“Mommy, Daddy!” bati ni Jared sa kanyang mga magulang.
“Tito, Tita!” bati naman ni Hannah.
“O, kumain na ba kayo? Aba, kung hindi pa, meron naman akong tinirang pagkain para sa inyo roon,” sabi ni Emelda, ang nanay ni Jared.
“Kumain na ako, ikaw ba? Gutom ka pa?” sagot ni Jared pagkatapos ay tiningnan si Hannah para tanungin ito.
“Hindi naman ako gutom,” sagot ni Hannah pero ang totoo ay wala pa talaga siyang kinakain simula kaninang umaga.
“Ah, ganoon ba? Sige, dadalhan ka na lang ni Aling Miding ng gatas mamaya. Pwede ka nang magpahinga sa taas,” sabi ni Emelda kay Hannah.
“Salamat po, Tita. Hindi naman na po kailangan pero salamat pa rin po,” sagot naman ni Hannah at pumanhik na sa taas.
Pag-akyat ni Hannah, hindi niya alam kung namamalikmata lang ba siya o ano dahil nag-iba na ang itsura ng kwarto nila. Agad naman siyang napatanong kay Jared noon.
“Anong meron? Bakit parang ang ayos na ng kwarto? Saka, bakit nandito ang mga gamit mo? Di ba, may isa pa namang kwarto?” walang tigil na tanong ni Hannah kay Jared.
“Hindi ko alam. Ang alam ko rin iba ang kwarto ko sa kwarto mo. Ganoon naman lagi, di ba?” pagtataka rin na tanong ni Jared.
Dahil narinig sila ni Emelda ay pumanhik ito sa taas para kausapin sila. Pinaliwanag niya kung bakit ganoon na ang itsura ng kwarto ni Hannah. Hindi kasi nagpaalam si Emelda sa dalawa na ganoon ang gagawin niya.
“Ah, simula ngayon ay dyan na matutulog si Jared sa kwarto mo kaya nandyan din ang gamit niya, iha. Ayos lang naman iyon saýo, di ba?” sabi ni Emelda.
“Mommy, bakit may ganito pa? Aalis din naman kami rito kapag kinasal na kami, di ba? Nag-abala pa po kayo,” sagot ni Jared sa kanyang ina.
“Aba, kapag ba umalis na kayo rito, ibigsabihin ba noon ay hindi na kayo bibisita man lang? Hindi ba kayo bibisita sa amin sa pasko o di kaya ay bagong taon? Ayos na iyan, ikakasal na rin naman kayo anak e, ha?” sagot ni Emelda.
“Bibisita naman po, Mommy,” maikling sagot ni Jared.
Tumingin si Emelda kay Hannah saka niya ito tinanong kung hindi ba siya payag na magtabi sila ni Jared.
“Hindi ka ba payag sa ideya ko, iha?”
Sa moment na iyon ay parang natigilan si Hannah. Hindi siya makasagot sa Tita Emelda niya sa di malamang dahilan kaya si Jared na ang sumagot para sa kanya. Ayaw din kasi ni Jared na pinaghihintay ang kanyang ina sa isang simpleng sagot lang.
“Okay na sa amin, Mommy. Tama ka, ikakasal naman na kami kaya ayos lang ito.”
Tiningnan ni Jared si Hannah at sinenyasan ito na humalik na sa pisngi ng kanyang ina para makapasok na sila sa loob ng kwarto. Iyon naman agad ang ginawa ni Hannah.
“Goodnight po, Tita,” sabi ni Hannah pagkatapos ay humalik sa pisngi ni Emelda.
Ganoon rin naman ang ginawa ni Jared.
“Mommy, good night po.”
Pagkatapos sabihin ni Jared iyon ay hinila na niya si Hannah papasok ng kwarto at nagpaalam sa kanyang ina. Pagkasara ng pinto ay ramdam na ramdam nila ang awkwardness na nakapalibot sa loob ng kwarto. Nakakabingi ang katahimikan nilang dalawa.
Tumingin sa paligid si Hannah, pansin niya na talagang nag-effort si Tita Emelda na ayusin ang kwarto. Bago ang beddings, ang bango at ang aliwalas ng kwarto. Para ngang kinasal na sila sa sobrang bongga nito.
Hindi napigilan ni Hannah na kiligin dahil sa nakita pero hindi niya iyon pinahalata kay Jared. Nagpaalam siya rito para maapagpalit ng damit sa banyo.
“Ah, Jared. Dyan ka muna ha? Magpapalit lang ako ng damit ko.”
Kakalas n asana si Hannah sa hawak ni Jared pero hindi iyon nangyari. Mas lalo lang lumapit si Jared kay Hannah. Nagtagpo ang kanilang mga mata at halatang uhaw na uhaw si Jared sa mga halik ni Hannah.
“Teka, anong ginagawa mo? Jared-“ hindi na natapos ni Hannah ang kanyang sasabihin dahil tuluyan na siyang hinalikan ni Jared.
Unti-unti nang inangkin ni Jared si Hannah. Hinawakan niya ito sa braso papunta sa likod ng kanyang leeg. May parang kuryente tuloy na dumaloy sa katawan ni Hannah. Hindi siya makapaniwala na ganito siya hinalikan ni Jared.
Oo, hinahalikan naman siya ni Jared. Pero, iba ang istilo ni Jared ngayon, mas mapangahas kaysa dati kaya hindi malaman ni Hannah kung ano ang gagawin.
Dahil nga hindi na mlaman ni Hannah ang gagawin ay may binulong si Jared sa kanya na lalong nagpanginig sa buong pagkatao niya.
“O, okay ka lang ba? Relax ka lang.”
Pagkatapos sabihin iyon ni Jared ay hiniga niya sa kama si Hannah at doon hinalik-halikan. Lalo pang kinabahan si Hannah nang tanggalin ni Jared ang botones ng kanyang damit. Kitang-kita ni Hannah kung paano naging agresibo si Jared sa kanya.
Dahil iyon nga ang unang pagkakataon na may mangyari sa kanila ni Jared ay ramdam na ramdam niya ang pintig ng puso ng kanyang fiancé. Pakiramdam niya ay iyon din ang unang beses na susubukan iyon ni Jared.
Agad na sinara ni Hannah ang kanyang mga mata, hinihintay na lang niya kung ano man ang gagawin ni Jared sa kanya. Lalo pa siyang kinilabutan nang tanggalin na ni Jared ang kanyang damit. Nang simulan na ni Jared na halikan siya sa kanyang leeg ay bigla namang nag-ring ang cellphone ni Jared.
“Jared,” nakayakap pa rin si Hannah kay Jared noong mga oras na iyon.
Sa totoo lang, ayaw naman talaga ni Hannah na sagutin ni Jared ang tawag kaya lang ay nahihiya siya dahil baka importante iyon para kay Jared. Nagulat na lang si Hannah nang kunin ni Jared ang kanyang cellphone at pinatay ito. Pagkatapos noon ay patuloy siyang hinalikan ni Jared sa kanyang leeg.Habang ginagawa iyon ni Jared ay bigla na namang nag-ring ang cellphone niya. alam ni Hannah sa kanyang sarili na kapag hindi pa sinagot iyon ni Jared ay hindi na sila matatahimik. Kaya naman, sinabihan na niya si Jared na sagutin na ang tawag.“Sige na, sagutin mo na ang tawag na iyan.”Tinakpan muna ng unan ni Jared ang katawan ni Hannah bago tuluyang tumayo para sagutin ang tawag. Kitang-kita ni Hannah na ayaw din talagang sagutin ni Jared ‘yong tawag na iyon pero napilitan na ito. Pumunta siya sa terrace para roon kausapin ‘yong tumatawag. Medyo malayo ‘yong terrace pero rinig naman ni Hannah ang pagsasalita ni Jared.“Ano k
Malinaw na malinaw kay Hannah ang lahat. Kung mahal kasi siya ni Jared, hindi siya iiwan nito sa ere. Hindi sasamahan ni Jared ang ibang babae lalo pa at gabi na. Para tuloy nadudurog ang puso ni Hannah kapag naiisip iyon.Alam naman ni Hannah na kailangan ni Jane ng tulong ni Jared. Lalo pa at pinagkatiwala ni Lyndon ang kanyang asawa rito, pero alam din naman ni Hannah kung kailan sobra na ang pag-aalaga ng kanyang fiancé sa babaeng iyon.“Di ba, sabi mo sa akin ay titigil ka na sa lalaking ‘yan? Tapos, maghanap ka ng bago. Marami kang mas maayos na makikita. Huwag ka na sa lalaking iyan,” advice ni Liane sa kaibigan.Sa isip ni Hannah, madali lang naman hiwalayan ang isang Jared Falcon. Pero, ang pamilya ni Jared? Hindi niya kayang iwan ang mga iyon. Sila na ang tumayong magulang niya, kaya sigurado siya na mahihirapan siya oras na maghiwalay sila ni Jared.Iniisip pa lang niya na hindi na niya makikita ang mag-asawa ay sumasak
“Gusto daw po kayong makausap ni Sir Jared, Miss Hannah,” sabi ng personal assistant niya.Binigay kay Hannah ‘yong cellphone at doon na sila nag-umpisang mag-usap. Ramdam niya sa kanyang sarili na ayaw niya talaga munang kausapin si Jared pero kailangan niya itong gawin dahil kasama niya ang personal assistant nila.“Hey. I’m sorry, hindi ko agad nasagot ang tawag mo. Ano iyon? May kailangan ka ba sa akin?” malumanay na sabi ni Hannah kay Jared.“Hannah, bakit ka naman umalis nang ganito kaaga? Wala ka na rito sa bahay pag-uwi ko,” obvious na guilty si Jared dahil hindi siya nakauwi dahil binantayan niya si Jane.Ramdam ni Hannah na ayaw makipag-usap ng pormal ni Jared sa kanya kaya sinagot na lang niya ang tanong nito. Pero, nagsinungaling pa rin siya rito.“Ah, lumabas ako para kumain ng breakfast,” sagot ni Hannah.“Pasensya ka na, hindi na ako nakabalik kagabi. Hindi ko k
Nagulat na lang si Hannah nang may makita siyang pamilyar na mukha, si Jared. Agad itong pumunta sa kanya para i-check ang lagay ng paa niya.“Hindi ba kasya ang sandals na ‘to saýo?” tanong ni Jared sa kanya.Hindi sumagot si Hannah. Alam niya sa sarili na ayaw pa niyang kausapin si Jared ngayon pero nagpupumilit talaga ito. Pagkatapos i-check ni Jared ang mga paa ni Hannah ay tiningnan niya ito nang deretso.“Galit ka pa ba sa akin?” tanong ni Jared sa mahinang boses pero sapat na iyon para marinig ni Hannah ýong tanong.“Hindi ako galit saýo,” maikling sagot niya sa kanyang fiancé at pilit na hinihila ang paa niya na hawak ni Jared, ayaw namang bitawan iyon ni Jared.“Hindi ko na iyon gagawin kahit kailan. Promise!” sabi ni Jared.Napansin ni Hannah na nakasuot ng royal blue suit si Jared na may white shirt sa loob. Ang custom cufflinks na nasa shirt niya ay kumikinang katulad ng haring araw. Minasahe niyang maigi ang mga paa ni Hannah. W
“Kaya pala noong dumaan ako rito, pamilyar ‘yong amoy ng steak. Iyon pala kasi ang dinadala mo sa akin,” nakangiting sabi ni Jane kay Jared, ang tingin na iyon ay malagkit kaya inis na inis si Hannah habang nakatingin sa kanila.“Hannah, siguro lagi kang dinadala ni Jared dito ‘no? Pamilyar ka rin siguro sa lasa noong steak na dinadala niya sa akin. Ang sarap, di ba?” sabi naman ni Jane kay Hannah nang mapansin na nakatingin siya sa kanilang dalawa.Mukhang hindi pa masaya si Jane kaya sinaktan pa niya lalo si Hannah gamit ang mga salitang binitawan niya. Ramdam na ramdam ni Hannah iyon, parang hiwa ng kutsilyo sa kanyang puso. Sa sobrang sakit, parang gusto na lang niyang maglaho.“Ah, hindi. Unang beses ito na dinala niya ako rito. Hindi naman ako kasing blessed mo,” sabi ni Hannah pagkatapos ay tumingin siya kay Jared nang matalim para malaman nito na hindi niya nagugustuhan ang anumang naririnig niya.Pa
Binalikan ni Hannah ang kanyang cellphone. Nakita niya na ang daming nag-react sa kanyang post sa Moments app. Ang mg aka-trabaho niya ay nag-react ng thumbs up, si Mary naman ay nag-message sa kanya.“Hindi ako kasama, ah.”Alam ni Hannah na si Mary ang inutusan nito na mag-book ng reservation at ire-reimburse na lang ni Jared ang lahat ng nagastos kapag natapos na silang kumain sa restaurant. Nahihiya tuloy si Hannah kay Mary dahil naabala pa ito sa kanyang trabaho.Nakita rin naman ni Liane ang post ni Hannah sa Moments app at nag-react tungkol dito. Alam ni Hannah na ayaw ng kaibigan niya ang mga ganoong klaseng post niya dahil iisa lang ang ibigsabihin noon, okay na sina Jared at Hannah.“Ano namang karupukan iyan? Pero, infairness naman sa kanya. Nabawi talaga siya sa iyo. Alam niya siguro talaga kung gaano kalaki ang pagkakamali niya sa’yo. Oo nga pala, tinanong ko na ‘yong nurse na duty kagabi. Ang sabi naman niya ay
“Hannah, ano ba?!” sigaw ni Jared.Mas malakas na ang sigaw ni Jared sa pangatlong pagkakataon. Rinig na rinig na ng ibang tao sa restaurant ang boses niya pero wala siyang pakialam.“Kaya lang naman ganoon si Jane ay dahil nag-aalala siya sa mga kinakain niya. Buntis siya, remember? Hindi pwedeng iba ang mag-handle ng pagkain niya. Hindi ka dapat ganyan sa kanya,” dagdag pa ni Jared na lalong kinainis ni Hannah.“Ha? Sa tingin mo ba, ‘yong mga pagkain dito hindi hina=handle ng iba?” sagot ni Hannah.Napatigil si Jared dahil sa sinabi ni Hannah. Na-realize din niya na mali pala ang sinabi niya.“Sorry, ako ang mali rito. Jared, huwag ka nang magalit kay Hannah. Para matapos na ito ay aalis na lang ako,” sagot ni Jane.Tatayo na sana muli si Jane mula sa upuan nang hawakan na naman siya ni Jared. Pinigilan niya na naman itong umalis kaya inis na inis na naman si Hannah sa kanila."Jane, huwag mo siyang pansinin. Bad mood lang siya kasi she's on her period pero wala iyan. Isa pa, araw-a
Kitang-kita ni Hannah ang galit sa mga mata ni Jared. lumapit siya sa dalawa bago tuluyang magsalita."Anong ginagawa mo kay Jane, Hannah?" Doon lang napagtanto ni Hannah na kaya pala binanggit ni Jane ang bata na nasa sinapupunan niya ay dahil alam niyang pabalik na si Jared sa restaurant. Inis na inis na naman si Hannah sa kasinungalingang ginawa ni Jane para magalit sa kanya si Jared."Bakit? Ano bang ginawa ko?" sobrang seryoso ng mga mata ni Jared habang tinitingnan niya si Hannah.Hindi lubos maisip ni Hannah na kaya pala magalit ni Jared sa kanya kahit wala naman siyang ginagawa. Hindi ganoong Jared ang kilala niya. Nakasama niya ito ng sampung taon pero hindi niya kayang gayahin ang pagmamanipula ni Jane kay Jared."Jared, huwag mo na siyang awayin. Kasalanan ko naman eh. Lagi na akong nakakagulo sa'yo to the point na wala na kayong oras para sa isa't isa," sabi ni Jane, kitang-kita ang pagpapaawa nito kay Jared na lalo niyang kinainis. Alam ni Hannah na sinasadyang gawin iy
Kahit ayaw niya ay napilitan si Hannah na magtanong kay Aldred dahil sinabi nga ni Simon na hindi sa kanya galing ang flowers na iyon. Kahit kaharap si Jane ay hindi na niya iyon inisip pa. Basta, ang mahalaga ay malaman niya kung sino ang nagbigay noon."Ah, excuse me. Pwede bang mmakausap muna kita?" tanong ni Hannah, agad na nagtaka si Aldred pero pumayag pa rin siya."Ah, oo. Sige. Tungkol saan ba iyon?" tanong ni Aldred.Agad namang lumayo ang dalawa bago sagutin ni Hannah ang tanoing ng binata dahil ayaw niyang marinig ni Jane kung ano ang pag-uusapan nila."Ah, sa iyo ba galing 'yong bouquet of red roses na nandoon?" tanong ni Hannah sabay turo sa lamesa kung nasaan 'yong roses.Agad namang nagbigay ng nagtatakang mukha si Aldred. Mukhang walang alam sa sinasabi ni Hannah. Sa loob-loob tuloy ng dalaga ay parang napahiya siya."Iyon? Hindi, hindi naman ako um-order ng flowers para sa iyo," sagot ni Aldred, tumango-tango na lang si Hannah bilang tugon."Ah, okay. Salamat. Hindi k
Makalipas ang ilang oras habang sila ay nagtatrabaho ay nagulat si Hannah nang kausapin na naman siya ni Simon. Mahina lang ang kanilang boses dahil ayaw nilang marinig sila ng iba at baka mawala pa ang focus nito sa mga ginagawa. "O, pagod ka na ba? Baka kailangan mong magpahinga muna. Umupo ka muna kaya roon para umayos ang pakiramdam mo? Nakakaawa ka na eh." Agad na tiningnan nang masama ni Hannah si Simon. Kaya pa naman kasi talaga niya ang kanyang trabaho, hindi niya lang alam sa lalaking nasa harapan niya kung bakit pinapatigil siya nang pinapatigil. Noong isang araw pa ito, noong nagbigay siya ng day-off sa kanilang dalawa ni Mary. "Ano na naman ba ang iniisip mo? Nakailang pahinga na ako noong mga nakaraang araw. Aba, baka naman sabihin na nila sa akin na parang ginagawa ko na lang na laro ang lahat ng ito kung magpapahinga pa rin ako ngayon," inis na sagot ni Hannah. "Ah, sinasabi ko lang naman. Nakita ko kasing pagod ka na, kanina pa rin kasi tayo nagtatrabaho. Concerned
Pero, alam naman niya sa kanyang sarili na dapat ay kay Jared siya mainis dahil siya naman ang nagpapunta kina Aldred at Jane sa amusement park.Agad na lumapit si Mary nang umalis na 'yong tatlo sa harapan ni Hannah. "Wow, ibang klase 'yong sinabi mo roon kanina ah? Ang tapang mo" masayang sabi ni Mary.Napailing tuloy si Hannah sa sinabi ni Mary."Hay, naku. Ikaw talaga. Kung anu-anong sinasabi mo pa dyan. Kung ako sa iyo ay magtrabaho ka na kasi marami pa tayong gagawin," sagot ni Hannah, halata ang pagod sa kanyang mukha pero sinubukan pa rin niyang ngumiti."Pero, grabe ang tingin sa iyo ni Sir Aldred, ha? Sure ako, kakaiba ang tingin na iyon. May meaning 'yon no?" hirit pa ni Mary kaya himapas siya ni Hannah sa balikat."Aray ko naman!" "Ikaw, alam mo? Kapag hindi ka pa tumigil, ikaw ang ipapalit ko kay Aldred, sige ka. Gusto mo ba na ikaw ang magbantay sa babaeng iyon?" banta ni Hannah dahil ayaw ni Mary tumigil sa kaka-asar sa kanya.Napuno naman tuloy ng takot ang mukha ni
"Sir Jared, ganito lang naman ako sa kanya ngayon kasi ganito ang sitwasyon namin. Aba, intindihin mo naman sana 'yon? Pero, kung worried ka sa kanya, paalisin mo na siya rito," sabi ni Hannah.Saglit siyang napatingin kay Aldred kaya may idea na pumasok sa isip niya."O kung gusto mo ay may i-aasign ako na tao na magbabantay sa kanya kapag nandito kami sa trabaho para hindi ka na mag-alala pa sa kanya?"Natatawa na lang si Hannah sa isip-isip niya. Hindi naman kasi alam ni Jared kung ano ang naiisip niyang plano."Maganda iyan, mas mabuti nga na ikaw na ang magbantay sa kanya kapag nandyan kayo at nagtatrabaho. Hindi na talaga ako mag-aalala noon," sagot ni Jared."Alam mo naman Jared na impossibleng mangyari iyon dahil busy akong tao," sagot ni Hannah pagkatapos ay pinatay na ang tawag.Pagkababa ng tawag ay biglang nagsalita si Jane."Miss Hannah, hindi naman na ako bata. Hindi mo na ako kailangan protektahan dahil kaya ko namang protektahan ang sarili ko."Dahil sa sinabi ni Jane a
Natigil lang ang lahat ng pag-uusap nila nang biglang may pumaradang kotse sa di kalayuan. Dahil hindi naman pamilyar ang kotse na iyon kay Hannah ay labis tuloy ang pagtataka niya kung sino ang taong iyon at kung bakit pumunta ito sa amusement park.Pati si Simon ay parang naguguluhan na rin dahil sa dami ng taong pumupunta sa amusement park nang walang paalam. Hindi niya tuloy mapigilan na tanungin si Hannah kung sino ang may ari ng kotse na iyon."Sino na naman kaya iyan? Ano 'to? May bago na naman tayong katrabaho?""Ah, hindi naman siguro. Hindi ko rin kasi kilala 'yang kotse na iyan. Hindi pamilyar sa akin," sagot ni Hannah.Ilang minuto pa ay bumaba na ang may-ari ng kotse. Nanlaki ang mga mata ni Hannah dahil si Jane pala iyon.'Anong ginagawa niya rito? Iinisin na naman ba niya ako? Lumayo na nga ako, lapit pa nang lapit sa akin. Ano kayang meron?'Mas lalong nainis si Hannah dahil hindi lang si Jane ang pumunta sa amusement park. May kasama pa siyang bodyguards. Sigurado si
Habang sila ay nagtatrabaho, kinausap ni Hannah si Simon. Hindi na kasi niya mapigilan ang inis na nararamdaman niya rito dahil kung anu-ano na ang ginagawa at sinasabi nito kanina pa. Nahihiya na siya kay Aldred dahil sa behavior ng taong kasama niya."Simon, alam mo? Para kang ewan," panimula ni Hannah.Tinapunan naman ni Simon ng nagtatakang mga mata si Hannah. Para bang nabingi siya sa sinabi ng dalaga."Anong para akong ewan? Hindi kita maintindihan," sagot ni Simon.Seryoso ang mukha ni Simon, talagang hindi niya pala iniintindi kung ano man ang sabihin ng dalaga sa kanya. Siguro, sa sobrang ka-busyhan ay hindi na maisip pa ni Simon na kausapin pa ang mga tao sa paligid niya.Pero, hindi naniniwala si Hannah sa reaksyon nito. Kilala niya si Simon bilang matalino at mabilis maka-getsng mga bagay kaya malabo ang inaakto nito sa harapan niya."Parang ewan, 'yong ganyan? 'Yong mga taong alam naman nila ang ginagawa nila o di kaya ay alam naman kung anong ginagawa sa kanila pero ang
"Mister - What is your name again?" tanong ni Simon, napailing na lang si Hannah dahil sa inaasta ni Simon. "Aldred Falcon. I think we've seen each other before. Kapatid ako ni Jared," sagot ni Aldred, nagulat man si Simon ay hindi niya iyon pinahalata kina Aldred at Hannah. "Ah, mukhang marami na talaga ang nasa isip ko. Hindi ko na tanda na nagkita pala tayong dalawa. Anyway, para mapabilis ang trabaho natin ay hahatiin natin iyon. Mr. Falcon, you will be paired with Mary, samantalang ako ay kay Hannah. Are we clear on that?" Lalong nanlaki ang mga mata ni Hannah noong marinig niya iyon. Parang gusto na lang niyang magpakain sa lupa dahil sa hiya na kanyang nararamdaman. Sa isip-isip niya ay parang si Simon ang anak ng may ari ng Falcon Group at parang siya na rin ang CEO dahil sa kung paano siya magsalita. Hindi niya alam kung anong meron kay Simon ngayon at para bang sobrang mainit ang ulo nito kanina pa. Parang ang dali lang para sa kanya na utusan si Aldred kahit alam
Bago pa man pumunta sa amusement park sina Hannah at Mary ay biglang nag-pop up ang isang message sa cellphone ni Hannah kaya agad niya iyong binasa. HARRY: Talagang patay na patay sa iyo si Jared ano? Ano ba ang ginawa mo sa kaibigan ko? May pinakain ka ba roon para mabaliw sa iyo ng ganoon iyon? Aba, sa bilyaran ko siya nagkalat eh. Binasa lang ni Hannah iyon at hindi na siya sumagot. Para sa kanya kasi ay tapos naman na ang relationship nila kaya wala nang dapat pang i-reply. Ano naman ngayon kung nagwala si Jared sa bilyaran ni Harry? Problema na nila iyon. Agad na tinago ni Hannah ang kanyang cellphone pagkatapos ay gulat na gulat siya nang makita si Simon na busy na busy na sa pagtatrabaho. Tinanong niya si Sir Fritz kung anong oras pa pumasok si Simon at ang sabi ay 5 AM pa lang daw ay naroon na siya. Natawa na lang si Mary habang si Hannah ay manghang-mangha kay Simon. "Tingnan mo 'tong si Sir Simon, siya 'tong nagsasabi sa atin na huwag tayong masyadong magtrabaho
Tanghaling tapat pa lang ay umiinom na ng alak si Jared sa bilyaran ni Harry. Walang katao-tao roon kaya solo niya ang bilyaran. Ni hindi pa nga pumupunta 'yong may ari ay nakapasok na siya dahil binigyan siya noo Harry ng susi. Gulat na gulat si Harry nang makita si Jared na hawak ang cue stick pagkatapos ay hawak din ang isang bote ng beer sa isa pang kamay. Nagkalat din ang ilang boteng bukas na sa tabi ni Jared. Paglapit pa lalo ni Harry ay amoy na amoy niya ang alak na halos nakadikit na sa katawan ng kanyang kaibigan. "Seryoso ka ba? Tanghaling tapat ay nandito ka? Umiinom? Wala ka bang pasok sa kumpanya niyo ngayon?" bungad ni Harry kay Jared kaya tinapunan niya ito ng masamang tingin. "Bakit pa ako papasok doon e hindi naman ako sinusunod ng empleyado ko? E di, wala rin. Dito na lang ako, maglalaro. Pwede ko pang gawin ang lahat ng gusto ko," sagot ni Jared kaya alam agad ni Harry na may problema ang kaibigan. "O, mukhang mabigat ang problema natin, ah? Share mo naman! Na