Share

Chapter 1

NASUNUGAN, nabuntis at namatayan. Wala na nga yatang mas mamalas pa sa buhay ni Rica Kyla Pillada. Napakabata pa niya para maulila sa kanyang kaisa-isang kamag-anak at tumatayong magulang na si Lola Pacita. Wala na rin siyang matutuluyan pa dahil nasunugan siya.

Ang dahilan ay ang sumabog na LPG tank sa loob ng kusina nila. Masyado kasing kulog ang bahay nila at hindi pa masyadong makadaan doon ang hangin kaya siguro nagkaroon ng aberya at sumabog iyon at lumiyab sa loob ng kusina nila.

Tahimik na lamang na umiiyak si Rica dahil sa sinapit niya ngayon. Napakamalas naman ng kapalaran niya. Hindi muna hinintay ng panahon na makagraduate siya sa kurso niyang Bachelor of Secondary Education Major in English dahil nagpabuntis, nasunugan at namatayan pa siya isang linggo palang ang nakakalipas.

Wala siyang ibang mahihingan ng tulong kundi ang mayaman niyang nobyo na si Sage Dela Vega. May-ari ito ng restaurant na pinagtatrabauhan niya bilang part time waitress. Graduated na ito sa kursong Business Administration at ito ngayon ang nangangasiwa sa kompanya ng mga magulang nito at ng iba pa nilang mga business.

Hindi alam ni Rica kung ano ang nakita ni Sage sa kanya. Isa siyang dalagang nag-aaral pa lang at walang maipagmamalaki sa buhay. Mahirap lang rin siya at wala nang pamilya o kamag-anak. May Lola nga siya pero sumakabilang buhay na ito at iniwan na siyang mag-isa.

Ang sagot lagi ni Rage sa kanya kaya siya nagustuhan nito ay dahil may mabuti siyang puso. Bonus nalang rin daw ang pagiging maganda at sexy niya. Maraming nagsasabi sa kanya na kahawig niya ang sikat na hollywood actress na si Megan Fox. Dahil na rin ito sa kakaibang kulay ng kanyang mata na nakuha niya sa namayapa niyang ina na isang amerikana.

Maraming nagtangkang manligaw sa kanya ngunit kay Sage lang tumibok ang puso niya. Mabait kasi itong lalake at napaka responsable pa sa edad na 22. At ngayon na magkakaanak na sila ni Sage ay panatag ang loob niya rito dahil nangako itong pakakasalan siya sa lalong madaling panahon alang-alang sa kanya at sa magiging anak nila.

"Hey, wifey? Kanina ka pa ba dito?" Pambungad na tanong ni Sage na kakalabas palang mula sa loob ng kotse nito.

Nilapitan ni Sage si Rica at niyakap nang mahigpit. Alam niya ang hirap at sakit na pinagdadaanan ng nobya niya ngayon kaya sa abot ng makakaya niya ay poprotektahan, tutulungan at mas lalo pa niya itong mamahalin at ang batang nasa loob ng sinapupunan nito.

"Hindi naman. Ito nalang pala 'yung natira kong mga damit na naisalba ko sa nasunog naming bahay ni Lola." malungkot namang saad ni Rica at itinuro nito ang sukbit niyang itim na backpack na naglalaman ng mga kaunting damit niyang naisalba at dokumento.

Humiwalay si Sage sa pagkakayakap niya kay Rica at pinunasan nito ang mga luha ng nobya.

"Don't worry about your clothes and other necessary things. I can buy you anything. Ang mahalaga lang ay ligtas kayo ni baby." nakangiting sabi ni Sage at hinaplos nito ang tiyan ni Rica.

"Pasensya na talaga kung naaabala pa kita, Sage. Kung may kakilala lang akong kamag-anak namin ay sa kanila sana ako hihingi ng-"

"Ssshh. Bakit hindi kita tutulungan e, ikaw na ang magiging nanay ng baby ko? Alam na rin nina Mom at Dad na magkakaapo na sila at natutuwa sila dahil magkakapamilya na ako. Alam mo namang gustong-gusto ka nina Mom at Dad para sa akin, hindi ba?" nakangiting sabi ni Sage at tumango naman doon si Rica.

Mabait ang mga magulang ni Sage kay Rica at suportado ito sa relasyon nilang dalawa. Ang hindi lang niya makapalagayan ng loob ay ang nakatatandang kapatid ni Sage na si Trevor na sa tuwing nagkikita sila ay palihim siya nitong iniinsulto at pinagtatawanan na hindi lingid sa kaalaman nina Sage at ng mga magulang nito. Kaya niyang tiisin kung anuman ang masamang ugali nito basta lang ay huwag itong mangingialam sa buhay at relasyon nilang dalawa ni Sage.

"Salamat talaga, hubby." niyakap ulit ni Rica ang nobyo na hinaplos-haplos ang likuran niya.

Pagkatapos ay pinapasok na ni Sage si Rica sa kanyang kotse at pinaandar na ito. Tuluyan na nilang nilisan ang bahay na nasunog at hindi na rin makakapayag pa si Sage na makawala pa sa kanya ang kanyang nobya.

"By the way, titira ka muna sa condo unit ko. I need to find a lot and place for a while para pagtayuan ng bahay natin." Banggit ni Sage habang nagmamaneho ito.

"Ganon ba? Pero hiling ko lang sana na malapit lang sa sementeryo ni Lola Pacita ang mahahanap mong lote na pagtatayuan ng bahay natin, hubby." suhestiyon naman ni Rica.

"Don't worry, it only takes 30 minutes mula sa sementeryo kung nasaan nakalibing ang lola mo. I'll drive you anytime kung gusto mong magpunta doon." sagot ni Sage na ikinapanatag ng loob ni Rica.

Wala na talagang mahihiling pa si Rica sa Diyos dahil binigyan siya nito ng nobyo na responsable, matured mag-isip at iniisip na ang future nilang dalawa. Noon ay humiling siya sa Diyos na sana balang araw ay makatagpo siya ng lalakeng handa siyang mahalin at pahalagahan at hindi titingin sa mababa niyang estado ng buhay at ngayon nga ay nasa harapan na niya ito, sa katauhan ni Sage Dela Vega.

"Salamat, hubby." pasasalamat ulit ni Rica. Hinalikan lang ni Sage ang kamay ni Rica gamit ang isang kamay niya at nginitian ito ng matamis.

Makalipas nang mahigit isang oras ay nakarating na rin sina Sage at Rica sa condo building kung saan ay nandoon ang unit ni Sage. Matapos nilang mag-elevator at makarating sa unit ng binata ay nasa harapan na sila ng pintuan ng condo unit.

Hindi mawari ni Rica kung bakit kinakabahan siya habang abala si Sage sa pagpindot ng code nito sa pintuan ng condo unit niya. Para bang pag nagbukas na ito ay may madadatnan siyang hindi kaaya-aya.

Napailing nalang si Rica sa kanyang iniisip. Epekto siguro ito ng kapeng iniinom niya na halos gawin na niyang tubig.

Nang bumukas ang pintuan ng condo unit ni Sage ay inalalayan siya nitong makapasok na sila sa loob. Sukbit rin ni Sage ang dala niyang bag na kakaunti lang ang laman.

Pagkapasok nila sa loob ng condo unit ni Sage ay nanlaki ang mga mata ni Rica nang makita ang isang gwapo, matangkad, singkit at maputing lalake na prenteng nakaupo sa mahabang sofa habang kumakain ito ng popcorn at nanonood ng tv. Nailang pa si Rica dahil topless ang lalake at aminin man niya o hindi ay may maganda itong pangangatawan. Hindi naman sobrang laki ang katawan nito at tama lang.

Napansin rin ni Rica ang isa pang gwapo, maputi at matangkad na lalake na nakadekwatro na nakaupo naman sa isang single sofa. Abala ito sa paggamit ng cellphone at kapansin-pansin dito ang may kahabaan nitong buhok.

Nang maagaw na nina Sage at Rica ang pansin ng dalawa ay napalingon ito sa kanila. Nagulat ang singkit na lalake nang makita si Rica samantalang ang lalakeng may kahabaan naman ang buhok ay nakatitig lang ng blangko sa dalaga.

"Hi guys, she's Rica. Girlfriend ko at magiging nanay ng baby ko." pagpapakilala ni Sage kay Rica sa dalawang gwapong lalake.

Tumayo naman sa kinauupuan niya ang lalakeng may singkit na mga mata at kaagad itong lumapit kay Rica.

"Hi, Rica. I'm Ran. Kaibigan ako ni Sage. It's nice to meet you." nakangiti nitong pagpapakilala at kinamayan si Rica.

Ngumiti lang doon si Rica at kinamayan rin si Ran. "It's nice to meet you too." sagot naman ng dalaga at kaagad nitong inalis ang kamay ni Ran dahil napansin niyang humigpit ang pagkakahawak sa kanya ng binata na ikinailang niya.

Hindi naman nagulat si Ran sa ginawa ni Rica at bumaling lang ito kay Sage na nakangiti sa kanilang dalawa. "So, she's the one that you're talking about. Nice man! Magaling kang pumili at binuntis mo na kaagad para hindi na makawala pa sa'yo." sabi nito at natawa ng mahina.

Tumawa rin naman doon si Sage. "I have no doubt of marrying her at nasabi ko naman sa inyo na gusto rin siya nina Mom, Dad at Trevor para sa akin, 'di ba?"

Kailan pa ako nagustuhan ni Trevor para sa kapatid niya? Napakaimposible nun! Sa mumunting-isip ni Rica.

"Yeah, nasabi mo nga." tumango naman do'n si Ran saka ito muling bumaling kay Rica. "Rica, 'yung lalakeng 'yon ay si Yruma. Kaedad mo lang siguro 'yan at matalik rin naming kaibigan ni Sage. Pagpasensyahan mo na at tahimik at hindi friendly ang gagong 'yan. Huwag mo nalang siyang pansinin habang nandito ka sa loob ng condo unit ni Sage." sabi nito at itinuro ang lalakeng may mahabang buhok na Yruma pala ang pangalan.

Busy na ulit ito sa paggamit ng hawak na cellphone at hindi na ito nakatingin sa dalaga.

"Ah, ganon ba." sagot nalang ni Rica at ngumiti ito.

"Pasok na kami sa kwarto ko, bro. Nga pala, nasaan na sina Zian at Wenhan?" tanong ni Sage kay Ran.

"Ayon at busy sa trabaho niya si Zian. He's now pressured dahil siya na ang magiging CEO ng kumpanya nila. Baka sa makalawa pa makauwi 'yon dito. Si Wenhan naman ay pumunta sa bahay ng parents niya to prepare his sister's debut party. Uuwi pa yata 'yon mamayang madaling araw." sabi naman ni Ran at sinulyapan saglit si Rica.

"Oh? Then, magpapahinga na kami ng girlfriend ko. Goodnight, bro!" sabi ni Sage at tinapik nito sa balikat si Ran.

"Goodnight, bro at sa'yo rin, Rica." nakangiting bati ni Ran sa magkasintahan.

"Salamat." Tanging sagot nalang ni Rica kay Ran hanggang sa hinila na siya ni Sage at pumasok na sila sa isang malaking kwarto.

Malaki at malawak ang kwarto ni Sage. May ref, cabinet, bedside table, lamesa, mahabang sofa, banyo, balcony at malaking kama sa loob nito. Malinis at kakaunti lang rin ang gamit ni Sage. Halatang masinop at malinis sa kapaligiran niya ang nobyo.

Pinaupo ni Sage si Rica sa kama nito habang inilapag naman nito sa lamesa ang sukbit na backpack ng dalaga.

Tumabi ito kay Rica at hinapit ang baywang nito. "I forgot to tell you na dito pansamantalang nakatira ang mga kaibigan ko. Mga kababata ko sila at matagal ko nang pinagkakatiwalaan kaya panatag akong wala silang gagawing masama sa'yo, wifey. Ayos lang ba sa'yong may kasama ka pang ibang lalake dito bukod sa akin?" tanong ni Sage na may halong pag-aalala.

Napaisip naman si Rica. Mukha namang mabait ang kaibigan ni Sage na si Ran at friendly ito. Ganon lang talaga siguro ang personalidad ng binata at nailang lang siya nang nahawakan nito nang mahigpit ang kamay niya. Kay Yruma naman ay parang ayos lang naman ito kahit napansin niyang mukha itong suplado at tahimik.

Sino ba naman siya para magreklamo e, makikitira lang siya sa condo unit ng nobyo niya. May sarili naman silang kwarto kaya hindi na niya kailangan pang lumabas-labas pa sa loob nito.

"Ayos lang 'yon ano ka ba, hubby at saka mabait naman si Ran kaya baka magkasundo rin kami." nakangiti nang sabi ni Rica.

Tila nakahinga naman ng maluwag doon si Sage. "Mabuti naman at mukhang palagay ang loob mo kay Ran. Don't worry, he's harmless at kilala ko na 'yon simula pagkabata namin." sabi nito at hinalikan sa noo si Rica.

Tumango nalang bilang pagsang-ayon si Rica dahil naniniwala naman siya kay Sage. Hindi naman siya patitirahin sa condo unit nito kung ikakapahamak niya iyon.

Basta't ayos lang sa kanya na may matirhan siya ngayon ni Sage at ng kanilang magiging anak.

"What can you say about Sage's girlfriend?" biglang pag-imik ni Ran habang nanonood pa rin ito ng pelikula sa tv mula sa sala ng condo unit ni Sage.

"She looks weak and bland." sagot naman ni Yruma at sumandal ito sa headrest ng inuupuang sofa.

Ran chuckled. "But she's pretty, sexy and looks like a model. Hindi ko nga alam kung saan nabingwit 'yon ni Sage."

"So what? Hindi ko talaga alam kung bakit pinayagan pa ni Sage na may tumirang babae dito sa condo unit niya." naiiling na sabi ni Yruma na ikinatawa naman ni Ran.

"Bro, nakikitira lang rin tayo kay Sage kaya wala tayong karapatang magreklamo. Magkakaanak na rin sila at magiging tatay na ang kaibigan natin kaya suportahan nalang natin siya." nakangising sabi ni Ran.

Yruma rolled his eyes. "Whatever! I don't know what Zian and Wenhan reacts kapag nalaman na nilang may babae tayong kasama dito sa condo unit ni Sage." he sighed.

"I bet Zian doesn't care lalo na kung pagdating sa babae. Si Wenhan naman ay okay lang siguro 'yon sa kanya since he had a sisters at siya lang ang lalake sa kanilang magkakapatid. Hey, don't be so problematic about that girl. Baka magtampo si Sage sa atin kapag hindi natin pinakisamahan ng maayos ang girlfriend niya." Ran said saka ito lumapit kay Yruma at inakbayan ang lalake.

Yruma clenched his jaw. May masama siyang kutob tungkol sa Rica na iyon.

Hindi niya ito gusto dahil parang ito ang magiging dahilan para magkasira silang limang magkakaibigan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status