Elton.”
“Anything for you.”
Para bang nakiki-karera ang puso ko – mabilis pa sa race car ito kung tumibok. Epal ka, heart!
“Leche ka! Magkano ang ibabayad ko sa ‘yo? Lagyan mo na ng tubo, ako na ang gagawa ng paraan para man lang mapasalamatan ka kahit papano.”
Narinig ko mula sa kabilang linya ang mahina niyang tawa. “I don’t need monetary compensation.”
“E ‘di kahit na anong pabor, basta marangal, ah,” sambit ko.
“Marry me.”
“Bwisit ka talagang lalaki ka. Sige na, I’ll hang up. Pag-iisipan ko ‘yang pabor mo.”“Yes!” masaya nitong sigaw.“Sabi ko’y pag-iisipan ko lang, hindi ko nabanggit na pumapayag na ako kaya h’wag ka munag mag-yes. Mamaya’y hindi ako pumayag tapos ikasal ka sa babaeng hindi mo naman bet. Char. Sige na!” Pinindot ko ang pulang button sa ilalim ng phone ko at natapos na ang phone call.Tinitigan ko ang maliit na papel na naglalaman ng contact information nitong si Elton. Mayroong pangalan niya, mayroong e-mail, mayroon ding contact number. ‘Yon lang?Binaliktad ko ang papel. To my surprise, mayroong nakasulat sa likod, ngunit hindi ito printed katula
Parang bata kung mag-celebrate ang loko simula nang tanggapin ko ang alok niyang magpakasal. Maybe it was something that bugged him for so long kaya ‘yon ang naging outlet niya to release what he feels. “I really can’t believe it’s happening. Thank you, Rhea. I can’t believe you’d actually agree. I’m at a loss of words. . .” Kitang-kita pa rin sa mukha niya ang kasiyahan sa laki ng ngiti nito. Kumunot ang noo ko. Hirit ko, “Alright, ikakasal na tayong dalawa. I agree to be your wife. But of course, tutal wala naman tayong romantic feelings for each other, sana man lang ay ituring mo ako with all respect. Tandaan mong malaking
“Ang ganda yata natin ngayon, ah.” Tinaasan ko ng kilay si Elton matapos niya akong i-compliment. Echosera. Anang ko, “Kung makapangbola akala mo naman hindi ako sinungitan noong unang araw nating nagkita.” “Well, technically you’ll be my wife in a few days so I’m convincing myself that I’m in love with you already,” nakangising sambit nito. Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin niya ‘yon. Hinampas ko siya nang mahina sa braso niya. “Bolera ka talaga, bwisit ka! Tara na nga.”
“NGAYONG GABI?!”Napatakip ako sa bibig matapos kong banggitin ang sinabi ni Elton (in Tagalog). Mistulan bang nagliparan ang mga ibon sa paligid matapos kong sumigaw nang malakas dahil sa big revelation ni Elton.“Yeah.” Napakamot sa batok ang lalaking ito. “You know, like I mentioned earlier, I was supposed to tell you this earlier. Probably yesterday. But it completely slipped out of my mind. I'm sorry. It's really urgent, I have to convince my parents.”Napabuntong hininga ako. Sumuko na, sabi ko, “Sige. Alam mo namang kahit pa madaldal ako, kailangan ko ng enough na mental preparation, 'no. H'wag mo na uling kalilimutan na i-remind sa akin kapag may kailangan akong i-meet sa pamilya mo, alright? Mamamatay ako sa nerbyos, alam mo 'yon?”
“ARE YOU guys really in love with each other? Or is this one of your convenient ways, kuya?” Para bang nahulog ang puso ko nang marinig ko ang sinabi ni Natasha. Lagot. Wala pa man kaming established friendship or whatever, baka turn off na ako kaagad para kay Natasha. Tiningnan ko si Elton at tumitig naman siya sa akin pabalik. “Yeah,” tipid na sagot ni Elton. Kung kanina’y parang nahulog ang puso ko, ngayon nama’y parang tinulak ako mula sa pinakamataas na palapag ng Burj Khalifa. Talaga bang umaamin ang lokong ito na ikakasal lang kami dahil napilit niya ako? Tumawa si Elton nang makita niya ang reaksyon ko
Sobrang nakakatakot ng titig ng Mama ni Elton. Parang pakiramdam ko’y gagawin niyang miserable ang buhay ko hangga’t nabubuhay siya. . . o ako. Tumayo siya sa harapan ko. Before she could even speak, I thought I should greet her first as a sign of formality. “Good evening po! Ako nga po pala si Rhea Tordecillo, I’m your son’s fiancee po. Nice meeting you po!” I offered my hand to shake with her at kinuha naman niya ito. “Nice meeting you. I’m Rosalinda Villaflor, your fiance’s mother.” Lumapit naman siya sa akin para makipag-beso. Lagot, hindi uso ito sa aming mahihirap. Charot.&
Isang linggo na rin pala ang nakalipas mula nang mangyari ang family dinner na in-arrange ni Elton para sa pamilya niya to introduce me to them. To be honest, I was more traumatized than happy or relieved. The whole time, I felt like I wasn’t meeting his family – para lang akong dumaan sa mga research panelists defending my output – ito ngang peke naming pagmamahalan at ang sudden na pagpapakasal namin. I keep picturing Elton’s Mom’s snide remarks about the wedding. “So why all of a sudden marry? You guys must have prepared prior to your announcement. Hindi ganoon kadaling mag-manage ng kasal sa simbahan in just a week or so,” anang Mama ni Elton.
Hindi ko inasahang magiging madali lang pala ang proseso ng arrangement ng civil wedding naming dalawa ni Elton. ‘Yon ang advantage ng pagiging mayaman – mayroon silang lawyer and someone can arrange stuff easily for them. Of course, it takes a little bit of monetary compensation for their service pero tulad nga ng lagi kong ina-argue, ang gastos ng mayayaman sa ganito ay para bang barya lang. Kung ako kay Elton, magco-consult na lang ako by myself than hire a lawyer. Pero dahil nga desperado na siya magpakasal, then I can’t do anything about that. Like always, impractical ang mayayaman. I just finished taking a bath at magsisipilyo na lang ako. Kumuha ako ng baso mula sa maliit kong cabinet dito sa loob ng banyo. Just when I started brushing my teeth, nag-ring ang phone ko
“You’re awake already?” Nawala ang pagiging tulala ko nang marinig ko ang boses ni Elton. Kanina pa ako nakatulala sa bintana – nakatanaw sa halamang binigay ng Mama ni Elton habang iniisip ko ang sinabi niya kagabi. Mukhang malaki nga talaga ang inis sa akin ng Mama ni Elton pero sobrang unjustified ng inis niya sa akin. . . She’s so prejudiced against me. “Ah, oo.” Simple akong ngumiti. Dala-dala ang isang bed table na mayroong lamang pagkain at mainit na maiinom, dahan-dahang binuhat ni Elton ito patungo sa bed ko. “Thank you, Elton. C-in-areer mo talaga ang pagiging asawa sa akin, ah,” nakangiting anang ko. Ngumiti naman pabalik si Elton. “Of course, I’m going to be with you for the rest of my life. You have to get used to me,” sambit niya. “Sawa na nga ako sa ‘yo, eh, charot,” pagbibiro ko. Nilapag niya sa harap ko ang bed table. Inabot ko naman ito. Hinain niya sa akin ang isang platong naglalaman ng toasted buns na mayroong itlog sa loob and what seems t
Naunang umalis sa akin si Elton sa pool. I told him na sasaba na ako sa kanya ngunit sinabihan niya akong h’wag munang tumaas dahil kukuha siya ng twalya para sa akin. It was the sweetest thing ever. Habang hinihinta siya ay nakatingin lang ako sa Mama ni Elton na may kasamang babae sa gilid. Nandoon sila sa vacant table, eating from the foods on the buffet table. “My wife,” tawag sa akin ni Elton. Instantly, nawala ang kasamaan ng pakiramdam ko right after he called me. Nagpunta naman ako sa gawi niya at umahon na sa swimming pool. Pagkatayo ko ay binalot niya sa katawan ko ang tuwalya. “Thank you,” pagpapasalamat ko. “Hindi ba natin iwe-welcome ang bago
Nasamid ako sa narinig kong linya mula kay Natasha. “Girl, loka-loka ka ba?!” sigaw ko. Natatawa naman niyang p-in-at ang shoulders ko. “Half-half!” natatawang sambit niya. Napakamot ng ulo ang loka. “You know, ang cute kaya ng concept if magka-age ang mga anak natin. They’d go together sa school, they’d have fun together and grow up with each other, tapos they’re going to be very dependable cousins in the future. Don’t you like that?” Habang sinasabi niya ang konseptong nasa isipan niya, ini-imagine ko ang sinasabi niya. Sa toto
Feeling ko nagkakaroon na ako ng feelings for Elton. . . But I don’t want to get hooked just yet. Pagkatapos ng wedding, it was the most entertaining path out of the city hall. Kasama namin ang mga yaya nila, si Natasha, at saka si Attorney Rivera. Apparently, sinundo pala nang maaga ni Elton sila tita Nonnie at iba pang kasambahay samantalang mag-isa namang nag-commute si Attorney Rivera. Kinumbinsi lang siya ng mga matatanda na sumama sa byahe namin for a little celebration at hindi naman nakatanggi si Attorney. Kasi kung ako lang din naman siya, sasama talaga ako. Charot. Mayamaya pa, naani
Parang nagpipigil ng ngiti itong si Elton nang makita ako. Nakabukas ang pinto ng sasakyan at nakaupo siya sa loob nito, nagmamasid mula roon habang hinihintay kaming dalawa ni Natasha. Tinaasan ko siya ng kilay. “Gandang ganda?” pang-aasar ko sa kanya. Tinawanan lang ako ng loko. “Hindi ka naman makapaniwalang ikakasal na tayong dalawa ngayon,” hirit ko. Sinundan niya ako patungo sa passenger’s seat at binuksan ang pinto para sa akin. On the other hand, si Natasha naman ay hindi na hinintay ang kuya niyang pagbuksan siya ng pinto. Something I would do. Hindi naman kailangang buksan ni Elton ang pinto para sa akin but every time that we ride inside his ca
Gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil hindi ko namalayang ngayon na nga pala ako ikakasal. Mabuti na lang talaga at maaga akong nagising dahil sa hindi ko maipaliwanag na rason ngunit ito na nga ang biggest day – malalaman ko na kung mabubuhay ba ako nang matiwasay o panghabang buhay kong ire-regret ang desisyong pakasalan si Elton para lamang matakbuhan niya ang forced wedding na siyang in-arrange for him kung sakaling hindi pa rin siya magpapakasal beyond the age of 31 years old. Nagkanda-ugaga na ako matapos imulat ang mata – nilinis ang higaan, nilinis ang bahay, nagsipilyo, at naligo in such a short period of time. Wala na akong natitirang gamit na pinundar ko noong dalaga pa ako – tanging natitira na lang ang kama na talagang kasama na kapag nirentahan mo ang apart
“Are you really sure about marrying that girl?” I almost choked on my coffee upon hearing my Mom’s question. Instantly, my brows furrowed. “You seem to dislike Rhea a lot, Mom. I am a hundred percent sure about marrying her. She’s so much better than any girl you’re trying to set me up with,” I timidly answered, then sipped coffee from my cup. It was a hot afternoon inside my Dad’s study room where me and my Mom just went to talk about things. She said, “You know, anak, hindi ako nanghihimasok sa buhay mo pero you should know that you’re a high profile person. Magiging tagapagmana ka ng leading smartphone brand ng Pilipinas, Elton. With that, you
Hindi ko inasahang marami rin palang tao ang dadalo sa family planning counselling dito sa may city hall. Ibig sabihin lang niyan ay marami rin palang gustong lumayo sa tradisyonal at maging non-religious ang wedding. Kadalasan ng mga tao rito ay couples (of course, that's given already), at kadalasan ay mga nakasuot ng puting damit. Ano ba ang mayroon? Ako rin kasi ay nakasuot ng white na top tapos puting palda na pang-work."Alam ninyo, couples, one thing that Filipinos do not understand ay hindi mo kailangan i-rush ang lahat ng bagay," anang speaker namin. Mayamaya pa, nilipat na niya sa susunod na slide ang presentation niya na pinapakita sa malaking screen sa gitna ng room na ito. "Alam naman ang palaging sinasabi na the more, the merrier, pero hindi 'yon magandang mindset sa pagbuo ng isang pamilya. Hindi ako nangshe-shame ngunit harapin na natin ang katotohanang ang pinakamahihirap na tao ang may pi
Hindi ko inasahang magiging madali lang pala ang proseso ng arrangement ng civil wedding naming dalawa ni Elton. ‘Yon ang advantage ng pagiging mayaman – mayroon silang lawyer and someone can arrange stuff easily for them. Of course, it takes a little bit of monetary compensation for their service pero tulad nga ng lagi kong ina-argue, ang gastos ng mayayaman sa ganito ay para bang barya lang. Kung ako kay Elton, magco-consult na lang ako by myself than hire a lawyer. Pero dahil nga desperado na siya magpakasal, then I can’t do anything about that. Like always, impractical ang mayayaman. I just finished taking a bath at magsisipilyo na lang ako. Kumuha ako ng baso mula sa maliit kong cabinet dito sa loob ng banyo. Just when I started brushing my teeth, nag-ring ang phone ko