JENINE
As usual, pagkapasok ko pa lang ay sumalubong na kaagad sa akin ang napakaingay at napakagulong classroom.
"Welcome to Hell Section cher!" sabay-sabay na sambit ng lahat habang nagsasayaw sa gitna.
"That's enough! Magsitigil na kayong lahat!" wika ko.
Ngunit tila wala naman silang naririnig at nagpatuloy lang sa kanilang ginagawa. Inilibot ko ang aking paningin at hinanap ang kinalalagyan ng bluetooth speaker.
Hindi ko ito makita kaya alam kong itinago nila ito. Mga pasaway talaga. Narinig ko ang malakas na pagtawa nila na parang nais ipamukha sa akin na wala talaga akong magagawa para patigilin sila.
Napatingin ako sa kinaroroonan ni Huxley. Ngumisi lang ito na parang nanghahamon. Sa isip ko kung lalabas ako ng classroom, marahil iisipin ng mga ito na talo na ako. Kaya kailangan ko talagang mahanap ang speaker. Pinakiramdaman ko ng mabuti kung saan nanggaling ang tunog at nang matiyak kong doon ito nanggaling sa isang cabinet at tinakpan lang ng tela para hindi ko makita, agad ko itong tinungo at nang makita ko, agad kong pinindot ang power off.
"Shit!! Pakialamera ka naman Miss Guevarra eh!" bulyaw ni Sabrina.
"Arrange your chairs now and get ready for our lesson," pautos kong sabi.
Hindi kumibo ang mga estudyante sa halip tiningnan lang nila ako ng masama. Alam ko na.
Hinihintay na naman ng mga ito ang utos ng kanilang lider. Tiningnan ko ng masama si Huxley at nagkatitigan kaming dalawa.
"Mr. Baltimore, remember na guidance ka pa kahapon. I guess, hindi mo gugustuhing ma guidance ulit," mahinahon ngunit mariin kong sabi.
"Wala ka na bang ibang maisip na ipantakot sa amin Miss Guevarra, kundi ang ipapa-guidance kami?" paismid na sabi ni Sabrina sabay na pinag-arko ang isa nitong kilay.
Hindi ko siya pinansin sa halip kinuha ko ang aking cellphone at pinindot ang video record. "From now on, lahat ng ginagawa niyo dito sa classroom ay makarecord na. I already told the principal about this and he agreed. So, once na may ginawa kayong kamalian dito, I'll make sure na makakarating ito sa guidance office."
Napatitig silang lahat sa akin. Nababasa ko ang pagkabahala sa kanilang mukha. Mayamaya, sumulyap silang lahat kay Huxley na para bang hinihintay ng mga ito ang sasabihin ng kanilang kinikilalang lider.
"At sa tingin mo ba, natatakot kami Miss Guevarra?" Boses ni Huxley ang aking narinig.
"Tama, hindi kami natatakot sa 'yo. Magrecord ka hangga't gusto mo. Gusto mo lang yatang magpapapel sa SH department eh," sabat naman ni Marco.
"Gusto mo lang magpasikat Miss Guevarra, para taasan ang sweldo mo. Kung 'yon lang ang gusto mo, eh kayang-kaya naman naming gawin 'yan, h'wag mo lang kaming pakialaman," ani ni Sabrina at nakasimangot pa ito.
"Hindi niyo alam ang sinasabi niyo. Hindi pera ang pinag-uusapan natin dito, kundi ang tumino kayo. Para lang naman sa inyo ang ginagawa ko," seryoso kong wika. Ngunit ang mga pasaway kong mga estudyante pinagtatawanan lang ako. Kahit nanggagalaiti na ako sa galit, sinikap ko pa ring kontrolin ang aking sarili, dahil teacher ako rito.
Nang magsimula na akong magturo, hindi ko inaasahan ang biglang pagtayo ni Huxley at mabilis na kinuha ang cellphone ko na inilagay sa stand.
"Marco, what are you doing?" sigaw ko sa kanya.
"Here. It's all gone. Deleted na ang video," nakangising wika nito, at nagsipakpalakpakan ang lahat.
"Ayos! You're the best talaga bro!" sambit ni Marco, at nag-aapiran ang dalawa.
Biglang kumulo ang dugo ko at nanginginig ako sa galit.
"You're stupid jerk, Huxley Baltimore! Ibigay mo sa akin ang cellphone ko!" sigaw ko sa kanya.
"Eh kung ayaw ko, may magagawa ka ba?"
"Huxley, I said give me back my phone!" pasigaw kong sabi.
"Para ano? Para makunan mo kami ng video? No way!" nang-uuyaw na saad nito. Talagang inubos na gagong ito ang pasensya ko. Hindi na talaga ako makakapagpigil at parang sasabog na ang puso ko sa galit lalo na't patuloy pa rin nila akong pinagtatawanan.
Napatiim-bagang ako habang nakakuyom ang aking mga kamay. Ano nga ba't nawalan ako ng kontrol sa aking sarili at mabilis kong nilapitan si Huxley. Isang malakas na suntok ang pinakawalan ko, at doon tumama sa kanyang mukha.
Nagulat ang lahat at hindi nakakibo.
Nang makita kong napangiwi si Huxley, inagaw ko ang aking cellphone mula sa kanya at mabilis akong lumabas ng classroom. Nanginginig ang buo kong katawan sa galit kaya kailangan ko munang umalis at baka tuluyan akong makalimot at mabugbog ko pa silang lahat.
Doon ako dumiretso sa faculty room at kailangan kong uminom ng tubig.
"Beshie, anong nangyari sa 'yo? Ba't namumula ka?" tanong sa akin ng kaibigan kong si Leslie. "Okay ka lang ba?"
Hindi ako sumagot at pasalampak lang akong umupo sa aking mesa.
"Dahil na naman sa mga estudyante mong pasaway sa ABM ano?" muling wika nito.
"Napakabastos nilang lahat," gigil kong sabi. "Kaya ayun, di na ako nakapagpigil at nasuntok ko sa mukha si Huxley Baltimore."
"Ano?" Nanlaki ang mga mata ni Leslie sa kanyang narinig. "Si Huxley 'kamo, sinuntok mo?"
"Eh, gago 'yon eh, kinuha ba naman ang cellphone ako at binura ang mga video recordings ko sa kanila. Actually, nagpaalam na ako kay sir Salcedo na ibi-video lahat ng kaganapan sa classroom namin at para naman matakot silang gumawa ng kabulastugan sa klase ko. Pero 'yong gagong Huxley na 'yon, masyado namang mapapel porke't siya raw ang lider sa classroom, kaya hindi ako nakapagpigil at nasuntok ko siya."
"Naku besh, hindi ako makapaniwalang nagawa mo 'yon. First time in history na may teacher na nanuntok ng estudyante," nakangiting wika niyto. "Alam mo namang napakayaman niyang si Huxley at ang mga magulang niya ang major stockholder nitong University na pinagtatrabahuan natin."
"Hindi ako natatakot sa kanya. At siguro naman hindi na ako makakasuhan ng child abuse dahil hindi na 'yon minor de edad, di ba?"
"Oo, pero—" Napabuntung-hininga ito. "Paano kung magsumbong 'yon sa mga magulang niya at paalisin ka rito?"
"Bago pa mangyari 'yon, uunahan ko na siya" seryoso kong wika.
"Anong binabalak mong gawin, besh?"
"Ipapatawag ko ang parents niya sa guidance office," wika ko, at kinuha ang aking cellphone.
"Akala siguro ng gagong 'yon, nabura na ang lahat ng recordings. Hindi niya alam na hindi lang cellphone ang ginamit ko kundi laptop ko rin."
"Naku, napaka-wise mo naman besh. Believe na talaga ako sa 'yo," nakangiti nitong wika at naghand salute pa sa akin.
"Baka akala siguro ng mga estudyanteng 'yon, uurungan ko sila. Hindi ako katulad ng ibang mga guro na bumahag ang buntot sa kanila. Well, papatunayan ko sa kanilang lahat lalo na sa Huxley na 'yon na kaya ko silang labanan lalo na't alam kong nasa katwiran ako."
"Tama yan besh, dapat matuto silang rumespeto sa atin na mga guro. Pero alam mo, sa totoo lang hindi ko kayang gawin 'yong ginawa mo kay Huxley eh," nakangiti nitong wika. "Hindi ko ma-imagine ang mukha nu'n pagkatapos mo siyang suntukin." At humagikgik ito ng tawa.
Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan ko na lamang na tuluyang humupa ang galit ko.
Makaraan ang ilang sandali, bigla naman akong nakaramdam ng guilt sa aking puso. Hindi ko alam kung bakit naawa naman ako sa Huxley na 'yon. Alam kong masakit ang pagkasuntok ko sa kanya. Palagi kasi akong nagsasanay tuwing umaga dahil may punching bag ako sa bahay namin.
"Yon ang nararapat sa kanya," sabi ng isip ko.
Mayamaya lumabas na ako ng faculty room upang magtungo sa guidance office.
HUXLEYHindi ko inaasahan ang malakas na pagsuntok sa akin ni Miss Guevarra. Kung hindi nga lang babae, sarap talagang patulan."Bro, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Marco nu'ng hapong lumabas kami sa school campus. Ang tapang pala ng Jenine na 'yon noh at nagawa pa niyang suntukin ka.""So ano hahayaan mo na lang ba 'yon?" tanong ulit nito."Nope. Kilala mo naman ako Marco. Hindi naman ako patatalo, kaya gagantihan ko siya," seryoso kong sabi. "Anong binabalak mo? Susuntukin mo rin 'yon, ganu'n?""Hindi. Basta," matipid kong sagot.Nang makauwi na ako ng bahay, dumiretso lang ako sa kwarto, Alas sais pa naman ng gabi at wala pa sila mommy at daddy. Lalo naman si kuya Harvey. Kadalasan, umuuwi 'yon ng madaling araw. But never naman nagreklamo ang parents ko. Pero sa akin, kapag inumaga ako ng uwi, naku, sangkatutak na sermon naman ang laging inabot ko. And worst, sinasaktan pa ako ni daddy. Kaya 'yong suntok sa akin ni Miss Guevarra, wala 'yon sa akin. Nasaling lang ang pride k
JENINENasa labas na ako ng pintuan ng guidance office nang bigla naman akong nag-aatubiling pumasok. Siguro hihintayin ko na lamang na magreklamo si Huxley sa ginawa kong pagsuntok sa kanya, tutal naman at may video record ako sa pinagagawa nu'n at ng mga kaklase niya.Bumalik na lamang ako ng faculty room. Bukas na ako papasok sa klase at baka muli na naman akong ma high blood sa mga estudyante kong pasaway. Kinagabihan sa bahay, habang busy ako sa paghahanda ng aking Powerpoint Presentation, bigla akong nakatanggap ng tawag mula kay Huxley. Hindi ko nga alam kung saan niya nakuha ang number ko. "Tumawag ako Miss Guevarra dahil gusto kong humingi ng tawad sa inasal ko at ng aking mga kaklase kanina," wika nito.Actually, hindi lang naman kanina, sabi ng isip ko. Ngunit hindi ko na lamang isinaboses 'yon at naghihintay na lamang ako kung ano pa ang sasabihin niya."Ano namang pumasok sa kukute mo at humingi ka ng paumanhin? Baka naman may iba kang plano, Huxley?" sabi kong ganu'n.
HUXLEY"Ang galing talaga ng plano mo bro!" nakatawang sabi ni Marco, habang nasa kotse kami. "Paniwalang-paniwala mo si Miss Guevarra na talagang nagbabago na tayo. "Oo nga. Ang bilis lang palang papaniwalain 'yong babae na 'yon eh. Aba'y siya lang ang nakasuntok sa akin kaya nasaling naman ang pride ko du'n. Buti nalang at nakapagpigil pa ako, kund hindi, baka pinatulan ko na siya," wika ko naman at patuloy na nakatuon ang paningin sa pagmamaneho."Hays, kawawang Jenine. Kung ba't pa kasi isang Huxley Baltimore ang binangga niya," pahayag ni Marco. "By the way, ex-girlfriend 'kamo ng kuya mo 'yon si Miss Guevarra?""Yon ang sabi ni kuya.""Well, maganda naman siya kaya lang, old-fashioned naman," sagot nito. "Pero dude, ba't parang tingin ng tingin ka sa kanya kanina?""Ha? Ako? Uhm, s'yempre naman. Eh di ba, ang plano ko, I'll make her fall for me?""Okay. Pero baka ikaw ang ma-fall sa kanya ha." At tumawa ito ng malakas."Gago, sapakin kita d'yan eh," napipikon kong sabi. Never na
HUXLEYPanibagong araw sa eskwela. Nakakabwisit naman, at kailangan ko talagang magsuot ng uniform namin sa ABM buong araw. Hindi naman ako komportable dito, pero kailangan namang sundin 'yong Miss Guevarra na 'yon at bahagi ito ng plano namin ng mga kaklase ko."Shit! Masyadong pormal, kainis naman!" pagmumura ko habang nakaharap ako sa malaking salamin sa kwarto ko."May araw ka rin sa aking babae ka," muli kong wika. Para akong baliw na kinakausap ang sarili ko. Makaraan ang ilang minuto, lumabas na ako ng kwarto at kailangan ko ng makaalis ng bahay. "Oh, Huxley, hindi ka man lang ba kakain?" Narinig ko ang boses ni Mommy. Naroon na pala silang tatlo sa dining table at nakita nila ako."Uhm, hindi na Mom, nagmamadali ako eh," mabilis na tugon ko."Aba, himala naman at nagususuot ka na ng uniporme." Boses na naman ng daddy ko ang aking narinig. "Sana tuluyan ka na talagang magpakatino, at marami ng nasayang na panahon sa 'yo.""Alis na ako, dad, mom, kuya," paalam ko sa kanila. Ay
HUXLEYHindi ko alam kung anong nakain ni Miss Guevarra at bakit ako pa ang napili na magiging contestant sa Individual Quiz. Nakakainis talaga. Napasubo na naman ako. At bakit hindi naman ako tumanggi kanina?Pasado alas onse na ng gabi, ngunit ayaw pa rin akong dalawin ng antok. Laging nagpa-flash sa aking isipan ang mukha ni Miss Guevarra."Huxley, Huxley.. Umayos ka. H'wag mong sabihin na attracted ka sa teacher mong 'yon?""Stick to your plan, Huxley." Para akong baliw na kinakausap ang aking sarili. Bumangon ako sa higaan at nagtungo sa fridge para kumuha ng maiinom. Hindi ko akalain na naroon pala si Kuya sa sala, kasama ang isang babae, at masayang naglalampungan ang dalawa."Oh, bro, hindi ka pa pala natutulog?" tanong niya sa akin nang mapadaan ako sa kanila."Nope. Hindi pa ako inaantok kuya," sagot ko naman habang napasulyap sa babaeng kasama ng kapatid ko. Sa isip ko, sino na naman kaya 'to? Panibagong ka-fling na naman ng kuya ko. Nang makabalik na ako ng kwarto, muli a
HUXLEYDumating na ang Foundation Day namin. Lahat kami masaya, dahil syempre wala na namang klase. Pero kinakabahan ako dahil mayamaya, sasabak na ako sa Individual Quiz. Sampu kaming contestants sa Grade 12 under ABM strand. At inaamin ko it's my first time na sasali ako sa contest. Kung hindi nga lang sa plano ko kay Miss Guevarra, never akong papayag na maging representative sa section namin. "Bro, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Marco, nang mapansin niyang hindi ako mapakali."Oo nga naman love. Kanina ka pa parang kinakabahan. Relax lang," sabat naman ni Sabrina. "Ninerbyos lang ako. Kasi pagkatapos nitong opening program, susunod na ang Individual Quiz," wika ko."Sisiw naman 'yan sa 'yo eh. 'Kaw pa," nakangiting saad ni Marco sabay tapik sa aking balikat.Makaraan ang ilang saglit, tinawag na lahat ng mga contestants na maupo na sa harapan. "Huxley, goodluck," wika ni Miss Guevarra."Eh ma'am, kinakabahan ako eh.""Relax lang Huxley, nagreview naman tayo di ba? Kaya mo
JENINENag-tie ang score ni Huxley at ng contestant number one kaya kailangan ng clincher question. Babae ang kalaban niya at balita ko, ito ang top 1 student sa buong strand ng ABM. Pero may kumpyansa naman ako kay Huxley na siya talaga ang mananalo.Nang mapatingin siya sa kinaroroonan ko, ngumiti lang ako sa kanya at nag-thumbs up. Ngunit hindi ko namang maiwasang kabahan habang ibinigay ng Quiz Master ang clincher question. Parang ako ang sumabak sa contest dahil hindi rin ako mapalagay, at nu'ng nahuli si Huxley sa pagpindot ng buzzer, doon na ako mas lalong kinabahan."Diyos ko, " usal ko sa sarili habang nag-aantay sa sagot ng contestant number one. But I sighed in relief when she did not get the correct answer. Ibig sabihin may chance pa si Huxley na sumagot. "Since hindi nakakuha ng tamang sagot ang contestant number one, it means you have the chance to answer the question," ani ng Quiz Master. "Now, I'll repeat the question for you, Huxley. What is the statement of cash fl
JENINEMakalipas ang ilang minuto at nasa tapat na kami sa gate ng mansyon na pagmamay-ari ng pamilya ni Huxley."Here we are," wika ng lalaki saka bumaba at binuksan ang pintuan ng passenger seat at back seat. "Naku, napakalaki pala talaga ng bahay niyo, Huxley!" bulalas ni Leslie. "At napakaganda pa."Tahimik lang ako habang papasok kami sa loob. Mas lalo akong namangha sa laki at lawak ng kanilang bahay. Halos wala man lang sa kalingkingan nito ang buong bahay namin sa Sampaloc. Maayos ang disenyo sa labas maging sa loob at lahat ng mga kagamitan ay puro mamahalin.Masaya kaming sinalubong ng ina ni Huxley."Hello Miss Guevarra, mabuti naman at nakarating kayo," anito saka iginiya kami at pinaupo sa malambot na sofa bed.Mayamaya'y nagsipagdatingan na ang mga estudyante ko, kaya sinimulan na namin ang celebration. Maraming pagkain ang nakahain sa mesa. Sa isip ko, iba na talaga pag mayaman. Isang tawag lang, nandyan na kaagad."Oh sige kakain na tayo. Feel at home," nakangiting wi
HUXLEYLast five seconds nalang at nai-shoot ko ang bola mula sa three-point field goal. Nakita kong naghiyawan ang mga taong nanonood. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko ang three-point shots. Nang maideklara ang pagkapanalo namin laban sa STEM strand, lakad-takbo akong nilapitan ng aking teammates, at binuhat ako at inikot-ikot sa ere."Ayos bro, ang galing mo talaga. I'm sure ikaw ulit ang tatanghaling MVP sa taong ito," ani ni Marco at nakipag-apiran sa akin. Sumunod ding nakikipag high-five ang iba ko pang kasamahan.Mayamaya'y lumapit ang mga kaklase ko, ngunit laking gulat ko naman nang bigla akong halikan ni Sabrina."Love, congratulations, the best ka talaga!" sambit nito. Naghiyawan naman ang mga kaklase ko na halatang nanunukso lang sa amin. Alam naman nilang wala akong gusto kay Sabrina, pero ni-rereto pa rin nila kaming dalawa."Si Miss Guevarra? Nakita niyo ba siya?" tanong ko."At bakit mo naman siya hinahanap, love? Aba nakakahalata na ako ha," nakasimangot na wika ni
JENINE"O ano beshie, ba't nandito ka pa?" sabi sa akin ni Leslie nang makita niyang nasa loob pa ako ng faculty room. "Di ba schedule ngayon ng laro nina Huxley?""Yup. Pero parang hindi ko naman feel pumunta besh eh. Marami kasi talagang tao ngayon sa gym, alam mo naman ako, may pagka introvert.""Pero tiyak na hahanapin ka ng mga estudyante mo beshie. S'yempre, adviser ka nila kaya, kailangan mo ring ipakita ang suporta mo sa kanila," pagpapaliwanag nito. "Pumunta ka na. At nagsisimula na ngayon ang laro."Tumango na lamang ako. Tama nga naman si Leslie, kailangan kong ipakita ang suporta ko sa aking mga estudyante para mas lalo ko pang makuha ang loob nila. "Ikaw besh, hindi ka ba sasama sa akin?" tanong ko."Hay naku, dito na lang ako besh. Alam mo namang wala akong kahilig-hilig manood d'yan sa basketball na 'yan eh.""Oh sige, maiwan na kita besh," paalam ko sa kanya at pagkatapos lumabas na ako ng faculty room.Hindi naman malayo ang gym ng De la Salle mula sa faculty room na
HUXLEYHindi ko inaakala na magkaroon pala talaga kami ng celebration sa bahay. Akala ko sa labas lang kami magse-celebrate kasama ng mga kaibigan ko, pero nag order si Mommy ng pagkain. For the first time in my life ngayon ko lang siya nakitang natutuwa sa akin. Masaya naman ako dahil kasama ko sa celebration ang mga kaklase ko at si Miss Guevarra. Personal siyang inimbita ni Mommy kaya siya nandito. Ngunit nang dumating si kuya Harvey bigla nalang nagbago ang mood ko lalo na nu'ng tanungin niya si Miss Guevarra kung nagkakaboyfriend na raw ba ito ulit. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng konting selos nang mapansin kong titig na titig ang kuya ko kay Miss Guevarra. Di kaya mahal pa niya ito hanggang ngayon?Buti na lang at hindi na gaanong nagtagal ang kanilang pag-uusap at tumuloy na si kuya sa kwarto niya. Makalipas ang ilang sandali at nagpaalam na si Miss Guevarra na uuwi na sila. Pinapahatid ko na lamang sila sa driver namin kasi hindi ko rin naman maiwan ang mga kaklas