Jenine Ysabelle Guevarra, a simple Senior High School teacher at De La Salle University, had a conservative and old-fashioned approach to life. This led to her first boyfriend leaving her for a wealthy, sexy, and liberated woman. Since then, Jenine had become aloof with men and hadn't found a boyfriend until she reached the age of 32. For her, it was better to stay single than to get hurt again. Fate, however, had other plans. Jenine was assigned to teach the worst ABM section, where she met Huxley Baltimore, the younger brother of the man who had broken her heart. Huxley was handsome, rich, arrogant, rebellious, and a troublemaker, feared by everyone. At 20 years old, he hadn't finished Senior High because he kept dropping out of school. Even with his antics, he couldn't be expelled from the university because his family owned it. From the very first day in Huxley's class, Jenine experienced the headaches of unruly and noisy students. This was a tremendous challenge to her profession, and she wouldn't give up until she tamed these spoiled brats. However, Huxley challenged not just her profession but also her heart, manipulating her for his own game to get her fired from the university. Jenine was about to be kicked out, but Huxley intervened, saying, "I'd rather be expelled from here than lose such an outstanding teacher."
View MoreHUXLEYNang sumunod na mga araw, pinapatawag kaming lahat ng school admin. Ngayon daw kami iinterbyuhin ng University President at ng governing body ng De la Salle. For the first time, kinakabahan ako, hindi para sa aking sarili kundi para kay Miss Guevarra. Habang papunta kami sa conference room, bigla akong kinausap ni Marco sabay tapik sa aking balikat. "Bro, okay ka lang ba? Galit ka pa ba sa amin?"Hindi ako umimik. Patuloy lang ako sa paglalakad, samantalang nakasunod naman sila sa akin."Bro, h'wag ka ng magalit," muling wika ni Marco. "Ang importante naman sa amin ay ang friendship natin at pinagsamahan. Hindi namin hahayaan na masira 'yon dahil lang kay—""Shut up!" Hindi ko na pinatapos pa si Marco sa gusto niyang sabihin at binara ko na kaagad siya.Pagdating namin sa conference room, mas lalong kumabog ng malakas ang dibdib ko lalo na nang magkasalubong ang tingin namin ni Miss Guevarra."Please take your seats, on the left side," wika ng SH principal na si Mr. Salcedo.
HUXLEYWala na akong nagawa kundi ang umalis na lamang. Ayaw ng makipag-usap ni Miss Guevarra sa akin, at hindi ko naman siya masisisi dahil worst nga ang ginawa ng section namin. At kahit hindi sa akin nanggaling ang ideya na magfile kami ng petition laban sa kanya, I am still part of it, kasi mga kaklase ko sila at sa akin nag-umpisa ang lahat. Ako ang nagsabing bahala na sila kung anong gawin nila kay Miss Guevarra, pero dala lang 'yon ng matinding selos ko, dahil magkasama sila ni kuya Harvey nung time na 'yon. At hindi ko maiwasang mag-overthink sa posibilidad na maaring magkabalikan sila ni kuya.Nang makabalik na ako ng kotse, saglit akong napapikit, ngunit mukha ni Miss Guevarra ang nakikita ko. Malungkot at puno ng galit ang mga mata niya. Masakit, parang pinipiga ang puso ko at halos hindi ako makahinga. Bigla ko na lamang naramdaman ang mainit na likido sa gilid ng aking mga mata. "God! What have I done?" usal ko sa aking sarili. Nasaktan ko ang isang taong walang ibang gi
JENINEParang binagsakan ako ng langit at lupa nang marinig ko ang pinag-uusapan ng mga estudyante ko. Matapos ko silang komprontahin, mabilis akong lumabas ng classroom dahil parang sasabog na ang puso ko sa sobrang sakit.Hindi ko na napigilan ang mga luha ko habang pababa ako ng hagdan. Hindi ko alam kung may nakakita sa akin basta wala na akong pakialam. Sobrang sakit ng ginawa nila sa akin.At si Huxley..Hindi ko inasahang magagawa niya sa akin 'to. Akala ko totoong mahal niya ako. Mahal ko pa naman siya, at kung hindi lang dahil sa trabaho ko, sinagot ko na sana siya. Buti nalang din at kung hindi, mas lalo akong masasaktan dahil balak niya lang pala na paibigin ako."I hate you Huxley.." bulong ko sa aking sarili.Instead na dumiretso ako sa faculty room, sa ladies" room ako pumunta. At doon ako umiyak ng umiyak. Buti nalang at ako lang mag-isa doon kaya malaya kong nailalabas ang sama ng loob ko.Mayamaya, tumunog ang cellphone ko at si Leslie ang tumatawag. Siguro nagtataka
HUXLEYMakaraan ang dalawang araw na pagliban ko sa klase, pumasok na ulit ako sa school. Matapos kasi ang hangout namin ng mga kaklase ko nu'ng isang araw, tinanghali kami ng gising. Sobrang lasing kami nu'n kaya sa private rooms ng bar na lang kami natulog. Nagkasundo kaming lahat na h'wag ng pumasok sa klase at nagpahinga nalang kami buong araw. I turned off my phone para walang istorbo. At hindi lang 'yon, umabsent pa ako kahapon dala na rin ng sama ng loob ko kay Miss Guevarra. Pucha. Kinailangan ko pa talagang magsinungaling kay kuya na masama ang pakiramdam ko nang tanungin niya ako kung ba't di ako pumasok. Buti nalang din at hindi niya napansin ang sugat sa kamay ko gawa ng pagsuntok ko sa pader nu'ng nakaraan. Kung hindi ko lang inisip na ga-graduate ako this year, ayaw ko na talagang pumunta pa ng school. Ayaw kong makita si Miss Guevarra. Pero tiyak na malilintikan naman ako nila Mommy kapag nalaman nilang lumiliban na naman ako sa klase.Tsk. "Kumusta na kaya si Miss G
JENINEPag-uwi ko ng bahay, naabutan ko si Nanay Milagros na nakaupo sa lumang sofa sa sala, nakatutok sa telebisyon habang hawak ang tasa ng salabat. Maliit lang ang bahay namin—may sira na sa kisame at mga pintura sa dingding na nagsimula nang magkupas—pero ito ang aming tahanan, at kahit papaano, may init itong dala sa tuwing umuuwi ako galing sa trabaho. "Mano po, Nay," magalang na bati ko.Napatingin siya sa akin, at isang ngiti ang gumuhit sa kanyang mga mata. “O anak, ba’t ang aga mo?” tanong niya at tiningnan ang relong nakasabit sa dingding. “Alas tres pa lang naman ah. Wala ba kayong pasok?"“Uhm... ano po Nay, nag-undertime ako, kasi masama po ang aking pakiramdam," sabi ko at pinilit na ngumiti.Hindi ko kayang ikwento ang totoo—na pinatawag ako sa opisina ni Mr. Salcedo, at subject for suspension ako ng tatlong araw. At kung hindi maresolba ang isyu, tiyak na mawawalan ako ng trabaho. Hindi ko pa kayang iparamdam sa kanya ang bigat na iyon, at baka mag-alala pa siya.Ma
JENINEKinabukasan, maaga kaming pumasok ni Leslie sa school. Kahit wala naman akong gaanong tulog kagabi at medyo masama ang pakiramdam ko, ngunit 'di ako p'wedeng umabsent. No work, no pay kasi kami, kaya sayang naman kung mababawasan ang sweldo ko."Sana nga lang nand'yan na ang mga estudyante mo noh? At kung wala pa rin, ipa-guidance mo na kaagad beshie," pahabol na sabi ni Leslie, bago ako lumabas ng faculty room.Muli na naman akong kinakabahan habang binaybay ko ang daan papunta sa SH building. Nang tumapat na ako sa classroom nina Huxley, dahan-dahan kong pinihit ang doorknob, at bumungad sa akin ang napakaingay at magulong silid-aralan. "Diyos ko," usal ko sa aking sarili. "Anong nangyayari sa mga estudyante ko? Bakit bumalik sa dati ang maingay na senaryong naabutan ko nu'ng unang araw ko sa section nila?"Isa-isa ko silang tiningnan, at bumabalik na talaga sa dati ang mga asal nila. Magulo ang classroom, hindi naka-arrange ang mga upuan at saka maingay dahil sa napakalakas
JENINEEnsaktong 7:30 ng umaga ako umalis ng faculty room, at nagtungo sa SH building. Magsisimula kasi ang klase ko ng 7:40 kaya kailangang nandu'n na ako ahead of time. Hindi ko alam kung bakit naman bigla akong kinabahan.Hindi naman gaanong malayo ang building ng Senior High mula sa faculty room namin kaya, wala pang fifteen minutes nasa tapat na ako ng pintuan ng classroom nina Huxley.Pinihit ko ang doorknob, at pumasok ako. Ngunit nagtaka naman ako at wala pa sila. Kahit isa man sa kanila ay hindi pa dumating. Imposible naman, na wala pa si Huxley. Dati naman ito ang laging nauuna sa kanyang mga kaklase. Bigla kong naisip, nag bar pala ang mga 'yon kagabi kaya siguro tinanghali ng gising. Baka mayamaya nandito na rin sila, kaya nagprepare na lamang ako ng aking PPT lessons habang naghihintay sa kanila.Hanggang sa umabot ng alas otso, wala pa rin sila. Di kaya sinadya ng mga estudyante ko na umabsent ngayon? Saglit kong tiningnan ang aking cellphone baka sakaling nagtext si Hux
HUXLEYUnti-unti ko ng naramdaman na parang iniiwasan ako ni Miss Guevarra. Bakit kaya? Dahil ba sa hindi niya ako gusto, o dahil sa estudyante lang niya ako kaya nagpipigil siya sa kanyang sarili? Maraming katanungan ang bumabagabag sa aking isipan. "Bro, ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Marco nang hindi ako nagsasalita. Nakasakay siya sa kotse ko, dahil nasa talyer daw 'yong kotse niya. 'Yong iba ko namang mga kaklase ay sakay ng kani-kanilang sasakyan. Lahat naman kasi kami may sariling kotse kaya, sa school campus ang grupo namin ang pinakasikat dahil nga sa may kaya ang mga pamilya namin. "Bro?" untag niya."Ha...okay lang naman ako bro," sagot ko, habang ang mga mata ko'y nakatuon sa labas ng bintana. This time si Marco muna ang pinagmaneho ko, kasi parang wala talaga ako sa mood."Ba't parang hindi ka mapakali?""Uhm, nagugutom lang ako bro," pagsisinungaling ko, kahit ang totoo hindi naman talaga 'yon ang dahilan kundi si Miss Guevarra."Ganu'n ba? So, kain muna tayo," an
JENINEPagkatapos na maipagtapat ni Huxley ang nararamdaman niya sa akin, nakapagpasya na akong iwasan siya. Kahit ang totoo ayaw ko naman pero sa ngayon mas mahalaga sa akin ang trabaho ko. Paano na lang ang maintenance na gamot ni nanay, at ang pag-aaral ng mga kapatid ko, kung matatanggal ako sa trabaho?"Jenine, sabay tayong uuwi mamaya ha," biglang sabi sa akin ni Huxley nang makalabas na ang mga kaklase niya para magrecess."Uhm, I can't promise eh. May lakad pa kasi kami ni Leslie mamaya," pagdadahilan ko, kahit ang totoo, wala naman talaga."Ganu'n ba..O sige, next time nalang," aniya.Tumango lang ako habang iniiwasan kong mapatitig sa kanya.Kinahapunan, natanaw ko si Huxley at ang mga kaklase niya na umalis ng campus. Alam kong magha-hangout na naman ang mga 'yon sa club or somewhere else na maisipan nila. Palibhasa mga mayayaman kaya hindi isyu sa kanila ang pera.Para naman akong nakaramdam ng konting lungkot dahil hindi ako maihatid ni Huxley. Dios mio. Bakit naman ako n
JENINE"Beshie, okay ka lang ba?" tanong sa akin ng kaibigan kong si Leslie nang mapansin niyang hindi ako mapalagay."Kinakabahan ako besh, dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa unang araw ko sa section ng mga estudyanteng pasaway. Bakit ba kasi ako ang napili ni sir na maghandle sa section na iyon eh! Kung pwede nga lang akong tumanggi, eh kaso hindi naman maari, namasukan lang tayo dito. We are obliged to follow our superiors." Pagmamaktol kong sabi sabay ligpit ng aking mga gamit kasi mayamaya'y mapupunta na ako sa magulong dimensyon ng De La Salle."Eh ano pa nga ba, dahil may tiwala si sir Salcedo na kaya mong i-handle ang mga iyon kasi matapang at palaban ka, kaya ikaw talaga ang maaatasan ng admin. Well, all I can say besh, is goodluck!" wika nito habang naghahanda na rin sa susunod nitong klase."But—If ever na hindi mo talaga makayanang i-handle ang section na 'yon no matter how much you try, eh di, mag quit ka para maghanap na naman sila ng iba. As simple as that di b...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments