Kabanata 1
"BRIX, hindi ba't kahit sandali nagkasundo naman tayong dalawa bilang mag-asawa? Please, mag-divorce na tayo. Nakikiusap ako, pakawalan mo ako. Sawang-sawa na akong patunayan ang sarili ko sa ‘yo."
Si Camila ay nakatayo sa gilid ng ilog, suot ang maluwag na puting damit. Ang malamig na hangin ay nagbigay-diin sa kanyang payat na pangangatawan.
Maya-maya, isang malamig na boses ng lalaki ang narinig mula sa kabilang linya ng cellphone. "Nagagawa mo pang makiusap, ha? Ang lakas talaga ng loob mo! Si Daisy, comatose pa rin sa ospital dahil sa kagagawan mo! Akala mo ba basta-basta kitang pakakawalan lang? Diyan ka nagkakamali!"
"Sinabi ko na noon pa, Brix! Siya ang nanggugulo sa akin. She wanted to push on the stairs pero siya mismo ang nadulas at nahulog. Kasalanan niya iyon kaya siya comatose!"
Namumula ang mga mata ni Camila na hilam na ng luha habang sinisigaw ang kanyang paliwanag.
Isang buwan na ang nakalipas nang puntahan siya ni Daisy, ang kababata ni Brix, para maghanap ng gulo. Nagkaroon sila ng pagtatalo, at sa gitna nito, nahulog si Daisy mula sa ikalawang palapag. Ngayon, comatose ang babae sa ospital.
Galit na galit si Brix sa kabilang linya ng telepono. "Si Daisy? Mabait at sobrang tahimik niya hindi tulad ng sinasabi mo! Bakit ka niya guguluhin nang walang dahilan, Camila? Huwag kang mag-imbento ng kwento! I won't believe a thing you say!"
Napangiti si Camila nang mapait habang tumutulo ang kanyang mga luha. "Kung hindi ka papayag sa divorce, tatalon na ako ngayon. Naiintindihan mo, Brix? I will take my unborn child with me! I promise you, hindi ka magiging masaya dahil hindi mo ako pinaniwalaan."
Pagkasabi n'on, dahan-dahan ni Camila na hinawakan ang kanyang tiyan kung saan naroroon ang kanilang anak ni Brix.
Malapit na siyang manganak at hindi niya gusto ang ganito. Pero kung may pagkakataon siyang mabuhay nang tahimik, bakit niya gugustuhing magpakamatay?
Hindi siya mahal ni Brix at hindi rin siya nito pinaniniwalaan, pero lahat ay tiniis niya dahil mag-asawa pa rin sila. Umaasa siyang kapag naipanganak na niya ang anak, matututunan din siya nitong mahalin. Ngunit nang malaman niyang sa oras na ipanganak niya ang supling nila ay ibibigay ni Brix ang bata kay Dais, iyon ang hindi niya matatanggap!
She's his baby's mother! Paano naisip ni Brix na gawin iyon sa kanya?!
"Kung gusto mong tumalon, then go! Huwag mo nang sayangin ang oras ko. Marami akong pwedeng maging anak sa hinaharap, Camila. Ayoko rin naman na sa isang babaeng tulad mong walanghiya ang maging ina ng anak ko!"
Napakalamig ng boses ni Brix at kahit sa telepono lang ay halatang punong-puno ito ng paghamak kay Camila.
Sa narinig, tuluyang nawalan ng pag-asa si Camila. Bakit nga ba siya umasa pa na matatakot si Brix sa banta niya gayong hindi nga pala siya nito gusto? Kaya pati ang anak nilang dalawa, hindi rin nito gusto.
Napakalakas ng hangin. Ang mga luha ni Camila ay tinatangay n'on habang siya'y humahalakhak nang walang halong saya.
Natahimik bigla si Brix sa kabilang linya nang marinig ang tawa ni Camila na parang kaunti na lang, mawawalan na ito ng bait. May sasabihin na sana ito nang biglang marinig ang isang malakas na tili ng babae.
Kasunod nito, narinig ni Brix ang tunog ng pagbagsak sa tubig. At wala nang sumunod pa.
"Camila?" Huminto halos sa paghinga si Brix at tinawag ang pangalan ng babae.
Walang sagot.
Isang malamig na beep ang narinig niya mula sa kabilang linya.
Nanlaki ang mga mata ni Brix. Nagpakamatay ba talaga si Camila?
Lumabas ang doktor mula sa ward, ngumiti, at nagsabi kay Brix ng magandang balita, "Sir Brix, gising na si Miss Dai—"
Hindi pa tapos ang sinasabi ng doktor, biglang nagbago ang mukha ni Brix at mabilis na tumakbo papuntang elevator. Natahimik ang doktor at sinundan ng tingin ang humahangos papaalis na si Brix.
Sa kabilang banda, pagkatapos mahulog ni Camila sa tubig ay nawalan siya ng ulirat.
Puno ng tubig ang kanyang bibig at ilong. Ramdam niya ang hirap sa paghinga at parang may malaking bato na nakatali sa kanyang katawan.
Pagkalipas ng ilang segundo, sinubukan niyang magpumiglas.
‘Hindi! Ayoko pang mamatay! Paano ang anak ko? Tinatakot ko lang si Brix pero hindi ko talaga gustong magpakamatay!’
Napansin niya ang maluwag na railings na sinasandalan niya. Sino ang gumawa ng pagluwag ng railings? Sino ang nagtangka sa buhay niya?
Nagpumiglas si Camila nang husto gustong lumangoy pero isang malakas na current ng tubig ang tumama sa kanyang ulo at bumangga siya sa bato. Doon na siya nawalan ng malay.
3 YEARS LATER…
Isa na namang dinner party ang dinaluhan ni Brix. Sa lahat ng naroroon, tanging siya ang walang kasamang babae.
Habang nag-iinuman, nagsimula silang mag-usap tungkol sa iba't ibang bagay—mula sa negosyo hanggang sa mga tsismis.
"Mr. Monterde, narinig mo na ba?" tanong ng lasing na lalaki sa tapat ni Brix. "Alam mo ba kung sino ang nakita ko sa airport noong isang araw?"
Tahimik lang si Brix habang nagbato ng baraha, hudyat na ituloy ng lalaki ang kuwento.
Ngumisi ang lalaki. "Si Miss Perez, si Camila. She's your ex-wife, right, Mr. Monterde?"
Biglang natahimik ang lahat sa lamesa.
Itinuloy ng lalaki ang sinasabi, "Mr. Monterde, nakita ko ang ex-wife mo! Tsk, tsk, napakakawawa niya. Ninakawan siya sa airport at kitang-kita ko ang pagkahiya niya."
"Sinubukan ka bang kontakin ng ex-wife mo, Mr. Monterde?" tanong pa nito. "Siguro nahihiya na siyang lumapit sa ‘yo."
May tumatapik na sa lalaki, nagsasabi na tumahimik na pero nagpatuloy pa rin ito.
Hanggang sa hindi nakatiis ang katabi, biglang tinadyakan ang lalaki at saka lang ito natahimik.
Napansin nila ang lalong pagdidilim ng mukha ni Brix. Natakot bigla ang lalaking kanina lang ay maingay na nagkukwento.
Tumayo si Brix, itinulak ang silya at nagpaalam sa mga tao roon. “I'll be leaving.”
Sa labas ng bar, malamig ang hhangin Tahimik na sumandal si Brix sa poste, hinihintay ang sasakyan niya.
Tatlong taon na ang nakalipas. Noong araw na tinungo ni Brix ang ospital kung saan dinala si Camila, wala na raw ang bata. Namatay ito sa tiyan ng asawa niya.
Pagkatapos ng isang araw at isang gabi ng pagkatulog, pumirma si Camila sa divorce agreement at biglang naglaho na lang itong parang bula.
Pumikit si Brix at mariing pinatay ang sigarilyong hawak.
He couldn't forget Camila's devastated but blank face when the other asked for divorce.
“Tama na, Brix. Ayoko na. Wala na ang anak natin kaya wala nang dahilan pa pala manatili tayo sa isa't isa.”
Dumating na ang sasakyan at napadilat si Brix.
"Sir," tawag ng driver. Sumakay si Brix sa likod.
"Master, uuwi na po ba tayo? O pupunta pa sa susunod na dinner na imbetado kayo?"
Tumahimik siya ng limang minuto bago malamig na sumagot, "Punta tayo sa bahay ng mga Perez."
Nagulat ang driver. Ang pamilya Perez? Hindi ba iyon ang dating pamilya ng young lady?
SAMANTALA…
“You're telling me that I will date them? Nahihibang na ba kayo? E mas matanda pa ‘yan sa asawa mong tatay ko, ha?”
Nakahalukipkip si Camila at nakasandal sa sofa habang nakatingin sa stepmom at tatay niya. Nagkatinginan ang mag-asawa bago may alangang ngiti sa labi.
“Camila, hindi ka na pwedeng mamili. Pasalamat ka nga't may balak pang makipag-date sa ‘yo at pakasalan ka gayong ex-wife ka ni Brix Monterde. Sa buong siyudad, may tao bang maglalakas loob na pakasalan ka kapag nalaman na unwanted ex-wife ka ng bilyonaryong si Brix?”
Malamig na tingin ang binigay ni Camila sa madrasta.
Ex-wife of that man, huh?
*
Kabanata 2"BUMALIK ako dahil sinabi ninyong may gusto kayong pag-usapan na importante. Ito ba iyon? Ang ialok ako sa ibang lalaki na parang kagamitan lang?"Malalim ang buntong-hininga niya at nagsalita. "Camila, wala na kaming magagawa. Lubog na sa utang ang pamilya natin kaya kailangan nating umasa sa kasal para maiangat uli ang business."Natawa nang mapait si Camila, parang malaking biro ang naririnig. "Wala ba kayong anak na babae bukod sa akin?"Biglang nagbago ang ekspresyon ng stepmother niya. "Ano ba ang pinagsasabi mo? Kapatid mo siya at bata pa siya!"Mas lalo pang napangisi si Camila sa narinig. "Hindi na bata iyon. Halos kasabay ko nga lang siya ipinanganak. Matanda lang ako ng ilang buwan, hindi ba?" aniya sabay sandal sa sofang kinauupuan. Nagbago ang mga mukha ng mag-asawang Perez. Ito ang lihim nila na hindi pwedeng sabihin. Ang kasalukuyang asawa ng ama ni Camila ay ang dating kabit nito. Nang mamatay ang ina ni Camila saka lamang nakatungtong ang kabit nito sa ba
Kabanata 3SI BRIX ay tahimik na nakaupo nang dumating si Camila kasama ang isang abogado."Sit," malamig nitong sabi.Tumingin ang abogado kay Camila na tumango naman bilang sagot.Binuksan ng abogado ang hawak nitong mga dokumento. "Mr. Monterde, tatlong taon na po kayong hiwalay ni Miss Camila. Ayon sa batas, sapat na ito para mag-file ng divorce."Tumaas ang kilay ni Brix. "Who told you I want divorce?"Bago pa man makasagot ang abogado, hinila ni Brix ang isang papel mula sa ilalim ng mesa at inihagis ito sa abogado. "Atty. Hernandez, alam mo bang akin na law firm na pinapasukan mo?"Natigilan ang abogado. Nagpatuloy si Brix, "Kung tutuloy ka sa pagkampi kay Camila, sigurado akong wala ka nang trabaho bukas."Walang nagawa ang abogado kundi tumayo at tumingin kay Camila. "Pasensya na, Miss Camila. Kailangan kong mag-back out. Paalam."Tahimik ang buong opisina nang umalis ang abogado.Nagpalit si Brix ng kape, naglagay ng bago para kay Camila at inilapag ito sa harapan niya.Gali
Kabanata 4NAPUNO ng luha ang mga mata ni Daisy. "Camila, paano mo nagagawang sabihin ang mga ‘yan? Ako ang biktima sa nangyari tatlong taon na ang lumipas. Sa tingin mo ba, gugustuhin kong saktan ang sarili ko?"Ngumisi nang bahagya si Camila. "Sa totoo lang, hindi na gagaling pa ang talento mo sa piano. Mas magaling pa ako sa ‘yo noong bata pa ako. Ngayon naman, ginagamit mo pa ang mga imbento mong kwento kaya nasira ang kasal ko kay Brix—sabihin na nating nanalo ka na."Nanlamig ang mukha ni Daisy. Galit itong pumalo sa mesa at tumayo. "Ano bang pinagsasabi mo? Hindi na nga kita sinisi sa ginawa mo noon, tapos ikaw pa ngayon ang nagmamalinis?!"Kalmado lang si Camila na umiinom ng kape. "Sige na nga, huwag na nating balikan ang nakaraan. Tanong ko lang, hanggang saan na ba kayo ni Brix?"Natigilan si Daisy sa tanong niya. "A-Anong ibig mong sabihin?"Ngumiti nang bahagya si Camila at tumingin sa relo. "Let’s put it this way, mukhang nasasayang lang ang effort mo. Do you know, hindi
Kabanata 5TINITIGAN ni Braylee si Brix habang ito’y nakayuko. Ang gwapo ng lalaki pero napansin din ng bata ang mga sugat sa mukha ng lalaki. Dahan-dahan niyang hinawakan ito gamit ang maliit niyang kamay."Uncle, masakit ba?"Parang may kumurot sa puso ni Brix. Ang malambot na boses ng bata ay tila may hinaplos sa kanyang kalooban."I'm not hurt, little kid. You, why are you alone?" tanong ni Brix na nagulat sa sarili sa lambot ng tonong gamit niya sa bata. ‘Kung buhay pa ang anak ko... baka ganito rin ako kalambing magsalita sa kanya.’Ngumiti si Brix sa naisip at nahiya naman si Braylee sa ngiti ni Brix. Masaya nitong tinakpan ang mukha gamit ang kamay.“Uncle, ang gwapo mo pala kapag ngumiti! Nahihiya ako!” Mas lalong natawa si Brix. Ang batang kaharap ay talagang magaling magpa-cute."Ako nga pala si Braylee. Pero hindi ko pwedeng sabihin ang full name ko. Sabi ni Mommy, huwag daw akong magtiwala sa strangers."Napangiti si Brix. “Is that so? But you're alone. Samahan muna kita
Chapter 6.1SI CAMILA, ang babaeng iniisip at hanap-hanap ngayon ni Brix ay patungo na sa blind date na in-arrange ng pamilya para sa kanya. She knew she got caught by her stepmother's trap. Sa sandaling iyon, nakaramdam siya ng kaunting kaba. Ginawan siya ng paraan ng kanyang madrasta para maitulak sa sitwasyong ito kaya siguradong may mga plano itong hinanda, hindi nga lang alam ni Camila kung ano iyon. They want her to have this blind date because the company is facing financial problems? Umarko ang kilay niya sa naisip. Bakit hindi na lang si Charlotte ang ipa-blind date para maikasal sa isang mayamang pamilya, hindi ba?Sa naisip, biglang sumiklab ang galit ni Camila para sa ama at sa pamilya nito. She wouldn't consider them as family. Hindi rin naman pamilya ang turing sa kanya. Pero dahil nandito na siya, wala nang magagawa kundi ang harapin ito nang maayos at umayon sa sitwasyon.“Miss Camila!”Isang matangkad na lalaki na medyo mukha pa namang tao ang tumayo. Fine, she's k
Chapter 6.2PAGKARATING pa lang ni Brix sa coffee shop, wala siyang nakitang Camila na hinahanap. Kaya naman inutusan niya ang mga subordinates na hanapin ito nang mabilis. Mamaya ay kung ano na ang nangyari sa babaeng iyon. May pagkatanga pa naman si Camila at mabilis ma-take advantage. At tama nga ang hinala ni Brix dahil nakita niya na lang ang sarili na sinuntok ang lalaking may balak gawing masama rito. "Damn it. What kind of stupid are you, woman?" he murmured as he hugged her. Dahil sa sigawan, bahagyang nagising ang diwa ni Camila. Dahan-dahan nitong iminulat ang mga mata at tiningnan ang lalaki sa harapan. Napakunot si Camila ng noo at mahina nitong tinawag ang pangalan ng lalaki sa balintanaw. "Brix... Are you a dream?"Ang hitsura ni Camila sa mga bisig niya ay lalong nakapagpagalit kay Brix. Ano?Bilang asawa kahit sa papel na lang, ganoon ba kaimposibleng puntahan niya ito para bantayan ang blind date? Bakit naisip nito na panaginip lang siya? Napakurap pa ang mga m
Chapter 7.1"BILLY, hindi ko lang talaga matanggap na hinahayaan mong si Camila gawin ang ganito sa 'yo - iyong makikipaghiwalay kuno pero alam ko naman na patibong lang 'to para makuha ka. Wala akong ibang iniisip, okay?"Hinabol ni Daisy si Brix at sinabi iyon. Mukhang hindi pa rin naiintindihan ni Daisy kung bakit ganoon kalamig ang trato ni Brix sa kanya. Bakas sa mukha nito na gusto siyang kumbinsihin sa mga sinasabi nito. Huminto si Brix at nilingon siya, blangko ang ekspresyon. "Starting now, I don't like to hear you talking shît about Camila, Daisy. If so, you won't like what I will do to you."Pagkatapos niyang sabihin iyon, mabilis na lumakad si Brix at nawala sa paningin ni Daisy.Nakagat ni Daisy ang mga labi sa inis. "This is Camila's fault! That slût!"---Sa apartment, malamig na tubig mula sa shower ang tumama sa mukha ni Camila. Unti-unti siyang natauhan. Pagkatapos niyang basain ang katawan at umalis sa shower, bahagya pa ring namumula ang mukha niya mula sa steam
Chapter 7.2NAG-IWAS ng tingin si Camila, may mapait na ekspresyon sa mukha niya. Paano niya maipapaliwanag sa anak niya ang ganoong klaseng sakit na naranasan niya sa kamay ng ama nito? Nagawi ang tingin ni Camila sa pinto at may nakita siyang isang pamilyar na pigura na naglakad palagpas ng pinto at agad na nahila ang atensyon niya roon.That guy…Hindi ba’t iyon ang lalaking ipinadala ni Brix para takutin siya tatlong taon na ang nakalilipas kaya nga napahamak siya at muntik mawala si Braylee sa kanya? Bakit nandito ang lalaking iyon sa ospital na 'to? Maraming tanong ang biglang pumasok sa isipan niya at napakunot ang noo ni Camila. Mukhang mas komplikado ang sitwasyon kaysa inaakala niya.Huminga siya nang malalim para kalmahin ang sarili, saka hinarap ang anak at sinabihan si Braylee, "Anak, manatili ka lang dito sa kwarto. Kahit sino pa ang pumilit sa’yo, hindi ka pwedeng umalis dito, understood? Lalabas lang si Mommy para tingnan kung tama ba ang nakita ko.""Okay, Mommy."
Chapter 217PAGKAGISING ni Camila kaninang umaga, napansin niyang mahamog sa labas.Pagdating sa kumpanya sakay ng kotse ni Eric, tulad ng nakasanayan, nagsimula na naman siya sa pagiging isang modelong empleyado.KNOCK KNOCK. "Ako ito, si Yesha, Ma'am Camila.""Tuloy ka."Habang nakatutok si Camila sa dokumentong hawak niya, may biglang dumaan na berdeng anino sa gilid ng kanyang paningin.Nang tumingala siya, nakita niya si Yesha na nakatayo sa harapan niya. Napansin niyang iba ang suot nito ngayon kaya naman kumislap ang mga mata niya.Suot ni Yesha ang isang dark green suit na nagpapatingkad sa kanyang tindig. Ang kulay at istilo nito ay mukhang pormal at disente pero hindi sobrang pasikat. Sa ilalim ng fitted na blazer na may ruffled hem, suot niya ang isang bilog na kwelyong silk shirt na may mapusyaw na puting perlas, na nagdagdag ng banayad na pagiging elegante at mature sa kanya.Halos trenta na si Yesha, at bagay na bagay sa kanya ang ganitong klaseng pormal na pananamit.D
Chapter 216ANG papalubog na araw ay nakabitin sa langit, pinapadalhan ng huling sinag ng liwanag ang lupa. Ang madilaw na kulay nito ay nagbigay ng malabong tanawin sa buong siyudad.Bukas ang pintuan ng kompanya ng mga Perez at isa-isang lumabas ang mga empleyado na nakasuot ng pormal na kasuotan. Habang nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari sa araw na iyon, nagpaalamanan na rin sila sa isa’t isa. Nasa hulihan si Camila.Nagkaproblema sa isang account kanina, kaya buong hapon siyang nakatutok sa computer, nagko-compute. Ngayon, namumula at parang namamaga ang mga mata niya. Nang tumama pa ang nakakasilaw na araw, lalo lang sumakit ang kanyang paningin.Habang tinatakpan ang mata gamit ang kamay, naglakad siya papunta sa kalsada at nag-abang ng taxi. Isang Maybach ang nakapansin sa kanya mula pa lang sa malayo. Nang makita siyang nag-aabang, dahan-dahang lumapit ang sasakyan at huminto sa harapan niya."Sabi ko na nga ba, ako na ang susundo sa’yo. Bakit ka pa magta-taxi?" Binaba ni
Chapter 215PAGKATAPOS umalis sa istasyon ng pulis, hinawakan ni Lolo Herman ang kamay ni Braylee at tiningnan si Camila nang may pagsisisi."Alam ko na ang tungkol kay Maurice. Kasalanan namin ito."Umiling si Camila. "Paano ko naman kayo sisisihin, Lolo? Sino bang mag-aakalang magiging ganun siya kaahas?""Sa madaling salita, kasalanan ito ng pamilya Monterde dahil hindi ka namin naalagaan nang maayos. Halos..." Sandaling natigilan si Lolo Herman bago nagtanong nang maingat, "Nung gabing may nangyari, si Mr. Pimentel ba agad ang tinawagan mo?"Pinisil ni Camila ang kanyang mga daliri at tumingin sa pulang brick wall na nasa harapan nila."Oo."Noon pa man, nakapirma na siya ng divorce agreement. Paano niya nagawang tawagan si Brix? Wala siyang mukha para gawin iyon.Hindi na nagsalita si Lolo Herman, bagkus ay sinabing, "Camila, hindi ko na iniintindi kung ano mang alitan ang meron kayo ni Brix. Pero kung mahalaga pa ako sa’yo bilang lolo mo, tawagan mo ako sa susunod na may problem
Chapter 214HALOS matumba si Lolo Herman matapos siyang itulak ng lalaking reporter. Kung noong kabataan niya, kaya niyang harapin ang sampung tulad nito nang mag-isa, pero matanda na siya ngayon.Agad siyang inalalayan ng matipunong bodyguard, pati si Braylee, saka dinala sila sa gilid."Boss, gusto mo bang ako na ang kumilos?" tanong ng bodyguard.Hinaplos ni Lolo Herman ang kanyang balbas at galit na sumagot, "Oo, sige, palayasin mo ang mga ‘yan!"'Ang lakas ng loob nilang manggulo sa grand-daughter in law ko, wala akong palalampasin!'Pagkarinig nito, hindi na nag-aksaya ng oras ang bodyguard. Lumapit siya ng ilang hakbang, inabot ang kwelyo ng lalaking reporter, at walang kahirap-hirap na binuhat ito."Sino ‘to? Anong ginagawa mo?" Sigaw ng reporter. Pero bago pa niya matapos ang sinasabi, nakaramdam siya ng kirot sa batok. Napalingon siya at nakita ang mabagsik na mukha ng bodyguard.Bigla siyang natigilan at nauutal na sinabi, "A-anong balak mo, AARGH!"Hindi pa siya natatapos
Chapter 213KAKA-SCROLL lang ni Camila sa balitang kumakalat tungkol kay Maurice sa internet nang biglang may dumagsang grupo ng mga reporter sa labas ng kumpanya. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, pakiramdam niya ay may nagplano nito laban sa kanya."Paalisin niyo na lang sila. Tawagin ang security," nakakunot-noong utos niya.Nag-aalangan si Yesha. "Ang dami po nila, hindi na namin mapaalis. Nakasara na ang main gate at hindi na makapasok ang ibang empleyado.""Ilan ba sila?""Mga ilang dosena, hindi ko na nabilang."Lalong lumalim ang kunot sa noo ni Camila. Hinawakan niya ang mouse at malamig na nagsabi, "Si Vice President na lang ang bahala diyan."Ayaw niyang harapin ang mga baliw na reporter na ‘yun.Tumango si Yesha, saka lumabas ng opisina para hanapin si Vice President. Pinilit ni Camila na kalmahin ang sarili at mag-focus sa trabaho, pero hindi pa siya nagtatagal sa ginagawa ay biglang nag-ring ang cellphone niya."Boss, hindi na po namin kaya. Mas mabuti sigurong bu
Chapter 212SA study room sa ikalawang palapag, magkatapat na nakaupo sina Camila at Dale sa isang maliit na mesa.Pumasok si Leny, ang kasambahay, at nagdala ng kape. Kinuha ni Dale ang tasa, pero hindi man lang uminom. Sa halip, mapait siyang ngumiti at nagsalita. "Miss Perez, alam mo bang matagal ko nang walang balita tungkol sa kapatid ko?""Ano namang kinalaman ko diyan?" malamig na sagot ni Camila.Nakita niyang hindi natuwa si Dale, kaya napangiti siya nang bahagya at sinabing, "Hindi ba tumakas papuntang Indonesia ang kapatid mo noon? Baka naglalakbay lang ulit siya sa ibang bansa ngayon.""Hindi. Ako ang nagpadala sa kanya sa Indonesia noon. Pero ngayon, totoong nawala siya.""Ah, ikaw pala ang may gawa niyan. Nagtaka ako kung bakit siya biglang nawala. Matagal ko rin siyang hinanap pero hindi ko siya makita," taas-kilay na sagot ni Camila.May bahid ng pagsisisi sa mukha ni Dale. "Alam kong may atraso siya sa'yo at nasaktan din niya si Braylee."Napabuntong-hininga si Camil
Chapter 211"Ano ang sinabi ni Daddy?" tanong ni Braylee na may pag-uusisa.Kinuha ni Camila ang steak sa harapan niya at isinubo ito sa bibig ni Braylee. "Bata ka pa, huwag kang makialam sa usapan ng matatanda."Nginuya ni Braylee ang karne at tahimik na kinain ito, hindi na nagtanong pa.Kinuha ni Eric ang baso ng alak sa mesa at uminom ng isang lagok. Ang bahagyang mapait at mainit na lasa nito ay parang sumusunog sa dibdib niya.Medyo namutla ang mukha niya. Alam niyang hindi dapat magtanong, pero hindi niya napigilan ang sarili:"Gusto ka niyang bumalik?"Kalmado lang na tumango si Camila. "Parang ganun na nga.""Ano naman ang iniisip mo?""Sa totoo lang... hindi ko alam."Nakita ni Eric ang pag-aalinlangan sa mukha ni Camila, kaya napagdesisyunan niyang tulungan itong magdesisyon. "Hindi mo ba naisip na baka hindi talaga kayo para sa isa't isa?""...Mula nang makilala mo siya, hanggang sa ikasal kayo, hanggang ngayon... ilang araw lang ba ang lumipas na payapa ang buhay mo?"Na
Chapter 210IYONG GABING IYON, may mangilan-ngilang madilim na ulap sa kalangitan, kakaunting bituin, at isang kalahating buwan na nakabitin sa langit, nagbibigay ng kakaibang lamig sa paligid.Alas-dose na ng hatinggabi, oras na para matulog ang karamihan. Sa Serendipity Community, halos wala nang tao, isa o dalawa na lang ang pagala-gala, at ang tanging ilaw na bukas ay mula sa mga poste sa lansangan.VROOOOM! Isang itim na Rolls-Royce ang huminto sa harap ng Building B, at isang matangkad na lalaki ang bumaba mula sa upuan ng driver.Pagpasok niya sa gusali, dumiretso ang elevator mula unang palapag hanggang sa ikawalong palapag.Ding!Bumukas ang pinto ng elevator at lumabas ang lalaki. Tumama sa kanyang mukha ang puting ilaw, binibigyang-diin ang malamig niyang ekspresyon.Lumiko siya sa kanan, inilabas ang susi, at binuksan ang pinto. Agad siyang sinalubong ng maliwanag na ilaw mula sa loob.Sa sala, dalawang bodyguard ang kasalukuyang kumakain ng late-night snack. Nang marinig
Chapter 209SLAAAAP! Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Lolo Herman sa mukha ni Brix. Napatigil ang lahat ng katulong sa paligid, takot na takot sa nakita nila."Pagbalik mo, puro sisi ang inatupag mo! Tinanong mo ba si Camila kung ano talaga ang nangyari? Kung hindi lang ako nasa tabi mo, anong balak mong gawin, ha?""Kung ako ang babae, hindi rin kita gugustuhing makasama!""Pag-isipan mong mabuti ang mga ginawa mo!"Sakto namang dumating ang Butler, kakabangon lang mula sa pahinga. Narinig niya ang sigawan at agad na pumasok sa dining area. Pagkakita sa sitwasyon, nanlaki ang mata niya.Wala nang inisip, lumapit siya para pakalmahin ang matanda."Master, anong nangyayari? Bakit kayo galit na galit? May nagawa bang mali ang young master?"Malamig na huminga si Lolo Herman at tumingin nang masama kay Brix."Kung hindi mo maibabalik si Camila sa akin, kalimutan mong apo kita."Tahimik lang si Brix. Hindi siya sumagot, pero ilang sandali lang ay binitiwan niya ang isang malami