JENINEPag-uwi ko ng bahay, naabutan ko si Nanay Milagros na nakaupo sa lumang sofa sa sala, nakatutok sa telebisyon habang hawak ang tasa ng salabat. Maliit lang ang bahay namin—may sira na sa kisame at mga pintura sa dingding na nagsimula nang magkupas—pero ito ang aming tahanan, at kahit papaano, may init itong dala sa tuwing umuuwi ako galing sa trabaho. "Mano po, Nay," magalang na bati ko.Napatingin siya sa akin, at isang ngiti ang gumuhit sa kanyang mga mata. “O anak, ba’t ang aga mo?” tanong niya at tiningnan ang relong nakasabit sa dingding. “Alas tres pa lang naman ah. Wala ba kayong pasok?"“Uhm... ano po Nay, nag-undertime ako, kasi masama po ang aking pakiramdam," sabi ko at pinilit na ngumiti.Hindi ko kayang ikwento ang totoo—na pinatawag ako sa opisina ni Mr. Salcedo, at subject for suspension ako ng tatlong araw. At kung hindi maresolba ang isyu, tiyak na mawawalan ako ng trabaho. Hindi ko pa kayang iparamdam sa kanya ang bigat na iyon, at baka mag-alala pa siya.Ma
Last Updated : 2025-04-07 Read more