Share

Chapter 14

NAKANGIWI at sumisigaw sa sakit si Jamilla habang hila-hila ang kanyang buhok ng nadatnang babae sa bahay nina Jerry.

"Wala kang hiya na ikaw pa mismo ang pumunta rito para maghanap ng gulo!"

"Gusto ko lang makausap ang mga magulang ni Jerry! Aray! Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!"

"Guard, buksan mo ang gate! Kapag pinapasok mo ulit ang babaing ito, bukas na bukas din, wala ka nang trabaho! Maliwanag?"

"Opo, Ma'am Corrie!"

Patulak nitong binitiwan ang nasasabunutang buhok na nagpabagsak kay Jamilla sa semento. "Huwag ka nang babalik dito kung ayaw mong kalbuhin kita! Alis!" Pinagpag nito ang kamay, "Gross! Such a filthy b*tch!"

"Hindi ako aalis! Kailangan kong makausap ang pamilya ni Jerry! Pananagutan niya ang ipinagbubuntis ko!"

"Leech!" sigaw ni Corrie. "Hindi ang lintang katulad mo ang sisipsip sa dugo ng pamilyang ito! You're nothing but a worthless scumbag!"

"Kahit ano pang sabihin mo, hindi ako aalis! Maghihintay ako rito hanggang hindi nila ako hinaharap!"

Natigil sa sagutan an
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status