Mahal na mahal ni Hannah si Jared. Sampung taon na silang magkasintahan at ikakasal na, pero may ibang pakiramdam si Hannah sa kanyang fiancee. Pakiramdam niya ay m ay iba na ito kaya malamig na ang pakikitungo ni Jared sa kanya. Lalo pa siyang nag-isip nang makilala niya si Jane, ang buntis na kaibigan ni Jared.
View MoreKahit ayaw niya ay napilitan si Hannah na magtanong kay Aldred dahil sinabi nga ni Simon na hindi sa kanya galing ang flowers na iyon. Kahit kaharap si Jane ay hindi na niya iyon inisip pa. Basta, ang mahalaga ay malaman niya kung sino ang nagbigay noon."Ah, excuse me. Pwede bang mmakausap muna kita?" tanong ni Hannah, agad na nagtaka si Aldred pero pumayag pa rin siya."Ah, oo. Sige. Tungkol saan ba iyon?" tanong ni Aldred.Agad namang lumayo ang dalawa bago sagutin ni Hannah ang tanoing ng binata dahil ayaw niyang marinig ni Jane kung ano ang pag-uusapan nila."Ah, sa iyo ba galing 'yong bouquet of red roses na nandoon?" tanong ni Hannah sabay turo sa lamesa kung nasaan 'yong roses.Agad namang nagbigay ng nagtatakang mukha si Aldred. Mukhang walang alam sa sinasabi ni Hannah. Sa loob-loob tuloy ng dalaga ay parang napahiya siya."Iyon? Hindi, hindi naman ako um-order ng flowers para sa iyo," sagot ni Aldred, tumango-tango na lang si Hannah bilang tugon."Ah, okay. Salamat. Hindi k
Makalipas ang ilang oras habang sila ay nagtatrabaho ay nagulat si Hannah nang kausapin na naman siya ni Simon. Mahina lang ang kanilang boses dahil ayaw nilang marinig sila ng iba at baka mawala pa ang focus nito sa mga ginagawa. "O, pagod ka na ba? Baka kailangan mong magpahinga muna. Umupo ka muna kaya roon para umayos ang pakiramdam mo? Nakakaawa ka na eh." Agad na tiningnan nang masama ni Hannah si Simon. Kaya pa naman kasi talaga niya ang kanyang trabaho, hindi niya lang alam sa lalaking nasa harapan niya kung bakit pinapatigil siya nang pinapatigil. Noong isang araw pa ito, noong nagbigay siya ng day-off sa kanilang dalawa ni Mary. "Ano na naman ba ang iniisip mo? Nakailang pahinga na ako noong mga nakaraang araw. Aba, baka naman sabihin na nila sa akin na parang ginagawa ko na lang na laro ang lahat ng ito kung magpapahinga pa rin ako ngayon," inis na sagot ni Hannah. "Ah, sinasabi ko lang naman. Nakita ko kasing pagod ka na, kanina pa rin kasi tayo nagtatrabaho. Concerned
Pero, alam naman niya sa kanyang sarili na dapat ay kay Jared siya mainis dahil siya naman ang nagpapunta kina Aldred at Jane sa amusement park.Agad na lumapit si Mary nang umalis na 'yong tatlo sa harapan ni Hannah. "Wow, ibang klase 'yong sinabi mo roon kanina ah? Ang tapang mo" masayang sabi ni Mary.Napailing tuloy si Hannah sa sinabi ni Mary."Hay, naku. Ikaw talaga. Kung anu-anong sinasabi mo pa dyan. Kung ako sa iyo ay magtrabaho ka na kasi marami pa tayong gagawin," sagot ni Hannah, halata ang pagod sa kanyang mukha pero sinubukan pa rin niyang ngumiti."Pero, grabe ang tingin sa iyo ni Sir Aldred, ha? Sure ako, kakaiba ang tingin na iyon. May meaning 'yon no?" hirit pa ni Mary kaya himapas siya ni Hannah sa balikat."Aray ko naman!" "Ikaw, alam mo? Kapag hindi ka pa tumigil, ikaw ang ipapalit ko kay Aldred, sige ka. Gusto mo ba na ikaw ang magbantay sa babaeng iyon?" banta ni Hannah dahil ayaw ni Mary tumigil sa kaka-asar sa kanya.Napuno naman tuloy ng takot ang mukha ni
"Sir Jared, ganito lang naman ako sa kanya ngayon kasi ganito ang sitwasyon namin. Aba, intindihin mo naman sana 'yon? Pero, kung worried ka sa kanya, paalisin mo na siya rito," sabi ni Hannah.Saglit siyang napatingin kay Aldred kaya may idea na pumasok sa isip niya."O kung gusto mo ay may i-aasign ako na tao na magbabantay sa kanya kapag nandito kami sa trabaho para hindi ka na mag-alala pa sa kanya?"Natatawa na lang si Hannah sa isip-isip niya. Hindi naman kasi alam ni Jared kung ano ang naiisip niyang plano."Maganda iyan, mas mabuti nga na ikaw na ang magbantay sa kanya kapag nandyan kayo at nagtatrabaho. Hindi na talaga ako mag-aalala noon," sagot ni Jared."Alam mo naman Jared na impossibleng mangyari iyon dahil busy akong tao," sagot ni Hannah pagkatapos ay pinatay na ang tawag.Pagkababa ng tawag ay biglang nagsalita si Jane."Miss Hannah, hindi naman na ako bata. Hindi mo na ako kailangan protektahan dahil kaya ko namang protektahan ang sarili ko."Dahil sa sinabi ni Jane a
Natigil lang ang lahat ng pag-uusap nila nang biglang may pumaradang kotse sa di kalayuan. Dahil hindi naman pamilyar ang kotse na iyon kay Hannah ay labis tuloy ang pagtataka niya kung sino ang taong iyon at kung bakit pumunta ito sa amusement park.Pati si Simon ay parang naguguluhan na rin dahil sa dami ng taong pumupunta sa amusement park nang walang paalam. Hindi niya tuloy mapigilan na tanungin si Hannah kung sino ang may ari ng kotse na iyon."Sino na naman kaya iyan? Ano 'to? May bago na naman tayong katrabaho?""Ah, hindi naman siguro. Hindi ko rin kasi kilala 'yang kotse na iyan. Hindi pamilyar sa akin," sagot ni Hannah.Ilang minuto pa ay bumaba na ang may-ari ng kotse. Nanlaki ang mga mata ni Hannah dahil si Jane pala iyon.'Anong ginagawa niya rito? Iinisin na naman ba niya ako? Lumayo na nga ako, lapit pa nang lapit sa akin. Ano kayang meron?'Mas lalong nainis si Hannah dahil hindi lang si Jane ang pumunta sa amusement park. May kasama pa siyang bodyguards. Sigurado si
Habang sila ay nagtatrabaho, kinausap ni Hannah si Simon. Hindi na kasi niya mapigilan ang inis na nararamdaman niya rito dahil kung anu-ano na ang ginagawa at sinasabi nito kanina pa. Nahihiya na siya kay Aldred dahil sa behavior ng taong kasama niya."Simon, alam mo? Para kang ewan," panimula ni Hannah.Tinapunan naman ni Simon ng nagtatakang mga mata si Hannah. Para bang nabingi siya sa sinabi ng dalaga."Anong para akong ewan? Hindi kita maintindihan," sagot ni Simon.Seryoso ang mukha ni Simon, talagang hindi niya pala iniintindi kung ano man ang sabihin ng dalaga sa kanya. Siguro, sa sobrang ka-busyhan ay hindi na maisip pa ni Simon na kausapin pa ang mga tao sa paligid niya.Pero, hindi naniniwala si Hannah sa reaksyon nito. Kilala niya si Simon bilang matalino at mabilis maka-getsng mga bagay kaya malabo ang inaakto nito sa harapan niya."Parang ewan, 'yong ganyan? 'Yong mga taong alam naman nila ang ginagawa nila o di kaya ay alam naman kung anong ginagawa sa kanila pero ang
"Mister - What is your name again?" tanong ni Simon, napailing na lang si Hannah dahil sa inaasta ni Simon. "Aldred Falcon. I think we've seen each other before. Kapatid ako ni Jared," sagot ni Aldred, nagulat man si Simon ay hindi niya iyon pinahalata kina Aldred at Hannah. "Ah, mukhang marami na talaga ang nasa isip ko. Hindi ko na tanda na nagkita pala tayong dalawa. Anyway, para mapabilis ang trabaho natin ay hahatiin natin iyon. Mr. Falcon, you will be paired with Mary, samantalang ako ay kay Hannah. Are we clear on that?" Lalong nanlaki ang mga mata ni Hannah noong marinig niya iyon. Parang gusto na lang niyang magpakain sa lupa dahil sa hiya na kanyang nararamdaman. Sa isip-isip niya ay parang si Simon ang anak ng may ari ng Falcon Group at parang siya na rin ang CEO dahil sa kung paano siya magsalita. Hindi niya alam kung anong meron kay Simon ngayon at para bang sobrang mainit ang ulo nito kanina pa. Parang ang dali lang para sa kanya na utusan si Aldred kahit alam
Bago pa man pumunta sa amusement park sina Hannah at Mary ay biglang nag-pop up ang isang message sa cellphone ni Hannah kaya agad niya iyong binasa. HARRY: Talagang patay na patay sa iyo si Jared ano? Ano ba ang ginawa mo sa kaibigan ko? May pinakain ka ba roon para mabaliw sa iyo ng ganoon iyon? Aba, sa bilyaran ko siya nagkalat eh. Binasa lang ni Hannah iyon at hindi na siya sumagot. Para sa kanya kasi ay tapos naman na ang relationship nila kaya wala nang dapat pang i-reply. Ano naman ngayon kung nagwala si Jared sa bilyaran ni Harry? Problema na nila iyon. Agad na tinago ni Hannah ang kanyang cellphone pagkatapos ay gulat na gulat siya nang makita si Simon na busy na busy na sa pagtatrabaho. Tinanong niya si Sir Fritz kung anong oras pa pumasok si Simon at ang sabi ay 5 AM pa lang daw ay naroon na siya. Natawa na lang si Mary habang si Hannah ay manghang-mangha kay Simon. "Tingnan mo 'tong si Sir Simon, siya 'tong nagsasabi sa atin na huwag tayong masyadong magtrabaho
Tanghaling tapat pa lang ay umiinom na ng alak si Jared sa bilyaran ni Harry. Walang katao-tao roon kaya solo niya ang bilyaran. Ni hindi pa nga pumupunta 'yong may ari ay nakapasok na siya dahil binigyan siya noo Harry ng susi. Gulat na gulat si Harry nang makita si Jared na hawak ang cue stick pagkatapos ay hawak din ang isang bote ng beer sa isa pang kamay. Nagkalat din ang ilang boteng bukas na sa tabi ni Jared. Paglapit pa lalo ni Harry ay amoy na amoy niya ang alak na halos nakadikit na sa katawan ng kanyang kaibigan. "Seryoso ka ba? Tanghaling tapat ay nandito ka? Umiinom? Wala ka bang pasok sa kumpanya niyo ngayon?" bungad ni Harry kay Jared kaya tinapunan niya ito ng masamang tingin. "Bakit pa ako papasok doon e hindi naman ako sinusunod ng empleyado ko? E di, wala rin. Dito na lang ako, maglalaro. Pwede ko pang gawin ang lahat ng gusto ko," sagot ni Jared kaya alam agad ni Harry na may problema ang kaibigan. "O, mukhang mabigat ang problema natin, ah? Share mo naman! Na
“Sabihin mo nga ang totoo sa akin, pare. Kamusta kayo ni Hannah? May nangyari na ba sa inyo?” tanong ni Roldan kay Jared, dahilan para hindi tuluyang pumasok si Hannah sa loob ng bahay.Nakita ni Hannah na nakaupo si Jared sa sofa habang kausap si Roldan. Hawak nito ang isang beer. Nag-iinuman pala sila, ni hindi man nagpaalam kay Hannah.“Sinusubukan niya, pero hindi naman ako interesado. Bakit mo natanong?” sagot ni Jared na nagbigay ng sakit sa puso ni Hannah.“Ha? Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Si Hannah na ang lumapit sa’yo, hindi mo man lang pinansin? Ang dami kayang nagkakagusto sa kanya,” sagot naman ni Roldan, hindi makapaniwala sa sinagot ni Jared sa kanya.Ang kausap niya ay si Roldan, isa sa mga matalik niyang kaibigan. Isa siya sa mga nakakita kung paano magmahalan sina Jared at Hannah sa lumipas na sampung taon. Hindi lubos maisip ni Hannah na niloloko lang pala siya noong dalawa.“Ayaw ko sa kanya, naiintindihan mo ba ‘yon?” nakasimangot na sagot ni Jared.Labing apat n...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments