HUXLEYLast five seconds nalang at nai-shoot ko ang bola mula sa three-point field goal. Nakita kong naghiyawan ang mga taong nanonood. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko ang three-point shots. Nang maideklara ang pagkapanalo namin laban sa STEM strand, lakad-takbo akong nilapitan ng aking teammates, at binuhat ako at inikot-ikot sa ere."Ayos bro, ang galing mo talaga. I'm sure ikaw ulit ang tatanghaling MVP sa taong ito," ani ni Marco at nakipag-apiran sa akin. Sumunod ding nakikipag high-five ang iba ko pang kasamahan.Mayamaya'y lumapit ang mga kaklase ko, ngunit laking gulat ko naman nang bigla akong halikan ni Sabrina."Love, congratulations, the best ka talaga!" sambit nito. Naghiyawan naman ang mga kaklase ko na halatang nanunukso lang sa amin. Alam naman nilang wala akong gusto kay Sabrina, pero ni-rereto pa rin nila kaming dalawa."Si Miss Guevarra? Nakita niyo ba siya?" tanong ko."At bakit mo naman siya hinahanap, love? Aba nakakahalata na ako ha," nakasimangot na wika ni
JENINEKasalakuyan akong nasa faculty room at abala sa paggawa ng PPT slides nang maalala ko na may laro pala sina Huxley ng alas dyes. Saglit na nawala 'yon sa aking isip dahil nag-concentrate ako sa paggawa ng aking lesson."Beshie, manonood ka ba ng basketball sa gym ngayon?" tanong sa akin ni Leslie. "Oo. Uhm, laro nina Huxley ngayon eh.""Aba, napaka-supportive naman ng adviser," nakangiting turan ng aking kaibigan."Syempre, dahil natutuwa ako sa kanila. Sana lang magtuloy-tuloy na," sabi ko. "O sya, maiwan na muna kita dito beshie ha. Ikaw hindi ka ba manonood?""Uhm, dito nalang ako. Alam mo namang wala akong kahillig-hilig sa larong basketball eh."Tumango lang ako at ngumiti sa kanya, pagkatapos lumabas na ako ng faculty room upang magtungo sa gymnasium. Marami ng tao pagdating ko roon. Palinga-linga ako at baka sakaling may mahanap na bakanteng upuan. Salamat naman at nakahanap ako at nakaupo na rin. Dumako ang paningin ko sa mga players na naroon sa court. Hanggang sa m
HUXLEYNang makita ko si Miss Guevarra sa loob ng gym, bigla akong nakaramdam ng hindi maipaliwanag na saya kaya ginanahan akong maglaro at palaging tumatama sa ring ang bola. Ngunit sa kalagitnaan ng first quarter, bigla nalang akong nawalan ng gana nang masulyapan kong may tumabi sa kanya sa upuan. At mas lalo akong naiinis nang mapagtanto kong si Kuya Harvey 'yon."Bro, di ba kuya mo 'yan?" tanong sa akin ni Marco nang magtime-out kami. Tumango lang ako, at pilit na itinatago ang pagkainis ko. Muli ko silang sinulyapan at ang sweet nila. Panay ang ngotian nilang dalawa na parang nag-e-enjoy sa isa't isa. Bigla na lang akong nabad-trip kaya hindi ko nasalo ang bola na ipinasa sa akin ni Marco at nakuha ito ng kalaban."Pucha!" Mura ko sa aking sarili."Bro, okay ka lang ba?" tanong ng isa kong teammate."Okay lang ako," seryoso kong tugon ngunit ang totoo, hindi ako okay. Ba't nandito si Kuya Harvey? Ni minsan hindi naman ito nanonood ng laro ko. 'Di kaya si Miss Guevarra ang ipinu
JENINEBakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya? Tanong ko sa aking sarili nang makaalis na ng faculty room si Huxley. Bakit lumalakas ang kabog sa dibdib ko kapag nagkatinginan kaming dalawa? "Beshie, anong nangyari sa 'yo? Ba't ang lalim yata ng iniisip mo?" tanong sa akin ni Leslie. Hindi ko namalayan ang pagpasok niya sa faculty room dahil sa pag-iisip ko kay Huxley."Uhm, nakita kong dito nanggaling 'yong isa sa mga estudyante mo. Ano na namang kasalanan nu'n besh?" dagdag na tanong nito."Nanuntok kasi 'yon ng isang player sa laro nila kanina. Kaya sinabihan kong makipag-areglo du'n at baka ma-guidance na naman," kaswal kong tugon. "Ano? Nanuntok na naman? Napaka-basagulero talaga niyang Huxley na 'yan, beshie. Akala ko ba, nagbago na 'yon?"Nagkibit-balikat lang ako, dahil hindi ko rin naman alam kung bakit nagkaganu'n si Huxley. Hindi rin naman ako naniniwala na dahil lang sa pagpunta ni Harvey kaya siya naiinis.Muli kong itinuon ang aking paningin sa aking laptop. May rep
HUXLEYPagkapasok ko palang ng bahay, agad na bumungad na sa akin ang seryosong mukha ni Kuya Harvey na noon'y naroon sa sala at nakaupo sa sofa bed. Buti naman at wala pa sina daddy at mommy kaya sigurado ako na hindi pa nasabi ni kuya ang tungkol sa nangyari kanina sa gym."Buti naman at nandito ka na bro," wika nito. "Mag-usap muna tayo."Lumapit naman ako sa kinaroroonan niya at naupo sa couch."Ano bang nangyari sa 'yo kanina, at bigla ka nalang nanuntok ng isang player?" tanong nito. Bagama't hindi naman ito galit pero, bakas sa mukha nito ang disapppointment."Bigla lang akong na-badtrip eh," matipid kong sagot."Yan ka na naman sa baluktot mong katwiran. Bakit hindi mo makontrol ang pagiging mainitin ng ulo mo?"Hindi ako sumagot. Paano ko naman sasabihin sa kanya, na naiinis ako dahil nagpunta siya kanina sa school at magkatabi pa sila ni Miss Guevarra?"Uhm.. Kuya, nakipag-ayos na ako du'n kay Richard. Okay na kami," sabi ko."Buti naman kung ganu'n, at baka magsumbong pa 'y
JENINE"O beshie, akala ko ba absent ka ngayon? Musta na ang pakiramdam mo?" bungad na tanong kaagad sa akin ni Leslie nang makapasok ako ng faculty room. "Medyo okay na ako beshie," matipid kong sagot."Uhm, alam ko na. May laro sina Huxley ngayon noh?" nakangiti nitong wika.Tumango lang ako habang nililinis ko ang salamin ng aking eye glass. "Hay naku, besh, tigilan mo na nga ang panunukso sa akin," saway ko sa kanya."Okay. O sya arat na at malapit na yatang magsisimula ang laro.""Hindi mo ba ako sasamahan besh?" "Hay naku besh, alam mo namang wala akong kahilig-hilig diyan sa basketball eh," buntung-hininga nito. "Pero sige, for now, pagbibigyan kita. Para naman may umalalay sa 'yo, kasi sa tingin ko, hindi ka pa naman lubusang magaling eh. Baka mapa'no ka pa.""Salamat besh," nakangiti kong sabi.Ilang minuto ang lumipas at nasa loob na kami ng gym. Mas marami yata ang tao ngayon kaysa nu'ng nakaraan."Wala ng mauupuan besh eh," sabi ni Leslie. "Baka nandu'n pa sa unahan, ha
HUXLEYIsang minuto na lang at matatapos na ang laro. Medyo tensyonado na rin ang mga teammates ko dahil lamang pa ng dalawang puntos ang kabila. Kaya kailangang maka three points ako para maipanalo namin ang laro.Mas lalong humigpit ang depensa ng aming kalaban pero alam kong kaya ko 'to. Muli akong napasulyap sa kinaroroonan ni Miss Guevarra at saglit na nagtama ang aming paningin. Ngumiti siya sa akin sabay nag-thumbs up. At nang muli kaming bumalik sa ball game, hindi ko maiwasang kabahan dahil mahigpit talaga ang labanan. Magagaling din 'tong taga TVL pero sana naman umayon sa akin ang pagkakataon. Kasalukuyang nasa amin ang bola, kailangan nalang maging alerto ako dahil alam kong ako ang inaasahan ng team namin. "Huxley, shoot!" Narinig ko ang malakas na tilian ng mga kaklase ko."Love, shoot the ball!" sigaw ni Sabrina. Nagpatuloy lang ako sa pagdribol ng bola. Pasa kay Marco, at balik na naman sa akin dahil sa akin nakaabang ang kalaban namin. Hanggang sa makap'westo ako s
JENINEHindi ko akalain na alam pala ni Huxley ang nakaraan namin ng kuya niya. At ang mas nakakabigla pa ay ang tanungin niya ako kung may feelings pa ba ako sa kapatid niya. Kahit naman ang totoo, matagal na akong nakapagmove-on, pero ayoko pa ring pag-usapan ang tungkol sa past relationship ko. Dalawang oras na akong nasa higaan pero ayaw pa rin akong dalawin ng antok. Walang ibang laman ng isip ko kundi si Huxley. Hanggang sa maalala ko ang ginawang paghalik ni Sabrina sa kanya kanina. Ang totoo, hindi lang naman dahil masama ang pakiramdam ko kaya ako biglang umalis, kundi dahil takot ako na baka hindi ko mapigil ang mga luha ko at magtaka pa si Leslie sa akin. Pero bakit nga ba naman ako nagseselos? Wala naman akong karapatan sa kanya. At saka ano namang pakialam ko kung maghalikan sila?Hindi na tama itong nararamdaman ko. Kung nahuhulog na nga ang loob ko kay Huxley, dapat matigil ito sa lalong madaling panahon. Ang sagwa naman kung magkagusto ako sa isang lalaking malayo ang
JENINEHabang nagsasalita si Huxley sa harap ng school admin, parang hindi ako makahinga lalo na nu'ng aminin niya ang lahat—ang pagkainis niya sa akin nu'ng umpisa, ang pagkukunwari nila ng mga kaklase niya na tumino na sa pag-aaral at ang plano niyang paibigin ako para makaganti sa akin. Parang isang bomba 'yon na sumabog sa aking pandinig, at parang matulis na bagay na tumutusok sa puso ko. Ayaw ko siyang tingnan, kaya nakayuko lamang ako at pilit na pinipigilan ang mga luha ko. Ayaw kong umiyak sa harap nilang lahat lalo na sa mga estudyante ko, kahit ang totoo, gusto ko ng humagulgol pero ayaw kong ipakita ang kahinaan ko. "Walang kasalanan si Miss Guevarra, ako po ang parusahan ninyo. Mas gugustuhin ko pang ma-expel sa eskwelahang ito kaysa matanggal rito ang isang magaling at napakabuting guro."Dahil sa sinabi niya, napaangat ako ng tingin at saglit na nagkatitigan kami. Pero agad din naman akong umiwas ngunit dumako ang paningin ko sa mga kamay niyang may bendahe. At kahit
HUXLEYNang sumunod na mga araw, pinapatawag kaming lahat ng school admin. Ngayon daw kami iinterbyuhin ng University President at ng governing body ng De la Salle. For the first time, kinakabahan ako, hindi para sa aking sarili kundi para kay Miss Guevarra. Habang papunta kami sa conference room, bigla akong kinausap ni Marco sabay tapik sa aking balikat. "Bro, okay ka lang ba? Galit ka pa ba sa amin?"Hindi ako umimik. Patuloy lang ako sa paglalakad, samantalang nakasunod naman sila sa akin."Bro, h'wag ka ng magalit," muling wika ni Marco. "Ang importante naman sa amin ay ang friendship natin at pinagsamahan. Hindi namin hahayaan na masira 'yon dahil lang kay—""Shut up!" Hindi ko na pinatapos pa si Marco sa gusto niyang sabihin at binara ko na kaagad siya.Pagdating namin sa conference room, mas lalong kumabog ng malakas ang dibdib ko lalo na nang magkasalubong ang tingin namin ni Miss Guevarra."Please take your seats, on the left side," wika ng SH principal na si Mr. Salcedo.
HUXLEYWala na akong nagawa kundi ang umalis na lamang. Ayaw ng makipag-usap ni Miss Guevarra sa akin, at hindi ko naman siya masisisi dahil worst nga ang ginawa ng section namin. At kahit hindi sa akin nanggaling ang ideya na magfile kami ng petition laban sa kanya, I am still part of it, kasi mga kaklase ko sila at sa akin nag-umpisa ang lahat. Ako ang nagsabing bahala na sila kung anong gawin nila kay Miss Guevarra, pero dala lang 'yon ng matinding selos ko, dahil magkasama sila ni kuya Harvey nung time na 'yon. At hindi ko maiwasang mag-overthink sa posibilidad na maaring magkabalikan sila ni kuya.Nang makabalik na ako ng kotse, saglit akong napapikit, ngunit mukha ni Miss Guevarra ang nakikita ko. Malungkot at puno ng galit ang mga mata niya. Masakit, parang pinipiga ang puso ko at halos hindi ako makahinga. Bigla ko na lamang naramdaman ang mainit na likido sa gilid ng aking mga mata. "God! What have I done?" usal ko sa aking sarili. Nasaktan ko ang isang taong walang ibang gi
JENINEParang binagsakan ako ng langit at lupa nang marinig ko ang pinag-uusapan ng mga estudyante ko. Matapos ko silang komprontahin, mabilis akong lumabas ng classroom dahil parang sasabog na ang puso ko sa sobrang sakit.Hindi ko na napigilan ang mga luha ko habang pababa ako ng hagdan. Hindi ko alam kung may nakakita sa akin basta wala na akong pakialam. Sobrang sakit ng ginawa nila sa akin.At si Huxley..Hindi ko inasahang magagawa niya sa akin 'to. Akala ko totoong mahal niya ako. Mahal ko pa naman siya, at kung hindi lang dahil sa trabaho ko, sinagot ko na sana siya. Buti nalang din at kung hindi, mas lalo akong masasaktan dahil balak niya lang pala na paibigin ako."I hate you Huxley.." bulong ko sa aking sarili.Instead na dumiretso ako sa faculty room, sa ladies" room ako pumunta. At doon ako umiyak ng umiyak. Buti nalang at ako lang mag-isa doon kaya malaya kong nailalabas ang sama ng loob ko.Mayamaya, tumunog ang cellphone ko at si Leslie ang tumatawag. Siguro nagtataka
HUXLEYMakaraan ang dalawang araw na pagliban ko sa klase, pumasok na ulit ako sa school. Matapos kasi ang hangout namin ng mga kaklase ko nu'ng isang araw, tinanghali kami ng gising. Sobrang lasing kami nu'n kaya sa private rooms ng bar na lang kami natulog. Nagkasundo kaming lahat na h'wag ng pumasok sa klase at nagpahinga nalang kami buong araw. I turned off my phone para walang istorbo. At hindi lang 'yon, umabsent pa ako kahapon dala na rin ng sama ng loob ko kay Miss Guevarra. Pucha. Kinailangan ko pa talagang magsinungaling kay kuya na masama ang pakiramdam ko nang tanungin niya ako kung ba't di ako pumasok. Buti nalang din at hindi niya napansin ang sugat sa kamay ko gawa ng pagsuntok ko sa pader nu'ng nakaraan. Kung hindi ko lang inisip na ga-graduate ako this year, ayaw ko na talagang pumunta pa ng school. Ayaw kong makita si Miss Guevarra. Pero tiyak na malilintikan naman ako nila Mommy kapag nalaman nilang lumiliban na naman ako sa klase.Tsk. "Kumusta na kaya si Miss G
JENINEPag-uwi ko ng bahay, naabutan ko si Nanay Milagros na nakaupo sa lumang sofa sa sala, nakatutok sa telebisyon habang hawak ang tasa ng salabat. Maliit lang ang bahay namin—may sira na sa kisame at mga pintura sa dingding na nagsimula nang magkupas—pero ito ang aming tahanan, at kahit papaano, may init itong dala sa tuwing umuuwi ako galing sa trabaho. "Mano po, Nay," magalang na bati ko.Napatingin siya sa akin, at isang ngiti ang gumuhit sa kanyang mga mata. “O anak, ba’t ang aga mo?” tanong niya at tiningnan ang relong nakasabit sa dingding. “Alas tres pa lang naman ah. Wala ba kayong pasok?"“Uhm... ano po Nay, nag-undertime ako, kasi masama po ang aking pakiramdam," sabi ko at pinilit na ngumiti.Hindi ko kayang ikwento ang totoo—na pinatawag ako sa opisina ni Mr. Salcedo, at subject for suspension ako ng tatlong araw. At kung hindi maresolba ang isyu, tiyak na mawawalan ako ng trabaho. Hindi ko pa kayang iparamdam sa kanya ang bigat na iyon, at baka mag-alala pa siya.Ma
JENINEKinabukasan, maaga kaming pumasok ni Leslie sa school. Kahit wala naman akong gaanong tulog kagabi at medyo masama ang pakiramdam ko, ngunit 'di ako p'wedeng umabsent. No work, no pay kasi kami, kaya sayang naman kung mababawasan ang sweldo ko."Sana nga lang nand'yan na ang mga estudyante mo noh? At kung wala pa rin, ipa-guidance mo na kaagad beshie," pahabol na sabi ni Leslie, bago ako lumabas ng faculty room.Muli na naman akong kinakabahan habang binaybay ko ang daan papunta sa SH building. Nang tumapat na ako sa classroom nina Huxley, dahan-dahan kong pinihit ang doorknob, at bumungad sa akin ang napakaingay at magulong silid-aralan. "Diyos ko," usal ko sa aking sarili. "Anong nangyayari sa mga estudyante ko? Bakit bumalik sa dati ang maingay na senaryong naabutan ko nu'ng unang araw ko sa section nila?"Isa-isa ko silang tiningnan, at bumabalik na talaga sa dati ang mga asal nila. Magulo ang classroom, hindi naka-arrange ang mga upuan at saka maingay dahil sa napakalakas
JENINEEnsaktong 7:30 ng umaga ako umalis ng faculty room, at nagtungo sa SH building. Magsisimula kasi ang klase ko ng 7:40 kaya kailangang nandu'n na ako ahead of time. Hindi ko alam kung bakit naman bigla akong kinabahan.Hindi naman gaanong malayo ang building ng Senior High mula sa faculty room namin kaya, wala pang fifteen minutes nasa tapat na ako ng pintuan ng classroom nina Huxley.Pinihit ko ang doorknob, at pumasok ako. Ngunit nagtaka naman ako at wala pa sila. Kahit isa man sa kanila ay hindi pa dumating. Imposible naman, na wala pa si Huxley. Dati naman ito ang laging nauuna sa kanyang mga kaklase. Bigla kong naisip, nag bar pala ang mga 'yon kagabi kaya siguro tinanghali ng gising. Baka mayamaya nandito na rin sila, kaya nagprepare na lamang ako ng aking PPT lessons habang naghihintay sa kanila.Hanggang sa umabot ng alas otso, wala pa rin sila. Di kaya sinadya ng mga estudyante ko na umabsent ngayon? Saglit kong tiningnan ang aking cellphone baka sakaling nagtext si Hux
HUXLEYUnti-unti ko ng naramdaman na parang iniiwasan ako ni Miss Guevarra. Bakit kaya? Dahil ba sa hindi niya ako gusto, o dahil sa estudyante lang niya ako kaya nagpipigil siya sa kanyang sarili? Maraming katanungan ang bumabagabag sa aking isipan. "Bro, ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Marco nang hindi ako nagsasalita. Nakasakay siya sa kotse ko, dahil nasa talyer daw 'yong kotse niya. 'Yong iba ko namang mga kaklase ay sakay ng kani-kanilang sasakyan. Lahat naman kasi kami may sariling kotse kaya, sa school campus ang grupo namin ang pinakasikat dahil nga sa may kaya ang mga pamilya namin. "Bro?" untag niya."Ha...okay lang naman ako bro," sagot ko, habang ang mga mata ko'y nakatuon sa labas ng bintana. This time si Marco muna ang pinagmaneho ko, kasi parang wala talaga ako sa mood."Ba't parang hindi ka mapakali?""Uhm, nagugutom lang ako bro," pagsisinungaling ko, kahit ang totoo hindi naman talaga 'yon ang dahilan kundi si Miss Guevarra."Ganu'n ba? So, kain muna tayo," an