JENINE"Beshie, okay ka lang ba?" tanong sa akin ng kaibigan kong si Leslie nang mapansin niyang hindi ako mapalagay."Kinakabahan ako besh, dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa unang araw ko sa section ng mga estudyanteng pasaway. Bakit ba kasi ako ang napili ni sir na maghandle sa section na iyon eh! Kung pwede nga lang akong tumanggi, eh kaso hindi naman maari, namasukan lang tayo dito. We are obliged to follow our superiors." Pagmamaktol kong sabi sabay ligpit ng aking mga gamit kasi mayamaya'y mapupunta na ako sa magulong dimensyon ng De La Salle."Eh ano pa nga ba, dahil may tiwala si sir Salcedo na kaya mong i-handle ang mga iyon kasi matapang at palaban ka, kaya ikaw talaga ang maaatasan ng admin. Well, all I can say besh, is goodluck!" wika nito habang naghahanda na rin sa susunod nitong klase."But—If ever na hindi mo talaga makayanang i-handle ang section na 'yon no matter how much you try, eh di, mag quit ka para maghanap na naman sila ng iba. As simple as that di
Last Updated : 2024-12-29 Read more