HUXLEY
Matalim akong tiningnan ni daddy habang nasa loob ako ng guidance office. Samantalang si mommy naman ay hindi rin maipinta ang mukha dahil sa pagkadismaya na naman sa akin. Ilang ulit na rin kasi silang pinapatawag sa guidance office. Well, kasalanan din naman 'yon ng administration. Kung istrikto lang sana sila sa pagpapataw ng disciplinary action, 'di sana lumaki ang ulo namin ng mga kaklase ko.
Hays, tiyak na sangkatutak na sermon na naman ang aabutin ko nito pag-uwi ko ng bahay. At ang pinaka-worst pa, ikukumpara na naman ako ni daddy kay kuya Harvey. Kaya iisipin ko pa lang ang ganu'n, naba-bad trip na ako. Paglabas ko ng guidance, tuluyan na talaga akong nawala sa mood at lumilipad na ang isip ko kahit saan.
"Buti naman bro, at nandito ka na. Ikaw lang naman ang makakaligtas sa akin eh," narinig kong sabi ni Marco ngunit hindi ko siya pinansin. Pagkatapos narinig kong sabi ni Miss Guevarra na ipapa-guidance kaming lahat kung walang aamin tungkol doon sa ibinatong chewing gum sa slacks niya.
"Mag-sorry ka na lang kasi Marco. Ayaw ko ng ma guidance pa eh," sabi ng isa naming kaklase. Sumunod naman iyong iba hanggang sa nagkakaisa na ang lahat.
Napatingin ako kay Marco, at dahil nga bad mood ako, nakita niya ang pagsalubong ng mga kilay ko. S'yempre kagagaling ko lang naman sa guidance office, tapos ngayon, maga-guidance na naman?
"Sorry, Miss Guevarra. Hindi ko sinasadya," wika ni Marco. Alam ko naman na hindi ito seryoso sa paghingi ng sorry. Ginawa lang niya 'yon, para hindi kami magalit sa kanya.
"Just don't do it again, Marco," sabi ng teacher namin habang matalim nitong tiningnan ang kaibigan ko. For the first time, narinig kong nag sorry si Marco. Kahit sabihin mang hindi ito seryoso sa sinabi niya, pero unang beses ko siyang narinig na nag-sorry. Kakaiba din itong bagong adviser namin, challenging, sa isip ko. Mukhang hindi ito takot sa amin or baka sa umpisa lang ito nag tigas-tigasan . Baka sa susunod na araw, bigla na lang itong mag quit sa section namin dahil hindi na niya makayanan pa ang stress.
Nang matapos na ang klase, gaya ng dati naming nakasanayan, doon kami tumambay sa may bench malapit sa gate ng paaralan. Mas gusto naming tinitingnan ang bawat estudyanteng dumaraan doon at kung merong mapagtripan, eh di 'yon na. Makaraan ang ilang saglit, nakita kong papalabas na si Miss Guevarra at ang kasama niyang teacher. Nang matapat sila sa kinaroroonan namin, bigla kong narinig si Marco. "Siguro naman cher, wala ka ng second day sa amin!" Sabay na nagkatawanan ang mga kaklase ko, ngunit nanatili lang akong walang kibo. At nang sumabat si Sabrina ay saka naman sumagot si Miss Guevarra. Talagang palaban nga ito. Well, let us see kung hanggang saan ang kaya niya.
Sakay ng aking kotse, nilisan ko ang De La Salle at binaybay ang daan pauwi. Hindi na ako sumama pa sa kanila ni Marco na gumala, kasi baka tuluyan akong magiging grounded sa bahay. Palilipasin ko na lang muna ang galit ng mga magulang ko saka ako gumimik sa labas.
Pagkapasok ko pa lang sa pintuan ng bahay ay kaagad ko ng naririnig ang sermon ng mommy ko.
"Hindi ka na ba talaga titino Huxley? Nagsasayang ka lang talaga ng panahon! Kung naging matino ka lang sana, eh di malapit ka ng grumadweyt ngayon ng College!"
Nagtuloy-tuloy lang ako sa kwarto at hindi pinansin ang sinasabi ni mommy, ngunit bigla namang sumabat si daddy. At dito na ako, tuluyang na bad-trip.
"Wala ka ba talagang pangarap sa buhay mo?"
"Kapag hindi ka pa rin makakagraduate ng Senior High sa taong ito, hindi na kita papag-aralin pa!" galit na wika ni daddy.
"Kung bakit hindi mo na lang kasi tularan ang kuya mo!" bulyaw ni mommy.
Sinabi ko na nga ba eh. Ikukumpara na naman ako kay kuya Harvey. Wala ng ibang magaling kundi si kuya. Kahit ilang beses naman itong nag-uuwi ng babae sa bahay, eh talagang bilib na bilib pa rin ang mga magulang ko sa kanya.
Bad trip talaga!
Dahil sa hindi ko na matitiis ang sermon nila sa akin, nagtuloy na lang ako sa kwarto. Na bad trip na talaga ako, at wala na akong ganang kumain pa. Naisip ko, ano kaya kung maglayas ako? Pero paano naman kung i-freeze nila 'yong credit cards ko? Saan naman ako pupulutin?
Pasalampak akong humiga sa kama at nagpatugtog sa bluetooth speaker. Ayaw ko na talaga dito sa bahay. Kaya lang sa ngayon, no choice ako.
******
Maaga akong nagising kinabukasan dahil nag ring 'yong alarm clock ko. Sinadya ko talagang gumising ng maaga, para maaga din akong makaalis papuntang school. Ayaw kong nakakasabay sina daddy sa pagkain, at baka sermon ulit ang almusal ko. Bumangon ako at naligo kaagad. Matapos kong makapagbihis, lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa kusina kasi kumakalam na talaga ang sikmura ko. Hindi ako kumain kagabi kaya nagugutom na talaga ako.
Dahil ayaw kong maabutan nina daddy, nagmamadali akong umalis ng bahay matapos kong makapag-almusal. Naisip ko, gigising pala ako ng maaga para hindi na nila ako maabutan sa bahay.
Pasado alas syete pa nang dumating ako sa La Salle. Sa unang pagkakataon, hindi ako nali-late. Kadalasan naman mga ten o clock ako nakakapasok ng klase. I'm sure hindi pa dumating ang mga kaklase ko kasi palagi ding late ang mga 'yon, lalo na si Marco.
Habang abala ako sa pagpindot ng aking cellphone kasi nagchat ako kay Marco, biglang may babae akong nakabangga.
"Clumsy!" sambit ko.
"Huxley?"
"Cher, ikaw pala. See you around," nakangiti kong sabi. Samantalang siya naman ay nakasimangot lamang habang patuloy sa paglalakad. But I find her cute. Tsk.
Pagkapasok ko sa room, ay agad naman akong binati ng iilan sa mga kaklase ko. Mga sampu pa lang kaming naroon including Sabrina.
"Hi love, ba't ang aga mo yata ngayon?" wika ni Sabrina at akmang hahalikan ako, ngunit mabilis akong nakaiwas.
Ewan ko nga ba, ba't ayaw ko sa kanya. Maganda naman ito at sexy. Isa pa, nakakasama ko siya sa mga gala. Alam kong malaki ang gusto nito sa akin, pero ako, ni katiting ay wala. Never pa akong nagkaroon ng seryosong relasyon, madali kasi akong magsawa eh.
Mayamaya'y nagsipagdatingan na ang iba ko pang mga kaklase.
"Hi bro, okay ka na ba?" bati sa akin ni Marco saka ito nakikipag high-five.
"Hindi na masyadong bad trip. Pero kung hindi ako gumising ng maaga, baka hanggang ngayon bad trip pa rin ako. Alam mo naman doon sa bahay, halos hindi nagsasawa sa kaka-sermon sa akin.
"Oo nga pala, ba't naman maaga tayong lahat?" nakangiti kong sabi.
"Aba s'yempre, excited sa second day ni Miss Guevarra," tumatawang sambit ni Marco.
JENINEAs usual, pagkapasok ko pa lang ay sumalubong na kaagad sa akin ang napakaingay at napakagulong classroom."Welcome to Hell Section cher!" sabay-sabay na sambit ng lahat habang nagsasayaw sa gitna."That's enough! Magsitigil na kayong lahat!" wika ko.Ngunit tila wala naman silang naririnig at nagpatuloy lang sa kanilang ginagawa. Inilibot ko ang aking paningin at hinanap ang kinalalagyan ng bluetooth speaker.Hindi ko ito makita kaya alam kong itinago nila ito. Mga pasaway talaga. Narinig ko ang malakas na pagtawa nila na parang nais ipamukha sa akin na wala talaga akong magagawa para patigilin sila.Napatingin ako sa kinaroroonan ni Huxley. Ngumisi lang ito na parang nanghahamon. Sa isip ko kung lalabas ako ng classroom, marahil iisipin ng mga ito na talo na ako. Kaya kailangan ko talagang mahanap ang speaker. Pinakiramdaman ko ng mabuti kung saan nanggaling ang tunog at nang matiyak kong doon ito nanggaling sa isang cabinet at tinakpan lang ng tela para hindi ko makita, agad
HUXLEYHindi ko inaasahan ang malakas na pagsuntok sa akin ni Miss Guevarra. Kung hindi nga lang babae, sarap talagang patulan."Bro, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Marco nu'ng hapong lumabas kami sa school campus. Ang tapang pala ng Jenine na 'yon noh at nagawa pa niyang suntukin ka.""So ano hahayaan mo na lang ba 'yon?" tanong ulit nito."Nope. Kilala mo naman ako Marco. Hindi naman ako patatalo, kaya gagantihan ko siya," seryoso kong sabi. "Anong binabalak mo? Susuntukin mo rin 'yon, ganu'n?""Hindi. Basta," matipid kong sagot.Nang makauwi na ako ng bahay, dumiretso lang ako sa kwarto, Alas sais pa naman ng gabi at wala pa sila mommy at daddy. Lalo naman si kuya Harvey. Kadalasan, umuuwi 'yon ng madaling araw. But never naman nagreklamo ang parents ko. Pero sa akin, kapag inumaga ako ng uwi, naku, sangkatutak na sermon naman ang laging inabot ko. And worst, sinasaktan pa ako ni daddy. Kaya 'yong suntok sa akin ni Miss Guevarra, wala 'yon sa akin. Nasaling lang ang pride k
JENINENasa labas na ako ng pintuan ng guidance office nang bigla naman akong nag-aatubiling pumasok. Siguro hihintayin ko na lamang na magreklamo si Huxley sa ginawa kong pagsuntok sa kanya, tutal naman at may video record ako sa pinagagawa nu'n at ng mga kaklase niya.Bumalik na lamang ako ng faculty room. Bukas na ako papasok sa klase at baka muli na naman akong ma high blood sa mga estudyante kong pasaway. Kinagabihan sa bahay, habang busy ako sa paghahanda ng aking Powerpoint Presentation, bigla akong nakatanggap ng tawag mula kay Huxley. Hindi ko nga alam kung saan niya nakuha ang number ko. "Tumawag ako Miss Guevarra dahil gusto kong humingi ng tawad sa inasal ko at ng aking mga kaklase kanina," wika nito.Actually, hindi lang naman kanina, sabi ng isip ko. Ngunit hindi ko na lamang isinaboses 'yon at naghihintay na lamang ako kung ano pa ang sasabihin niya."Ano namang pumasok sa kukute mo at humingi ka ng paumanhin? Baka naman may iba kang plano, Huxley?" sabi kong ganu'n.
HUXLEY"Ang galing talaga ng plano mo bro!" nakatawang sabi ni Marco, habang nasa kotse kami. "Paniwalang-paniwala mo si Miss Guevarra na talagang nagbabago na tayo. "Oo nga. Ang bilis lang palang papaniwalain 'yong babae na 'yon eh. Aba'y siya lang ang nakasuntok sa akin kaya nasaling naman ang pride ko du'n. Buti nalang at nakapagpigil pa ako, kund hindi, baka pinatulan ko na siya," wika ko naman at patuloy na nakatuon ang paningin sa pagmamaneho."Hays, kawawang Jenine. Kung ba't pa kasi isang Huxley Baltimore ang binangga niya," pahayag ni Marco. "By the way, ex-girlfriend 'kamo ng kuya mo 'yon si Miss Guevarra?""Yon ang sabi ni kuya.""Well, maganda naman siya kaya lang, old-fashioned naman," sagot nito. "Pero dude, ba't parang tingin ng tingin ka sa kanya kanina?""Ha? Ako? Uhm, s'yempre naman. Eh di ba, ang plano ko, I'll make her fall for me?""Okay. Pero baka ikaw ang ma-fall sa kanya ha." At tumawa ito ng malakas."Gago, sapakin kita d'yan eh," napipikon kong sabi. Never na
HUXLEYPanibagong araw sa eskwela. Nakakabwisit naman, at kailangan ko talagang magsuot ng uniform namin sa ABM buong araw. Hindi naman ako komportable dito, pero kailangan namang sundin 'yong Miss Guevarra na 'yon at bahagi ito ng plano namin ng mga kaklase ko."Shit! Masyadong pormal, kainis naman!" pagmumura ko habang nakaharap ako sa malaking salamin sa kwarto ko."May araw ka rin sa aking babae ka," muli kong wika. Para akong baliw na kinakausap ang sarili ko. Makaraan ang ilang minuto, lumabas na ako ng kwarto at kailangan ko ng makaalis ng bahay. "Oh, Huxley, hindi ka man lang ba kakain?" Narinig ko ang boses ni Mommy. Naroon na pala silang tatlo sa dining table at nakita nila ako."Uhm, hindi na Mom, nagmamadali ako eh," mabilis na tugon ko."Aba, himala naman at nagususuot ka na ng uniporme." Boses na naman ng daddy ko ang aking narinig. "Sana tuluyan ka na talagang magpakatino, at marami ng nasayang na panahon sa 'yo.""Alis na ako, dad, mom, kuya," paalam ko sa kanila. Ay
HUXLEYHindi ko alam kung anong nakain ni Miss Guevarra at bakit ako pa ang napili na magiging contestant sa Individual Quiz. Nakakainis talaga. Napasubo na naman ako. At bakit hindi naman ako tumanggi kanina?Pasado alas onse na ng gabi, ngunit ayaw pa rin akong dalawin ng antok. Laging nagpa-flash sa aking isipan ang mukha ni Miss Guevarra."Huxley, Huxley.. Umayos ka. H'wag mong sabihin na attracted ka sa teacher mong 'yon?""Stick to your plan, Huxley." Para akong baliw na kinakausap ang aking sarili. Bumangon ako sa higaan at nagtungo sa fridge para kumuha ng maiinom. Hindi ko akalain na naroon pala si Kuya sa sala, kasama ang isang babae, at masayang naglalampungan ang dalawa."Oh, bro, hindi ka pa pala natutulog?" tanong niya sa akin nang mapadaan ako sa kanila."Nope. Hindi pa ako inaantok kuya," sagot ko naman habang napasulyap sa babaeng kasama ng kapatid ko. Sa isip ko, sino na naman kaya 'to? Panibagong ka-fling na naman ng kuya ko. Nang makabalik na ako ng kwarto, muli a
HUXLEYDumating na ang Foundation Day namin. Lahat kami masaya, dahil syempre wala na namang klase. Pero kinakabahan ako dahil mayamaya, sasabak na ako sa Individual Quiz. Sampu kaming contestants sa Grade 12 under ABM strand. At inaamin ko it's my first time na sasali ako sa contest. Kung hindi nga lang sa plano ko kay Miss Guevarra, never akong papayag na maging representative sa section namin. "Bro, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Marco, nang mapansin niyang hindi ako mapakali."Oo nga naman love. Kanina ka pa parang kinakabahan. Relax lang," sabat naman ni Sabrina. "Ninerbyos lang ako. Kasi pagkatapos nitong opening program, susunod na ang Individual Quiz," wika ko."Sisiw naman 'yan sa 'yo eh. 'Kaw pa," nakangiting saad ni Marco sabay tapik sa aking balikat.Makaraan ang ilang saglit, tinawag na lahat ng mga contestants na maupo na sa harapan. "Huxley, goodluck," wika ni Miss Guevarra."Eh ma'am, kinakabahan ako eh.""Relax lang Huxley, nagreview naman tayo di ba? Kaya mo
JENINENag-tie ang score ni Huxley at ng contestant number one kaya kailangan ng clincher question. Babae ang kalaban niya at balita ko, ito ang top 1 student sa buong strand ng ABM. Pero may kumpyansa naman ako kay Huxley na siya talaga ang mananalo.Nang mapatingin siya sa kinaroroonan ko, ngumiti lang ako sa kanya at nag-thumbs up. Ngunit hindi ko namang maiwasang kabahan habang ibinigay ng Quiz Master ang clincher question. Parang ako ang sumabak sa contest dahil hindi rin ako mapalagay, at nu'ng nahuli si Huxley sa pagpindot ng buzzer, doon na ako mas lalong kinabahan."Diyos ko, " usal ko sa sarili habang nag-aantay sa sagot ng contestant number one. But I sighed in relief when she did not get the correct answer. Ibig sabihin may chance pa si Huxley na sumagot. "Since hindi nakakuha ng tamang sagot ang contestant number one, it means you have the chance to answer the question," ani ng Quiz Master. "Now, I'll repeat the question for you, Huxley. What is the statement of cash fl
HUXLEYNang sumunod na mga araw, pinapatawag kaming lahat ng school admin. Ngayon daw kami iinterbyuhin ng University President at ng governing body ng De la Salle. For the first time, kinakabahan ako, hindi para sa aking sarili kundi para kay Miss Guevarra. Habang papunta kami sa conference room, bigla akong kinausap ni Marco sabay tapik sa aking balikat. "Bro, okay ka lang ba? Galit ka pa ba sa amin?"Hindi ako umimik. Patuloy lang ako sa paglalakad, samantalang nakasunod naman sila sa akin."Bro, h'wag ka ng magalit," muling wika ni Marco. "Ang importante naman sa amin ay ang friendship natin at pinagsamahan. Hindi namin hahayaan na masira 'yon dahil lang kay—""Shut up!" Hindi ko na pinatapos pa si Marco sa gusto niyang sabihin at binara ko na kaagad siya.Pagdating namin sa conference room, mas lalong kumabog ng malakas ang dibdib ko lalo na nang magkasalubong ang tingin namin ni Miss Guevarra."Please take your seats, on the left side," wika ng SH principal na si Mr. Salcedo.
HUXLEYWala na akong nagawa kundi ang umalis na lamang. Ayaw ng makipag-usap ni Miss Guevarra sa akin, at hindi ko naman siya masisisi dahil worst nga ang ginawa ng section namin. At kahit hindi sa akin nanggaling ang ideya na magfile kami ng petition laban sa kanya, I am still part of it, kasi mga kaklase ko sila at sa akin nag-umpisa ang lahat. Ako ang nagsabing bahala na sila kung anong gawin nila kay Miss Guevarra, pero dala lang 'yon ng matinding selos ko, dahil magkasama sila ni kuya Harvey nung time na 'yon. At hindi ko maiwasang mag-overthink sa posibilidad na maaring magkabalikan sila ni kuya.Nang makabalik na ako ng kotse, saglit akong napapikit, ngunit mukha ni Miss Guevarra ang nakikita ko. Malungkot at puno ng galit ang mga mata niya. Masakit, parang pinipiga ang puso ko at halos hindi ako makahinga. Bigla ko na lamang naramdaman ang mainit na likido sa gilid ng aking mga mata. "God! What have I done?" usal ko sa aking sarili. Nasaktan ko ang isang taong walang ibang gi
JENINEParang binagsakan ako ng langit at lupa nang marinig ko ang pinag-uusapan ng mga estudyante ko. Matapos ko silang komprontahin, mabilis akong lumabas ng classroom dahil parang sasabog na ang puso ko sa sobrang sakit.Hindi ko na napigilan ang mga luha ko habang pababa ako ng hagdan. Hindi ko alam kung may nakakita sa akin basta wala na akong pakialam. Sobrang sakit ng ginawa nila sa akin.At si Huxley..Hindi ko inasahang magagawa niya sa akin 'to. Akala ko totoong mahal niya ako. Mahal ko pa naman siya, at kung hindi lang dahil sa trabaho ko, sinagot ko na sana siya. Buti nalang din at kung hindi, mas lalo akong masasaktan dahil balak niya lang pala na paibigin ako."I hate you Huxley.." bulong ko sa aking sarili.Instead na dumiretso ako sa faculty room, sa ladies" room ako pumunta. At doon ako umiyak ng umiyak. Buti nalang at ako lang mag-isa doon kaya malaya kong nailalabas ang sama ng loob ko.Mayamaya, tumunog ang cellphone ko at si Leslie ang tumatawag. Siguro nagtataka
HUXLEYMakaraan ang dalawang araw na pagliban ko sa klase, pumasok na ulit ako sa school. Matapos kasi ang hangout namin ng mga kaklase ko nu'ng isang araw, tinanghali kami ng gising. Sobrang lasing kami nu'n kaya sa private rooms ng bar na lang kami natulog. Nagkasundo kaming lahat na h'wag ng pumasok sa klase at nagpahinga nalang kami buong araw. I turned off my phone para walang istorbo. At hindi lang 'yon, umabsent pa ako kahapon dala na rin ng sama ng loob ko kay Miss Guevarra. Pucha. Kinailangan ko pa talagang magsinungaling kay kuya na masama ang pakiramdam ko nang tanungin niya ako kung ba't di ako pumasok. Buti nalang din at hindi niya napansin ang sugat sa kamay ko gawa ng pagsuntok ko sa pader nu'ng nakaraan. Kung hindi ko lang inisip na ga-graduate ako this year, ayaw ko na talagang pumunta pa ng school. Ayaw kong makita si Miss Guevarra. Pero tiyak na malilintikan naman ako nila Mommy kapag nalaman nilang lumiliban na naman ako sa klase.Tsk. "Kumusta na kaya si Miss G
JENINEPag-uwi ko ng bahay, naabutan ko si Nanay Milagros na nakaupo sa lumang sofa sa sala, nakatutok sa telebisyon habang hawak ang tasa ng salabat. Maliit lang ang bahay namin—may sira na sa kisame at mga pintura sa dingding na nagsimula nang magkupas—pero ito ang aming tahanan, at kahit papaano, may init itong dala sa tuwing umuuwi ako galing sa trabaho. "Mano po, Nay," magalang na bati ko.Napatingin siya sa akin, at isang ngiti ang gumuhit sa kanyang mga mata. “O anak, ba’t ang aga mo?” tanong niya at tiningnan ang relong nakasabit sa dingding. “Alas tres pa lang naman ah. Wala ba kayong pasok?"“Uhm... ano po Nay, nag-undertime ako, kasi masama po ang aking pakiramdam," sabi ko at pinilit na ngumiti.Hindi ko kayang ikwento ang totoo—na pinatawag ako sa opisina ni Mr. Salcedo, at subject for suspension ako ng tatlong araw. At kung hindi maresolba ang isyu, tiyak na mawawalan ako ng trabaho. Hindi ko pa kayang iparamdam sa kanya ang bigat na iyon, at baka mag-alala pa siya.Ma
JENINEKinabukasan, maaga kaming pumasok ni Leslie sa school. Kahit wala naman akong gaanong tulog kagabi at medyo masama ang pakiramdam ko, ngunit 'di ako p'wedeng umabsent. No work, no pay kasi kami, kaya sayang naman kung mababawasan ang sweldo ko."Sana nga lang nand'yan na ang mga estudyante mo noh? At kung wala pa rin, ipa-guidance mo na kaagad beshie," pahabol na sabi ni Leslie, bago ako lumabas ng faculty room.Muli na naman akong kinakabahan habang binaybay ko ang daan papunta sa SH building. Nang tumapat na ako sa classroom nina Huxley, dahan-dahan kong pinihit ang doorknob, at bumungad sa akin ang napakaingay at magulong silid-aralan. "Diyos ko," usal ko sa aking sarili. "Anong nangyayari sa mga estudyante ko? Bakit bumalik sa dati ang maingay na senaryong naabutan ko nu'ng unang araw ko sa section nila?"Isa-isa ko silang tiningnan, at bumabalik na talaga sa dati ang mga asal nila. Magulo ang classroom, hindi naka-arrange ang mga upuan at saka maingay dahil sa napakalakas
JENINEEnsaktong 7:30 ng umaga ako umalis ng faculty room, at nagtungo sa SH building. Magsisimula kasi ang klase ko ng 7:40 kaya kailangang nandu'n na ako ahead of time. Hindi ko alam kung bakit naman bigla akong kinabahan.Hindi naman gaanong malayo ang building ng Senior High mula sa faculty room namin kaya, wala pang fifteen minutes nasa tapat na ako ng pintuan ng classroom nina Huxley.Pinihit ko ang doorknob, at pumasok ako. Ngunit nagtaka naman ako at wala pa sila. Kahit isa man sa kanila ay hindi pa dumating. Imposible naman, na wala pa si Huxley. Dati naman ito ang laging nauuna sa kanyang mga kaklase. Bigla kong naisip, nag bar pala ang mga 'yon kagabi kaya siguro tinanghali ng gising. Baka mayamaya nandito na rin sila, kaya nagprepare na lamang ako ng aking PPT lessons habang naghihintay sa kanila.Hanggang sa umabot ng alas otso, wala pa rin sila. Di kaya sinadya ng mga estudyante ko na umabsent ngayon? Saglit kong tiningnan ang aking cellphone baka sakaling nagtext si Hux
HUXLEYUnti-unti ko ng naramdaman na parang iniiwasan ako ni Miss Guevarra. Bakit kaya? Dahil ba sa hindi niya ako gusto, o dahil sa estudyante lang niya ako kaya nagpipigil siya sa kanyang sarili? Maraming katanungan ang bumabagabag sa aking isipan. "Bro, ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Marco nang hindi ako nagsasalita. Nakasakay siya sa kotse ko, dahil nasa talyer daw 'yong kotse niya. 'Yong iba ko namang mga kaklase ay sakay ng kani-kanilang sasakyan. Lahat naman kasi kami may sariling kotse kaya, sa school campus ang grupo namin ang pinakasikat dahil nga sa may kaya ang mga pamilya namin. "Bro?" untag niya."Ha...okay lang naman ako bro," sagot ko, habang ang mga mata ko'y nakatuon sa labas ng bintana. This time si Marco muna ang pinagmaneho ko, kasi parang wala talaga ako sa mood."Ba't parang hindi ka mapakali?""Uhm, nagugutom lang ako bro," pagsisinungaling ko, kahit ang totoo hindi naman talaga 'yon ang dahilan kundi si Miss Guevarra."Ganu'n ba? So, kain muna tayo," an
JENINEPagkatapos na maipagtapat ni Huxley ang nararamdaman niya sa akin, nakapagpasya na akong iwasan siya. Kahit ang totoo ayaw ko naman pero sa ngayon mas mahalaga sa akin ang trabaho ko. Paano na lang ang maintenance na gamot ni nanay, at ang pag-aaral ng mga kapatid ko, kung matatanggal ako sa trabaho?"Jenine, sabay tayong uuwi mamaya ha," biglang sabi sa akin ni Huxley nang makalabas na ang mga kaklase niya para magrecess."Uhm, I can't promise eh. May lakad pa kasi kami ni Leslie mamaya," pagdadahilan ko, kahit ang totoo, wala naman talaga."Ganu'n ba..O sige, next time nalang," aniya.Tumango lang ako habang iniiwasan kong mapatitig sa kanya.Kinahapunan, natanaw ko si Huxley at ang mga kaklase niya na umalis ng campus. Alam kong magha-hangout na naman ang mga 'yon sa club or somewhere else na maisipan nila. Palibhasa mga mayayaman kaya hindi isyu sa kanila ang pera.Para naman akong nakaramdam ng konting lungkot dahil hindi ako maihatid ni Huxley. Dios mio. Bakit naman ako n