Share

Chapter 5

WENHAN explained everything about what happened to Rica. Tahimik lang naman na nakikinig si Zian sa paliwanag niya. Pagkatapos magpaliwanag ni Wenhan ay walang imik pa rin si Zian doon. Sinulyapan lang nito si Rica na nakaratay sa hospital bed na walang malay at may mga nakakabit na swero sa iba't-ibang bahagi ng katawan nito.

"Where's Sage?" Zian finally speak.

"Naiwan sa condo unit niya." sagot naman ni Wenhan at bumuntong-hininga ito.

Zian hates the fact that Sage let Rica to stay with their bestfriends in one place. Hindi nga naman kasi maganda na may babaeng tumutuloy sa isang lugar na kasama ang mga lalake but he can't blame Sage for doing that dahil si Sage naman ang may-ari ng condo unit na tinutuluyan nila at base sa ikwinento na rin ni Wenhan ay nasunugan at namatayan pa ng mahal sa buhay ang babaeng ito na kasama nila ngayon.

Zian looks intently to unconscious Rica. He is not hypocrite to tell that this woman is beyond beautiful. Halatang-halata ang pagiging banyaga nito dahil sa maputing balat ng dalaga at brunette na buhok. Plus her blue-grayish eyes na nasilayan niya kanina bago pa man mawalan ng malay ng ito. No wonder that Sage fell in love with this girl. She looks shy and fragile too, iyong tipong modernong Maria Clara.

Tinignan naman ni Zian si Ran na tahimik lang na nakaupo sa tabi ni Wenhan. Hindi ito nagsasalita mula pa kanina. He can see the hatred and madness in Ran's eyes. Ngayon lang niya nakitang ganito magalit si Ran dahil masayahin at palangiti itong tao.

Rica's baby is gone. Nalaglag ang anak nila ni Sage nang matumba at humandusay si Rica sa hagdanan na nadatnan niya kanina. Hindi pa alam ni Sage ang tungkol dito at kapag nalaman nito ang nangyari kay Rica ay paniguradong masasaktan ang lalake at sisisihin nito ang sarili kung bakit nawala ang anghel sa buhay nila ng nobya.

"Call Sage to inform that their baby is gone." seryosong sabi ni Zian kay Ran.

Tumingin naman si Ran kay Zian at masama pa rin ang timpla ng mukha nito. "Hindi ko tatawagan ang gagong 'yon! Nang dahil sa kanya ay nalaglag ang bata sa sinapupunan ni Rica. Baka kapag nagpang-abot lang kami ay mabugbog ko pa siya. Kayo nalang ang tumawag sa kanya. I need to get out of here habang may kontrol pa ako sa sarili ko." matigas na sabi nito at nagmadali na itong lumabas sa confine room ni Rica.

Napailing nalang doon si Zian habang si Wenhan naman ay nagpakawala ulit ng malalim na buntong-hininga.

"Ako na ang tatawag kay Sage." pagsuko ni Zian dahil mukhang wala ring balak tawagan ni Wenhan si Sage. Halata rin ang galit nito ngayon sa kaibigan nila nang dahil sa nangyari kay Rica.

Zian called Sage na kaagad sinagot ng binata. He said na nalaglag ang baby sa sinapupunan ni Rica dahil natumba ito sa may hagdanan ng condo building. He heard how Sage sobbed on the other line. Sinabi ni Zian ang pangalan ng ospital at room number kung saan nakaconfine si Rica and he hanged up the phone after.

"Pupunta na ngayon si Sage dito. Do you want to stay here?" Zian concernly asked to Wenhan na nakayuko at makailang ulit na pumikit. He looks exhausted.

Really? Nang dahil sa nobya ni Sage ay nagkakaganito ang mga kaibigan niya?

"Lalabas muna ako. Baka kung ano lang rin ang magawa ko kapag nakita ko ang cheater na 'yon. Babalik nalang ako dito mamaya. I need coffee to relax myself." Wenhan said saka ito tumayo mula sa kinauupuan niya at umalis na rin.

"Tsk!" tanging nasabi nalang ni Zian. He looked once again at Rica.

"How can you do this to my friends, woman? What's with you?" Zian whispered to himself.

Makalipas lang ng kalahating oras ay dumating na rin si Sage sa ospital. Lumuhod ito sa tabi ng hospital bed kung saan nakaratay pa rin ang walang malay na si Rica at ilang beses nitong hinalikan ang palad ng dalaga.

"I-I'm sorry, wifey... I'm sorry. Nang dahil sa akin kung bakit nawala na ang baby natin. I'm sorry, hindi ko sinasadya..." Sage said while crying and sobbing.

Sa loob ng ilang dekadang naging kaibigan ni Zian si Sage ay ngayon lang rin niya ito nakitang umiiyak at nasasaktan ng sobra. Geez! He's truly in love with this girl.

Kahit na naging girlfriend ni Sage noon si Krissy ay hindi naman ganito ang lalake nang makipaghiwalay ang nobya sa kanya. Yes, Sage drank to forget his feelings for Krissy but he didn't cried in front of them.

"Is it true that you cheated?" pag-imik ni Zian dahilan para matigilan si Sage.

"I didn't cheat. I'm just confused about my feelings but now, alam ko nang si Rica lang talaga ang mahal ko." Sage said while caressing Rica's flawless cheeks.

"And what about that photo? 'Yung magkahalikan kayo ni Krissy? Kanina lang ba 'yon?" banggit ni Zian nang makita niya ang ipinakitang picture sa kanya ni Wenhan na nakuha nito mula sa cellphone ni Rica.

"Y-yes. Krissy and I met earlier. Mahigit dalawang araw akong hindi umuwi sa condo unit dahil kinukumbinse ako ni Trevor na makipagbalikan kay Krissy. Nagkita kami ni Krissy kanina sa Coffee shop at nagulat nalang ako nang bigla niya akong hinalikan. I swear, I didn't kissed her back. I don't love her anymore. Isa lang talaga akong gago para maguluhan pa para sa nararamdaman ko sa kanila ni Rica. You can hate me, too if you want dahil kasalanan ko naman ang lahat ng 'to..." tila sumusukong paliwanag ni Sage at isinandal nito ang kanyang ulo sa gilid ng bedside table.

Zian knows that Sage is telling the truth. Hindi naman kasi ito nagsisinungaling sa kanilang magkakaibigan. Now that he'd hear his side ay mas nalinawan na siya doon. And about Trevor, hindi siguro napapansin ni Sage na pasimple na siyang sinisiraan ng sariling kapatid.

Kilalang-kilala ni Zian si Trevor dahil magkasing edad-lang sila at naging kaklase na niya ito noong magcollege sila. Trevor is very ambitious and insecured guy. Alam niyang hindi tunay na kapatid ang tingin nito kay Sage dahil inamin mismo iyon ni Trevor sa kanya. May lihim itong inggit at galit kay Sage na hindi naman napapansin ng huli.

Trevor is an asshole to suggest na makipagbalikan si Sage kay Krissy. Doon palang ay alam na ni Zian na ginagawa ni Trevor ang lahat para lang maging miserable ang sarili niyang kapatid.

Napailing nalang si Zian. "I understand but you still cheated. Your woman is waiting for you in your condo unit. She's very excited to be a Mom pero hindi mo nagawang maging mabuting ama sa magiging anak niyo. Sana noong una palang ay alam mo nang hindi ka na pwedeng makipagkita sa ex-girlfriend mo dahil may girlfriend ka nang buntis." he sighed. Pati yata siya ay ramdam rin ang bigat ng problema ni Sage at ng nobya nito.

"I know. It's my fault," mahinang sabi ni Sage na parang wala na ring lakas na magsalita pa.

"Kapag nagising na siya at nalaman na wala na ang baby niyo, siguradong kamumuhian ka niya. Take your consequences, Sage. Hindi kita maipagtatanggol ngayon dahil kahit saang anggulong tignan ay kasalanan mo 'to. Tsk! I don't know why people are cheating. It's the dumbest thing to do." Zian laughed sarcastically at iniwan na nito ang magkasintahan sa loob ng confine room.

Umupo nalang ito sa bench sa labas ng silid at sumandal doon. Napaaga ang pag-uwi ni Zian sa condo unit ni Sage dahil maaga niyang natapos ang mga trabaho na naiatas sa kanya ng Dad niya sa opisina. Magiging CEO na rin siya ng electronics company nila at his age of 24 that's why he's always busy to work on his father's company. He wants to get some rest and sleep pero ngayon ay mukhang hindi pa siya makapagpapahinga ng maayos nang dahil sa katangahan na ginawa ni Sage.

Zian closed his eyes and suddenly, he remembered Rica's beautiful face and eyes. What the hell? Kaagad siyang nagmulat ng mata at hinilot ang sintido niya.

Bakit ba bigla nalang sumagi sa isip niya ang nobya ni Sage? Nababaliw na ba siya?

Kinabukasan ay nagising na si Rica sa ospital. Nalaman na rin nito na nawala na ang baby nila ni Sage. Halos magwala si Rica sa confine room nito nang malaman ang balitang iyon. Humahagulgol at halos wala na ring tigil ito sa pag-iyak.

Naaawa si Sage sa kalagayan ng nobya. Nawala na ang first baby nila sa kagagawan niya. Dinagdagan pa niya ang sakit na nararamdaman nito nang makipagkita siya kay Krissy at hinalikan siya ng babae. Hindi siya iniimik ni Rica pero alam niyang matindi ngayon ang galit nito sa kanya.

Nang mahismasan sa pag-iyak si Rica ay akmang yayakapin na sana ito si Sage nang umiwas ang dalaga sa kanya.

"Iwan mo muna ako dito. Gusto kong mapag-isa." malamig na sabi ni Rica na naiintindihan naman ni Sage.

Pinunasan ni Sage ang mga luha niya sa mata at nginitian nito ng tipid si Rica. "If you need anything, tawagin mo lang ako." saad ng binata at kaagad na itong lumabas sa confine room ng dalaga.

Nang makaalis na si Sage ay tumalikod ng pagkakahiga si Rica at doon na muling bumuhos ang mga luha niya.

Ang baby niya, wala na.

At ang daddy niya, hindi sila mahal na mag-ina.

Gusto nalang rin mamatay ni Rica tutal ay wala na rin namang nagmamahal sa kanya at nawalan pa siya ng isang anghel na magpapasaya sana sa buhay niya.

Wala na nga siyang pamilya, pati ang mga taong minamahal niya at mamahalin pa niya ay nawala na rin.

Dahil sa matinding pagod sa pag-iyak ay kaagad nakatulog si Rica. Nang magising siya ay madilim na ang paligid. Nilibot niya ng tingin ang kabuuan ng confine room niya at nakita niya ang isang gwapo at matangkad na lalake na nakamasid lang sa kanya.

Bigla ay natatandaan niya ang lalakeng ito, ito 'yung lalakeng hiningan niya ng tulong nang aksidente siyang bumagsak sa baitang ng hagdanan sa condo building.

"S-salamat pala sa pagligtas mo sa akin kanina." mahinang pasasalamat ni Rica sa lalake. Hindi naman ito sumagot at nanatili lang na nakatitig sa kanya.

Bigla ay unti-unti itong lumapit sa kanya at itinuro ang tray ng pagkain na nakapatong lang sa bedside table.

"You need to eat to gain your strength. Kung ayaw mong mabulok sa ospital ay magpagaling ka." sabi ng lalake na iniwas na ang tingin kay Rica.

"Isa ka rin ba sa kaibigan nila Wenhan, Ran at Yruma?" tanong ni Rica at ayaw niyang banggitin ang pangalan ni Sage dahil namumuhi lang siya lalo sa kanyang nobyo.

"Yeah. I'm Zian, by the way." sagot ng binata at umupo ito sa edge ng hospital bed na hinihigaan niya.

Zian. Natatandaan niya na iyon ang sinabing pangalan ni Ran sa lalakeng ito nang iligtas siya nito at bago siya mawalan ng malay.

Tumango naman doon si Rica. Hindi niya alam pero magaan ang loob niya kay Zian. Kahit mukha rin itong suplado at tahimik lang katulad ni Yruma ay ramdam niya na mabuti itong tao.

Nang muling maalala ni Rica na nakunan siya at nawala na ang baby niya ay hindi na niya napigilan pa ang pagtulo ng mga luha niya. Panigurado na namumugto na ang kanyang mga mata sa pag-iyak na nakikita ngayon ni Zian pero wala na siyang pakialam sa itsura niya ang mahalaga ay mailabas lang niya ang bigat at sakit na nararamdaman niya.

Nakatingin lang si Zian sa kanya habang umiiyak siya. Para bang hinahayaan lang nitong ilabas niya ang lahat ng sakit sa dibdib niya. Nang mahinto na siya sa pag-iyak ay biglang nagsalita si Zian.

"You reminds me of my cousin who passed away a year ago." sabi nito.

"B-bakit?" tanong naman ni Rica habang sumisinghot-singhot pa ito.

Inabutan naman siya ni Zian ng panyo mula sa bulsa ng suot nitong pantalon. Hindi na ito naka suit at simpleng printed black t-shirt at pants nalang ang suot nito ngayon na mas lalo pang nagpabagay sa gwapong itsura ng binata.

Kinuha ni Rica ang panyong iniabot sa kanya ni Zian at pinunasan na ang mga luha niya. Pati ang panyo ni Zian ay mabango rin katulad nito. Langhap na langhap niya ang mabangong amoy ni Zian.

"She got miscarriage also on her first baby. Halos isang linggo rin siyang umiiyak nun at hindi nagsasalita dahil sa sakit ng pagkawala ng anak niya but when I reminded her that her baby is in heaven again with God and other angels. Doon na tinanggap ng pinsan ko ang pagkawala ng anak niya." Tinignan ni Zian ng mariin si Rica at bigla nitong hinawakan ang isang kamay niya.

"I'm more closer to my cousin than my mother who cheated with my father that's why I hate women and cheaters." seryosong sabi ni Zian.

Zian hates women in his entire life well except to his deceased cousin pero pagdating kay Rica ay hindi niya magawang magalit at mainis sa babaeng ito. She's different and he understands her situation right now. It's not her fault after all.

Wala namang ibang nagawa si Rica kundi titigan lang ang gwapong binata. Lumalakas rin ang tibok ng puso niya habang tinititigan ito sa hindi niya malamang dahilan.

"Isipin mo nalang rin na hindi pa siguro tamang panahon na mabuhay sa mundo natin ang baby mo, na bumalik ulit siya kasama si God at ang iba pang anghel doon. I'm not a religious person but I still believe in God and heaven."

Pilit bumangon si Rica sa pagkakahiga niya at bigla nitong niyakap si Zian. Doon na muling bumuhos ang mga luha ni Rica habang si Zian naman ay niyakap siya pabalik at hinagod-hagod lang ang likod niya.

"Everything will be fine, don't worry..."

Sa simpleng salita ni Zian ay napanatag na ang kalooban ni Rica.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status