PALABAS na sana ng stock room si Jamilla nang tumigil siya sa likuran ng dalawang katrabaho na nakatutok ang atensiyon sa pinanonood na balita sa hawak na iPad. May narinig kasi siya roong pamilyar na tinig.
"Isa na namang playboy ang ikinasal." "Siguradong playboy pa rin iyan kahit mag-asawa na." Nagkatawanan ang dalawang lalaki habang mas inilapit naman ni Jamilla ang sarili sa mga ito upang malinaw na matitigan ang screen ng iPad. At bigla siyang nanghihina nang makita ang nobyo roon na may kahawak-kamay na ibang babae. Nakangiti ito na parang nasisiyahan sa nagaganap na okasyon. The news talks about their upcoming engagement party. Napakagat-labi si Jamilla, pero hindi niyon napigilan ang paglaglagan ng kanyang mga luha. Mabilis na siyang tumalikod bago pa may makapansin sa kanya. Dumiretso siya sa malapit na ladies' room at pinakawalan doon ang impit na pag-iyak. Kaya siguro pinutol na ni Jerry ang komunikasyon nila dahil ikakasal na ito. Pero paano siya? Paano ang puso at dangal na inialay niya rito? Paano ang sumpaan nilang dalawa? Paano ang kanilang pangarap na bubuo sila ng sarili nilang pamilya? Mahal na mahal niya ang nobyo. Abot hanggang langit ang inukol niyang pag-ibig sa unang lalaking umangkin sa kanyang katawan. Sa oras na mawala ito, katumbas niyon sa kanya ay kamatayan. "Sinong nag-iwan ng mga sapatos dito?" Natauhan si Jamilla nang marinig ang iritableng boses ng supervisor. Mabilis muna niyang tinuyo ang mga luha bago lumabas ng cubicle. "Ikaw na naman? Gusto mo ba talagang sinisira lagi ang araw ko?" "Hindi ko na po kasi mapigil ang ihi, Ma'am Eds." Kinuha niya ang mga kahon na ipinatong sa ibabaw ng lavatory. "Sige po, ma'am." Tumalikod na si Jamilla bago pa siya muling litanyahan ng sermon ng babae. Deretso na niyang tinungo ang kostumer na pinaghintay niya nang matagal. "Dumating ka rin sa wakas. Malapit na akong tubuan ng ugat dito." Seryoso man ang tinig ni Jordan, ngunit nasa mukha nito ang pagbibiro. "What took you so long?" "Pasensiya na po. Hinanap ko pa po kasi sa stock room ang sizes na gusto niyo, sir." "Maalikabok ba roon?" "Ho?" "Namumula kasi ang mga mata mo." Iniiwas niya ang tingin sa kaharap. "Isukat niyo na po ang mga sapatos, sir." Muli sanang tutulong ang dalaga, pero sinaway ulit siya ni Jordan. He clearly no need of help. He's just impaired, but not an invalid one. "Ang suwerte naman nang pakakasalan ni Sir Jerry..." Napapitlag sa kinatatayuan si Jamilla sa pagkakarinig sa pangalan ng nobyo mula sa mga kasamahan sa trabaho na napadaan. Hindi naman iyon nakaligtas sa paningin ni Jordan na maya't mayang napapasulyap sa dalaga. "Guwapo na, nag-iisa pang heredero ng pamilya. At maganda ang fiancee niya. Bagay na bagay sila." "Siguradong iiyak niyan ang mga babaing umaasa sanang mabingwit ang kanyang puso. Isa na ako roon. Pero hindi ako iiyak. Puwede pa namang pagtiyagaan ang boyfriend kong batugan." "Isama mo na ang asawa kong lasenggo at sugarol!" Nagkatawanan ang grupo na taliwas sa lumarawang sakit sa mukha ni Jamilla. At kahit madiin na ang pagkagat niya sa labi ay hindi niyon napigil ang muling pagpatak ng mga luha. Hiniling ng dalaga na sana panaginip lamang ang lahat. Gusto niyang patuloy pa ring maniwala na hindi magagawa ni Jerry na siya'y lokohin at saktan. Nangako ito. Mula naman sa pagkakayuko habang abala sa pagsusukat ng sapatos, natuon ang mga mata ni Jordan sa patak ng tubig sa sahig. "Hindi kaya lalong malasin niyan ang mga paa ko dahil umiiyak ka sa mismong harap ko?" Sa halip na humingi ng tawad si Jamilla ay bahagya siyang tumagilid sa kinatatayuan at pasimpleng pinahid ang mga nabasang pisngi. "I'll take these two," saad ni Jordan na hindi na tinapos ang pagsusukat. Lumuhod naman si Jamilla para kunin ang mga kahon, pero bigla na lang siyang nakaramdam ng pag-ikot ng paningin. "Are you okay?" puna nito nang mapansing napakapit ang dalaga sa gilid ng upuan. "Opo, sir." "I think you're not. Namumutla ka." Napasapo naman si Jamilla sa mukha. May nakapa siyang pamumuo ng mga pawis. Bigla rin siyang nakaramdam ng panlalamig. "I will call for help," saad ni Jordan na napatayo na sa kinauupuan. "Huwag na po, sir. Medyo nahihilo-" Hindi na natapos ni Jamilla ang pagsasalita. Tuluyan na siyang nanghina hanggang mawalan ng malay."CONGRATS. Three weeks ka nang nagdadalang-tao."Napaawang ang bibig niya sa kaharap. Resident doctor ito ng Avalanche Shoe Mart. At kasalukuyan siyang nasa loob ng clinic nito. Nagising siyang naroon na matapos siyang mawalan ng malay. "Ho?""Hindi mo ba inaasahan ang ibinalita ko? I mean, siguro may asawa ka naman."Nahihiya siyang yumuko at marahang umiling."I see. But for sure, may boyfriend ka."Tumango si Jamilla."Good. Anyway, I don't know if this is good news.""Maganda po iyong balita, doc.""So, dapat masaya ka.""U-uhm, masaya naman po ako."Nabuhayan ng pag-asa si Jamilla sa balitang narinig. Ang pagkakaroon nila ng anak ni Jerry ay sapat nang dahilan para ipaglaban niya rito ang kanyang karapatan."Umuwi ka muna. Kinausap na ng manager mo ang iyong supervisor for your sick leave today. Bibigyan kita ng mga prescription para manatiling malusog kayong mag-ina.""Salamat po, doc."Nagsulat sa prescription pad ang doktor. At pagkatapos niyon ay iniabot kay Jamilla ang papel
"SIGE na po, manong.""Bakit ba ang kulit mo? Kanina pa kita pinapaalis, ah?""Saglit lang naman po ako. Kailangan na kailangan ko po talagang makausap si Sir Jerry.""Hindi nga puwede dahil iyon ang mahigpit niyang bilin sa amin na huwag tataganggap ng bisita para sa kanya.""Sampung minuto. Please?""Umalis ka na lang. Huwag nang makulit.""Limang minuto. Sige na po, manong. Please?""Ano ba kasing kailangan mo sa kanya?"Mabilis na nag-isip ng irarason si Jamilla. "Sisingilin ko lang po siya sa kabuuang bayad ng paglilinis ko sa kanyang condo. Naalala niyo po ba ako? Ikaw ang duty nang araw na pumunta ako rito.""Oo, naalala kita. Pero hindi ganyan si Sir Jerry. Mayaman siya kaya bakit naman niya babayaran ng instalment ang serbisyo mo. Maraming cleaner sa penthouse, pero ikaw lang ang bukod-tanging nagreklamo.""Maniwala po kayo sa akin, manong. Kahit tawagan niyo pa at itanong sa kanya.""Ayaw niyang magpaistorbo. Sige na. Umalis ka na.""Manong...""Kapag nangulit ka nang nangul
"HOW'S the baby?""Maayos ang lagay ng bata. But I'm more worried about the mother.""Bakit, doc?""Sa lumabas na resulta ng kanyang mga lab test, she's malnourished.""Malnourished?" pag-uulit na tanong ni Jordan.Tumango naman ang doktor. "At hindi lang iyon. She's under stress, depression and over fatigue. Maaaring malagay sa panganib ang buhay niya lalo na ang sanggol sa oras na magpatuloy ito. Magkakilala ba kayo?""No. We're just an acquaintance. I personally don't know her.""Nasaan ang pamilya niya?"Umiling si Jordan. "I think hindi niya gustong malaman ng kanyang pamilya ang tungkol sa kalagayan niya.""You mean, wala silang alam na buntis ang pasyente?"Tumango si Jordan. "It's better to wait for her na magising at hayaang siya na lang ang magdesisyon. In the meantime, can you please take care of her?""Don't worry. We will give her the best care.""Salamat, doc.""Anyway, in any case, just for the record, kakailanganin ko pa rin na makuha ang contact details ng kanyang pam
"ANAK, saan ka na naman pupunta sa ganito kaagang oras?"Hindi napansin ni Jamilla na naroon na sa kusina ang kanyang ama. Tahimik at patingkayad siyang naglalakad upang hindi maistorbo ang natutulog pang pamilya. "Pa.""Ilang araw ko nang napapansin na halos inuunahan mo sa pag-alis ang pagsikat ng araw."Alam ng kanyang ama ang oras ng pasok niya sa Avalanche. "Naghahanap po ako ng bagong trabaho," pagsisinungaling ni Jamilla."Ha? Umalis ka na ba sa dati mong pinapasukan?" pagtatakang tanong ng ginoo. "Bakit wala yata kaming alam?""Ayoko po kasing dumagdag pa sa mga isipin niyo rito sa bahay.""Anak, ano bang pinagsasasabi mo?""Umalis po ako kasi hindi kami magkasundo ng supervisor ko.""Gan'on ba?" Hindi na nito pinansin ang pag-iwas ni Jamilla sa nais sana nitong pag-usisa sa naunang pahayag ng anak. "Okay lang iyan. Kung hindi ka na masaya roon, bakit nga naman magtitiyaga ka pa at magtitiis? Halika rito. Sabayan mo ako sa almusal. Kailangang may laman lagi ang tiyan mo para h
NAPANGIWI si Jamilla nang marahas siyang isandal ni Jerry sa tagiliran ng kotse matapos niyang makababa roon."Ano ba? Nasasaktan ako!""Talagang masasaktan kita sa oras na pumunta ka uli sa kompanya."Napatitig siya sa nag-aapoy na mga mata ng nobyo. Hindi na iyon ang dating Jerry na nakilala niyang maginoo at mahinahon. "Hindi mo kasi sinasagot ang mga tawag at text ko kaya nag-alala ako.""Manhid ka ba o tanga? You should clearly know na kaya hindi ako sumasagot dahil pinutol ko na ang anumang relasyon natin!"Nag-init ang magkabilang tainga ni Jamilla sa narinig. "Ganoon lang kasimple 'yon? May nangyari sa atin. At isa pa, nangako ka na hanggang sa pagtanda ay magkasama tayong dalawa."Natatawang binitiwan nito ang dalaga. "You're insane! Naniwala ka? I mean, everything I said is a joke. And everything happened to us is just for fun.""Anong ibig mong sabihin?""Those sweet lines, those promises, I have said it to countless women."Tila rebultong nanigas sa kinatatayuan si Jamilla
"MR. Dela Rivas, wala kang dapat na ipag-alala. Hindi ko naman plano na kuhain ang forty percent ng shares ko sa kompanya mo once I migrated to Switzerland. Yes, please be at ease. Afterall, I have been a loyal investor. So, set aside your worries. Hindi ko kayo ilulubog sa problema. Just send me on my email an annual report for my shares' status. Okay, okay. Magkikita pa tayo bago ako umalis para mapag-usapan natin itong mabuti. See you, then. Bye."Matapos ibaba ni Jordan ang cellphone, pinasadahan niya ang ilan pang papeles na nasa loob ng nakabukas na attaché case.He's been finalizing his assets before leaving the country. Hindi niya alam kung kailan siya makakabalik. Sigurado na matatagalan iyon."Rex, dumaan muna tayo sa banko. I almost forgot na may appointment pala ako roon ng alas diyes.""Yes, sir!" tugon ng drayber.Maayos na ibinalik ni Jordan sa loob ng attaché case ang mga papeles at ipinahinga sa sandalan ng backseat ang pagal na likod. Aktong pipikit sana ang binata n
NAKANGIWI at sumisigaw sa sakit si Jamilla habang hila-hila ang kanyang buhok ng nadatnang babae sa bahay nina Jerry."Wala kang hiya na ikaw pa mismo ang pumunta rito para maghanap ng gulo!""Gusto ko lang makausap ang mga magulang ni Jerry! Aray! Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!""Guard, buksan mo ang gate! Kapag pinapasok mo ulit ang babaing ito, bukas na bukas din, wala ka nang trabaho! Maliwanag?""Opo, Ma'am Corrie!"Patulak nitong binitiwan ang nasasabunutang buhok na nagpabagsak kay Jamilla sa semento. "Huwag ka nang babalik dito kung ayaw mong kalbuhin kita! Alis!" Pinagpag nito ang kamay, "Gross! Such a filthy b*tch!""Hindi ako aalis! Kailangan kong makausap ang pamilya ni Jerry! Pananagutan niya ang ipinagbubuntis ko!""Leech!" sigaw ni Corrie. "Hindi ang lintang katulad mo ang sisipsip sa dugo ng pamilyang ito! You're nothing but a worthless scumbag!""Kahit ano pang sabihin mo, hindi ako aalis! Maghihintay ako rito hanggang hindi nila ako hinaharap!"Natigil sa sagutan an
"HINDI ko alam na bata pa pala ang nagmamay-ari ng Regal Oasis..."Nabaling ang tingin ni Jordan kay Miguel nang makabalik na ito sa sala matapos linisin ang sugat."I was really surprised. And honoured, of course."Nadala na ng katulong ang tatlong tasa ng kape at halos nangangalahati na ni Jordan ang kanyang inumin habang si Corrie ay mas pinili siyang sulyap-sulyapan na para bang sinusuri ang kanyang pagkatao."It's an inheritance from my grandfather after retiring to business."Humigop muna sila ng kape. At tulad ni Corrie ay hindi rin maiwasan ng ginoo na panay sulyapan ang binata."Mukhang malaki ang tiwala sa 'yo ng lolo mo para hayaan niyang pamahalaan mo ang tanyag na Regal Oasis.""I was just twenty-two when he handed it to me.""Really?""And for the past ten years na hawak ko ito, umabot na rin sa dalawampu't anim na lugar sa buong Pilipinas ang sakop nito."Lumapit si Marco at sumingit sa usapan. "Sir, twenty-seven na.""Yeah, right. I almost forgot my last project in Bat