Kabanata 4
NAPUNO ng luha ang mga mata ni Daisy. "Camila, paano mo nagagawang sabihin ang mga ‘yan? Ako ang biktima sa nangyari tatlong taon na ang lumipas. Sa tingin mo ba, gugustuhin kong saktan ang sarili ko?"
Ngumisi nang bahagya si Camila. "Sa totoo lang, hindi na gagaling pa ang talento mo sa piano. Mas magaling pa ako sa ‘yo noong bata pa ako. Ngayon naman, ginagamit mo pa ang mga imbento mong kwento kaya nasira ang kasal ko kay Brix—sabihin na nating nanalo ka na."
Nanlamig ang mukha ni Daisy. Galit itong pumalo sa mesa at tumayo. "Ano bang pinagsasabi mo? Hindi na nga kita sinisi sa ginawa mo noon, tapos ikaw pa ngayon ang nagmamalinis?!"
Kalmado lang si Camila na umiinom ng kape. "Sige na nga, huwag na nating balikan ang nakaraan. Tanong ko lang, hanggang saan na ba kayo ni Brix?"
Natigilan si Daisy sa tanong niya. "A-Anong ibig mong sabihin?"
Ngumiti nang bahagya si Camila at tumingin sa relo. "Let’s put it this way, mukhang nasasayang lang ang effort mo. Do you know, hindi pa pala kami divorce ni Brix. I wanted to but he's the one who declined the divorce. Kasal pa rin kaming dalawa."
Parang tinamaan ng kidlat si Daisy. Tumigil ito, nanlamig ang katawan habang mabilis ang tibok ng puso.
Tumayo si Camila matapos ubusin ang kape, may ngiti sa labi. "Daisy, mas galingan mo pa. Tatlong taon akong nawala pero nandito ka pa rin, stuck sa parehong pwesto, kababata pa rin ng asawa ko. C'mon, step up your game. Paghiwalayin mo ulit kami. Maghihintay ako sa bago mong tatahiing kwento."
Lumakad si Camila palabas, iniwang nakatulala si Daisy. Tinitigan ni Daisy si Camila habang palayo ito, mahigpit ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamay.
Hindi pa pala sila hiwalay?!
Pero bakit bumalik si Camila ngayon?
Nagbalikan na ba sila ni Brix? O baka nalaman na ang totoo tungkol sa nangyari noon, kaya bumalik si Camila para maghiganti?
Napakagat sa labi si Daisy, galit na galit habang nakatingin sa dinaanang direksyon ni Camila.
Camila, tatlong taon kang nawala. Bakit ka pa bumalik? Bakit?!
MASIGLA si Camila buong hapon. Ang bilis ng kanyang trabaho at tila ang saya-saya niya.
Ang mga kasamahan niya sa opisina na akala'y magwawala siya matapos bigyan si Camila ng maraming workload ay nagtaka nang makita siyang nakangiti, kumakanta pa nga habang nagtatrabaho.
Hindi nila maintindihan kung bakit ganoon ang mood ni Camila.
Maghahatinggabi na nang matapos ni Camila ang huling dokumento sa kanyang mesa. Inunat niya ang kanyang leeg, inayos ang lamesa at bumaba na. Pagdating niya sa labas, nakita niya ang isang hindi inaasahang tao.
"Boss, ikaw yata ang empleyado na mas busy pa kaysa sa akin na isang CEO," pabirong sabi ni Eric.
Ngumiti si Camila. "Bakit ka nandito?"
"Nag-aalala ang 'baby' mo, kaya pinasundo ka sa akin," sagot ni Eric habang binubuksan ang pinto ng passenger seat.
"Thank you, Eric." Umupo si Camila, ikinabit ang seatbelt at marahang minasahe ang masakit niyang balikat.
Habang nagmamaneho, tinanong ni Eric, "Ginulo ka ba ng mga Perez?"
Tumingin si Camila sa labas ng bintana, malamig ang ekspresyon. "I guess so. Matagal nang gusto ng tatay ko na ipasa ang kumpanya kay Charlotte Vivian na anak nila ng stepmother ko. Pero hawak ko ang 30% ng shares at marami sa mga dating tauhan ng nanay ko sa board of directors ang kampi sa akin. Gusto siguro niya akong kusang umalis."
Napangiti si Eric. "Sigurado ka bang anak ka ng tatay mo?"
Napatawa rin si Camila. "Maybe not? Because he doesn't really like me."
Minsan, iniisip niya, baka hindi talaga sila mag-ama kundi magkaaway.
Katamtaman ang patakbo ni Eric ng sasakyan nang biglang may kotse na mabilis na dumaan sa gilid nila. Nagulat silang dalawa. Agad inapakan ni Eric ang preno.
Ngunit ang kotse sa harapan ay biglang lumiko at mabilis na bumalik sa direksyon nila.
Nagbago ang ekspresyon ni Eric, mabilis nitong inapakan ang accelerator at iniwas ang manibela.
Nagsalubong ang dalawang sasakyan at natanggal ang isa sa mga side mirror ng kotse nila.
Nanlaki ang mata ni Camila sa takot, pinagpawisan nang malamig, hindi halos makahinga sa bigla.
Agad sinuri ni Eric kung may sugat si Camila. Nang makita niyang wala itong galos, bumaba ito ng kotse.
Bumaba rin ang driver ng kabilang sasakyan. Hindi ito nagsalita. Bigla na lang nitong hinila si Eric sa kwelyo at itinulak si Eric sa hood ng kotse.
"Argh!"
Hindi nakapaghanda si Eric kaya tumama ang likod nito sa kotse. Napasinghap ang lalaki sa sakit.
Isang suntok ang tumama rito na nagpasadsad kay Eric sa kalsada. Dahan-dahang pinunasan ni Eric ang dugo sa gilid ng mga labi. Hindi nito inasahan na si Brix na asawa ni Camila ang nasa kabilang sasakyan.
"Brix!" halos isigaw ni Camila, bakas sa mga mata niya ang pag-aalala para kay Eric.
"Ano? Naaawa ka sa kabit mo?" Mapanuksong ngumisi si Brix, pero bago pa ito makapagpatuloy, tinamaan ito ng nakatayo nang si Eric.
Galit si Brix. Hindi nito inakalang lalaban ang lalaki. Dumagdag pa ang inis nito sa iniisip na naagaw nito si Camila. Muling sumugod si Brix at sinuntok si Eric na napaatras at muling tumama sa kotse.
Napagtanto ni Camila na hindi na ito pwedeng magtagal. Lumapit siya at sumigaw, "Brix! Ano bang karapatan mo?!"
Natigilan ang dalawa.
"Si Eric ang boyfriend ko. Ikaw? Isa ka lang pagkakamali ko! Anong karapatan mong makialam sa buhay ko ngayon?" malamig na sigaw ni Camila.
Nagulat si Eric sa sinabi ni Camila pero pinili nitong manahimik.
Samantala, parang nawalan ng lakas si Brix. Tahimik nitong tinanggap ang mga sinabi ni Camila.
"Hindi na ako babalik sa’yo, Brix! At hahanapan ko ng paraan para makipag-divorce sa'yo agad. Sana rin, huwag mo nang guluhin pa ang buhay ko!"
Pagkasabi noon ay hinatak nito si Eric papasok sa kotse at iniwan doon si Brix na masamang-masama ang tingin sa kanilang dalawa. Pinatakbo muli ni Eric ang kotse paalis.
"Okay ka lang ba? Wala bang masakit?" tanong ni Eric para basagin ang katahimikan.
Umiling si Camila. "Ikaw ang may sugat. Aasikasuhin natin yan pagdating sa apartment. Tungkol naman sa sinabi ko kanina—"
"Alam ko, huwag mo nang isipin," tugon ni Eric na may ngiti.
Habang nakasandal sa bintana, biglang naalala ni Camila ang anak niyang si Braylee.
Paano kung malaman ni Brix na buhay ang bata? Dadalhin ba niya ito kay Daisy? Nakakakilabot ang ideya. Napailing siya at hindi namalayang nakatulog sa pagod.
SAMANTALA, nakasakay na si Brix sa kotse at tahimik na ginamot ang sarili. Sa hindi inaasahang pagkakataon, napadpad siya sa dating paaralan na pinapasukan.
Napangiti siya ng mapait at napabulong. “That woman who really loved me in the past, now she could turn her back on me without remorse."
Habang naglalakad, nakarinig siya ng tawa ng bata. Napansin niyang may batang tumatakbo papalapit sa kanya—mukhang maliit na siopao ang pisngi nito sa sobrang cute.
Kung buhay pa ang anak nila noon, ganito na rin siguro ang bata kalaki...
Nawala siya sa kanyang iniisip at hindi napansin na papalapit na pala ang bata sa kanya.
"Hey! Uncle! Nakipag-away ka ba?"
Curious si Braylee at hinawakan ang namamagang kamay ni Brix nang makalapit.
Nagulat si Brix sa bata ngunit hindi nakaramdam ng inis. Sa halip, yumuko pa siya at tiningnan nang mabuti ang bata sa harapan niya.
Napansin niya na ang kilay, mata, ilong, at labi ng bata ay parang eksaktong nasa imagination niya ng itsura ng anak nila ni Camila.
‘Ano 'to? Nasiraan na ba ako ng ulo kakaisip sa anak namin? Paano ko naisip na ang batang 'to ay kamukha ng dapat na anak namin ni Camila?’
*
Kabanata 5TINITIGAN ni Braylee si Brix habang ito’y nakayuko. Ang gwapo ng lalaki pero napansin din ng bata ang mga sugat sa mukha ng lalaki. Dahan-dahan niyang hinawakan ito gamit ang maliit niyang kamay."Uncle, masakit ba?"Parang may kumurot sa puso ni Brix. Ang malambot na boses ng bata ay tila may hinaplos sa kanyang kalooban."I'm not hurt, little kid. You, why are you alone?" tanong ni Brix na nagulat sa sarili sa lambot ng tonong gamit niya sa bata. ‘Kung buhay pa ang anak ko... baka ganito rin ako kalambing magsalita sa kanya.’Ngumiti si Brix sa naisip at nahiya naman si Braylee sa ngiti ni Brix. Masaya nitong tinakpan ang mukha gamit ang kamay.“Uncle, ang gwapo mo pala kapag ngumiti! Nahihiya ako!” Mas lalong natawa si Brix. Ang batang kaharap ay talagang magaling magpa-cute."Ako nga pala si Braylee. Pero hindi ko pwedeng sabihin ang full name ko. Sabi ni Mommy, huwag daw akong magtiwala sa strangers."Napangiti si Brix. “Is that so? But you're alone. Samahan muna kita
Chapter 6.1SI CAMILA, ang babaeng iniisip at hanap-hanap ngayon ni Brix ay patungo na sa blind date na in-arrange ng pamilya para sa kanya. She knew she got caught by her stepmother's trap. Sa sandaling iyon, nakaramdam siya ng kaunting kaba. Ginawan siya ng paraan ng kanyang madrasta para maitulak sa sitwasyong ito kaya siguradong may mga plano itong hinanda, hindi nga lang alam ni Camila kung ano iyon. They want her to have this blind date because the company is facing financial problems? Umarko ang kilay niya sa naisip. Bakit hindi na lang si Charlotte ang ipa-blind date para maikasal sa isang mayamang pamilya, hindi ba?Sa naisip, biglang sumiklab ang galit ni Camila para sa ama at sa pamilya nito. She wouldn't consider them as family. Hindi rin naman pamilya ang turing sa kanya. Pero dahil nandito na siya, wala nang magagawa kundi ang harapin ito nang maayos at umayon sa sitwasyon.“Miss Camila!”Isang matangkad na lalaki na medyo mukha pa namang tao ang tumayo. Fine, she's k
Chapter 6.2PAGKARATING pa lang ni Brix sa coffee shop, wala siyang nakitang Camila na hinahanap. Kaya naman inutusan niya ang mga subordinates na hanapin ito nang mabilis. Mamaya ay kung ano na ang nangyari sa babaeng iyon. May pagkatanga pa naman si Camila at mabilis ma-take advantage. At tama nga ang hinala ni Brix dahil nakita niya na lang ang sarili na sinuntok ang lalaking may balak gawing masama rito. "Damn it. What kind of stupid are you, woman?" he murmured as he hugged her. Dahil sa sigawan, bahagyang nagising ang diwa ni Camila. Dahan-dahan nitong iminulat ang mga mata at tiningnan ang lalaki sa harapan. Napakunot si Camila ng noo at mahina nitong tinawag ang pangalan ng lalaki sa balintanaw. "Brix... Are you a dream?"Ang hitsura ni Camila sa mga bisig niya ay lalong nakapagpagalit kay Brix. Ano?Bilang asawa kahit sa papel na lang, ganoon ba kaimposibleng puntahan niya ito para bantayan ang blind date? Bakit naisip nito na panaginip lang siya? Napakurap pa ang mga m
Chapter 7.1"BILLY, hindi ko lang talaga matanggap na hinahayaan mong si Camila gawin ang ganito sa 'yo - iyong makikipaghiwalay kuno pero alam ko naman na patibong lang 'to para makuha ka. Wala akong ibang iniisip, okay?"Hinabol ni Daisy si Brix at sinabi iyon. Mukhang hindi pa rin naiintindihan ni Daisy kung bakit ganoon kalamig ang trato ni Brix sa kanya. Bakas sa mukha nito na gusto siyang kumbinsihin sa mga sinasabi nito. Huminto si Brix at nilingon siya, blangko ang ekspresyon. "Starting now, I don't like to hear you talking shît about Camila, Daisy. If so, you won't like what I will do to you."Pagkatapos niyang sabihin iyon, mabilis na lumakad si Brix at nawala sa paningin ni Daisy.Nakagat ni Daisy ang mga labi sa inis. "This is Camila's fault! That slût!"---Sa apartment, malamig na tubig mula sa shower ang tumama sa mukha ni Camila. Unti-unti siyang natauhan. Pagkatapos niyang basain ang katawan at umalis sa shower, bahagya pa ring namumula ang mukha niya mula sa steam
Chapter 7.2NAG-IWAS ng tingin si Camila, may mapait na ekspresyon sa mukha niya. Paano niya maipapaliwanag sa anak niya ang ganoong klaseng sakit na naranasan niya sa kamay ng ama nito? Nagawi ang tingin ni Camila sa pinto at may nakita siyang isang pamilyar na pigura na naglakad palagpas ng pinto at agad na nahila ang atensyon niya roon.That guy…Hindi ba’t iyon ang lalaking ipinadala ni Brix para takutin siya tatlong taon na ang nakalilipas kaya nga napahamak siya at muntik mawala si Braylee sa kanya? Bakit nandito ang lalaking iyon sa ospital na 'to? Maraming tanong ang biglang pumasok sa isipan niya at napakunot ang noo ni Camila. Mukhang mas komplikado ang sitwasyon kaysa inaakala niya.Huminga siya nang malalim para kalmahin ang sarili, saka hinarap ang anak at sinabihan si Braylee, "Anak, manatili ka lang dito sa kwarto. Kahit sino pa ang pumilit sa’yo, hindi ka pwedeng umalis dito, understood? Lalabas lang si Mommy para tingnan kung tama ba ang nakita ko.""Okay, Mommy."
Chapter 8.1NANG maisip ni Eric na padalos-dalos niyang dinala si Braylee kagabi para sunduin si Camila, gusto niyang sampalin ang sarili niya.Lalo siyang nag-alala, takot na baka mabale-wala ang pagtatago ni Camila ng ilang taon mula sa asawa nito. Biglang bumukas nang malakas ang pintuan ng kwarto dahilan para magulat si Eric at maalis ang malalim na iniisip. Nang makita niyang si Camila lang iyon, saka lang bumalik ang tibok ng puso niya sa normal.Pawisan si Camila at agad uminom ng ilang baso ng tubig. Halatang pagod ito, kaya hindi na muna nito maikwento kay Eric ang nangyari."What happened to you? You looked pale?" tanong ni Eric, puno ng pag-aalala. "May nangyari ba, Camila?"Tumayo si Eric at balak sanang tingnan kung may humabol man kay Camila pero pinigilan siya ni Camila. Hinawakan nito ang kamay niya at umiling saka tumingin si Camila sa gawi ng anak. May mga bagay na mahirap sabihin sa harap ng bata.Samantala, nang makita ng bata na mukhang may importanteng pag-uusap
Chapter 8.2BAKIT nandito si Brix?Iyon ang unang pumasok sa isip ni Camila noong makita ang lalaki. Nanginig sa kaba ang mga kamay ni Camila at nanigas ang buong katawan niya, hindi magawang gumalaw kundi ang ikurap lang ang mga mata habang nakatulala sa bagong dating. "Is this your new position? General Manager of Public Relations Department," ani Brix habang naglalakad papaloob sa opisina ni Camila.Tumingin ito sa paligid at napasimangot. Hindi man lang kasing laki ng banyo sa opisina nito ang lugar na opisina ni Camila. Too pitiful. "Public relations department? Usually you just accompany some CEOs to eat and drink. Is that all you can do? This position is perfect for you."Tumigil si Brix sa tabi ni Camila at sinadya nitong asarin ang babae. Puno ng panunuya ang mga salita ni Brix, gustong makita kung paano magre-react si Camila. Kahit hindi ito ang paborito nitong gawin, tila nasisiyahan si Brix hamakin ang pagkatao ni Camila.Why don't you say anything? Did it hit you right
Chapter 9.1PAGKATAPOS putulin ang tawag, galit na galit pa rin si Camila na nanginginig ang buong katawan niya."Ang kapal ng mukha niya! Ang daming babaeng gustong magkaanak para sa kanya, pero bakit kailangan niya akong guluhin? Walanghiya ka talaga, Brix! Wala ka na bang makitang ibang babae at ako ang napapagdiskitahan mo?" galit na bulong ni Camila. Ang insidenteng pagpunta ni Brix sa Perez Empire at ang mga sinabi nito kay Camila ay mabilis na umabot sa Perez Family at agad napunta sa tainga ni Vivian, ang stepmom ni Camila. "Malas! Ang malas malas natin! Bakit ba ang swerte ng babaeng iyon at napansin ulit siya ni Brix? Hindi pwedeng makuha siya uli ni Brix Monterde kundi masisira ang lahat!"Galit na galit si Vivian habang sinisipa ang sofa, doon nilalabas ang inis dahil sa mga narinig na balita. Pagdating ni Charlotte na halatang wala pang tulog dahil sa mga eyebags nito, biglang pumasok sa isip ni Vivian ang isang plano.Nilahad ni Vivian sa anak ang mga narinig sa compan
Chapter 198 SA Star Building... Kinaumagahan, tamad na bumangon si Charlotte mula sa kama. Kakakain pa lang niya ng kaunti nang biglang tumawag ang kanyang ina.Napasimangot siya at sinagot ang tawag, “Hello, Ma.”"Dinala mo ‘yung anak ng walanghiyang si Camila sa TV?" agad na tanong ng ina niya.“Hmm.”"Humph, mula nang pumasok ka sa industriya, ni hindi mo na ako naalalang dalawin. May nanay ka pa ba sa puso mo?"Naiirita si Charlotte, “Ano na naman ‘yang sinasabi mo? Eh sino pa ba ang nasa isip ko kung hindi ikaw?”“Buti naman kung gano’n. Hindi na ako magsasalita ng kung ano pa. Dahil nagawan mong paraan na mapalabas sa TV si Braylee, siguraduhin mo rin na mailabas ako sa TV para makita ng mga amiga kong tsismosa na hindi ako basta nagyayabang,” utos ng ina niya.Mula nang makalaya si Vivian sa kulungan, unti-unting lumayo sa kanya ang mga dating kaibigan niyang mayayaman. Ang natira na lang ay mga kasing-level niya na wala ring masyadong bilib sa kanya. Lalo na kapag ipinagmama
Chapter 197SA ILALIM ng maliwanag na dilaw na ilaw sa kalye, isang grupo ng maliliit na gamu-gamo ang lumilipad sa himpapawid, habang may dalawang gamu-gamo, isang malaki at isang maliit, na nasa lupa na malapit sa dalawang pigura na nasisinagan ng malamlam na liwanag ng ilaw. "Wuwuwu, Daddy... wuwuwu...""S-Si Mommy, mommy... woooo..."Mahigpit na niyakap ni Braylee ang hita ni Brix habang humahagulgol. Nanginginig ang katawan niya sa sobrang iyak, halos hindi na makahinga.Hinaplos ni Brix ang likod niya gamit ang malalaking kamay at mahinahong sinabi, "Huwag kang umiyak, hindi sinasadya ng mommy mo ‘yon.""Uwaaa... uwaaa..."Hindi umepekto ang pag-alo. Bahagyang kumunot ang noo ni Brix habang iniisip kung paano mapapatigil ang pag-iyak ng bata.Katatapos lang niyang makausap si Camila sa cellphone kaya narito sila ngayon, naghihintay kay Camila. Kinuha niya ang panyo mula sa bulsa ng kanyang suit at akmang pupunasan ang luha ni Braylee nang marinig niyang may papalapit na mga ya
Chapter 196MATAPOS umalis ang lahat at nang lumamig na ang paligid, parang natauhan si Camila, na parang nagising mula sa isang panaginip.Ano bang nangyari sa kanya kanina? Bakit niya nabitawan ang trophy ni Braylee? Napakamot siya ng ulo sa inis."Ah, Miss Perez, tama? Ayos ka lang ba?""Hmm?"Lumingon si Camila at nakita niyang hindi pa pala umaalis ang direktor. Diretso niya itong tinitigan.Nasa forty's na ito, may ilang puting hibla sa itim nitong buhok, may ordinaryong hitsura, at may ilang linya ng kulubot sa noo. Nakasuot ito ng striped na polo shirt na nakatuck-in sa kulay blue gray na pantalon at may kaunting tiyan na nakausli. "Ayos lang ako," iwinaksi ni Camila ang tingin, "May plastic bag ka ba diyan? Pahingi naman ako.""Oo, sandali lang."Mabilis na tumakbo ang direktor at agad bumalik na may dalang bag. Kinuha ito ni Camila at muli siyang tumingin sa lalaki."Pasensya na sa hindi ko napigilang emosyon kanina. Humihingi ako ng paumanhin.""Okay lang, Miss Perez, huwag
Chapter 195"BRAYLEE!"Pasigaw na tinawag ni Camila ang pangalan ng bata, mabilis siyang lumapit, hinila si Braylee mula sa mga kamay ni Charlotte at inilagay ito sa harapan niya."Ang galing mo na ha! Pati ako niloko mo! Pinag-usapan ba natin 'to bago ka pumunta rito?"Mula sa kisame, bumagsak ang malamig na puting ilaw na nagbigay ng kakaibang anino sa mukha ni Camila.Biglang nawala ang saya sa mukha ni Braylee. Hindi niya alam ang gagawin habang mahigpit na hawak ang trophy sa kamay niya. Napatingin siya kay Charlotte, na para bang humihingi ng tulong.Tumayo na si Charlotte at saglit na kinausap ang direktor bago lumapit kay Camila. Hindi niya napansin ang gulat sa mata ng direktor nang makita si Camila."Ate, bakit ka nagagalit? Wala naman akong pinagawa kay Braylee na masama."Malamig ang ekspresyon ni Camila. Tinulak niya palayo si Charlotte."Linawin natin 'to—anak ko siya, hindi iyo. Ano'ng ibig mong sabihin sa pagdadala sa kanya dito nang hindi man lang nagpapaalam?""Ano k
Chapter 194SA MALIWANAG na stage, malinaw na binigkas ng mabait na lalaking host ang isang mental arithmetic na tanong. Pagkatapos, ibinaba niya ang mikropono at inilipat ang tingin sa limang batang nakatayo sa harap ng kanilang buzzers.Ang tanong ng host: Ano ang multiplication ng 456 at 21?Kung titingnang mabuti, mapapansin na mas matagal ang host tumingin sa pinakamaliit, chubby, at napakacute na bata.Madali lang sana ang tanong na ito, kahit sinong marunong sa multiplication ay kayang sagutin. Pero iba ang usapan kung kailangang gawin ito nang mental lang. Walang bata ang nagmadaling sumagot, ang ilan ay nakakunot-noo sa pag-iisip, habang ang iba nama’y pasimpleng kumakalabit sa kanilang buzzers.Sa likod ng mga bata, may isang malaking screen kung saan makikita ang tanong pati na rin ang isang minutong countdown. Habang walang sumasagot, patuloy na kinakausap ng host ang mga bata para i-comfort at i-encourage sila na huwag kabahan.Sa audience, mahigit isang daang tao ang bulu
Chapter 193NAGPUSTAHAN na ang dalawa, pero kahit ganun, walang awang nang-iinis pa rin si Wilbert.Tinapik niya ang noo ni Braylee gamit ang daliri at mayabang na nagsalita. "Ano bang kinakain mo sa bahay niyo? Ang liit-liit mo! Ako, madalas akong inilalabas ng mama ko para kumain sa mga mamahaling restaurant, pero kayo, mukhang hindi niyo kaya!"Napangiwi si Braylee. "Hindi pa nga ako apat na taon, ikaw ilang taon ka na?""Eh...," namula si Wilbert, "Walong taon na ako! Pero bakit? Kahit umabot ka sa edad ko, mas matangkad pa rin ako sa'yo!"Napatingin si Braylee sa kanya nang may pagdududa. "Paano mo nalaman? Ano ka, fortune teller?"Napakunot-noo ang ibang bata sa tabi nila—hindi nila maintindihan ang ibig sabihin ng "fortune teller"."Titigan mo pa ako nang ganyan, sasapakin na talaga kita!" Winasiwas ni Wilbert ang kamao niya sa hangin.Napangiwi si Braylee. "Sabi sa libro, 'Ang tunay na gentleman, salita ang gamit at hindi kamao.' Ibig sabihin, mahilig kang mam-bully ng mas mahi
Chapter 192ALAS sais ng hapon, nakaupo si Camila sa sofa habang kumakain ng mga meryenda na dinala ng mga kasambahay nang biglang lumapit si Braylee."Mommy, gusto mo bang masahiin kita?""Hindi na, may lakas ka ba naman?""Malakas si Braylee! Nag-aral ako ng masahe sa online!"Muntik nang mabulunan si Camila sa butter cake na kinakain niya at napaubo. "Sige, subukan mo muna kay Orange, ‘yung asong nasa bakuran. Kapag sinabi niyang magaling ka, papayag ako.""Mommy, magkaiba ang points ng aso at tao, eh," sagot ni Braylee nang seryoso. Ang tinutukoy nito ang Meridian points sa katawan. "Oh! Marunong ka rin sa meridian?" Tinaasan siya ng kilay ni Camila. Ayaw niyang pigilan ang confidence nito kaya inilapag niya ang pastry sa plato at humiga sa sofa."O, sige na nga.""Tabi ka diyan, hindi ko maabot nang maayos," sabi ni Braylee, sabay turo sa kama."Okay."Masayang lumipat si Camila sa kama. Agad namang hinubad ni Braylee ang sapatos niya, tinaas ang manggas ng damit, at sinimulang
Chapter 191MATAPOS makumpleto ang isang malaking company deal, sobrang saya ni Braylee, pero hindi niya nakalimutan ang pangako niya kay Camila. Papasok na sana siya sa elevator nang biglang hawakan siya ni Charlotte."Braylee, may sasabihin si Tita sa'yo," lambing ni Charlotte.Kamakailan lang, may tumawag na direktor sa kanya at inaalok siyang maging guest sa isang parent-child na programa. Ang talent fee ay 1 million pesos kada episode. Pero dahil gusto niyang maging isang sikat na idol na kilala sa kagandahan, tinanggihan niya ito agad.Pero ngayong nakita niya ang prodigy look ni Braylee, bigla siyang nagkaroon ng interes. Kahit na inis siya sa bata, hindi niya maitatangging sobrang husay nito kumpara sa mga kasing-edad nito at bukod pa roon, maganda rin ang itsura. Kung sasali si Braylee sa programang "Genius Children," siguradong magiging patok ito. Puwede pa niyang gamitin ang kasikatan ni Braylee para sumikat din siya."Hindi ako makikinig!" Pilit na inaalis ni Braylee ang k
Chapter 190MAGKAYAKAP ANG MGA braso na umakyat ang magkapatid sa harap ng nagulat na mga empleyado. Pagdating sa taas, naghiwalay na sila ng landas.Pagkapasok sa opisina, agad na tumakbo si Braylee papunta sa bintana para tingnan ang mga bulaklak. Hindi siya pinigilan ni Camila at natawa na lang habang umupo sa kanyang desk.Bumalik na ulit sa kamay niya ang kumpanya. Siguradong galit na galit sa kanya si Charlotte, pero nagkukunwaring malapit pa rin sa kanya bilang kapatid. Ang galing nitong umarte—hindi kaya kumuha siya ng acting lessons sa kung anong entertainment company?Habang binubuklat ang mga dokumento sa mesa, may kumatok sa pinto.Tumingala si Camila at nakita ang isang pamilyar na pigura sa likod ng translucent na glass wall."Tuloy."Pumasok si Yesha at bumati, "President Camila." Matapos siyang titigan ng ilang sandali, nag-alinlangan ito bago nagsalita."Boss, ako si Yesha, ang assistant mo. Kung may mga tanong ka, pwede mong itanong sa akin."Dati, palaging ginagamit