"CAN we just cancel the plan today?"Sinulyapan lang ni Yeonna si Khal. "Hindi puwede. Napag-usapan na natin ito.""Limang araw pa lang mula nang ikasal tayo. Nasa honeymoon-stage pa tayo.""Alam ko ang nasa isip mo."Nakangiting kumapit sa braso ni Yeonna si Khal, "Let's just stay in bed.""Hindi pa ba sumasakit ang katawan mo?"Lalong lumapad ang pagkakangiti nito. "Hindi.""Kailangan ko nang pahinga.""Mamasahehin ko ang buong katawan mo.""At alam ko kung saan lang mauuwi iyon.""Magpapakita lang tayo sa Royals, then uuwi na agad tayo. Okay?""Magtatrabaho ka.""I owned the company -"Pinutol na agad niya ang pagdadahilan ni Khal. "Kailangan nating maghanda. Alam mo ang mangyayari sa oras na malaman ng mga kalaban na ikinasal na tayo.""Fine. But you have to promise me na akin ang buong gabi mamaya.""Haist! Oo na!"Parehong napahinto ang mag-asawa na palabas na sana ng bahay nang may tila ipo-ipong dumaan sa kanila na muntikan pa silang banggain."Sorry, sorry!"Nagmamadali si Am
"IKAW naman ang taya. Ang laki ng binigay sa 'yong bonus.""Marami akong gastusin!" asik ni Hardhie sa panunudyo ng mga kaibigan.Magkakasama sila sa isang team bilang makeup artist ng kilalang anchor. Galing sila sa café at pabalik na sila sa trabaho nila."Bakit? Ilan ba ang lalaki mo?""Haist! Wala akong lalaki!"Natuon ang tingin ng grupo sa isang big bike na humarang sa kanilang daraanan."Wow! Ang gara!" bulalas na paghanga ng isa sa mga kasama ni Hardhie."Siguradong guwapo iyan!""Kaninong jowa iyan?"Kanya-kanya ng tanggi ang apat na kasamang bakla ni Hardhie."Ikaw.""Hindi ba't sinabi ko na sainyo na wala akong lalaki?" asik niya matapos siyang ituro ng mga kaibigan. "Wala pa sa plano ko ang makipagrelasyon. Period. No more arguments. No more questions. Okay?""Kung walang aangkin, akin na lang!" wika ng isa na humakbang sa unahan.Halos hindi kumurap ang magkakaibigan habang dahan-dahan na tinatanggal ng nakasakay sa motor ang helmet nito."Ang guwapo!" bulalas ng lahat ma
"AFTER today, makakahinga na tayo nang maluwang and just wait for the result."Marahan na tumango at tipid lang na ngumiti si Yeonna. She's been a little nervous since last night. Kailangan na magawa niya ang plano nila nang hindi magdudulot ng pagdududa kina Felix at Anthony.Though it was her idea to do the DNA test, she's not very sure if it goes out according to their plans. Pareho pang tuso ang mag-ama. Baka mahalata ng mga ito ang totoo nilang motibo."Don't worry too much," dagdag pa ni Khal sa pagpakawala uli ng asawa ng malalim na buntong-hininga."Okay lang ako.""What's really bothering you? Alam kong hindi ka takot na makaharap sila. May iba ka pa bang ipinag-aalala?""Kung sakali man na maging positibo ang resulta ng DNA, alam kong unang-unang masasaktan si Amira. You know what she really wants, right? She always hopes na maituturing mo siyang tunay na kapatid.""We can't do anything about it. She has to choose between me or go against her own family.""Tatanggapin mo ba
"THAT man will marry me today!""Hija -""Father," pinutol na ni Jacquin ang muli sanang pagsalungat ng pari. "We are in love with each other. Ikasal mo na kami.""Kailangan ko ring marinig ang sasabihin ng groom-to-be.""He's not in the right mind today. Dahil ginamitan siya ng gayuma ng babaing iyan!"Napataas ng kilay si Yeonna. "Kanina lang sinabi mo na ginagamitan ko ng puwersa si Khal. Ngayon naman, gayuma. Anong susunod? Black magic?""Yes. Because you're an evil."Napaismid na lang na natatawa si Yeonna nang biglang takbuhin ni Jacquin si Khal at yakapin. "Jeez!""We're really in love. Ikasal mo na kami ngayon, Father.""Gusto mo bang kasuhan kita ng concubinage?" asik ni Yeonna."What?""Inaari mo kasi ang asawa ko.""Sinong asawa mo?"Sa halip na sumagot ay kinuha ni Yeonna sa bag ang kanilang marriage certificate at ibinigay iyon sa pari. "Please check the authenticity of that document, Father."Lahat nang mata ay natuon sa papel. Halos isang linggo pa lamang na kasal ang d
"ATE?""Nasa trabaho ako." Hininaan ni Yeonna ang boses dahil may ilang costumer sa loob ng convenience store. Part-timer siya roon bilang isang working student. At graveyard shift siya tuwing weekend. Full-time scholar kasi siya kaya mahirap humagilap ng oras upang maisingit niya anumang puwede niyang pagkakitaan, "Bakit napatawag ka?""Nami-miss lang kita."Sandaling natahimik si Yeonna. Para kasing may mali sa tinig ng kanyang kapatid. "Okay ka lang ba riyan?""Hhmm," maiksing tugon ni Yessa."Hayaan mo. Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon, bibisitahin kita riyan. Sa ngayon kasi sobrang busy talaga ako sa trabaho at pag-aaral.""Okay lang, ate. Gusto ko lang talagang marinig ang boses mo.""Kumusta ang pag-aaral mo?""Hhmmm," maikli uli nitong tugon."Isang taon na lang ga-graduate na ako. Kapag nakahanap na ako ng maayos na trabaho at kumikita na ako ng malaki ay puwede na kitang kunin."Mula nang maulila sila sa magulang, ilan sa mga kamag-anak nila ang kumupkop sa kanila ni Yessa
HINDI malaman ni Yeonna kung paano makakauwi nang mabilis mula Maynila hanggang Quezon. Bukod sa puno na ang mga bus nang dumating siya sa terminal, wala rin siyang sapat na pera na ipambabayad kung kukuha siya ng pribadong sasakyan na maghahatid sa kanya sa probinsiya.Isa lang ang naiisip na paraan ng dalaga nang mga oras na iyon. She's too desperate. And she has no other choice. Lalakasan na niya ang loob. Kakapalan na niya ang mukha.Kinuha niya ang cellphone at itinipa roon ang number ni Mark. Sa unang ring pa lang ay sinagot na iyon. Alam niyang nakaabang ito at naghihintay sa kanyang tawag."Yeonna?""Mark.""Whoa! Yeonna Agravante, ikaw ba talaga iyan?""Huwag ka ngang OA.""Nakapagtataka lang. Anong himala ang nagtulak sa 'yo na tawagan ako? Well, as far as I remember, tatlong buwan na rin mula nang ibigay ko sa iyo ang number ko.""Kailangan ko ang tulong mo.""Anytime!" masigla nitong tugon. "When?""Ngayon.""Ngayon? Maghahatinggabi na."Napasulyap din siya sa suot na relo
"HEY, sandali!"Hindi pinansin ni Yeonna ang pagtawag ni Mark na muntikan nang matumba sa motor nang bumaba siya na hindi pa iyon maayos na naihihinto at naipaparada. Kahit hilam sa luha, tinakbo niya ang direksiyon ng bahay ng tiyuhin. Wala na siyang pakialam kung may nababangga man siyang tao na nakaharang sa kanyang daraanan. Ang mahalaga sa kanya ay mawala na ang takot at kabang nararamdaman niya."Yessa!"Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ang pangalan ng kapatid ang una niyang tinawag. Mahigit"Yessa!"Napatayo ang tiyahin ng dalaga na inaalo sa pag-iyak ng mga anak nito. "Yeonna?""Tita Elvie, nasaan si Yessa?" Pinagala ng dalaga ang tingin sa buong kabahayan. "Tumawag siya sa akin kanina. May gusto lang akong linawin sa mga sinabi niya. Nasaan siya?""Yeonna," sambit na hagulhol ng ginang."Nasaan siya?" sigaw ni Yeonna. "Nasaan ang kapatid ko?""Wala na siya, ate."Nabaling ang tingin niya sa isa sa mga pinsan na babae. "Anong wala na siya?""Patay na siya."Napasa
NAGISING ang diwa ni Yeonna dahil sa ingay ng iyakan. Napakipagtitigan muna siya sa kisame at hinagilap sa nag-uulap niyang isip ang kinaroroonan. Saka lang nag-unahan sa paggulong ang kanyang mga luha nang maalala ang dahilan kaya siya umuwi ng Quezon.Muli siyang pumikit at tinakpan ng unan ang magkabilang tainga. Pero sa kabila niyon ay nanunuot pa rin doon ang iyak ng paghihinagpis mula sa labas ng silid."Gising ka na?"Narinig niya ang tinig ni Mark. Pero mas pinili niyang nakasara ang mga mata at lalo pang diniinan ang pagkakatakip ng unan sa dalawang tainga."Tumayo ka na riyan...""Ano ba?" asik niya nang pinuwersa siya na itayo ng binata. "Bakit nandito ka pa rin?""Hindi ka man lang magpapasalamat?""Salamat!""Hindi ako tumatanggap ng pasasalamat nang hindi galing sa puso."Ikinulong ni Yeonna sa mga palad ang mukha saka pinakawalan ang malakas ang iyak."Sige lang..." Hinaplos nito ang likuran ng dalaga, "Ilabas mo ang nararamdaman mo para hindi mabigat sa dibdib mo.""Hi
"THAT man will marry me today!""Hija -""Father," pinutol na ni Jacquin ang muli sanang pagsalungat ng pari. "We are in love with each other. Ikasal mo na kami.""Kailangan ko ring marinig ang sasabihin ng groom-to-be.""He's not in the right mind today. Dahil ginamitan siya ng gayuma ng babaing iyan!"Napataas ng kilay si Yeonna. "Kanina lang sinabi mo na ginagamitan ko ng puwersa si Khal. Ngayon naman, gayuma. Anong susunod? Black magic?""Yes. Because you're an evil."Napaismid na lang na natatawa si Yeonna nang biglang takbuhin ni Jacquin si Khal at yakapin. "Jeez!""We're really in love. Ikasal mo na kami ngayon, Father.""Gusto mo bang kasuhan kita ng concubinage?" asik ni Yeonna."What?""Inaari mo kasi ang asawa ko.""Sinong asawa mo?"Sa halip na sumagot ay kinuha ni Yeonna sa bag ang kanilang marriage certificate at ibinigay iyon sa pari. "Please check the authenticity of that document, Father."Lahat nang mata ay natuon sa papel. Halos isang linggo pa lamang na kasal ang d
"AFTER today, makakahinga na tayo nang maluwang and just wait for the result."Marahan na tumango at tipid lang na ngumiti si Yeonna. She's been a little nervous since last night. Kailangan na magawa niya ang plano nila nang hindi magdudulot ng pagdududa kina Felix at Anthony.Though it was her idea to do the DNA test, she's not very sure if it goes out according to their plans. Pareho pang tuso ang mag-ama. Baka mahalata ng mga ito ang totoo nilang motibo."Don't worry too much," dagdag pa ni Khal sa pagpakawala uli ng asawa ng malalim na buntong-hininga."Okay lang ako.""What's really bothering you? Alam kong hindi ka takot na makaharap sila. May iba ka pa bang ipinag-aalala?""Kung sakali man na maging positibo ang resulta ng DNA, alam kong unang-unang masasaktan si Amira. You know what she really wants, right? She always hopes na maituturing mo siyang tunay na kapatid.""We can't do anything about it. She has to choose between me or go against her own family.""Tatanggapin mo ba
"IKAW naman ang taya. Ang laki ng binigay sa 'yong bonus.""Marami akong gastusin!" asik ni Hardhie sa panunudyo ng mga kaibigan.Magkakasama sila sa isang team bilang makeup artist ng kilalang anchor. Galing sila sa café at pabalik na sila sa trabaho nila."Bakit? Ilan ba ang lalaki mo?""Haist! Wala akong lalaki!"Natuon ang tingin ng grupo sa isang big bike na humarang sa kanilang daraanan."Wow! Ang gara!" bulalas na paghanga ng isa sa mga kasama ni Hardhie."Siguradong guwapo iyan!""Kaninong jowa iyan?"Kanya-kanya ng tanggi ang apat na kasamang bakla ni Hardhie."Ikaw.""Hindi ba't sinabi ko na sainyo na wala akong lalaki?" asik niya matapos siyang ituro ng mga kaibigan. "Wala pa sa plano ko ang makipagrelasyon. Period. No more arguments. No more questions. Okay?""Kung walang aangkin, akin na lang!" wika ng isa na humakbang sa unahan.Halos hindi kumurap ang magkakaibigan habang dahan-dahan na tinatanggal ng nakasakay sa motor ang helmet nito."Ang guwapo!" bulalas ng lahat ma
"CAN we just cancel the plan today?"Sinulyapan lang ni Yeonna si Khal. "Hindi puwede. Napag-usapan na natin ito.""Limang araw pa lang mula nang ikasal tayo. Nasa honeymoon-stage pa tayo.""Alam ko ang nasa isip mo."Nakangiting kumapit sa braso ni Yeonna si Khal, "Let's just stay in bed.""Hindi pa ba sumasakit ang katawan mo?"Lalong lumapad ang pagkakangiti nito. "Hindi.""Kailangan ko nang pahinga.""Mamasahehin ko ang buong katawan mo.""At alam ko kung saan lang mauuwi iyon.""Magpapakita lang tayo sa Royals, then uuwi na agad tayo. Okay?""Magtatrabaho ka.""I owned the company -"Pinutol na agad niya ang pagdadahilan ni Khal. "Kailangan nating maghanda. Alam mo ang mangyayari sa oras na malaman ng mga kalaban na ikinasal na tayo.""Fine. But you have to promise me na akin ang buong gabi mamaya.""Haist! Oo na!"Parehong napahinto ang mag-asawa na palabas na sana ng bahay nang may tila ipo-ipong dumaan sa kanila na muntikan pa silang banggain."Sorry, sorry!"Nagmamadali si Am
FOR the first time, they had that intense and passionate kiss nang hindi lasing si Yeonna. Though Khal is a little drunk, he knows what is happening and what he is doing.Nagpaikot-ikot ang dalawa sa loob ng kusina. Pero sa lawak niyon ay hindi sila makakuha ng perpektong espasyo upang makabuwelo sila. Ilang mga gamit na ang nasasagi at natutumba."Wait!" pagpigil ni Yeonna.Parehong naghahabol ng hininga ang dalawa sa matagal na pagkakalapat ng kanilang mga labi."Don't stop me. Please?" himig-pakiusap ni Khal.Hindi sumagi sa isip niya na pigilan o itigil ang kanilang ginagawa. She made up her mind. "Baka lumabas si Amira.""Then, let's go to my room."Mabilis na binuhat ni Khal si Yeonna at umakyat sa ikalawang palapag. Nawala ang kalasingan nito at napalitan iyon ng pananabik. Pero bigla itong itinulos nang nasa taas na dahil sa pagsulpot ni Amira na pupungas-pungas pa at humihikab."May nakapasok bang pusa? Bakit ang ingay sa baba?"Nagkatinginan ang dalawa na parehong naging ist
END OF 100-DAY CONTRACT PABALING-BALING sa higaan si Yeonna. Katabi niya si Amira na naghihilik na. At kahit malapad naman ang kama ay para siyang nasu-suffocate. May hindi tama sa kanyang nararamdaman. At masama rin ang nasa isip niya."Haist!" Naiinis siyang bumangon. "Ano bang nangyayari sa akin? Epekto pa ba ito ng kasal? Darn! This is not good!""Hmmm..."Napabaling siya kay Amira na bahagyang nakadilat. "Okay ka lang?""Matulog ka lang diyan.""Nahihimbing nga ako. Nagising lang ako dahil sa 'yo. If you want to do it, don't hesitate. Just go.""Anong sinasabi mo?""Babae rin ako." Tumalikod ito ng higa. "I know what you feel.""Hey! Hindi ko iniisip ang honeymoon namin!"Muling napabaling si Amira kay Yeonna. "Honeymoon? Pero hindi iyon ang ibig kong sabihin. I mean, maybe you want some privacy. Me, too. You can transfer to another room.""P-Pareho tayo ng iniisip.""Pareho ba?" Bumalikn ito sa patalikod na higa, "Akala ko nabanggit mo ang tungkol sa honeymoon niyo.""Matulog k
"HUWAG ka ngang malikot!""I just like it!""Mabubuwal tayo!'Pumirme naman sa pagkakasampa sa likuran ni Hardhie si Amira at mahigpit ditong yumakap. "I'm just happy. This is my first piggyback.""Well, hindi ako masaya. Ang bigat mo.""Did you have a piggyback before?""Marami na.""Ang suwerte mo. Kahit bakla ka, masuwerte ka.""Don't keep implying about the obvious. Minalas lang ako sa 'yo. You even use my graciousness na magpanggap ako kanina na boyfriend mo. My holy golly! That was my first time!""At least we experience 'first time' today. Did you enjoy it?""Mukha ba akong nag-enjoy?""You do.""Hindi!""I'll write it down to history.""Don't you ever dare! Ano na lang ang sasabihin ng magiging mga anak ko?""To remind you, wala kang matris. You will never, ever have. Pero kung sa akin ka magpupunla, I will accept your sperm willingly.""Hey!"Muntikan nang bumagsak si Amira sa sahig nang puwersahan siyang alisin ni Hardhie mula sa likuran nito, "How could you treat your futu
"ARE we going up to heaven?""Hindi." Itinulak ng hintuturong daliri ni Hardhie ang nakasandal na ulo ni Amira sa tagiliran ng braso nito, "Nasa elevator tayo. Huwag ka nang umasa na sa langit ang punta mo."Ngumiti ang dalaga nang namumungay ang mga mata. "Okay lang naman sa 'kin kahit sa impyerno. Basta kasama kita.""Lumayo ka nga!" Pilit itong kumakawala sa pagyakap ni Amira. "You smell gross!""Gustong-gusto ko naman ang amoy mo.""Because I'm using an expensive perfume.""It's not the perfume. Your heart. I smell it. It has a flowery fragrance. Sabi ng isa sa mga madre na nag-alaga sa akin, if I smell someone's heart, ibig sabihin daw ay mabuti siyang tao.""Hindi ako mabuting tao.""I saw it today. Hindi mo ako iniwan.""Dahil ayoko na abalahin mo si Macoy. You're cunning. Alam kong tatawagan mo siya.""Ipinaglaban mo ako kanina kay Matt.""Dahil ayoko sa mga rude na lalaki. The moment I saw him, alam kong hindi siya mabuting tao.""Tama ka. He's a scoundrel and vicious man. So
"DARN! Go inside!""Ayoko pang umuwi. Let's stay together." Sa halip na pumasok sa kotse, yumakap si Amira kay Hardhie. "Like this.""Ewww!" Itinulak nito ang dalaga nang kumawala rito, "Kapag lalo mo talagang pinainit ang ulo ko, iiwan na kita. Bahala ka sa buhay mo!"Ngumiti siya nang tiningala si Hardhie. "Saang ulo? Sa taas o baba?"Bigla nitong tinakpan ang maselan na bahagi ng katawan nang tumingin doon si Amira nang tila may pagnanasa. "Hey!""I'm a nurse. Puwede ko iyang kunan ng temperature para malaman natin kung kailangan mo ng gamot.""Lasing ka na!"Pinuwersa na nito ang dalaga papasok ng kotse at saka isinara ang pinto bago inukupa ang driver's seat "You're worse than Yeonna! Women!""You are one of us. So, don't curse us. But if you could be my boyfriend..." Nakangiti si Amira habang namumungay ang mga mata nang tumingin kay Hardhie. "Hindi kita pipigilan kahit ipakulam mo pa ang lahat ng babae sa buong mundo!""What a brat!" Pinaandar na nito ang sasakyan. "Fasten you