"THE companies kept on pestering me..."Mula sa pagiging abala sa pagbubuklat ng mga kaharap na papeles ay natuon ang atensiyon ni Jordan kay Marco na kapapasok lang sa kanyang opisina. "I assure them already that I will not pull out my shares once I leave the country.""Hindi mo naman maiaalis sa kanila ang mag-alala." Pabagsak itong naupo sa isa sa dalawang bakanteng upuan katapat ng office table. "They are businessmen, after all. At isa pa, alam nila na marami pang puwedeng mangyari kapag nasa Switzerland ka na. Their worries is that you might start anew there and you'll decide to use the money you have with them."Napailing si Jordan. Ibinalik uli niya ang tingin sa mga papeles. "How come they don't trust me? I've been loyal to them since I started in business.""I know.""Forget about them." Muli siyang nag-angat ng mukha. "How is she?""Sino?""That woman.""Si Jamilla?""May iba pa ba akong babaing pinapabantayan sa 'yo?"Napakamot ito sa ulo. "She's doing fine. Well, hindi siy
"ATE?"Hindi natinag sa patagilid na pagkakahiga si Jamilla. Hindi man lang niya tinapunan ng tingin ang pag-upo ni Lala sa tabi ng kanyang kama. Mas pinili niyang tumitig sa kawalan."Kumain ka na.""Hindi ako nagugutom.""Ikaw, hindi. Pero ang bata sa tiyan mo siguradong-""Natutulog siya kaya huwag mong istorbohin," maagap niyang putol sa pagsasalita ng kapatid."Ate...""Sinabi nang hindi ako nagugutom!" Hinawi ni Jamilla ang pagkain na pilit isinusubo sa kanya ng kapatid at galit siyang bumangon. "Bakit ba ang kulit mo?""Ano bang problema mo?" sigaw ni Lala. "Kung nahihirapan ka, nahihirapan din kami ni Kuya Von! Kung nasasaktan ka, mas nasasaktan kami! Akala mo ba ikaw lang ang nagdurusa? Ginusto mo naman iyan kaya bakit pati kami dinamay mo?"Napipilan si Jamilla nang makitang humagulhol ng iyak ang kapatid."Ayaw kitang sisihin! Ayokong magalit sa 'yo! Gusto ka naming intindihin ni Kuya Von! Pero sana intindihin mo rin kami! Hindi 'yong puro ikaw lang!"Bumalik sa pagkakahiga
"MOMMY, take your medicine and be healthy!"Ilang buwan ding naging masigla si Jamilla dahil sa makulit na manikang laging pinapatunog ni Lala kapag oras na ng pag-inom ng mga gamot. Sa pagkain at pagtulog, hindi rin nawawala si Angel sa tabi ng dalaga.Maayos na sana ang lahat. Nagsisimula nang bumangon ang magkakapatid mula sa pagkawala ng mga magulang nila.Lumipat sila ng tirahan upang makaiwas sa kontrobersiya lalo pa't naging usapin sa kanilang lugar na kaya namatay sina Cardo at Marta dahil sa pagbubuntis ni Jamilla.Nakahanap na ng permanente at maayos na trabaho si Von. Ilang buwan na lang at magtatapos na rin sa pag-aaral si Lala.Tahimik na sila. Pinag-aaralan na nilang unti-unting makalimot sa sakit na dinulot ng nagdaang pangyayari sa buhay nila."Jamilla, mukhang malapit ka nang manganak."Ngumiti lang siya sa isa sa mga kapitbahay na nadaanan niya."Alam mo na ba ang kasarian ng magiging anak mo?""Hindi pa po.""Bakit naman?" usisa ng isa pa nilang kapitbahay.Hindi si
"MADAM."Nakangiting nagpaalam sa mga kausap si Amelita at kunot-noong hinarap ang personal assistant na habol ang paghinga habang nasa mukha ang pag-aalala. "Sia, anong problema?""Tumawag si Mr. Arellano, Madam.""The managing director of AbTv?" tukoy niya sa isang istasyon ng telebisyon. "Bakit daw? Akala ko busy siya sa trabaho?"Pinagala muna ni Sia ang tingin sa paligid at siniguro na walang tao sa malapit saka ito pabulong na nagsalita, "Pumunta raw po roon si Jamilla para magpa-interview.""What? That filthy woman!" bulalas na gigil ni Amelita. "Hindi pa rin pala siya tumitigil?""Hindi naman daw nila iyon ilalabas.""Put him on the line.""Yes, ma'am."Sinulyapan muna ni Amelita ang mga bagong kasal na nasa presidential table bago siya umalis sa reception area."Ma'am, heto na po."Kinuha ni Amelita ang cellphone na inilahad ni Sia at kinausap sa kabilang linya ang isa sa mga matalik niyang kaibigan na si Gray Arellano."I know, I know. Don't worry too much. Walang ibang naka
"BITIWAN niyo 'ko! Bitiwan niyo 'ko! Lala! Lala!"Ilang nagmamalasakit na kapitbahay ang pumipigil sa pagwawala ni Jamilla habang nakatunghay sa nasusunog nilang bahay."Ang kapatid ko nasa loob! Iligtas niyo ang kapatid ko! Lala! Lala! Parang awa niyo na! Nasa loob ang kapatid ko! Lala! Lala!""Jamilla," mangiyak-ngiyak na singit ng isang babae. "Sa tingin ko nasa loob din ang kuya mo kasi nakita ko siya kaninang dumating. Binati pa nga ako."Nanlaki ang mga mata ng dalaga na lalo pang nanlaban sa mga humahawak sa kanya. "Hindi! Hindi! Kuya! Lala! Bitiwan niyo 'ko! Tulungan niyo ang mga kapatid ko!" pagsusumamo niya sa mga taong nakapaligid.Mabilis na nagbigay-daan ang laht nang magkasunod na dumating ang tatlong fire truck at isang ambulansiya."Sir, sir!" Nagmamakaawang sinalubong ni Jamilla ang ilan sa mga bombero. "Ang mga kapatid ko po nasa loob! Iligtas niyo sila! Parang awa niyo na! Iligtas niyo sila!""Gagawin namin ang lahat nang aming makakaya." Natuon ang tingin nito sa t
HINDI malaman at maipaliwanag ni Jamilla ang kamalasang dumapo sa buhay niya. Tila ba galit sa kanya ang langit.Mabait naman siyang tao. Mapagmahal na anak at kapatid. Kahit marami siyang pangarap, pinagsisikapan niya iyon kahit nahihirapan siya sa pag-abot niyon."Hoy! Magpapakamatay ka ba?"Binalewala ni Jamilla ang galit at sigaw ng drayber ng van na muntik na sanang makabangga sa kanya. Tuluy-tuloy lang siya sa pagtawid ng kalsada.Wala na sigurong mas sasarap pa sa mga oras na iyon kundi ang mamatay. Malas siya. Dapat lamang siguro na mawala na siya sa mundo. Baka nga kung napaaga iyon, hindi na nadamay pa ang kanyang pamilya."Wala na ang mga kapatid mo. Pareho silang nasawi sa sunog..."Tahimik na bumubuhos ang luha sa mga mata ni Jamilla habang naririnig sa isip ang balitang inihatid sa kanya ng mga pulis nang mismong araw na magising siya sa ospital."Namatay ang anak mo dahil sa mga komplikasyon..."Paluhod na bumagsak si Jamilla nang maalala ang isa pang masamang balita na
"JAMILLA!"Lumingon ang dalaga. Nag-aapoy sa galit ang mga mata nito. "Huwag kang lalapit!""Anong ginagawa mo riyan?" Iniunat niya ang kamay. "Halika. Baka mahulog ka.""Sinabi nang huwag kang lalapit!""Jamilla!" sigaw ni Jordan nang iamba ng dalaga ang isang paa sa ere. "Bumaba ka riyan!""Wala na siyang itinira sa akin! Ang lupit niya!" Humagulgol ito. "Kinuha niya lahat nang mga mahal ko! Wala siyang itinira! Wala siyang awa! Wala siyang puso!""Jamilla, huminahon ka.""Huwag kang lalapit!" pagbabanta nitong sigaw nang makitang humakbang palapit si Jordan."Pag-usapan natin ito. Hindi maaayos ang problema mo kung idadaan mo sa galit at pag-iyak. I will listen. And you know that I'm willing to help.""Sinungaling! Wala kang pinagkaiba kay Jerry! Manloloko! Hindi ka tumupad sa pangako!""Please, let's talk." Humakbang ulit siya, pero mabilis ding napahinto nang makita niyang niluwangan ni Jamilla ang hawak sa pinagkakapitan nito. Umuulan. Kaya siguradong madulas iyon. Isang maling
"GET OUT! Get out!""Daddy, I just want to play with you...""Sinabi nang lumabas ka!" Pinagulong ni Jerry ang kinauupuan na wheelchair patungo sa sidetable at dinampot doon ang remote control ng aircon. "Labas!"Lumakas ang pag-iyak ng walong taong gulang na bata nang tamaan sa braso ang binato ng ama."Malas ka! Labas! Labas!""I hate you, Daddy! I hate you!"Humahagulhol na tumakbo palabas ng silid ng ama si Amberlyn. Nakasalubong nito ang yaya na mahigpit naman itong niyakap."Anong nangyari sa 'yo?""I hate daddy, Yaya Erin! I don't like him! He's bad! He's bad!"Napansin ng ginang ang mapulang marka sa kaliwang braso ng alaga. "Pumasok ka na naman ba sa kuwarto niya?""Gusto ko lang makipaglaro sa kanya, yaya.""Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Sinabi nang huwag na huwag kang papasok doon!""Yaya Erin, galit ka na rin ba sa akin? Lahat na lang galit sa akin! Bad po ba ako?""No, Amberlyn. Mabuti kang bata. Tahan na. Tahan na. Hindi ako galit." Pinahid niya ang mga luha sa mata ng
HALOS madaling-araw nang nakatulog si Gener dahil pinag-aaralan niyang mabuti ang mga dokumento para sa pagbubukas ng Angeles case. He has been doing it for the whole week.Ang gusto sana niya ay magbabad pa sa higaan. Pero may mga matang nakadilat sa harapan niya. Ramdam niya iyon kahit nakapikit siya dahil sa mainit na hininga na dumadampi sa kanyang mukha.Dahan-dahang nagmulat si Gener. At tila humiwalay sa katawan niya ang kaluluwa niya nang una niyang mabungaran ang teddy bear ni Amberlyn. "Ano ba? Gusto mo ba akong atakehin sa puso?""Wala ka po bang trabaho ngayong araw?"Tumagilid siya ng higa sa sofa na may kasama pang pagsampay ng isang paa sa sandalan niyon. Doon na siya natulog dahil pinagamit niya ang kanyang silid sa kinupkop na bata na ngayon ay gusto na niyang pagsisihan dahil sinisira nito ang kanyang umaga."Huwag mo nga akong istorbohin!""It's nearly noon time, pero madilim pa rin sa buong bahay.""Hayaan mo lang na nakatabing ang mga kurtina para hindi pumasok an
MABABAKAS ang matinding lungkot sa mukha ni Jamilla nang lumabas siya sa maoseleum ng pamilya. Sinalubong siya ni Tere na may dalang payong.Sandali siyang huminto sa paghakbang at tumingala sa kalangitan. Makulimlim iyon at manaka-naka na ang pagpatak ng ulan. Tila nakikidalamhati rin ito sa kanyang nararamdaman.Eight years ago, she was left alone and broken. Hiniling niya noon sa Diyos na kunin na lang siya para makasama ang anak at pamilya. Gusto niyang mamatay na. Pero ngayon ay may dahilan na siya para mabuhay."Let's go," wika ni Jamilla kay Tere.Nang makapasok na ang dalawa sa kotse at umandar na iyon, hinayaan muna nila na mamayani ang katahimikan. Kahit si Rex ay nakikiramdam lang."May gusto ba kayong sabihin?" untag ni Jamilla.Nagkatinginan naman muna sina Rex at Tere. Sumenyas ang una sa huli na ito na ang magsabi."Fire away," utos ni Jamilla."Sigurado po kayo sa desisyon niyo, ma'am? Mabilis na paraan sana ang excavation at DNA test."Nagpakawala muna si Jamilla ng m
IBINABA ni Gener sa sopa ang kargang bata na hindi nakatulog sa biyahe kahit na panay ang hikab nito. Mayroon itong kinatatakutan na tila ba ang pagpikit ay katumbas ng bangungot.Nahuhuli rin niya na palinga-linga ito sa paligid; mula sa halos beinte minutos na biyahe nila hanggang sa makaayat sila ng kanyang inuupahang apartment."Pulis ka po ba?""Hindi. At ika-sampu mo nang tanong 'yan.""Twelve na po. Marunong po akong magbilang.""Marunong ka rin sanang tumahimik." Hinubad niya ang sapatos at itinabi sa gilid ng pinto. lsinuot niya ang tsinelas. "Ang daldal mo. Parang hindi napapagod ang bibig mo sa pagsasalita."Binalewala ni Amberlyn ang sinabi ni Gener. "Inaantok na po ako.""Uy, teka!" Pinigil niya ang bata sa aktong paghiga nito sa sofa. "Hindi ka matutulog nang marumi ang katawan at hitsura mo. Magkakalat ka pa rito. Kailangan mo ring sagutin ang mga itatanong ko.""Pulis ka po ba?""Bakit paulit-ulit ka na lang? Para kang sirang-plaka!""Pulis lang po ang maraming tanong.
MULA sa pagkakasampa ni Amberlyn sa ibabaw ng isa sa mga bintana ng silid ay pilit niyang inaabot ang mahabang water pipe na nakadikit sa dingding sa labas.Hindi siya puwedeng dumaan sa ibaba dahil naririnig niya ang pag-iingay roon ang kanyang ina. Kailangang makaalis siya ng bahay bago dumating ang mga pulis.Kagat-kagat ni Amberlyn sa tainga ang manika nang dumausdos siyq sa water pipe. Tinanggal na niya lahat nang kaba at takot sa katawan dahil kapag nahuli siya ay hindi niya alam ang gagawin sa kanya ng pamilya lalo na't wala na ang Yaya Erin niya sa tabi.Mababa lang naman ang pagitang una at ikalawang palapag kaya hindi naman siya nahirapan. Ang problema lang ay mataas ang nag-iisang puno sa likuran ng bahay na balak niyang akyatin para makalabas ng bakuran. Pero susubukan niya.Tulad nang ibinilin ni Erin, nagtago muna at naghintay ang bata ng pagkakataon. "AMBER?"Napatigil siya sa pag-akyat sa puno saka napalingon. Bigla siyang nakaramdam ng takot sa pagkakataong iyon. "Ku
"LET'S play and be happy!""Daddy, Angel wants to play with me.""Let's play and be happy!" pag-iingay uli ng manika nang pindutin ang tiyan nito ni Amberlyn."But I can not play with her. Gusto ko po kasi kasama ka. Daddy, gising ka na po. Please? I really miss you. Angel, too.""Let's play and be happy!""Sorry, Angel. Let's play when Daddy wakes up, okay?" Pinatango niya ang manika. "Good girl."Inihiga ni Amberlyn ang ulo sa tabi ng ama habang nakatingala at nakayakap dito."Daddy, when you wake up, let's go and travel. Hindi na po kasi ako pinapalabas nina Lola at Mommy ng bahay."Naging komportable sa pagkakahiga si Amberlyn habang kausap at yakap ang ama. Kaya hindi na niya namalayan na unti-unti na siyang hinihila ng antok.Nagising na lamang ang bata dahil may marahas na humali sa kanya patayo. At nanlaki ang mga mata niya, "Mommy?!""Anong ginagawa mo rito?""Mommy, I just want to see Daddy.""Sinong nagbigay permiso sa 'yo na pumunta at pumasok dito, ha?""Sorry po, Mommy."
ITINULOS sa posisyon si Monette kahit nabugahan ng tubig ng taong matagal din niyang pinangarap na muling makita. Hindi siya makapaniwala na nasa harap niya ito. If she could just stare him that way, pipiliin niyang pigilin ang pag-ikot ng mundo. And she will hold the time to remain right just in front of him.He never changed. He is still the most handsome man in her eyes. Pero hindi siya dapat magpahalatang masaya siya sa pagtatagpo nila na iyon. She has to control her emotions."I assume na magkakilala na kayo," wika ni Jamilla na palihim na pinandilatan si Gener nang tumingin ito sa kanya. Tila bata itong nagpapasaklolo. "Tama ba?""He's an old colleague," malamig na saad ni Monette. "Anyway, I came here to meet you. Hindi ko alam na may bisita ka pala.""No, no. Hindi siya bisita rito."Gusto sanang itaas ni Monette ang isang kilay, pero pinigil niya iyon. Baka maging rude siya sa paningin ng dalawa. "Sorry. Asawa mo?""What do you think?" Naupo si Jamilla sa tabi ni Gener at kum
"ANONG ibig sabihin nito?"Bahagyang napapitlag si Gener nang pabagsak na ibinaba ng opisyal niya sa ibabaw ng mesa ang isang asul na folder."Kaya ka ba humingi ng leave para rito?"Nang buklatin ng lalaki ang folder, nakita niya roon ang ilang pahina ng mga papel at larawan ng kanyang grupo during their stakeout sa paghahanap kay Herman."You're trying to open a cold case? And you are doing it behind my back?"Muling napasulyap si Gener sa folder. Marahil ang mga papel na naroon ay tugon mula sa request nila ni Jamilla upang buksan uli ang kaso ng pamilya Angeles."What do you think you're thinking? Nasisiraan ka na ba ng ulo?""Sir -""Hindi mangyayari ang pinaplano mo!"Hinablot ni Gener ang nakasukbit na tsapa sa uniporme kasama ng ang ID saka inilapag ang mga iyon sa mesa. "Dapat noon ko pa ito ginawa.""Where did you get that guts, huh?" panlalaki nito ng mga mata sa binata habang nakalarawan sa namumulang mukha ang galit."This is not simply just guts, but courage. Alam mo ba
PATINGKAYAD ang mga hakbang ni Amberlyn maging ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kanyang silid.Dahan-dahan din ang pagbaba niya sa hagdan, palinga-linga sa paligid. Hindi niya pa naririnig ang boses ng kanyang lolo't lola. Wala ang Mommy niya.Tumungo si Amberlyn sa kusina. Naroon ang Yaya Erin niya. Abala ito sa pagkain habang nakikipagkuwentuhan sa isang bagong katulong.Nang masiguro niyang may oras pa siya bago bumalik ang Yaya niya ay saka niya tinahak ang patungo sa silid ng kanyang ama.Sandali munang huminto si Amberlyn nang tumapat sa pinto. Nang walang marinig na ingay sa loob ay marahan niyang pinihit ang seradura.Dere-deretso na siyang pumasok at tumungo sa higaan ng ama."Daddy, when will you wake up? Let's play.""Let's play and be happy!" pag-iingay ng manika nang pindutin ng bata ang tiyan nito."Daddy, Angel also wants to play with you. We miss you. Please, wake up."Biglang naalarma si Amberlyn nang makarinig siya ng mga yabag sa labas. Nasundan iyon ng tinig ng
"MAGALING magtago si Herman. Mukhang magaling din ang taong tumutulong sa kanya..."Pasimple namang napasulyap si Jamilla kay Jordan. Blangko ang reaksiyon nito. Marahil mali talaga siya ng hinala. Hindi nito magagawang maglihim sa kanya."Ang ipinagtataka ko, anong rason bakit siya itinatago?" patuloy na kumento ni Gener."It's either he will be used as a bomb na pasasabugin sa tamang oras o posibleng may kailangan silang protektahan," saad ni Jamilla na hindi naiwasan na sulyapan uli si Jordan."Kung mangyari man iyan o totoo iyan, then it is against the Villar. Kalaban ng mga ito ang tumutulong sa kanya," ani Jack. "Magandang senyales iyan, hindi ba?"Tumango-tango si Jordan. "If that's the case, should we stop looking for him?""Wala rin namang progress ang stakeout ng grupo dahil nga magaling magtago si Herman," wika ni Gener. "How about we focused on the three musketeers?"Natuon ang tingin ng lahat kay Jack."Sina Miguel, Amelita at Corrie Villar ang tinutukoy ko. Sa pagkakaal