Chapter: Chapter 46DAY 11“ANO bang nangyari kay Sir? Parang kahapon pa yata siya wala sa mood.”Bumagal ang paglalakad ni Yeonna. Pumunta siya sa comfort room at napadaan sa umpukan ng mga empleyado.Breaktime naman. Ang ilan ay nakabalik na mula sa canteen at kasalukuyan nang naghihintay para sa oras ng pagbabalik sa kanilang mga trabaho.“Ayaw ngang magpaistorbo,” tugon ng sekretarya ni Khal.“Masama ba ang pakiramdam?”“Hindi naman.”“Maghapon siyang halos nagkulong sa kanyang opisina ngayon matapos ang naging close-door meeting niya sa mga opisyal.”“Totoo nga yata ang balitang babagsak na ang kompanyang ito.”"Huwag naman sana. Malaki ang naging tulong ng pagtatrabaho ko rito sa aking pamilya. Kung babalik na naman ako sa simula, umpisa ulit ng paghihirap ko sa paghahanap ng bagong malilipatan.""Ipagdasal natin na maging maayos ang lahat."“At kawawa si Sir,” wika ng sekretarya. “Bakit ba ganyan ang trato nila sa tao. Kung bakla man siya, ano naman ang pakialam nila? Nasa kasarian ba ang ikatatag
Last Updated: 2025-02-11
Chapter: Chapter 45DAY 10“KUYA…”Tumigas ang mukha ni Yeonna nang nakangiting sumalubong sa kanila ang kinasusuklaman niyang tao na pumatay at bumaboy sa kanyang kapatid. Tila ba wala itong krimen o kasalanang ginawa dahil sa kasiyahang nakaguhit sa mukha nito. He's indeed a lucky man dahil mayaman ito. Kayang-kaya nitong bilhin ang kalayaan nito at ibaon ang katotohanan. Hindi niya ito kailanman nakita na nagsisi. Not even once. Kahit noong mga araw ng paglilitis sa grupo nito, kampante ito. Alam nito na maipapanalo nito ang kaso.“What are you doing here?” asik ni Khal. "Didn't I tell you na ayokong tumatapak ka rito sa kompanya lalo na ang pumasok sa opisina ko?""Binibisita ka.""Wala akong sakit. Now, get out."Napatingin si Anthony sa kasama ng kapatid. At nanlisik ang mga mata nito. “Hey! Anong ginagawa mo rito?”"Magkakilala kayo?" kunwaring usisa ni Khal."She's someone I despise a lot," sarkastiko nitong tugon kasabay ng pagsuyod ng baba-taas na tingin sa dalaga. "Stay away from that b*tch!"
Last Updated: 2025-02-10
Chapter: Chapter 44DAY 9TULAD nang nagdaang linggo ay routine na ni Yeonna ang maghintay sa podium ng Golden Royals para sa pagdating ng kanyang amo, may driver naman kasi ito na sumusundo rito na inihahatid lamang niya sa bahay nito kapag natapos na ang trabaho o appointments nito.Eksakto naman sa oras kung pumasok sa kompanya si Khal. At hindi ito kailanman nahuli. Pero ngayon ay late na ito nang halos kalahating oras.Muling sinulyapan ni Yeonna ang suot na relo. "Anong nangyari sa kanya?"Naisip tuloy niya na baka naapektuhan ito nang namagitan sa kanilang halikan. He might catch a flu or an allergy. Mabuti na lang at malakas ang resistensiya niya. Pero inubo siya at nagsuka kagabi. Well, slight lang.Biglang napasapo si Yeonna sa labi. At ramdam niya ang pag-init ng kanyang magkabilang pisngi."Haist! Ano bang iniisip ko? Erase! Erase!" Tandaan mo na binangungot ka kagabi."Sandali siyang natigilan sa sinabi sa sarili. Ang totoo kasi ay maganda ang tulog niya at tinatamad nga sana siyang bumangon
Last Updated: 2025-02-09
Chapter: Chapter 43“THAT jerk!”Pabagsak na ibinaba ni Yeonna ang plastic bottle ng mouth wash habang nakaharap sa kuwadradong salamin sa loob ng banyo.Nasaid na niya ang pangmumog, pero hindi pa rin nawawala ang iniwang alaala roon ng paghalik sa kanya ng aroganteng amo na hindi man lang humingi ng sorry."Hindi iyon ang kailangan ko," salungat agad ni Yeonna sa sinabi ng isip. "Hindi na maibabalik ng sorry ang first kiss ko!" Inis siyang napapadyak. "Bakit siya pa?" Nagngingitngit na ibinunton niya ang nararamdaman na inis sa wala nang laman na mouth wash. "Bakit siya pa?" “Hoy! Anong nangyayari sa ’yo? May sanib ka ba?”Napalingon siya sa kaibigan na marahil ay nagising niya dahil sa nilikha niyang komosyon. Studio-type lang ang bahay na inuupahan nito kaya kaunting galaw ay maririnig na nila ang ingay ng isa’t isa.Pansamantala siyang lumipat sa tirahan ni Hardie para malapit sa kanyang amo. Lalo na't kung tawagan at pauwiin siya ng binata ay parang magkapit-bahay lang sila.“Sorry. Sige na, matu
Last Updated: 2025-02-07
Chapter: Chapter 42PAREHO ngang itinulos sa posisyon nila ang magkapatid. Nanlaki ang mga mata ni Khal habang nakaawang naman ang bibig ni Amira na may kunting pagsilay ng nakakalokong ngiti sa labi.“Anong sinabi mo?”“Allergic ka sa mga babae, ‘di ba?” Hindi na napigil ni Yeonna ang sarili. Naiinis na siya sa sobrang kayabangan ng arogante niyang amo. “Sa edad mong ‘yan, wala ka pang girlfriend.”"So what?""That makes me curious.""Curiosity k!lls a cat.""Siyam ang buhay ng pusa," papilosopo niyang tugon."Teka," singit ni Amira. "Bakit naman napunta ang usapan niyo sa pusa? Mag-focus kayo sa totoong topic."Hinawa ni Khal ang kapatid at hinarap si Yeonna. “What makes you curious about my personal matters? Interesado ka ba sa akin?""Hah!" Napabuga ng hangin sa bibig ang dalaga. "No way!""Good. Wala kang karapatan na makialam sa sarili kong buhay kung hindi ka naman pala interesado sa akin. And besides, just to remind you, empleyado lang kita.”“Right. But it's obvious."Napatiim-bagang si Khal.“P
Last Updated: 2025-02-06
Chapter: Chapter 41“KUYA!”Napailing si Yeonna nang paika-ikang humakbang si Amira para salubungin si Khal at nagkunwari na lasing na lasing. Saka lamang niya naisip na nagkunwari itong nahihilo upang magkaroon pa nang oras na makalapit sa kanila ang binata.“You’re drunk again!”“May pinuntahan akong lamay!”“Hindi na birthday party?”“Para maiba naman,” sabay tawa nito na pilit niyayakap si Khal na umiiwas naman.“You stink! Maligo ka muna bago ka matulog!”Sumaludo ito. “Yes, sir!”“This brat!” asik ni Khal na agad inalalayan si Amira na muntikan nang mabuwal.“Kuya, may itatanong nga palayo sa ’yo si Miss Officer.”Bigla namang napahinto si Yeonna na papasok na sana ng kotse. At nagtama ang mga mata nila ni Khal nang lumingon siya.“Ano ‘yon?”“Ha? W-Wala, wala!”“Sige na, Miss Officer. Huwag ka nang mahiya.”“Aalis na ako. Bye.”“Kuya, gustong malaman ni Miss Officer kung bakla ka raw.”Muling napahinto si Yeonna.“Patunayan mo nga sa kanya na hindi ka bakla. Sige na, Kuya. Halikan mo siya.”Hindi
Last Updated: 2025-02-06
Chapter: Finale"NAKIKITA mo ba ang taong 'yon?"Sinundan naman ng tingin ni Amberlyn ang itinuro ng ina at saka tumango nang matanaw sa unahan ang isang lalaking nakatalikod habang nakatanaw sa malawak na karagatan."Ibigay mo ito sa kanya..."Nabaling ang mga mata ng bata sa singsing na iniangat ng ina sa harapan nito. "Are you going to marry him?"Buong paglalambing na ginulo ni Jamilla ang buhok ng anak. "You're really smart.""Ibig pong sabihin magiging daddy number two ko na siya?""He's going to be the best daddy in the whole world." Napansin ni Jamilla ang lumarawang lungkot sa mukha ng anak. "Why?""Daddy number one is still my best daddy from Pluto to Earth."Napipilan si Jamilla."Mommy?""Hmm?""Mommy has Daddy number two. Tito Gener has Tita Money. Me, I have Angel and Yaya Erin. But Daddy Jerry has no one."Muling natigilan si Jamilla. Hindi niya inilihim sa anak ang mga nangyari lalo na sa pamilya ng ama nito."Mommy, I want to live with Daddy.""Baby..." Iniharap niya ang anak sa kany
Last Updated: 2024-12-04
Chapter: Chapter 128"MOMMY, I'm so happy today. Can we do this again?"Nakangiting sinulyapan ni Jamilla ang anak matapos maupo sa harapan ng manibela. "Sure, anak. Gagawin natin lahat nang makapagpapasaya sa 'yo.""Yeheyyy!" Natutuwa nitong itinaas ang yakap-yakap na manika. "Did you hear that, Angel? She's the best mommy in the world!"Pinaandar na ni Jamilla ang kotse. Nagsisimula na siyang bumawi sa ilang taon na nawala sa kanila ng anak. Pero mas makukumpleto ang kaligayahan niya kung masasabi na niya rito ang buong katotohanan sa relasyon nilang dalawa. At isasakatuparan na niya ang pagtatapat sa araw na iyon."Mommy, where are we going now?""Gutom ka na ba?""Opo.""Then, let's eat first.""You're also hungry, Angel?" Hinawakan nito sa ulo ang manika at pinatango. "We really are sisters."Inunat ni Jamilla ang braso at masuyong hinaplos ang pisngi ng anak. "I love you, baby.""I love you more, Mommy."Mula sa Enchanted Kingdom ay dumiretso ang dalaga sa Paseo de Santa Rosa. Noong isang araw pa si
Last Updated: 2024-12-03
Chapter: Chapter 127"PUMUNTA ka sa mga tita at tito mo sa Amerika. Alam ko na hindi ka nila pababayaan doon.""No," salungat ni Jerry sa suhestiyon ng ina. "I want to stay here para lagi ko kayong madadalaw.""Forget about us."Napatingin si Jerry sa ama. "Dad, what are you saying?""Kalimutan mo nang may mga magulang kang tulad namin. Go on with your own life. Huwag mo lang uling tatahakin ang daan na nagdala sa amin sa buhay na ito."Pinatatag ni Jerry ang kanyang sarili kahit nakakaramdam siya ng awa sa ama't ina.Hindi man lamang pumasok sa isip niya minsan na makikita ang mga magulang niya sa ganoong sitwasyon.Nahatulan ng habangbuhay na pagkabilanggo sina Miguel at Amelita sa kasong murder, arson at kidnapping. No bail and parole. Sa loob ng selda na nila gugugulin ang ilang taon na natitira na lang sa kanilang buhay."Hindi ako naging mabuting anak. I'm sorry.""No." Ginagap ng ginang ang kamay ni Jerry, "Wala kang dapat na sisihin kundi kami ng papa mo. Pero tadaan mo lang lagi na hindi mababago
Last Updated: 2024-12-03
Chapter: Chapter 126MABILIS ang naging usad ng pagdinig sa patong-patong na mga kasong isinampa sa pamilya Villar.Malakas ang nakalap na mga ebidensiya ni Gener. Idinawit nito ang mga dating opisyal at katrabaho na sangkot sa tampering ng Angeles Murder case.Mas lumakas pa ang pagdidiin ng kampo ni Jamilla sa pamilya Villar dahil sa CCTV footage na nakuha sa mismong Red Intel Manila na sinuportahan ng testimonya ni Aurora Pulatis.Isa sa mabigat na kaso na kinaharap nina Miguel at Amelita ay kidnapping. Tumayo bilang testigo sina Dra. Delda Ancheta at Zeraida Capisano.Natanggalan ng lisensiya ang direktor ng Miracle Hope na tumulong sa pag-kidnap kay Amberlyn at pinatawan ito ng pitong taon na pagkakabilanggo.Dumagdag ang kasong child abuse na nagdiin kay Corrie nang akusahan ito ni Erin ng labis na pagmamaltrato sa hindi naman pala nito anak. Sampung taon na sentensiya ang iginawad dito ng hurado at sampung taon naman sa naudlot na plano nitong pagtakas sa batas kasama ang kalaguyo nitong pulis.Mad
Last Updated: 2024-12-03
Chapter: Chapter 125"KUKUHA lang ako ng mainit na tubig. Huwag kang lalabas ng silid, ha?"Hinawakan ni Amberlyn sa ulo ang nilalarong manika at pinatango iyon. "Opo," tugon niya sa maliit na tinig."Promise?"Muli niyang pinagalaw ang ulo ni Angel. "Promise, Tita Tere. I will be a good girl.""Okay. Babalik agad ako."Sinundan ng pagbangon ni Amberlyn sa higaan ang paglapat ng isinarang pinto ni Tere."Angel, ikaw ang nangako sa kanya kaya huwag na huwag kang lalabas ng silid.""Let's play and happy!" pag-iingay ng manika nang pindutin ni Amberlyn ang tiyan nito."Okay. Let's play and be happy when I come back. Sandali lang ako." Inihiga ni Amberlyn sa kama ang manika. "Miss ko na kasi si Yaya Erin kaya sisilipin ko lang siya.""Let's play and be happy!""I'll be back."Pinakiramdaman muna ni Amberlyn ang likod ng pinto bago marahang pinihit ang seradura at sumilip sa maliit na nilikhang siwang niyon. Natutulog sa hilera ng mga upuan ang dalawang bantay habang ang isang gising ay nakalikod at abala nama
Last Updated: 2024-12-03
Chapter: Chapter 124"KAYA mo na ba uli silang harapin?""Kakayanin ko," tugon ni Jamilla sa naging tanong ni Jordan. "I've been waiting for this day.""Kung sigurado ka na at handa ka na, then go ahead. I'll be right here."Nag-iwan muna nang huling sulyap si Jamilla sa mga taong naroon sa loob ng interrogation room bago siya humakbang patungo sa pinto ng extension room.Sandali munang nakipagtitigan ang dalaga sa seradura at saka unti-unti 'yong pinihit.Marahan na tinapik ni Jordan sa balikat ang isang lalaki na nakaupo sa harapan ng control panel kung saan nakakonekta iyon sa loob ng silid na napapagitnaan lang ng malapad na kuwadradong one-way glass wall. "Please, start."Tumalima naman agad ang operator na pansamantalang tinanggal ang audio at video sa interrogation room.Wala mang naririnig na tinig o ingay sa labas, malinaw na malinaw naman na nakikita ni Jordan sa loob ng silid ang iisang reaksyon sa mukha ng pamilya Villar nang pumasok na roon si Jamilla."Masaya ka na ba?" asik na salubong ni C
Last Updated: 2024-12-03