HEAL MY BROKEN HEART

HEAL MY BROKEN HEART

last updateHuling Na-update : 2024-12-04
By:   EL Nopre   Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
9.3
4 Mga Ratings. 4 Rebyu
129Mga Kabanata
5.5Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Bawat babae ay nangangarap ng masaya at perpektong love story. Hindi naiiba roon si Jamilla, isang ordinaryong dalaga na nagmahal ng lalaking langit ang tinatapakan. Pag-ibig ang nagbigay kulay at buhay sa kanyang mundo, ngunit iyon din pala ang wawasak sa pilit niyang binubuong magandang kuwento. Pinili ni Jamilla ang lumayo upang hanapin ang muling pagbangon. Pero ipinapangako niyang sa kanyang pagbabalik, aangkinin niya maging ang langit. Abangan!

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Chapter 1

NAKANGITING sinalubong ni Jamilla pagbaba ng bus ang abalang lansangan ng Ayala. Makulimlim ang kalangitan, ngunit hindi niyon mabubura sa kanyang labi ang sobrang kaligayahan.Sumakay siya ng jeep at bumaba sa Rufino Avenue. Tinahak niya ang kahabaan ng Central Street Food Market kung saan nakahilera roon ang ilang kainan. Tila musika sa kanya ang ingay ng paligid. Sinasabayan niyon ang puso niyang bumibilis ang pintig sa pananabik.Hindi pumasok sa trabaho si Jamilla dahil inilaan talaga niya ang araw na iyon para sa isang espesyal na okasyon. Unang monthsarry nila ng kanyang nobyo. At nangako ito na magdiriwang silang dalawa.Humantong ang dalaga sa tapat ng Blue Western, isa iyong tagong restaurant na madalas nilang puntahan ni Jerry kapag sila'y magkikita.Lumapad ang ngiti niya nang matanaw ang nobyo. At lalo itong tumikas sa simpleng suot na high-collared red polo at ragged denim pants. Nakatabing sa mga mata nito ang aviator black sunglasses at mayroon ding sombrero na nagtata...

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
N.E
I recommend this story it's really sounds interesting ...️...️...️
2024-10-12 23:16:44
0
user avatar
Dhei A. Tomines
ang ganda ng kwento,, aabangan mo talaga ang bawat kabanata,, kudos writer EL
2024-10-12 18:32:56
0
user avatar
Mairisian
support 🫶
2024-10-10 17:24:52
0
user avatar
Tala Luna
Give 4 stars for this chapter
2024-10-09 15:16:03
0
129 Kabanata
Chapter 1
NAKANGITING sinalubong ni Jamilla pagbaba ng bus ang abalang lansangan ng Ayala. Makulimlim ang kalangitan, ngunit hindi niyon mabubura sa kanyang labi ang sobrang kaligayahan.Sumakay siya ng jeep at bumaba sa Rufino Avenue. Tinahak niya ang kahabaan ng Central Street Food Market kung saan nakahilera roon ang ilang kainan. Tila musika sa kanya ang ingay ng paligid. Sinasabayan niyon ang puso niyang bumibilis ang pintig sa pananabik.Hindi pumasok sa trabaho si Jamilla dahil inilaan talaga niya ang araw na iyon para sa isang espesyal na okasyon. Unang monthsarry nila ng kanyang nobyo. At nangako ito na magdiriwang silang dalawa.Humantong ang dalaga sa tapat ng Blue Western, isa iyong tagong restaurant na madalas nilang puntahan ni Jerry kapag sila'y magkikita.Lumapad ang ngiti niya nang matanaw ang nobyo. At lalo itong tumikas sa simpleng suot na high-collared red polo at ragged denim pants. Nakatabing sa mga mata nito ang aviator black sunglasses at mayroon ding sombrero na nagtata
last updateHuling Na-update : 2024-10-04
Magbasa pa
Chapter 2
"HUWAG mo nang pansinin...""Wala akong narinig," she lied. Ang totoo, pinipiga ang puso niya sa sakit dahil sa mga sinabing panghuhusga ng waitress. Tila kilalang-kilala siya nito para maliitin ang kanyang pagkatao. Mahirap man sila, pero alam niya sa sarili niyang mabuti at marangal siyang tao. "Saan nga pala tayo pupunta?"Sinagot ni Jerry ang tanong ng dalaga nang makapasok na sila ng sasakyan nito na nakahimpil lang sa unahan ng inalisan nilang restaurant. "Let's go to my place.""Sa condo mo?" mulagat ni Jamilla."Girlfriend kita kaya natural lang siguro na alam mo ang tinitirahan ko. And one day, ako naman ang pupunta sa inyo para makita ko rin ang bahay niyo at makilala ko ang pamilya mo."Napangiti si Jamilla. Sa sinabi ng nobyo, natitiyak na niyang seryoso ito sa kanya. And she will hold that sincerity deep in her heart.Minsan kasi ay nagdududa siya dahil sa malayong agwat ng estado nila sa buhay. Pero ngayon ay binigyan siya nito ng pag-asa na ang katulad niyang simple at
last updateHuling Na-update : 2024-10-04
Magbasa pa
Chapter 3
"CLEANER?"Tumango si Jamilla na itinaas pa ang biniling mop at toilet bowl brush para mas kapani-paniwala ang kanyang papel na gagampanan sa harap ng security guard na halata sa mukha ang pagiging istrikto. Hindi iyon nasabi ni Jerry. Mabuti na lang pala at naisipan niyang bumili ng mga props."Kumuha na naman siya ng bagong tagapaglinis. Malaki siguro ang ibinabayad ni Sir Jerry.""Gan'on na nga po," sang-ayon niya sa sinabi ng guwardiya. "Sayang din naman po kasi kung tatanggihan ko. Malaking tulong na po iyon sa pamilya ko.""Sabagay. Praktikal na nga ngayon ang panahon. Pero magaling siyang pumili. Magaganda at bata ang kanyang mga kinukuha," wika nito habang pinapasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa ang kaharap."Ano pong ibig niyong sabihin, manong?"Hindi na nasagot ng lalaki si Jamilla dahil may dumating na isa ring bisita ng gusaling iyon. "Sige na. Akyat na.""Salamat po."Mabilis na niyang tinungo ang isa sa mga hilera ng elevator bago pa magbago ang isip ng guwardiya.
last updateHuling Na-update : 2024-10-04
Magbasa pa
Chapter 4
MASAKIT ang halos buong katawan ni Jamilla. Wala rin siyang lakas para bumangon. Matapos ang namagitan sa kanila ng nobyo kahapon ay hindi na siya makakilos nang maayos."Anak?""Ma.""Wala ka bang trabaho ngayon?""Meron po.""Anong oras na?" Sinulyapan pa ni Marta ang wall clock na nakasabit sa itaas na bahagi ng dingding ng silid ng anak, "Baka ma-late ka na.""Parang hindi ko po kayang magtrabaho. Masama ang pakiramdam ko. Tatawag na lang siguro ako sa supervisor ko na hindi ako makakapasok ngayong araw."Lumapit at naupo ang ginang sa gilid ng higaan. "Mainit ka nga," wika nito nang sinalat ang noo ng anak. "Ibibili kita ng gamot." Tumayo ito, ngunit bigla ring napahinto sa akto sanang pagtalikod. "Wala nga pala akong perang pambili. Baka meron kang naitatabi riyan?"Naalala ni Jamilla ang inabot sa kanya kahapon ng nobyo. Mahigit limang daan lamang ang nabawas niya roon. Hindi na rin naman iyon tinanggap ni Jerry nang ibinabalik niya rito.Kinuha ng dalaga sa bag ang buong tatlo
last updateHuling Na-update : 2024-10-05
Magbasa pa
Chapter 5
NASAGOT ang pagtataka ni Jerry sa sinabi ng ina nang pumasok ang babaing halos magpaluwa sa kanyang mga mata."Hi, Tita.""Corrie, hija. Come here, come here."Nakaawang ang bibig ni Jerry habang nakasunod ng tingin sa umiindayog na makurbang balakang ng bisita. She's a perfect picture of a living goddess; from head to toe."Good to be here again," wika ni Corrie. Nagbeso-beso ang mga ito. "Thanks for coming, hija!" nasisiyahan namang pasasalamat ng ginang."Ehem!" pasimpleng tikhim ni Jerry upang kunin ang atensiyon ng dalawang babae. Tumayo siya at saka inilahad ang palad. "Hello."Nakangiting tinanggap ni Corrie ang pakikipagkamay na binata. "Hi,"Nice to see you.""Kailan ba kayo huling nagkita?" tanong ni Amelita."When I was fifteen, tita."Napakunot ng noo ang binata. "Magkakilala tayo?""It's me. Choco. Remember?"Muling napamulagat si Jerry. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng diyosang kaharap. "Ang kababata ko noon na mataba at kakulay ng tsokolate?""That was a long t
last updateHuling Na-update : 2024-10-05
Magbasa pa
Chapter 6
NAPATIGIL sa paglilibot-libot sa buong departamento ng men's section ang supervisor nang marinig at makita nito ang pagkalaglag ng sapatos na inaayos ni Jamilla sa metal shoe rack. Nakapameywang at nakataas ang isang kilay nito nang lapitan ang dalaga."Anong ginagawa mo?""Sorry po, ma'am!"Marahas nitong hinablot ang sapatos na dinampot ni Jamilla sa sahig. "Alam mo ba kung magkano ito, ha?"Sa halip na sumagot ay lalong ibinaba ng dalaga ang ulo sa pagkakayuko dahil ilang mga kostumer ang napapatingin sa kanilang direksyon."Apat na buwan mo lang namang sahod ang katumbas nito. Kaya mo bang bayaran 'yon kapag nagasgasan ito?""Sorry po, Ma'am Eds. Hindi na po mauulit.""Haist! Bakit kaya hanggang ngayon, nandito ka pa rin? Tatanga-tanga ka naman!"Lalong itinago ni Jamilla sa pagkakayuko ang namumula niyang mukha. Pigil din niya sa pagkagat ng ibabang labi ang pagpatak ng mga luha."Sa susunod, tatanggalin na kita sa trabaho." Inis nitong ibinalik sa istante ang hawak na sapatos. "
last updateHuling Na-update : 2024-10-06
Magbasa pa
Chapter 7
PALABAS na sana ng stock room si Jamilla nang tumigil siya sa likuran ng dalawang katrabaho na nakatutok ang atensiyon sa pinanonood na balita sa hawak na iPad. May narinig kasi siya roong pamilyar na tinig."Isa na namang playboy ang ikinasal.""Siguradong playboy pa rin iyan kahit mag-asawa na."Nagkatawanan ang dalawang lalaki habang mas inilapit naman ni Jamilla ang sarili sa mga ito upang malinaw na matitigan ang screen ng iPad.At bigla siyang nanghihina nang makita ang nobyo roon na may kahawak-kamay na ibang babae. Nakangiti ito na parang nasisiyahan sa nagaganap na okasyon. The news talks about their upcoming engagement party.Napakagat-labi si Jamilla, pero hindi niyon napigilan ang paglaglagan ng kanyang mga luha.Mabilis na siyang tumalikod bago pa may makapansin sa kanya. Dumiretso siya sa malapit na ladies' room at pinakawalan doon ang impit na pag-iyak.Kaya siguro pinutol na ni Jerry ang komunikasyon nila dahil ikakasal na ito. Pero paano siya? Paano ang puso at dangal
last updateHuling Na-update : 2024-10-06
Magbasa pa
Chapter 8
"CONGRATS. Three weeks ka nang nagdadalang-tao."Napaawang ang bibig niya sa kaharap. Resident doctor ito ng Avalanche Shoe Mart. At kasalukuyan siyang nasa loob ng clinic nito. Nagising siyang naroon na matapos siyang mawalan ng malay. "Ho?""Hindi mo ba inaasahan ang ibinalita ko? I mean, siguro may asawa ka naman."Nahihiya siyang yumuko at marahang umiling."I see. But for sure, may boyfriend ka."Tumango si Jamilla."Good. Anyway, I don't know if this is good news.""Maganda po iyong balita, doc.""So, dapat masaya ka.""U-uhm, masaya naman po ako."Nabuhayan ng pag-asa si Jamilla sa balitang narinig. Ang pagkakaroon nila ng anak ni Jerry ay sapat nang dahilan para ipaglaban niya rito ang kanyang karapatan."Umuwi ka muna. Kinausap na ng manager mo ang iyong supervisor for your sick leave today. Bibigyan kita ng mga prescription para manatiling malusog kayong mag-ina.""Salamat po, doc."Nagsulat sa prescription pad ang doktor. At pagkatapos niyon ay iniabot kay Jamilla ang papel
last updateHuling Na-update : 2024-10-07
Magbasa pa
Chapter 9
"SIGE na po, manong.""Bakit ba ang kulit mo? Kanina pa kita pinapaalis, ah?""Saglit lang naman po ako. Kailangan na kailangan ko po talagang makausap si Sir Jerry.""Hindi nga puwede dahil iyon ang mahigpit niyang bilin sa amin na huwag tataganggap ng bisita para sa kanya.""Sampung minuto. Please?""Umalis ka na lang. Huwag nang makulit.""Limang minuto. Sige na po, manong. Please?""Ano ba kasing kailangan mo sa kanya?"Mabilis na nag-isip ng irarason si Jamilla. "Sisingilin ko lang po siya sa kabuuang bayad ng paglilinis ko sa kanyang condo. Naalala niyo po ba ako? Ikaw ang duty nang araw na pumunta ako rito.""Oo, naalala kita. Pero hindi ganyan si Sir Jerry. Mayaman siya kaya bakit naman niya babayaran ng instalment ang serbisyo mo. Maraming cleaner sa penthouse, pero ikaw lang ang bukod-tanging nagreklamo.""Maniwala po kayo sa akin, manong. Kahit tawagan niyo pa at itanong sa kanya.""Ayaw niyang magpaistorbo. Sige na. Umalis ka na.""Manong...""Kapag nangulit ka nang nangul
last updateHuling Na-update : 2024-10-07
Magbasa pa
Chapter 10
"HOW'S the baby?""Maayos ang lagay ng bata. But I'm more worried about the mother.""Bakit, doc?""Sa lumabas na resulta ng kanyang mga lab test, she's malnourished.""Malnourished?" pag-uulit na tanong ni Jordan.Tumango naman ang doktor. "At hindi lang iyon. She's under stress, depression and over fatigue. Maaaring malagay sa panganib ang buhay niya lalo na ang sanggol sa oras na magpatuloy ito. Magkakilala ba kayo?""No. We're just an acquaintance. I personally don't know her.""Nasaan ang pamilya niya?"Umiling si Jordan. "I think hindi niya gustong malaman ng kanyang pamilya ang tungkol sa kalagayan niya.""You mean, wala silang alam na buntis ang pasyente?"Tumango si Jordan. "It's better to wait for her na magising at hayaang siya na lang ang magdesisyon. In the meantime, can you please take care of her?""Don't worry. We will give her the best care.""Salamat, doc.""Anyway, in any case, just for the record, kakailanganin ko pa rin na makuha ang contact details ng kanyang pam
last updateHuling Na-update : 2024-10-08
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status