Wished One, But Got Five

Wished One, But Got Five

By:  Ajai_Kim  Updated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating
20Chapters
323views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Si Rica ay isang masayahin, mabait, at mapagmahal na dalaga sa kanyang pamilya hanggang sa isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap sa kanyang buhay na nagdulot sa kanya ng kalungkutan at pagkasira. Si Sage, ang kanyang kasintahan, ay tumulong sa kanya na mailigtas ang kanyang sarili at inalok siya ng pansamantalang tirahan sa condo unit nito kasama ang apat na lalaking kaibigan na sila Zian, Wenhan, Ran, at Yruma. Naganap ang pag-iibigan sa loob ng condo unit kung saan sila nakatira. Pagkatapos, isang hindi inaasahang lalaki ang pumasok sa kanyang buhay. Ang isang lalaki ay mag-aalaga sa kanya habang siya ay nasa gitna ng kaguluhan at problema, at ang isa namang lalaki ay bigla na lang lilitaw upang tulungan siyang maiangat ang kanyang sarili. Magkakaroon sila ng malalim na epekto sa kanyang puso, at bibigyan siya ng pag-aaruga at pagmamahal na magpaparamdam sa kanya ng kaligtasan at proteksiyon. Si Rica ay humiling lamang noon ng isang tunay na pag-ibig, ngunit bakit siya ay nagsimulang umibig sa limang lalaki na mas nagbigay ng kalinga at importansiya sa kanya kaysa kay Sage ukol sa tuntunin ng kahalagahan, pagmamahal, at seguridad?

View More
Wished One, But Got Five Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Black_Jaypei
Isa sa mga pangmalakasang Polly!... HIGHLY RECOMMEND!!! 🫶 “Hi Ate Kooo!” —JP.🫣
2024-10-11 17:44:12
2
20 Chapters

Wished One, But Got Five

Sa edad na labinwalong taong gulang ay maagang nabuntis si Rica ng kanyang nobyo na si Sage na mas matanda sa kanya ng apat na taon. Ayos lang naman ito sa kanya dahil alam niyang mahal na mahal siya ng binata at handa siya nitong pakasalan sa lalong madaling panahon at panagutan ang bata sa sinapupunan niya. Pero sa hindi inaasahang pangyayari ay naulila na si Rica nang dahil sa pagkamatay ng nag-iisa niyang kamag-anak at kasama sa buhay na si Lola Pacita. Namatay ito nang dahil na rin sa katandaan. Wala nang matirhan ang dalaga dahil nagkataon pa na nasunugan siya pagkatapos mamatay ng kanyang lola. Todo rescue naman ang nobyong si Sage at kaagad niyang pinatira sa condo unit niya si Rica, ayon nga lang ay nakatira rin sa condo unit nito ang apat na matalik na kaibigan ni Sage na sila Zian, Wenhan, Ran at Yruma. Ano kaya ang mangyayari sa buhay nilang anim sa iisang bubong? May mababago at magbabago kaya sa sitwasyon nila? At malalabanan rin ba nila ang bugso ng damdamin, tukso
Read more

Chapter 1

NASUNUGAN, nabuntis at namatayan. Wala na nga yatang mas mamalas pa sa buhay ni Rica Kyla Pillada. Napakabata pa niya para maulila sa kanyang kaisa-isang kamag-anak at tumatayong magulang na si Lola Pacita. Wala na rin siyang matutuluyan pa dahil nasunugan siya.Ang dahilan ay ang sumabog na LPG tank sa loob ng kusina nila. Masyado kasing kulog ang bahay nila at hindi pa masyadong makadaan doon ang hangin kaya siguro nagkaroon ng aberya at sumabog iyon at lumiyab sa loob ng kusina nila.Tahimik na lamang na umiiyak si Rica dahil sa sinapit niya ngayon. Napakamalas naman ng kapalaran niya. Hindi muna hinintay ng panahon na makagraduate siya sa kurso niyang Bachelor of Secondary Education Major in English dahil nagpabuntis, nasunugan at namatayan pa siya isang linggo palang ang nakakalipas.Wala siyang ibang mahihingan ng tulong kundi ang mayaman niyang nobyo na si Sage Dela Vega. May-ari ito ng restaurant na pinagtatrabauhan niya bilang part time waitress. Graduated na ito sa kursong B
Read more

Chapter 2

NAKAILANG balikwas na si Rica mula sa pagkakahiga niya sa kama pero hanggang sa magmadaling-araw na ay hindi pa rin siya makatulog ng maayos. Siguro ay dahil sa namamahay pa siya sa condo unit ni Sage.Nasa restaurant ngayon ang kanyang nobyo na busy sa pagmamanage ng business nito. 24/7 kasing bukas ang restaurant na pinagtatrabauhan niya na kung saan ay si Sage ang nagmamay-ari nun.Gustuhin man niyang magtrabaho sa restaurant ay hindi na niya iyon magawa dahil pinatigil na siya ni Sage na magtrabaho doon. Nakakasama raw kasi sa kanyang buntis na mapagod at baka raw magkaroon pa ng komplikasyon ang panganganak niya sa huli.Dahil first time naman niyang mabuntis at magiging mommy ay natakot rin siya doon kaya sinunod nalang niya ang sinabi ni Sage na magpahinga at kumain raw siya ng marami para sa kalusugan nila ni baby.Bigla ay nakaramdam siya ng uhaw kaya bumangon siya sa pagkakahiga niya sa kama at tinignan ang loob ng ref ni Sage. May mga lalagyan nga ng tubig doon pero wala na
Read more

Chapter 3

SAGE couldn't help but to think his ex-girlfriend who visited him earlier in his restaurant. Masaya na siya kasama ang kanyang nobya na si Rica, magpapakasal na rin sila at magkakaanak na. Everything is perfect until his ex-girlfriend Krissy said that she still loves him at umaasa pa itong magkakabalikan sila.Krissy was his first girlfriend. Tumagal rin ng tatlong taon ang relasyon nila hanggang sa maghiwalay sila noong mag 4th year high school sila dahil titira na sa London, England ang dating nobya at doon na ipagpapatuloy ang pag-aaral nito.LDR didn't work for them dahil makalipas lang ng isang buwan simula nang tumira sa England si Krissy kasama ang pamilya nito ay nakipaghiwalay na ito sa kanya dahil hindi na rin siya nito magawang kontakin palagi at i-update siya sa mga nangyayari sa buhay nito sa England.Masakit man pero binitawan na ni Sage si Krissy. Krissy was his first love, his first kiss, first experience and he's already thinking about their future pero nang dahil sa
Read more

Chapter 4

NGAYON ay nakipagkita si Sage kay Krissy sa isang Coffee shop na medyo may kalayuan sa restaurant na pagmamay-ari niya. Dahil sa suhestiyon ni Trevor ay susubukan niya muling makipag-usap sa ex-girlfriend niya. Gusto niyang timbangin ngayon ang nararamdaman niya kay Krissy.Is he still in love with her? O akala niya lang iyon dahil nagulat lang siya nang muling makita ang babaeng una niyang minahal?"I'm glad na gusto mo raw makipagbalikan sa akin, Sage sabi ni Trevor." nakangiting sabi ni Krissy at hinawakan nito ang isang kamay ni Sage.Krissy changed a lot. Kung noon ay conservative at simple lang itong manamit ngayon ay halos lumuwa na ang dibdib nito sa suot na kulay maroon fitted dress. Nagmemake-up na rin ito at mas lalo pang gumanda at sumexy sa anim na taon na lumipas. Wala na ang bakas ng dating Krissy na una niyang minahal.Sage can't feel nothing towards her. Kung noon ay may kung anong nagkakarera sa dibdib niya kapag tinitignan at hinahawakan siya ni Krissy, ngayon naman
Read more

Chapter 5

WENHAN explained everything about what happened to Rica. Tahimik lang naman na nakikinig si Zian sa paliwanag niya. Pagkatapos magpaliwanag ni Wenhan ay walang imik pa rin si Zian doon. Sinulyapan lang nito si Rica na nakaratay sa hospital bed na walang malay at may mga nakakabit na swero sa iba't-ibang bahagi ng katawan nito."Where's Sage?" Zian finally speak."Naiwan sa condo unit niya." sagot naman ni Wenhan at bumuntong-hininga ito.Zian hates the fact that Sage let Rica to stay with their bestfriends in one place. Hindi nga naman kasi maganda na may babaeng tumutuloy sa isang lugar na kasama ang mga lalake but he can't blame Sage for doing that dahil si Sage naman ang may-ari ng condo unit na tinutuluyan nila at base sa ikwinento na rin ni Wenhan ay nasunugan at namatayan pa ng mahal sa buhay ang babaeng ito na kasama nila ngayon.Zian looks intently to unconscious Rica. He is not hypocrite to tell that this woman is beyond beautiful. Halatang-halata ang pagiging banyaga nito da
Read more

Chapter 6

SINUGOD ni Sage si Trevor sa condo unit na tinutuluyan nito. Walang kahirap-hirap siyang nakapasok sa loob dahil nakasalubong pa niya sa pintuan ng condo unit ni Trevor ang isa yata sa mga fuck buddies ng binata na papalabas na rin sa loob ng unit.Natulala pa ang maganda at sexy na babae nang makita si Sage pero hindi nalang niya ito pinansin at tumuloy na hanggang sa makarating siya sa kwarto ni Trevor.Naabutan niya ang kapatid na nagsasara ng zipper ng pantalon nito. Nang mapansin siya nito ay nginitian naman siya na para bang wala itong ginawang masama sa kanila ni Rica."What are you doing here, my younger brother?" nakangiting tanong ni Trevor kay Sage na nagtitimpi lang ng inis at galit.Katulad ni Zian ay mahaba rin ang pasensya ni Sage. Hindi siya katulad ni Ran na bayolente at maikli ang pasensya. Si Wenhan ay maikli rin ang pasensya ngunit hindi naman ito bayolente habang si Yruma naman ay palaging kalmado at tahimik lang ngunit maikli rin ang pasensya ng isang iyon.Magka
Read more

Chapter 7

LUMIPAT na si Rica sa kwarto nina Wenhan at Ran. Hindi naman niya magawang mailang sa dalawang binata kahit makakasama na niya ito sa iisang kwarto dahil sa maikling panahon na nakilala niya ang mga ito ay sobrang gaan na ng loob niya sa dalawa at pinagkakatiwalaan na rin niya ang mga ito.Nakita niya ang pagiging concern nina Wenhan at Ran sa kalagayan niya maging pati na rin sina Zian at Yruma at hindi nila pinaburan ang maling ginawa sa kanya ng matalik nilang kaibigan na si Sage.Nang dahil sa nabanggit ni Sage kanina na kung nag-ingat lang raw siya ay hindi sana mawawala ang baby nila ay lubos siyang naapektuhan doon.May punto kasi ito at napagtanto niyang hindi lang si Sage ang may kasalanan sa lahat kung bakit siya nawalan ng anak. Masyado siyang nabigla at hindi na naisip na buntis siya nang malaman niyang pinagtataksilan siya ni Sage kaya tumakbo siya papalabas sa condo unit nito at humandusay siya sa sahig dahilan para makunan siya.Huli na para magsisi si Rica sa ginawa ni
Read more

Chapter 8

KAKAUWI lang ni Yruma galing sa klase sa unibersidad na pinapasukan niya at naabutan naman niya si Sage na umiinom ng alak sa sala ng condo unit nito."It's only an afternoon pero binubusog mo na 'yang sarili mo sa alak." sabi ni Yruma saka ito umupo sa tabi ni Sage at inilapag ang sukbit niyang bag sa gilid ng inuupuan nila."I need to drink to ease this pain in my heart. Rica broke-up with me. I'm alone again!" tumatawang sabi ni Sage at iniangat pa nito sa ere ang hawak niyang bote ng beer."Because it's your fault. Magpasalamat ka pa nga dahil mas pinili nalang niyang magstay dito sa condo unit mo dahil wala na siyang mapupuntahan." Yruma sighed and crossed his arms."Yes! I'm happy because she's still here pero hindi ko na siya mahahalikan at mayayakap pa dahil wala na kami!" Sage looks wasted right now na mas lalo pang ikinailing ni Yruma.Kagabi pa ito lasing at ngayon ay nagpapakalasing na naman. Yruma can't blame him tho. Sage truly loves Rica pero nasaktan niya ang damdamin
Read more

Chapter 9

NAKAPASOK si Rica sa condo unit ni Sage gamit ang passcode na ibinigay sa kanya ni Wenhan. Pagkapasok ni Rica sa condo unit ay naabutan niya na naman si Sage na nakaupo sa sofa ng sala at mukhang hinihintay nito ang pag-uwi niya. Napansin niya rin ang mga paperbags at groceries na nakapatong sa lamesa.Nang madaanan niya si Sage ay kaagad siyang nginitian ng lalake. Namumula ang mukha nito at namumungay ang mga mata. May ideya na si Rica na lasing na naman si Sage at mukhang hindi na ito pumapasok sa trabaho niya at sa pagpapatakbo ng sarili nitong restaurant."Wifey, nagpabili nalang ako sa sa mga maids namin sa bahay ng mga damit para sa'yo saka may groceries na rin diyan para sa lahat ng kakailanganin mo dito." nakangiting sabi ni Sage saka ito tumayo at akmang yayakapin na sana si Rica nang kaagad itong umiwas sa kanya."Hindi mo na kailangang gawin 'to, Sage. Kaya ko nang tumayo sa sarili kong mga paa. Magtatrabaho na rin ako sa lunes kaya hindi na ako magiging pabigat sa'yo." sa
Read more
DMCA.com Protection Status