Share

Chapter 3

SAGE couldn't help but to think his ex-girlfriend who visited him earlier in his restaurant. Masaya na siya kasama ang kanyang nobya na si Rica, magpapakasal na rin sila at magkakaanak na. Everything is perfect until his ex-girlfriend Krissy said that she still loves him at umaasa pa itong magkakabalikan sila.

Krissy was his first girlfriend. Tumagal rin ng tatlong taon ang relasyon nila hanggang sa maghiwalay sila noong mag 4th year high school sila dahil titira na sa London, England ang dating nobya at doon na ipagpapatuloy ang pag-aaral nito.

LDR didn't work for them dahil makalipas lang ng isang buwan simula nang tumira sa England si Krissy kasama ang pamilya nito ay nakipaghiwalay na ito sa kanya dahil hindi na rin siya nito magawang kontakin palagi at i-update siya sa mga nangyayari sa buhay nito sa England.

Masakit man pero binitawan na ni Sage si Krissy. Krissy was his first love, his first kiss, first experience and he's already thinking about their future pero nang dahil sa hindi sumang-ayon ang kapalaran sa kanila ay nasayang ang tatlong taon nilang relasyon hanggang sa nakipaghiwalay na si Krissy sa kanya.

He is her first heartbreak kaya nang maghiwalay sila ay hindi na muli pang sumubok sa isang relasyon si Sage hanggang sa makilala niya ang maganda at mabait na empleyado sa restaurant niya na si Rica.

Rica is not an easy-to-get girl. Makailang beses niyang sinuyo ang dalaga para lang maging nobya niya ito. Who wouldn't like Rica Kyla Pillada? Kahit ang mga lalake niyang empleyado sa restaurant na pagmamay-ari niya ay lantarang nagpapakita ng interes at pagkagusto kay Rica.

Rica is the most beautiful woman he'd ever seen. Maganda naman ang dati niyang nobya na si Krissy ngunit kayang-kaya itong higitan ni Rica. Rica doesn't look from a poor family at all because of her american features and blue-grayish eyes. He did everything his best to prove how much he likes Rica.

Bago pa man mamatay si Lola Pacita ay nag-usap na rin sila nito at nangako siya na aalagaan at poprotektahan niya si Rica habang nobya niya ito. Rica didn't like him at first dahil nga sa katayuan ng buhay nila. Mabuti nalang at sa huli ay sinagot na siya ng dalaga at dahil sa hindi rin naman tumitingin sa estado ng buhay ang mga magulang niya ay buong puso nilang tinanggap si Rica na magiging future daughter-in-law na nila.

Sage's mother comes also from a poor family at nagsikap lang ito sa maliit nitong

business noon na restaurants at cafe shops para umangat sa buhay habang ang kanyang ama naman na si Sergio Dela Vega ay nagmula na talaga sa mayamang angkan ng mga Dela Vega.

He loves Rica but he's still confuse about his feelings for his ex-girlfriend, Krissy. Wala naman kasi silang naging proper closure ni Krissy nang maghiwalay sila. Kumbaga naputol ang relasyon nila na may kaunti pa rin siyang sama ng loob sa babae.

Ngayong nagpakita ito sa kanya ay hindi niya maitatangging namiss niya ito. Mas lalo itong gumanda, sumexy at tumangkad sa mahigit anim na taon nilang hindi pagkikita.

Napailing nalang si Sage at saka nito tinungga ang bote ng beer na kanina pa niya iniinom sa loob ng bar na pinuntahan niya ngayon.

"Woah! What are you doing here, my brother?"

Napalingon si Sage sa biglang nagsalita at ang troublemaker at black sheep ng pamilya nila na si Trevor ang bumungad sa kanya. Umupo ito sa bakanteng upuan na malapit lang sa kanya at nginitian siya nito.

Hindi pinansin ni Sage ang nakatatandang kapatid at nagpatuloy lang ito sa pag-inom niya.

"Don't tell me, nag-away kayo ng girlfriend mo? Hmm.." banggit ni Trevor nang hindi siya umimik.

Kasundo naman ni Sage ang kapatid ngunit hindi ito makasundo ng mga magulang nila. Nagrerebelde kasi ito at walang ibang ginawa kundi ang gumimik at makipag basag-ulo lang sa kung kani-kanino. Hindi kasi sila nagabayan ng tama ng mga magulang nilang palagi nalang abala sa trabaho at business trips ng mga ito. Sila lang dalawa ni Trevor ang halos magkasama sa buhay kaya malapit talaga silang magkapatid.

"I heard na nandito na raw sa Pilipinas si Krissy at pinuntahan ka pa niya sa restaurant mo?" Trevor said na ikinahinto naman ni Sage.

"Sage sighed and nodded. "Yeah. Gusto niyang makipagbalikan sa akin and I'm so confused right now. Buntis si Rica at magkakaanak na kami pero hindi ko sila pwedeng pabayaan." ginulo nito ang kanyang buhok sa sobrang pag-iisip at pagkalito sa susunod niyang gagawin.

Bakit ba kasi nagbalik pa si Krissy kung kailan masaya na siya kay Rica?

"Tsk! It seems na mukhang hindi ka pa nakaka move-on kay Krissy, brother. If you still love her then balikan mo siya. Huwag mo nang paasahin pa si Rica at hiwalayan mo na." Trevor suggested na kaagad namang tinutulan ni Sage.

Maybe he's still have some feelings for Krissy but he don't want to lose Rica as well. Sa kaisipan palang na mawawala ito sa buhay niya at maaagaw ito ng ibang lalake sa kanya ay baka makapatay pa siya ng di oras.

"No. Walang ibang pwedeng magmay-ari kay Rica kundi ako lang!" Sage said and he grittted his teeth.

"Pero hindi ka naman pwedeng mamangka sa dalawang Ilog, Sage. You can still support Rica and your baby financially kahit hiwalay na kayo. Krissy still loves you too at sayang naman ang ilang taon niyong relasyon kung hindi kayo ang magkakatuluyan sa huli." Inakbayan ni Trevor ang kapatid na tila nag-iisip na ng malalim dahil sa sinabi niya.

Hindi siya kailanman papayag na maging masaya ang buhay ng kapatid niyang si Sage. Inagaw nito sa kanya si Krissy na kinabaliwan niya noon kaya hindi siya makakapayag na sumaya ito ngayon kay Rica at sa magiging anak nila.

He needs to suffer dahil kay Sage lahat napupunta ang gusto niya even the attention of their parents. Palagi silang pinagkukumpara ni Sage noon pa kaya mga bata palang sila ay palihim na niyang kinasusuklaman at kinamumuhian ang kapatid niya.

At ngayon, nakuha at nabuntis ni Sage ang pinakamaganda at pinakasexy na babae na nakita niya sa buong buhay niya. Napakaswerte talaga ng gago na 'to! Kaya hindi siya papayag na magkaroon ito ng masayang buhay at pamilya. He needs to suffer like him katulad nalang ng naramdaman at naranasan niya noon palang.

"I still don't know what I'm going to do, Trevor. I guess, I still love Krissy but I don't want to lose Rica." tila nanghihinang saad ni Sage at medyo lasing na rin ito.

"Rica will understand you kung pakakawalan ka niya. She's understandable and kind lady kaya maiintindihin niyang si Krissy pa rin ang mahal mo. Don't worry, I will help you para mag-explain nang lahat kay Rica. Tutulungan rin kitang magkabalikan kayo ni Krissy. Is it okay with you?" Pangungumbinse ni Trevor sa kapatid.

Unti-unti namang tumango doon si Sage na ikinangisi ng palihim ni Trevor.

"Then good. Don't worry about anything, okay? Nandito lang ako to help you, brother." sabi pa ni Trevor.

You're so dumb, Sage. Para mo na ring pinakawalan ang malaki at sariwang isda sa isang maliit at bilasang isda.

Who cares about Krissy anyway? Ilang beses ko nang pinagsawaan ang katawan ng babaeng iyon sa England at wala na rin ang kabaliwan na nararamdaman ko noon sa kanya. She's no trill at all. Madali siyang bumigay at magpaakit sa isang katulad ko.

Sino ba naman ang tatanggi sa isang Trevor Dela Vega? I bed and ate many pussies but I still want to eat your girlfriend's pussy, brother.

And so what if Rica is pregnant? Si Sage lang naman ang nagpakasawa sa maganda at sexy na katawan nun.

Pero kung hindi ko man makuha si Rica ay sisiguraduhin kong hinding-hindi ka magiging masaya sa kanya, Sage.

Alas diyes na ng gabi ngunit hindi pa rin umuuwi sa condo unit nito si Sage. Makailang beses na niyang tinawagan ang nobyo ngunit hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Kanina pa siyang umaga naghihintay dito ngunit namuti na ang mga mata niya sa kakahintay ay hindi pa rin ito dumarating.

Hindi na natuloy ang lakad nila ni Sage at para siyang tanga na kanina pa naghihintay sa living room para salubungin ito.

Umalis na rin kaninang umaga sa kanyang trabaho si Ran at si Wenhan naman ay aattend raw muna para sa debut party ng kanyang nakababatang kapatid na babae. Nagleave lang ito sa trabaho ng isang araw para dumalo sa debut ng kapatid.

Nagsabi ang mga ito na magluto nalang raw siya sa kusina kung nagugutom siya at i-text o tawagan nalang sila kung may iba pa siyang kailangan. Nagpalitan na rin sila ng mga numero dahil magaan naman ang loob niya sa dalawa at gusto niyang pagkatiwalaan ang mga ito. Nagpasalamat naman siya sa mga ito dahil sa pag-aalala nila para sa kanya.

Hindi na napigilan pa ni Rica ang luhang kumawala sa mga mata niya. Nag-aalala siya ngayon kay Sage sa kung ano na ang nangyari dito and at the same time ay disappointed rin siya.

Kung hindi naman pala matutuloy ang lakad nila at masyado itong busy sa restaurant na pagmamay-ari nito, sana ay tinawagan at sinabihan man lang siya para hindi siya umaasa nang ganito. Magkasama na nga sila at malapit lang sa isa't-isa pero pakiramdam ni Rica ay unti-unti nang lumalayo ang nobyo sa kanya.

Masyado lang siguro siyang nag-iisip ng masama. Hindi naman siguro siya iiwan ni Sage dahil magkakaanak na sila at nangako na itong pakakasalan siya. May ipapatayo na nga itong bahay para sa kanilang dalawa at naghahanap na ito ng lote para doon.

Hindi niya kakayanin kung hindi si Sage ang makakatuluyan niya. Si Sage nalang ang mayroon sa buhay niya at sobra niya na itong mahal. Abala lang siguro talaga ito ngayon sa restaurant kaya hindi na siya nagawang kontakin pa.

Kaagad nagpunas ng luha si Rica nang makita niyang papasok sa loob ng condo unit si Yruma na halatang kagagaling lang sa university na pinapasukan nito.

Base sa ikwinento sa kanya kanina nina Wenhan at Ran ay 3rd year college student na si Yruma sa St. Claire University na isang sikat na unibersidad sa Maynila. Business Ad rin ang kurso nito katulad ng tinapos na kurso nila Sage, Wenhan at Ran. Pare-pareho na ganoong kurso ang kinuha ng magkakaibigan para pangasiwaan ang kompanya ng mga magulang nila.

Halatang mga nakakaangat sa buhay sila Sage at ang mga kaibigan nito at mas nanlumo doon si Rica. Para bang hindi siya nababagay na makasama ang mga ito dahil mahirap lang siya at ulilang lubos na. Natigil na rin siya sa pag-aaral dahil nabuntis siya sa mura niyang edad at mukhang matatagalan pa bago siya magpatuloy ulit sa pag-aaral.

Napatingin si Yruma kay Rica at walang imik itong umupo sa kabilang side ng inuupuan nitong sofa. Nakasuot pa ang binata ng uniporme at kaagad ipinatong sa lamesa ang sukbit nitong bag.

Humalukipkip si Yruma at sumandal ito sa sofa. Hindi pa rin pinapansin si Rica na nakatingin lang sa kanya.

Gwapo si Yruma. May kahabaan ang itim nitong buhok na hanggang tainga ang sukat. Maputi ito at may matangos na ilong. Matangkad rin ito ng ilang pulgada kina Sage, Wenhan at Ran. Kamukha-kamukha nga nito 'yung paborito ni Rica na chinese actor na si Yibo Wang kaya mas lalo pa siyang nagagwapuhan sa binata.

"Stop staring." Kaagad namang umiwas ng tingin si Rica kay Yruma sa sinabi nito.

"Ah, may niluto nga pala akong tinolang manok sa kusina. Kung nagugutom ka ay kumain ka lang. Nagsaing na rin ako kaya may kanin na rin do'n." pag-aalok ni Rica kay Yruma.

Hindi naman sumagot doon si Yruma at nang muli niyang tinignan si Yruma ay nakapikit na ito at mukhang hapong-hapo galing sa pinapasukan nitong unibersidad.

Hindi na nahiyang lumapit si Rica kay Yruma at walang pag-aalinlangan niyang hinawakan ang dalawang kamay ng binata at minasahe ito ng marahan.

Doon naman nagmulat ng mata si Yruma at mukha itong nagulat sa ginawa ni Rica. Hindi ito nagsalita at tinitignan lang si Rica.

"Ginagawa ko na talaga ang pagmamasahe kapag pagod ang lola ko sa pagtitinda niya ng mga gulay sa palengke. Alam kong pagod ka rin mula sa school mo kaya may free massage ka sa akin." nakangiting sabi ni Rica kay Yruma na nakatitig pa rin sa kanya at hindi umiimik.

Nang matapos nang imasahe ni Rica ang magkabilang kamay ni Yruma ay sunod naman niyang minasahe ang sintido ng binata. Doon ay pumikit ulit si Yruma at mukhang narerelax naman ito sa ginagawa niya.

"You're waiting for Sage here?" pag-imik ni Yruma saka ito nagmulat ulit na ikinatango naman ng malungkot ni Rica.

"Kaninang umaga ko pa siya hinihintay umuwi pero hanggang ngayon ay hindi pa siya umuuwi. Hindi man lang niya ako magawang kontakin at sabihin kung nasaan na ba siya. Baka busy lang siguro sa restaurant niya." sabi ni Rica at lumabi ito.

Nang matapos na sa pagmamasahe si Rica ay bumuntong-hininga ito nang maalala na naman niya si Sage.

"Maybe he's up for something. Kumain ka na ba?" Tanong ni Yruma kay Rica.

"Hindi pa. Hinihintay ko pa kasing umuwi si Sage bago ako kumain." saad ni Rica at hindi na niya napigilan ang tono ng pagkalungkot.

"You're still waiting for him at this late night kahit na nagugutom ka na at ang bata diyan sa sinapupunan mo? Forget him for now at sabay na tayong kumain."

Wala nang nagawa si Rica nang hilahin siya ni Yruma papunta sa kusina. Si Yruma na rin ang naghanda ng makakain niya at ni ayaw siyang pakilusin nito.

Hindi naman pala masungit itong si Yruma. Katulad nina Wenhan at Ran ay mabait at maalalahanin rin ito sa kanya.

"You're such a good cook. I like this dish." banggit ni Yruma habang kumakain sila ng niluto niyang tinolang manok.

"Salamat," Nakangiti namang sagot ni Rica.

"If Sage is cheating right now. It's his loss."

Parang may sinabi si Yruma pero hindi na ito gaanong narinig pa ni Rica.

Kahit papaano ay panandaliang nawala ang kaunting bigat na nararamdaman ni Rica ngayon kay Sage dahil pwede rin pala niyang makasundo si Yruma na tahimik at mukhang suplado.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status