JENINE"O beshie, akala ko ba absent ka ngayon? Musta na ang pakiramdam mo?" bungad na tanong kaagad sa akin ni Leslie nang makapasok ako ng faculty room. "Medyo okay na ako beshie," matipid kong sagot."Uhm, alam ko na. May laro sina Huxley ngayon noh?" nakangiti nitong wika.Tumango lang ako habang nililinis ko ang salamin ng aking eye glass. "Hay naku, besh, tigilan mo na nga ang panunukso sa akin," saway ko sa kanya."Okay. O sya arat na at malapit na yatang magsisimula ang laro.""Hindi mo ba ako sasamahan besh?" "Hay naku besh, alam mo namang wala akong kahilig-hilig diyan sa basketball eh," buntung-hininga nito. "Pero sige, for now, pagbibigyan kita. Para naman may umalalay sa 'yo, kasi sa tingin ko, hindi ka pa naman lubusang magaling eh. Baka mapa'no ka pa.""Salamat besh," nakangiti kong sabi.Ilang minuto ang lumipas at nasa loob na kami ng gym. Mas marami yata ang tao ngayon kaysa nu'ng nakaraan."Wala ng mauupuan besh eh," sabi ni Leslie. "Baka nandu'n pa sa unahan, ha
HUXLEYIsang minuto na lang at matatapos na ang laro. Medyo tensyonado na rin ang mga teammates ko dahil lamang pa ng dalawang puntos ang kabila. Kaya kailangang maka three points ako para maipanalo namin ang laro.Mas lalong humigpit ang depensa ng aming kalaban pero alam kong kaya ko 'to. Muli akong napasulyap sa kinaroroonan ni Miss Guevarra at saglit na nagtama ang aming paningin. Ngumiti siya sa akin sabay nag-thumbs up. At nang muli kaming bumalik sa ball game, hindi ko maiwasang kabahan dahil mahigpit talaga ang labanan. Magagaling din 'tong taga TVL pero sana naman umayon sa akin ang pagkakataon. Kasalukuyang nasa amin ang bola, kailangan nalang maging alerto ako dahil alam kong ako ang inaasahan ng team namin. "Huxley, shoot!" Narinig ko ang malakas na tilian ng mga kaklase ko."Love, shoot the ball!" sigaw ni Sabrina. Nagpatuloy lang ako sa pagdribol ng bola. Pasa kay Marco, at balik na naman sa akin dahil sa akin nakaabang ang kalaban namin. Hanggang sa makap'westo ako s
JENINEHindi ko akalain na alam pala ni Huxley ang nakaraan namin ng kuya niya. At ang mas nakakabigla pa ay ang tanungin niya ako kung may feelings pa ba ako sa kapatid niya. Kahit naman ang totoo, matagal na akong nakapagmove-on, pero ayoko pa ring pag-usapan ang tungkol sa past relationship ko. Dalawang oras na akong nasa higaan pero ayaw pa rin akong dalawin ng antok. Walang ibang laman ng isip ko kundi si Huxley. Hanggang sa maalala ko ang ginawang paghalik ni Sabrina sa kanya kanina. Ang totoo, hindi lang naman dahil masama ang pakiramdam ko kaya ako biglang umalis, kundi dahil takot ako na baka hindi ko mapigil ang mga luha ko at magtaka pa si Leslie sa akin. Pero bakit nga ba naman ako nagseselos? Wala naman akong karapatan sa kanya. At saka ano namang pakialam ko kung maghalikan sila?Hindi na tama itong nararamdaman ko. Kung nahuhulog na nga ang loob ko kay Huxley, dapat matigil ito sa lalong madaling panahon. Ang sagwa naman kung magkagusto ako sa isang lalaking malayo ang
HUXLEYSadyang kumunot ang noo ko nang makita ko si kuya sa mataas na bahagi ng bleacher. Bakit kaya nandito siya at kanino kaya niya nalalaman na ngayon ang basketball championship namin? Bahala na nga siya basta kailangan kong maipanalo ang laro namin ngayon. Muli akong napasulyap sa kinaroroonan ni Miss Guevarra. Nakangiti siya sa akin at nagthumbs up. Alam kong malaki ang tiwala niya sa akin na maipanalo namin ang laro, kaya kailangang magconcentrate ako at hahayaan ko nalang muna si kuya, tutal naman at hindi sila magkatabi ni Miss Guevarra.Pagdating ng third quarter, naging mainit na ang labanan sa pagitan ng team namin at ng STEM. Pareho kaming fighting for champion kaya mas lalo pang ginagalingan ng bawat manlalaro sa magkabilang koponan.Makaka-score kami, tapos sila na naman. Makakabawi kami, tapos malalamangan na naman ng scores. Talagang napakahigpit ng labanan kaya tensyonado ang lahat pati coach namin ay hindi na mapapalagay. Maingay ang buong gym dahil sa hiyawan at si
JENINENapalundag ako sa tuwa nang maipanalo ng team ni Huxley ang kanilang basketball championship. Buti na lang at hindi nawalan ng focus si Huxley kahit ilang ulit na silang nalamangan ng kalaban sa scoreboard."Ano beshie, hindi mo ba babatiin ang mga estudyante mo?" tanong sa akin ni Leslie."Mamaya na besh, kita mo naman madaming tao eh."Makalipas ang ilang minuto, "O tayo na besh," yaya nito sa akin.Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at tinungo ang direksyon nina Huxley. Nakasunod naman sa akin si Leslie. Ngunit, bahagya akong napaatras nang makita kong hinalikan ni Sabrina si Huxley. Parang may kung anong kirot akong naramdaman sa aking puso ngunit ayaw ko namang ipahalata lalo na sa kaibigan ko."Huxley, congratulations to you and to your team. You did a great job," bati ko sa kanya at kinamayan silang lahat.Hindi nakaligtas sa aking paningin ang lihim na pag-irap ni Sabrina na tila may kinikimkim na pagkainis sa akin."Bro, congratulations!" Napalingon ako sa lalaking n
HUXLEYNagkasayahan na ang mga kaklase ko sa restobar, ngunit parang walang naman ako sa mood na makisabay sa kanila. Kung p'wede nga lang umuwi na ako eh. Pero hindi ko naman magawa 'yon at baka magtaka pa sila. Hindi maalis sa isipan ko si Miss Guevarra, lalo na't magkasama sila ngayon ni kuya. Ano na kaya ang ginagawa nila ngayon? Di kaya nagkabalikan na sila? Anak ng—"Bro, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Marco at tinapik ako sa balikat. "Ba't parang wala ka sa mood?""Medyo pagod lang bro, but I'm fine.""Sayaw nalang tayo love," sabat naman ni Sabrina."Pass muna ako Sab. Medyo, pagod lang talaga eh."Nagkibit-balikat lang ito, pagkatapos patuloy sa pagtungga ng alak."H'wag tayong masyadong magpapagabi dito bro ha? Kabilin-bilinan ni kuya eh," sabi ko. Dati naman talaga wala akong pakialam kahit ilang beses na akong pinagsabihan ni kuya noon. Mahilig ako sa mga nightout at kadalasan inuumaga na ako ng uwi. Kaya madalas akong nasesermonan sa bahay."Aba, himala naman bro," wi
JENINEKasalukuyan akong nakahiga sa kama nang tumunog ang cellphone ko. Bigla namang lumakas ang kabog sa aking dibdib nang mag-appear ang pangalan ni Huxley sa screen."Hello, Huxley. Ba't napatawag ka?" tanong ko sa kanya."Uhm, Ma'am kailangan talaga kayong dumalo mamaya sa Victory Ball natin dahil ikaw ang tatanggap ng trophy bilang adviser namin."Napangiti naman ako sa sinabi niya. Sa isip ko, tumawag lang ba ito para sabihin sa akin na h'wag akong mawawala sa Victory Ball? Tsk."P'wede namang kahit sino ang tumanggap ng trophy eh. P'wede namang ikaw as MVP of the year.""Pero mas masaya pa rin pag nandu'n ka ma'am," anito.Mas masaya? Tama ba naman ang pagkadinig ko? Tanong ng aking isip."Basta ma'am. See you later. For now, magpahinga ka muna, may konting oras pa naman para magrest."Hindi ko alam kung paano ako magre-react sa sinabi niya. Pero, natutuwa naman ako at unti-unti ko na ring nakukuha ang loob ng tinaguriang lider ng mga pasaway sa aming classroom. "Uhm, ma'am.
HUXLEYMatapos ang awarding, sumunod ang kainan at sayahan. Muli akong napasulyap kay Miss Guevarra, at hindi ko maiwasang humanga sa kagandahan niya. Hindi naman siya mukhang 32, para ngang mas matanda pa akong tingnan sa kanya. Simple lang ang beauty niya, 'yong hindi na kailangan pa ng makapal na make-up para magmukhang maganda. Pinilig ko ang aking ulo dahil hindi ko na naintindihan ang sarili ko. Nahuhulog na nga ba talaga ako sa kanya? O bahagi pa rin ito ng plano namin?"Bro, ayos ka lang ba? Ba't hindi ka pa kumakain dyan?" tanong sa akin ni Marco. "Oo nga naman love," wika naman ni Sabrina. "Baka gusto mong subuan kita?"At nagkatawanan ang mga kaklase ko. "Sab, h'wag na. Kakain na ako," mabilis kong tugon at pilit na ngumiti. Habang nagkakatuwaan ang mga kaklase ko, lihim akong napasulyap sa kinaroroonan ni Miss Guevarra. Kasama niya ang iba pang mga guro sa Senior High. Muling sumagi sa aking isipan ang paghawak ko sa kamay niya kanina. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa
HUXLEYAlam kong masama talaga ang loob ni Miss Guevarra sa akin... sa aming lahat. At hindi ko siya masisisi. Sa ngayon, sapat na sa akin ang malaman na okay siya, dahil masyado talaga akong nag-aalala sa kanya. Kung hindi niya sinagot ang tawag ko, malamang kanina ko pa sinira ang pintuan ng ladies' room. Nababaliw na yata ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Napabuntung-hininga ako habang nakasandal sa pader na malapit sa ladies' room. Pero doon ako sa isang sulok kaya hindi ako nakikita ng mga estudyanteng dumaraan. Hinihintay ko ang paglabas ni Miss Guevarra dahil gusto ko lang masigurong maayos siya.Hanggang sa bumukas na ang pinto ng ladies' room at lumabas siya. Tinatanaw ko lang siya habang naglalakad sa hallway pababa ng hagdanan. Magkahalong awa at lungkot ang naramdaman ko nang makita ang bahagyang pamumugto ng mga mata niya. Gusto ko man siyang lapitan, pero alam ko na hindi pa rin niya ako kakausapin. "Bro.." Narinig ko ang boses ni Marco sa likuran ko. "Sana magkaa
JENINEHabang nagsasalita si Huxley sa harap ng school admin, parang hindi ako makahinga lalo na nu'ng aminin niya ang lahat—ang pagkainis niya sa akin nu'ng umpisa, ang pagkukunwari nila ng mga kaklase niya na tumino na sa pag-aaral at ang plano niyang paibigin ako para makaganti sa akin. Parang isang bomba 'yon na sumabog sa aking pandinig, at parang matulis na bagay na tumutusok sa puso ko. Ayaw ko siyang tingnan, kaya nakayuko lamang ako at pilit na pinipigilan ang mga luha ko. Ayaw kong umiyak sa harap nilang lahat lalo na sa mga estudyante ko, kahit ang totoo, gusto ko ng humagulgol pero ayaw kong ipakita ang kahinaan ko. "Walang kasalanan si Miss Guevarra, ako po ang parusahan ninyo. Mas gugustuhin ko pang ma-expel sa eskwelahang ito kaysa matanggal rito ang isang magaling at napakabuting guro."Dahil sa sinabi niya, napaangat ako ng tingin at saglit na nagkatitigan kami. Pero agad din naman akong umiwas ngunit dumako ang paningin ko sa mga kamay niyang may bendahe. At kahit
HUXLEYNang sumunod na mga araw, pinapatawag kaming lahat ng school admin. Ngayon daw kami iinterbyuhin ng University President at ng governing body ng De la Salle. For the first time, kinakabahan ako, hindi para sa aking sarili kundi para kay Miss Guevarra. Habang papunta kami sa conference room, bigla akong kinausap ni Marco sabay tapik sa aking balikat. "Bro, okay ka lang ba? Galit ka pa ba sa amin?"Hindi ako umimik. Patuloy lang ako sa paglalakad, samantalang nakasunod naman sila sa akin."Bro, h'wag ka ng magalit," muling wika ni Marco. "Ang importante naman sa amin ay ang friendship natin at pinagsamahan. Hindi namin hahayaan na masira 'yon dahil lang kay—""Shut up!" Hindi ko na pinatapos pa si Marco sa gusto niyang sabihin at binara ko na kaagad siya.Pagdating namin sa conference room, mas lalong kumabog ng malakas ang dibdib ko lalo na nang magkasalubong ang tingin namin ni Miss Guevarra."Please take your seats, on the left side," wika ng SH principal na si Mr. Salcedo.
HUXLEYWala na akong nagawa kundi ang umalis na lamang. Ayaw ng makipag-usap ni Miss Guevarra sa akin, at hindi ko naman siya masisisi dahil worst nga ang ginawa ng section namin. At kahit hindi sa akin nanggaling ang ideya na magfile kami ng petition laban sa kanya, I am still part of it, kasi mga kaklase ko sila at sa akin nag-umpisa ang lahat. Ako ang nagsabing bahala na sila kung anong gawin nila kay Miss Guevarra, pero dala lang 'yon ng matinding selos ko, dahil magkasama sila ni kuya Harvey nung time na 'yon. At hindi ko maiwasang mag-overthink sa posibilidad na maaring magkabalikan sila ni kuya.Nang makabalik na ako ng kotse, saglit akong napapikit, ngunit mukha ni Miss Guevarra ang nakikita ko. Malungkot at puno ng galit ang mga mata niya. Masakit, parang pinipiga ang puso ko at halos hindi ako makahinga. Bigla ko na lamang naramdaman ang mainit na likido sa gilid ng aking mga mata. "God! What have I done?" usal ko sa aking sarili. Nasaktan ko ang isang taong walang ibang gi
JENINEParang binagsakan ako ng langit at lupa nang marinig ko ang pinag-uusapan ng mga estudyante ko. Matapos ko silang komprontahin, mabilis akong lumabas ng classroom dahil parang sasabog na ang puso ko sa sobrang sakit.Hindi ko na napigilan ang mga luha ko habang pababa ako ng hagdan. Hindi ko alam kung may nakakita sa akin basta wala na akong pakialam. Sobrang sakit ng ginawa nila sa akin.At si Huxley..Hindi ko inasahang magagawa niya sa akin 'to. Akala ko totoong mahal niya ako. Mahal ko pa naman siya, at kung hindi lang dahil sa trabaho ko, sinagot ko na sana siya. Buti nalang din at kung hindi, mas lalo akong masasaktan dahil balak niya lang pala na paibigin ako."I hate you Huxley.." bulong ko sa aking sarili.Instead na dumiretso ako sa faculty room, sa ladies" room ako pumunta. At doon ako umiyak ng umiyak. Buti nalang at ako lang mag-isa doon kaya malaya kong nailalabas ang sama ng loob ko.Mayamaya, tumunog ang cellphone ko at si Leslie ang tumatawag. Siguro nagtataka
HUXLEYMakaraan ang dalawang araw na pagliban ko sa klase, pumasok na ulit ako sa school. Matapos kasi ang hangout namin ng mga kaklase ko nu'ng isang araw, tinanghali kami ng gising. Sobrang lasing kami nu'n kaya sa private rooms ng bar na lang kami natulog. Nagkasundo kaming lahat na h'wag ng pumasok sa klase at nagpahinga nalang kami buong araw. I turned off my phone para walang istorbo. At hindi lang 'yon, umabsent pa ako kahapon dala na rin ng sama ng loob ko kay Miss Guevarra. Pucha. Kinailangan ko pa talagang magsinungaling kay kuya na masama ang pakiramdam ko nang tanungin niya ako kung ba't di ako pumasok. Buti nalang din at hindi niya napansin ang sugat sa kamay ko gawa ng pagsuntok ko sa pader nu'ng nakaraan. Kung hindi ko lang inisip na ga-graduate ako this year, ayaw ko na talagang pumunta pa ng school. Ayaw kong makita si Miss Guevarra. Pero tiyak na malilintikan naman ako nila Mommy kapag nalaman nilang lumiliban na naman ako sa klase.Tsk. "Kumusta na kaya si Miss G
JENINEPag-uwi ko ng bahay, naabutan ko si Nanay Milagros na nakaupo sa lumang sofa sa sala, nakatutok sa telebisyon habang hawak ang tasa ng salabat. Maliit lang ang bahay namin—may sira na sa kisame at mga pintura sa dingding na nagsimula nang magkupas—pero ito ang aming tahanan, at kahit papaano, may init itong dala sa tuwing umuuwi ako galing sa trabaho. "Mano po, Nay," magalang na bati ko.Napatingin siya sa akin, at isang ngiti ang gumuhit sa kanyang mga mata. “O anak, ba’t ang aga mo?” tanong niya at tiningnan ang relong nakasabit sa dingding. “Alas tres pa lang naman ah. Wala ba kayong pasok?"“Uhm... ano po Nay, nag-undertime ako, kasi masama po ang aking pakiramdam," sabi ko at pinilit na ngumiti.Hindi ko kayang ikwento ang totoo—na pinatawag ako sa opisina ni Mr. Salcedo, at subject for suspension ako ng tatlong araw. At kung hindi maresolba ang isyu, tiyak na mawawalan ako ng trabaho. Hindi ko pa kayang iparamdam sa kanya ang bigat na iyon, at baka mag-alala pa siya.Ma
JENINEKinabukasan, maaga kaming pumasok ni Leslie sa school. Kahit wala naman akong gaanong tulog kagabi at medyo masama ang pakiramdam ko, ngunit 'di ako p'wedeng umabsent. No work, no pay kasi kami, kaya sayang naman kung mababawasan ang sweldo ko."Sana nga lang nand'yan na ang mga estudyante mo noh? At kung wala pa rin, ipa-guidance mo na kaagad beshie," pahabol na sabi ni Leslie, bago ako lumabas ng faculty room.Muli na naman akong kinakabahan habang binaybay ko ang daan papunta sa SH building. Nang tumapat na ako sa classroom nina Huxley, dahan-dahan kong pinihit ang doorknob, at bumungad sa akin ang napakaingay at magulong silid-aralan. "Diyos ko," usal ko sa aking sarili. "Anong nangyayari sa mga estudyante ko? Bakit bumalik sa dati ang maingay na senaryong naabutan ko nu'ng unang araw ko sa section nila?"Isa-isa ko silang tiningnan, at bumabalik na talaga sa dati ang mga asal nila. Magulo ang classroom, hindi naka-arrange ang mga upuan at saka maingay dahil sa napakalakas
JENINEEnsaktong 7:30 ng umaga ako umalis ng faculty room, at nagtungo sa SH building. Magsisimula kasi ang klase ko ng 7:40 kaya kailangang nandu'n na ako ahead of time. Hindi ko alam kung bakit naman bigla akong kinabahan.Hindi naman gaanong malayo ang building ng Senior High mula sa faculty room namin kaya, wala pang fifteen minutes nasa tapat na ako ng pintuan ng classroom nina Huxley.Pinihit ko ang doorknob, at pumasok ako. Ngunit nagtaka naman ako at wala pa sila. Kahit isa man sa kanila ay hindi pa dumating. Imposible naman, na wala pa si Huxley. Dati naman ito ang laging nauuna sa kanyang mga kaklase. Bigla kong naisip, nag bar pala ang mga 'yon kagabi kaya siguro tinanghali ng gising. Baka mayamaya nandito na rin sila, kaya nagprepare na lamang ako ng aking PPT lessons habang naghihintay sa kanila.Hanggang sa umabot ng alas otso, wala pa rin sila. Di kaya sinadya ng mga estudyante ko na umabsent ngayon? Saglit kong tiningnan ang aking cellphone baka sakaling nagtext si Hux