Share

CHAPTER 26

Author: Spinel Jewel
last update Last Updated: 2025-03-02 21:58:30

JENINE

Napalundag ako sa tuwa nang maipanalo ng team ni Huxley ang kanilang basketball championship. Buti na lang at hindi nawalan ng focus si Huxley kahit ilang ulit na silang nalamangan ng kalaban sa scoreboard.

"Ano beshie, hindi mo ba babatiin ang mga estudyante mo?" tanong sa akin ni Leslie.

"Mamaya na besh, kita mo naman madaming tao eh."

Makalipas ang ilang minuto, "O tayo na besh," yaya nito sa akin.

Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at tinungo ang direksyon nina Huxley. Nakasunod naman sa akin si Leslie. Ngunit, bahagya akong napaatras nang makita kong hinalikan ni Sabrina si Huxley. Parang may kung anong kirot akong naramdaman sa aking puso ngunit ayaw ko namang ipahalata lalo na sa kaibigan ko.

"Huxley, congratulations to you and to your team. You did a great job," bati ko sa kanya at kinamayan silang lahat.

Hindi nakaligtas sa aking paningin ang lihim na pag-irap ni Sabrina na tila may kinikimkim na pagkainis sa akin.

"Bro, congratulations!"

Napalingon ako sa lalaking n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Challenging Hearts   CHAPTER 27

    HUXLEYNagkasayahan na ang mga kaklase ko sa restobar, ngunit parang walang naman ako sa mood na makisabay sa kanila. Kung p'wede nga lang umuwi na ako eh. Pero hindi ko naman magawa 'yon at baka magtaka pa sila. Hindi maalis sa isipan ko si Miss Guevarra, lalo na't magkasama sila ngayon ni kuya. Ano na kaya ang ginagawa nila ngayon? Di kaya nagkabalikan na sila? Anak ng—"Bro, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Marco at tinapik ako sa balikat. "Ba't parang wala ka sa mood?""Medyo pagod lang bro, but I'm fine.""Sayaw nalang tayo love," sabat naman ni Sabrina."Pass muna ako Sab. Medyo, pagod lang talaga eh."Nagkibit-balikat lang ito, pagkatapos patuloy sa pagtungga ng alak."H'wag tayong masyadong magpapagabi dito bro ha? Kabilin-bilinan ni kuya eh," sabi ko. Dati naman talaga wala akong pakialam kahit ilang beses na akong pinagsabihan ni kuya noon. Mahilig ako sa mga nightout at kadalasan inuumaga na ako ng uwi. Kaya madalas akong nasesermonan sa bahay."Aba, himala naman bro," w

    Last Updated : 2025-03-03
  • Challenging Hearts   CHAPTER 1

    JENINE"Beshie, okay ka lang ba?" tanong sa akin ng kaibigan kong si Leslie nang mapansin niyang hindi ako mapalagay."Kinakabahan ako besh, dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa unang araw ko sa section ng mga estudyanteng pasaway. Bakit ba kasi ako ang napili ni sir na maghandle sa section na iyon eh! Kung pwede nga lang akong tumanggi, eh kaso hindi naman maari, namasukan lang tayo dito. We are obliged to follow our superiors." Pagmamaktol kong sabi sabay ligpit ng aking mga gamit kasi mayamaya'y mapupunta na ako sa magulong dimensyon ng De La Salle."Eh ano pa nga ba, dahil may tiwala si sir Salcedo na kaya mong i-handle ang mga iyon kasi matapang at palaban ka, kaya ikaw talaga ang maaatasan ng admin. Well, all I can say besh, is goodluck!" wika nito habang naghahanda na rin sa susunod nitong klase."But—If ever na hindi mo talaga makayanang i-handle ang section na 'yon no matter how much you try, eh di, mag quit ka para maghanap na naman sila ng iba. As simple as that di b

    Last Updated : 2024-12-29
  • Challenging Hearts   CHAPTER 2

    HUXLEYNagising ako sa sobrang lakas ng pagkatok ng pinto na parang bang sisirain ito."Huxley! Open the door, at mag-usap tayo!" galit na boses ng mommy ko. Natitiyak kong sermon na naman ang aabutin ko nito."Shit! Bad trip talaga!" pagmumura ko sa aking sarili. Sinubukan kong takpan ng unan ang dalawa kong tenga ngunit naririnig ko pa rin ang boses ng nagger kong ina."Huxley, ano ba?" patuloy pa rin ang pagkatok ni mommy. Mukhang ayaw talaga akong tantanan ng mother kong bungangera.Kaya bumangon na lamang ako at binuksan ang pinto."Ano ba mommy, inaantok pa ako, ang ingay mo naman eh!""Ano na naman ba ang pinagagawa mo sa university at tumawag dito ang guidance counselor, para kausapin kami ng daddy mo? Nanuntok ka raw ng isang estudyante du'n? Dios mio! Hindi ka na ba talaga magbabago sa pagiging basag-ulero mo?" galit na bulyaw ni mommy."Kasalanan naman ng gagong 'yon. Kamuntik ng matalo ang team namin kahapon sa basketball, dahil inapakan niya ang paa ko. Buti nalang at mala

    Last Updated : 2024-12-29
  • Challenging Hearts   CHAPTER 3

    JENINE"I said that's enough!" buong lakas kong sigaw.Ngunit nanatili pa ring bingi ang mga estudyante at patuloy pa rin ang mga ito sa pagsasayaw. Talagang walang respeto ang mga ito at bakit pa kasi hindi nalang i-expel sa university, eh nakakapagbigay lang ng sakit ng ulo sa mga teachers dito.Muli kong tiningnan ang kinaroroonan ni Huxley. Nakita ko pa rin ang nakakaloko niyang ngiti na para talagang inaasar ako. Akala siguro ng kumag na ito, uurungan ko sila. It's a great challenge yata sa pagkatao ko at hindi ako papayag na matatalo ako ng mga estudyanteng ito. Teacher ako dito and I have the full authority inside the classroom.Lumapit ako sa kung saan nakalagay ang speaker at biglang pinindot ang power off, kaya natigilan ang lahat at tumingin sa akin."What the he—" narinig ko ang boses ni Sabrina."Makinig kayong lahat dahil minsan ko lang itong sasabihin sa inyo! I am your teacher and you are my students. Hindi ako makakapayag na bastusin niyo lang ako ng ganito, di porke'

    Last Updated : 2024-12-29
  • Challenging Hearts   CHAPTER 4

    JENINE"Oh, kumusta ang unang araw mo sa section ng mga pasaway beshie? Ba't ganyan ang hitsura mo? Saka anong nangyari dyan sa slacks mo?" sunud-sunod na tanong ni Leslie pagkapasok ko pa lang ng faculty room."Hay, naku! Totoo ngang napakaworst ang section na 'yon beshie, my God!" naiinis kong sabi habang pabagsak na inilagay sa mesa ang mga gamit ko."Napaka-ingay, napakagulo... Para yatang may tama 'yong mga 'yon, Diyos ko at ginawa pang disco pub 'yong classroom!" dagdag na sabi ko at pasalampak na umupo sa couch."Ganu'n ba? So, nagkakilala na kayo ng kapatid ng ex-jowa mo?" naiintrigang tanong ni Leslie."Yep. Ang gaspang ng ugali. Walang modo! At 'yon, pinapatawag na naman sa guidance office kasama ng mga magulang nito.""At meron pang isang santita sa loob ng classroom. 'Yong Sabrina Monteverde? Hay naku... Nakakainis 'yong babae na 'yon. Sarap ngang patulan eh. Isa pa 'yong si Marco Reyes, naku, napakabastos! Binatuhan ba naman ako ng chewing gum. Kaya tuloy nagkamantsa 'ton

    Last Updated : 2024-12-29
  • Challenging Hearts   CHAPTER 5

    HUXLEYMatalim akong tiningnan ni daddy habang nasa loob ako ng guidance office. Samantalang si mommy naman ay hindi rin maipinta ang mukha dahil sa pagkadismaya na naman sa akin. Ilang ulit na rin kasi silang pinapatawag sa guidance office. Well, kasalanan din naman 'yon ng administration. Kung istrikto lang sana sila sa pagpapataw ng disciplinary action, 'di sana lumaki ang ulo namin ng mga kaklase ko.Hays, tiyak na sangkatutak na sermon na naman ang aabutin ko nito pag-uwi ko ng bahay. At ang pinaka-worst pa, ikukumpara na naman ako ni daddy kay kuya Harvey. Kaya iisipin ko pa lang ang ganu'n, naba-bad trip na ako. Paglabas ko ng guidance, tuluyan na talaga akong nawala sa mood at lumilipad na ang isip ko kahit saan."Buti naman bro, at nandito ka na. Ikaw lang naman ang makakaligtas sa akin eh," narinig kong sabi ni Marco ngunit hindi ko siya pinansin. Pagkatapos narinig kong sabi ni Miss Guevarra na ipapa-guidance kaming lahat kung walang aamin tungkol doon sa ibinatong chewing

    Last Updated : 2024-12-29
  • Challenging Hearts   CHAPTER 6

    JENINEAs usual, pagkapasok ko pa lang ay sumalubong na kaagad sa akin ang napakaingay at napakagulong classroom."Welcome to Hell Section cher!" sabay-sabay na sambit ng lahat habang nagsasayaw sa gitna."That's enough! Magsitigil na kayong lahat!" wika ko.Ngunit tila wala naman silang naririnig at nagpatuloy lang sa kanilang ginagawa. Inilibot ko ang aking paningin at hinanap ang kinalalagyan ng bluetooth speaker.Hindi ko ito makita kaya alam kong itinago nila ito. Mga pasaway talaga. Narinig ko ang malakas na pagtawa nila na parang nais ipamukha sa akin na wala talaga akong magagawa para patigilin sila.Napatingin ako sa kinaroroonan ni Huxley. Ngumisi lang ito na parang nanghahamon. Sa isip ko kung lalabas ako ng classroom, marahil iisipin ng mga ito na talo na ako. Kaya kailangan ko talagang mahanap ang speaker. Pinakiramdaman ko ng mabuti kung saan nanggaling ang tunog at nang matiyak kong doon ito nanggaling sa isang cabinet at tinakpan lang ng tela para hindi ko makita, agad

    Last Updated : 2025-01-12
  • Challenging Hearts   CHAPTER 7

    HUXLEYHindi ko inaasahan ang malakas na pagsuntok sa akin ni Miss Guevarra. Kung hindi nga lang babae, sarap talagang patulan."Bro, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Marco nu'ng hapong lumabas kami sa school campus. Ang tapang pala ng Jenine na 'yon noh at nagawa pa niyang suntukin ka.""So ano hahayaan mo na lang ba 'yon?" tanong ulit nito."Nope. Kilala mo naman ako Marco. Hindi naman ako patatalo, kaya gagantihan ko siya," seryoso kong sabi. "Anong binabalak mo? Susuntukin mo rin 'yon, ganu'n?""Hindi. Basta," matipid kong sagot.Nang makauwi na ako ng bahay, dumiretso lang ako sa kwarto, Alas sais pa naman ng gabi at wala pa sila mommy at daddy. Lalo naman si kuya Harvey. Kadalasan, umuuwi 'yon ng madaling araw. But never naman nagreklamo ang parents ko. Pero sa akin, kapag inumaga ako ng uwi, naku, sangkatutak na sermon naman ang laging inabot ko. And worst, sinasaktan pa ako ni daddy. Kaya 'yong suntok sa akin ni Miss Guevarra, wala 'yon sa akin. Nasaling lang ang pride k

    Last Updated : 2025-01-13

Latest chapter

  • Challenging Hearts   CHAPTER 27

    HUXLEYNagkasayahan na ang mga kaklase ko sa restobar, ngunit parang walang naman ako sa mood na makisabay sa kanila. Kung p'wede nga lang umuwi na ako eh. Pero hindi ko naman magawa 'yon at baka magtaka pa sila. Hindi maalis sa isipan ko si Miss Guevarra, lalo na't magkasama sila ngayon ni kuya. Ano na kaya ang ginagawa nila ngayon? Di kaya nagkabalikan na sila? Anak ng—"Bro, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Marco at tinapik ako sa balikat. "Ba't parang wala ka sa mood?""Medyo pagod lang bro, but I'm fine.""Sayaw nalang tayo love," sabat naman ni Sabrina."Pass muna ako Sab. Medyo, pagod lang talaga eh."Nagkibit-balikat lang ito, pagkatapos patuloy sa pagtungga ng alak."H'wag tayong masyadong magpapagabi dito bro ha? Kabilin-bilinan ni kuya eh," sabi ko. Dati naman talaga wala akong pakialam kahit ilang beses na akong pinagsabihan ni kuya noon. Mahilig ako sa mga nightout at kadalasan inuumaga na ako ng uwi. Kaya madalas akong nasesermonan sa bahay."Aba, himala naman bro," w

  • Challenging Hearts   CHAPTER 26

    JENINENapalundag ako sa tuwa nang maipanalo ng team ni Huxley ang kanilang basketball championship. Buti na lang at hindi nawalan ng focus si Huxley kahit ilang ulit na silang nalamangan ng kalaban sa scoreboard."Ano beshie, hindi mo ba babatiin ang mga estudyante mo?" tanong sa akin ni Leslie."Mamaya na besh, kita mo naman madaming tao eh."Makalipas ang ilang minuto, "O tayo na besh," yaya nito sa akin.Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at tinungo ang direksyon nina Huxley. Nakasunod naman sa akin si Leslie. Ngunit, bahagya akong napaatras nang makita kong hinalikan ni Sabrina si Huxley. Parang may kung anong kirot akong naramdaman sa aking puso ngunit ayaw ko namang ipahalata lalo na sa kaibigan ko."Huxley, congratulations to you and to your team. You did a great job," bati ko sa kanya at kinamayan silang lahat.Hindi nakaligtas sa aking paningin ang lihim na pag-irap ni Sabrina na tila may kinikimkim na pagkainis sa akin."Bro, congratulations!" Napalingon ako sa lalaking n

  • Challenging Hearts   CHAPTER 25

    HUXLEYSadyang kumunot ang noo ko nang makita ko si kuya sa mataas na bahagi ng bleacher. Bakit kaya nandito siya at kanino kaya niya nalalaman na ngayon ang basketball championship namin? Bahala na nga siya basta kailangan kong maipanalo ang laro namin ngayon. Muli akong napasulyap sa kinaroroonan ni Miss Guevarra. Nakangiti siya sa akin at nagthumbs up. Alam kong malaki ang tiwala niya sa akin na maipanalo namin ang laro, kaya kailangang magconcentrate ako at hahayaan ko nalang muna si kuya, tutal naman at hindi sila magkatabi ni Miss Guevarra.Pagdating ng third quarter, naging mainit na ang labanan sa pagitan ng team namin at ng STEM. Pareho kaming fighting for champion kaya mas lalo pang ginagalingan ng bawat manlalaro sa magkabilang koponan.Makaka-score kami, tapos sila na naman. Makakabawi kami, tapos malalamangan na naman ng scores. Talagang napakahigpit ng labanan kaya tensyonado ang lahat pati coach namin ay hindi na mapapalagay. Maingay ang buong gym dahil sa hiyawan at si

  • Challenging Hearts   CHAPTER 24

    JENINEHindi ko akalain na alam pala ni Huxley ang nakaraan namin ng kuya niya. At ang mas nakakabigla pa ay ang tanungin niya ako kung may feelings pa ba ako sa kapatid niya. Kahit naman ang totoo, matagal na akong nakapagmove-on, pero ayoko pa ring pag-usapan ang tungkol sa past relationship ko. Dalawang oras na akong nasa higaan pero ayaw pa rin akong dalawin ng antok. Walang ibang laman ng isip ko kundi si Huxley. Hanggang sa maalala ko ang ginawang paghalik ni Sabrina sa kanya kanina. Ang totoo, hindi lang naman dahil masama ang pakiramdam ko kaya ako biglang umalis, kundi dahil takot ako na baka hindi ko mapigil ang mga luha ko at magtaka pa si Leslie sa akin. Pero bakit nga ba naman ako nagseselos? Wala naman akong karapatan sa kanya. At saka ano namang pakialam ko kung maghalikan sila?Hindi na tama itong nararamdaman ko. Kung nahuhulog na nga ang loob ko kay Huxley, dapat matigil ito sa lalong madaling panahon. Ang sagwa naman kung magkagusto ako sa isang lalaking malayo ang

  • Challenging Hearts   CHAPTER 23

    HUXLEYIsang minuto na lang at matatapos na ang laro. Medyo tensyonado na rin ang mga teammates ko dahil lamang pa ng dalawang puntos ang kabila. Kaya kailangang maka three points ako para maipanalo namin ang laro.Mas lalong humigpit ang depensa ng aming kalaban pero alam kong kaya ko 'to. Muli akong napasulyap sa kinaroroonan ni Miss Guevarra at saglit na nagtama ang aming paningin. Ngumiti siya sa akin sabay nag-thumbs up. At nang muli kaming bumalik sa ball game, hindi ko maiwasang kabahan dahil mahigpit talaga ang labanan. Magagaling din 'tong taga TVL pero sana naman umayon sa akin ang pagkakataon. Kasalukuyang nasa amin ang bola, kailangan nalang maging alerto ako dahil alam kong ako ang inaasahan ng team namin. "Huxley, shoot!" Narinig ko ang malakas na tilian ng mga kaklase ko."Love, shoot the ball!" sigaw ni Sabrina. Nagpatuloy lang ako sa pagdribol ng bola. Pasa kay Marco, at balik na naman sa akin dahil sa akin nakaabang ang kalaban namin. Hanggang sa makap'westo ako s

  • Challenging Hearts   CHAPTER 22

    JENINE"O beshie, akala ko ba absent ka ngayon? Musta na ang pakiramdam mo?" bungad na tanong kaagad sa akin ni Leslie nang makapasok ako ng faculty room. "Medyo okay na ako beshie," matipid kong sagot."Uhm, alam ko na. May laro sina Huxley ngayon noh?" nakangiti nitong wika.Tumango lang ako habang nililinis ko ang salamin ng aking eye glass. "Hay naku, besh, tigilan mo na nga ang panunukso sa akin," saway ko sa kanya."Okay. O sya arat na at malapit na yatang magsisimula ang laro.""Hindi mo ba ako sasamahan besh?" "Hay naku besh, alam mo namang wala akong kahilig-hilig diyan sa basketball eh," buntung-hininga nito. "Pero sige, for now, pagbibigyan kita. Para naman may umalalay sa 'yo, kasi sa tingin ko, hindi ka pa naman lubusang magaling eh. Baka mapa'no ka pa.""Salamat besh," nakangiti kong sabi.Ilang minuto ang lumipas at nasa loob na kami ng gym. Mas marami yata ang tao ngayon kaysa nu'ng nakaraan."Wala ng mauupuan besh eh," sabi ni Leslie. "Baka nandu'n pa sa unahan, ha

  • Challenging Hearts   CHAPTER 21

    HUXLEYPagkapasok ko palang ng bahay, agad na bumungad na sa akin ang seryosong mukha ni Kuya Harvey na noon'y naroon sa sala at nakaupo sa sofa bed. Buti naman at wala pa sina daddy at mommy kaya sigurado ako na hindi pa nasabi ni kuya ang tungkol sa nangyari kanina sa gym."Buti naman at nandito ka na bro," wika nito. "Mag-usap muna tayo."Lumapit naman ako sa kinaroroonan niya at naupo sa couch."Ano bang nangyari sa 'yo kanina, at bigla ka nalang nanuntok ng isang player?" tanong nito. Bagama't hindi naman ito galit pero, bakas sa mukha nito ang disapppointment."Bigla lang akong na-badtrip eh," matipid kong sagot."Yan ka na naman sa baluktot mong katwiran. Bakit hindi mo makontrol ang pagiging mainitin ng ulo mo?"Hindi ako sumagot. Paano ko naman sasabihin sa kanya, na naiinis ako dahil nagpunta siya kanina sa school at magkatabi pa sila ni Miss Guevarra?"Uhm.. Kuya, nakipag-ayos na ako du'n kay Richard. Okay na kami," sabi ko."Buti naman kung ganu'n, at baka magsumbong pa 'y

  • Challenging Hearts   CHAPTER 20

    JENINEBakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya? Tanong ko sa aking sarili nang makaalis na ng faculty room si Huxley. Bakit lumalakas ang kabog sa dibdib ko kapag nagkatinginan kaming dalawa? "Beshie, anong nangyari sa 'yo? Ba't ang lalim yata ng iniisip mo?" tanong sa akin ni Leslie. Hindi ko namalayan ang pagpasok niya sa faculty room dahil sa pag-iisip ko kay Huxley."Uhm, nakita kong dito nanggaling 'yong isa sa mga estudyante mo. Ano na namang kasalanan nu'n besh?" dagdag na tanong nito."Nanuntok kasi 'yon ng isang player sa laro nila kanina. Kaya sinabihan kong makipag-areglo du'n at baka ma-guidance na naman," kaswal kong tugon. "Ano? Nanuntok na naman? Napaka-basagulero talaga niyang Huxley na 'yan, beshie. Akala ko ba, nagbago na 'yon?"Nagkibit-balikat lang ako, dahil hindi ko rin naman alam kung bakit nagkaganu'n si Huxley. Hindi rin naman ako naniniwala na dahil lang sa pagpunta ni Harvey kaya siya naiinis.Muli kong itinuon ang aking paningin sa aking laptop. May rep

  • Challenging Hearts   CHAPTER 19

    HUXLEYNang makita ko si Miss Guevarra sa loob ng gym, bigla akong nakaramdam ng hindi maipaliwanag na saya kaya ginanahan akong maglaro at palaging tumatama sa ring ang bola. Ngunit sa kalagitnaan ng first quarter, bigla nalang akong nawalan ng gana nang masulyapan kong may tumabi sa kanya sa upuan. At mas lalo akong naiinis nang mapagtanto kong si Kuya Harvey 'yon."Bro, di ba kuya mo 'yan?" tanong sa akin ni Marco nang magtime-out kami. Tumango lang ako, at pilit na itinatago ang pagkainis ko. Muli ko silang sinulyapan at ang sweet nila. Panay ang ngotian nilang dalawa na parang nag-e-enjoy sa isa't isa. Bigla na lang akong nabad-trip kaya hindi ko nasalo ang bola na ipinasa sa akin ni Marco at nakuha ito ng kalaban."Pucha!" Mura ko sa aking sarili."Bro, okay ka lang ba?" tanong ng isa kong teammate."Okay lang ako," seryoso kong tugon ngunit ang totoo, hindi ako okay. Ba't nandito si Kuya Harvey? Ni minsan hindi naman ito nanonood ng laro ko. 'Di kaya si Miss Guevarra ang ipinu

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status