HUXLEYHindi ko alam kung anong nakain ni Miss Guevarra at bakit ako pa ang napili na magiging contestant sa Individual Quiz. Nakakainis talaga. Napasubo na naman ako. At bakit hindi naman ako tumanggi kanina?Pasado alas onse na ng gabi, ngunit ayaw pa rin akong dalawin ng antok. Laging nagpa-flash sa aking isipan ang mukha ni Miss Guevarra."Huxley, Huxley.. Umayos ka. H'wag mong sabihin na attracted ka sa teacher mong 'yon?""Stick to your plan, Huxley." Para akong baliw na kinakausap ang aking sarili. Bumangon ako sa higaan at nagtungo sa fridge para kumuha ng maiinom. Hindi ko akalain na naroon pala si Kuya sa sala, kasama ang isang babae, at masayang naglalampungan ang dalawa."Oh, bro, hindi ka pa pala natutulog?" tanong niya sa akin nang mapadaan ako sa kanila."Nope. Hindi pa ako inaantok kuya," sagot ko naman habang napasulyap sa babaeng kasama ng kapatid ko. Sa isip ko, sino na naman kaya 'to? Panibagong ka-fling na naman ng kuya ko. Nang makabalik na ako ng kwarto, muli a
HUXLEYDumating na ang Foundation Day namin. Lahat kami masaya, dahil syempre wala na namang klase. Pero kinakabahan ako dahil mayamaya, sasabak na ako sa Individual Quiz. Sampu kaming contestants sa Grade 12 under ABM strand. At inaamin ko it's my first time na sasali ako sa contest. Kung hindi nga lang sa plano ko kay Miss Guevarra, never akong papayag na maging representative sa section namin. "Bro, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Marco, nang mapansin niyang hindi ako mapakali."Oo nga naman love. Kanina ka pa parang kinakabahan. Relax lang," sabat naman ni Sabrina. "Ninerbyos lang ako. Kasi pagkatapos nitong opening program, susunod na ang Individual Quiz," wika ko."Sisiw naman 'yan sa 'yo eh. 'Kaw pa," nakangiting saad ni Marco sabay tapik sa aking balikat.Makaraan ang ilang saglit, tinawag na lahat ng mga contestants na maupo na sa harapan. "Huxley, goodluck," wika ni Miss Guevarra."Eh ma'am, kinakabahan ako eh.""Relax lang Huxley, nagreview naman tayo di ba? Kaya mo
JENINENag-tie ang score ni Huxley at ng contestant number one kaya kailangan ng clincher question. Babae ang kalaban niya at balita ko, ito ang top 1 student sa buong strand ng ABM. Pero may kumpyansa naman ako kay Huxley na siya talaga ang mananalo.Nang mapatingin siya sa kinaroroonan ko, ngumiti lang ako sa kanya at nag-thumbs up. Ngunit hindi ko namang maiwasang kabahan habang ibinigay ng Quiz Master ang clincher question. Parang ako ang sumabak sa contest dahil hindi rin ako mapalagay, at nu'ng nahuli si Huxley sa pagpindot ng buzzer, doon na ako mas lalong kinabahan."Diyos ko, " usal ko sa sarili habang nag-aantay sa sagot ng contestant number one. But I sighed in relief when she did not get the correct answer. Ibig sabihin may chance pa si Huxley na sumagot. "Since hindi nakakuha ng tamang sagot ang contestant number one, it means you have the chance to answer the question," ani ng Quiz Master. "Now, I'll repeat the question for you, Huxley. What is the statement of cash fl
JENINEMakalipas ang ilang minuto at nasa tapat na kami sa gate ng mansyon na pagmamay-ari ng pamilya ni Huxley."Here we are," wika ng lalaki saka bumaba at binuksan ang pintuan ng passenger seat at back seat. "Naku, napakalaki pala talaga ng bahay niyo, Huxley!" bulalas ni Leslie. "At napakaganda pa."Tahimik lang ako habang papasok kami sa loob. Mas lalo akong namangha sa laki at lawak ng kanilang bahay. Halos wala man lang sa kalingkingan nito ang buong bahay namin sa Sampaloc. Maayos ang disenyo sa labas maging sa loob at lahat ng mga kagamitan ay puro mamahalin.Masaya kaming sinalubong ng ina ni Huxley."Hello Miss Guevarra, mabuti naman at nakarating kayo," anito saka iginiya kami at pinaupo sa malambot na sofa bed.Mayamaya'y nagsipagdatingan na ang mga estudyante ko, kaya sinimulan na namin ang celebration. Maraming pagkain ang nakahain sa mesa. Sa isip ko, iba na talaga pag mayaman. Isang tawag lang, nandyan na kaagad."Oh sige kakain na tayo. Feel at home," nakangiting wi
HUXLEYHindi ko inaakala na magkaroon pala talaga kami ng celebration sa bahay. Akala ko sa labas lang kami magse-celebrate kasama ng mga kaibigan ko, pero nag order si Mommy ng pagkain. For the first time in my life ngayon ko lang siya nakitang natutuwa sa akin. Masaya naman ako dahil kasama ko sa celebration ang mga kaklase ko at si Miss Guevarra. Personal siyang inimbita ni Mommy kaya siya nandito. Ngunit nang dumating si kuya Harvey bigla nalang nagbago ang mood ko lalo na nu'ng tanungin niya si Miss Guevarra kung nagkakaboyfriend na raw ba ito ulit. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng konting selos nang mapansin kong titig na titig ang kuya ko kay Miss Guevarra. Di kaya mahal pa niya ito hanggang ngayon?Buti na lang at hindi na gaanong nagtagal ang kanilang pag-uusap at tumuloy na si kuya sa kwarto niya. Makalipas ang ilang sandali at nagpaalam na si Miss Guevarra na uuwi na sila. Pinapahatid ko na lamang sila sa driver namin kasi hindi ko rin naman maiwan ang mga kaklas
JENINE"O ano beshie, ba't nandito ka pa?" sabi sa akin ni Leslie nang makita niyang nasa loob pa ako ng faculty room. "Di ba schedule ngayon ng laro nina Huxley?""Yup. Pero parang hindi ko naman feel pumunta besh eh. Marami kasi talagang tao ngayon sa gym, alam mo naman ako, may pagka introvert.""Pero tiyak na hahanapin ka ng mga estudyante mo beshie. S'yempre, adviser ka nila kaya, kailangan mo ring ipakita ang suporta mo sa kanila," pagpapaliwanag nito. "Pumunta ka na. At nagsisimula na ngayon ang laro."Tumango na lamang ako. Tama nga naman si Leslie, kailangan kong ipakita ang suporta ko sa aking mga estudyante para mas lalo ko pang makuha ang loob nila. "Ikaw besh, hindi ka ba sasama sa akin?" tanong ko."Hay naku, dito na lang ako besh. Alam mo namang wala akong kahilig-hilig manood d'yan sa basketball na 'yan eh.""Oh sige, maiwan na kita besh," paalam ko sa kanya at pagkatapos lumabas na ako ng faculty room.Hindi naman malayo ang gym ng De la Salle mula sa faculty room na
HUXLEYLast five seconds nalang at nai-shoot ko ang bola mula sa three-point field goal. Nakita kong naghiyawan ang mga taong nanonood. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko ang three-point shots. Nang maideklara ang pagkapanalo namin laban sa STEM strand, lakad-takbo akong nilapitan ng aking teammates, at binuhat ako at inikot-ikot sa ere."Ayos bro, ang galing mo talaga. I'm sure ikaw ulit ang tatanghaling MVP sa taong ito," ani ni Marco at nakipag-apiran sa akin. Sumunod ding nakikipag high-five ang iba ko pang kasamahan.Mayamaya'y lumapit ang mga kaklase ko, ngunit laking gulat ko naman nang bigla akong halikan ni Sabrina."Love, congratulations, the best ka talaga!" sambit nito. Naghiyawan naman ang mga kaklase ko na halatang nanunukso lang sa amin. Alam naman nilang wala akong gusto kay Sabrina, pero ni-rereto pa rin nila kaming dalawa."Si Miss Guevarra? Nakita niyo ba siya?" tanong ko."At bakit mo naman siya hinahanap, love? Aba nakakahalata na ako ha," nakasimangot na wika ni
JENINEKasalakuyan akong nasa faculty room at abala sa paggawa ng PPT slides nang maalala ko na may laro pala sina Huxley ng alas dyes. Saglit na nawala 'yon sa aking isip dahil nag-concentrate ako sa paggawa ng aking lesson."Beshie, manonood ka ba ng basketball sa gym ngayon?" tanong sa akin ni Leslie. "Oo. Uhm, laro nina Huxley ngayon eh.""Aba, napaka-supportive naman ng adviser," nakangiting turan ng aking kaibigan."Syempre, dahil natutuwa ako sa kanila. Sana lang magtuloy-tuloy na," sabi ko. "O sya, maiwan na muna kita dito beshie ha. Ikaw hindi ka ba manonood?""Uhm, dito nalang ako. Alam mo namang wala akong kahillig-hilig sa larong basketball eh."Tumango lang ako at ngumiti sa kanya, pagkatapos lumabas na ako ng faculty room upang magtungo sa gymnasium. Marami ng tao pagdating ko roon. Palinga-linga ako at baka sakaling may mahanap na bakanteng upuan. Salamat naman at nakahanap ako at nakaupo na rin. Dumako ang paningin ko sa mga players na naroon sa court. Hanggang sa m
HUXLEYMagkahalong lungkot at saya ang nararamdaman ko nang mabalitaan ko ang desisyon ng admin na manatili si Miss Guevarra sa pagtuturo rito. I'm happy kasi hindi siya matatanggal sa trabaho. Alam ko naman kung gaano kaimportante ito sa kanya. Sa kabilang dako naman, I felt sad dahil alam ko na galit pa rin siya sa amin lalo na sa akin. Halata naman sa reaksyon niya nang pumasok siya ng classroom kahapon after na magkausap sila ni sir Salcedo. Sinabi niya kahapon hindi kami p'wedeng ma-late kaya alas syete pa lang nasa school na kaming lahat. Hindi ko rin alam kung bakit maaga namang dumating ang mga kaklase ko. Hindi ko naman sila sinabihan kasi nga, masama pa rin ang loob ko sa kanila.Exactly 7:40 ng umaga, pumasok ng classroom si Miss Guevarra, kaya tahimik kaming lahat. Seryoso lang siyang nakatingin sa amin ni hindi man lang ngumiti kahit bahagya man lang. At nang magsimula na siyang magdiscuss ng lesson, nakikinig lang ako pero wala akong naiintindihan.Kinahapunan, nang mat
JENINEHindi ko alam kung ilang beses ko nang tiningnan ang orasan na nakasabit sa dingding ng faculty room habang ang kamay ko'y mahigpit na nakahawak sa lesson plan. Pinilit kong pakalmahin ang aking sarili, ngunit hindi ko maitago ang kaba at bigat sa dibdib. Ngayong araw, babalik na ako sa klase. Sa mismong section nila ni Huxley."Besh, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Leslie. "Para kasing hindi ka mapakali d'yan eh.""Kinakabahan lang ako besh. Ano na naman kaya ang nakatakdang mangyayari sa pagbabalik ko sa section ng mga pasaway," mahina kong sabi."H'wag mo ng gaanong isipin 'yan besh. Ang importante dito ka pa rin at magkakasama pa rin tayo, di ba?" nakangiti nitong sabi na pilit pinapagaan ang damdamin ko. "Alam kong kaya mo 'yan besh. Kaw pa."Hindi na lamang ako nagbigay pa ng komento sa sinasabi niya. Ang pinaka-main reason naman talaga kung bakit ayaw ko ng magturo pa sa section na 'yon, dahil kay Huxley. Ayaw ko ng makita pa siya, at nasasaktan lang ako. Pero wala
JENINEKasalukuyan akong nasa mall, nagpapalipas ng oras. Nakaramdam ako ng konting guilt sa puso dahil hindi ko sinabi kay nanay ang totoo. Akala niya nasa school ako ngayon. Ang hindi niya alam na nandito lang pala ako sa mall, palakad-lakad—tingin dito, tingin doon. Tumitingin ako sa mga bagong display ng bag, sapatos, at damit na kahit gusto kong bilhin, wala naman akong sapat na pera para pambili. Minsan, tatayo lang ako sa harap ng salamin at titingnan ang sarili. Pagkatapos ng ilang ikot, naupo ako sa isang bench sa gilid ng fountain area. Pinagmamasdan ko ang mga taong masayang naglalakad—mga magkasintahan, magkapamilya at magkakabarkada. Ang iba nagtatawanan, ang iba tila may pinag-uusapan na masaya.Ako? Tahimik lang na nag-iisa at parang nakalutang sa ere.Suspended pa rin ako hanggang ngayon, at wala pa ring linaw kung mananatili ba ako o tatanggalin sa trabaho. Wala naman akong kasalanan at bakit kailangan kong pagdaanan 'to. Masakit. Nakakapanlumo. Pero wala akong magaw
HUXLEYAlam kong masama talaga ang loob ni Miss Guevarra sa akin... sa aming lahat. At hindi ko siya masisisi. Sa ngayon, sapat na sa akin ang malaman na okay siya, dahil masyado talaga akong nag-aalala sa kanya. Kung hindi niya sinagot ang tawag ko, malamang kanina ko pa sinira ang pintuan ng ladies' room. Nababaliw na yata ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Napabuntung-hininga ako habang nakasandal sa pader na malapit sa ladies' room. Pero doon ako sa isang sulok kaya hindi ako nakikita ng mga estudyanteng dumaraan. Hinihintay ko ang paglabas ni Miss Guevarra dahil gusto ko lang masigurong maayos siya.Hanggang sa bumukas na ang pinto ng ladies' room at lumabas siya. Tinatanaw ko lang siya habang naglalakad sa hallway pababa ng hagdanan. Magkahalong awa at lungkot ang naramdaman ko nang makita ang bahagyang pamumugto ng mga mata niya. Gusto ko man siyang lapitan, pero alam ko na hindi pa rin niya ako kakausapin. "Bro.." Narinig ko ang boses ni Marco sa likuran ko. "Sana magkaa
JENINEHabang nagsasalita si Huxley sa harap ng school admin, parang hindi ako makahinga lalo na nu'ng aminin niya ang lahat—ang pagkainis niya sa akin nu'ng umpisa, ang pagkukunwari nila ng mga kaklase niya na tumino na sa pag-aaral at ang plano niyang paibigin ako para makaganti sa akin. Parang isang bomba 'yon na sumabog sa aking pandinig, at parang matulis na bagay na tumutusok sa puso ko. Ayaw ko siyang tingnan, kaya nakayuko lamang ako at pilit na pinipigilan ang mga luha ko. Ayaw kong umiyak sa harap nilang lahat lalo na sa mga estudyante ko, kahit ang totoo, gusto ko ng humagulgol pero ayaw kong ipakita ang kahinaan ko. "Walang kasalanan si Miss Guevarra, ako po ang parusahan ninyo. Mas gugustuhin ko pang ma-expel sa eskwelahang ito kaysa matanggal rito ang isang magaling at napakabuting guro."Dahil sa sinabi niya, napaangat ako ng tingin at saglit na nagkatitigan kami. Pero agad din naman akong umiwas ngunit dumako ang paningin ko sa mga kamay niyang may bendahe. At kahit
HUXLEYNang sumunod na mga araw, pinapatawag kaming lahat ng school admin. Ngayon daw kami iinterbyuhin ng University President at ng governing body ng De la Salle. For the first time, kinakabahan ako, hindi para sa aking sarili kundi para kay Miss Guevarra. Habang papunta kami sa conference room, bigla akong kinausap ni Marco sabay tapik sa aking balikat. "Bro, okay ka lang ba? Galit ka pa ba sa amin?"Hindi ako umimik. Patuloy lang ako sa paglalakad, samantalang nakasunod naman sila sa akin."Bro, h'wag ka ng magalit," muling wika ni Marco. "Ang importante naman sa amin ay ang friendship natin at pinagsamahan. Hindi namin hahayaan na masira 'yon dahil lang kay—""Shut up!" Hindi ko na pinatapos pa si Marco sa gusto niyang sabihin at binara ko na kaagad siya.Pagdating namin sa conference room, mas lalong kumabog ng malakas ang dibdib ko lalo na nang magkasalubong ang tingin namin ni Miss Guevarra."Please take your seats, on the left side," wika ng SH principal na si Mr. Salcedo. N
HUXLEYWala na akong nagawa kundi ang umalis na lamang. Ayaw ng makipag-usap ni Miss Guevarra sa akin, at hindi ko naman siya masisisi dahil worst nga ang ginawa ng section namin. At kahit hindi sa akin nanggaling ang ideya na magfile kami ng petition laban sa kanya, I am still part of it, kasi mga kaklase ko sila at sa akin nag-umpisa ang lahat. Ako ang nagsabing bahala na sila kung anong gawin nila kay Miss Guevarra, pero dala lang 'yon ng matinding selos ko, dahil magkasama sila ni kuya Harvey nung time na 'yon. At hindi ko maiwasang mag-overthink sa posibilidad na maaring magkabalikan sila ni kuya.Nang makabalik na ako ng kotse, saglit akong napapikit, ngunit mukha ni Miss Guevarra ang nakikita ko. Malungkot at puno ng galit ang mga mata niya. Masakit, parang pinipiga ang puso ko at halos hindi ako makahinga. Bigla ko na lamang naramdaman ang mainit na likido sa gilid ng aking mga mata. "God! What have I done?" usal ko sa aking sarili. Nasaktan ko ang isang taong walang ibang gi
JENINEParang binagsakan ako ng langit at lupa nang marinig ko ang pinag-uusapan ng mga estudyante ko. Matapos ko silang komprontahin, mabilis akong lumabas ng classroom dahil parang sasabog na ang puso ko sa sobrang sakit.Hindi ko na napigilan ang mga luha ko habang pababa ako ng hagdan. Hindi ko alam kung may nakakita sa akin basta wala na akong pakialam. Sobrang sakit ng ginawa nila sa akin.At si Huxley..Hindi ko inasahang magagawa niya sa akin 'to. Akala ko totoong mahal niya ako. Mahal ko pa naman siya, at kung hindi lang dahil sa trabaho ko, sinagot ko na sana siya. Buti nalang din at kung hindi, mas lalo akong masasaktan dahil balak niya lang pala na paibigin ako."I hate you Huxley.." bulong ko sa aking sarili.Instead na dumiretso ako sa faculty room, sa ladies" room ako pumunta. At doon ako umiyak ng umiyak. Buti nalang at ako lang mag-isa doon kaya malaya kong nailalabas ang sama ng loob ko.Mayamaya, tumunog ang cellphone ko at si Leslie ang tumatawag. Siguro nagtataka
HUXLEYMakaraan ang dalawang araw na pagliban ko sa klase, pumasok na ulit ako sa school. Matapos kasi ang hangout namin ng mga kaklase ko nu'ng isang araw, tinanghali kami ng gising. Sobrang lasing kami nu'n kaya sa private rooms ng bar na lang kami natulog. Nagkasundo kaming lahat na h'wag ng pumasok sa klase at nagpahinga nalang kami buong araw. I turned off my phone para walang istorbo. At hindi lang 'yon, umabsent pa ako kahapon dala na rin ng sama ng loob ko kay Miss Guevarra. Pucha. Kinailangan ko pa talagang magsinungaling kay kuya na masama ang pakiramdam ko nang tanungin niya ako kung ba't di ako pumasok. Buti nalang din at hindi niya napansin ang sugat sa kamay ko gawa ng pagsuntok ko sa pader nu'ng nakaraan. Kung hindi ko lang inisip na ga-graduate ako this year, ayaw ko na talagang pumunta pa ng school. Ayaw kong makita si Miss Guevarra. Pero tiyak na malilintikan naman ako nila Mommy kapag nalaman nilang lumiliban na naman ako sa klase.Tsk. "Kumusta na kaya si Miss G