Mahal ni Camila si Brix kaya sobrang saya niya nang ikasal sila at magkaanak. Pero bago siya manganak, nalaman niyang kukunin ni Brix ang bata at ipapaalaga sa kababata nitong si Daisy dahil ayaw nitong si Camila ang makagisnang ina ng anak. Sa sakit at galit, naaksidente si Camila at humiling ng divorce. Makalipas ang tatlong taon, bumalik siya kasama ang anak nila, pero nalaman niyang hindi itinuloy ni Brix ang divorce. “Do you think you can run away from me, Camila? Think twice. Dahil kahit saang sulok ng mundo, mahahanap kita. You're my wife and forever you'll be,” ani Brix at unti-unting lumapit kay Camila na panay ang urong ngayon. “No! I don't want you to be my Daddy! Divorce my Mommy right now!” sigaw ng bata na nasa likod pala ng dalawa.
View MoreChapter 123PUMUTOK ang baril at tumama sa kisame, dahilan para mahulog ang ilang piraso ng semento.Agad na inagaw ni Brix ang baril at tinadyakan ito palayo. Hinila niya si Braylee mula kay Daisy at pinilit si Daisy na lumuhod sa sahig, tinali ang mga kamay nito sa likod para hindi na makagalaw."Mommy!"Mabilis na tumakbo si Braylee papunta kay Camila at niyakap si Camila nang mahigpit.Nang mapagtanto ni Daisy na nalinlang ito, nanlaki ang mga mata nito at tinitigan si Brix nang galit."Niloko mo ako! Niloko mo ako para sa babaeng ‘yan!"Walang emosyon ang mukha ni Brix para bang ang kaninang mabait na ekspresyon niya kay Daisy ay isa lang ilusyon."Paulit-ulit kang gumagawa ng kasalanan. Hindi ko na hahayaan na magpatuloy pa ‘yan.""Ano'ng balak mo? Ipadala ulit ako sa kulungan? Ang sama mo, Billy!""Pumatay ka ng tao, Daisy."Diretsong sinabi ni Brix ang katotohanan sa malamig na tono.Mapait na natawa si Daisy. Sa paulit-ulit na pagtataksil dito ni Brix, tuluyan nang napuno ng
Chapter 122"MOMMY..."Mahina ang iyak ni Braylee, halos kasinghina ng isang kuting. Ang dating bilugang mga mata nito ay halos wala nang sigla pero nang makita si Camila, nagkaroon iyon ng bahagyang kislap."Braylee..."Nanginig ang mga kamay ni Camila sa sakit, luhaan ang kanyang mga mata.Ang dating chubby ni Braylee na mukha ay ngayon buto't balat na, maputlang-maputla at kitang-kitang sobrang pagod.Ilang araw pa lang ang lumipas pero hindi na niya maisip kung ano ang pinagdaanan ng anak niya."Tama na ‘yan!" singhal ni Daisy, inis na inis. "Wag kayong magdrama ng anak mo sa harap ko!"Hinila ni Brix si Camila sa likod niya, iniharang ang sarili at malamig na nagtanong. "Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?""Ha-ha! Ano ang gusto kong mangyari?" Tumawa si Daisy, pero tuloy-tuloy ang luha nito. "Ikaw, Billy! Ikaw ang nagtulak sa akin sa ganitong sitwasyon!"Napalalim ang kunot sa noo ni Brix pero hindi ito sumagot.Muling umiyak si Daisy, puno ng sakit ang tinig. "Bakit? Billy,
Chapter 121SI Camila at ang iba pa ay bumaba isa-isa mula sa ikalawang palapag ng lumang bahay at sabay-sabay nilang pinalibutan ang matandang babae.Dahan-dahang bumangon ito mula sa sahig at umupo, ang mukhang kulubot na parang tuyong kahoy ay lalong nagmukhang luma.Dumikit si Jomar kay Brix at doon lang ito nagkalakas ng loob."Matandang bruha ka! Dinala mo kami rito para gawing pagkain?"Para kay Jomar, ito lang ang pinakamakatwirang paliwanag, pero nanatiling tahimik ang matanda.Lumapit si Brix, pinaningkit ng bahagya ang mga mata at malamig na nagtanong, "Sino ka ba talaga?"Itinaas ng matanda ang madilim na mukha at tumingin kay Brix. Bigla nitong dinampot ang palakol sa sahig at walang pakundangang inundayan ng malalakas na palo ang mga lalaki.Napasigaw si Jomar ng, "Diyos ko!" sabay takbo palayo.Hindi man lang gumalaw si Brix. Sa halip, tinulak lang nito si Camila palayo at nang malapit nang tamaan ng palakol ang mukha nito, bahagya lang nitong iniwas ang ulo at nakaligt
Chapter 120SA TAHIMIK na gabi, ang paminsan-minsang huni ng hayop ay nagbibigay ng kaba, parang anumang sandali ay may mabangis na hayop na babasag sa marupok na bahay at kakain ng tao.Nakahiga si Camila sa sahig ng ikalawang palapag, hindi makatulog.Ang lumang kutson na may amoy amag ang tanging gamit niya pero kahit ito ay isang privilege na sa sitwasyon nila.Si Brix ay nakahiga sa kaliwa niya, may dayami sa ilalim. Ang dalawa pang kasama nila ay nasa may dalawang metro ang layo, nakahiga rin sa dayami.Lahat sila ay natulog nang hindi nag-aalis ng damit, wala nang oras para sa pagiging pihikan.Napabuntong-hininga siya at nang maalala ang malambot, maluwag, at mainit na kama sa villa, biglang kumirot ang ilong niya.Pagkapikit ng kanyang mga mata, lumitaw agad sa isip niya ang masayahing mukha ni Braylee at mas lalo pang nanikip ang dibdib niya.Pinunasan niya ang ilong niya at marahang bumangon mula sa kutson."Saan ka pupunta?" narinig niyang tanong ni Brix mula sa dilim."Ii
Chapter 119SA PANGUNGUNA ng matandang babae, naglakad ang lima sa isang makitid at matinik na daan.Matataas at matataba ang mga punong kahoy sa gilid ng daan kaya’t halos hindi makapasok ang sikat ng araw. Dahil dito, ramdam ng grupo ang malamig na hangin sa ilalim ng mga puno.May hamog pa sa mga damo sa gilid ng daan kaya nabasa ang pantalon ni Camila. Ramdam niya ang malamig na dampi nito sa kanyang balat.Napansin niyang kahit mukhang nasa sitenta na ang matanda at buto’t balat ang mga binti nito, mabilis pa rin itong maglakad.Napaisip siya kung sino talaga ang matandang ito. Isa ba itong ermitanyo? O baka naman isang matandang may kakaibang kakayahan at may alam sa panghuhula?Kung isa itong bihasa sa mga ganitong bagay, baka matutulungan siya sa paghahanap kay Braylee at Daisy.Matapos ang halos isang oras ng paglalakad, maraming liko at pasikot-sikot, saka sila dumaan sa isang madilim na kagubatan. Tumigil ang matanda at nagsalita. "Narito na tayo." Napahinto ang lima at tu
Chapter 118"N-NOONG isang araw, kumakain ako sa tapat ng clinic nang makita ko ang isang babaeng may dalang bata na pumasok doon. Kakaunti lang ang tao dito sa lugar namin kaya hindi lang ako ang nakakita. Kung hindi ka naniniwala, puwede mong tanungin ang iba."Hawak ng lalaki ang namamagang likod nito habang nagsasalita. Pagkatapos niyang magsalita, may isang lalaking nagtaas ng kamay at bumulong. "Maaari kong patunayan 'yan. Nakita rin ng misis ko at nabanggit pa niya sa akin habang magkatabi kami kagabi!"Isa sa mga benepisyo ng maliit na bayan ay mabilis nilang napapansin kung may bagong dayuhan na dumating.Napansin ni Camila na mukhang hindi nagsisinungaling ang dalawa kaya sumunod siya sa direksyon kung saan nakita si Daisy. Ngunit sa kasamaang-palad, ayon sa lalaki, umalis ito kahapon pa.Kung tutuusin, iyon ang araw na nakatulog siya ng mahaba. Muling nawala ang bakas ni Daisy kaya napuno ng inis at pagkadismaya si Camila.Tumingin siya kay Brix at nakita niyang kalmado it
Chapter 117PAGMULAT ng mga mata ni Camila, umaga na. Bumangon siya mula sa matigas na kama at tumingin sa paligid.Sa loob ng simpleng kwarto, sa tapat ng kama ay may lumang kabinet na bahagyang lubog, sa kanan ay isang kurtinang hindi man lang nakakatakip sa liwanag, at katabi nito ay isang hugis-parihabang mesa na kulay mamula-mulang kahoy. Maging ang sahig ay may ilang bahagi nang sira…Tinanggal niya ang manipis at matigas na kumot, tumayo, at kinuha ang cellphone. Nakita niyang ika-17 na ng kasalukuyang buwan—ibig sabihin, nakatulog siya nang isang buong araw at gabi.May messages mula kay Brix. Matapos itong sagutin, naupo siya sa tabi ng bintana at tulala habang nakatingin sa maalikabok na kalsada sa labas.Dalawang araw na…Saan dinala ni Daisy si Braylee? Bakit may dugo? Ano na ang nangyari sa anak niya?Habang iniisip ito ni Camila, mas lalong lumakas ang kanyang kaba. Alam niyang ipinadala na ni Brix ang mga tao nito upang hanapin sila, pero dahil hindi siya personal na na
Chapter 116Mula hapon hanggang gabi, walang tigil sa pagsisiyasat sina Camila at Brix. Ilang beses ding tinawagan ni Brix si Daisy pero hindi pa rin ito sumasagot.Sa footage ng CCTV, nakita nilang dumiretso ang sasakyan ni Daisy patungong katabing probinsya, sa may Cavité. Hindi na mapakali si Camila.Matapos pag-usapan, nagdesisyon silang mag-iwan ng tao para bantayan ang surveillance habang sila naman ay magpapahanda ng sasakyan upang habulin si Daisy.Pagkalabas nila sa Traffic Bureau, agad silang bumiyahe. Sa sobrang pag-aalala, gusto na lang ni Camila lumipad papunta kay Braylee.*Samantala, nakarating na si Daisy sa labas ng Cavite. Sa wakas, nakahinga siya nang maluwag.Alam niyang hindi siya titigilan ni Camila at siguradong gagalaw si Brix kaya hindi siya nag-relax kahit saglit.Ngayon lang siya huminto matapos makarating sa isang liblib na bahagi ng lungsod.Huminga siya nang malalim, isinandal ang likod sa upuan, kinuha ang tissue at pinunasan ang pawis sa kanyang mga pa
Chapter 115HINDI na nag-isip pa si Camila. Mabilis siyang tumakbo papunta sa kotse ni Dale at hinila ito palabas."Camila, huwag kang magpadalos-dalos!""Lumayas ka!"Pinilit niyang pababain si Dale, umupo sa driver’s seat, tapos inapakan nang sagad ang gas. Parang kidlat na sumibad ang sasakyan!Napanganga ang mga tao sa paligid sa sobrang bilis ng pagpapatakbo niya."Sobrang bilis niya! Parang gusto niyang mamatay! Kung may hahabol sa kanya sa ganitong sitwasyon, siguradong may mangyayaring masama! Dapat na nating tawagan ang pulis!" sigaw ng isang babae."Hintay lang!" Pinigilan ni Dale ang empleyadong tatawag na sana sa pulis."Ako na ang bahala. May iba pa ba kayong sasakyan? Hahabol ako!""Meron! Heto ang susi ko!" Agad na inabot ng isang lalaki ang susi ng kotse nito. "Sasamahan kita sa garahe!"Tumango si Dale at habang naglalakad, tinawagan niya si Brix.Sa kabilang linya, nag-apoy sa galit si Brix. Habang inaalam ang buong sitwasyon, agad niyang kinansela lahat ng trabaho ni
Kabanata 1"BRIX, hindi ba't kahit sandali nagkasundo naman tayong dalawa bilang mag-asawa? Please, mag-divorce na tayo. Nakikiusap ako, pakawalan mo ako. Sawang-sawa na akong patunayan ang sarili ko sa ‘yo."Si Camila ay nakatayo sa gilid ng ilog, suot ang maluwag na puting damit. Ang malamig na hangin ay nagbigay-diin sa kanyang payat na pangangatawan.Maya-maya, isang malamig na boses ng lalaki ang narinig mula sa kabilang linya ng cellphone. "Nagagawa mo pang makiusap, ha? Ang lakas talaga ng loob mo! Si Daisy, comatose pa rin sa ospital dahil sa kagagawan mo! Akala mo ba basta-basta kitang pakakawalan lang? Diyan ka nagkakamali!""Sinabi ko na noon pa, Brix! Siya ang nanggugulo sa akin. She wanted to push on the stairs pero siya mismo ang nadulas at nahulog. Kasalanan niya iyon kaya siya comatose!"Namumula ang mga mata ni Camila na hilam na ng luha habang sinisigaw ang kanyang paliwanag.Isang buwan na ang nakalipas nang puntahan siya ni Daisy, ang kababata ni Brix, para maghana...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments