Share

Chapter 2

NAKAILANG balikwas na si Rica mula sa pagkakahiga niya sa kama pero hanggang sa magmadaling-araw na ay hindi pa rin siya makatulog ng maayos. Siguro ay dahil sa namamahay pa siya sa condo unit ni Sage.

Nasa restaurant ngayon ang kanyang nobyo na busy sa pagmamanage ng business nito. 24/7 kasing bukas ang restaurant na pinagtatrabauhan niya na kung saan ay si Sage ang nagmamay-ari nun.

Gustuhin man niyang magtrabaho sa restaurant ay hindi na niya iyon magawa dahil pinatigil na siya ni Sage na magtrabaho doon. Nakakasama raw kasi sa kanyang buntis na mapagod at baka raw magkaroon pa ng komplikasyon ang panganganak niya sa huli.

Dahil first time naman niyang mabuntis at magiging mommy ay natakot rin siya doon kaya sinunod nalang niya ang sinabi ni Sage na magpahinga at kumain raw siya ng marami para sa kalusugan nila ni baby.

Bigla ay nakaramdam siya ng uhaw kaya bumangon siya sa pagkakahiga niya sa kama at tinignan ang loob ng ref ni Sage. May mga lalagyan nga ng tubig doon pero wala namang laman. Kahit ang ref ni Sage ay walang laman ni isa.

Naalala pala niya na hindi na nakapag-grocery pa ang nobyo dahil busy ito palagi sa trabaho at kanina ay kaagad pa siyang pinuntahan sa bahay nilang nasunog ng lola niya. Mamayang umaga raw ay mag-gogrocery sila ni Sage, bibili ng mga kakailanganin niya at ni baby at magpapacheck-up na rin sila sa isang Obstetrician. Wala na talagang mahihiling pa si Rica dahil sapat na si Sage sa kanya. Isa itong mabait na nobyo at responsableng ama sa kanilang magiging anak.

Naisipan nalang ni Rica na lumabas mula sa kwarto ni Sage at magtungo sa kusina ng condo unit nito. Panatag naman ang loob niya na tulog na ang mga kaibigan ni Sage sa ganitong oras at hindi siya makikita ng mga ito.

Pagkaapak palang ni Rica sa may bandang kusina ay muntik na siyang mapatalon sa gulat nang makita ang isang half naked na lalake na umiinom ng tubig sa hawak nitong baso. Katulad ng mga kaibigan ni Sage na sina Ran at Yruma ay gwapo at matangkad rin ang binatang nakikita niya ngayon. Moreno ito at may magandang pangangatawan. Hindi ito gaanong bulky pero masasabing malakas ang karisma at hatak nito sa mga kababaihan.

Nang matapos uminom ng tubig ang lalake ay napatingin ito kay Rica. Tila nagulat rin ito nang makita ang dalaga at napaawang pa ang bibig.

"Who are you?" tanong ng lalake kay Rica.

Nahihiya namang ngumiti si Rica sa lalake. Kaibigan rin siguro ito ni Sage na nakatira sa condo unit niya. Ang sabi kasi ni Sage sa kanya ay apat na kaibigan nito ang pansamantalang naglalagi sa condo unit niya at ang dalawa ay hindi pa niya nakikita. Malamang ay isa ito sa hindi pa niya nakikita na kaibigan ni Sage.

"Ah, ako nga pala si Rica. Girlfriend ako ni Sage at dito muna ako titira sa condo niya." mahinang sambit ni Rica na ikinatahimik sandali ng lalake habang nakatingin pa rin sa kanya at tila'y sinusuri siya.

Makalipas ng ilang segundo ay ngumiti ang lalake sa kanya at sumandal ito sa handler ng ref.

"I see. Ikaw pala 'yung girlfriend ni Sage na ikinikwento niya sa amin and I heard na buntis ka raw. Am I right?" tanong pa nito.

Tumango naman doon si Rica na ikinangiti lang ng lalake. "I'm Wenhan. Kaibigan at kababata rin ako ni Sage and we're at the same age. Nice to meet you, Rica." pagpapakilala nito kay Rica.

Katulad ni Ran ay mukhang mabait naman itong si Wenhan kaya napanatag na doon ang loob ni Rica. "Ikinagagalak ko ring makilala ka, Wenhan." sagot ni Rica sa binata at nginitian ito.

"Feel at home lang dito, ha? Kung tutuusin, ikaw ang mas may karapatan sa condo unit ni Sage at nakikisabit lang naman kaming mga bestfriend niya dito." nakangiting sabi ni Wenhan at natawa ito ng mahina.

"Salamat. Ahm, iinom sana ako ng tubig." saad ni Rica kay Wenhan.

"Oh? I'm sorry," sabi naman ni Wenhan at gumilid ito ng pwesto para hindi harangan ang ref sa likuran niya.

Lumapit si Rica sa kinaroroonan ni Wenhan saka ito kumuha ng isang pitsel ng tubig sa ref at malinis na baso sa kitchen counter saka nagsalin ng tubig. Kitang-kita ni Rica sa peripheral vision niya na hinahagod siya ng tingin ni Wenhan ngunit hindi nalang niya iyon pinansin. Kahit naiilang rin siya na half naked ang lalake ay pinigilan niya iyon makainom lang siya ng tubig.

Pagkatapos uminom ni Rica ng tubig ay muli siyang bumaling kay Wenhan na nakangiti na sa kanya.

"How old are you, Rica?" tanong ni Wenhan.

"18 years old na ako." sabi naman ni Rica.

"Have you met Yruma? He's 19 at halos magkasing edad lang rin pala kayo." banggit naman ni Wenhan.

Tumango si Rica. "Nakilala ko na si Yruma kanina. Pati na rin si Ran."

Humawak naman si Wenhan sa braso ni Rica na ikinagitla ng dalaga. Amoy na amoy rin niya ang mabangong natural na amoy nito. "So, nakilala mo na pala sila. Don't worry, mababait naman ang mga 'yon lalo na si Ran pero medyo mag-ingat ka kay Ran dahil may pagkamaharot ang lalakeng 'yon. Playboy kasi." nakangiting sabi nito.

Wala namang masabi si Rica kay Wenhan kaya tumango nalang ito. "S-sige, babalik na ako sa kwarto namin ni Sage. Paalam sa'yo, Wenhan." pagpapaalam niya.

Binitawan naman siya ni Wenhan at ngumiti pa ito nang mas malawak. "Sure. You need to sleep because it's already 1am. Goodnight, Rica." sabi nito.

"Goodnight rin," huling sabi ni Rica bago ito tumalikod at humakbang na papaalis.

Pagkapasok ni Rica sa loob ng kwarto ni Sage ay hindi niya maintindihan kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Sa totoo lang ay kinakabahan siya kay Wenhan sa hindi niya malamang dahilan.

Siguro ay dahil lang ito sa naiilang siya na may makasamang lalake sa iisang bubong. Bata palang kasi siya ay ang Lola Pacita lang niya ang kanyang kasa-kasama sa bahay nila at ni wala siyang kaibigang lalake noon sa eskwelahan nila. May kaibigan siyang babae na si Emily pero ito lang ang tangi niyang kaibigan dahil hindi naman siya friendly at palakibong tao.

Humiga nalang si Rica sa kama at marahang ipinikit ang kanyang mga mata.

Alam niyang maiiba ang lifestyle niya habang nakatira sa condo unit ni Sage kasama ang mga kaibigan nito kaya kailangan niyang makitungo ng maayos sa mga ito dahil kababata at matalik itong kaibigan ng kanyang nobyo.

Pagkapasok ni Wenhan sa kwarto nila ni Ran ay naabutan niya si Ran na gising na habang naninigarilyo malapit sa bukas na bintana.

"Can't sleep?" tanong ni Wenhan sa kaibigan.

Ran nodded. "You met Sage's girlfriend?" he asked.

"Yup. Sa kitchen area ko nakasalubong at uminom siya ng tubig. She's gorgeous. May lahi yatang amerikana 'yon base on her features. She have a beautiful eyes, too. Magaling pumili at mambuntis ang kaibigan natin." Wenhan said and he chuckled.

"Nasunugan raw 'yon ng bahay at namatayan pa ng lola kaya no choice si Sage kundi patirahin 'yung bebot niya dito sa condo unit niya." sabi naman ni Ran.

"It's okay for me. May karapatan naman 'yung girlfriend ni Sage na tumira dito dahil magkakaanak na rin sila. But I'm just thinking about Zian, I know he might be shocked kapag nalaman niyang may babaeng nakatira dito sa condo unit ni Sage. Baka umalis nga 'yon dito 'pag nagkataon." Wenhan said worriedly.

Zian is a woman hater. Daig pa nga nun ang babae kung magsungit at mambasted ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya. His Mom cheated on his Dad kaya ganon nalang ang pananaw niya sa mga babae na mga manloloko at sinungaling ang mga ito.

Ang nanay lang naman niya ang nagloko pero buong sanlibutan na ng babae ang dinamay ni Zian. Well, Wenhan can't blame his friend dahil nag-iisa lang itong anak na lalake hindi katulad niya na may tatlong mga kapatid at puro mga babae pa kaya alam na alam na niya kung paano makisama sa babae sa iisang tirahan.

"I guess that, too but he can't do anything about it. Mabait naman si Rica at baka malay mo, makapalagayan siya ng loob ni Zian?" Ran smirked and he wiggled his eyebrows.

Umupo naman si Wenhan sa gilid ng kama niya at itinukod nito ang mga braso niya sa likod ng kama. "Do you think so? Maganda at sexy si Rica. There's something in her beauty na hindi ko lang ma-explain. No doubt kung bakit binuntis na kaagad ni Sage ang babaeng 'yon." naiiling namang sabi nito.

"Why not? Zian is still a guy who had a dick. Kahit woman hater 'yon ay may mga babae nang naikama 'yon katulad natin. And you're right, Rica's beauty is very different. Kung hindi lang talaga siya bebot ni Sage malamang ay-"

Hindi na naituloy ni Ran ang sasabihin niya nang kaagad siyang binato ni Wenhan ng unan. Tumawa lang doon si Ran at nabitawan na nito ang sigarilyo na kanina pa niya hinihithit.

"Ayan ka na naman sa pagkamalibog mong tukmol ka! Huwag ka ngang magsalita ng ganyan sa girlfriend ni Sage. Hindi mo pwedeng taluhin ang girlfriend niya dahil para mo na ring kapatid si Sage at kapag ginawa mo 'yon, baka mapatay ka pa niya." Banta ni Wenhan na lalo pang ikinatawa ni Ran.

"Easy man! I'm just kidding, okay? I know my limits at syempre hinding-hindi ko sisirain ang tiwala ni Sage but I want to be honest with you, Wenhan. That girl is very seductive at kung may pagkakataon lang na akitin niya ako, hinding-hindi ko siya tatanggihan kahit kaibigan pa natin si Sage but that's impossible because I can see that Rica is so loyal to Sage and she loves him." Ran said.

"Tama ka kaya tigilan mo na 'yang pagpapantasya mong aakitin ka ni Rica, playboy!" sabi naman ni Wenhan at tumawa na rin ito.

Ngumisi lang doon si Ran.

Then let's see, Rica.

Kinabukasan ay nagising si Rica na wala pa rin si Sage sa tabi niya. Tinignan niya ang orasan na nakasabit sa pader ng kwarto ni Sage at alas sais palang ng umaga. Nagtext si Sage sa kanya at mamaya pa ito uuwi ng alas otso ng umaga mula sa restaurant dahil marami pa itong inaasikaso doon.

Pagkauwi raw ni Sage ay didiretso na sila na pupunta sa kakilalang Obstetrician ng ina ni Sage at pagkatapos nilang magpacheck-up ay saka na sila bibili ng mga gamit nila ni baby at mag-gogrocery para sa mga kakailanganin nila.

Bumangon na si Rica sa kama saka ito naghilamos, nagsuklay at nagsipilyo. Nang matapos na siya ay muli siyang umupo sa kama at tumingin sa kawalan.

Gusto niyang lumabas ng kwarto ni Sage at uminom man lang ng gatas sana pero nahihiya pa rin siyang makita ang mga kaibigan nito. Nawala lang sa pagkakatulala si Rica nang marinig niyang may kumakatok sa pintuan ng kwarto ni Sage.

Dali-dali naman siyang tumayo mula sa pagkakaupo niya sa kama at binuksan ang pintuan. Ang singkit na si Ran ang bumungad sa kanya. Nakangiti ito at may suot nang puting- t-shirt at itim na shorts, hindi na half naked. Ang gwapo-gwapo pa rin nitong tignan kahit medyo magulo at bagsak pa ang buhok.

"Hey! Good morning, Rica. Mabuti naman at gising ka na. Sumabay ka nang kumain sa amin nila Wenhan at Yruma." paanyaya ni Ran sa kanya.

"Pero-"

Kaagad nang hinila ni Ran si Rica hanggang sa makarating na sila sa dining area ng condo unit ni Sage. Nadatnan niya doon si Wenhan na nakangiti sa kanya at hindi na rin half naked habang si Yruma naman ay tahimik na umiinom ng kape nito.

May mga pagkain nang nakalatag sa lamesa at mukhang maagang nagising ang mga ito para magluto ng breakfast. Nahiya naman doon si Rica dahil nakikitira na nga lang siya kay Sage ay hindi pa siya tumutulong sa mga gawaing bahay dito kahit man lang sa pagluluto.

Pinaghila ni Ran si Rica ng upuan at nagpasalamat naman doon si Rica. Si Ran naman ay umupo sa katabing upuan ni Rica at ito na ang nagsandok ng kanin at iba't-ibang klase ng pagkain sa plato niya.

"Ran, ako nalang ang-"

"You need to eat a lot for your baby at ibinilin ka rin sa amin ni Sage kaya hayaan mong pagsilbihan ka namin." nakangiting sabi ni Ran matapos niyang malagyan ng kanin at ulam sa plato si Rica.

"Ran is right, 'wag kang mahiya sa amin, Rica. Para mo na rin kaming mga nakatatandang kapatid." sabi naman ni Wenhan at nag-umpisa na itong kumain.

"Pero nakakahiya talaga sa inyo. Wala na nga akong maitulong dito kahit pagluluto man lang." sabi ni Rica at napayuko ito sa hiya.

"Mas nakakahiya kaya kami. Nakikitira nga lang kami dito dahil mas payapa ang buhay namin kapag kay Sage kami nakatira. Don't worry about the household duties here, kayang-kaya na namin 'to dahil apat naman kami dito at isipin mo nalang na magpahinga para diyan sa baby niyo ni Sage." sagot naman ni Ran at pinat pa nito ang ulo ni Rica.

Napabuntong-hininga nalang doon si Rica at tumango ito. "Ganon ba? Salamat pero kung kailangan niyo ng tulong ko sa mga gawain dito ay 'wag kayong mahihiyang magsabi sa akin dahil hindi talaga ako sanay na walang ginagawa. Nabuhay na kasi ako na responsibilidad rin ang responsibilidad ng lola ko." aniya.

Sandali namang natigilan doon ang tatlong lalake at napatitig ito kay Rica. Si Rica naman ay biglang nailang dahil sa pagtitig ng mga ito sa kanya.

"M-may problema ba?" tanong niya sa mga ito.

Si Yruma ang unang nag-iwas ng tingin kay Rica at walang sabi itong umalis sa dining area.

Sina Wenhan at Ran naman ay ngumiti lang kay Rica at nag-umpisa na ulit kumain ang mga ito na parang wala lang ang naging reaksyon nila kanina.

"Nothing. Kain ka na, Rica. Masarap 'yang luto namin ni Ran." nakangiting pag-alok ni Wenhan na ikinangiti at ikinatango nalang ni Rica.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status