NINANAMNAM talaga niya ang hininga ng binata habang nakapikit siya. Pagmulat niya ng mga mata ay nasa gano’n pa rin itong posisyon. Wala itong reaksyon at matiim lang na nakatitig sa kanya.Maya-maya ‘y bigla na lang itong lumayo sa kanya at humalakhak ng malakas. Hawak pa nito ang tiyan.“Ay, ang OA talaga! Tawang-tawa? Anong akala mo sa ‘kin, clown? Pambihira!” medyo may pagkairitang sambit niya.hindi niya alam kung bakit siya nakaramdam ng inis at panghihinayang. Naiinis siya dahil pinagtripan lang pala siya nito at ginawang katatawanan. At panghihinayang dahil buong akala niya ay hahalikan siya nito.“Teka, huh, bakit ba ‘yon pumapasok sa isip ko? Kasalanan mo ‘to, eh!” wala sa sariling sambit niya.Mukhang hindi nito napapansin ang pagkairitang nakapinta sa mukha niya dahil hindi pa ito tapos sa kahahalakhak at halos maluha-luha pa ito.NATIGIL lang sa kanyang paghalakhak si Jacob nang mapansing tumahimik na ang dalaga at hindi na maipinta ang mukha. Nakaramdam tuloy siya ng kon
MUKHANG kumalma na ang dalaga dahil ito na mismo ang kumalas sa pagkakayakap niya rito.“So-sorry, ha? Kasi, alam mo naman, wala akong kamag-anak at kaibigan na mapagsasabihan o mapaglalabasan ko ng hinaing. Magaan ang loob ko sa ‘yo kaya siguro nagawa ‘kong ikwento ang masalimuot kong buhay.”“From now on, I will always drop you off and pick you up. Or, if I can’t, my bodyguards are just there. Basta kung may pupuntanahan ka man, kailangan mong magsabi at magpaalam sa ‘kin, okay? My bodyguard is also your bodyguard. Hindi na kita papayagang lumabas o lumakad ng mag-isa. Asahan mong kahit saan ka magpunta, ay may nakasunod sa ‘yong bodyguard.”“Thank you, Jacob. Alam mo bang dahil sa sinabi mong ‘yan, nawala na ang takot ko na araw-araw kong nararamdaman? Ngayon ay mapapanatag na ang kalooban ko. Makakalakad na ako sa labas ng walang iniisip na nakaambang panganib.”Nabigla siya nang ito na mismo ang kusang yumakap sa kanya. Ramdam na ramdam niya ang pagkakadikit ng malambot na katawa
HALOS limang araw ang inilagi ni Michaela sa mansyon. Sa limang araw na iyon ay hindi rin umalis si Jacob. Nanatiling nakasunod at nakasubaybay lang ito sa ginagawa nilang pag de-decorate.Ayaw kasi ng binata na mag-hire nang mga sikat na designer na pwedeng mag decorate kahit kayang-kaya namang bayaran dahil mas gusto nito na sila ang gagawa dahil lalabas daw ang pagiging natural.Ang gusto kasi ng binata ay iyong pang old fashioned na nature and garden design dahil nga nature lover ang mommy nito at mahilig magtanim ng iba ‘t ibang klase ng mga bulaklak at halaman.Pagkatapos mananghalian ay pumasok siya sa maid’s quarter para ayusin ang tinutulugang kama at iligpit ang iba pang mga gamit dahil ngayong araw ay aalis na sila ng binata. habang nagliligpit siya ay siya namang pagpasok ni nanay Minerva.“Alam mo ba, anak. Sa maikling araw na pamamalagi mo rito ay napalapit na ang loob ko sa ‘yo. Sana, kapag mayroon kang bakanteng oras ay maisipan mong pumarito ulit,” malungkot nitong sa
HINDI agad sila makaalis-alis kahit na kanina pa sila nakapasok sa sasakyan at pinaandar na ng binata ang makina dahil sa napakaraming bilin at pagpapaalala ni nanay Minerva sa kanilang dalawa.Ganito pala ang pakiramdam ng may magulang na nag-aalala at nagpapaalala. Napakaswerte ng binata dahil kahit na hindi man nito kasama ang mga magulang ay may nanay Minerva itong nagsisilbing ama at ina rito.“Hijo, Jacob. Magdahan-dahan ka sa pag da-drive, ha? Huwag masyadong magmamadali lalo na at may kasama ka. Huwag palaging magpapalipas ng gutom dahil kapag nagkasakit ka, naalala mo ba kung paano kita paluin sa p*wet no’ng bata ka pa? gagawin ko ulit sa ‘yo ‘yon kahit pa matanda ka na.”“Nanay, palagi mo nang sinasabi sa ‘kin ‘yan kapag umuuwi ako rito. Halos makabisado ko na nga ‘yang linyahan niyo, eh. Nakakahiya naman dito sa kasama ko na naririnig niya lahat ng mga sinasabi niyo sa ‘kin,” tukoy nito sa kanya habang nanunulis ang nguso.“Aba ‘y sumasagot ka pa talaga! Kapag hindi mo talag
KINABUKASAN ay balik ulit sila sa dating gawi. Maaga ulit na naghihitay kay Michaela ang binata sa labas nang kanyang tinutuluyan para sabay silang pumasok.Pagdating nila sa restaurant ay sabay din sana silang papasok nang biglang mag-ring ang cellphone nito.“Go in first, I’ll just answer this caller,” tukoy nito sa hawak na cellphone na kasalukuyang tumutunog pa rin.Tinanguhan naman niya ito bago tumalikod at pumasok sa restaurant. Habang naglalakad ay pinagmamasdan niya ang dining area habang may kakaunting customer pa lang ang nakaupo.Napailing na lang siya habang nagmamasid. Iba rin talaga ang style ng mayayaman. Ultimo kumakain na lang ay nagtatrabaho pa rin. May nakikita siyang habang nagkakape ay nakaharap sa laptop at panay ang pindot. Ang iba naman ay may pinipirmahang mataas na patong ng mga papel. Mayroon ding may ka-business call o di kaya ay may mga ka-meeting na kliyente. Halos araw-araw ay ganoon ang sitwasyon na nadadatnan niya tuwing papasok siya sa umaga.Iyong
KUNG hindi lang naalala ni Michaela na nakikinig lang pala siya sa usapan ng mga ito ay baka kanina niya pa ito nilusob at sinabunutan.“Alam mo Glydel, may ginagawang hakbang si Nessa na kami lang ang nakakaalam. At sa tingin ko, may kakaibang namamagitan diyan sa pulubing waitress at kay Jacob. Nakikita mo naman, ‘di ba? Sabay silang pumapasok at sabay ding umuuwi, at ang masaklap pa, Nawala sila ng halos limang araw ng magkasama. Kaya kung ako sa ‘yo, mag-isip ka ng mabuti bago mo kami suwayin. Dahil kung ako lang, kaya naman kitang pagbigyan diyan sa kagustuhan mo. Eh kaso, ibahin mo si Nessa. Iba ang likaw nang bituka no’n. Gagawin no’n ang lahat ng gusto niya at walang makakapigil,” pinal na sambit ni Geneva bago nito talikuran si Ms. Glydel.Agad naman siyang umalis sa pintong pinagkukublian dahil papunta na si Geneva sa direksyon niya.Ngayon ay malinaw na sa kanya ang lahat. Noong mga oras na pinakitaan siya ni Ms. Glydel ng hindi maganda ay nandoon din si Geneva. Ito pala an
PAGPASOK ni Jacob sa kanyang opisina ay nabungaran niya si Geneva na prenteng nakaupo sa harap ng kanyang working table habang nakadekwatro ang mga binti. Napabuntung-hininga na lang siya ng malalim para pigilan ang nararamdaman. Dumagdag pa ito sa init ng kanyang ulo.“Geneva, what brings you here? Napadalaw ka ulit. At saka sino ba ‘ng nagpapasok sa ‘yo rito? Mukhang malakas ka sa manager ko, ah! Hindi porket magkaibigan tayo ay pwede ka nang basta-basta na lang pumasok dito ng walang pahintulot ko,” diretsong sambit niya rito na may pagkairita sa tono.Ipinakita niya rito na hindi siya natutuwa sa ginawa nito at pati na rin sa presensya nito.“Bakit parang mainit yata ang ulo mo ngayon sa ‘kin? Sa pagkakaalala ko, pangalawang beses ko pa lang ngayon na pumunta rito dahil wala ka no ‘ng nakaraan. Halos limang araw kang nawala ayon sa manager mo. Paano ko nalaman? Halos araw-araw akong pumupunta rito pero dahil wala ka, umuuwi na lang ako. Tapos ganyan pa ang magiging treatment mo sa
SA BAWAT araw na dumaraan na lagi silang magkasama ni Jacob sa tuwing papasok at sa pag-uwi ay marami na rin ang nakakapansin ng palagian nilang magkasama. Ang iba ay nagtatanong kung may relasyon ba sila o kung nililigawan ba siya ng binata.Ang iba naman ay may konklusyon na sila ay magkasintahan na mariin namang itinanggi ni Michaela. Aniya, mabait lang sa kanya ang binate kaya isinasabay siya nito sa pagpasok maging sa pag-uwi.At kung may relasyon mang namamagitan sa kanila, pagiging magkaibigan lang at wala ng iba. Marami ang naiinggit sa kanya na katrabaho dahil sa dinami-rami nilang empleyado ng binata ay siya lang daw ang namumukod tanging isinasabay nito sa sasakyan.May mga natutuwa naman para sa kanya at mayroon namang hindi. Karamihang hindi natutuwa sa kanya ay iyong mga babaeng may lihim na gusto sa binata.Isang umaga ay maaga muli siyang dinaanan ng binata kaya maaga rin silang nakarating sa restaurant. Alas siete pa lang ay nandoon na sila, at may isang oras pa siyan
TUWANG-TUWA si Michaela at lihim na kinikilig dahil sa ginagawang pagsisilbi sa kanya ni Jacob. Siguro kaya naging mainitin ang ulo niya dahil sa tagal na hindi ito nakita. May ideya na siya kung bakit ganoon ang kanyang pakiramdam, at nakumpirma niya iyon nang aksidente niyang marinig ang usapan ng tatlo sa kusina.Balak kasi niyang hilahin si Jacob pabalik sa kwarto dahil gusto niya itong masolo kaya bumalik siya, pero iyon na ang eksenang narinig niya. Akala ng mga ito ay wala siyang ideya sa nangyayari sa kanya at nararamadaman niya.Kaya nga nakokonsensiya siya sa nagawang hindi pagimik minsan kay nanay Minerva at pagsusungit kay Claire. Inaasahan naman talaga niya na mabubuntis siya dahil hindi gumagamit ng proteksyon si Jacob kapag may nangyayari sa kanila.Inaakala pa ng mga ito na baka hindi niya matanggap kung sakali mang buntis siya dahil lang sa bata pa siya. Hindi lang alam ng mga ito kung gaano siya kasaya kung totoo mang buntis siya dahil handa siyang maging isang ina la
TAKANG-TAKA si Jacob kung bakit ganoon ang inaasal ni Michaela. Parang may nagbago rito dahil hindi naman iyon ganoon dati.“Claire, kailan pa siya naging ganiyan?” tanong niya sa kaibigan nito na hanggang ngayon ay naroroon pa rin sila sa kusina.“Siguro po, mga one-week na po, Sir. Kahit nga po ako ay nagtataka na rin sa mga ikinikilos niya. Hindi naman siya dating ganyan, eh. Halos araw-araw palagi nga siyang excited gumising para maglakad-lakad kami sa tabing-dagat. At saka dati, ayaw niya ng may natitirang pagkain kasi nasasayangan siya. Pero ngayon nag-iba na siya, eh. Kahit nga ang dating biruan namin kapag ginagawa ko sa kanya ngayon, galit na galit na siya at bigla na lang hindi iimik. Minsan naman, bigla na lang mag wa-walk out at saka iiyak sa kwarto ng mag-isa. Kaya hindi ko na rin po mahulaan, eh,” mahabang litanya nito.“Sige-sige, salamat. Kakausapin ko na lang siya mamaya,” sagot niya.“Hijo, palagay ko ‘y buntis si Michaela,” wika ni nanay Minerva na bigla na lang pum
NAGTATAKA na si Michaela kung bakit halos isang buwan na ang nakalilipas pero hindi pa rin bumabalik si Jacob sa isla. Miss na miss na niya ito at hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit labis-labis ang pagnanais niya na makita ito.Naiinis siya at nagagalit sa tuwing naiisip niya na dapat ay nasa tabi niya ito ngayon. Lalo na ngayong hindi maganda ang kanyang pakiramdam. Madalas siyang mahilo at humihilab din ang kanyang sikmura.Kaninang umaga nga ay sumuka siya ng sumuka sa banyo pero parang wala namang lumalabas. Matamlay din siya at walang ganang kumain. Ang tanging gusto lang niya sa mga sandaling ito ay ang presensiya ni Jacob.“Hoy, Be. Pinapatawag ka ni nanay Minerva, kumain ka na raw kasi hindi ka raw kumain ng maayos kanina,” wika ng kaibigan niya.Kasalukuyan siyang nasa terrace habang nakapangalumbaba, na wari ‘y ang tanawin na lang doon ang nakapagbibigay sigla sa kanya.“Wala nga akong ganang kumain, eh. Ang gusto ko, si Jacob. Kailan ba ulit darating iyong tauhan
“HOY BABAE! Ipaliwanag mo nga sa ‘kin kung bakit ang sungit-sungit mo kagabi? At saka, ang sabi mo, baka matagalan ka lang doon, eh buong gabi kang naroon, eh! Tsk!” bungad agad sa kanya ng kaibigang si Claire pagkapasok niya ng silid.Maaga siyang nagising kaya nagpasya siyang bumalik na sa sariling silid para maligo. Pakiramdam kasi niya ‘y nanlalagkit ang buo niyang katawan dahil pinagpawisan sila kagabi ni Jacob dahil sa nakakapagod at nakakaantok na ginawa nila.“Ano ka ba, wala lang iyong pagtataray ko sa ‘yo kahabi, ‘no? Nainis lang talaga kasi ako kay Jacob dahil sa maling akala ko. Nadamay ka pa tuloy sa inis ko,” paliwanag niya.“Bakit hindi ka na nakabalik dito kagabi? May ginawa kayo, ‘no?” mapang-asar nitong tanong.“Eh ano naman sa ‘yo kung may ginawa kami? Bakit, inggit ka?” pang-aasar din niya rito.“Ako, maiinggit?” turo pa nito sa sarili. “Hindi kaya! Sapat na sa ‘kin sina nanay at tatay, pati na rin si kuya para maging masaya at kontento ako sa buhay.”Bigla siyang
NANG MAKABAWI si Jacob mula sa panghihina dulot ng ginawang pagpapaligaya sa kanya ni Michaela, ay ito naman ang pinahiga niya sa kama. Magmamatigas pa sana ito pero wala rin itong nagawa dahil mas malakas siya rito.“Ang sarap ng ginawa mo, ha? Saan mo ba iyon natutunan?” tanong niya rito habang kinakagat-kagat ang punung tainga nito.“Bakit, lahat naman ng bagay ay kayang matutunan kapag gusto, ‘di ba?” may himig pamimilosopo sa tinig nito.“Ang ibig kong sabihin, paano? Saan? Eh, ngayon mo lang naman ito ginawa sa ‘kin?”“Sa mga kaklase kong babae sa eskwelahan. Madalas silang manood ng p*rn kapag vacant period namin. At saka, nagkukwento rin sila ng mga karanasan nila sa sex dahil karamihan sa mga kaklase ko ay may mga asawa ‘t anak na,” paliwanag nito.“Akala ko, may ibang lalaki ka nang pinagpraktisan.”“Ang kapal mo, ha? Ikaw lang ang lalaking nakasiping ko, ‘no? Wala nang iba!” inis na sagot nito.“Bakit ka nagagalit? Akala ko lang naman ‘yon,” pagkatapos ay dumausdos ang halik
GULAT NA GULAT si Jacob nang pagbukas niya ng pintuan ng banyo dahil katatapos lang niyang maligo, ay nakatayong si Michaela ang nabungaran niya. Seryoso itong nakatingin sa kanya, at nararamdaman niyang may bahid iyon ng galit.“Ela, sweetheart. May…problema ba? Ginulat mo naman ako,” wika niya rito.“Sabihin mo nga sa ‘kin ang totoo, naaawa ka ba at nakokonsensiya kay Vanessa kung makukulong man siya?” seryosong tanong nito. Sinundan pa siya nito hanggang sa walk-in closet.Kahit na tinanggal na niya ang tuwalyang nakapulupot sa katawan niya, ay hindi man lang ito natinag. Patuloy pa rin ito sa pagsasalita.“Sagutin mo ang tanong ko, Jacob!” galit na sambit nito.Kunut-noo siyang napalingon dito dahil parang kakaibang Michaela ang kaharap niya ngayon. Iba yata ang galit na pinapakita nito.“Sweetheart, ano ba ang nangyayari sa ‘yo? ano ba ang ikinagagalit mo? Bakit ka nagkakaganyan?” malumanay na tanong niya at sinubukang yakapin ito ngunit mabilis itong lumayo sa kanya.“Jacob, aya
MASAKIT sa kalooban ni Michaela na parang ang dami-daming excuses ni Vanessa para lamang makaligtas ito sa pagkakakulong. Talagang pati ang pagbubuntis ay ginamit na rin nitong dahilan, may maidahilan lang.Hindi siya papayag na hindi ito magbayad sa ginawa nitong kasalanan sa kanya, pasalamat na nga ito at pinatawad na ito ni Jacob. Pero para sa kanya, nararapat lang na makulong ito. Hindi magbabago ang isip niya kahit anong gawing pakiusap nito.Tuso ito at mapanlamang, alam niya ‘yan. Gagawa at gagawa ng paraan ang babaeng iyon huwag lang makulong. Pero pasensiyahan na lang, dahil nawalan na siya ng konsensiya at pagkaawa para rito.Isang katok ang narinig niya mula sa labas ng pintuan ng kanyang silid. Kasalukuyan siyang nagsusuklay ng buhok habang nakaharap sa salamin.“Be, ako ito,” wika ng kaibigan niya sa labas.“Pasok ka, Be,” sagot niya.Pumasok ito at umupo sa paanan ng kanyang kama habang pinagmamasdan siya sa pagsusuklay ng buhok.“Be, alam ko kung ano ang nararamdaman mo
MASAYANG naghahanda si Michaela para sa lulutuin niyang dinner katulong ang kaibigan niyang si Claire. Kahit na wala sa tabi niya si Jacob, ay hindi siya nakakaramdam ng pangungulila at pagkabagot dahil sa presensiya ng kaibigan niya at kay nanay Minerva na rin.Kasalukuyan siyang naghahalo ng niluluto niya nang bigla na lang may mga brasong pumupulot sa baywang niya. Kahit hindi niya ito lingunin, alam niyang si Jacob iyon sa amoy pa lang nito at tigas ng katawan.Kaya pala kanina pa siya daldal nang daldal, ay walang Claire na sumasagot. Iyon pala’y naroroon na ang binata.“Ang bango naman niyang niluluto mo, sweetheart,” wika nito sa tapat ng tainga niya, bahagya pa nito iyong kinagat na siyang nagpatayo sa mga balahibo niya sa katawan.“Ja-Jacob, nakakahiya! Baka makita tayo nina nanay Minerva at Claire!” kinakabahang wika niya.“Ngayon ka pa ba mahihiya? Eh alam naman nila na magkarelasyon tayo, kaya walang masama sa ginagawa natin ngayon kahit na makita pa man nila tayo,” sagot
ABALA si Jacob sa pagpipirma ng mga papeles sa loob ng kanyang opisina sa kompanya niya sa Maynila. Pinili niyang personal na pumunta roon para naman kahit paano, ay masilayan man lang niya ang mga nangyayari sa loob nito dahil sa sobrang dalang niyang makapunta roon.Tambak pa ang mga pipirmahan niya. Katatapos niya lang sa isang patong, at kinabig niya palapit sa harapan niya ang isang panibagong patong upang ito naman ang pirmahan. Habang kasalukuyan siyang nagpipirma ay biglang nag-ring ang kanyang cellphone. Nakita niyang si Ethan ang tumatawag.“Yes, Mr. Baltazar?” bungad niya sa kabilang linya.“Busy ka ba, Mr. Perkins?” tanong nito.“Yes! I’m here in Manila, sa Perkins Autocar, in my company. Why?” sagot niya habang abala pa rin sa pagpipirma.“Gusto lang sana ulit kitang makausap ng personal. Pero maghihintay ako kung kailan ka may libreng oras.”“About what?” kunot-noong tanong niya.“Hindi ko masasabi sa ‘yo rito, eh. Personal talaga.”“Okay. Bukas, free ako ng umaga, puntah