Pagkatapos noon ay tumingin na si Jane kay Hannah. Kitang-kita sa mukha niya ang hiya na nararamdaman dahil sa ginawa ng kapatid niya kay Hannah.
“Pasensya ka na sa ginawa ng kapatid ko, Hannah. Hindi na talaga mauulit,” sabi ni Jane. Tumingin si Jared kay Erick. “Wala kang pakialam, sa susunod na may gawin ka ulit, wala nang tutulong saýo. Naiintindihan mo ba ýon?”galit na sabi ni Jared. “Sino ka ba? Bakit mo sinasabi ‘to? E kung payag ka na maging bayaw ko, sige. Makikinig ako saýo,”sagot naman ni Erick. “Erick!”sigaw ni Jane.” “Ate, gusto ka niya. Kung hindi, bakit ka niya sasamahan mula araw hanggang gabi para lang bantayan ka?” sabi ni Erick. Dahil sa sinabi ni Erick ay naging malinaw ang lahat para kay Hannah. Kaya pala ilang gabing wala si Jared sa tabi niya ay dahil kasama nito ang babaeng nasa harapan nila ngayon. Kung sabagay, asawa siya ng kapatid ni Jared, kaya kailangan talaga na alagaan siya ni Jared. Pero kailangan ba talagang araw-araw niyang alagaan si Jane kahit na alam nilang may ibang tao na hindi maiintindihan kung anong sitwasyon ang meron sila? “Ano ýang pinagsasabi mo? Puro walang kwenta,”sabi ni Jane kay Erick at hinampas na naman niya ito. Natakot si Erick dahil sa ginawa ni Jane. Dahil sa takot ay tinaas niya ang kamay at napaatras siya. Sa kabilang banda ay naramdaman ni Hannah na parang may tumulak sa kanya. Nagulat na lang siya nang makita na nasa tabi na ni Jane si Jared at alalang-alala ito kay Jane. Halos yakap na niya ito. “Jane, anong nangyayari saýo? May masakit ba? Saan?”may pag-aalalang tanong ni Jared. “Ah, ang sakit ng tyan ko, Jared,” nanghihinang sagot ni Jane, labis ang pagkakahawak niya sa braso ni Jared. “Huwag kan mag-alala, dadalhin kita sa ospital. Huwag kang matatakot ha?” sagot ni Jared, natataranta na. Parang isang puno si Hannah noon, nakatayo lang sa isang tabi. Aminado naman siya na nakita na niya ang iba’t ibang ugali ni Jared, pero noon niya lang ito nakita na ganoon mag-alala. Sa ibang babae pa at hindi sa kanya. “Hannah, ikaw ang magmaneho ng sasakyan!” sigaw ni Jared kay Hannah. Nakatayo pa rin si Hannah noon. Hindi maproseso kung ano ba ang nangyayari. “Bilisan mo, kapag may nangyari sa kapatid ko, ikaw ang sisisihin ko!”sigaw ni Erick kay Hannah, hila-hila na niya ito at nagmamabilis. Nang hawakan si Hannah ni Erick ay doon lang siya kumilos. Galit siya kay Erick at sinampal niya ito. “Huwag mo akong hahawakan,”may diin na sabi ni Hannah. Kitang-kita ang latay sa pisngi ni Erick nang sampalin siya ni Hannah. Hindi makapagsalita si Jared, lalo na si Erick. Takot na takot siya kay Hannah. Hindi niya siguro inaasahan na gagawin iyon ni Hannah sa kanya. Pero ilang minuto lang ang nakakalipas ay nagsalita na naman si Erick. “”Ang baho mong babae ka.” Agad namang sumagot si Jared. “Erick, ano ba?! Tigilan mo na nga siya. Isa pang beses na may gawin ka sa kanya, ako na ang magpapasok saýo sa kulungan!”galit na sabi ni Jared. Gumana naman ang pananakot ni Jared kay Erick. Tumingin muna siya nang masama kay Hananah pagkatapos ay inis niyang inayos ang sarili pero matalim ang mga tingin niya kay Jared. “Erick!”sigaw ni Jane pagkatapos ay nakaramdam na naman ito nang pananakit sa tiyan. “Ang sakit ng tiyan ko, pakidala na ako sa ospital. Bilis,”mahinang sabi ni Jane, nakahawak pa rin siya sa kanyang tiyan. “Hannah1”sigaw ni Jared. Nang sumigaw si Jared ay pumasok na agad ng kotse si Hannah. Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan. Kitang-kita ang pag-aalala ni Jared kay Jane. “Doc, buntis po siya. Nalaglag po siya kanina tapos sumakit na po ang tiyan niya,” tarantang sabi ni Jared. Nang marinig ýon ni Hannah ay napatigil siya. Hindi na niya magawang sundan sina Jane at Jared dahil sa kanyang narinig. Parang sumabog na ang kanyang puso. Patay na ang asawa ni Jane kaya paano ito mabubuntis? Naisip ni Hannah na baka anak iyon ni Jared kaya ganoon na lang siya ka-nerbyoso. Dinala na sa emergency room si Jane, naiwan si Jared at Hannah sa labas. Hindi naman close sina Hannah at Jane kaya hindi niya masabi na nag-aalala siya sa kalagayan nito. Tiningnang mabuti ni Hannah si Jared, panay lang ang tingin nito sa emergency room. Ni hindi na nga yata niya alam na nasa tabi niya si Hannah, ang kanyang fiancée. Nang makaipon ng sapat na lakas ng loob si Hannah ay tinanong na niya si Jared. “Sayo ba ýong bata?” may nerbyos sa kanyang boses nang tinanong niya si Jared. Ayaw nang mag-isip ni Hannah kaya dineretso na niya ang pagtatanong kay Jared, nagulat naman si Jared dahil sa tanong ni Hannah. Humarap siya sa kanyang fiancée at sinagot ang tanong nito. “Ha? Ano bang pinagsasabi mo? Naiwang anak ýon ni Lyndon,” may inis sa boses ni Jared. Si Lyndon ang namatay na kaibigan ni Jared. Namatay ito sa isang aksidente. Isang buwan na ang nakakalipas. “Pinagkatiwala ni Lyndon sa akin si Jane, okay?” paliwanag ni Jared kay Hannah. Naalala ni Hannah ýong panahon na umuwi si Jared sa kanila noong araw na nawala si Lyndon. Sobrang gulo ng buhok at sobrang haba ng balbas nito. Para bang nakatakas siya sa bundok. Doon naisip ni Hannah na kailangan talagang alagaan ni Jared si Jane. Sinisisi niya ang kanyang sarili sa mga naisip niya tungkol kay Jared at Jane. Alam niyang mali iyon at nagsisisi na siya. Kinuha naman niya ang braso ni Jared at nagpaliwanag sa kung anong nangyari sa kanila ni Erick. “Hindi ko naman talaga hinawakan ang loko-lokong bata na iyon. Kung anu-ano lang ang sinasabi niya sa akin kanina.” “Hindi ka na pwedeng uminom simula ngayon,” sagot ni jared at pinisil ang pisngi ni Hannah. Sasabihin sana ni Hannah na napa-inom siya ng konti pero bago pa niya masabi iyon ay bumukas na agad ang pinto ng emergency room. Lumabas ang doktor. Lumapit siya kay Jared at deretsong sinabi na kailangan niyang pumirma ng waiver. Kinuha ni Jared ang ballpen mula sa doktor pero bago niya pirmahan ang waiver ay nagtanong siya. “Doc, kamusta na po ang sitwasyon niya ngayon?” "Pwedeng malaglag ang bata sa sinapupunan niya. May mga gagawin lang kaming tests pero, baka hindi maging tagumpay ang operasyon kaya kailangan mong pumirma ng waiver,” pagtatapat ng doktor kay Jared. “Doc, gawin niyo po ang lahat para maging maayos siya,” nagmamadaling sabi ni Jared. “Oo naman, kaya pumirma ka na,”sagot noong doktor. Mabilis na pinirmahan ni Jared ang waiver at binigay ito sa doktor.Sa isang iglap, naging isang ama si Jared ng isang batang hindi naman sa kanya. Alam naman ni Hannah na papel lang iyon at walang kahit na anong meaning pero hindi niya inakala na mangyayari iyon.Sa awa ng Diyos, okay naman ‘yong baby ni Jane. Naisalba naman ito at bumalik na agad si Jane sa ward. Nakakaawa si Jane dahil namumutla siya at namumula ang mga mata dahil sa kakaiyak niya.“Huwag ka nang mag-alala, ha? Okay na ang baby mo,” paninigurado ni Jared kay Jane.“Natatakot ako, Jared,” sabi ni Jane habang siya ay patuloy na naiyak.Agad na binigyan ng tissue ni Jared si Jane. Tinanggap naman iyon ni Jane at naghawakan pa sila sa kamay. Habang hawak ni Jane ang kamay ni Jared ay doon siya umiyak kaya may luha ang kamay nito. Oo, nakakaawa siya pero mukhang masyado na yata ang pag-aalaga ni Jared sa kanya. Kaya naman, lumapit na si Hannah sa kanilang dalawa.“Jane, ang sabi ng doktor ay bawal daw sa mga
“Mommy, Daddy!” bati ni Jared sa kanyang mga magulang.“Tito, Tita!” bati naman ni Hannah.“O, kumain na ba kayo? Aba, kung hindi pa, meron naman akong tinirang pagkain para sa inyo roon,” sabi ni Emelda, ang nanay ni Jared.“Kumain na ako, ikaw ba? Gutom ka pa?” sagot ni Jared pagkatapos ay tiningnan si Hannah para tanungin ito.“Hindi naman ako gutom,” sagot ni Hannah pero ang totoo ay wala pa talaga siyang kinakain simula kaninang umaga.“Ah, ganoon ba? Sige, dadalhan ka na lang ni Aling Miding ng gatas mamaya. Pwede ka nang magpahinga sa taas,” sabi ni Emelda kay Hannah.“Salamat po, Tita. Hindi naman na po kailangan pero salamat pa rin po,” sagot naman ni Hannah at pumanhik na sa taas.Pag-akyat ni Hannah, hindi niya alam kung namamalikmata lang ba siya o ano dahil nag-iba na ang itsura ng kwarto nila. Agad naman siyang napatanong kay Jared noon.
Sa totoo lang, ayaw naman talaga ni Hannah na sagutin ni Jared ang tawag kaya lang ay nahihiya siya dahil baka importante iyon para kay Jared. Nagulat na lang si Hannah nang kunin ni Jared ang kanyang cellphone at pinatay ito. Pagkatapos noon ay patuloy siyang hinalikan ni Jared sa kanyang leeg.Habang ginagawa iyon ni Jared ay bigla na namang nag-ring ang cellphone niya. alam ni Hannah sa kanyang sarili na kapag hindi pa sinagot iyon ni Jared ay hindi na sila matatahimik. Kaya naman, sinabihan na niya si Jared na sagutin na ang tawag.“Sige na, sagutin mo na ang tawag na iyan.”Tinakpan muna ng unan ni Jared ang katawan ni Hannah bago tuluyang tumayo para sagutin ang tawag. Kitang-kita ni Hannah na ayaw din talagang sagutin ni Jared ‘yong tawag na iyon pero napilitan na ito. Pumunta siya sa terrace para roon kausapin ‘yong tumatawag. Medyo malayo ‘yong terrace pero rinig naman ni Hannah ang pagsasalita ni Jared.“Ano k
Malinaw na malinaw kay Hannah ang lahat. Kung mahal kasi siya ni Jared, hindi siya iiwan nito sa ere. Hindi sasamahan ni Jared ang ibang babae lalo pa at gabi na. Para tuloy nadudurog ang puso ni Hannah kapag naiisip iyon.Alam naman ni Hannah na kailangan ni Jane ng tulong ni Jared. Lalo pa at pinagkatiwala ni Lyndon ang kanyang asawa rito, pero alam din naman ni Hannah kung kailan sobra na ang pag-aalaga ng kanyang fiancé sa babaeng iyon.“Di ba, sabi mo sa akin ay titigil ka na sa lalaking ‘yan? Tapos, maghanap ka ng bago. Marami kang mas maayos na makikita. Huwag ka na sa lalaking iyan,” advice ni Liane sa kaibigan.Sa isip ni Hannah, madali lang naman hiwalayan ang isang Jared Falcon. Pero, ang pamilya ni Jared? Hindi niya kayang iwan ang mga iyon. Sila na ang tumayong magulang niya, kaya sigurado siya na mahihirapan siya oras na maghiwalay sila ni Jared.Iniisip pa lang niya na hindi na niya makikita ang mag-asawa ay sumasak
“Gusto daw po kayong makausap ni Sir Jared, Miss Hannah,” sabi ng personal assistant niya.Binigay kay Hannah ‘yong cellphone at doon na sila nag-umpisang mag-usap. Ramdam niya sa kanyang sarili na ayaw niya talaga munang kausapin si Jared pero kailangan niya itong gawin dahil kasama niya ang personal assistant nila.“Hey. I’m sorry, hindi ko agad nasagot ang tawag mo. Ano iyon? May kailangan ka ba sa akin?” malumanay na sabi ni Hannah kay Jared.“Hannah, bakit ka naman umalis nang ganito kaaga? Wala ka na rito sa bahay pag-uwi ko,” obvious na guilty si Jared dahil hindi siya nakauwi dahil binantayan niya si Jane.Ramdam ni Hannah na ayaw makipag-usap ng pormal ni Jared sa kanya kaya sinagot na lang niya ang tanong nito. Pero, nagsinungaling pa rin siya rito.“Ah, lumabas ako para kumain ng breakfast,” sagot ni Hannah.“Pasensya ka na, hindi na ako nakabalik kagabi. Hindi ko k
Nagulat na lang si Hannah nang may makita siyang pamilyar na mukha, si Jared. Agad itong pumunta sa kanya para i-check ang lagay ng paa niya.“Hindi ba kasya ang sandals na ‘to saýo?” tanong ni Jared sa kanya.Hindi sumagot si Hannah. Alam niya sa sarili na ayaw pa niyang kausapin si Jared ngayon pero nagpupumilit talaga ito. Pagkatapos i-check ni Jared ang mga paa ni Hannah ay tiningnan niya ito nang deretso.“Galit ka pa ba sa akin?” tanong ni Jared sa mahinang boses pero sapat na iyon para marinig ni Hannah ýong tanong.“Hindi ako galit saýo,” maikling sagot niya sa kanyang fiancé at pilit na hinihila ang paa niya na hawak ni Jared, ayaw namang bitawan iyon ni Jared.“Hindi ko na iyon gagawin kahit kailan. Promise!” sabi ni Jared.Napansin ni Hannah na nakasuot ng royal blue suit si Jared na may white shirt sa loob. Ang custom cufflinks na nasa shirt niya ay kumikinang katulad ng haring araw. Minasahe niyang maigi ang mga paa ni Hannah. W
“Kaya pala noong dumaan ako rito, pamilyar ‘yong amoy ng steak. Iyon pala kasi ang dinadala mo sa akin,” nakangiting sabi ni Jane kay Jared, ang tingin na iyon ay malagkit kaya inis na inis si Hannah habang nakatingin sa kanila.“Hannah, siguro lagi kang dinadala ni Jared dito ‘no? Pamilyar ka rin siguro sa lasa noong steak na dinadala niya sa akin. Ang sarap, di ba?” sabi naman ni Jane kay Hannah nang mapansin na nakatingin siya sa kanilang dalawa.Mukhang hindi pa masaya si Jane kaya sinaktan pa niya lalo si Hannah gamit ang mga salitang binitawan niya. Ramdam na ramdam ni Hannah iyon, parang hiwa ng kutsilyo sa kanyang puso. Sa sobrang sakit, parang gusto na lang niyang maglaho.“Ah, hindi. Unang beses ito na dinala niya ako rito. Hindi naman ako kasing blessed mo,” sabi ni Hannah pagkatapos ay tumingin siya kay Jared nang matalim para malaman nito na hindi niya nagugustuhan ang anumang naririnig niya.Pa
Binalikan ni Hannah ang kanyang cellphone. Nakita niya na ang daming nag-react sa kanyang post sa Moments app. Ang mg aka-trabaho niya ay nag-react ng thumbs up, si Mary naman ay nag-message sa kanya.“Hindi ako kasama, ah.”Alam ni Hannah na si Mary ang inutusan nito na mag-book ng reservation at ire-reimburse na lang ni Jared ang lahat ng nagastos kapag natapos na silang kumain sa restaurant. Nahihiya tuloy si Hannah kay Mary dahil naabala pa ito sa kanyang trabaho.Nakita rin naman ni Liane ang post ni Hannah sa Moments app at nag-react tungkol dito. Alam ni Hannah na ayaw ng kaibigan niya ang mga ganoong klaseng post niya dahil iisa lang ang ibigsabihin noon, okay na sina Jared at Hannah.“Ano namang karupukan iyan? Pero, infairness naman sa kanya. Nabawi talaga siya sa iyo. Alam niya siguro talaga kung gaano kalaki ang pagkakamali niya sa’yo. Oo nga pala, tinanong ko na ‘yong nurse na duty kagabi. Ang sabi naman niya ay
Pagkatapos ibigay ng tindera ang sunflower ay nakangiting pumasok sa loob ng kanyang kotse si Hannah. 'Buti pa 'yong tindera, naa-appreciate ako,' sabi niya sa sarili. Nag-drive na si Hannah papunta sa sementeryo. Iniwan niya muna sa shotgun seat ang sunflower na bigay sa kanya ng tindera at kinuha niya 'yong flowers na ilalagay niya sa puntod ng kanyang ama at ina. Nagulat si Hannah pagkarating niya sa puntod, may flowers na nakalagay sa puntod ng kanyang mga magulang. Sa hula niya, dalawang linggo na ang nakakalipas simula noong may naglagay noon doon. Agad na nag-isip si Hannah kung sino ang dumalaw sa puntod ng kanyang mga magulang, walang iba kasi ang gagawa noon kung hindi si Mr. and Mrs. Falcon. Pero, labis ang pagtataka niya dahil wala namang nabanggit si Mrs. Falcon noong nagkita sila at nag-usap. Ang inisip na lang niya ay baka nakalimutan nitong sabihin sa kanya ang pagdalaw nito dahil sa sobrang busy at marami rin namang iniisip na bagay ang ginang. Agad niya
Nanlaki ang mga mata ni Hannah at napabitaw sa pagkakahawak ni Simon sa kanya. Hindi niya maisip na gustong totohanin ni Simon ang relasyon na para sa kanya ay laro lang. "Pwede mo akong maging totoong boyfriend. Try natin. Kung hindi mo magugustuhan ang ugali ko, pwede naman tayong mag-break. Basta, totoong relationship ang gusto ko. Mas okay na sa akin iyon kaysa 'yong laro lang. Alam mo naman na hindi dapat laruin ang feelings ng isang tao, 'di ba?" Dahil sa sinabi ni Simon ay natigilan si Hannah. Napatingin siya nang matagal sa binata. Mataas ang respeto niya sa taong nasa harap niya at mataas din ang tingin ng ibang tao kay Simon kaya hindi niya pwedeng gawin 'yong gusto nito. "Simon, nilinaw ko naman ang lahat, 'di ba? Anong sabi ko sa'yo, laro lang ang gusto ko. Hindi totoo. Kung hindi mo kaya 'yong gusto ko, kalimutan mo na lang. Isipin mo na hindi tayo nag-usap kahit kailan," sagot ni Hannah. Aalis na sana ang dalaga pero pinigilan na naman siya ni Simon. "Pero, kai
Nang makapunta na sa amusement park ay agad na nakita ni Hannah si Simon. Binaba niya ang window ng kotse niya kaya nanlaki ang mga mata ni Simon. Natawa pa si Hannah sa kanyang sarili dahil nakita pa niyang nahirapang lumunok si Simon nang makita siya. 'Ngayon lang ba niya ako nakita na ganito kaganda? Grabe siya kung makatingin sa akin, ah?' sabi ni Hannah sa kanyang sarili. Ang buong akala ni Hannah ay hindi magagandahan si Simon sa kanya. Palagi kasi itong seryoso kapag magkasama sila. Sa isip-isip niya, siguro ay totoo nga na mabilis magandahan ang lalaki sa outer appearance ng mga babae. Dahil alam niyang nagandahan na si Simon sa kanya ay nilugay pa niya ang kanyang buhok. Doon na napatingin ng masama si Simon sa kanya. "O, nagbago na ba ang isip mo? Tinatanggap mo na ba ang offer ko?" tanong ni Hannah pero mukhang hindi agad naintindihan ni Simon iyon. "Ha? Anong sinasabi mo?" tanong pabalik ni Simon kaya lalong nainis si Hannah pero napansin niyang umiiwas ng ting
Pagbaba ng tawag ni Hannah ay inis na inis siya. Hindi niya alam na aabot sa ganoon ang pagkabaliw sa kanya ni Jared. Nang isipin niya muli na magpo-propose ito sa kanya ay napailing siya. Paano nakakaya ni Jared na gawin iyon kahit alam naman niyang wala na sila ni Hannah?Dahil sa inis ay naalala niyang ka-text niya pala noong gabi si Simon kaya minabuti niyang i-text ulit ito. Titingnan niya kung nagbago na ba ito ng isip sa ino-offer niya.HANNAH: Ano? Nagbago na ba ang isip mo? You know, para maging fake boyfriend ko?Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay todo tingin na si Hannah sa kanyang cellphone pero wala pa ring reply si Simon sa kanya.Iniisip niya na busy lang ito sa amusement park kaya hindi ito nagrereply sa kanya. Dahil sobrang gusto na niyang malaman ang sagot nito ay hindi na siya nakatiis, tinawagan niya na ito. Nainis pa siya dahil noong unang beses siyang tumawag ay hindi ito sinagot ni Simon. Nangulit pa siya kaya inis ang tono ng binata ng sagutin nito ang taw
Nagising si Hannah na masakit ang ulo dahil sa labis na kalasingan. Hindi na nga niya napansin na wala na pala si Liane sa bahay nito, marahil ay nasa trabaho na. Bigla namang nag-ring ang cellphone ni Hannah kaya kahit hindi pa niya nababasa kung sino ang tumatawag ay sinagot niya na iyon. "Hello," antok na antok pa ang kanyang boses. "Miss Hannah, ready na po ba kayo?" tanong ni Secretary Martinez. Kumunot naman ang noo ni Hannah habang iniisip kung tungkol saan ang sinasabi ni Secretary Martinez. Kahit ayaw pa niyang magising ay nagising na ang diwa niya. "Secretary Martinez? Tungkol saan na naman ito? Bakit ka tumatawag sa akin?" naguguluhang tanong ni Hannah. "Miss Hannah, hindi nga po talaga pwedeng hindi kayo pumunta rito sa amusement park. Sige na po, pumunta na po kayo, please?" pagmamakaawa ni Secretary Martinez kaya lalong nainis si Hannah. "Secretary Martinez, sige nga. Tatanungin kita. Bakit ba gustong-gusto mo akong papuntahin dyan? Anong meron?" tanong ni
"At ano, pagkatapos ng kasal natin, itatago mo siya sa isang mansion na siya lang mag-isa dahil kabit mo siya? Oh, pkease, Jared. Alam ko na ang mga ganyang galawan mo, hindi mo na ako maloloko pa."Dahil inis na rin si Jared ay hindi na niya napigilan ang kanyang sarili. Nasabi na niya ang kanina pang nasa isip."Hannah, ano ba? 'Di ba, sinabi ko na sa iyo noon pa na buntis siya at kailangan ng isang taong mag-aalaga sa kanya? Alam mo rin na nakakaawa siya, pero bakit hindi mo man lang magawang maawa kahit konti? Intindihin mo ang kalagayan niya dahil wala na si Lyndon!" Sa sobrang lakas ng boses ni Jared ay nilayo na ni Hannah ang kanyang cellphone sa tenga. Pero kahit nilayo na niya ang kanyang cellphone ay rinig na rinig pa rin niya ang boses ni Jared, kung anu-ano ang sinasabi. "Hannah, babae ka rin. Dapat ay naiintindihan mo ang sitwasyon niya. Isa pa, noong ikaw naman ang inampon ng pamilya ko ay minahal at tinanggap ka lang nila? Binigay nila ang lahat sa iyo at inintindi ka
Ilang ring pa bago tuluyang nasagot ni Simon ang tawag ni Hannah."Ano iyon? Bakit ka natawag, Miss Hannah?" malumanay ang boses ni Simon nang sabihin niya iyon.Habang nakahawak sa wine glass at nilaro-laro pa ang wine na naroon ay bigla siyang nagsalita."Simon, pwede bang magkunwari kang boyfriend ko? Pagkukunwari lang naman, hindi totoo," sabi ni Hannah.Ilang minuto rin na tahimik si Simon sa kabilang linya. Para bang prinoproseso pa kung ano ang sinabi niya."Nakainom ka ba? Bakit ganyan ang mga tanong mo sa akin ngayon?" naguguluhan na tanong ni Simon.Hindi naman sumagot si Hannah, sa katunayan ay iniba pa niya ang topic dahil ayaw niyang malaman ni Simon kung nasaan siya."Ano, okay nga lang sa'yo? Gawin kitang fake boyfriend?" "Ang tanong ko ang sagutin mo, nasaan ka ngayon?" may inis na sa boses ni Simon nang sabihin niya iyon."Hayaan mo na pala, mukhang alam ko na ang sagot. Salamat na lang," papatayin na sana ni Hannah ang tawag pero sumagot pa si Simon sa kanya."Hann
Inis na inis si Hannah nang tunggain niya ang basong may laman na alak. "Sino ba 'yon? Galit na galit ka, ah. Si Secretary Martinez? Pinapapunta ka sa amusement park?" tanong ni Liane pero natatawa. "Sino pa nga ba? Hindi ko nga alam kung bakit pumapayag pa iyon na magtrabaho kay Jared! Puro kalokohan lang naman ang inuutos noon sa kanya!" dahil nakainom ay parang lasing na kung makapagsalita si Hannah noong mga oras na iyon. Sasagot pa sana si Liane nang biglang may tumawag na naman kay Hannah. Sa pagkakataon na iyon ay unknown number na naman ang lumabas sa caller ID. "Ano ba 'tong mga to? Wala na ba silang matawagan na iba?!" inis na sabi ni Hannah. Pero, kumalma na rin siya nang ma-realize niyang baka isa iyon sa mga kumpanya na inapplyan niya. Kinalma niya muna ang kanyang sarili bago sagutin ang tawag. "Hello," sagot ni Hannah. "Hi. Is this Miss Hannah Cervantes?" tanong ng isang babae sa kabilang linya. Dahil maganda ang boses noong babae ay naging pormal din an
Nang makarating na nga si Hannah sa bahay ng kanyang kaibigan na si Liane ay agad niyang binuksan ang alak na kanyang dala-dala. Bukod pa roon ay may wine din na nilabas si Liane para hindi naman siya masabihan ng kaibigan na hindi siya handa. Gumawa din siya ng salad na favorite nila ni Hannah. "O, ano ba 'yong sasabihin mo sa akin, ha? Sabi mo, ikakainit ng ulo ko 'yan? Don't tell me si Jared pa rin ang pinag-uusapan natin?" Agad na tumawa si Hannah at saka tumango-tango. Binuksan niya ang isang bag of chips para maumpisahan na ang inuman nila. Uminom din siya noong alak bago tuluyang magkwento sa kaibigan. Napailing na lang si Liane dahil ang buong akala niya ay tungkol sa iba ang ikekwento sa kanya ni Hannah. Hindi niya tuloy malaman kung gugustuhin pa ba niya iyong malaman o hindi na. "Ano naman ang kwento mo tungkol sa lalaking iyon?" mataray na tanong ni Liane. "Pumunta ako sa mansion ng mga Falcon dahil hinatid ko si Mrs. Falcon doon. Paano'y pumunta ba naman sa