Share

Chapter 6

SINUGOD ni Sage si Trevor sa condo unit na tinutuluyan nito. Walang kahirap-hirap siyang nakapasok sa loob dahil nakasalubong pa niya sa pintuan ng condo unit ni Trevor ang isa yata sa mga fuck buddies ng binata na papalabas na rin sa loob ng unit.

Natulala pa ang maganda at sexy na babae nang makita si Sage pero hindi nalang niya ito pinansin at tumuloy na hanggang sa makarating siya sa kwarto ni Trevor.

Naabutan niya ang kapatid na nagsasara ng zipper ng pantalon nito. Nang mapansin siya nito ay nginitian naman siya na para bang wala itong ginawang masama sa kanila ni Rica.

"What are you doing here, my younger brother?" nakangiting tanong ni Trevor kay Sage na nagtitimpi lang ng inis at galit.

Katulad ni Zian ay mahaba rin ang pasensya ni Sage. Hindi siya katulad ni Ran na bayolente at maikli ang pasensya. Si Wenhan ay maikli rin ang pasensya ngunit hindi naman ito bayolente habang si Yruma naman ay palaging kalmado at tahimik lang ngunit maikli rin ang pasensya ng isang iyon.

Magkakaiba sila ng personalidad pero nagkakasundo sila bilang magkakaibigan. Ngayon ay hindi na niya alam ang gagawin dahil mukhang pati ang mga matalik niyang kaibigan ay nagalit na rin sa kanya nang dahil sa maling nagawa niya sa kanyang nobya na si Rica. Hindi kinukunsinti ng mga ito ang kasalanan niya at hindi nga siya nagkamaling pagkatiwalaan ang mga ito.

"Ikaw ba ang nagsend kay Rica nang picture kung saan ay hinalikan akong bigla ni Krissy. Ikaw ba, Trevor?" madiing tanong ni Sage kay Trevor na kaagad tumango sa sinabi niya.

"Yes. Ako nga. I'm just doing you a favor dahil may balak ka naman talagang makipaghiwalay kay Rica para kay Krissy, hindi ba?" kaswal na sagot ni Trevor saka nito pinulot ang puting sando shirt na nagkalat sa sahig at isinuot iyon pagkatapos.

Kumuyom ang mga kamao ni Sage at sobrang sama na ng titig nito sa kapatid.

"Wala kang karapatang gawin 'yon! Alam mo ba na sa ginawa mo ay nalaglag ang anak namin ni Rica?" galit na saad ni Sage.

Nagkunwari pang nagulat si Trevor sa sinabi niya.

"Oh? Really? I'm so sorry to hear that, Sage pero hindi ko naman kasalanan kung hindi nag-ingat si Rica nang-"

Hindi na napigilan ni Sage na lapitan at kwelyuhan si Trevor. Sobra nang nanlilisik ang mga mata niya sa galit sa nakatatandang kapatid. Kung si Ran siguro siya ay kanina pa niya napatay sa bugbog itong si Trevor.

"Tell me, Trevor! Ginagawa mo ba 'to para sirain ang relasyon namin ni Rica at maging miserable ako? Hindi ako ipinanganak kahapon lang para hindi ko makita na may lihim kang galit sa akin. Ano? Tama ba ang hinala ko, ha?" sigaw ni Sage sa mukha ni Trevor.

Ngumisi naman si Trevor at tumango ito. "Wow! I'm impressed dahil nahalata mo na pala 'yon. Well, it's not my fault kung nagpadala ka sa sinabi kong balikan mo si Krissy. If you are faithful and loyal to Rica ay hindi ka papayag sa suggestion ko nung una na makapagbalikan ka sa ex-girlfriend mong pinagsawaan ko na."

Napahinto naman doon si Sage. "What do you mean? Ilang beses nang may nangyari sa inyo ni Krissy?" hindi niya makapaniwalang tanong.

"Yes, brother. Nang maghiwalay kayo ni Krissy ay hindi ko sinayang ang pagkakataong sundan siya sa England para naman pakinabangan ko ang katawan niya. You know na interesado ako noon kay Krissy pero inagaw mo siya sa akin, 'di ba? We had sex too many times in London at hindi ko alam na madali lang pala siyang bibigay sa akin." mapaglarong sabi ni Trevor.

Hindi malaman ni Sage kung ano ang dapat niyang sabihin at hindi rin niya alam na magagawa iyon ng sariling niyang kapatid mismo. Alam niya noon pa na may gusto si Trevor kay Krissy pero ang akala niya ay okay lang sa kapatid na naging nobya niya ang dalaga dahil playboy naman talaga si Trevor at hindi ito pumipirmi sa isang babae lang.

Muling nagsalita si Trevor sa biglang pananahimik niya. "And for the second time, inagaw mo na naman ang dapat para sa akin. Remember that I said to you na nagagandahan ako sa empleyado mo sa restaurant na si Rica? I was plan to court her pero inunahan mo ako at ngayon ay naging girlfriend mo pa at binuntis mo siya!" Trevor shouted at bahagya niyang itinulak sa dibdib si Sage.

Nawala na ang ngisi ni Trevor at napalitan na ito ng galit at pagkamuhi sa kapatid.

"Ikaw nalang palagi ang nangunguna at nakakakuha ng lahat ng gusto ko! You are people's choice while I'm the second option or last option. Ano bang meron sa'yo na wala ako? I'm more handsome, masculine and hotter than you while you are less attractive and a weak guy!" Trevor chuckled but in his bitter tone.

Malapit si Sage sa kapatid niyang si Trevor ngunit hindi niya alam na sobrang laki pala talaga ng lihim na galit at inggit nito sa kanya. Hindi niya ito masisisi dahil hindi naman rin siya bulag sa katotohanan na palagi siyang pinapaburan ng mga tao kahit pa ang mga magulang nila.

"I'm sorry," Tanging nasabi nalang ni Sage dahil alam niyang may pagkakamali rin siya.

He knows that Trevor likes Rica but he's still pursue her dahil ang akala niya ay ayos lang rin iyon kay Trevor na palagi nalang nagpaparaya pagdating sa kanya.

Trevor shook his head. "Sorry? Do you think it's enough para makabawi ka sa akin, Sage? Okay, masaya na rin naman ako dahil paniguradong kinasusuklaman ka na ni Rica ngayon at nawalan pa kayo ng anak. I'm happy dahil nasira ko ang maganda mo sanang buhay pamilya kasama siya. It's satisfying to see that you're now miserable because of your stupidity. Kung hindi ko man nakuha si Rica ay masaya na rin ako dahil sinira ko ang buhay mo!" he smirked.

Wala nang mas sasakit pa na ang sarili mong kapatid ang tatraydor at sisira ng buhay mo.

Gusto niyang magalit at saktan si Trevor pero hindi niya iyon magawa. Mali man ang ginawa nito sa kanya pero nasa kanya pa rin talaga ang desisyon kung makikipagbalikan pa nga ba siya kay Krissy o hindi na.

Masyado siyang nagpadalos-dalos sa desisyon niya at sa kaisipang mahal pa rin niya si Krissy kahit matagal na palang nawala ang nararamdaman niya para dito. Ni hindi niya naisip si Rica at ang batang ipinagbubuntis nito.

It his entire fault! At nang dahil sa katangahan at maling desisyon niya ay mukhang hindi na siya magagawang tanggapin pa ulit ni Rica at baka umalis na ito sa condo unit niya na ayaw niyang mangyari.

Sage composed himself at tinignan nito ng mariin si Trevor. "Sana maging masaya ka sa ginawa mo, Trevor. I know it's my fault too pero kahit kailan ay hinding-hindi mo makukuha sa akin si Rica. She's mad at me right now but I will fix everything for us. She loves me at mamahalin niya ulit ako kahit ano pang paninira ang gawin mo sa akin." he said seriously.

The irritation comes from Trevor's face when Sage said that. Tinitigan niya ulit ng masama si Sage pero pagkaraan ay nginisian niya ito.

"Then do your best. Baka sa isang iglap lang, madatnan mo na kami ni Rica sa kama habang magkapatong kaming dalawa at inuungol niya ang pangalan ko." Trevor teased Sage.

"It will never happen. Never." huling sabi ni Sage bago siya tumalikod at naglakad na papaalis.

"Damn you, Sage! Makukuha ko rin si Rica at aangkinin ko siya ng paulit-ulit sa harapan mo! Tandaan mo 'yan!" rinig niyang sigaw ni Trevor bago niya binuksan ang pintuan ng condo unit nito at lumabas na doon.

Sage sighed at hindi niya maiwasang makaramdam ng takot nang dahil sa sinabi ni Trevor. He knows his brother very well, kapag may sinabi ito at ginusto ay kaagad nangyayari at natutupad iyon.

He was afraid that Trevor will get Rica at baka gawin nitong advantage na hindi sila ngayon magkaayos ng dalaga.

Pagkatapos ng ilang araw na pagpapagaling ni Rica sa ospital ay umuwi na rin siya sa condo unit ni Sage kasama sila Wenhan, Ran at Yruma. Si Zian raw ay may trabaho pang kailangang tapusin at mula nang iligtas siya nito sa kapahamakan ay hindi na niya ito nakitang muli.

Talaga raw kasing busy na tao si Zian base sa sinabi sa kanya ni Wenhan at minsan lang itong umuwi sa condo unit ni Sage dahil sa opisina na nito iyon natutulog nang madalas. Tine-train na kasi itong maging CEO sa kompanya ng ama nito kaya dala ng binata ang pressure at bigat ng trabahong iyon.

Hindi maitatanggi ni Rica na may lungkot siyang nararamdaman dahil hindi niya nakikita si Zian. Ang mga sinabi kasi nito sa kanya ang naging dahilan para matanggap na niyang nawalan siya ng anak at muling magpatuloy sa buhay niya.

"Kailangan ko na sigurong umalis dito tutal ay w-wala na rin namang dahilan pa para magtagal ako dito. Maghahanap nalang ako ng trabaho para maipagpatuloy ko ulit ang pag-aaral ko at kaya kong buhayin ang sarili ko-"

"No! Hindi ka aalis dito. Pumayag akong magbreak tayo dahil sa hiling mo pero hindi ka aalis dito, Rica." pagsabat ni Sage na kakapasok lang sa loob ng condo unit nito.

Ilang araw rin itong hindi nagpakita sa kanya dahil sa hiling niya sa mga kaibigan nito. Hindi niya kayang harapin ang lalakeng dahilan kung bakit nawala ang baby niya. Namumuhi pa rin siya dito.

"At bakit? Wala kang karapatang magdesisyon para sa akin, Sage. Pinatay mo ang baby ko kaya wala nang dahilan pa para tumuloy ako dito sa poder mo!" singhal ni Rica kay Sage na tinawanan lang siya.

Tila nakita niya sa katauhan ni Sage si Trevor ngayon. Magkamukha ang dalawang magkapatid ngunit mas matapang ang mukha ni Trevor kumpara kay Sage na may Boy Next Door image at may maamong mukha. Sa pagtawa ni Sage ay naalala niya si Trevor na ganoon rin kung tumawa sa tuwing iniinsulto siya nito nang dahil sa mahirap lang siyang babae.

"And where do you think are you going, Rica? Nasunugan ka, remember? And you have no money to start for your own. Yes, I have a fault kung bakit nawala ang anak natin pero may kasalanan ka rin naman, ah? Kung nag-ingat ka lang malamang-"

"Stop it, Sage. You're drunk and wasted, fuckass!" galit na sigaw ni Ran saka ito aambang susuntukin si Sage nang napigilan ito ni Yruma.

Doon naman napansin ni Rica na nakainom nga si Sage. Lasing nga ito at hindi na ito halos makatayo ng tuwid habang tumatawa-tawa nang mag-isa at namumungay ang mga mata na malapit nang pumikit.

Kung magsalita ito ay muli niyang naalala si Trevor. Walang duda na magkapatid ang dalawa dahil mahilig silang manumbat at mangmaliit ng isang tao. Ito ang unang beses na narinig niyang magsalita ng ganito si Sage.

Pinigilan ni Rica ang pagtulo ng mga luha niya. Hindi siya pwedeng umiyak ngayon. Kailangan niyang maging matatag para sa sarili niya. Kung hindi dahil sa mga sinabi sa kanya ni Zian ay baka sumuko na siya sa sitwasyon niya ngayon.

Nagulat nalang si Rica nang biglang napaluhod sa sahig si Sage at kulang nalang ay gumapang na ito sa sobrang kalasingan.

"Wifey, I blame myself for hurting you and be confused about my feelings for you but I really really love you. Ikaw lang ba ang nawalan ng anak? Ako rin naman, ah? Hindi na ako makatulog ng maayos habang hindi kita katabi at may galit ka sa akin. Hate me, hurt me but please.. 'wag kang umalis dito dahil ikamamatay ko kapag iniwan mo ako..." nakayukong sabi ni Sage hanggang sa tuluyan nang sumubsob ang mukha nito sa sahig at nakatulog na sa matinding kalasingan.

Napailing nalang doon si Wenhan saka ito tumingin kay Rica.

"You have a rights to be mad at Sage. It's his fault why you are hurting right now, Rica but please, don't leave here. Don't leave us." mariing sabi ni Wenhan at hindi mabasa ni Rica kung anong ang emosyon na nasa mga mata ng binata.

Lumingon naman si Rica kina Ran at Yruma na nakatingin lang rin sa kanya.

Unti-unti namang tumango si Rica na ikinangiti nina Wenhan at Ran habang si Yruma naman ay biglang iniwas ang tingin sa dalaga.

"Sige, hindi na ako aalis dito pero hindi ko na kaya pang makasama sa iisang kwarto si S-Sage." mahinang sambit ni Rica at muling sinulyapan si Sage na nakadapa na sa sahig habang nakatulog na.

"Then don't worry, you can stay in our room." sabi ni Ran na ikinalaki ng mga mata ni Rica.

"W-wala na bang extra room para sa akin dito?" tanong ni Rica.

"Sadly, there's no more. Roommates kami ni Wenhan at sa iisang kwarto lang kami natutulog. I can sleep in matresses tapos sa kama ko nalang ikaw matutulog." nakangiting sagot ni Ran at nginitian pa nito si Rica.

"We are harmless and gentleman. Don't worry." sabi pa ni Wenhan at kinindatan siya. Si Yruma naman ay napailing nalang.

Napapikit nalang si Rica sa sobrang pag-iisip. Alam na niya talaga na mag-iiba na ang takbo ng buhay niya kasama ang mga matalik na kaibigan ni Sage.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status