“Kaya pala noong dumaan ako rito, pamilyar ‘yong amoy ng steak. Iyon pala kasi ang dinadala mo sa akin,” nakangiting sabi ni Jane kay Jared, ang tingin na iyon ay malagkit kaya inis na inis si Hannah habang nakatingin sa kanila.
“Hannah, siguro lagi kang dinadala ni Jared dito ‘no? Pamilyar ka rin siguro sa lasa noong steak na dinadala niya sa akin. Ang sarap, di ba?” sabi naman ni Jane kay Hannah nang mapansin na nakatingin siya sa kanilang dalawa.
Mukhang hindi pa masaya si Jane kaya sinaktan pa niya lalo si Hannah gamit ang mga salitang binitawan niya. Ramdam na ramdam ni Hannah iyon, parang hiwa ng kutsilyo sa kanyang puso. Sa sobrang sakit, parang gusto na lang niyang maglaho.
“Ah, hindi. Unang beses ito na dinala niya ako rito. Hindi naman ako kasing blessed mo,” sabi ni Hannah pagkatapos ay tumingin siya kay Jared nang matalim para malaman nito na hindi niya nagugustuhan ang anumang naririnig niya.
Pa
Binalikan ni Hannah ang kanyang cellphone. Nakita niya na ang daming nag-react sa kanyang post sa Moments app. Ang mg aka-trabaho niya ay nag-react ng thumbs up, si Mary naman ay nag-message sa kanya.“Hindi ako kasama, ah.”Alam ni Hannah na si Mary ang inutusan nito na mag-book ng reservation at ire-reimburse na lang ni Jared ang lahat ng nagastos kapag natapos na silang kumain sa restaurant. Nahihiya tuloy si Hannah kay Mary dahil naabala pa ito sa kanyang trabaho.Nakita rin naman ni Liane ang post ni Hannah sa Moments app at nag-react tungkol dito. Alam ni Hannah na ayaw ng kaibigan niya ang mga ganoong klaseng post niya dahil iisa lang ang ibigsabihin noon, okay na sina Jared at Hannah.“Ano namang karupukan iyan? Pero, infairness naman sa kanya. Nabawi talaga siya sa iyo. Alam niya siguro talaga kung gaano kalaki ang pagkakamali niya sa’yo. Oo nga pala, tinanong ko na ‘yong nurse na duty kagabi. Ang sabi naman niya ay
“Hannah, ano ba?!” sigaw ni Jared.Mas malakas na ang sigaw ni Jared sa pangatlong pagkakataon. Rinig na rinig na ng ibang tao sa restaurant ang boses niya pero wala siyang pakialam.“Kaya lang naman ganoon si Jane ay dahil nag-aalala siya sa mga kinakain niya. Buntis siya, remember? Hindi pwedeng iba ang mag-handle ng pagkain niya. Hindi ka dapat ganyan sa kanya,” dagdag pa ni Jared na lalong kinainis ni Hannah.“Ha? Sa tingin mo ba, ‘yong mga pagkain dito hindi hina=handle ng iba?” sagot ni Hannah.Napatigil si Jared dahil sa sinabi ni Hannah. Na-realize din niya na mali pala ang sinabi niya.“Sorry, ako ang mali rito. Jared, huwag ka nang magalit kay Hannah. Para matapos na ito ay aalis na lang ako,” sagot ni Jane.Tatayo na sana muli si Jane mula sa upuan nang hawakan na naman siya ni Jared. Pinigilan niya na naman itong umalis kaya inis na inis na naman si Hannah sa kanila."Jane, huwag mo siyang pansinin. Bad mood lang siya kasi she's on her period pero wala iyan. Isa pa, araw-a
Kitang-kita ni Hannah ang galit sa mga mata ni Jared. lumapit siya sa dalawa bago tuluyang magsalita."Anong ginagawa mo kay Jane, Hannah?" Doon lang napagtanto ni Hannah na kaya pala binanggit ni Jane ang bata na nasa sinapupunan niya ay dahil alam niyang pabalik na si Jared sa restaurant. Inis na inis na naman si Hannah sa kasinungalingang ginawa ni Jane para magalit sa kanya si Jared."Bakit? Ano bang ginawa ko?" sobrang seryoso ng mga mata ni Jared habang tinitingnan niya si Hannah.Hindi lubos maisip ni Hannah na kaya pala magalit ni Jared sa kanya kahit wala naman siyang ginagawa. Hindi ganoong Jared ang kilala niya. Nakasama niya ito ng sampung taon pero hindi niya kayang gayahin ang pagmamanipula ni Jane kay Jared."Jared, huwag mo na siyang awayin. Kasalanan ko naman eh. Lagi na akong nakakagulo sa'yo to the point na wala na kayong oras para sa isa't isa," sabi ni Jane, kitang-kita ang pagpapaawa nito kay Jared na lalo niyang kinainis. Alam ni Hannah na sinasadyang gawin iy
Dahil sa sarap ng kanyang tulog ay late nang nagising si Hannah. Pagdilat niya ay nakita niyang may dalang breakfast para sa kanya si Liane. Napangiti naman siya rito.“Nagluto ako ng pancakes tapos nilagyan ko na rin ng strawberry at blueberry. Ito na rin ang kape mo. Inumin mo ‘yan ha?” sabi ni Liane.Inubos naman iyon ni Hannah dahil hiyang-hiya siya sa kaibigan at pinaghanda pa siya nito. Dahil maaga si Liane sa ospital ay sumabay na rin sa pagbaba si Hannah. Papasok na rin kasi siya sa opisina.Nagulat na lang ang dalawa nang makita na nasa labas ng bahay ni Liane si Jared. Naghihintay ito at may hawak pang white roses. Dahil doon ay nagpaalam na si Liane para maunang umalis.“Alis na ako ha? I-text mo lang ako kapag may ginawang masama sa iyo ang lalaking iyan,” bulong ni Liane.“Oo, sige. Salamat, Liane ha?” sagot naman ni Hannah pagkatapos ay humalik sa pisngi ng kaibigan.Nang dumaan si Liane sa harapan ni Jared ay kinausap niya ito.“Delikado rin sa mga babaeng may menstruat
“Hannah, ano ba?! Break-up ba talaga ang gusto mo?!” sumabog na ang galit ni Jared noong mga oras na iyon.“Oo!” sagot ni Hannah nang walang pag-aalinlangan.“S-Sige. Kung ‘yan talaga ang gusto mo. Huwag mo lang sanang pagsisihan ang desisyon mong iyan,” sagot ni Jared.Umalis na pagkatapos noon si Jared. Malungkot si Hannah pero kailangan niyang magpakatatag. Tumayo siya mula sa sofa at kinuha ang white roses na binigay ni Jared sa kanya. Tinapon niya iyon sa basurahan at pumanhik na sa taas ng kwarto.Pakiramdam ni Hannah na kaya sinabi iyon ni Jared ay dahil alam nitong hindi niya kayang mabuhay nang wala siya sa buhay niya. Kaya ganoon na lang lagi ang ginagawa ni Jared, ang saktan siya nang saktan.Kahit na hiwalay na sina Hannah at Jared ay kailangan niya pa ring pumasok sa trabaho. May mga kailangan pa siyang ayusin sa project doon sa amusment park. Ayaw naman ni Hannah na dahil lang sa break-up nila ay magre-resign agad siya. Syempre, kailangan niyang i-turn over iyon.Pagpunt
Hindi na iyon pinansin ni Hannah. Pagbalik niya sa kanyang opisina ay nagulat siya dahil tumatawag ang isang unfamiliar na number sa kanyang phone. Sinagot niya iyon at nagtaka siya sa taong sumagot sa kabilang linya.“Hello?” tanong ni Hannah.“Hannah, ako ito. Si Jane,” sagot naman nito.Hindi nagkaroon ng pagkakataon si Hannah para itanong kung bakit tumawag sa kanya si Jane. Bigla na lang din kasi itong nagsalita.“Pwede ba tayong magkita? Nandito ako sa coffee shop malapit sa office niyo.”Nagtaka si Hannah dahil kakakita lang nilang dalawa roon sa restaurant. Saka, ano pa ba ang kailangan nilang pag-usapan?“Ah, nagtatrabaho pa ako ngayon. Kung may gusto kang sabihin sa akin, pwede mo namang sabihin dito sa phone,” iyon ang sinabi ni Hannah dahil ayaw niya talagang makita si Jane.“Eh di, hihintayin kitang matapos sa trabaho mo,” sagot naman ni Jane, napapikit na lang sa inis si Hannah dahil doon. Alam niyang makulit si Jane pero hindi niya inakala na may ikukulit pa pala ito.
Lumapit si Hannah doon sa nakabangga kay Jane para tanungin kung ano ba talaga ang nangyari. Dahil nakita ng lalaki kung paano nagalit si Jared sa kanya ay kabadong-kabado ito. Pinakalma muna siya ni Hannah bago tuluyang tanungin."Ano ba kasi ang tunay na nangyari?" tanong ni Hannah, tila nag-aalala para roon sa lalaki."Miss Hannah, bigla na lang siyang tumakbo eh. Sa tingin ko, parang sinadya niya. Maayos naman ang pagmamaneho ko." mapapansin na takot pa rin 'yong lalaki."Huwag kang mag-alala, okay? Magiging okay din naman lahat. Isa pa, may mga CCTV sa paligid. Malalaman natin kung ano talaga ang nangyari, ha?" sagot ni Hannah.Nang marinig iyon noong lalaki ay kahit paano ay kumalma ito. Kilala naman kasi ng lahat si Hannah. Alam ng lahat na siya ang fiancée ni Jared, kaya umaasa 'yong lalaki na tutulungan siya ni Hannah kung sakali mang may mangyaring hindi maganda sa kanya."Thank you po, Miss Hannah," sagot noong lalaki."Sige na, okay na iyon. Kung may problema man o ano, pw
Dahil alam ni Hannah na may kailangan pa siyang ayusin sa bahay ay pumunta siya ng mall. Habang tumitingin ng bedsheet si Hannah ay nakita niya si Jane. Nakita niyang okay na si Jane pero nagtataka siya dahil 'yong pagpa-panic nito kahapon ay nakakatakot.Doon niya na-realize na ginawa lang iyon ni Jane para matakot si Jared para hindi siya iwasan nito. Sa isip ni Hannah, siguro ay masayang-masaya si Jane dahil effective ang ginawa niya. Naniniwala si Hannah noong sinabi ni Jared na wala siyang nararamdaman na kahit ano para kay Jane, pero ang inaalala niya ngayon ay baka si Jane naman ang may feelings para kay Jared. Tinitingnan ni Hannah si Jane habang kausap nito ang saleslady."Ah, ayaw niya ng masyadong bright colors. Siguro, 'yong simple lang pero maganda namang tingnan. Ganoon na lang siguro ang hanapin mo. Salamat.""Ah, Ma'am, pumipili po ba kayo para sa boyfriend niyo po?" tanong noong saleslady kay Jane.Ngumiti lang si Jane pero wala itong sagot doon sa saleslady.Nagula
Dahil sa sweetness ng mag-ina na nakikita niya ay parang hindi na siya makahinga kaya agad siyang nagpaalam kay Mrs. Falcon. "Mauna na po ako, Tita. Ingat po kayo." "Thanks, iha for your time. Ikaw din, mag-ingat ka," sagot ni Mrs. Falcon pagkatapos ay ngumiti. Aalis na sana siya noon nang biglang tinawag siya ni Jared. "Hannah, wait lang. May gusto sana akong sabihin sa iyo." "Ha? Wala naman na tayong pag-uusapan pa," mahinahong sagot ni Hannah. Sa totoo lang ay ayaw na niyang makausap pa si Jared dahil baka kapag nagkainitan na naman sila ay baka kung ano na naman ang magawa niya rito. Hindi lang sugat sa ulo ang matatamo nito sa kanya, kung hindi higit pa. Syempre, ayaw na niyang umabot pa sa ganoon dahil na-realize niyang walang ikakabuti ang pananakit sa kapwa. "Meron, meron akong sasabihin," sagot ni Jared kaya naman pinisil ng kanyang ina ang tagiliran nito. "Ikaw ha, kung wala ka rin namang sasabihin na maganda, tumigil ka na. Baka kung ano pa ang magawa ko sa
"Magbubukas ng bagong kumpanya ang Tito mo at si Aldred ang gagawin niyang CEO. Gusto mmo ba, roon kita ipasok ng trabaho? Pwede naman. Kakausapin ko na lang sila," nagulat si Hannah nang marinig iyon sa ginang. Alam ni Hannah na hindi naman sinabi iyon ni Mrs. Falcon para tulungan talaga si Aldred sa kumpanya kung hindi para i-match siya sa binata pagkatapos na hindi sila nagkatuluyan ni Jared. Sa isip-isip ni Hannah, talagang gusto ng ginang na ikulong siya sa kanilang pamilya. Dahil sila ang nagpalaki sa kanya, kailangan ay kung hindi nito napakasalan ang panganay ay pakakasalan naman niya ang bunso. "Tita, makinig po kayo sa akin ha? Sige po, isipin niyo po ito. Paano na lang po haharapin nina Jared at Aldred ang isa't isa kunh magiging asawa ko ang isa sa kanila? 'Di ba, parang ang hirap naman po yata noon? Baka mag-away pa sila. Ayaw naman po natin siguro iyon, 'di ba?" sabi ni Hannah. "E, ayaw talaga kitang mawala sa kumpanya, lalo na sa buhay namin. Ayaw ko na iwan m
Sobrang kinagulat naman iyon mi Hannah. Ang buong akala niya ay tapos na ang pakikitungo niya sa mga Falcon pagkatapos ng araw na ito pero hindi pala. Alam niyang todo ang pagrespeto niya kay Mrs. Falcon pero hindi na niya kayang maging isang sunud-sunuran dito na kung ano lang ang gusto ay iyon ang masusunod. "Ano po? Tita, nag-resign na po ako at naghahanap na rin ng bagong trabaho sa ngayon. Actually, may scheduled interview na po ako ngayong araw," pag-amin ni Hannah, laking gulat naman ni Mrs. Falcon sa kanyang narinig. "Ano? Aba, ang bilis naman yata," halatang ayaw niyang pakawalan si Hannah. "Tita, sa totoo po nga niyan ay plano ko na po talagang mag-resign noon pa pong bago namin pirmahan 'yong marriage certificate," sabi ni Hannah, ang mga tingin niya sa ginang ay hindi na siya nakukusensya. "Saka Tita,kung magiging magkatrabaho pa rin kami ni Jared pagkatapos ng lahat ng nangyari ay mahihirapan na po ako noon. Hindi po ako makapagtrabaho nang maayos dahil nakikita
"O, Tita. Hello po," bati ni Hannah pagkatapos ay hinalikan ang matanda sa kanyang pisngi. "Hannah," sagot naman nito pagkatapos ay hinawakan agad ang kamay ni Hannah at may tumulo na luha sa mata ng ginang. Alam ni Hannah sa kanyang sarili na hindi na siya makukuha pa sa paiyak-iyak ng ginang. Agad niyang tiningnan si Aldred at nakuha naman agad nito ang gustong sabihin ng dalaga. Kumuha siya ng tissue sa bag ng kanyang ina pagkatapos ay pinahid na iyon sa mga luha. "Mommy, hindi tayo pumunta rito para umiyak ka nang ganyan. Tinatakot mo si Hannah eh. Kung may gusto kang sabihin ay sabihin mo na agad sa kanya," saway ni Aldred. Nagpunas muli ng mga luha niya si Mrs. Falcon bago magsalita. "Hannah, please. Umuwi tayo sa mansion at doon natin pag-usapan ang problema." Muling tiningnan ni Hannah si Aldred, para bang tinatanong ng dalaga kung bakit ba sila pumunta roon at kung bakit rin umiiyak si Mrs. Falcon sa harap niya. Doon na pinaliwanag ni Aldred sa kanya ang lahat.
"Sir Simon, 'yong fried egg na nasa plato ko? Gusto mo sa iyo na rin?" tanong ni Mary habang nakangiti. "Hindi, busog na ako. Sa iyo na 'yang fried egg sa plato mo," sagot ni Simon, seryoso na naman ang itsura nito habang kumakain. Napalunok na lang ng laway si Hannah nang makita na may tira-tira pa na itlog sa plato ni Simon. Pakiramdam niya ay ayaw naman talaga ng binata na kumain noon. Pero laking pagtataka niya dahil kinain ni Simon ang fried egg niya. Bago pa man siya makapagsalita ay nakita na lang niyang tapos nang kumain ang lalaking nasa harapan niya. "Kumain lang kayo dyan, mauna na ko sa site," paalam nito sa kanila pagkatapos ay tumayo't umalis. Sinundan ng tingin ni Mary si Simon nang ito ay paalis na. At saka siya nagsalita. "Alam mo, may gusto talaga sa iyo si Sir Simon eh. Isipin mo, 'yong fried egg sa plato mo, kinain niya pero noong ibibigay ko na 'yong sa akin, ayaw niya na. Ang weird 'di ba?" may inis sa boses ni Mary pero hindi na lang iyon pinansin ni
Habang kumukuha ng pagkain si Simon ay kinausap nang palihim ni Hannah si Mary. Ayaw kasi niya na pupunta sila sa amusement park nang may unfinished issue pa. "Short na ako sa pera kaya hindi ko susundin ang sinasabi mo. Sabay-sabay na tayong pumunta roon. Ano 'yon, sabay-sabay tayong kumain pero hindi tayo sabay-sabay na papasok sa trabaho? Ang labo mo naman." "Miss Hannah-" hindi na natapos ni Hannah kung ano ang sasabihin niya dahil sumagot agad si Hannah. "Ay, naku. Wala na akong pakialam sa excuses mo, ha? I mean, kung gusto mo siyang masolo ay huwag naman sa ganoong paraan. May trabaho din 'yong tao, respetuhin mo iyon." Dahil seryoso na nga ang boses ni Hannah ay tumahimik na lang si Mary. Dahil medyo rinig ang pag-uusap ng dalawa ay napatingin si Simon sa kanila. Agad na sumenyas si Hannah na wala silang problema para hindi na mag-isip pa ng kung ano si Simon. Nang bumalik ang binata ay nagulat silang dalawa dahil may dala-dala itong ice cream. Mas nagulat sila nang ipaton
Nanlaki ang mga mata ni Hannah nang marinig iyon mula kay Mary. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis sa sinabi ng katrabaho. "Ah, gusto mo ba ay video-han ko pa para makita mo kung ano talaga ang feeling, ha? Ganoon ba?" inis na sagot ni Hannah.Todo ngiti naman si Mary. Sige ba, gawin mo nga talaga iyon! Tingnan natin kung kaya mo!" Napailing na lang si Hannah dahil seryoso pala talaga si Mary sa gusto niyang mangyari. Ang buong akala kasi niya ay nagloloko lang ito sa kanya.Nang makita niya ang pillow sa tabi niya ay agad niyang tinapon iyon kay Mary. Doon na lang niya binuhos ang asar at inis na nararamdaman."Ouch! Ano ba? Nagtatanong ako nang maayos dito, o! Seryoso nga kasi ako! Anong akala mo? Joke time ko lang 'yong sinabi ko kanina? Hindi 'no!""Mary, kung ako sa iyo ay umayos ka na lang. Huwag ka nang mag-isip nang kung anu-ano," sagot ni Hannah, ang buong akala niya ay tapos na ang pinag-uusapan nila ni Mary.Pero, umayos ito nang upo at saka tinuloy ang pagta
Agad na sinampal ni Hannah ang kanyang sarili nang ma-realize niya na sobra na pala niyang iniisip si Simon. Kinuha na lang niya ang kanyang cellphone para tingnan kung sino ang mga nag-message sa kanya.Una niyang nabasa ang message ni Liane, habang binabasa niya iyon ay hindi niya napigilang hindi matawa. "Ayun, buhay pa ang demonyo. Gustuhin ko man na mamatay na siya pero doktor ako eh. I should save lives, hindi ruin. Puro dugo nga lang, grabe ang ginawa mo sa kanya, ah? Hayaan mo, iu-update pa kita tungkol sa kanya. Alam ko naman na kahit paano ay nagke-care ka pa rin sa lalaking ito. Talk to you soon."Agad niyang ni-replyan si Liane."Liane naman, ikaw talaga o. Pero, salamat. You don't need to do this though."Ilang minuto pang naghintay sa reply ni Liane si Hannah pero dahil alam niyang busy ito sa ospital ay hindi na niya iyon inabala pa. Ang kasunod naman na nag-message sa kanya ay si Harry. Hindi rin niya naiwasan na matawa sa mga messages nito sa kanya. Patungkol iyon ka
Nang makita niya si Simon sa ganoong position ay natigilan siya. Feeling niya ay isang anghel na natutulog ang kasama niya sa hotel room. Habang tinitingnan niya ang binata ay hindi niya maiwasang hindi mag-isip. Kung si Mary nga ay reklamo nang reklamo na pagod na, paano pa kaya si Simon na panhik nang panhik para lang i-check ang lahat ng ilaw sa amusement park? Hindi naman diyos si Simon para hindi mapagod kaya sigurado si Hannah na pagod din ito kahit na hindi nagsasabi. Hindi niya tuloy maiwasang hindi maawa sa katrabaho. Dahil sa tanong na iyon ay nagulat si Hannah. Kitang-kita rin ang pagkapula ng mga cheeks niya. "Oo, feeling ko kanina parang magkakasakit ka kaya kinumutan kita agad. Pasensya ka na," sabi ni Hannah pagkatapos ay pinilit na nilayo ang kanyang sarili sa binata. Hanggang sa naramdaman niyang lumamig na roon sa kwarto ni Simon. Gawa siguro noong aircon. Idagdag mo pa na mahangin din sa labas dahil naambon. Dahil napansin ni Hannah na naka suot lang ng