Late na nang pumunta si Hannah sa bahay ni Mr. Chavez. Wala na si Jared doon pagpunta niya. Patay kasi ang cellphone niya kaya hindi niya alam kung ano na ang balita sa kanyang fiance. Expected naman na niya na hindi na niya makikita pa roon si Jared. Hindi talaga kasi kaya nito na maghintay nang matagal katulad niya. Nagulat na lang siya nang makita ang mga calla and text message ni Jared pagbukas ng phone niya."Hannah, nandito ka na ba? Bakit nakapatay ang cellphone mo?"""Hannah, ano bang nangyayari sa iyo, ha?"Hannah, mag-reply ka naman sa tawag at mga texts ko.""Hannah, sabi ni Mr. Chavez, after 20 minutes daw at wala ka pa rito ay magsasara na ang office niya. Nasaan ka na ba?""Hannah. niloloko mo lang ako, di ba?""Ang galing mo talaga, ano?Sa mga texts pa lang ni Jared, alam na ni Hannah na galit na galit ito dahil sa ginawa niya. Para naman sa kanya, tama lang iyon. Pakiramdam niya ay kahit paano ay nakaganti na siya sa lahat ng sakit na dinulot ni Jared sa kanya. Pagka
"Hannah, please. Kindly listen to my explanation," sabi ni Jared."Jared, wala naman nang kailangan pang i-explain sa akin. Na-explain mo na sa akin iyan lahat dati, hindi ba? Pagod na akong makinig sa mga explanations mo. Ubos na ubos na ako," sagot ni Hannah."Kaya kung pwede lang, itigil na natin ito," dagdag pa ni Hannah na lalong kinagalit ni Jared."Hannah naman!" sigaw ni Jared sa kabilang linya."Oo nga pala, inayos ko na ang mga files na kailangan mo. Pinasahan ko na ng email ang mga taong involved sa mga projects na iniwan ko at nag-send na rin ako ng kopya sa email mo," sagot ni Hannah, para bang nagpapaalam na siya kay Jared."Bakit? Anong ibig mong sabihin?" sagot ni Jared kahit may hula na siya kung ano ang ibigsabihin ni Hannah noon."Magbabakasyon lang ako," walang sigla niyang sagot."Sinadya mo iyon, ano?" tanong ni Jared.Hindi sumagot si Hannah kaya lalong nagalit si Jared sa kanya. Ramdam iyon ni Hannah kaya sumagot na siya."Mainit lagi ang ulo mo, di ba? Sige la
Naalala ni Hannah kung gaano kasaya si Mrs. Falcon noong umalis siya mula sa bahay nito, wala itong paglagyan. Kaya, sobrang sakit para kay Hannah dahil ang saya na iyon ay napalitan ng lungkot.“Tita,” mahinang tawag ni Hannah. Mahina dahil nahihiya siya at dahil din sa masakit na para sa kanya ang mga nangyayari.“Bakit Hannah? Sige, sabihin mo sa akin kung anong nangyari kasi naguguluhan ako,” sagot naman ni Mrs. Falcon sa kanya.“Tita, baka hindi talaga kami ang para sa isa’t isa,” sagot ni Hannah na kinagulat ng matanda.Hindi kayang sabihin ni Hannah na natalo siya ng isang babae, lalo na ng babaeng kamamatay lang ang asawa. Isa pa, ayaw din naman niyang siraan si Jared sa nanay nito dahil unfair naman iyon sa kanya.“Ha? Paanong hindi kayo ang para sa isa’t isa? Hannah, halos lumaki na kayong sabay ni Jared. Ang tagal-tagal niyo nang magkarelasyon. Mahal mo naman siya at mahal ka niya. Anong problema, anak?” nag-aala na talaga si Mrs. Falcon noon.Hindi na nakasagot si Hannah
“Hannah, bakit hindi ka nagsagot?” tanong ni Liane dahil nakatulala si Hannah.“Ah, ano bang sinasabi mo?” sagot naman ni Hannah.“Okay ka lang ba? Anong masakit sa iyo?” tanong ni Liane, pansin kasi niya ang pagkalungkot ng kaibigan.“Ah, wala naman. Na-miss ko lang talaga ang mga magulang ko,” sagot ni Hannah, tahimik siyang nakatingin sa bintana noon pero parang binibiyak ang puso niya.Kahit alam na ni Hannah na si Jared ang magiging fiancé niya noong dumating siya sa buhay ng pamilya Falcon e naging maayos lang ang kanilang relasyon three years ago.Anibersaryo ‘yon nang pagkamatay ng parents ni Hannah. Kahit matagal na ay umiiyak pa rin siya sa puntod ng mga ito kahit kasama niya si Jared.Nang makita siya ni Jared na umiiyak ay pinangako nito sa kanya na mamahalin at hindi siya nito iiwan. Sinabi rin iyon ni Jared sa harap ng puntod ng mga magulang ni Hannah.Napaniwala pa noon ni Jared si Hannah dahil ang buong akala niya ay nakita na niya ang lalaking magpupuno ng pagmamahal
Pagkasabi ni Hannah noon ay bigla siyang tiningnan noong lalaking inaasar niya kay Liane. Ang tingin ng lalaking iyon ay nakakatakot, nagsisisi tuloy si Hannah na nagbiro pa siya rito. Kahit nakatingin pa lang ‘yong lalaki sa kanya ay hinahanda na niya ang spray na binigay sa kanya ni Liane bago siya umalis. Habang kinukuha niya ang spray sa bag ay bigla namang sumakay sa kotse ang lalaki at umalis na. Kahit paano ay kumalma siya pero hindi niya maiwasang mag-isip sa iba pang tao na nakatira sa San Vicente. Ang kalmado niyang puso ay biglang napalitan ng takot. Paano kung ninakawan siya ng lalaking iyon pagkatapos ay pinatay? E ang gusto lang naman niya, katahimikan mula sa maingay na mundo ng pamilya ni Jared. Buti na lang at may dumaan na taxi doon kahit gabi na, pagkasakay niya ay binigay niya ang address kung saan siya pupunta at dinala naman agad siya noong taxi driver doon. Pagbaba niya ng taxi ay nagbayad agad siya sa taxi driver. Napaawang na lang ang kanyang mga labi nan
Naalala ni Hannah na si Aldred nga pala ang nagbayad ng kanyang phone bill noong siya ay bata pa. Gusto kasi niyang gamitin ulit ang lumang cellphone ng kanyang tatay noon at nahihiya naman siyang humiram kay Jared kaya kay Aldred siya lumapit.Noong una ay ayaw pa siyang pahiramin nito dahil baka kung saan lang daw gamitin ni Hannah, kaya para makisiguro ay sinama ni Hannah si Aldred para magbayad.Nang maniwala na siya ay binayaran na niya iyon at nakakagulat dahil makalipas ang sampung taon ay alala pa rin ni Aldred ang number niya.“Ah, oo nga pala. Hindi pa ako nakakabayad ‘no? Sinisingil mo na ba ako kaya ka napatawag?” pang-aasar ni Hannah, ilang saglit pa ay natawa na lang siya sa kanyang sinabi.“Well, yes,” maikling sagot ni Aldred kaya sumagot naman agad si Hannah.“E, di magta-transfer ako ng pera sa iyo ngayon. Saglit lang,” natatawang sagot ni Hannah pero nagulat siya nang maging seryoso na ang tono ni Aldred sa kabilang linya.“Hannah.”Parang may anghel na dumaan dahil
May aninong nakita si Hannah sa may bintana. Alam niya na 'yong taong iyon ang hinihintay niyang makausap para makapagpalitan sila ng kwarto. Narinig ni Hannah na tinanong na ng landlady 'yong lalaki tungkol sa ideya niyang pakikipagpalit ng kwarto."Simon, nandito ka na pala. Ah, siya nga pala. May babae dyan, naghahanap ng matutulugan kaso gusto niyang makipagpalit ng kwarto sa iyo. Kanina ko pa nga sinasabing sa kabilang kwarto na lang siya dahil occupied na 'yong kwarto na gusto niya, kaso ayaw naman," sabi noong matanda."Ha? Sino naman po iyon? Aba, sabihin niyo po sa kanya na hindi ako payag sa gusto niya," sagot naman noong lalaki.Dahil maingay sa lugar kung nasaan si Hannah ay narinig iyon ni Aldred sa kabilang linya. Tinanong niya tuloy kung nasaan ba si Hannah dahil nag-aalala siya para rito."Hannah, nasaan ka ba? Hindi safe na nasa labas ka pa nang ganitong oras, ah," sabi ni Aldred.Nang ma-realize ni Hannah na nasa kabilang linya pa si Aldred ay sinagot niya ito."Ah,
"Eh, gusto ba noong babae na matulog katabi niya?" pag-uusisa ni Hannah doon sa matanda."Naku, hindi ko na nalaman iyan dahil bago ko pa malaman ang tungkol dyan ay pinaalis na niya ako. Kaya, mag-ingat ka sa lalaking iyan. Iba 'yang magalit," sagot noong matanda."Huwag po kayong mag-alala, hindi naman ako interesado sa mga ganyang kwento. Lalo na sa mga lalaking gusto ng mga byuda," sagot naman ni Hannah.Pagkatapos sabihin iyon ni Hannah ay bigla namang lumabas 'yong lalaki mula sa kwarto nito. Hindi na siya naka-military suit kung hindi isang plain black t-shirt na lang ang suot niya. Sa paningin ni Hannah ay gwapo 'yong lalaki pero winaglit lang niya iyon sa kanyang isip."O, Simon. Saan ka naman pupunta ngayon? Aba, huwag mong sasabihin na lalabas ka pa ng ganitong oras?" sabi noong landlady doon sa lalaki."Hmm," sagot lang noong lalaki roon sa landlady."Eh kung ganoon, huwag ka lang magpapagabi, ha? Kailangan ko kasing isara ang pinto. Mahirap na, baka may magnanakaw na maka
Pagkatapos ayusin ni Hannah ang kanyang laptop ay tumayo na agad siya para pumunta na siya roon. "Miss Hannah, bilisan mo na. Baka mamaya pa ay magalit pa iyon sa akin at sabihing hindi ko sinabi sa iyo na tinatawag ka niya," sabi ni Hannah. "Oo na, ito na. Lalabas na nga. Ikaw naman, ako ang bahala sa iyo. Hindi ka papagalitan noon." Agad na ngang kumatok si Hannah sa pinto ni Simon nang matapos na niyang ayusin ang laptop sa kabilang kwarto. "Simon, nandito na ako," sabi ni Hannah. "Saglit lang, papunta na," narinig naman niyang sagot ni Simon sa kanya. Naghintay na nga noon si Hannah sa tapat ng pintuan ng binata. Halos limang minuto rin siyang nakatayo. Pagbukas ng pinto ay pansin agad ni Hannah na bagong ligo si Simon. Basa ang buhok nito at nakapang tulog na. May towel pa itong hawak-hawak. "Pasok." "Salamat." Nakita ni Hannah pagkapasok pa lang niya na bukas na ang laptop ni Simon sa table. Nanlaki ang mga mata niya dahil ang daming files ang naroon. "Anon
"Pwede ba, Hannah? Huwag na huwag mong isasali ang asawa ko sa usapan na ito? Patay na nga siya, wala ka pang respeto sa kanya?" galit na sabi ni Jane. "Seryoso? Ikaw pa ang may ganang mag-discuss sa akin ng topic tungkol sa respeto? E ni hindi niyo nga kami nirespeto ni Lyndon bilang mga partner niyo!" sigaw ni Hannah kaya natahimik si Jane. "Basta! Huwag mo nang isali pa sa usapan si Lyndon! Isa pa, hindi naman tungkol doon ang dahilan kung bakit pumunta ako rito. Nandito ako para ipakita sa iyo ito," sabi ni Jane pagkatapos ay binigay kay Hannah ang cellphone niya. Sa cellphone na iyon ay nagpe-play ang video kung saan nandoon si Jared sa ospital. Hirap na hirap dahil sa sugat na tinamo niya mula kay Hannah. 'Buti nga at nangyari ito sa kanya. To be honest, kulang pa nga ito eh.' sabi ni Hannah sa kanyang isip. Hindi napigilan ni Hannah na mapangiti, 'yong ngiti na para bang nanalo siya sa isang kompetisyon. Napansin iyon ni Jane kaya sinabihan siya nito. "Anong ngining
Nang makauwi na si Hannah ay agad niyang inayos ang kanyang gamit. Habang nag-aayos ay dumaan sa apartment niya 'yong landlady niya kaya kinausap niya ito. "Ay, hello po. Gusto ko po sanang magtanong," sabi ni Hannah. Nagtataka man pero pumasok pa rin 'yong landlady para tanungin kung ano 'yong kailangan ni Hannah sa kanya. "O, iha. Ano iyon? May problema ka ba rito sa apartment mo?" Agad na ngumiti si Hannah at umiling. "Ah, hindi po tungkol sa apartment ko 'yong tanong ko kundi 'yong apartment na katabi ko po. 'Di ba, sabi niyo po ay lalaki ang titira dyan?" sagot ni Hannah. "Ah, e oo. Bakit? May problema ka ba roon?" "Wala naman po, kaya lang ay nag-iisip po ako sa safety ko. Ayaw ko po kasing lalaki 'yong titira dyan. Pakiramdam ko po, hindi ako safe eh," kwento ni Hannah.
Pagkatapos ng mahabang araw ay nagulat na lang si Hannah dahil biglang may dalang pagkain si Aldred para pagsaluhan nilang lahat sa trabaho. "O, ililibre ko ngayon dahil nakabalik na si Hannah sa project. Kumain muna tayong lahat bago umalis," yaya ni Aldred sa kanilang lahat. Agad na lumapit sina Hannah at Jane doon sa pagkain. Dahil buntis ay takam na takam si Jane, pizza at pasta kasi 'yong binili ni Aldred para sa kanila. Nagkatinginan at nagkahiyaan sila nang makitang sabay na sabay silang lumapit doon. "O, mauna ka na. Baka isumbong mo na naman sa boss mong si Jared na hindi ka pinapakain dito eh," sabi ni Hannah pagkatapos ay lumayo na roon. Hinayaan na lang niyang mauna si Jane dahil buntis ito. Uminom na lang siya ng tubig
"Kuya Aldred, kung pinapabalik mo ako sa amusement park, sinasabi ko na sa iyo ngayon pa lang na hindi na. Nag-resign na nga ako, 'di ba? Impossibleng hindi mo alam ang tungkol doon?" Pumasok muna ng apartment si Aldred bago magsalita kay Hannah. Umupo siya sa sofa at tiningnan ang kabuuan ng lugar. "Sabi ko na eh, dito kita matatagpuan. Mabuti at pinaayos mo pala ito. Ibang-iba ito compared noon," sabi ni Aldred, ni hindi man lang pinansin ang sinabi ni Hannah. "Ah, oo. Konting ayos lang naman ang ginawa ko. Pero, maiba ako. Bakit ka ba pumunta rito? Sinabi ko naman na hindi na ako magtatrabaho sa amusement park 'di ba?" sabi ni Hannah. "Oo, sabihin na natin na nag-resign ka na pero your resignation is invalid. Hannah, alam natin pareho na you are the heart of the project. Kung wala ang guidance mo, mahihirapan ang buong team na gagawa noon," paliwanag ni Aldred. Alam naman ni Hannah na hirap sina Mary at Simon kung dalawa na lang sila. Pansin naman niya sa conversation nil
Pagkatapos ng tawag ay pinagpatuloy na ni Hannah ang pagkain niya ng egg at sausage. Habang kumakain ay binuksan niya ang laptop niya para i-send ang resume niya sa iba't ibang kumpanya. Sa ilang taon niya sa kumpanya ng ex-fiance na si Jared, sure siya na makukuha siya agad ng iba pang kumpanya. Hindi naman sa pagiging mayabang pero kilala niya ang sarili niya. Alam niya na kahit paano ay natuto na siya ng iba't ibang skill sa trabaho. Hindi niya namalayan sa sobrang pagkabusy niya ay marami na pala ang tumatawag sa kanya. Si Mary, nanay ni Jared at may isa pang unknown number. Naka 3 missed calls pa ito sa kanya. Buti na lang din ay hindi siya tinawagan ni Simon. Ang ibig sabihin lang noon ay okay ang amusement park. Alam din naman niya sa kanyang sarili na kayang-kaya iyon ni Simon. Ang una niyang tinawagan ay si Mary dahil alam niyang iyon ang mas may kailangan sa kanya. Sigurado siya na hirap na ito dahil wala na siya sa amusement park. "Mary, ano? Kamusta ka dyan? Pasens
Kahit hindi magkasama sina Hannah at Liane ay ramdam na ramdam ni Hannah ang galit ng kanyang kaibigan. "Ano? Ginawa niya sa iyo 'yon? Aba, hindi lang iyon ang dapat na ginawa mo sa kanya! Dapat pinatay mo na siya! Hay, naku! Nanggigil ako!" sigaw ni Liane sa kabilang linya. "Liane, ano ka ba? Hindi naman ako ganon kasama. Gusto ko lang talaga siyang turuan ng leksyon, akala niya kasi ay matatakot pa ako sa kanya eh," sagot naman ni Hannah. "Naku! Kulang pa talaga iyon para sa kanya, 'no! Hindi ka na nga niya tinurin bilang isang girlfriend tapos gaganyanin ka niya? Siraulo pala siya eh!" Hindi alam ni Hannah kung matatakot ba siya o matatawa dahil sa reaksyon ng kanyang kaibigan. Ang importante sa kanya ay nalaman niyang kahit na anong mangyari ay nasa likod niya si Liane. "Alam mo ba, ginawa niya iyon dahil nagseselos siya kay Simon? Aba, ang sabi pa ay sa kanya lang daw ako at walang kahit na sino ang pwedeng mag-may ari sa akin," sumbong pa ni Hannah kaya lalong kinainis
Hindi pa rin natigil ang pag-aaway nina Hannah at Jared. Mas lalo pang hinigpitan ng binata ang hawak niya sa ex-fiancee. "Uulitin ko sa iyo ha? Hindi ko alam ang nangyari noong hinalikan ko siya noon! Kaya wala akong kasalanan," sabi ni Jared. "Ah, ganoon ba iyon? Kapag hindi mo alam ang nangyari dahil sa kalasingan mo ay hindi mo na kasalanan? Aba, ang galing mo naman! Hanga na ako sa iyo," sagot ni Hannah. Ang hindi niya alam ay nakatingin na sa mga labi niya si Jared. Na para bang gusto niyang halikan ang dalaga. "Ano? Bakit ganyan ang tingin mo sa akin, ha?" tanong ni Hannah. Nalilito sa kung paano siya tingnan ni Jared. Sinubukan na nga ni Jared na halikan siya pero iniiwas talaga niya ang kanyang mukha kaya nainis na naman si Jared. "Jared, ano ba?! Sa tingin mo ba ay makukuha mo ako sa ganito? Alam mo, lalo lang kitang kasusuklaman eh!" sigaw ni Hannah. "Bakit? 'Di ba, ito naman ang gusto mo? Na maghalikan tayo na para bang magkasintahan. Ngayong ibinibigay ko na
Nang makabalik na si Hannah sa kumpanya ni Jared ay kitang-kita ang galit sa mga mata niya. Si Jared naman ay tawa nang tawa dahil nanalo na naman siya sa kanyang ex-fiancee. "O, Miss Hannah. Akala ko ay hindi mo talaga ako susundin. Buti naman at nandito ka na. You may start your work now," bungad agad na sabi ni Jared, nakangiti pa rin ito nang mapang-asar. Hindi kumilos si Hannah. May pinatong lang siya sa table ni Jared. "Ano ito?" nagtatakang tanong ng kanyang ex-fiance. Nabuo ang galit sa mga mata ni Jared nang mabasa niya kung anong nalalaman noon. Agad niya itong nilukot sa harapan ni Hannah. "At talagang iniinis mo ako, ano? Hindi ka ba talaga titigil sa kabibigay sa akin ng sakit sa ulo? Hannah, hindi pwede itong ginagawa mo sa akin!" pasigaw na sabi ni Jared. "Mr. Falcon, I'm presenting my resignation letter to you. Don't worry, naipasa ko na rin ito sa HR Department kaya alam na nila na magre-resign ako. Marami akong kopya niyan sa cellphone ko, kaya kahit ila