Share

Chapter 3

Author: EL Nopre
last update Huling Na-update: 2024-12-05 03:22:53

"HEY, sandali!"

Hindi pinansin ni Yeonna ang pagtawag ni Mark na muntikan nang matumba sa motor nang bumaba siya na hindi pa iyon maayos na naihihinto at naipaparada. Kahit hilam sa luha, tinakbo niya ang direksiyon ng bahay ng tiyuhin. Wala na siyang pakialam kung may nababangga man siyang tao na nakaharang sa kanyang daraanan. Ang mahalaga sa kanya ay mawala na ang takot at kabang nararamdaman niya.

"Yessa!"

Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ang pangalan ng kapatid ang una niyang tinawag. Mahigit

"Yessa!"

Napatayo ang tiyahin ng dalaga na inaalo sa pag-iyak ng mga anak nito. "Yeonna?"

"Tita Elvie, nasaan si Yessa?" Pinagala ng dalaga ang tingin sa buong kabahayan. "Tumawag siya sa akin kanina. May gusto lang akong linawin sa mga sinabi niya. Nasaan siya?"

"Yeonna," sambit na hagulhol ng ginang.

"Nasaan siya?" sigaw ni Yeonna. "Nasaan ang kapatid ko?"

"Wala na siya, ate."

Nabaling ang tingin niya sa isa sa mga pinsan na babae. "Anong wala na siya?"

"Patay na siya."

Napasapo sa ulo si Yeonna nang biglang umikot ang kanyang paningin. Maagap siyang nahawakan ni Mark na nakasunod sa likuran niya. "Tawagin niyo si Yessa. Gusto ko siyang makausap."

"Ate..."

"Tawagin niyo!"

"Patay na siya!" sigaw ng isa sa mga pinsan na lalaki ni Yeonna.

"Yessa!" Hinawi niya ang pagkakahawak sa kanya ni Mark. At kahit umiikot ang paningin ay inihakbang niya ang mga paa patungo sa silid ng kapatid. Wala ito roon. Pumunta siya sa kusina at likuran. "Yessa!" Hindi niya pinansin ang mga taong nakatingin sa kanya o maging ang reaksiyon ng mga ito. Binalewala niya rin ang pag-awat sa kanya ng mga kamag-anak. "Yessa!"

Natuon ang tingin ng lahat sa humintong sasakyan ng funeral service. Ibinaba roon ang mga gamit para sa lamay partikular ang mga ilaw at patungan ng kabaong. Wala pa roon ang katawan dahil nasa ilalim pa ito ng pag-eembalsamo.

"Alisin niyo iyan dito!" Tinakbo ni Yeonna ang mga lalaki, "Wala ng patay rito!"

Muling pinigilan ng mga kamag-anakan at ilang nagmamalasakit na mga kapitbahay ang nagwawalang dalaga.

"Dalhin niyo sa akin si Yessa! Gusto kong makita ang kapatid ko! Yessa! Yessa!"

"Ipasok niyo na muna siya sa kuwarto," utos ng tiyahin ni Yeonna.

"Ako na pong magdadala sa kanya," boluntaryo ni Mark. Napansin nito ang masamang tingin ng mga kamag-anak ng dalaga. "Huwag po kayong mag-alala. Bakla ako."

"Sige na, Sige na!" pag-aapura ni Elvie. "Samahan niyo na siya na ipasok ang pinsan niyo sa kuwarto!"

"Bitiwan niyo ako! Gusto kong makita ang kapatid ko! Nagmamakaawa ako! Dalhin niyo sa akin si Yessa!"

Kinarga na ni Mark ang dalaga at dinala sa itinuro ritong silid.

"Dino," tawag ni Yeonna sa pinsan. "Nasaan si Yessa?"

"Ate, lakasan mo ang loob mo."

"Nasaan siya?"

"Nagpakamatay si Yessa."

Tigalgal si Yeonna. Kahit naisip na niya iyon, Hindi niya pa rin matanggap na gagawin iyon ng kanyang kapatid.

"Alam kong mahirap paniwalaan. Pero 'yon ang nangyari."

"Hindi magagawa ng kapatid ko ang sinasabi mo! Hindi!"

"Wala kaming alam. Pero lately ay nagging tahimik siya at madalas pinipili niyang mag-isa."

Pinahid ni Yeonna ang mga luha. Kailangan niyang malaman ang totoong nangyari. Hinarap niya si Dino. "Ano pa? Ano pang napansin mo?"

"Hindi ba siyang nagsasabi o nagkukuwento sa 'yo?"

Sandaling napaisip si Yeonna. Madalas may mga tawag sa kanya ang kapatid na hindi agad niya nasasagot. Hanggang nakakalimutan na niyang tumawag pabalik dito dahil na rin sa pagod at puyat.

"Hindi rin siya sa amin nagsasabi. Kilala mo naman siya. Gusto no'n na mas kinikimkim ang problema kaysa ang sabihin sa amin."

Napasapo sa ulo si Yeonna. Pumikit muna siya para ikondisyon ang sarili. Hindi masasagot ng pagbuhos ng emosyon niya ang mga tanong na bumabagabag sa kanyang isip. Pagkatapos ng ilang minuto ay dumilat siya at muling ibinalik ang tingin sa kaharap na pinsan. "Anong sinabi ng mga pulis?"

"Isinara agad nila ang kaso dahil lumabas na suicide ang nangyari."

Napatingin si Yeonna sa suot na relo. "Halos pitong oras pa lang mula nang magkausap kami ni Yessa. Paanong naisara agad ang kaso? At dinala agad siya sa punerarya? Hindi siya idinaan sa autopsy?"

"Nag-suicide ang kapatid mo..."

Natuon ang tingin ng lahat sa pagpasok ng tiyuhin ni Yeonna.

"Walang foul play na nangyari. Umakyat siya sa rooftop ng Deliemar at lumundag doon."

"Deliemar?" Napatayo si Yeonna nang banggitin ang isa sa pinakakilala at malaking call center sa Quezon. "Bakit siya nakarating doon? Paano siya nagkaroon ng access doon?"

"Kumuha ng part-time job si Yessa," tugon ni Dino.

"Part-time? Hindi ba't nagpapadala ako ng pera para sa lahat nang mga pangangailangan niya?"

Mula sa bulsa ng tiyuhin ay kinuha nito ang isang bank book. Inilahad nito iyon. "Iniipon niya ang mga ipinapadala mo. Para raw may pandagdag ka sa gastusin kung maisipan mong magtayo ng sariling law firm."

Nanghihinang muling napaupo si Yeonna. Hindi kaya ng isip niyang tanggapin ang nangyayari.

"Ate!" sigaw Dino.

Tuluyan na ngang nawalan ng ulirat si Yeonna.

Kaugnay na kabanata

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 4

    NAGISING ang diwa ni Yeonna dahil sa ingay ng iyakan. Napakipagtitigan muna siya sa kisame at hinagilap sa nag-uulap niyang isip ang kinaroroonan. Saka lang nag-unahan sa paggulong ang kanyang mga luha nang maalala ang dahilan kaya siya umuwi ng Quezon.Muli siyang pumikit at tinakpan ng unan ang magkabilang tainga. Pero sa kabila niyon ay nanunuot pa rin doon ang iyak ng paghihinagpis mula sa labas ng silid."Gising ka na?"Narinig niya ang tinig ni Mark. Pero mas pinili niyang nakasara ang mga mata at lalo pang diniinan ang pagkakatakip ng unan sa dalawang tainga."Tumayo ka na riyan...""Ano ba?" asik niya nang pinuwersa siya na itayo ng binata. "Bakit nandito ka pa rin?""Hindi ka man lang magpapasalamat?""Salamat!""Hindi ako tumatanggap ng pasasalamat nang hindi galing sa puso."Ikinulong ni Yeonna sa mga palad ang mukha saka pinakawalan ang malakas ang iyak."Sige lang..." Hinaplos nito ang likuran ng dalaga, "Ilabas mo ang nararamdaman mo para hindi mabigat sa dibdib mo.""Hi

    Huling Na-update : 2024-12-05
  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 5

    "SARADO na ang kaso. Wala na kaming magagawa riyan.""Ganoon na lang 'yon? Hindi man lang kayo nag-effort na mag-imbestiga?""Miss- ""Sinabi ko na sainyo na hindi basta-basta magpapakamatay ang kapatid ko!""Yeonna, tama na!" pagsaway ni Marco. "Umuwi na tayo!"Hinawi niya ang kamay ng tiyuhin nang pinigil nito ang kanyang braso at saka galit na hinarap ang isa sa mga pulis na humawak sa kaso ni Yessa.Kasalukuyang nasa police station ang dalawa. Sinamahan lang ni Marco ang pamangkin dahil nag-aalala ito.Inilibing na sa araw na iyon si Yessa. Kaya emosyonal pa ang dalaga mula sa huling gabi ng burol nito. Nakaalalay naman ang lahat, pero hindi sapat ang naitutulong nila upang maibsan ang nararamdamang sakit ni Yeonna sa pagkawala ng kapatid."Hindi niyo ako naiintindihan!""Miss, ikaw ang hindi marunong umintindi!""Maraming pangarap ang kapatid ko! Masayahin siyang tao! Wala rin siyang sakit na depression! At hindi niya ako kailanman iiwang mag-isa! Kaya bakit siya magpapakamatay?

    Huling Na-update : 2024-12-06
  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 6

    "HINDI ko alam kung paano ko sisimulan ang kuwento. At nagdadalawang-isip pa rin ako. Siguro dahil sa takot."Ginagap ni Yeonna ang kamay ng babae. Nagpakilala itong Loretta. Sa tingin niya, hindi nalalayo sa mga nakakatanda niya na mga pinsan ang edad nito."Alam ko ang ibig mong sabihin. At naiintindihan kita."Napabuntong-hininga lang ang babae. Sa nakikita ni Yeonna, nag-aalinlangan nga ito. Kailangan niyang makuha ang tiwala nito. Hindi maaaring mawala sa kanya ang nasisilip na pagkakataon na malaman ang nangyari kay Yessa."Nangangako ako. At marunong akong tumupad ng pangako. Maniwala ka.""Hindi ko alam," sabay iling nito na hinila palayo kay Yeonna ang kamay. "Marami kasing pangalan ang masasangkot. At hindi sila basta puwedeng kalabanin."Lalong lumakas ang determinasyon ni Yeonna na marinig ang mga nalalaman ng kanyang kausap. "Ang pagpunta mo sa libing at burol ni Yessa, gayundin ang pagsunod mo sa akin sa police station ay senyales na matapang kang tao. Kulang ka lang sa

    Huling Na-update : 2024-12-06
  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 7

    “MAIIPIT pa yata tayo sa trapik!”"Haist! Nagmamadali pa naman ako!""Inagahan niyo sana ng alis sa mga bahay niyo!""Manong, dinadagdagan mo lang ang stress namin!""Baguhan lang ba kayo rito sa Maynila? Matagal nang problema rito ang traffic!"Nagising ang diwa ni Yeonna mula sa pagkakaidlip nang marinig ang sagutan ng mga nagrereklamong pasahero at saka nang nanggagatong pa sa inis na drayber."Dagdag lang sila nang dagdag ng mga sasakyan, pero ang kikipot naman ng mga daan!"Nabaling ang nag-uulap pang tingin ni Yeonna sa drayber ng sinasakyang pampublikong jeep. Nasa likuran siya ng kabilang direksyon nito, pero kanina pa nanunuot sa ilong niya ang usok ng sigarilyo nito."Manong, may diperensiya ka ba sa mata?""Ha?" balik-tanong ng nagtatakang drayber."Ang laki ng karatola mo na 'No Smoking' na nasa mismong harapan mo pa, pero ikaw chill-chill lang sa paninigarilyo. Para lamang ba sa mga pasahero 'yan? May mga bata rito at matatanda! Sinisira mo ang kalusugan nila""Ako lang b

    Huling Na-update : 2024-12-07
  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 8

    "SALAMAT sa paghatid.""Salamat ulit? Wala man lang bago?"Patulak na ibinalik ni Yeonna ang helmet kay Mark. "I-renew mo na iyang lisensiya mo dahil kapag umabot pa 'yan ng isang linggo, baka hindi lang ticket ang ibigay ko sa 'yo!""Haist! Akala ko pa naman kapag may kaibigan akong pulis, absuwelto na ako."Nagkataon noon na duty si Yeonna nang mahuli si Mark sa isa sa mga checkpoint kaya nalaman niya ang naging violation nito."Alam mong walang kai-kaibigan sa akin.""Paano kung sabihin ko sa makakahuli sa akin ng girlfriend kita? Iaabsuwelto kaya nila ako?""Ikukulong kita sa pagkakalat ng maling impormasyon!"Natawa si Mark. "Siguro kong natuloy ka sa pagiging isang lawyer, marami ka na ring napakulong.""Sige na. Magtatrabaho na ako. Mag-iingat ka.""Wala man lang kiss?" sabay patulis nito sa bibig.Itinaas naman ni Yeonna ang tsapa. "Gusto mong dito ikiskis iyan?""Have a nice day, Miss Police Officer."Itinaas lang ni Yeoona ang kamay bilang pamamaalam kay Mark at tumalikod na

    Huling Na-update : 2024-12-07
  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 9

    HUMINTO ang dalawang kotse ng grupo ni Yeoona sa harapan ng isang resto bar. Naghanap muna sila ng parking slot saka magkakaabay nang naglakad patungo sa entrada."Pinili ko ang pinakamagandang venue para sa advance celebration natin."Napatingin si Yeonna kay Alrich. "For sure, pinili mo rin ang pinakamahal."Napangiti ito. "The best dito.""Butas naman ang bulsa ko.""Minsan lang 'to." Inakbayan ni Aldrich si Yeonna, "Sigurado na ang kasunod nito ay kasal mo na."Naghiyawan ang lahat."Makakahigop na rin ng mainit na sabaw!" biro ni Isko."Haist!" Siniko ni Yeonna sa tagiliran ang kaibigan, "Tumigil ka nga! Tumigil kayo!" asik niya sa mga kasama."Teka," singit naman ni Macoy. "Paano nga pala siya ikakasal kung manliligaw nga wala?"Nagkatawanan ang grupo."Mas lalaki ka pa kasing umasta kaysa sa amin," wika ni Melan. "Minsan lalambutan mo ang balakang mo kapag naglalakad."Lumakas ang tawanan ng lahat nang dalawang lalaki sa grupo ang naglakad nang pakembot-kembot sa unahan."At da

    Huling Na-update : 2024-12-08
  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 10

    “KUMUSTA ka na, Yeonna? Lalo ka yatang gumaganda. Dahil ba napapaligiran ka ng mga kalalakihan?”Pinigil niya ang nagbabantang pagsabog ng emosyon sa ipinapakitang kawalan ng respeto ng aroganteng lalaki sa tulad nila na mga alagad ng batas. Isa lang ang ibig sabihin niyon, wala itong kinatatakutan."Uy!" sabay sipa ni Anthony sa paa ng mesa. "Kinukumusta kita? Bingi ka ba?"“Bulag ka ba?" balik-tanong ni Yeonna. "Hindi mo ba nakikita na humihinga pa ako?"Natawa si Anthony. "Oh. Clearly, I can see it now na buhay ka pa nga.""Oo. Kailangan ko kasing mabuhay dahil may pinaghahandaan akong laban.”Lumapad ang nang-uuyam na ngisi sa labi ni Anthony.“I want to see you behind bars.”“Is that a joke? Tatawa na ba ako?”“Tumawa ka hanggang kaya mo pa. When the right time comes, baka kahit pagngiti ay hindi mo na magawa.”Napabuntong-hininga ito. “I admire your courage. Not unlike Yessa…”Malakas na hinampas ni Yeonna ang mesa nang banggitin ni Anthony ang pangalan ng kanyang kapatid.She w

    Huling Na-update : 2024-12-08
  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 11

    MARAHAS na itinulak ni Yeonna sa loob ng kulungan ang nahuling lalaki matapos itong tanggalan ng posas.“You’re really mistaken. I did nothing wrong.”“Tigilan mo ako. Gumamit ka man ng ibang lengguwahe, gasgas na sa akin ang linyang iyan. Hindi mo ako maloloko sa paingles-ingles mo na iyan.”“Nagsasabi ako ng totoo. You just need to listen to me.”Tumalikod na si Yeonna. Sinalubong siya ni Isko na bumalik agad ng presinto nang maghiwa-hiwalay sila. Duty kasi ito."Sino 'yan?""Nahuli kong may ginagawang kalaswaan sa loob ng sasakyan.""Talaga?" Sinuri nito ng tingin ang lalaki, "Mukha namang matino, ah?""Marami na ngayon ang mukha lang matino, pero nasa loob ang kulo.""Sabagay," sang-ayon ni Isko. "Pero bakit parang pamilyar siya sa akin?""Ibig sabihin, pabalik-balik na siya rito," wika ni Yeonna. "Tsk! Ibang-iba ba ang panahon ngayon. Wala nang takot ang mga tao lalo na sa batas.""Hindi mo naman ibinubunton ang galit mo kay Anthony sa lalaking iyan, hindi ba?""Professional ako

    Huling Na-update : 2024-12-08

Pinakabagong kabanata

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 14

    DAY 1"100 days?"Tumango lang si Yeonna sa pag-uulit ni Aldrich sa kanyang sinabi. Binigyan siya ng oras ni Khal para kunin niya ang mga gamit sa locker."At magiging private bodyguard ka ng lalaking iyon?" paglilinaw naman ulit ni Isko."Huwag naman sanang 24 hours ang trabaho mo sa kanya," singit ni Dante. "Guwapo pa naman. Baka mahulog pa ang loob mo sa kanya."Mapaklang natawa si Yeonna. "No way. Hindi siya ang tipo kong lalaki. Kahit na yata sa panaginip, hinding-hindi ko siya papangarapin. Baka maging bangungot lang siya sa buhay ko.""Mas mataas pa sa kanya ang standard na hanap mo?" Napailing si Macoy. "Tsk! Kaya naman pala hanggang ngayon ay wala ka pang boyfriend. Medyo babaan mo naman ang mga qualification mo sa pagpili nang hindi ka maging old-maid. Mahirap at malungkot din ang mag-isa.""Huwag niyong ibahin ang usapan," saad ni Melan. "Bakit pumayag ka?""Kailangan kong maisalba ang career ko. Alam niyo kung gaano sa akin kahalaga ang promotion. Hindi puwedeng mauwi sa w

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 13

    "AGRAVANTE..."Napahinto sa paghakbang si Yeonna nang humarang sa pagpasok niya sa kanilang departamento ang grupo ni SPO1 Panelo Liksang na naakangisi't halata sa mukha na nakarating na rito ang balita tungkol sa nangyari sa kanya. Isa ito sa mga kalaban niya sa puwesto bilang kapitan. At isa rin ito sa mga pulis na humawak sa kaso ni Yessa noon. She really made her way near to him because she wanted to expose his dirty and ugly side as a police officer."Kumusta ang superstar ng Crime Unit 3? Masarap ba sa pakiramdam na bida ka sa apat na sulok nitong istasyon?""Busy ako. Puwede ba kung wala kayong mga trabaho, huwag niyong abalahin ang iba.""Ang suplada mo naman. Minsan na nga lang kami dumalaw rito, magsusungit ka pa..." Napatingin ito sa paglapit ng grupo ni Yeonna na natanaw ang komosyon sa entrada, "Balita ko ay nag-celebrate na raw kayo para sa promotion mo? Bakit hindi man lang kayo nag-imbita para nakatikim din sana kami ng libre?"Isa sa mga kasama ni Panelo ang lumapit a

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 12

    "KUYA!"Napalingon si Yeonna sa tumatakbong babae na patungo sa kanilang direksyon.Nakasunod naman dito ang isang lalaki na nakasuot ng formal suit at may dala na itim na attaché case.“Bakit nakakulong ang kuya ko?”“K-Kuya mo?" mulagat na pag-uulit ni Yeonna. Gusto niyang makasiguro na tama ang kanyang narinig. "Ibig mong sabihin, magkapatid kayo?”Kahit na medyo may kadiliman ang lugar na pinangyarihan ng insidente, nakilala niya ang babae. Ito ang 'nilaspatangan' sa loob ng kotse ng nahuli niyang lalaki. But she's claiming to be the sister of the pervert.“Matagal na!" asik nitong tugon sa naging tanong ni Yeonna na may kasama pang pagtaas ng kilay at pag-ekis ng mga braso sa harapan ng dibdib.Bigla siyang namutla lalo na nang makita ang nakakalokong pagngisi sa labi ni Khal nang dahan-dahan siyang bumaling dito, “But I thought…”“Bakit? Anong inisip mo?""A pervert.""That simple? For sure, inisip mong rap!st ako. Tama ba?"Napaawang ang bibig ni Yeonna. Natuyo rin ang kanyang

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 11

    MARAHAS na itinulak ni Yeonna sa loob ng kulungan ang nahuling lalaki matapos itong tanggalan ng posas.“You’re really mistaken. I did nothing wrong.”“Tigilan mo ako. Gumamit ka man ng ibang lengguwahe, gasgas na sa akin ang linyang iyan. Hindi mo ako maloloko sa paingles-ingles mo na iyan.”“Nagsasabi ako ng totoo. You just need to listen to me.”Tumalikod na si Yeonna. Sinalubong siya ni Isko na bumalik agad ng presinto nang maghiwa-hiwalay sila. Duty kasi ito."Sino 'yan?""Nahuli kong may ginagawang kalaswaan sa loob ng sasakyan.""Talaga?" Sinuri nito ng tingin ang lalaki, "Mukha namang matino, ah?""Marami na ngayon ang mukha lang matino, pero nasa loob ang kulo.""Sabagay," sang-ayon ni Isko. "Pero bakit parang pamilyar siya sa akin?""Ibig sabihin, pabalik-balik na siya rito," wika ni Yeonna. "Tsk! Ibang-iba ba ang panahon ngayon. Wala nang takot ang mga tao lalo na sa batas.""Hindi mo naman ibinubunton ang galit mo kay Anthony sa lalaking iyan, hindi ba?""Professional ako

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 10

    “KUMUSTA ka na, Yeonna? Lalo ka yatang gumaganda. Dahil ba napapaligiran ka ng mga kalalakihan?”Pinigil niya ang nagbabantang pagsabog ng emosyon sa ipinapakitang kawalan ng respeto ng aroganteng lalaki sa tulad nila na mga alagad ng batas. Isa lang ang ibig sabihin niyon, wala itong kinatatakutan."Uy!" sabay sipa ni Anthony sa paa ng mesa. "Kinukumusta kita? Bingi ka ba?"“Bulag ka ba?" balik-tanong ni Yeonna. "Hindi mo ba nakikita na humihinga pa ako?"Natawa si Anthony. "Oh. Clearly, I can see it now na buhay ka pa nga.""Oo. Kailangan ko kasing mabuhay dahil may pinaghahandaan akong laban.”Lumapad ang nang-uuyam na ngisi sa labi ni Anthony.“I want to see you behind bars.”“Is that a joke? Tatawa na ba ako?”“Tumawa ka hanggang kaya mo pa. When the right time comes, baka kahit pagngiti ay hindi mo na magawa.”Napabuntong-hininga ito. “I admire your courage. Not unlike Yessa…”Malakas na hinampas ni Yeonna ang mesa nang banggitin ni Anthony ang pangalan ng kanyang kapatid.She w

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 9

    HUMINTO ang dalawang kotse ng grupo ni Yeoona sa harapan ng isang resto bar. Naghanap muna sila ng parking slot saka magkakaabay nang naglakad patungo sa entrada."Pinili ko ang pinakamagandang venue para sa advance celebration natin."Napatingin si Yeonna kay Alrich. "For sure, pinili mo rin ang pinakamahal."Napangiti ito. "The best dito.""Butas naman ang bulsa ko.""Minsan lang 'to." Inakbayan ni Aldrich si Yeonna, "Sigurado na ang kasunod nito ay kasal mo na."Naghiyawan ang lahat."Makakahigop na rin ng mainit na sabaw!" biro ni Isko."Haist!" Siniko ni Yeonna sa tagiliran ang kaibigan, "Tumigil ka nga! Tumigil kayo!" asik niya sa mga kasama."Teka," singit naman ni Macoy. "Paano nga pala siya ikakasal kung manliligaw nga wala?"Nagkatawanan ang grupo."Mas lalaki ka pa kasing umasta kaysa sa amin," wika ni Melan. "Minsan lalambutan mo ang balakang mo kapag naglalakad."Lumakas ang tawanan ng lahat nang dalawang lalaki sa grupo ang naglakad nang pakembot-kembot sa unahan."At da

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 8

    "SALAMAT sa paghatid.""Salamat ulit? Wala man lang bago?"Patulak na ibinalik ni Yeonna ang helmet kay Mark. "I-renew mo na iyang lisensiya mo dahil kapag umabot pa 'yan ng isang linggo, baka hindi lang ticket ang ibigay ko sa 'yo!""Haist! Akala ko pa naman kapag may kaibigan akong pulis, absuwelto na ako."Nagkataon noon na duty si Yeonna nang mahuli si Mark sa isa sa mga checkpoint kaya nalaman niya ang naging violation nito."Alam mong walang kai-kaibigan sa akin.""Paano kung sabihin ko sa makakahuli sa akin ng girlfriend kita? Iaabsuwelto kaya nila ako?""Ikukulong kita sa pagkakalat ng maling impormasyon!"Natawa si Mark. "Siguro kong natuloy ka sa pagiging isang lawyer, marami ka na ring napakulong.""Sige na. Magtatrabaho na ako. Mag-iingat ka.""Wala man lang kiss?" sabay patulis nito sa bibig.Itinaas naman ni Yeonna ang tsapa. "Gusto mong dito ikiskis iyan?""Have a nice day, Miss Police Officer."Itinaas lang ni Yeoona ang kamay bilang pamamaalam kay Mark at tumalikod na

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 7

    “MAIIPIT pa yata tayo sa trapik!”"Haist! Nagmamadali pa naman ako!""Inagahan niyo sana ng alis sa mga bahay niyo!""Manong, dinadagdagan mo lang ang stress namin!""Baguhan lang ba kayo rito sa Maynila? Matagal nang problema rito ang traffic!"Nagising ang diwa ni Yeonna mula sa pagkakaidlip nang marinig ang sagutan ng mga nagrereklamong pasahero at saka nang nanggagatong pa sa inis na drayber."Dagdag lang sila nang dagdag ng mga sasakyan, pero ang kikipot naman ng mga daan!"Nabaling ang nag-uulap pang tingin ni Yeonna sa drayber ng sinasakyang pampublikong jeep. Nasa likuran siya ng kabilang direksyon nito, pero kanina pa nanunuot sa ilong niya ang usok ng sigarilyo nito."Manong, may diperensiya ka ba sa mata?""Ha?" balik-tanong ng nagtatakang drayber."Ang laki ng karatola mo na 'No Smoking' na nasa mismong harapan mo pa, pero ikaw chill-chill lang sa paninigarilyo. Para lamang ba sa mga pasahero 'yan? May mga bata rito at matatanda! Sinisira mo ang kalusugan nila""Ako lang b

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 6

    "HINDI ko alam kung paano ko sisimulan ang kuwento. At nagdadalawang-isip pa rin ako. Siguro dahil sa takot."Ginagap ni Yeonna ang kamay ng babae. Nagpakilala itong Loretta. Sa tingin niya, hindi nalalayo sa mga nakakatanda niya na mga pinsan ang edad nito."Alam ko ang ibig mong sabihin. At naiintindihan kita."Napabuntong-hininga lang ang babae. Sa nakikita ni Yeonna, nag-aalinlangan nga ito. Kailangan niyang makuha ang tiwala nito. Hindi maaaring mawala sa kanya ang nasisilip na pagkakataon na malaman ang nangyari kay Yessa."Nangangako ako. At marunong akong tumupad ng pangako. Maniwala ka.""Hindi ko alam," sabay iling nito na hinila palayo kay Yeonna ang kamay. "Marami kasing pangalan ang masasangkot. At hindi sila basta puwedeng kalabanin."Lalong lumakas ang determinasyon ni Yeonna na marinig ang mga nalalaman ng kanyang kausap. "Ang pagpunta mo sa libing at burol ni Yessa, gayundin ang pagsunod mo sa akin sa police station ay senyales na matapang kang tao. Kulang ka lang sa

DMCA.com Protection Status