Share

Chapter 4

NGAYON ay nakipagkita si Sage kay Krissy sa isang Coffee shop na medyo may kalayuan sa restaurant na pagmamay-ari niya. Dahil sa suhestiyon ni Trevor ay susubukan niya muling makipag-usap sa ex-girlfriend niya. Gusto niyang timbangin ngayon ang nararamdaman niya kay Krissy.

Is he still in love with her? O akala niya lang iyon dahil nagulat lang siya nang muling makita ang babaeng una niyang minahal?

"I'm glad na gusto mo raw makipagbalikan sa akin, Sage sabi ni Trevor." nakangiting sabi ni Krissy at hinawakan nito ang isang kamay ni Sage.

Krissy changed a lot. Kung noon ay conservative at simple lang itong manamit ngayon ay halos lumuwa na ang dibdib nito sa suot na kulay maroon fitted dress. Nagmemake-up na rin ito at mas lalo pang gumanda at sumexy sa anim na taon na lumipas. Wala na ang bakas ng dating Krissy na una niyang minahal.

Sage can't feel nothing towards her. Kung noon ay may kung anong nagkakarera sa dibdib niya kapag tinitignan at hinahawakan siya ni Krissy, ngayon naman ay parang wala na ito sa kanya.

Hindi makasagot si Sage dahil hindi niya mawari kung ano ang gusto niyang sabihin. Nasa utak niya na mahal pa rin niya si Krissy ngunit iba naman ang idinidikta ng puso niya at iyon ay walang iba kundi si Rica.

Krissy rolled his eyes sa hindi pag-imik ni Sage at binitawan na nito ang kamay ng binata.

"About your poor and pregnant girl, don't worry about it dahil tanggap ko naman kahit nagkaanak ka pa sa ibang babae. It's my fault naman kung bakit tayo naghiwalay. The important is magkakabalikan na tayo!" masayang pahayag ni Krissy at bigla niyang hinalikan sa labi si Sage na ikinagulat naman ng binata.

Sa sobrang bilis nang pangyayaring iyon ay hindi kaagad nakapagreact si Sage.

"Your lips taste the same." mapang-akit na sabi ni Krissy at kinagat pa nito ang ibabang labi niya habang tinititigan si Sage na nakaawang ang bibig at hindi malaman kung ano ang gagawin.

Nang bigla niyang maisip si Rica at ang ipinagbubuntis nito ay tila doon natauhan si Sage. Mahina itong napamura at nailamukos ang mukha gamit ang kanyang palad nang mapagtanto ang maling ginagawa niya ngayon.

Bakit ba siya nakipagkita pa sa ex-girlfriend niya? Talaga bang ipagpapalit niya si Rica na walang ibang ginawa kundi ang pagkatiwalaan at mahalin siya ng totoo?

Ano bang mga katarantaduhan ang ginagawa niya ngayon? Bakit nakinig siya sa suhestiyon sa kanya ni Trevor na makipagbalikan na kay Krissy at tuluyang iwanan si Rica?

Malinaw na sa kanya ang lahat. Hindi na niya mahal si Krissy dahil si Rica na ang itinitibok ng kanyang puso. Nalito lang siguro siya sa nararamdaman niya nang makitang muli ang ex-girlfriend pero ngayon ay sigurado na siya sa nararamdaman niya.

Patawad kung nagawa ko man sa'yo 'to, Rica. Ngayon, alam ko nang ikaw lang ang mahal ko at hinding-hindi kita iiwanan pa.

Biglang tumayo si Sage mula sa pagkakaupo niya at akmang aalis na sana ito nang hinawakan siya ni Krissy sa braso niya.

"Wait, where are you going, Sage? Ang akala ko ba ay mag-uusap pa tayo ngayon tungkol sa pagbabalikan nating dalawa?" tanong ni Krissy na maluha-luha na.

Bumuntong-hininga naman si Sage at dahan-dahan niyang tinanggal ang pagkakahawak ni Krissy sa braso niya.

"I'm sorry, Krissy but I don't love you anymore. Nalilito lang siguro ako sa nararamdaman ko ngayon sa'yo nang makita kita at ang akala ko ay mahal pa rin kita pero nagkakamali pala ako. I love my girlfriend now and our child. I'm sorry." malungkot na saad ni Sage at iniwan nitong umiiyak si Krissy sa loob ng Coffee shop.

Nang makalabas na si Sage at pumasok na ito sa nakaparada niyang kotse sa labas ng Coffee shop ay ilang beses niyang inumpog ang kanyang ulo sa manibela.

Katangahan nga sigurong mahigit dalawang araw siyang hindi nagpakita kay Rica at hindi gawin ang duties niya bilang boyfriend nito at pagiging ama ng magiging anak nila.

Hinayaan niya lang si Rica mag-isa sa condo unit niya kasama ang mga matalik niyang kaibigan. Napakawalang kwenta at gago talaga niyang lalake!

"Shit! I'm sorry if I abandoned you in my condo, wifey. Ikaw ang mahal ko at hindi si Krissy. I will make it up to you now. I'm sorry for being an asshole boyfriend. Arghhh!" sigaw ni Sage dahil sa matinding disappointment at pagkamuhi sa sarili.

Inumpisahan na niyang paandarin ang kotse niya at balikan si Rica sa condo unit niya. This time ay hindi na niya hahayaan pang iwanan at hindi pahalagahan ang girlfriend niya.

Trevor smiled with a triumph on his face pagkatapos niyang makuhanan ng litrato si Sage na biglang hinalikan kanina ni Krissy. Hindi halata sa litrato na nabigla si Sage sa ginawa ng ex-girlfriend at parang normal na magkasintahan lang ang mga ito sa litrato na mahilig mag PDA sa kung saan-saang lugar.

"Tignan nalang natin kung hindi pa kayo maghiwalay ni Rica, my dear brother. Kahit narealized mong mahal mo na si Rica at hindi na si Krissy ay siguradong hindi ka na paniniwalaan pa ni Rica sa kahit ano pang paliwanag mo ngayon after I send this picture to her. Tsk! Poor, Sage." nakangising sabi ni Trevor at kaagad niyang sinend ang MMS picture sa number ni Rica na palihim niyang nakuha sa cellphone ni Sage nang pinatuloy niya ito sa condo unit niya.

Nang matapos nang gawin iyon ni Trevor ay lumabas na siya sa pinagtataguan niyang pader at nagpamulsa papunta sa nakaparada niyang kotse sa gilid ng daan.

"I need to celebrate today for ruining my younger brother's happy lovelife with his pregnant girlfriend." Trevor said while smirking and starts to maneuver his car.

Kanina pa nanginginig ang kalamnan ni Rica at walang tigil sa pagpatak ang mga luha niya nang makareceived ito ng isang MMS picture mula sa isang unknown number sa cellphone niya.

Litatro iyon ni Sage na may kahalikan na ibang babae. Hindi lang pala ibang babae iyon dahil binanggit nila Wenhan at Ran na ang ex-girlfriend ni Sage na Krissy ang pangalan ang babae sa litrato.

Hindi makapaniwala si Rica na kaya siyang pagtaksilan ni Sage. Sa mahigit isang taon nila bilang magkarelasyon, ang akala niya ay tunay at tapat sa kanya ang binata pero nagkakamali pala siya.

Kaya pala mahigit dalawang araw itong hindi umuuwi sa condo unit niya ayon pala ay busy ito sa babae niya na ex-girlfriend pa niya.

Masyadong nagpadala sa bugso ng damdamin si Rica. Hinayaan niya lang na may mangyari sa kanila ni Sage at nagkaroon kaagad ito ng bunga. Nagtiwala siya sa binata na siya lang ang mahal nito ayon pala ay mukhang hindi pa ito nakakapag move-on sa dating nobya at mukhang ginawa lang rin siyang panakip-butas nito.

Ang nabuo niyang pangarap para sa kanilang dalawa ni Sage ay nasira na nang dahil lang sa litatrong iyon.

"Hush, Rica. Makakasama sa baby mo ang sobrang pag-iyak mo. Don't stress yourself, please…" pagpapatahan sa kanya ni Wenhan habang hinahagod nito ang likuran niya matigil lang siya sa pag-iyak.

Si Ran naman ay kanina pa nakakuyom ang mga kamao at may halong galit sa mga mata nito habang si Yruma naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanila at bakas rin ang galit sa mukha nito.

"P-pinagkatiwalaan ko siya. Binigay ko ang sarili ko sa kanya kahit nag-aaral pa ako d-dahil mahal ko siya tapos.. ganito lang pala ang mangyayari sa akin.. ang sakit-sakit…" humahagulgol na sabi ni Rica at wala nang ibang nagawa si Wenhan kundi yakapin ito.

Nasasaktan sila dahil nakikita nilang nasasaktan rin si Rica. Ilang araw palang nila itong nakakasama sa condo unit ni Sage ngunit magaan na ang loob nila sa dalaga.

Mabait, masipag at mabuting tao si Rica. Kahit na buntis pa ito ay ito na ang kumikilos sa loob ng condo unit ni Sage at pinaghahanda at pinagluluto pa sila ng pagkain. Naglilinis at naghuhugas rin ito ng mga pinagkainan nila at pinaglaba pa sila ng mga marurumi nilang damit kahit hindi nila ito iniutos kaya ano pa ang mahihiling ni Sage sa babaeng ito bukod sa may maganda itong mukha at nakakaakit na katawan?

Malaking gago at siraulo si Sage para ipagpalit ito sa ex-girlfriend niyang ilang beses nang sinalisihan ni Trevor.

"Fuck him! Kapag nakita ko lang talaga ngayon ang pagmumukha ng Sage na 'yon ay kaagad kong babangasan ang mukha niya." Biglang pag-imik ni Ran na halatang nagpipigil lang ng galit na nararamdaman niya.

Sa reaksyon ng mga kaibigan ni Sage ay alam ni Rica na sobra itong mga nag-aalala sa kanya. Mababait ang mga ito at ni hindi siya pinabayaan nang mahigit dalawang araw na hindi umuwi si Sage sa condo unit nito.

"Punch him harder." sabi naman ni Yruma at umiling ito pagkatapos.

"I will." sagot naman ni Ran nang nakatiim-bagang.

Nagulat nalang sila nang biglang pumasok si Sage sa loob ng condo unit habang humahangos ito at mukhang tumakbo pa ng mabilis makarating lang dito.

"Wifey, I'm sorry kung-"

Hindi na naituloy pa ni Sage ang sasabihin niya nang kaagad siyang sinuntok ni Ran sa mukha. Napaupo sa sahig si Sage sa ginawa ng kaibigan at kaagad nagdugo ang labi nito sa lakas ng pagkakasuntok sa kanya ni Ran.

Nabigla doon si Rica at akmang lalapitan na sana ang dalawa para awatin nang pinigilan siya ni Wenhan.

"Hayaan mo na si Ran, Rica. Sage deserves that punch for cheating on you." mahinang sabi ni Wenhan at pinunasan nito ang mga luha ni Rica. Hindi naman sumagot doon si Rica at tumango nalang.

"Hey, moron! Bakit hindi ka na lang bumalik sa saya ni Krissy at magpakasaya kayo do'n, ha?!" sarkastikong sabi ni Ran at tumawa ito ng nakakainsulto.

Nagulat naman si Sage sa sinabi ng kaibigan at hindi nito inaasahan na alam nitong magkasama silang dalawa ni Krissy.

"H-how-"

Biglang dinampot ni Ran ang cellphone ni Rica na nakapatong sa lamesa at ipinikita nito kay Sage ang litrato na kung saan ay magkahalikan sila ni Krissy sa isang Coffee shop.

"See this photo? Buti sana kung edited 'to pero mukha namang hindi, e. Parang kanina lang nangyari 'to base dyan sa suot mong blue polo shirt. Ano, Sage? Itatanggi mo pa 'to? Pinagtataksilan mo ang girlfriend mo na walang ibang ginawa kundi iyakan ka at hintayin kang umuwi dito!" sigaw ni Ran kay Sage at napasabunot na ito sa buhok niya.

Hindi naman kaagad nakapagsalita doon si Sage at tumingin lang ito kay Rica na umiiyak pa rin sa tabi ni Wenhan.

"Wifey, you know how much I love you. I can explain-"

Bigla nalang tumayo si Rica sa tabi ni Wenhan saka ito lumapit kay Sage at sinampal niya ito sa mukha. Napayuko nalang doon si Sage at hindi na nito naitago ang luhang kanina pa niya pinipigilan.

"Ang sakit ng ginawa mo sa akin, Sage. Nagtiwala at minahal kita ng sobra pero ginawa mo sa akin, to.. sa amin ng baby mo…" humihikbing sabi ni Rica.

Napaluhod naman si Sage. "Patawad, Rica. N-nalito lang talaga ako sa nararamdaman ko simula nang bumalik dito sa Pilipinas si Krissy pero ngayon alam kong ikaw lang talaga ang mahal ko. Patawad…" umiiyak nitong sabi.

Umiling lang doon si Rica. "Hindi, Sage. Hindi mo ako mahal at ginawa mo lang siguro akong rebound para makalimutan mo ang ex-girlfriend mo. Mahal mo pa rin siya. Hindi mo sa akin magagawa ang bagay na 'to kung ako ang mahal mo."

"Rica-"

Hindi na naituloy pa ni Sage ang sasabihin niya nang kaagad tumakbo papalabas sa loob ng condo unit niya si Rica habang umiiyak pa rin ito. Kaagad naman itong sinundan at hinabol nina Wenhan at Ran.

"Rica!" sigaw ni Wenhan habang patuloy pa rin nilang sinusundan si Rica.

Mas binilisan pa ni Rica ang pagtakbo niya hanggang sa lumiko siya para gamitin ang hagdanan ng condo building. Hindi na niya matignan nang maayos ang hagdanang hinahakbangan niya dahil sa panlalabo ng mga mata niya na punong-puno na ng luha.

Sobrang sakit ng nararamdaman niya ngayon. Gusto niyang mapag-isa at magpunta ngayon sa puntod ng Lola Pacita niya para maglabas ng sama ng loob at hinanakit doon. Ang lola nalang niya ang tanging nagmamahal at nakakaintindi sa kanya pero iniwan pa siya.

Nang malapit nang makababa si Rica sa huling baitang ng hagdanan ay hindi niya naihakbang ng maayos ang kanyang paa kaya kaagad siyang natumba at humandusay sa sahig. Nakita pa niya ang maraming dugong lumalabas sa pagitan ng mga hita niya.

Napaiyak pang lalo doon si Rica hanggang sa maramdaman niyang unti-unti na siyang nanghihina.

May isang gwapo, matangkad at nakakunot-noo namang lalake ang nadatnan niyang paakyat na sa hagdanan at tila nabigla ito nang makita ang kalagayan niya ngayon. Nakasuot pa ito ng itim na suit na mas bumagay sa dominante at istrikto nitong awra.

"T-tulong…" mahinang sambit ni Rica sa lalake na kaagad siyang nilapitan at binuhat.

"Rica- oh shit! What happened to her, Zian?"

Narinig pa ni Rica ang gulat at takot na takot na boses ni Wenhan at mahinang pagmumura ni Ran na mukhang naabutan siya sa pagtakbo niya pababa ng hagdanan.

"She's bleeding. We need to take her to the hospital." sabi naman ng lalakeng binubuhat siya. Malalim ang boses nun at mahahalata ang kaseryosohan nito.

Nilamon na ng kadiliman ang paningin ni Rica hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Zian

Hindi niya makakalimutan ang pangalan ng lalakeng ito na nagligtas sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status