Ang bilis ng tinakbo ko kahapon palabas ng simbahan dahil sa kahihiyan at kahit papaano, nabawasan na ang trauma ko sa simbahan dahil sa kashungahan na ginawa ko kahapon sa kasal nila Maverick. Mayroon pa ring sakit sa puso ko syempre, at kahihiyang matagal pa bago mawala dahil panigurado’y maraming nakakita noong pinigilan ko ang isang importanteng okasyon sa dalawang taong gustong mag-isang dibdib. Sinipot ko si Father kaninang tanghali at nag-iisa naman ako ngayon sa harap ng covered court na tapat ng simbahan, nakain ng kwek kwek.
Nakakagigil. Kung kahapon ay gusto kong sakalin ang dalawang ‘yon sa harap ng mga tao sa simbahan, baka kurot na lang o kaya sampal ang maaabutan nila mula sa akin. Comforting din naman ang mga salitang narinig ko mula kay Father – “Dearly beloved, avenge not yourselvs, but rather give place unto wrath: for it is written, Vengeance is mine; I will repay, saith the Lord," kinuha niya mula sa Romans 12:19. Nabanggit pa niya muling hindi paghihiganti ang gusto ng puso ko kundi closure mula kay Maverick. Totoo naman in some way. Baka galit lang talaga ang puso ko kaya nagawa ko ‘yon kahapon.
Sinubo ko ang huling piraso ng kwek kwek at tinapon sa maliit na puting sakong nakasabit sa stall ng binilhan ko nitong pagkain. Tumalikod ako ngunit paglingon ko roon ay may nabangga akong lalaki.
“Pasensya na po!” pagso-sorry ko sa lalaki. Naka-suit ito at mas matangkad sa akin. Ang init-init tapos nakasuot ng ganitong damit?
“I don’t accept apologies. You owe me a favor,” sambit ng lalaki sa akin with a monotonous tone. Aber, bakit ko naman ako nagkaroon ng atraso sa kanya?
Tinaasan ko siya ng kilay. “Nadali lang naman kita, kuya. Ang arte mo,” walang pakundangang sagot ko sa kanya. Inirapan lang ako nito at bigla na lang hinila ang braso ko.
“Hoy, saan mo ako dadalhin?!” sigaw ko sa kanya. Hinampas ko nang hinampas ang braso niya pero hindi man lang natinag ang loko. Ako lang ang nasasaktan sa ginagawa ko, eh. “Kuya, bata pa ako! Ayaw ko pang mamatay!”
Nang makarating kami sa madilim na pathway sa gilid ng covered court, tumigil sa paglalakad itong lalaki at lumingon sa akin nang naka-kunot ang noo. Ano ba ang kasalanan ko rito sa lalaking ‘to?
“I’m not kidnapping you, alright?” Bumuntong hininga ito bago umirap na naman. Dukutin ko kaya ang mata nito? “I saw what you did yesterday. You rudely barged in on someone’s wedding. Reckless.”
Nanlaki ang mga mata ko. Napanganga na rin ako dahil paano naman nitong estrangherong ‘to na nangyari ‘yon kahapon? Anang ko, “Pasensya na po kuya, sobrang offensive niyo naman po sa isang estrangherang kakakita niyo lang ngayon. Alam kong nagkamali ako at nagsisisi rin naman ako kahit papaano, pero wala kang karapatang husgahan ako dahil sa nakita mo lang kahapon. Wala kang alam tungkol sa buhay ko kaya manahimik ka na lang.”
Hinila ko palayo ang braso ko. Bumitaw naman ang loko. Pagpapatuloy ko pa, “Dinala mo pa talaga ako rito para lang ipaalala ‘yong katarantaduhang ginawa mo kahapon. Hindi ka nakakatulong. Gusto ko tuloy manira uli ng kasal. Bwisit ka!”
Ako naman ang umirap sa kanya. Wala na siyang sinabi pa kaya dire-diretso ako sa paglalakad palayo papunta sa terminal ng jeep. Uuwi na lang ako kaysa pestehin pa ako ng lalaking hindi ko naman kilala. In-approach ako para lang sabihin na desperada ako o kaya walang respeto sa mga tao? Well, totoo naman. Pero kahit na, alam ko namang nagkamali ako at sinusubukan kong i-acknowledge ang pagkakamaling ‘yon. Hindi ko na kailangan ng negatibong opinyon ng iba para lang matuto ako.
Mabuti na lang at dire-diretso lamang ay nasa terminal na ako ng jeep. Ang sumalubong sa akin doon ay sandamakmak na tao, naghihintay ng jeep na masasakyan. Nakisingit na lang ako malapit sa gitna. Ito ang problema pagkatapos ng lunch time – iisa lang ang terminal kaya iisang lugar lang ang pinupuntahan ng tao.
Napatalikod ako dahil nakaramdam ako ng kulbit sa likuran ko. Tumalikod ako.
“Ikaw na naman?!” galit na bulong ko sa lalaking hinila ako kanina. Ayaw ko nang gumawa ng eksena dahil ang daming tao rito. Eskandalosa ako with real reasonings. Petty ako with class, emz.
Lumuhod ito kaya napa-atras ang ibang taong kasama kong naghihintay. May hinila siyang maliit na box mula sa bulsa at hinarap ito sa akin. Binuksan niya ito at kinuha ang singsing sa loob nito. Ano na naman ito?! Tinapat niya sa akin ang singsing.
“Will you marry me, loves?” tanong ng lalaking ito sa akin. Napalingon naman ang mga pasaherong nasa tabi ko. Sa isang iglap, naging center of attraction ako. Ano ba itong lalaking ito?!
Nakakatakot ang tinign ng mga taong ito sa akin. Ang lalaki ng ngiti sa mga mukha nila. Mayamaya pa ay lahat na ng tao rito ay nakatingin sa aming dalawa ng estrangherong ito, mayroon ding naki-chismis mula sa railings ng covered court. “Yes!” sigaw ng mga tao sa akin, para bang sinasabihan akong tanggapin ko ang proposal ng lalaking ito.
Alright, hindi na ako magiging petty. Ayaw ko rin namang gumawa ng eksena rito.
“I do!” sigaw ko with matching ngiti na convincing. Parang awa na ng Diyos, dalawang araw na akong napapahiya sa harap ng mga taong hindi ko kilala. Tumayo ang lalaki at saka niyakap ako. Ang higpit ng pagkakayakap niya at amoy na amoy ko ang pabango niya. Lalaking-lalaki.
Hiyawan ang tanging maririnig sa paligid naming dalawa.
At congratulations.
“PWEDE ko bang malaman kung bakit bigla ka na lang nagpropose kanina sa akin, mister?” tanong ko sa lalaking ‘yon nang makalayo na kaming dalawa sa kung ituturing ko ay scene of crime. Scene of crime dahil doon hinimlay ang natitira kong kahihiyan. Hinila niya ako kanina patungo sa itim niyang van matapos kaming makaalis sa terminal ng jeep kung saan niya napiling mag-fake proposal sa akin. Nakaupo ako sa passenger’s seat samantalang nagmamaneho naman siya. Aniya, dadalhin niya ako sa isang restaurant para kumain. Hindi madadala sa pagkain ang kahihiyan ko, ‘no.
“Listen, I need someone to marry me as soon as possible. It's a situation that would literally change my life, so I beg you to marry me,” sambit nito. Bumuntong hininga siya matapos banggitin ang rason kung bakit niya ginawa 'yon kanina.
“E 'di sana nag-invest ka ng time sa ibang babae, eh di sana may pakakasalan ka ngayon. Ako pa yata ang indebted sa 'yo dahil walang gustong magpakasal sa 'yo,” sabat ko. Tinitigan ko siya sa mukha at tinuro-turo ang mukha niya. “Isa pa, hindi ako easy to get na girl, 'no. Siguro kung sincere kang magmahal, baka isang taon pa lang eh magpakasal na tayo. Eh kita ngang hiyang hiya ako kanina. Sa tingin mo papakasalan kita?”
“Fine, how much do you want?”
Napatigil ako sa tanong niya. “A-ano?”
“Magkano ang kailangan mo? That's in Filipino already. Tsk.”
Kumunot ang noo ko. “Hello, kababanggit ko lang na hindi ako easy to get. Ang kasal ay sagrado para sa akin, hindi 'yon kayang i-compensate ng pera. Malay mo kapag nag-effort ka sa akin, pakasalan kita.”
“Kaso. . .” Tinaas ko ang kilay ko. “Ngayon pa lang, parang ayaw ko na sa ‘yo.”
“Deal or deal. Walang no deal, you will marry me,” he insisted.
Tinarayan ko siya. “Tingnan mo? Tulad ng sinabi ko kanina, binibigyan mo na ako ng rason para hindi pumayag sa deal mo. Unang red flag mo, unrealistic. Pangalawa, manipulative.”
“At saka bakit ba kailangang magpakasal ka kaagad? Mamatay na ba ang magulang mo at nanghihingi na ng apo? Or baka naman gusto mo lang ng babaeng malalaro kasi ni isa walang tumagal sa iyo?”
“God, shut the hell up!” galit na sigaw nito.
“Okay, fine.” Huminga ako nang malalim at umiwas ng tingin sa kanya. Mukhang stressed nga itong lalaking ito dahil ayaw niyang sagutin ang tanong ko.
Kung tutuusin, malayo-layo na rin ang nararating namin. Nakarating na kami sa nakakalulang kalsada ng Maynila.
Umatras ang sasakyan patungo sa isang kulay fuchsia na malaking building. Nanlaki ang mata ko. Nilapit ko ang ulo ko sa bintana ng kanyang van at sinilip ang ganda ng lugar na papasukan namin. “Ang ganda naman dito,” comment ko. Tumingin ako sa kanya ngunit wala naman siyang tugon. Mukhang walang pakialam ang lalaking ito.
Sa malawak na espasyo na pinapasukan at nilalabasan ng mga sasakyan, parang masasabi ko nang pang-mayaman ang lugar na ito. Mayaman kaya itong lokong ito? O baka naman social climber lang? 'Yong tipong pupunta lang sa magandang lugar para ipagmayabang sa social networking sites.
Wala akong kasiguraduhan sa kasama kong ito. All I know is that he's desperate. I don't know him personally, not even a percentage of his life. Mamaya sindikato pala ito at naghahanap ng ka-partner in crimes niya.
Pinasok niya ang sasakyan sa malaking building na mukhang para sa parking ngunit hindi siya tumigil sa unang palapag. Naka-ilang ikot din kami at kung tama ang tuos ko, maaaring nasa ikatlong palapag na kami ng building na ito.
“Ang ganda naman dito. Kaso mukhang mabigat sa bulsa,” comment ko para man lang hindi sarili kong thoughts at hanging binubuga ng air conditioner lamang ang naririnig ko.
He nodded. “Correct, something you can't afford.”
I raised a brow. Anang ko, “Haler? Ano naman ang alam mo sa buhay ko? Mamaya kaya pala kitang bilhin gamit ang pera ko. Judgemental ka.”
“What kind of a rich person would buy street foods?”
Hinampas ko ang braso niya. “Klasista ka. Hindi naman porke't mayaman eh hindi na nagpa-patronize ng maliliit na business, ‘no. Mas poorita para sa akin 'yong mga nangmamaliit ng mga maliliit na negosyante.”
“You're so annoying.” Inalis niya ang seatbelt niya at pinanood ko lang siya. Lumingon naman siya sa akin at napaiwas ako ng tingin. Shems, hindi kasi ako marunong kung paano tanggalin ito.
Nilapit niya ang mukha sa akin at inalis ang seatbelt ko. Buga ng hangin na mula sa air conditioner ang pabango niya. Amoy lalaki with a hint of sweat. Pero hindi amoy araw.
“Alam kong gwapo ako.”
“Wala akong sinasabi,” I objected.
“You seem drawn to my face. Just admit it.” Ngumisi ang loko bago lumayo sa akin.
Tinuro niya ang pinto sa gilid ko. Utos niya, “Buksan mo ‘yan. I think you're not ignorant enough to not be knowledgeable in opening doors.”
“Epal ka!” sigaw ko. Binuksan ko ang pinto ng van niya at lumabas dito. Nagulat ako nang hindi ganoon kainit ang hangin mula sa labas ng sasakyan. Pang-mayaman talaga ang lugar na ito.
Sumunod ako sa kanya na dire-diretso lang papasok. Malamig na hangin at yumakap sa balat when I entered a foot inside the place. Napanganga ako.
Malaki pa yata itong lugar na ito sa pinakamalaking mall na napuntahan ko rito sa Manila. Hindi ko mawari kung anong kultura ang inspirasyon nito ngunit sa disenyo na ginuhit na mga bulaklak na disenyo ng sahig at mga standee rito, mukhang Japanese ang motif nila rito.
Sa sobrang tameme ko, nakalimutan ko nang may kasama ako. Kanina pa nga ito may kinakawayan. Iba't ibang tao pa.
Imbis na pillar, parang mga posteng mayroong palaki nang palaking bilog sa pagtaas nito. Ang buong lugar ay magenta at green -- sobrang sarap sa mata. Idagdag pa ang mga pekeng sakura na puno sa loob. Kahit na peke, parang sobrang authentic pa rin sa pakiramdam.
"Is it your first time here?" tanong nitong lalaki sa akin. Tumango lang ako.
Hindi ako makapaniwalang pumasok ako sa sobrang laki at engrandeng lugar kasama ang isang lalaking hindi ko naman kilala.
"Well, I'm actually sick of this place. I knew that you'd get starstruck when you see this place. Dito tayo kakain," dagdag nito. Ang tanging ginawa ko lamang ay tumango. Sa gilid ko, may gintong estatwa ng kambing na may nakapalibot na mga rosas sa gilid na ito. Sana all kambing.
Kinulbit ko ang lalaking kasama ko. Lumingon siya sa akin. Tanong ko, "Afford mo ba itong lugar na ito?"
"Sobrang ganda kasi, eh. Parang mga middle class at mga class na pataas lang ang nakakapasok dito, eh. Mamaya, social climber ka lang pala."
Napakamot ng ulo ang loko. "Tch! Can you stop asking that? Of course I can afford this! I won't take you here if all that's going to happen to me is financial ruin. God, you're so freaking annoying."
Nakakainis naman ang lalaking ito, nagtatanong lang naman.
"Pasensya na, nagtatanong lang. H'wag mo kasing kalimutan na ni-pangalan ng isa't isa ay hindi natin alam," palusot ko.
Halos napatalon ako nang hawakan niya ang kamay ko nang mahigpit. Nagmamadali siyang naglakad kaya binilisan ko na rin ang paglalakad.
"12 na restaurant ang pagpipilian natin originally?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Sa pagtagal ng panahon, lalo lang akong napaghahalataang taga-bundok.Tumango lang siya. "Yeah, there's a lot of places here. Mostly are Japanese, though. I wanted to eat something that feels home so I decided to take you here," sagot nito sa akin. Wala akong ginawa kundi tumango nang tumango dahil bagong-bago sa akin ang lugar na ito.Bago dahil hindi naman ako mayaman. Actually, taga-probinsya ako. Lumayo lang ako sa mga magulang ko para abutin ang pangarap ko sa Manila. Scam pala ang sinasabi nilang marangyang buhay sa Manila.Marangya. . . More like walang’ya. Mabuti pa't nag-aral na lang ako noon sa state university. Buko
“Bwisit ka talagang lalaki ka. Sige na, I’ll hang up. Pag-iisipan ko ‘yang pabor mo.”“Yes!” masaya nitong sigaw.“Sabi ko’y pag-iisipan ko lang, hindi ko nabanggit na pumapayag na ako kaya h’wag ka munag mag-yes. Mamaya’y hindi ako pumayag tapos ikasal ka sa babaeng hindi mo naman bet. Char. Sige na!” Pinindot ko ang pulang button sa ilalim ng phone ko at natapos na ang phone call.Tinitigan ko ang maliit na papel na naglalaman ng contact information nitong si Elton. Mayroong pangalan niya, mayroong e-mail, mayroon ding contact number. ‘Yon lang?Binaliktad ko ang papel. To my surprise, mayroong nakasulat sa likod, ngunit hindi ito printed katula
Parang bata kung mag-celebrate ang loko simula nang tanggapin ko ang alok niyang magpakasal. Maybe it was something that bugged him for so long kaya ‘yon ang naging outlet niya to release what he feels. “I really can’t believe it’s happening. Thank you, Rhea. I can’t believe you’d actually agree. I’m at a loss of words. . .” Kitang-kita pa rin sa mukha niya ang kasiyahan sa laki ng ngiti nito. Kumunot ang noo ko. Hirit ko, “Alright, ikakasal na tayong dalawa. I agree to be your wife. But of course, tutal wala naman tayong romantic feelings for each other, sana man lang ay ituring mo ako with all respect. Tandaan mong malaking
“Ang ganda yata natin ngayon, ah.” Tinaasan ko ng kilay si Elton matapos niya akong i-compliment. Echosera. Anang ko, “Kung makapangbola akala mo naman hindi ako sinungitan noong unang araw nating nagkita.” “Well, technically you’ll be my wife in a few days so I’m convincing myself that I’m in love with you already,” nakangising sambit nito. Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin niya ‘yon. Hinampas ko siya nang mahina sa braso niya. “Bolera ka talaga, bwisit ka! Tara na nga.”
“NGAYONG GABI?!”Napatakip ako sa bibig matapos kong banggitin ang sinabi ni Elton (in Tagalog). Mistulan bang nagliparan ang mga ibon sa paligid matapos kong sumigaw nang malakas dahil sa big revelation ni Elton.“Yeah.” Napakamot sa batok ang lalaking ito. “You know, like I mentioned earlier, I was supposed to tell you this earlier. Probably yesterday. But it completely slipped out of my mind. I'm sorry. It's really urgent, I have to convince my parents.”Napabuntong hininga ako. Sumuko na, sabi ko, “Sige. Alam mo namang kahit pa madaldal ako, kailangan ko ng enough na mental preparation, 'no. H'wag mo na uling kalilimutan na i-remind sa akin kapag may kailangan akong i-meet sa pamilya mo, alright? Mamamatay ako sa nerbyos, alam mo 'yon?”
“ARE YOU guys really in love with each other? Or is this one of your convenient ways, kuya?” Para bang nahulog ang puso ko nang marinig ko ang sinabi ni Natasha. Lagot. Wala pa man kaming established friendship or whatever, baka turn off na ako kaagad para kay Natasha. Tiningnan ko si Elton at tumitig naman siya sa akin pabalik. “Yeah,” tipid na sagot ni Elton. Kung kanina’y parang nahulog ang puso ko, ngayon nama’y parang tinulak ako mula sa pinakamataas na palapag ng Burj Khalifa. Talaga bang umaamin ang lokong ito na ikakasal lang kami dahil napilit niya ako? Tumawa si Elton nang makita niya ang reaksyon ko
Sobrang nakakatakot ng titig ng Mama ni Elton. Parang pakiramdam ko’y gagawin niyang miserable ang buhay ko hangga’t nabubuhay siya. . . o ako. Tumayo siya sa harapan ko. Before she could even speak, I thought I should greet her first as a sign of formality. “Good evening po! Ako nga po pala si Rhea Tordecillo, I’m your son’s fiancee po. Nice meeting you po!” I offered my hand to shake with her at kinuha naman niya ito. “Nice meeting you. I’m Rosalinda Villaflor, your fiance’s mother.” Lumapit naman siya sa akin para makipag-beso. Lagot, hindi uso ito sa aming mahihirap. Charot.&
Isang linggo na rin pala ang nakalipas mula nang mangyari ang family dinner na in-arrange ni Elton para sa pamilya niya to introduce me to them. To be honest, I was more traumatized than happy or relieved. The whole time, I felt like I wasn’t meeting his family – para lang akong dumaan sa mga research panelists defending my output – ito ngang peke naming pagmamahalan at ang sudden na pagpapakasal namin. I keep picturing Elton’s Mom’s snide remarks about the wedding. “So why all of a sudden marry? You guys must have prepared prior to your announcement. Hindi ganoon kadaling mag-manage ng kasal sa simbahan in just a week or so,” anang Mama ni Elton.
“You’re awake already?” Nawala ang pagiging tulala ko nang marinig ko ang boses ni Elton. Kanina pa ako nakatulala sa bintana – nakatanaw sa halamang binigay ng Mama ni Elton habang iniisip ko ang sinabi niya kagabi. Mukhang malaki nga talaga ang inis sa akin ng Mama ni Elton pero sobrang unjustified ng inis niya sa akin. . . She’s so prejudiced against me. “Ah, oo.” Simple akong ngumiti. Dala-dala ang isang bed table na mayroong lamang pagkain at mainit na maiinom, dahan-dahang binuhat ni Elton ito patungo sa bed ko. “Thank you, Elton. C-in-areer mo talaga ang pagiging asawa sa akin, ah,” nakangiting anang ko. Ngumiti naman pabalik si Elton. “Of course, I’m going to be with you for the rest of my life. You have to get used to me,” sambit niya. “Sawa na nga ako sa ‘yo, eh, charot,” pagbibiro ko. Nilapag niya sa harap ko ang bed table. Inabot ko naman ito. Hinain niya sa akin ang isang platong naglalaman ng toasted buns na mayroong itlog sa loob and what seems t
Naunang umalis sa akin si Elton sa pool. I told him na sasaba na ako sa kanya ngunit sinabihan niya akong h’wag munang tumaas dahil kukuha siya ng twalya para sa akin. It was the sweetest thing ever. Habang hinihinta siya ay nakatingin lang ako sa Mama ni Elton na may kasamang babae sa gilid. Nandoon sila sa vacant table, eating from the foods on the buffet table. “My wife,” tawag sa akin ni Elton. Instantly, nawala ang kasamaan ng pakiramdam ko right after he called me. Nagpunta naman ako sa gawi niya at umahon na sa swimming pool. Pagkatayo ko ay binalot niya sa katawan ko ang tuwalya. “Thank you,” pagpapasalamat ko. “Hindi ba natin iwe-welcome ang bago
Nasamid ako sa narinig kong linya mula kay Natasha. “Girl, loka-loka ka ba?!” sigaw ko. Natatawa naman niyang p-in-at ang shoulders ko. “Half-half!” natatawang sambit niya. Napakamot ng ulo ang loka. “You know, ang cute kaya ng concept if magka-age ang mga anak natin. They’d go together sa school, they’d have fun together and grow up with each other, tapos they’re going to be very dependable cousins in the future. Don’t you like that?” Habang sinasabi niya ang konseptong nasa isipan niya, ini-imagine ko ang sinasabi niya. Sa toto
Feeling ko nagkakaroon na ako ng feelings for Elton. . . But I don’t want to get hooked just yet. Pagkatapos ng wedding, it was the most entertaining path out of the city hall. Kasama namin ang mga yaya nila, si Natasha, at saka si Attorney Rivera. Apparently, sinundo pala nang maaga ni Elton sila tita Nonnie at iba pang kasambahay samantalang mag-isa namang nag-commute si Attorney Rivera. Kinumbinsi lang siya ng mga matatanda na sumama sa byahe namin for a little celebration at hindi naman nakatanggi si Attorney. Kasi kung ako lang din naman siya, sasama talaga ako. Charot. Mayamaya pa, naani
Parang nagpipigil ng ngiti itong si Elton nang makita ako. Nakabukas ang pinto ng sasakyan at nakaupo siya sa loob nito, nagmamasid mula roon habang hinihintay kaming dalawa ni Natasha. Tinaasan ko siya ng kilay. “Gandang ganda?” pang-aasar ko sa kanya. Tinawanan lang ako ng loko. “Hindi ka naman makapaniwalang ikakasal na tayong dalawa ngayon,” hirit ko. Sinundan niya ako patungo sa passenger’s seat at binuksan ang pinto para sa akin. On the other hand, si Natasha naman ay hindi na hinintay ang kuya niyang pagbuksan siya ng pinto. Something I would do. Hindi naman kailangang buksan ni Elton ang pinto para sa akin but every time that we ride inside his ca
Gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil hindi ko namalayang ngayon na nga pala ako ikakasal. Mabuti na lang talaga at maaga akong nagising dahil sa hindi ko maipaliwanag na rason ngunit ito na nga ang biggest day – malalaman ko na kung mabubuhay ba ako nang matiwasay o panghabang buhay kong ire-regret ang desisyong pakasalan si Elton para lamang matakbuhan niya ang forced wedding na siyang in-arrange for him kung sakaling hindi pa rin siya magpapakasal beyond the age of 31 years old. Nagkanda-ugaga na ako matapos imulat ang mata – nilinis ang higaan, nilinis ang bahay, nagsipilyo, at naligo in such a short period of time. Wala na akong natitirang gamit na pinundar ko noong dalaga pa ako – tanging natitira na lang ang kama na talagang kasama na kapag nirentahan mo ang apart
“Are you really sure about marrying that girl?” I almost choked on my coffee upon hearing my Mom’s question. Instantly, my brows furrowed. “You seem to dislike Rhea a lot, Mom. I am a hundred percent sure about marrying her. She’s so much better than any girl you’re trying to set me up with,” I timidly answered, then sipped coffee from my cup. It was a hot afternoon inside my Dad’s study room where me and my Mom just went to talk about things. She said, “You know, anak, hindi ako nanghihimasok sa buhay mo pero you should know that you’re a high profile person. Magiging tagapagmana ka ng leading smartphone brand ng Pilipinas, Elton. With that, you
Hindi ko inasahang marami rin palang tao ang dadalo sa family planning counselling dito sa may city hall. Ibig sabihin lang niyan ay marami rin palang gustong lumayo sa tradisyonal at maging non-religious ang wedding. Kadalasan ng mga tao rito ay couples (of course, that's given already), at kadalasan ay mga nakasuot ng puting damit. Ano ba ang mayroon? Ako rin kasi ay nakasuot ng white na top tapos puting palda na pang-work."Alam ninyo, couples, one thing that Filipinos do not understand ay hindi mo kailangan i-rush ang lahat ng bagay," anang speaker namin. Mayamaya pa, nilipat na niya sa susunod na slide ang presentation niya na pinapakita sa malaking screen sa gitna ng room na ito. "Alam naman ang palaging sinasabi na the more, the merrier, pero hindi 'yon magandang mindset sa pagbuo ng isang pamilya. Hindi ako nangshe-shame ngunit harapin na natin ang katotohanang ang pinakamahihirap na tao ang may pi
Hindi ko inasahang magiging madali lang pala ang proseso ng arrangement ng civil wedding naming dalawa ni Elton. ‘Yon ang advantage ng pagiging mayaman – mayroon silang lawyer and someone can arrange stuff easily for them. Of course, it takes a little bit of monetary compensation for their service pero tulad nga ng lagi kong ina-argue, ang gastos ng mayayaman sa ganito ay para bang barya lang. Kung ako kay Elton, magco-consult na lang ako by myself than hire a lawyer. Pero dahil nga desperado na siya magpakasal, then I can’t do anything about that. Like always, impractical ang mayayaman. I just finished taking a bath at magsisipilyo na lang ako. Kumuha ako ng baso mula sa maliit kong cabinet dito sa loob ng banyo. Just when I started brushing my teeth, nag-ring ang phone ko