Share

CHAPTER 3

Author: Spinel Jewel
last update Last Updated: 2024-12-29 20:48:28

JENINE

"I said that's enough!" buong lakas kong sigaw.

Ngunit nanatili pa ring bingi ang mga estudyante at patuloy pa rin ang mga ito sa pagsasayaw. Talagang walang respeto ang mga ito at bakit pa kasi hindi nalang i-expel sa university, eh nakakapagbigay lang ng sakit ng ulo sa mga teachers dito.

Muli kong tiningnan ang kinaroroonan ni Huxley. Nakita ko pa rin ang nakakaloko niyang ngiti na para talagang inaasar ako. Akala siguro ng kumag na ito, uurungan ko sila. It's a great challenge yata sa pagkatao ko at hindi ako papayag na matatalo ako ng mga estudyanteng ito. Teacher ako dito and I have the full authority inside the classroom.

Lumapit ako sa kung saan nakalagay ang speaker at biglang pinindot ang power off, kaya natigilan ang lahat at tumingin sa akin.

"What the he—" narinig ko ang boses ni Sabrina.

"Makinig kayong lahat dahil minsan ko lang itong sasabihin sa inyo! I am your teacher and you are my students. Hindi ako makakapayag na bastusin niyo lang ako ng ganito, di porke't mga mayayaman kayo. Those who don't want to stay inside the class, the door is available for your exit! Kung nandito kayo para mag-aral so, it means gusto niyong matuto. Pero kung ginawa niyo lang scapegoat ang classroom na ito dahil sa kung ano man ang pinagdaanan ninyo sa inyong bahay, well, mas mabuti pang h'wag na kayong pumasok," mariin kong sabi sa kanila.

Nakita ko ang pag-arko ng isang kilay ni Sabrina. "And who do you think you are para pagsabihan kami ng ganyan? Hindi mo ba alam na kayang-kaya ka naming patalsikin dito, in just a snap of our fingers?"

"And do you think natatakot ako?" buong tapang kong sagot. Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas para sabihin 'yon. Kusa na lamang lumalabas sa bibig ko, kahit deep inside, natatakot naman talaga ako, kasi puro mayayaman ang mga ito. Baka mamaya mawawalan pa ako ng trabaho. Napakahirap pa namang makahanap kaagad ng mapagkakakitaan ngayon. Isa pa'y walang ibang inaasahan sa bahay namin kasi may sakit ang nanay ko, at may dalawa akong kapatid na pinapag-aral sa kolehiyo. Pero hindi rin naman ako makakapayag na mabastos ng ganito kaya ipaglalaban ko talaga ang karapatan ko.

"And let me remind you my dear students kung bakit ABM ang pinapakuha sa inyo ng inyong mga magulang dahil umaasa sila na balang araw, makakatulong kayo sa negosyo ng inyong mga pamilya."

"Now, kung gusto ninyong matuto, arrange your chairs and fix everything so we can start with our lesson. But if you don't want to learn, get out and I will automatically give you failing grades at hindi talaga kayo makakagraduate this school year!"

Hindi kumibo ang mga estudyante at nakatingin lang sa akin. Pagkatapos ay inilipat ang tingin kay Huxley na parang hinihintay ng mga ito ang anumang sasabihin ng kinilalang lider ng kanilang classroom.

"Huxley Baltimore, naghihintay sa iyo ang mga kaklase mo. One false decision, will definitely affect your grades and will absolutely disappoint your family," matapang na wika ko.

Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Huxley sa akin, ngunit kailangan kong tatagan ang aking sarili at hindi ako dapat ma-intimidate sa kanya. Ako ang guro dito kaya ako ang dapat na masunod sa loob ng classroom.

"Okay guys, sa ngayon pagbibigyan natin si teacher. Arrange the chairs now!" utos niya sa kanyang mga kaklase. Agad namang tumalima ang mga estudyante kahit ang iba ay hindi maipinta ang itsura dahil sa sobrang inis sa akin.

Nakaramdam ako ng konting kasiyahan sa puso nang makita ko silang nag-aayos ng mga upuan. Kailangan pala talagang paamuin ko muna itong si Huxley Baltimore para magiging madali na lang din sa akin ang pasunurin ang iba pang mga mag-aaral

Nang magsiupo na ang lahat, sinimulan ko na ang unang lesson ko sa kanila. Nagreview muna ako sa basic accounting para malaman ko kung may natutunan nga ang mga ito nu'ng Grade 11, or baka nakapasa lang dahil sa mayayaman ang kani-kanilang pamilya.

"Okay class, ano nga ba iyong DEBIT at CREDIT? Who can give me the difference between the two?" panimulang tanong ko.

"Hay walang katapusang tanong, cher. Sisiw naman niyan!" sambit ni Huxley.

"Go na bro, sagutin mo na!" nakangiting wika ni Marco.

"Debit, 'yon yong natatanggap mo, at ang Credit, 'yon yong naibigay mo like when I say, If you debit my love, I will credit my life," kampanteng sagot ni Huxley.

"Oh, galing naman! Bravo, bravo!" nakangiting wika ni Marco at pumalakpak pa ito. Nagsipagpalakan din ang iba pang mga mag-aaral.

"O ano tama ba ako cher?" nakangiting tanong ni Huxley sabay kindat pa nito sa akin.

"Uhm, yes, very good!" kaswal na sagot ko.

"But what is the importance of Debit and Credit in Accounting?"

"Ako pa rin ba ang sasagot cher? Hmm. baka mainlove ka na sa akin n'yan!" sabi ulit ni Huxley saka humulagpos ng tawa.

Bigla namang sumabat si Sabrina at parang nang-aasar ito sa akin. "Ba't tanong ng tanong ka naman teacher, ikaw naman ang guro dito. Bakit 'di mo nalang kami turuan? Or baka naman kaya mo lang kami tinatanong dahil hindi mo rin alam ang sagot." Sarcastic na wika nito.

Umugong ang malakas na tawanan sa klase, at para akong napahiya sa sinabi ni Sabrina. Kung hindi nga lang ito mas bata sa akin. ang sarap kayang patulan at patitikimin ng isang malakas na sipa at nang matauhan. Aba'y marunong yata ako ng karate. Tinuruan ako ng tatay ko nu'ng grade six pa lamang ako hanggang sa mag high school. Kaya lang nu'ng mamatay ang ama ko, kinalimutan ko na ang pagsasanay ng karate at nagfocus na lamang ako sa pag-aaral.

"Of course, alam ko ang sagot Miss Monteverde. Hindi naman siguro ako i-assign dito kung wala akong knowledge sa accounting di ba? And to prove it to you, I will be the one to answer my own question but get ready because I'm going to ask you later," seryoso kong tugon.

"Well, the importance of Debit and Credit in accounting is to keep the company's books in balance. So, in business, Debits and Credits are used for every transaction and this is what we call the double-entry accounting.

"So I guess, it's my turn now to ask question to you Miss Monteverde." Kalmado ngunit mariin kong wika habang nakatingin kay Sabrina.

"For example, your business purchases a new computer for Php 36,000 on credit, how are you going to record the transaction using the T-account?" tanong ko sa kanya.

Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo habang nakatingin sa akin. Halatang wala itong natutunan kahit basic lang naman sa accounting. Palibhasa'y wala sa isip ang pag-aaral at puro kaartehan lang ang nalalaman.

"Who can answer? Anybody from the class?" tanong ko habang inilibot ang mga mata ko sa lahat ng mga estudyanteng naroon.

"How about you Marco, do you know the answer?"

Nagkibit-balikat lang ito at patuloy sa pagnguya ng chewing gum. Ang sarap nga talagang sapakin. Punung-puno lang ng kahambugan, wala namang binatbat.

"Bro, Huxley save us. H'wag mong ipahiya itong section natin. Eversince, ikaw naman talaga inaasahan namin dito eh! Go na bro!" pangungumbinsi nitong si Marco.

"Oo nga naman love, kayang-kaya mo naman 'yang sagutin eh," wika ni Sabrina.

Huxley! Huxley! Huxley!" sabay-sabay na sigaw ng mga estudyante.

At nang biglang bumukas ang pinto.

"Sorry for the interruption Miss Guevarra, but will you please excuse Huxley Baltimore? His parents are here and his presence is needed in the guidance office," wika ng SH principal.

"Okay sir, no problem."

"Huxley? You may go now," wika ko.

"Bro, goodluck!" sabi ni Marco sabay tapik nito sa balikat ng kanyang kaibigan.

Nakita ko ang pagseryoso ng mukha ni Huxley. Hindi ko alam kung bakit bigla akong naawa sa kanya. Alam kong matalino naman ito, kasi 'yon din naman ang sabi nu'n sa akin ni Harvey, kaya lang basag-ulero at pasaway lang talaga. Walang interes sa pag-aaral at patigil-tigil kaya hanggang ngayo'y hindi pa rin nakakapag-graduate ng Senior High.

At ngayo'y pinapatawag na naman sa guidance office. Siguro'y gumawa na naman ng kalokohan.

"Okay class, let's go back to our lesson. Wala ba talaga sa inyo ang makakasagot ng tanong ko kanina?"

"Ikaw nalang ang sumagot cher!"

"Oo nga naman cher! Hindi namin alam, kaya ikaw nalang sumagot sa sarili mong tanong," sabat ng isa pang lalaking may hikaw din sa magkabilang tenga. Nagtawanan ang lahat na halata talagang nang-aasar lang sa akin.

Diyos ko! Usal ko sa aking sarili sana makakapagtimpi pa ako sa mga estudyanteng ito at baka makalimutan kong teacher pala ako dito at, maupakan ko ang mga ito. Baka mamaya sumikat pa ako nang wala sa oras. "Isang teacher nanapak ng mga estudyante sa ABM." Diyos ko! H'wag naman sana.

Bumuntung-hininga na lamang ako at kumuha ng marker para makapagsulat sa white board. Hindi kasi ako nakagawa ng powerpoint dahil hindi ko pa naman alam kung saan ako magsisimula sa lesson ko. Marami na kasing mga teachers na naunang na-assign sa section na ito, at hindi ko alam kung alin na ang na tackle nila sa accounting subject. Pero sa tingin ko nama'y wala talagang natutunan 'tong mga mag-aaral na ito kaya kailangan kong magsimula sa basic.

Habang nakatalikod ako para gumuhit ng T-account, nararamdaman kong parang may ibinato sa akin at tumama sa slacks ko. Tapos narinig ko ang impit na pagtawa ng mga estudyante. Kinapa ko ang aking slacks sa kanang bahagi at naramdaman ko ang malagkit na bagay na dumikit sa kamay ko. Chewing gum pala ang ibinato sa akin, at isa lang ang alam kung gumawa nito—si Marco!

Biglang nanginig ang buo kong kalamnan sa galit. Sa buong buhay ko ngayon lang may gumawa sa akin ng ganito, at estudyante ko pa. Hindi na talaga ito tama at kung palalagpasin ko pa ito, tiyak na uulitin na naman sa susunod. Dahan-dahan akong humarap at tiningnan silang lahat. Isang nakakalokong ngiti ang nasilayan ko sa mga labi ni Marco, habang ang iba nama'y hindi makatingin ng diretso sa akin. Tiningnan ko rin si Sabrina na parang nanghahamon pa, ni hindi ko man lang nakitaan ng guilt sa ekspresyon ng mukha.

"Sinong nambato sa akin ng chewing gum?" tanong ko sa kanila ngunit ang mga mata ko'y nakapokus kay Marco.

Nagkibit-balikat lang ang mga ito at wala ni isa man ang sumagot.

"Alam kong sinadya talaga ang pagbato sa akin. Ganu'n na ba talaga kasama ang mga ugali niyo at wala na kayong ibang alam na gawin kundi kalokohan at katarantaduhan? Wala na ngang laman ang mga utak niyo sa mga lessons, puro pa sakit ng ulo ang ibinibigay ninyo sa mga teachers na dumaan sa inyo, at pati na rin sa akin!" buong lakas kong sigaw sa kanila.

"Now, aminin mo ang kasalanan mo Marco, at mag-apologize ka sa akin! Or else ipapatawag ko ang parents mo at haharap tayo sa guidance office!"

"At bakit ko naman gagawin 'yon. Hindi naman ako ang nambato sa iyo eh," pangangatwiran pa nito.

"Oh, talaga lang ha. At sino naman kaya ang nambato sa akin, gayong ikaw lang naman ang nguya ng nguya ng chewing gum kanina pa!"

"O ano, ayaw niyong magsalita? Or kayong lahat ida-drop ko at wala na talaga kayong pag-asang makakagraduate pa," buong tapang kong sabi.

Nagsitinginan sa isa't isa ang mga estudyante, at nababasa ko ang pagkabahala sa kanilang mga mukha.

"Aminin mo nalang bro!" sabi ng isang mag-aaral.

"Just apologize Marco! Ayaw kong ma drop eh! Magiging grounded na ako nito," sabat ng isa pa.

"Oo nga, just say sorry na lang para matapos na 'to," sabay-sabay ng karamihan.

Hindi pa rin kumibo si Marco, nagbingi-bingihan lang ito at patuloy lang sa pagpindot ng cellphone niya. Matigas talaga itong kumag na ito, pero hinding-hindi talaga ako patatalo. Never!

At nang muling pumasok si Huxley sa classroom, nakita ko ang pagsilay ng mga ngiti sa labi ni Marco, dahil dumating na ang sa tingin niya'y kakampi niya. Ngunit, hindi pa rin ako natatakot kahit isang Huxley Baltimore pa ang makakalaban ko!

Related chapters

  • Challenging Hearts   CHAPTER 4

    JENINE"Oh, kumusta ang unang araw mo sa section ng mga pasaway beshie? Ba't ganyan ang hitsura mo? Saka anong nangyari dyan sa slacks mo?" sunud-sunod na tanong ni Leslie pagkapasok ko pa lang ng faculty room."Hay, naku! Totoo ngang napakaworst ang section na 'yon beshie, my God!" naiinis kong sabi habang pabagsak na inilagay sa mesa ang mga gamit ko."Napaka-ingay, napakagulo... Para yatang may tama 'yong mga 'yon, Diyos ko at ginawa pang disco pub 'yong classroom!" dagdag na sabi ko at pasalampak na umupo sa couch."Ganu'n ba? So, nagkakilala na kayo ng kapatid ng ex-jowa mo?" naiintrigang tanong ni Leslie."Yep. Ang gaspang ng ugali. Walang modo! At 'yon, pinapatawag na naman sa guidance office kasama ng mga magulang nito.""At meron pang isang santita sa loob ng classroom. 'Yong Sabrina Monteverde? Hay naku... Nakakainis 'yong babae na 'yon. Sarap ngang patulan eh. Isa pa 'yong si Marco Reyes, naku, napakabastos! Binatuhan ba naman ako ng chewing gum. Kaya tuloy nagkamantsa 'ton

    Last Updated : 2024-12-29
  • Challenging Hearts   CHAPTER 5

    HUXLEYMatalim akong tiningnan ni daddy habang nasa loob ako ng guidance office. Samantalang si mommy naman ay hindi rin maipinta ang mukha dahil sa pagkadismaya na naman sa akin. Ilang ulit na rin kasi silang pinapatawag sa guidance office. Well, kasalanan din naman 'yon ng administration. Kung istrikto lang sana sila sa pagpapataw ng disciplinary action, 'di sana lumaki ang ulo namin ng mga kaklase ko.Hays, tiyak na sangkatutak na sermon na naman ang aabutin ko nito pag-uwi ko ng bahay. At ang pinaka-worst pa, ikukumpara na naman ako ni daddy kay kuya Harvey. Kaya iisipin ko pa lang ang ganu'n, naba-bad trip na ako. Paglabas ko ng guidance, tuluyan na talaga akong nawala sa mood at lumilipad na ang isip ko kahit saan."Buti naman bro, at nandito ka na. Ikaw lang naman ang makakaligtas sa akin eh," narinig kong sabi ni Marco ngunit hindi ko siya pinansin. Pagkatapos narinig kong sabi ni Miss Guevarra na ipapa-guidance kaming lahat kung walang aamin tungkol doon sa ibinatong chewing

    Last Updated : 2024-12-29
  • Challenging Hearts   CHAPTER 6

    JENINEAs usual, pagkapasok ko pa lang ay sumalubong na kaagad sa akin ang napakaingay at napakagulong classroom."Welcome to Hell Section cher!" sabay-sabay na sambit ng lahat habang nagsasayaw sa gitna."That's enough! Magsitigil na kayong lahat!" wika ko.Ngunit tila wala naman silang naririnig at nagpatuloy lang sa kanilang ginagawa. Inilibot ko ang aking paningin at hinanap ang kinalalagyan ng bluetooth speaker.Hindi ko ito makita kaya alam kong itinago nila ito. Mga pasaway talaga. Narinig ko ang malakas na pagtawa nila na parang nais ipamukha sa akin na wala talaga akong magagawa para patigilin sila.Napatingin ako sa kinaroroonan ni Huxley. Ngumisi lang ito na parang nanghahamon. Sa isip ko kung lalabas ako ng classroom, marahil iisipin ng mga ito na talo na ako. Kaya kailangan ko talagang mahanap ang speaker. Pinakiramdaman ko ng mabuti kung saan nanggaling ang tunog at nang matiyak kong doon ito nanggaling sa isang cabinet at tinakpan lang ng tela para hindi ko makita, agad

    Last Updated : 2025-01-12
  • Challenging Hearts   CHAPTER 7

    HUXLEYHindi ko inaasahan ang malakas na pagsuntok sa akin ni Miss Guevarra. Kung hindi nga lang babae, sarap talagang patulan."Bro, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Marco nu'ng hapong lumabas kami sa school campus. Ang tapang pala ng Jenine na 'yon noh at nagawa pa niyang suntukin ka.""So ano hahayaan mo na lang ba 'yon?" tanong ulit nito."Nope. Kilala mo naman ako Marco. Hindi naman ako patatalo, kaya gagantihan ko siya," seryoso kong sabi. "Anong binabalak mo? Susuntukin mo rin 'yon, ganu'n?""Hindi. Basta," matipid kong sagot.Nang makauwi na ako ng bahay, dumiretso lang ako sa kwarto, Alas sais pa naman ng gabi at wala pa sila mommy at daddy. Lalo naman si kuya Harvey. Kadalasan, umuuwi 'yon ng madaling araw. But never naman nagreklamo ang parents ko. Pero sa akin, kapag inumaga ako ng uwi, naku, sangkatutak na sermon naman ang laging inabot ko. And worst, sinasaktan pa ako ni daddy. Kaya 'yong suntok sa akin ni Miss Guevarra, wala 'yon sa akin. Nasaling lang ang pride k

    Last Updated : 2025-01-13
  • Challenging Hearts   CHAPTER 8

    JENINENasa labas na ako ng pintuan ng guidance office nang bigla naman akong nag-aatubiling pumasok. Siguro hihintayin ko na lamang na magreklamo si Huxley sa ginawa kong pagsuntok sa kanya, tutal naman at may video record ako sa pinagagawa nu'n at ng mga kaklase niya.Bumalik na lamang ako ng faculty room. Bukas na ako papasok sa klase at baka muli na naman akong ma high blood sa mga estudyante kong pasaway. Kinagabihan sa bahay, habang busy ako sa paghahanda ng aking Powerpoint Presentation, bigla akong nakatanggap ng tawag mula kay Huxley. Hindi ko nga alam kung saan niya nakuha ang number ko. "Tumawag ako Miss Guevarra dahil gusto kong humingi ng tawad sa inasal ko at ng aking mga kaklase kanina," wika nito.Actually, hindi lang naman kanina, sabi ng isip ko. Ngunit hindi ko na lamang isinaboses 'yon at naghihintay na lamang ako kung ano pa ang sasabihin niya."Ano namang pumasok sa kukute mo at humingi ka ng paumanhin? Baka naman may iba kang plano, Huxley?" sabi kong ganu'n.

    Last Updated : 2025-01-14
  • Challenging Hearts   CHAPTER 9

    HUXLEY"Ang galing talaga ng plano mo bro!" nakatawang sabi ni Marco, habang nasa kotse kami. "Paniwalang-paniwala mo si Miss Guevarra na talagang nagbabago na tayo. "Oo nga. Ang bilis lang palang papaniwalain 'yong babae na 'yon eh. Aba'y siya lang ang nakasuntok sa akin kaya nasaling naman ang pride ko du'n. Buti nalang at nakapagpigil pa ako, kund hindi, baka pinatulan ko na siya," wika ko naman at patuloy na nakatuon ang paningin sa pagmamaneho."Hays, kawawang Jenine. Kung ba't pa kasi isang Huxley Baltimore ang binangga niya," pahayag ni Marco. "By the way, ex-girlfriend 'kamo ng kuya mo 'yon si Miss Guevarra?""Yon ang sabi ni kuya.""Well, maganda naman siya kaya lang, old-fashioned naman," sagot nito. "Pero dude, ba't parang tingin ng tingin ka sa kanya kanina?""Ha? Ako? Uhm, s'yempre naman. Eh di ba, ang plano ko, I'll make her fall for me?""Okay. Pero baka ikaw ang ma-fall sa kanya ha." At tumawa ito ng malakas."Gago, sapakin kita d'yan eh," napipikon kong sabi. Never na

    Last Updated : 2025-01-15
  • Challenging Hearts   CHAPTER 10

    HUXLEYPanibagong araw sa eskwela. Nakakabwisit naman, at kailangan ko talagang magsuot ng uniform namin sa ABM buong araw. Hindi naman ako komportable dito, pero kailangan namang sundin 'yong Miss Guevarra na 'yon at bahagi ito ng plano namin ng mga kaklase ko."Shit! Masyadong pormal, kainis naman!" pagmumura ko habang nakaharap ako sa malaking salamin sa kwarto ko."May araw ka rin sa aking babae ka," muli kong wika. Para akong baliw na kinakausap ang sarili ko. Makaraan ang ilang minuto, lumabas na ako ng kwarto at kailangan ko ng makaalis ng bahay. "Oh, Huxley, hindi ka man lang ba kakain?" Narinig ko ang boses ni Mommy. Naroon na pala silang tatlo sa dining table at nakita nila ako."Uhm, hindi na Mom, nagmamadali ako eh," mabilis na tugon ko."Aba, himala naman at nagususuot ka na ng uniporme." Boses na naman ng daddy ko ang aking narinig. "Sana tuluyan ka na talagang magpakatino, at marami ng nasayang na panahon sa 'yo.""Alis na ako, dad, mom, kuya," paalam ko sa kanila. Ay

    Last Updated : 2025-01-27
  • Challenging Hearts   CHAPTER 11

    HUXLEYHindi ko alam kung anong nakain ni Miss Guevarra at bakit ako pa ang napili na magiging contestant sa Individual Quiz. Nakakainis talaga. Napasubo na naman ako. At bakit hindi naman ako tumanggi kanina?Pasado alas onse na ng gabi, ngunit ayaw pa rin akong dalawin ng antok. Laging nagpa-flash sa aking isipan ang mukha ni Miss Guevarra."Huxley, Huxley.. Umayos ka. H'wag mong sabihin na attracted ka sa teacher mong 'yon?""Stick to your plan, Huxley." Para akong baliw na kinakausap ang aking sarili. Bumangon ako sa higaan at nagtungo sa fridge para kumuha ng maiinom. Hindi ko akalain na naroon pala si Kuya sa sala, kasama ang isang babae, at masayang naglalampungan ang dalawa."Oh, bro, hindi ka pa pala natutulog?" tanong niya sa akin nang mapadaan ako sa kanila."Nope. Hindi pa ako inaantok kuya," sagot ko naman habang napasulyap sa babaeng kasama ng kapatid ko. Sa isip ko, sino na naman kaya 'to? Panibagong ka-fling na naman ng kuya ko. Nang makabalik na ako ng kwarto, muli a

    Last Updated : 2025-01-27

Latest chapter

  • Challenging Hearts   CHAPTER 17

    HUXLEYLast five seconds nalang at nai-shoot ko ang bola mula sa three-point field goal. Nakita kong naghiyawan ang mga taong nanonood. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko ang three-point shots. Nang maideklara ang pagkapanalo namin laban sa STEM strand, lakad-takbo akong nilapitan ng aking teammates, at binuhat ako at inikot-ikot sa ere."Ayos bro, ang galing mo talaga. I'm sure ikaw ulit ang tatanghaling MVP sa taong ito," ani ni Marco at nakipag-apiran sa akin. Sumunod ding nakikipag high-five ang iba ko pang kasamahan.Mayamaya'y lumapit ang mga kaklase ko, ngunit laking gulat ko naman nang bigla akong halikan ni Sabrina."Love, congratulations, the best ka talaga!" sambit nito. Naghiyawan naman ang mga kaklase ko na halatang nanunukso lang sa amin. Alam naman nilang wala akong gusto kay Sabrina, pero ni-rereto pa rin nila kaming dalawa."Si Miss Guevarra? Nakita niyo ba siya?" tanong ko."At bakit mo naman siya hinahanap, love? Aba nakakahalata na ako ha," nakasimangot na wika ni

  • Challenging Hearts   CHAPTER 16

    JENINE"O ano beshie, ba't nandito ka pa?" sabi sa akin ni Leslie nang makita niyang nasa loob pa ako ng faculty room. "Di ba schedule ngayon ng laro nina Huxley?""Yup. Pero parang hindi ko naman feel pumunta besh eh. Marami kasi talagang tao ngayon sa gym, alam mo naman ako, may pagka introvert.""Pero tiyak na hahanapin ka ng mga estudyante mo beshie. S'yempre, adviser ka nila kaya, kailangan mo ring ipakita ang suporta mo sa kanila," pagpapaliwanag nito. "Pumunta ka na. At nagsisimula na ngayon ang laro."Tumango na lamang ako. Tama nga naman si Leslie, kailangan kong ipakita ang suporta ko sa aking mga estudyante para mas lalo ko pang makuha ang loob nila. "Ikaw besh, hindi ka ba sasama sa akin?" tanong ko."Hay naku, dito na lang ako besh. Alam mo namang wala akong kahilig-hilig manood d'yan sa basketball na 'yan eh.""Oh sige, maiwan na kita besh," paalam ko sa kanya at pagkatapos lumabas na ako ng faculty room.Hindi naman malayo ang gym ng De la Salle mula sa faculty room na

  • Challenging Hearts   CHAPTER 15

    HUXLEYHindi ko inaakala na magkaroon pala talaga kami ng celebration sa bahay. Akala ko sa labas lang kami magse-celebrate kasama ng mga kaibigan ko, pero nag order si Mommy ng pagkain. For the first time in my life ngayon ko lang siya nakitang natutuwa sa akin. Masaya naman ako dahil kasama ko sa celebration ang mga kaklase ko at si Miss Guevarra. Personal siyang inimbita ni Mommy kaya siya nandito. Ngunit nang dumating si kuya Harvey bigla nalang nagbago ang mood ko lalo na nu'ng tanungin niya si Miss Guevarra kung nagkakaboyfriend na raw ba ito ulit. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng konting selos nang mapansin kong titig na titig ang kuya ko kay Miss Guevarra. Di kaya mahal pa niya ito hanggang ngayon?Buti na lang at hindi na gaanong nagtagal ang kanilang pag-uusap at tumuloy na si kuya sa kwarto niya. Makalipas ang ilang sandali at nagpaalam na si Miss Guevarra na uuwi na sila. Pinapahatid ko na lamang sila sa driver namin kasi hindi ko rin naman maiwan ang mga kaklas

  • Challenging Hearts   CHAPTER 14

    JENINEMakalipas ang ilang minuto at nasa tapat na kami sa gate ng mansyon na pagmamay-ari ng pamilya ni Huxley."Here we are," wika ng lalaki saka bumaba at binuksan ang pintuan ng passenger seat at back seat. "Naku, napakalaki pala talaga ng bahay niyo, Huxley!" bulalas ni Leslie. "At napakaganda pa."Tahimik lang ako habang papasok kami sa loob. Mas lalo akong namangha sa laki at lawak ng kanilang bahay. Halos wala man lang sa kalingkingan nito ang buong bahay namin sa Sampaloc. Maayos ang disenyo sa labas maging sa loob at lahat ng mga kagamitan ay puro mamahalin.Masaya kaming sinalubong ng ina ni Huxley."Hello Miss Guevarra, mabuti naman at nakarating kayo," anito saka iginiya kami at pinaupo sa malambot na sofa bed.Mayamaya'y nagsipagdatingan na ang mga estudyante ko, kaya sinimulan na namin ang celebration. Maraming pagkain ang nakahain sa mesa. Sa isip ko, iba na talaga pag mayaman. Isang tawag lang, nandyan na kaagad."Oh sige kakain na tayo. Feel at home," nakangiting wi

  • Challenging Hearts   CHAPTER 13

    JENINENag-tie ang score ni Huxley at ng contestant number one kaya kailangan ng clincher question. Babae ang kalaban niya at balita ko, ito ang top 1 student sa buong strand ng ABM. Pero may kumpyansa naman ako kay Huxley na siya talaga ang mananalo.Nang mapatingin siya sa kinaroroonan ko, ngumiti lang ako sa kanya at nag-thumbs up. Ngunit hindi ko namang maiwasang kabahan habang ibinigay ng Quiz Master ang clincher question. Parang ako ang sumabak sa contest dahil hindi rin ako mapalagay, at nu'ng nahuli si Huxley sa pagpindot ng buzzer, doon na ako mas lalong kinabahan."Diyos ko, " usal ko sa sarili habang nag-aantay sa sagot ng contestant number one. But I sighed in relief when she did not get the correct answer. Ibig sabihin may chance pa si Huxley na sumagot. "Since hindi nakakuha ng tamang sagot ang contestant number one, it means you have the chance to answer the question," ani ng Quiz Master. "Now, I'll repeat the question for you, Huxley. What is the statement of cash fl

  • Challenging Hearts   CHAPTER 12

    HUXLEYDumating na ang Foundation Day namin. Lahat kami masaya, dahil syempre wala na namang klase. Pero kinakabahan ako dahil mayamaya, sasabak na ako sa Individual Quiz. Sampu kaming contestants sa Grade 12 under ABM strand. At inaamin ko it's my first time na sasali ako sa contest. Kung hindi nga lang sa plano ko kay Miss Guevarra, never akong papayag na maging representative sa section namin. "Bro, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Marco, nang mapansin niyang hindi ako mapakali."Oo nga naman love. Kanina ka pa parang kinakabahan. Relax lang," sabat naman ni Sabrina. "Ninerbyos lang ako. Kasi pagkatapos nitong opening program, susunod na ang Individual Quiz," wika ko."Sisiw naman 'yan sa 'yo eh. 'Kaw pa," nakangiting saad ni Marco sabay tapik sa aking balikat.Makaraan ang ilang saglit, tinawag na lahat ng mga contestants na maupo na sa harapan. "Huxley, goodluck," wika ni Miss Guevarra."Eh ma'am, kinakabahan ako eh.""Relax lang Huxley, nagreview naman tayo di ba? Kaya mo

  • Challenging Hearts   CHAPTER 11

    HUXLEYHindi ko alam kung anong nakain ni Miss Guevarra at bakit ako pa ang napili na magiging contestant sa Individual Quiz. Nakakainis talaga. Napasubo na naman ako. At bakit hindi naman ako tumanggi kanina?Pasado alas onse na ng gabi, ngunit ayaw pa rin akong dalawin ng antok. Laging nagpa-flash sa aking isipan ang mukha ni Miss Guevarra."Huxley, Huxley.. Umayos ka. H'wag mong sabihin na attracted ka sa teacher mong 'yon?""Stick to your plan, Huxley." Para akong baliw na kinakausap ang aking sarili. Bumangon ako sa higaan at nagtungo sa fridge para kumuha ng maiinom. Hindi ko akalain na naroon pala si Kuya sa sala, kasama ang isang babae, at masayang naglalampungan ang dalawa."Oh, bro, hindi ka pa pala natutulog?" tanong niya sa akin nang mapadaan ako sa kanila."Nope. Hindi pa ako inaantok kuya," sagot ko naman habang napasulyap sa babaeng kasama ng kapatid ko. Sa isip ko, sino na naman kaya 'to? Panibagong ka-fling na naman ng kuya ko. Nang makabalik na ako ng kwarto, muli a

  • Challenging Hearts   CHAPTER 10

    HUXLEYPanibagong araw sa eskwela. Nakakabwisit naman, at kailangan ko talagang magsuot ng uniform namin sa ABM buong araw. Hindi naman ako komportable dito, pero kailangan namang sundin 'yong Miss Guevarra na 'yon at bahagi ito ng plano namin ng mga kaklase ko."Shit! Masyadong pormal, kainis naman!" pagmumura ko habang nakaharap ako sa malaking salamin sa kwarto ko."May araw ka rin sa aking babae ka," muli kong wika. Para akong baliw na kinakausap ang sarili ko. Makaraan ang ilang minuto, lumabas na ako ng kwarto at kailangan ko ng makaalis ng bahay. "Oh, Huxley, hindi ka man lang ba kakain?" Narinig ko ang boses ni Mommy. Naroon na pala silang tatlo sa dining table at nakita nila ako."Uhm, hindi na Mom, nagmamadali ako eh," mabilis na tugon ko."Aba, himala naman at nagususuot ka na ng uniporme." Boses na naman ng daddy ko ang aking narinig. "Sana tuluyan ka na talagang magpakatino, at marami ng nasayang na panahon sa 'yo.""Alis na ako, dad, mom, kuya," paalam ko sa kanila. Ay

  • Challenging Hearts   CHAPTER 9

    HUXLEY"Ang galing talaga ng plano mo bro!" nakatawang sabi ni Marco, habang nasa kotse kami. "Paniwalang-paniwala mo si Miss Guevarra na talagang nagbabago na tayo. "Oo nga. Ang bilis lang palang papaniwalain 'yong babae na 'yon eh. Aba'y siya lang ang nakasuntok sa akin kaya nasaling naman ang pride ko du'n. Buti nalang at nakapagpigil pa ako, kund hindi, baka pinatulan ko na siya," wika ko naman at patuloy na nakatuon ang paningin sa pagmamaneho."Hays, kawawang Jenine. Kung ba't pa kasi isang Huxley Baltimore ang binangga niya," pahayag ni Marco. "By the way, ex-girlfriend 'kamo ng kuya mo 'yon si Miss Guevarra?""Yon ang sabi ni kuya.""Well, maganda naman siya kaya lang, old-fashioned naman," sagot nito. "Pero dude, ba't parang tingin ng tingin ka sa kanya kanina?""Ha? Ako? Uhm, s'yempre naman. Eh di ba, ang plano ko, I'll make her fall for me?""Okay. Pero baka ikaw ang ma-fall sa kanya ha." At tumawa ito ng malakas."Gago, sapakin kita d'yan eh," napipikon kong sabi. Never na

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status