Chapter: Chapter 41Chapter 41PAGKATAPOS ng hindi magandang pag-uusap nila ni Eric, umuwi si Camila na medyo inis pa rin sa lalaki. Gusto lang naman niyang magkaroon si Eric na ibang babaeng magugustuhan, hindi siya na 'kasal' pa rin kay Brix at may anak na rin. Sa taong tulad ni Eric, nararapat lang na dalaga ang mapangasawa nito at hindi siya. Pero minasama pa iyon ng lalaki. Habang kumakain, nakasimangot siya kaya natakot si Braylee at panay ang pagpapa-cute nito sa kanya para aliwin siya. Napansin iyon ni Camila, kaya agad niyang binago ang ekspresyon ng kanyang mukha at ngumiti sa anak. Medyo gumaan ang pakiramdam ni Braylee nang makita ang ngiti ng ina.Kinaumagahan, gaya ng nakasanayan, hinintay muna ni Camila ang pagdating ng yaya nito bago siya nagpaalam kay Braylee."Anak, aalis na si Mommy para pumasok sa trabaho. Magpakabait ka rito sa bahay, ha?"Hinalikan niya si Braylee sa magkabilang pisngi bago nagpaalam nang tuluyan."Ba-bye, Mommy! Ingat ka! Love kita!"Sinamahan siya ni Braylee ha
Huling Na-update: 2025-01-20
Chapter: Chapter 40Chapter 40SA EROS HOTEL, naglalakad papaloob si Camila sa reserved table. Pagkaupo ni Camila doon ay agad siyang uminom ng cold tea na nasa mesa. Pagkatapos maibsan ang uhaw, inilagay niya ang bag sa gilid at tiningnan si Sandy sa harap niya."Anong nangyari? Bakit mo ako pinatawag dito nang ganito ka-urgent?"Katatapos lang niyang makatanggap ng tawag mula kay Sandy. Sinabi nitong may mahalaga silang pag-uusapan kaya't iniwan niya ang lahat ng ginagawa at nagpunta rito agad.Pagmasdan niya nang maigi si Sandy, pero parang wala namang bakas ng pagmamadali sa itsura nito.Napabuntong-hininga si Sandy bago tumitig kay Camila."Camila, maganda ba ang samahan niyo ni Mr. Eric Pimentel?"Kumunot ang noo ni Camila. "Medyo. Bakit mo naman naitanong?""Uhmm..." Halata ang pag-aalinlangan sa mukha ni Sandy.Pagkatapos ng ilang saglit, nagtanong ito, "Nagugustuhan mo ba si Mr. Pimentel?"Natigilan si Camila sandali bago unti-unting naintindihan kung bakit siya ipinatawag ni Sandy."Hindi," sa
Huling Na-update: 2025-01-19
Chapter: Chapter 39Chapter 39NABIGLA SI Camila sa biglaang pagdating ni Brix at ang ginawa nitong pagtulak sa kanya. Ngayon, tumingin siya nang masama kay Brix. "Ano'ng ginagawa mo?""Are you really tight on money that you resorted to that kind of stuff?"Pagkasabi noon, tinanggal ni Brix ang coat, binuksan ang kuwelyo ng kanyang shirt at bigla siyang hinalîkan sa labi nang marahas."Brix, anong kahibangan 'to!"Pilit itong tinutulak ni Camila, pero wala siyang magawa."Di ba kailangan mo ng pera? Eto, sapat na ba 'to?"Basta na lang niyang hinagis ang isang black card na walang limitasyon sa halaga at muli si Camila hinalîkan nang mas marahas."Anong problema mo...!""Mommy—! Ano'ng ginagawa n'yo?"Biglang lumabas si Braylee mula sa kwarto kaya pareho silang napatigil. Lumayo si Brix nang bahagya at hinawakan ang baba ni Camila:"Sabihin mo lang kung kailangan mo ng pera. Bakit mo kailangang ipahiya ang sarili mo sa pang-aakit sa mga matatandang lalaki? Akala mo ba mas mapapadali nito ang buhay mo?"N
Huling Na-update: 2025-01-19
Chapter: Chapter 38Chapter 38SI CAMILA ay dahan-dahang iminulat ang kanyang mga mata. Pagkatapos tumitig sa kisame ng dalawang segundo, bigla siyang napaupo.Nasaan siya? Hindi ba't nawalan siya ng malay kagabi? Umaga na ngayon!Agad niyang inalis niya ang kumot na nakabalot sa kanya at sinuri ang buong katawan niya. Biglang bumukas ang pinto at nakita niya ang isang lalaki na hindi niya inaasahang makita. Nakatayo si Brix sa may pinto, may hawak na baso ng gatas at naaasar itong nagsalita. "Now you know how to be afraid? Pero ano bang ginagawa mo bago mangyari ang lahat?"Mabilis na tinakpan ni Camila ang sarili gamit ang inalis na kumot, punong-puno ng pagtatanggol at inis sa kanyang mga mata. "Ikaw ang may kagagawan nito kagabi! Walanghiya ka!"Mula sa maaliwalas na ekspresyon ni Brix, bigla itong naging malamig. Tiningnan niya si Camila nang may galit sa mga mata at madilim ang ekspresyon na nagsalita. "Get out.""Aalis din naman talaga ako." Tumayo si Camila at lumakad papunta sa pinto habang p
Huling Na-update: 2025-01-19
Chapter: Chapter 37Chapter 37NANG halos mamatày na sa bugbog ang tatlong lalaki na naroon at iyong dalawa ay wala pa ring tigil sa paghingi ng tawad—si Mr. King, at Mr. Diego—tumigil din si Brix at Eric kalaunan dahil baka mapatày nga nila ang mga iyon. Nagsalita si Brix nang malamig. "Sino sa inyo ang naghubad ng damit ni Camila?"Si Mr. Diego na kanina ay pakilala sa sarili ay gentleman ay nanginginig ngayon sa takot habang nakahiga sa sahig.Itinaas ni Brix ang kilay at nagbanta gamit kanyang tingin, "Dahil ayaw n'yong magsalita, eh di...""Siya!" Sabay-sabay na itinuro nina Mr. King at Mr. Casim si Mr. Diego."May nag-utos lang sa akin!" Mabilis na lumuhod si Mr. Diego at sunod-sunod na yumukod kay Brix. Ang dati nitong kayabangan ay tuluyan nang nawala. Alam nito na sukol na ito. "Si Miss Sandy! Si Miss Sandy… Sandy Manahan... ahhh—!"Hindi pa ito natatapos magsalita nang apakan ni Brix ang kamay nito gamit ang itim na sapatos sabay diin dito.Namutla ang matabang mukha ni Mr. Diego, tila nawala
Huling Na-update: 2025-01-19
Chapter: Chapter 36Chapter 36NAGLAKAD ang lima papunta sa sofa na malapit.“Ladies first,” sabi ni Mr. King, habang nakatayo sa tabi ng sofa at nag-abot ng kamay kay Camila na parang iniimbitahan siya. Akala nito ay mukha itong maginoo sa ginawa nito. Hindi tumanggi si Camila at umupo sa kaliwang bahagi ng sofa habang si Sandy naman ay umupo sa katapat niyang upuan. “Sandy…”Napatigil si Camila. Iniisip niya si Sandy na nakaupo sa tabi niya.“Huh?” tanong ni Sandy, halatang naguguluhan.Napabuntong-hininga si Camila. “Wala, okay lang.”“Miss Camila, pwede ba akong umupo sa tabi mo?” tanong ni Mr. King habang papalapit na sa kanya.Ngumiti si Camila nang mapilit. “Syempre, malaking karangalan ito sa akin.”Umupo si Mr. King at biglang lumubog ang malambot na sofa dahil sa bigat nito. “Napakaganda talaga ng tinig ni Miss Camila, para akong hinehele.”Tanging pilit na ngiti ang ginawa niya. Masaya ang usapan nilang lima, tila nagkakasundo. Pero napansin ni Camila na tila nagkasundo rin ang tatlong CEO
Huling Na-update: 2025-01-18
Whirlwind Marriage: Tying the Knots with Mr. Billionaire
She's still getting married but not with her groom-to-be because she's marrying a stranger!
“Do you want to change the groom? Then... Why don’t you consider me, Miss? Marry me.”
Umawang ang bibig ni Serena sa tinuran ng lalaking kaharap. Ngayon niya pa lang ito nakilala, hindi ba? Kasal kaagad ang inalok nito sa kaniya? Ngunit kung iisipin, ay kailangan niya ng groom…
“P–Pakakasal na ako sa 'yo!” kaagad niyang tugon.
Gumuhit ang misteryosong ngiti sa labi ng lalaking kaharap niya na siyang nagpalunok kay Serena.
“Good decision. Tomorrow, you’ll be my wife.”
*****
Bago pa dumating ang araw ng kasal ni Serena ay nahuli niya ang fiancé na si Alex at may ibang babae itong kasiping sa kasama. Ang hinayupak, talagang sa hotel room pa na kanyang binayaran ang mga ito gumawa ng kababuyan!
Imbes na humingi ng tawad ay nagawa pa ni Alex na sisihin sa kanya ang ginawa nitong kasalanan. Aminado si Serena na hindi niya pa kayang isuko ang sarili kay Alex, dahil gusto niyang mauna ang kanilang kasal. Ngunit, ito na rin yata ang senyales na tama lamang ang ginawa niya, dahil isa itong manloloko! She didn't give him a second chance, but broke up with him and found another man to marry!
Inalok siya ng isang estranghero, tanging alam niya lang sa pagkatao nito ay ex-boyfriend ito ng kalaguyo ni Alex. She agreed to marry the man named Kevin Xavier Sanchez, who turns out to be a billionaire and her big boss!
Asawa siya ng isang bilyonaryo? Hindi ba siya nananaginip lang?
“You're not dreaming, wife. Whatever I have is yours. My properties, money—everything, it belongs to you now. Do you like that, hmm?”
Kakapusin yata si Serena ng hininga! Help!
Basahin
Chapter: Chapter 32Chapter 32NAKAISIP ng kalokohan si March habang nasa gilid at naririnig ang mga babaeng nag-uusap. Pinalalabas pala ni Sienna na stalker si Leila ni Zephyr at 'palabas' lang lahat iyon. Pero may tao bang matino mag-isip na ide-date ang stalker nila? March thought that Zephyr wouldn't do that. Bakit naman gagawin iyon ni Zephyr kung titingnan eh, kaya nitong protektahan ang sarili? Kung siya si Zephyr, bakit naman siya susunod sa isang babae? Takot ba ito kung ganoon? Nah. She wouldn't buy that. She could read on that guy's eyes that he feels something about Leila. March really calls this farce; a búllshît. But sadly, may tao talagang uto-uto. Tulad ng mga kasama nitong si Sienna. Narinig ni March na nagsinghapan ang mga kausap ni Sienna at agad na sinabi na igaganti nila si Sienna kay Leila. Tuturuan daw nila ng leksyon si Leila nang malaman nito kung saan dapat ilugar ang sarili. “Tsk tsk. There's something wrong with their brains. Oh God, help me,” bulong ni March at patuloy pa
Huling Na-update: 2025-01-20
Chapter: Chapter 31Chapter 31EVERYONE was surprised to see Zephyr leading Leila. Lalo na't ang kamay nito ay nakasalikop sa kamay ng babae at hindi pinapansin ang mga tinging binabato nila. Kahit na gaano ka-close si Zephyr kay Sienna ay hindi ito ganito sa babae. Kaiba sa nakikita nilang galaw nito kay Leila. Doon lang sila naniwala sa balita na nakita sa forum. Si Zephyr na mismo ang nagsabi na hindi nito girlfriend si Sienna at kahit kailan ay hindi naging ex. Zephyr is now with Leila and even though they're not clear with his relationship with her, they could see that Leila's a special person for Zephyr. Ang mga taong pinag-uusapan ng mga tao sa campus ay magkatabi ngayon sa upuan. Leila could feel the piercing gaze of the people around her that made her uncomfortable but she didn't voice out her sentiments. Pero nawala ang atensyon niya noong ipatong ni Zephyr ang ulo nito sa gilid ng balikat niya. Napipilan si Leila at dahan-dahang napatingin kay Zephyr na nakapikit ngayon. “I'm sleepy…” bu
Huling Na-update: 2025-01-14
Chapter: Chapter 30Chapter 30NATAPOS na sila Leila at Zephyr na monood ng movie at noong mga oras na iyon ay nasa kama na sila para matulog. Nakatulong ang hot compress sa period ni Leila pero hindi pa rin ganoon kakomportable ang tummy niya kaya ang pabiling biling siya sa higaan. Maingat naman ang bawat kilos niya dahil ayaw niyang masira ang pahinga ni Zephyr. Naghahanap ng komportableng pwesto si Leila noong maramdaman niyang may braso na humawak sa beywang niya. Pagkatapos, inikot siya ni Zephyr at napunta siya sa ibabaw nito. “Sleep, Leila,” he uttered in raspy voice. Halatang inaantok na si Zephyr. “M-Matutulog na ako. A-Ano alisin mo iyong kamay mo sa akin para makabalik ako sa pwesto ko—”“Sleep on top of me, Leila.”“H-Ha? Ano 'yang sinasabi mo?”“Sleep there so you'll get comfortable. Close your eyes and hug me,” maawtoridad nitong sabi sa kanya. Nahihiya na iniyakap ni Leila ang mga braso kay Zephyr at pinikit ang mga mata kahit pa parang hindi siya makakatulog dahil halos mabingi siya s
Huling Na-update: 2025-01-13
Chapter: Chapter 29Chapter 29KANINA PA naghihintay si Leila kay Zephyr dahil nagpaalam ito sa kanya na may aasikasuhin saglit. Habang hinihintay ito, nag-ayos si Leila ng gamit sa condo ni Zephyr. Hindi naman maliit ang condo nito pero hindi rin sobrang kalakihan kung ikukumpara sa bahay na kinalakihan ni Leila at ni Zephyr. But for Leila, this condo is the best for both of them. Kada kilos, nagkikita sila ni Zephyr at hindi nawawala sa paningin ng isa't isa. Ang pakiramdam niya tuloy bagong kasal sila ni Zephyr at nasa honeymoon phase kahit na mahigit isang taon naman na mula noong ikasal silang dalawa. Ngunit tama rin naman siguro siya sa ganoong pakiramdam dahil ngayon lang sila nagsama ni Zephyr talaga. Naalala ni Leila noon, pagkakasal nila ni Zephyr, hindi pa natutuyo ang pirma nito sa marriage certificate, nilisan na agad nito ang attorney's office. Civil wedding lang kasi ang uri ng kasal nilang dalawa at hindi siya nagpumilit sa church wedding kahit pa gusto niyang maglakad patungo kay Zeph
Huling Na-update: 2025-01-12
Chapter: Chapter 28Chapter 28HALOS MAWALAN ng hininga si Sienna sa tindi at higpit ng pagsakal dito ni Zephyr. Takot ang bumanaag sa mga mata ng babae at hindi nito mapaniwalaan na kayang gawin ng lalaki iyon sa kanya. “Z-Zephyr, h-hindi ako makahinga—ahh! Z-Zephyr, t-tigilan mo na-na!” hirap na hirap na ani Sienna. Isang mariing pisil pa ang ginawa ni Zephyr bago pabalyang binitiwan si Sienna. Napasadlak sa sahig si Sienna, hinawakan ang leeg na nasaktan at takot na tumingin sa gawi ni Zephyr. Natatakot ito sa Zephyr na kaharap ngayon. Parang hindi kilala ni Sienna ang lalaki. Kung dati ay kahit anong salita nito ay sinusuportahan at sinusunod ni Zephyr, ngayon ay parang ibang tao na ang lalaki. Dahil ba kay Leila kaya nagbago ito? Hindi ininda ni Sienna ang nasaktang sarili at humarap sa direksyon ni Zephyr. “A-Ako ang nandito, Zephyr. Paano mo nagawa sa akin 'to? Dahil ba sa kanya kaya mo ako sinasaktan, Zephyr? She's just your wife in papers. 'D-Di ba ang sabi mo sa akin, you hate her so much? N
Huling Na-update: 2025-01-11
Chapter: Chapter 27Chapter 27NAGING usap-usapan ang mga nakadikit na photos sa lahat ng bulletin board ng campus maging ang tarpaulin na nakasabit sa mga gate ng university. Kahit na natanggal agad iyon, may mga nakakuha na ng picture at kumalat iyon sa social media. Kasabay din noon na lumabas ang anonymous posts tungkol sa tatlong babae at sa nilalaman ng post, sinasabi roon na hindi lang escort girl ang mga babaeng iyon kundi ang dalawa sa kanila ay kabit ng mga kilalang negosyante sa lipunan habang ang isa naman ay may anak na sa mayor ng lugar nila. The university tried to do something about it but the anonymous post keeps on coming back even though it was reported. Dahil doon, pinatawag ang tatlong babae at pinatawan ng parusa: expulsion. May isa ring balita na lumabas sa school forum. Walang relasyon si Zephyr at Sienna. Kay Zephyr mismo nanggaling ang balitang iyon dahil nagpaunlak ang lalaki ng exclusive interview ng student press sa loob ng campus. Ayon sa interview, pinabulaanan ni Zephyr
Huling Na-update: 2025-01-11