Dahil alam ni Hannah na may kailangan pa siyang ayusin sa bahay ay pumunta siya ng mall. Habang tumitingin ng bedsheet si Hannah ay nakita niya si Jane. Nakita niyang okay na si Jane pero nagtataka siya dahil 'yong pagpa-panic nito kahapon ay nakakatakot.Doon niya na-realize na ginawa lang iyon ni Jane para matakot si Jared para hindi siya iwasan nito. Sa isip ni Hannah, siguro ay masayang-masaya si Jane dahil effective ang ginawa niya. Naniniwala si Hannah noong sinabi ni Jared na wala siyang nararamdaman na kahit ano para kay Jane, pero ang inaalala niya ngayon ay baka si Jane naman ang may feelings para kay Jared. Tinitingnan ni Hannah si Jane habang kausap nito ang saleslady."Ah, ayaw niya ng masyadong bright colors. Siguro, 'yong simple lang pero maganda namang tingnan. Ganoon na lang siguro ang hanapin mo. Salamat.""Ah, Ma'am, pumipili po ba kayo para sa boyfriend niyo po?" tanong noong saleslady kay Jane.Ngumiti lang si Jane pero wala itong sagot doon sa saleslady.Nagula
Dahil break na nga sila ni Jared ay hindi alam ni Hannah kung ano ba ang dapat na itawag kay Emerald. Dahil dalawang araw na rin naman siyang hindi nauwi ay napagdesisyunan niyang Tita na lang ang itatawag niya rito. Kabado niyang sinagot 'yong tawag."Yes po, Tita?" mahinang sagot ni Hannah."Anong Tita? Oo nga pala, Hannah. Huwag ka na munang umuwi sa bahay ng kaibigan mo. Umuwi ka rito sa atin. May niluto ako para sa iyo na dumplings. Gusto ko sanang ipatikim sa iyo," sabi ni Emerald.Alam ni Hannah na nagsumbong na si Jared dahil hindi na niya kayang pauwiin si Hannah sa kanila. Humingi na ito ng tulong sa magulang. Inis na inis si Hannah dahil kailangan na naman niyang mag-impake para siya ay makauwi. "Sige po, Tita. Uuwi po ako sa atin mamayang gabi."Bago bumalik sa trabaho si Hannah ay nagkita sila ni Mary. Nagtaka siya dahil sa tanong nito sa kanya."Miss Hannah, ayos ka lang po ba?" "Ha? Bakit? Anong problema?" sagot naman ni Hannah."Ah, ang dami kasing chismis sa office.
Pagpasok ni Hannah ng bahay ay narinig niya agad ang sinabi ng tatay ni Jared. Naisip niya na baka pinauwi na siya ni Emerald ay dahhil kalat na sa buong opisina ang nangyari kay Jane sa coffee shop. Alam ni Hannah na ayaw ng tatay ni Jared na madungisan ang kanilang kumpanya kaya ganoon na lang ang galit nito."Si Hannah ang fiancée mo pero nahuli ka ng ibang mga katrabaho mong may kayakap kang iba? Jared naman! Oo, pwede kang mapahiya sa mga tao pero huwag mo nang isasali pa sa kahihiyan si Hannah!" sigaw ng tatay ni Jared."Jared, oras na hindi mo pa pakasalan si Hannah, hindi ka na pwedeng tumira sa bahay na ito kahit kailan!" dagdag pa nito.Natuwa naman si Hannah sa kanyang narinig. Kahit siya ay inampon lang ng mga Falcon ay hindi naiba ang trato nila kay Hannah. Para sa kanila, anak ang turin nila rito.Naalala pa nga ni Hannah noong sinabihan siya ng kapatid ni Jared na si Jace na simula noong napunta si Hannah sa kanilang pamilya ay parang na-etsapwera na ang magkapatid kina
Hindi pa rin nagsalita noon si Hannah kaya lalong nag-alala si Jared kung ano man ang iniisip ng kanyang fiancée."Hannah, ano bang gusto mong gawin ko? Sabihin mo sa akin, okay?" sabi ni Jared, para bang nawawalan na ito ng pag-asa na magtitiwala pa sa kanya si Hannah.Hindi sanay si Hannah na makitang ganoon si Jared. "Jared, wala naman na tayo, di ba? Pwede mo na siyang alagaan sa paraan na gusto mo," sa wakas ay nagsalita na si Hannah kay Jared.Napailing na lang si Jared. Ilang minuto pa ay nagsalita na siya."Huwag mo nang sabihin iyan dahil hindi naman iyan mangyayari. Aayusin na natin ang kasal natin bukas.""Jared, gusto mo ba talaga akong pakasalan?" tanong ni Hannah.Bumalik na naman kasi siya roon sa araw kung saan narinig niya sina Jared at Roldan na nag-uusap. Alam niya kung ano talaga ang nasa loobin ni Jared."Kilala na natin ang isa't isa, di ba? Kilalang-kilala na halos ayaw mo na nga akong makatabi sa pagtulog, hindi ba?" dagdag ni Hannah."Hannah, joke lang iyon.
Dahil sa pagtango niya ay naging kampante naman ang mag-asawa na matutuloy ang kasal noong dalawa. Pagkatapos ng dinner na iyon ay hindi naman makaalis si Hannah. Kaya, pumunta siya sa kanilang kwarto ni Jared. Nagulat siya nang makita ang kanyang fiancee."Mag-shower ka na," may awtoridad na sabi ni Jared.Pupunta na nga sana sa shower room si Hannah kaya lang ay biglang nag-ring ang phone niya. Tumatawag si Liane. Kaya naman imbes na si Hannah ang unang maliligo ay pinauna na niya si Jared."Mag-shower ka na. Ako na ang bahala rito. Ako na ang sasagot ng tawag," sabi ni Hannah.Pagsagot ng tawag ni Hannah ng tawag ay nagulat siya sa direktang tanong ng kanyang kaibigan sa kanya."Hindi ka umuwi rito kagabi at ngayong gabi. Hindi ka naman siguro babalik sa mga Falcon, ano?"Hindi sumagot si Hannah kay Liane. Nakatingin lang siya sa malaking kama na nasa kwarto nilang dalawa ni Jared. Pagkatapos noon ay napabuntong hinga siya."
Pagbaba ni Hannah ng kwarto ay amoy na amoy niya ang niluluto ni Mrs. Falcon. Tuwang-tuwa siya dahil ready na pala ang breakfast nila ni Jared. Nagulat naman siya dahil napansin niyang nag-iba bigla ang cover ng sofa sa sala ng mga Falcon. Para bang ready na ready na talaga ito sa kasal na magaganap."Hannah, pagbalik ninyo galing sa pag-aayos ng kasal ninyo ay umuwi agad kayo ha? Ice-celebrate natin iyan at pag-uusapan na rin ang mga importanteng gagawin sa kasal ninyo ni Jared," sabi ni Mrs. Falcon."Okay po," sagot naman ni Hannah."Bagay na bagay sa 'yo ang suot mo, Hannah. Pero, mas okay sana kung red ang kulay ng dress mo," nakangiting sabi ni Mrs. Falcon kay Hannah."Ah, masyado po kasing agaw pansin ang kulay na red," nahihiyang sagot ni Hannah."Naku, huwag mo kaming susundin, Hannah. Iba na ang era ngayon. Pwede mo nang isuot kahit anong gusto mong damit. Huwag mo nang sundin si Emerald, ha?" sabi ni Mr. Falcon, napangiti naman si Hannah dahil doon.Hinila na lang ni Emerald
Sobrang saya na ni Hannah noon pero mas lalo pa siyang naging masaya nang buksan niya ang bahay. Lahat ng sulok ng bahay ay tiningnan niya. Hanggang sa hinuli niyang tingnan ang mga kwarto. Napaawang na lang ang kanyang labi nang makita ang isang pamilyar na mukha ang kanyang nakita, si Jane ay nandoon. Bagong gising at naka-pajama pa."Miss Jane, bakit nandito po kayo?" tanong ni Sec. Martinez kay Jane. Pati siya ay nalilito kung bakit nasa bahay ni Jared Falcon si Jane.Agad na inayos ni Jane ang kanyang sarili bago tuluyang sumagot kay Sec. Martinez. "Ha? Bakit? Dito ako nakatira."Agad na napatingin si Jane sa susi na hawak ni Hannah. "Hindi ba kayo maalam kumatok sa pinto?""Ah, ang bahay na ito ay kay Mr. Jared Falcon at ibibigay niya ito kay Ms. Hannah," sabi ni Sec. Martinez. Pagkasabi niya noon ay agad niyang kinuha ang kanyang cellphone para kausapin si Jared. Hiyang-hiya kasi siya kay Hannah dahil nagkamali siya. Aksidente pa niyang na-click ang speaker phone dahil sa pa
Dahil hindi nga mapaalis ni Jane si Hannah doon ay gumawa na lang siya ng paraan para umalis si Hannah. Kaya lang, ang hindi niya alam ay ready naman si Hannah kung sakali na ganoon nga ang sabihin ni Jane sa kanya."Hannah, hindi ba't ngayon kayo mag-aayos ng kasal ninyo ni Jared? Bakit hindi ka pa nag-aayos? Hala, baka late ka na, ha," may pang-aasar na sabi ni Jane."Well, oo. Sinabihan nga kami ni Mr. Chavez kanina. Sabi naman niya, after lunch daw iyon kaya okay lang kung mamaya pa ako mag-ayos. Kapag naayos na namin iyon, mabubuhay na kami nang masaya. May mga malulusog na anak at kung ano pa," pang-aasar din ni Hannah.Dahil doon ay nawala ang mapang-asar na ngiti sa mga labi ni Jane. Alam niyang nang-aasar din si Hannah sa kanya at hindi naman kasalanan ni Hannah kung pikon siya.Kitang-kita ni Hannah ang inis sa mga mata ni Jane kaya kaya lalo pa siyang nang-inis dito. "Kapag naayos na namin ang kasal, asahan mo na ikaw ang unang pabibigyan ko ng invitation ha?" sabi ni Hann
Dahil sa sweetness ng mag-ina na nakikita niya ay parang hindi na siya makahinga kaya agad siyang nagpaalam kay Mrs. Falcon. "Mauna na po ako, Tita. Ingat po kayo." "Thanks, iha for your time. Ikaw din, mag-ingat ka," sagot ni Mrs. Falcon pagkatapos ay ngumiti. Aalis na sana siya noon nang biglang tinawag siya ni Jared. "Hannah, wait lang. May gusto sana akong sabihin sa iyo." "Ha? Wala naman na tayong pag-uusapan pa," mahinahong sagot ni Hannah. Sa totoo lang ay ayaw na niyang makausap pa si Jared dahil baka kapag nagkainitan na naman sila ay baka kung ano na naman ang magawa niya rito. Hindi lang sugat sa ulo ang matatamo nito sa kanya, kung hindi higit pa. Syempre, ayaw na niyang umabot pa sa ganoon dahil na-realize niyang walang ikakabuti ang pananakit sa kapwa. "Meron, meron akong sasabihin," sagot ni Jared kaya naman pinisil ng kanyang ina ang tagiliran nito. "Ikaw ha, kung wala ka rin namang sasabihin na maganda, tumigil ka na. Baka kung ano pa ang magawa ko sa
"Magbubukas ng bagong kumpanya ang Tito mo at si Aldred ang gagawin niyang CEO. Gusto mmo ba, roon kita ipasok ng trabaho? Pwede naman. Kakausapin ko na lang sila," nagulat si Hannah nang marinig iyon sa ginang. Alam ni Hannah na hindi naman sinabi iyon ni Mrs. Falcon para tulungan talaga si Aldred sa kumpanya kung hindi para i-match siya sa binata pagkatapos na hindi sila nagkatuluyan ni Jared. Sa isip-isip ni Hannah, talagang gusto ng ginang na ikulong siya sa kanilang pamilya. Dahil sila ang nagpalaki sa kanya, kailangan ay kung hindi nito napakasalan ang panganay ay pakakasalan naman niya ang bunso. "Tita, makinig po kayo sa akin ha? Sige po, isipin niyo po ito. Paano na lang po haharapin nina Jared at Aldred ang isa't isa kunh magiging asawa ko ang isa sa kanila? 'Di ba, parang ang hirap naman po yata noon? Baka mag-away pa sila. Ayaw naman po natin siguro iyon, 'di ba?" sabi ni Hannah. "E, ayaw talaga kitang mawala sa kumpanya, lalo na sa buhay namin. Ayaw ko na iwan m
Sobrang kinagulat naman iyon mi Hannah. Ang buong akala niya ay tapos na ang pakikitungo niya sa mga Falcon pagkatapos ng araw na ito pero hindi pala. Alam niyang todo ang pagrespeto niya kay Mrs. Falcon pero hindi na niya kayang maging isang sunud-sunuran dito na kung ano lang ang gusto ay iyon ang masusunod. "Ano po? Tita, nag-resign na po ako at naghahanap na rin ng bagong trabaho sa ngayon. Actually, may scheduled interview na po ako ngayong araw," pag-amin ni Hannah, laking gulat naman ni Mrs. Falcon sa kanyang narinig. "Ano? Aba, ang bilis naman yata," halatang ayaw niyang pakawalan si Hannah. "Tita, sa totoo po nga niyan ay plano ko na po talagang mag-resign noon pa pong bago namin pirmahan 'yong marriage certificate," sabi ni Hannah, ang mga tingin niya sa ginang ay hindi na siya nakukusensya. "Saka Tita,kung magiging magkatrabaho pa rin kami ni Jared pagkatapos ng lahat ng nangyari ay mahihirapan na po ako noon. Hindi po ako makapagtrabaho nang maayos dahil nakikita
"O, Tita. Hello po," bati ni Hannah pagkatapos ay hinalikan ang matanda sa kanyang pisngi. "Hannah," sagot naman nito pagkatapos ay hinawakan agad ang kamay ni Hannah at may tumulo na luha sa mata ng ginang. Alam ni Hannah sa kanyang sarili na hindi na siya makukuha pa sa paiyak-iyak ng ginang. Agad niyang tiningnan si Aldred at nakuha naman agad nito ang gustong sabihin ng dalaga. Kumuha siya ng tissue sa bag ng kanyang ina pagkatapos ay pinahid na iyon sa mga luha. "Mommy, hindi tayo pumunta rito para umiyak ka nang ganyan. Tinatakot mo si Hannah eh. Kung may gusto kang sabihin ay sabihin mo na agad sa kanya," saway ni Aldred. Nagpunas muli ng mga luha niya si Mrs. Falcon bago magsalita. "Hannah, please. Umuwi tayo sa mansion at doon natin pag-usapan ang problema." Muling tiningnan ni Hannah si Aldred, para bang tinatanong ng dalaga kung bakit ba sila pumunta roon at kung bakit rin umiiyak si Mrs. Falcon sa harap niya. Doon na pinaliwanag ni Aldred sa kanya ang lahat.
"Sir Simon, 'yong fried egg na nasa plato ko? Gusto mo sa iyo na rin?" tanong ni Mary habang nakangiti. "Hindi, busog na ako. Sa iyo na 'yang fried egg sa plato mo," sagot ni Simon, seryoso na naman ang itsura nito habang kumakain. Napalunok na lang ng laway si Hannah nang makita na may tira-tira pa na itlog sa plato ni Simon. Pakiramdam niya ay ayaw naman talaga ng binata na kumain noon. Pero laking pagtataka niya dahil kinain ni Simon ang fried egg niya. Bago pa man siya makapagsalita ay nakita na lang niyang tapos nang kumain ang lalaking nasa harapan niya. "Kumain lang kayo dyan, mauna na ko sa site," paalam nito sa kanila pagkatapos ay tumayo't umalis. Sinundan ng tingin ni Mary si Simon nang ito ay paalis na. At saka siya nagsalita. "Alam mo, may gusto talaga sa iyo si Sir Simon eh. Isipin mo, 'yong fried egg sa plato mo, kinain niya pero noong ibibigay ko na 'yong sa akin, ayaw niya na. Ang weird 'di ba?" may inis sa boses ni Mary pero hindi na lang iyon pinansin ni
Habang kumukuha ng pagkain si Simon ay kinausap nang palihim ni Hannah si Mary. Ayaw kasi niya na pupunta sila sa amusement park nang may unfinished issue pa. "Short na ako sa pera kaya hindi ko susundin ang sinasabi mo. Sabay-sabay na tayong pumunta roon. Ano 'yon, sabay-sabay tayong kumain pero hindi tayo sabay-sabay na papasok sa trabaho? Ang labo mo naman." "Miss Hannah-" hindi na natapos ni Hannah kung ano ang sasabihin niya dahil sumagot agad si Hannah. "Ay, naku. Wala na akong pakialam sa excuses mo, ha? I mean, kung gusto mo siyang masolo ay huwag naman sa ganoong paraan. May trabaho din 'yong tao, respetuhin mo iyon." Dahil seryoso na nga ang boses ni Hannah ay tumahimik na lang si Mary. Dahil medyo rinig ang pag-uusap ng dalawa ay napatingin si Simon sa kanila. Agad na sumenyas si Hannah na wala silang problema para hindi na mag-isip pa ng kung ano si Simon. Nang bumalik ang binata ay nagulat silang dalawa dahil may dala-dala itong ice cream. Mas nagulat sila nang ipaton
Nanlaki ang mga mata ni Hannah nang marinig iyon mula kay Mary. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis sa sinabi ng katrabaho. "Ah, gusto mo ba ay video-han ko pa para makita mo kung ano talaga ang feeling, ha? Ganoon ba?" inis na sagot ni Hannah.Todo ngiti naman si Mary. Sige ba, gawin mo nga talaga iyon! Tingnan natin kung kaya mo!" Napailing na lang si Hannah dahil seryoso pala talaga si Mary sa gusto niyang mangyari. Ang buong akala kasi niya ay nagloloko lang ito sa kanya.Nang makita niya ang pillow sa tabi niya ay agad niyang tinapon iyon kay Mary. Doon na lang niya binuhos ang asar at inis na nararamdaman."Ouch! Ano ba? Nagtatanong ako nang maayos dito, o! Seryoso nga kasi ako! Anong akala mo? Joke time ko lang 'yong sinabi ko kanina? Hindi 'no!""Mary, kung ako sa iyo ay umayos ka na lang. Huwag ka nang mag-isip nang kung anu-ano," sagot ni Hannah, ang buong akala niya ay tapos na ang pinag-uusapan nila ni Mary.Pero, umayos ito nang upo at saka tinuloy ang pagta
Agad na sinampal ni Hannah ang kanyang sarili nang ma-realize niya na sobra na pala niyang iniisip si Simon. Kinuha na lang niya ang kanyang cellphone para tingnan kung sino ang mga nag-message sa kanya.Una niyang nabasa ang message ni Liane, habang binabasa niya iyon ay hindi niya napigilang hindi matawa. "Ayun, buhay pa ang demonyo. Gustuhin ko man na mamatay na siya pero doktor ako eh. I should save lives, hindi ruin. Puro dugo nga lang, grabe ang ginawa mo sa kanya, ah? Hayaan mo, iu-update pa kita tungkol sa kanya. Alam ko naman na kahit paano ay nagke-care ka pa rin sa lalaking ito. Talk to you soon."Agad niyang ni-replyan si Liane."Liane naman, ikaw talaga o. Pero, salamat. You don't need to do this though."Ilang minuto pang naghintay sa reply ni Liane si Hannah pero dahil alam niyang busy ito sa ospital ay hindi na niya iyon inabala pa. Ang kasunod naman na nag-message sa kanya ay si Harry. Hindi rin niya naiwasan na matawa sa mga messages nito sa kanya. Patungkol iyon ka
Nang makita niya si Simon sa ganoong position ay natigilan siya. Feeling niya ay isang anghel na natutulog ang kasama niya sa hotel room. Habang tinitingnan niya ang binata ay hindi niya maiwasang hindi mag-isip. Kung si Mary nga ay reklamo nang reklamo na pagod na, paano pa kaya si Simon na panhik nang panhik para lang i-check ang lahat ng ilaw sa amusement park? Hindi naman diyos si Simon para hindi mapagod kaya sigurado si Hannah na pagod din ito kahit na hindi nagsasabi. Hindi niya tuloy maiwasang hindi maawa sa katrabaho. Dahil sa tanong na iyon ay nagulat si Hannah. Kitang-kita rin ang pagkapula ng mga cheeks niya. "Oo, feeling ko kanina parang magkakasakit ka kaya kinumutan kita agad. Pasensya ka na," sabi ni Hannah pagkatapos ay pinilit na nilayo ang kanyang sarili sa binata. Hanggang sa naramdaman niyang lumamig na roon sa kwarto ni Simon. Gawa siguro noong aircon. Idagdag mo pa na mahangin din sa labas dahil naambon. Dahil napansin ni Hannah na naka suot lang ng