Home / Romance / Challenging Hearts / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Challenging Hearts: Chapter 11 - Chapter 20

43 Chapters

CHAPTER 11

HUXLEYHindi ko alam kung anong nakain ni Miss Guevarra at bakit ako pa ang napili na magiging contestant sa Individual Quiz. Nakakainis talaga. Napasubo na naman ako. At bakit hindi naman ako tumanggi kanina?Pasado alas onse na ng gabi, ngunit ayaw pa rin akong dalawin ng antok. Laging nagpa-flash sa aking isipan ang mukha ni Miss Guevarra."Huxley, Huxley.. Umayos ka. H'wag mong sabihin na attracted ka sa teacher mong 'yon?""Stick to your plan, Huxley." Para akong baliw na kinakausap ang aking sarili. Bumangon ako sa higaan at nagtungo sa fridge para kumuha ng maiinom. Hindi ko akalain na naroon pala si Kuya sa sala, kasama ang isang babae, at masayang naglalampungan ang dalawa."Oh, bro, hindi ka pa pala natutulog?" tanong niya sa akin nang mapadaan ako sa kanila."Nope. Hindi pa ako inaantok kuya," sagot ko naman habang napasulyap sa babaeng kasama ng kapatid ko. Sa isip ko, sino na naman kaya 'to? Panibagong ka-fling na naman ng kuya ko. Nang makabalik na ako ng kwarto, muli a
last updateLast Updated : 2025-01-27
Read more

CHAPTER 12

HUXLEYDumating na ang Foundation Day namin. Lahat kami masaya, dahil syempre wala na namang klase. Pero kinakabahan ako dahil mayamaya, sasabak na ako sa Individual Quiz. Sampu kaming contestants sa Grade 12 under ABM strand. At inaamin ko it's my first time na sasali ako sa contest. Kung hindi nga lang sa plano ko kay Miss Guevarra, never akong papayag na maging representative sa section namin. "Bro, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Marco, nang mapansin niyang hindi ako mapakali."Oo nga naman love. Kanina ka pa parang kinakabahan. Relax lang," sabat naman ni Sabrina. "Ninerbyos lang ako. Kasi pagkatapos nitong opening program, susunod na ang Individual Quiz," wika ko."Sisiw naman 'yan sa 'yo eh. 'Kaw pa," nakangiting saad ni Marco sabay tapik sa aking balikat.Makaraan ang ilang saglit, tinawag na lahat ng mga contestants na maupo na sa harapan. "Huxley, goodluck," wika ni Miss Guevarra."Eh ma'am, kinakabahan ako eh.""Relax lang Huxley, nagreview naman tayo di ba? Kaya mo
last updateLast Updated : 2025-01-29
Read more

CHAPTER 13

JENINENag-tie ang score ni Huxley at ng contestant number one kaya kailangan ng clincher question. Babae ang kalaban niya at balita ko, ito ang top 1 student sa buong strand ng ABM. Pero may kumpyansa naman ako kay Huxley na siya talaga ang mananalo.Nang mapatingin siya sa kinaroroonan ko, ngumiti lang ako sa kanya at nag-thumbs up. Ngunit hindi ko namang maiwasang kabahan habang ibinigay ng Quiz Master ang clincher question. Parang ako ang sumabak sa contest dahil hindi rin ako mapalagay, at nu'ng nahuli si Huxley sa pagpindot ng buzzer, doon na ako mas lalong kinabahan."Diyos ko, " usal ko sa sarili habang nag-aantay sa sagot ng contestant number one. But I sighed in relief when she did not get the correct answer. Ibig sabihin may chance pa si Huxley na sumagot. "Since hindi nakakuha ng tamang sagot ang contestant number one, it means you have the chance to answer the question," ani ng Quiz Master. "Now, I'll repeat the question for you, Huxley. What is the statement of cash fl
last updateLast Updated : 2025-01-30
Read more

CHAPTER 14

JENINEMakalipas ang ilang minuto at nasa tapat na kami sa gate ng mansyon na pagmamay-ari ng pamilya ni Huxley."Here we are," wika ng lalaki saka bumaba at binuksan ang pintuan ng passenger seat at back seat. "Naku, napakalaki pala talaga ng bahay niyo, Huxley!" bulalas ni Leslie. "At napakaganda pa."Tahimik lang ako habang papasok kami sa loob. Mas lalo akong namangha sa laki at lawak ng kanilang bahay. Halos wala man lang sa kalingkingan nito ang buong bahay namin sa Sampaloc. Maayos ang disenyo sa labas maging sa loob at lahat ng mga kagamitan ay puro mamahalin.Masaya kaming sinalubong ng ina ni Huxley."Hello Miss Guevarra, mabuti naman at nakarating kayo," anito saka iginiya kami at pinaupo sa malambot na sofa bed.Mayamaya'y nagsipagdatingan na ang mga estudyante ko, kaya sinimulan na namin ang celebration. Maraming pagkain ang nakahain sa mesa. Sa isip ko, iba na talaga pag mayaman. Isang tawag lang, nandyan na kaagad."Oh sige kakain na tayo. Feel at home," nakangiting wi
last updateLast Updated : 2025-02-03
Read more

CHAPTER 15

HUXLEYHindi ko inaakala na magkaroon pala talaga kami ng celebration sa bahay. Akala ko sa labas lang kami magse-celebrate kasama ng mga kaibigan ko, pero nag order si Mommy ng pagkain. For the first time in my life ngayon ko lang siya nakitang natutuwa sa akin. Masaya naman ako dahil kasama ko sa celebration ang mga kaklase ko at si Miss Guevarra. Personal siyang inimbita ni Mommy kaya siya nandito. Ngunit nang dumating si kuya Harvey bigla nalang nagbago ang mood ko lalo na nu'ng tanungin niya si Miss Guevarra kung nagkakaboyfriend na raw ba ito ulit. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng konting selos nang mapansin kong titig na titig ang kuya ko kay Miss Guevarra. Di kaya mahal pa niya ito hanggang ngayon?Buti na lang at hindi na gaanong nagtagal ang kanilang pag-uusap at tumuloy na si kuya sa kwarto niya. Makalipas ang ilang sandali at nagpaalam na si Miss Guevarra na uuwi na sila. Pinapahatid ko na lamang sila sa driver namin kasi hindi ko rin naman maiwan ang mga kaklas
last updateLast Updated : 2025-02-04
Read more

CHAPTER 16

JENINE"O ano beshie, ba't nandito ka pa?" sabi sa akin ni Leslie nang makita niyang nasa loob pa ako ng faculty room. "Di ba schedule ngayon ng laro nina Huxley?""Yup. Pero parang hindi ko naman feel pumunta besh eh. Marami kasi talagang tao ngayon sa gym, alam mo naman ako, may pagka introvert.""Pero tiyak na hahanapin ka ng mga estudyante mo beshie. S'yempre, adviser ka nila kaya, kailangan mo ring ipakita ang suporta mo sa kanila," pagpapaliwanag nito. "Pumunta ka na. At nagsisimula na ngayon ang laro."Tumango na lamang ako. Tama nga naman si Leslie, kailangan kong ipakita ang suporta ko sa aking mga estudyante para mas lalo ko pang makuha ang loob nila. "Ikaw besh, hindi ka ba sasama sa akin?" tanong ko."Hay naku, dito na lang ako besh. Alam mo namang wala akong kahilig-hilig manood d'yan sa basketball na 'yan eh.""Oh sige, maiwan na kita besh," paalam ko sa kanya at pagkatapos lumabas na ako ng faculty room.Hindi naman malayo ang gym ng De la Salle mula sa faculty room na
last updateLast Updated : 2025-02-05
Read more

CHAPTER 17

HUXLEYLast five seconds nalang at nai-shoot ko ang bola mula sa three-point field goal. Nakita kong naghiyawan ang mga taong nanonood. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko ang three-point shots. Nang maideklara ang pagkapanalo namin laban sa STEM strand, lakad-takbo akong nilapitan ng aking teammates, at binuhat ako at inikot-ikot sa ere."Ayos bro, ang galing mo talaga. I'm sure ikaw ulit ang tatanghaling MVP sa taong ito," ani ni Marco at nakipag-apiran sa akin. Sumunod ding nakikipag high-five ang iba ko pang kasamahan.Mayamaya'y lumapit ang mga kaklase ko, ngunit laking gulat ko naman nang bigla akong halikan ni Sabrina."Love, congratulations, the best ka talaga!" sambit nito. Naghiyawan naman ang mga kaklase ko na halatang nanunukso lang sa amin. Alam naman nilang wala akong gusto kay Sabrina, pero ni-rereto pa rin nila kaming dalawa."Si Miss Guevarra? Nakita niyo ba siya?" tanong ko."At bakit mo naman siya hinahanap, love? Aba nakakahalata na ako ha," nakasimangot na wika ni
last updateLast Updated : 2025-02-09
Read more

CHAPTER 18

JENINEKasalakuyan akong nasa faculty room at abala sa paggawa ng PPT slides nang maalala ko na may laro pala sina Huxley ng alas dyes. Saglit na nawala 'yon sa aking isip dahil nag-concentrate ako sa paggawa ng aking lesson."Beshie, manonood ka ba ng basketball sa gym ngayon?" tanong sa akin ni Leslie. "Oo. Uhm, laro nina Huxley ngayon eh.""Aba, napaka-supportive naman ng adviser," nakangiting turan ng aking kaibigan."Syempre, dahil natutuwa ako sa kanila. Sana lang magtuloy-tuloy na," sabi ko. "O sya, maiwan na muna kita dito beshie ha. Ikaw hindi ka ba manonood?""Uhm, dito nalang ako. Alam mo namang wala akong kahillig-hilig sa larong basketball eh."Tumango lang ako at ngumiti sa kanya, pagkatapos lumabas na ako ng faculty room upang magtungo sa gymnasium. Marami ng tao pagdating ko roon. Palinga-linga ako at baka sakaling may mahanap na bakanteng upuan. Salamat naman at nakahanap ako at nakaupo na rin. Dumako ang paningin ko sa mga players na naroon sa court. Hanggang sa m
last updateLast Updated : 2025-02-15
Read more

CHAPTER 19

HUXLEYNang makita ko si Miss Guevarra sa loob ng gym, bigla akong nakaramdam ng hindi maipaliwanag na saya kaya ginanahan akong maglaro at palaging tumatama sa ring ang bola. Ngunit sa kalagitnaan ng first quarter, bigla nalang akong nawalan ng gana nang masulyapan kong may tumabi sa kanya sa upuan. At mas lalo akong naiinis nang mapagtanto kong si Kuya Harvey 'yon."Bro, di ba kuya mo 'yan?" tanong sa akin ni Marco nang magtime-out kami. Tumango lang ako, at pilit na itinatago ang pagkainis ko. Muli ko silang sinulyapan at ang sweet nila. Panay ang ngotian nilang dalawa na parang nag-e-enjoy sa isa't isa. Bigla na lang akong nabad-trip kaya hindi ko nasalo ang bola na ipinasa sa akin ni Marco at nakuha ito ng kalaban."Pucha!" Mura ko sa aking sarili."Bro, okay ka lang ba?" tanong ng isa kong teammate."Okay lang ako," seryoso kong tugon ngunit ang totoo, hindi ako okay. Ba't nandito si Kuya Harvey? Ni minsan hindi naman ito nanonood ng laro ko. 'Di kaya si Miss Guevarra ang ipinu
last updateLast Updated : 2025-02-16
Read more

CHAPTER 20

JENINEBakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya? Tanong ko sa aking sarili nang makaalis na ng faculty room si Huxley. Bakit lumalakas ang kabog sa dibdib ko kapag nagkatinginan kaming dalawa? "Beshie, anong nangyari sa 'yo? Ba't ang lalim yata ng iniisip mo?" tanong sa akin ni Leslie. Hindi ko namalayan ang pagpasok niya sa faculty room dahil sa pag-iisip ko kay Huxley."Uhm, nakita kong dito nanggaling 'yong isa sa mga estudyante mo. Ano na namang kasalanan nu'n besh?" dagdag na tanong nito."Nanuntok kasi 'yon ng isang player sa laro nila kanina. Kaya sinabihan kong makipag-areglo du'n at baka ma-guidance na naman," kaswal kong tugon. "Ano? Nanuntok na naman? Napaka-basagulero talaga niyang Huxley na 'yan, beshie. Akala ko ba, nagbago na 'yon?"Nagkibit-balikat lang ako, dahil hindi ko rin naman alam kung bakit nagkaganu'n si Huxley. Hindi rin naman ako naniniwala na dahil lang sa pagpunta ni Harvey kaya siya naiinis.Muli kong itinuon ang aking paningin sa aking laptop. May rep
last updateLast Updated : 2025-02-17
Read more
PREV
12345
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status