“MAIIPIT pa yata tayo sa trapik!”
"Haist! Nagmamadali pa naman ako!" "Inagahan niyo sana ng alis sa mga bahay niyo!" "Manong, dinadagdagan mo lang ang stress namin!" "Baguhan lang ba kayo rito sa Maynila? Matagal nang problema rito ang traffic!" Nagising ang diwa ni Yeonna mula sa pagkakaidlip nang marinig ang sagutan ng mga nagrereklamong pasahero at saka nang nanggagatong pa sa inis na drayber. "Dagdag lang sila nang dagdag ng mga sasakyan, pero ang kikipot naman ng mga daan!" Nabaling ang nag-uulap pang tingin ni Yeonna sa drayber ng sinasakyang pampublikong jeep. Nasa likuran siya ng kabilang direksyon nito, pero kanina pa nanunuot sa ilong niya ang usok ng sigarilyo nito. "Manong, may diperensiya ka ba sa mata?" "Ha?" balik-tanong ng nagtatakang drayber. "Ang laki ng karatola mo na 'No Smoking' na nasa mismong harapan mo pa, pero ikaw chill-chill lang sa paninigarilyo. Para lamang ba sa mga pasahero 'yan? May mga bata rito at matatanda! Sinisira mo ang kalusugan nila" "Ako lang ba ang drayber na gumagawa nito?" "Hindi. Pero ako lang ang pasahero na mukhang puwedeng manita sa 'yo." Inilabas niya ang tsapa, "Mamili ka. Posas, ticket o kulong?" Mabilis na pinalipad ng drayber sa labas ang sigarilyo. "Haist!" asik ni Yeonna. "Nagkalat ka pa! Lumabag ka sa Presidential Decree No. 825: Improper disposal of garbage and other forms of uncleanliness!" "Pasensiya na. Hindi ko na uulitin." Ibinalik ni Yeonna sa loob ng suot na t-shirt ang nakasukbit sa leeg na tsapa. “Ano kayang nangyari?” usisa ng ginang na inilabas pa ang ulo sa bintana upang alamin ang dahilan ng pagkakaipit nila sa trapik. "Parang may banggaan o gulo yata sa unahan." “May hostage-taking na nagaganap," anunsiyo ng isang bata na naglalako ng mga basahan. "Mukha ngang lasing o adik ang lalaki.” “Late pa naman lagi kung dumating ang mga pulis...” Napatingin si Yeonna sa drayber na halatang pinatatamaan siya. "Pero hindi naman lahat," pagbawi nito sa naunang sinabi. Mabilis nang bumaba si Yeonna. “Teka! Nagbayad ka na ba?” Huminto siya sa tapat ng drayber at muli niyang iniangat ang nakasukbit na tsapa sa leeg. “Palista muna.” “Pambihira naman! May nilalabag ka ring batas!" Binalewala na lang ni Yeonna ang sigaw ng drayber. Patakbo na niyang tinungo ang lugar na pinagkukumpulan ng mga tao. “Papatayin ko lahat nang makikialam!” Karamihan sa mga naroong malapit sa hostage-taker ay napaatras nang itutok nito sa unahan ang patalim na kanina’y halos nakadiin sa leeg ng batang biktima. “Huwag kayong lalapit! Maling hakbang niyo at parehong matatapos ang buhay naming dalawa rito!” Napahinto si Yeonna nang makarating sa umpukan ng mga tao. Nasa unahan ang isang lalaki na halatang lango sa alak at dr○ga. Payakap nitong nahahawakan sa harapan ang batang babae na umiiyak. “Subukan ninyong lumapit! Papatayin ko talaga ito!” Nagsigawan ang mga tao sa paligid nang ibalik ng hostage-taker ang patalim nito na nakaamba sa mga tao, paibaba sa leeg ng bata na namumutla at umuubo na sa kakaiyak. “Manong, itigil mo na iyan!” wika ng isang lalaki. “Kung may problema kayo ng misis mo, huwag mong idamay ang anak niyo!” “Papatayin ko ang bastardang ito tulad nang gagawin ko sa kanyang malanding ina!” “Huminahon ka, manong! Maawa ka naman sa bata!” “Sinabi nang huwag kayong makikialam! Subukan niyong lumapit! Subukan niyo!” “Ano bang kailangan mo para mawala ang galit mo?” lakas-loob na tanong ng isa namang ginang. “Dalhin niyo rito sa akin ang asawa ko!” “Hindi namin alam kung nasaan ang asawa mo!” “Kahit sinong babae, dalhin niyo rito kapalit ng batang ito!” Nagkatinginan ang mga kababaihan. At lahat ay napaatras maliban kay Yeonna na humakbang sa unahan. Hinatak niya ang tali ng kanyang mahabang buhok at hinayaan iyong lumugay. She walked gracefully on her fitted shirt and denim pants. Kaya naman natuon sa kanya ang atensiyon ng mga tao. “Naaawa ako sa anak mo. Malayo pa ang puwede niyang marating sa buhay. And I’m sure na marami rin siyang pangarap. Tama ba ako, bata?” “O-Opo!” tugon nito sa pagitan ng iyak. “Papa, nasasaktan na po ako!” “Tumahimik ka! Kasalanan ito ng mama mo! Kung hindi siya lumandi sa iba, wala sana tayo sa sitwasyong ito!” “Kasalanan naman pala ng asawa mo, pero bakit ibinubunton mo ang sisi sa batang iyan?” "Dahil mag-ina sila!" "Mag-ama rin naman kayo. Kamukha mo ang bata." Napipilan ang lalaki. "Teka. Huwag mong sabihin na kaya mo idinamay ang bata rito dahil iniisip mo na hindi mo siya anak?" "Hindi ko siya anak!" "Pero kopyang-kopya niya ang mukha mo. Para kayong pinagbiyak na santol." Sandali itong napaisip. "Bakit santol?" "Pasensiya na. 'Yon kasi ang huling prutas na kinain ko. Ikaw? Ano bang paborito mo?" Nagpalitan ng tingin ang mga taong nasa paligid dahil sa pag-iiba ng usapan. Pero estratehiya lang iyon ni Yeonna para mailihis ang atensiyon ng lalaki. "Mangga." "Naku. Bakit nakalimutan ko ang pinakapaborito ko sa lahat?" "Manggang hilaw!" "Mismo! At isasawsaw sa bagoong!" Humakbang palapit si Yeonna nang mapansin niya na lumuwang na ang hawak ng lalaki sa bata. "Pareho pala tayo ng paborito." Ngumiti si Yeonna. "Mas masarap iyon kung sasamahan natin ng alak. 'Di ba?" "Gusto ko 'yan!" Pinakawalan ng lalaki ang anak nito at mabilis na hinatak si Yeonna. Karamihan sa mga tao ay napatili sa ginawang iyon ng hostage-taker habang ang ilan doon ay maagap nang kinuha ang bata. Isa sa mga umuusisa ay nurse kaya nalapatan agad ito ng first-aid. “Wala kang ipinagkaiba sa asawa ko! Amoy na amoy ko ang kalandian mo!" “Amoy na amoy ko naman ang mabaho mong hininga!" “Ah!” hiyaw ng lalaki nang pilipitin ang kamay nito na may hawak na patalim. “Haist! Kung ako ang asawa mo, iiwanan nga talaga kita!” “Aray, aray!" hiyaw ng lalaki. "Mukhang hindi ka lang palamunin, pabigat ka pa!" "Masakit! Masakit!" "Aba, nasasaktan ka rin pala? 'Yong anak mong kanina pa dumadaing, wala ka man lang pakialam! Tapos ngayon aaray ka?" "Sino ka ba?” Inilabas niya ang nakakuwintas na tsapa sa leeg at inihampas iyon sa mukha ng lalaki. “PO2 Yeonna Agravante!” "Pulis ka?" "Limang taon na." Nagpalakpakan ang mga tao nang idapa ng dalaga ang hostage-taker at lagyan ito ng posas sa likuran. “You have the right to remain silent…” Bilang alagad ng batas at arresting personnel, binasahan niya ng karapatan ang suspect bilang pagsunod sa police protocol. “Anything you say may be used against you in a court of law. You have the right to consult an attorney. If you can not afford one, you shall be provided by the government.” “Ano? Puwede bang paki-translate sa Tagalog?” “Ang ibig sabihin, tumahimik ka!” “Sa haba ng sinabi mo ay ganoon lang ang paliwanag?” Iniamba ni Yeonna ang kamao sa pilosopong lalaki. Pero pinigil niya ang sarili lalo na’t maraming tao sa paligid. She’s one of the candidates for promotion. Matagal din niyang hinintay ang pagkakataon na umangat sa posisyon. And she can't lose that chance. “Patong-patong na mga kaso ang kakaharapin mo. Kaya ngayon pa lang, magdasal ka na.” "Kasalanan ito ng asawa ko!" Muli niyang hinampas ang lalaki. "At anak niyo ang pagbabayarin mo? Anong klase kang ama?" "Dalhin niyo sa akin ang asawa ko! Gusto ko siyang makausap!" Nang dumating ang mga rumispondeng pulis, ipinasa na ni Yeonna ang lalaki sa mga ito at deretso nang dinala sa presinto. Ilan naman sa mga naroon sa lugar ang nagboluntaryong samahan ang bata sa ospital para patingnan kung mayroon itong pangangailangang-medikal."SALAMAT sa paghatid.""Salamat ulit? Wala man lang bago?"Patulak na ibinalik ni Yeonna ang helmet kay Mark. "I-renew mo na iyang lisensiya mo dahil kapag umabot pa 'yan ng isang linggo, baka hindi lang ticket ang ibigay ko sa 'yo!""Haist! Akala ko pa naman kapag may kaibigan akong pulis, absuwelto na ako."Nagkataon noon na duty si Yeonna nang mahuli si Mark sa isa sa mga checkpoint kaya nalaman niya ang naging violation nito."Alam mong walang kai-kaibigan sa akin.""Paano kung sabihin ko sa makakahuli sa akin ng girlfriend kita? Iaabsuwelto kaya nila ako?""Ikukulong kita sa pagkakalat ng maling impormasyon!"Natawa si Mark. "Siguro kong natuloy ka sa pagiging isang lawyer, marami ka na ring napakulong.""Sige na. Magtatrabaho na ako. Mag-iingat ka.""Wala man lang kiss?" sabay patulis nito sa bibig.Itinaas naman ni Yeonna ang tsapa. "Gusto mong dito ikiskis iyan?""Have a nice day, Miss Police Officer."Itinaas lang ni Yeoona ang kamay bilang pamamaalam kay Mark at tumalikod na
HUMINTO ang dalawang kotse ng grupo ni Yeoona sa harapan ng isang resto bar. Naghanap muna sila ng parking slot saka magkakaabay nang naglakad patungo sa entrada."Pinili ko ang pinakamagandang venue para sa advance celebration natin."Napatingin si Yeonna kay Alrich. "For sure, pinili mo rin ang pinakamahal."Napangiti ito. "The best dito.""Butas naman ang bulsa ko.""Minsan lang 'to." Inakbayan ni Aldrich si Yeonna, "Sigurado na ang kasunod nito ay kasal mo na."Naghiyawan ang lahat."Makakahigop na rin ng mainit na sabaw!" biro ni Isko."Haist!" Siniko ni Yeonna sa tagiliran ang kaibigan, "Tumigil ka nga! Tumigil kayo!" asik niya sa mga kasama."Teka," singit naman ni Macoy. "Paano nga pala siya ikakasal kung manliligaw nga wala?"Nagkatawanan ang grupo."Mas lalaki ka pa kasing umasta kaysa sa amin," wika ni Melan. "Minsan lalambutan mo ang balakang mo kapag naglalakad."Lumakas ang tawanan ng lahat nang dalawang lalaki sa grupo ang naglakad nang pakembot-kembot sa unahan."At da
“KUMUSTA ka na, Yeonna? Lalo ka yatang gumaganda. Dahil ba napapaligiran ka ng mga kalalakihan?”Pinigil niya ang nagbabantang pagsabog ng emosyon sa ipinapakitang kawalan ng respeto ng aroganteng lalaki sa tulad nila na mga alagad ng batas. Isa lang ang ibig sabihin niyon, wala itong kinatatakutan."Uy!" sabay sipa ni Anthony sa paa ng mesa. "Kinukumusta kita? Bingi ka ba?"“Bulag ka ba?" balik-tanong ni Yeonna. "Hindi mo ba nakikita na humihinga pa ako?"Natawa si Anthony. "Oh. Clearly, I can see it now na buhay ka pa nga.""Oo. Kailangan ko kasing mabuhay dahil may pinaghahandaan akong laban.”Lumapad ang nang-uuyam na ngisi sa labi ni Anthony.“I want to see you behind bars.”“Is that a joke? Tatawa na ba ako?”“Tumawa ka hanggang kaya mo pa. When the right time comes, baka kahit pagngiti ay hindi mo na magawa.”Napabuntong-hininga ito. “I admire your courage. Not unlike Yessa…”Malakas na hinampas ni Yeonna ang mesa nang banggitin ni Anthony ang pangalan ng kanyang kapatid.She w
MARAHAS na itinulak ni Yeonna sa loob ng kulungan ang nahuling lalaki matapos itong tanggalan ng posas.“You’re really mistaken. I did nothing wrong.”“Tigilan mo ako. Gumamit ka man ng ibang lengguwahe, gasgas na sa akin ang linyang iyan. Hindi mo ako maloloko sa paingles-ingles mo na iyan.”“Nagsasabi ako ng totoo. You just need to listen to me.”Tumalikod na si Yeonna. Sinalubong siya ni Isko na bumalik agad ng presinto nang maghiwa-hiwalay sila. Duty kasi ito."Sino 'yan?""Nahuli kong may ginagawang kalaswaan sa loob ng sasakyan.""Talaga?" Sinuri nito ng tingin ang lalaki, "Mukha namang matino, ah?""Marami na ngayon ang mukha lang matino, pero nasa loob ang kulo.""Sabagay," sang-ayon ni Isko. "Pero bakit parang pamilyar siya sa akin?""Ibig sabihin, pabalik-balik na siya rito," wika ni Yeonna. "Tsk! Ibang-iba ba ang panahon ngayon. Wala nang takot ang mga tao lalo na sa batas.""Hindi mo naman ibinubunton ang galit mo kay Anthony sa lalaking iyan, hindi ba?""Professional ako
"KUYA!"Napalingon si Yeonna sa tumatakbong babae na patungo sa kanilang direksyon.Nakasunod naman dito ang isang lalaki na nakasuot ng formal suit at may dala na itim na attaché case.“Bakit nakakulong ang kuya ko?”“K-Kuya mo?" mulagat na pag-uulit ni Yeonna. Gusto niyang makasiguro na tama ang kanyang narinig. "Ibig mong sabihin, magkapatid kayo?”Kahit na medyo may kadiliman ang lugar na pinangyarihan ng insidente, nakilala niya ang babae. Ito ang 'nilaspatangan' sa loob ng kotse ng nahuli niyang lalaki. But she's claiming to be the sister of the pervert.“Matagal na!" asik nitong tugon sa naging tanong ni Yeonna na may kasama pang pagtaas ng kilay at pag-ekis ng mga braso sa harapan ng dibdib.Bigla siyang namutla lalo na nang makita ang nakakalokong pagngisi sa labi ni Khal nang dahan-dahan siyang bumaling dito, “But I thought…”“Bakit? Anong inisip mo?""A pervert.""That simple? For sure, inisip mong rap!st ako. Tama ba?"Napaawang ang bibig ni Yeonna. Natuyo rin ang kanyang
"AGRAVANTE..."Napahinto sa paghakbang si Yeonna nang humarang sa pagpasok niya sa kanilang departamento ang grupo ni SPO1 Panelo Liksang na naakangisi't halata sa mukha na nakarating na rito ang balita tungkol sa nangyari sa kanya. Isa ito sa mga kalaban niya sa puwesto bilang kapitan. At isa rin ito sa mga pulis na humawak sa kaso ni Yessa noon. She really made her way near to him because she wanted to expose his dirty and ugly side as a police officer."Kumusta ang superstar ng Crime Unit 3? Masarap ba sa pakiramdam na bida ka sa apat na sulok nitong istasyon?""Busy ako. Puwede ba kung wala kayong mga trabaho, huwag niyong abalahin ang iba.""Ang suplada mo naman. Minsan na nga lang kami dumalaw rito, magsusungit ka pa..." Napatingin ito sa paglapit ng grupo ni Yeonna na natanaw ang komosyon sa entrada, "Balita ko ay nag-celebrate na raw kayo para sa promotion mo? Bakit hindi man lang kayo nag-imbita para nakatikim din sana kami ng libre?"Isa sa mga kasama ni Panelo ang lumapit a
DAY 1"100 days?"Tumango lang si Yeonna sa pag-uulit ni Aldrich sa kanyang sinabi. Binigyan siya ng oras ni Khal para kunin niya ang mga gamit sa locker."At magiging private bodyguard ka ng lalaking iyon?" paglilinaw naman ulit ni Isko."Huwag naman sanang 24 hours ang trabaho mo sa kanya," singit ni Dante. "Guwapo pa naman. Baka mahulog pa ang loob mo sa kanya."Mapaklang natawa si Yeonna. "No way. Hindi siya ang tipo kong lalaki. Kahit na yata sa panaginip, hinding-hindi ko siya papangarapin. Baka maging bangungot lang siya sa buhay ko.""Mas mataas pa sa kanya ang standard na hanap mo?" Napailing si Macoy. "Tsk! Kaya naman pala hanggang ngayon ay wala ka pang boyfriend. Medyo babaan mo naman ang mga qualification mo sa pagpili nang hindi ka maging old-maid. Mahirap at malungkot din ang mag-isa.""Huwag niyong ibahin ang usapan," saad ni Melan. "Bakit pumayag ka?""Kailangan kong maisalba ang career ko. Alam niyo kung gaano sa akin kahalaga ang promotion. Hindi puwedeng mauwi sa w
"HOW come it was delayed despite the preparation? Apat na buwan pa lang ay nakausap niyo na ang logistic, hindi ba? They should inform the company right away!"Palihim pa ring napasulyap si Yeonna sa rearview mirror sa kabila ng ilang ulit na pagsita sa kanya ng amo na nakaupo sa backseat. Nahahatak kasi ang atensiyon niya dahil mula sa pag-alis nila sa police station, wala na itong tigil sa pagsasalita habang nakikipag-usap sa cellphone. At twenty minutes na rin iyon."I don't care about their reason. You must find a way to have our shipment ready at the agreed time. Understood? You know how much I valued the client's feedback. And do your job well!"Pakiramdam ni Yeonna, tainga niya ang umiinit sa matagal na paggamit ng amo sa cellphone nito. At sumasabay pa rito ang init ng ulo nito na halata naman sa taas ng boses nito at hitsura ng mukha."Hello, Mr. Li? Of course. The pleasure is always mine..."Napakagat sa labi si Yeoona para pigilan ang nagbabantang tawa dahil sa biglang pagb
"WE'LL see you tomorrow."Tumango lang sina Yeonna at Khal bilang tugon sa sinabi ni Chief Bragaise bago ito nagpaalam. Nauna na rito si Atty. Llorin."Mum, really pave my way.""Ganoon naman talaga ang mga ina. Well, siguro hindi lahat ng nanay. Pero marami akong kilala na gagawin talaga ang lahat para sa kabutihan at kaligayahan ng mga anak nila." Humarap siya kay Khal. "Kaya huwag kang masyadong ma-guilty kung anumang klase ng buhay ang naranasan niya rito."Nakangiti nitong ginagap ang kamay ng asawa at masuyo iyong pinisil. "Ano kaya ang gagawin ko kung wala ka?""For sure, maglalasing ka."Natawa ito. "Kilalang-kilala mo na ako.""Kahit hindi ko natapos ang 100-days contract ko, marami na rin akong alam tungkol sa 'yo. Wala ka nang maitatago sa akin."Muling natawa si Khal nang suyurin ng tingin ni Yeonna ang katawan nito. "Are you seducing me right now?""No," sabay papungay niya ng mga mata na may kasama pang pagkagat sa labi. Napatili si Yeonna nang buhatin siya ni Khal. "Hey
HINDI na ipinasok ni Khal ang kotse sa loob ng bakuran. Itinapat lang niya iyon sa nakabukas nang gate. Katabi niya si Yeonna habang nakatulog sa backseat ang kapatid na marahil ay inantok dahil sa matagal nitong pag-iyak.Sandali munang hinayaan ng dalawa na mamagitan sa kanila ang katahimikan."This is the result we really wanted, right?" ani Yeonna nang marinig ang malalim na pagbuntong-hininga ni Khal."Yes. But it's still hard to sink in. Parang panaginip lang.""Gusto mo bang maging panaginip lang ang nalaman natin ngayon?"Umiling si Khal."Nahihirapan ka lamang tanggapin ang totoo dahil nagkaroon ka rin naman ng masasayang alaala kasama ng nakilala mong ama.""No. I was thinking about mum. She's the one who suffered the most. Her marriage with him is a living hell for her."Inabot nito ang kamay ng asawa at saka iyon pinisil. "For sure, pinunan mo naman ang lungkot at pagdurusa niya. Mahal na mahal ka ng mama mo. Hindi ko man siya nakilala, pero nakita ko sa loob ng condo mo a
PINAGPAPAWISAN ang mga kamay ni Yeonna kahit malamig ang atmospera. Inabot naman iyon ni Khal at masuyong pinisil."Everything will be fine."Napabuntong-hininga siya."Humuhugot ako sa iyo ng tapang, so keep valiant katulad nang nakilala kong P02 Yeonna Agravante.""I'm sorry. Hindi ko talaga maiwasang hindi isipin.""What's bothering you?"Sandali muna niyang tinitigan ang asawa. "Paano kung ama mo talaga siya?""Then, we can't do anything about it. Hindi natin iyon mababago.""Kakalabanin mo pa rin ba siya despite your blood relationship with him?""Dapat noon ko pa nga iyon ginawa. I'm a coward before, but having you at my side gives me the courage to fight." Pinisil ulit ni Khal ang kamay na hawak-hawak nito. "I have two women who's precious to me than him. Mas mahalaga kayo sa akin ni Amira. And I'll do everything to protect you. So, don't worry."Natuon ang tingin nila sa pagpasok ng doktor."Sorry, I'm late. May pasyente kasi sa E.R. na kailangan kong unahin."Nasa loob na sil
"BAKIT ba ang tagal mong magbukas ng pinto?"Sa halip na sumagot ay pinagala muna ni Hardhie ang tingin. Lumabas pa ito saka sinuyod ang paligid."May inaasahan ka bang bisita ngayon?""Hindi mo ba siya kasama?"Napakunot ng noo si Yeonna. "Sino?""Si Amira.""Si Amira? Bakit mo siya hinahanap? Wait. Lalaki ka na ba? Gusto mo na ba siya?""Haller!" Pumasok na ito sa bahay na sinundan naman ni Yeonna. "I've been this way since magpatuli ako. So, hindi mangyayari ang sinasabi mo.""Kailan ka nagpatuli?"Nilingon nito ang kaibigan nang nasa mukha ang pagtataka. "At bakit bigla kang nagkainteres sa pagpapatuli ko?""Basta sagutin mo na lang ako. Kailan ka nagpatuli?"Naupo ito sa sofa na tinabihan naman ni Yeonna. "Well, nakakahiya mang aminin, pero fifteen na ako nang tuliin.""Ibig mong sabihin, mula nang tinubuan ka ng ngipin hanggang bago ka tuliin ay lalaki ka?"Muli itong napakunot ng noo, nagtataka sa kakaibang iginagawi ni Yeonna. "Wala pa akong ngipin hanggang mabungi ako, sumus
"S-SINO?""Si Anthony, Kuya!" patuloy si Amira sa paghagulhol. "He r*ped me."Tila biglang umikot ang paningin ni Khal. The revelation he heard sends too much pressure to his brain. At parang gustong sumabog niyon."Kuya -"Galit siyang napasuntok sa kinauupuan na sofa habang si Yeonna na kanina pa palihim na nakikinig sa dalawa ay tahimik na napaluha. She remembers how Yessa suffered."Kailan 'yon nangyari? KAILAN?" sigaw niya."W-When I was thirteen.""Kaya ba ginawa mo ang lahat para tumira sa akin at lumayo sa kanila?"Humahagulhol na tumango si Amira."Why didn't you tell me? Why?""Sorry, Kuya. Natakot ako na baka layuan mo ako o hindi mo ako paniwalaan."Ibinuhos ni Khal ang galit sa nakakuyom na mga kamao. "That maniac! He's really an evil!" ngitngit niyang bulalas. "Alam ba ito ng mga magulang niyo?""Inatake sa puso si Mama nang malaman ang nangyari. But my dad threatened me na sa oras daw na ikalat ko ang ginawa ni Anthony ay mawawala sa akin ang lahat.""Natakot kang mawal
"KUYA?"Natuon ang tingin ni Khal sa pagdating ni Amira. Naidlip siya sa kinauupuan kaya hindi niya ito naulinigan na pumasok ng bahay."Bakit gising ka pa rin?"Napasulyap muna siya sa relo. Halos madaling-araw na. Pero wala siyang balak na sitahin o pagalitan si Amira. "Hinintay talaga kita."Dumiretso ang dalaga sa sala at saka pabagsak na naupo paharap sa kapatid. "I told you not to wait. Ayokong mapuyat ka. At hindi ba dapat nasa tabi ka ngayon ni Ate Yeonna? She'll get easily annoyed to you kapag lagi kang ganyan. Treat her well, okay? She's my second favourite person.""Huh? And who's number one?""Kailangan mo pa bang itanong iyan? Siyempre, ikaw. At ikatlo si Hardhie."Pinigil ni Khal ang mapangiti. Minsan ay pinipigilan talaga niya ang sarili na ipakita kay Amira ang totoong nararamdaman. It's his way to distance himself to her. Baka kasi katulad ng kanyang ama, talikuran at saktan din siya nito. But then he realise na mali ang ginawa niya. He is the one leaving and hurting
"THAT man will marry me today!""Hija -""Father," pinutol na ni Jacquin ang muli sanang pagsalungat ng pari. "We are in love with each other. Ikasal mo na kami.""Kailangan ko ring marinig ang sasabihin ng groom-to-be.""He's not in the right mind today. Dahil ginamitan siya ng gayuma ng babaing iyan!"Napataas ng kilay si Yeonna. "Kanina lang sinabi mo na ginagamitan ko ng puwersa si Khal. Ngayon naman, gayuma. Anong susunod? Black magic?""Yes. Because you're an evil."Napaismid na lang na natatawa si Yeonna nang biglang takbuhin ni Jacquin si Khal at yakapin. "Jeez!""We're really in love. Ikasal mo na kami ngayon, Father.""Gusto mo bang kasuhan kita ng concubinage?" asik ni Yeonna."What?""Inaari mo kasi ang asawa ko.""Sinong asawa mo?"Sa halip na sumagot ay kinuha ni Yeonna sa bag ang kanilang marriage certificate at ibinigay iyon sa pari. "Please check the authenticity of that document, Father."Lahat nang mata ay natuon sa papel. Halos isang linggo pa lamang na kasal ang d
"AFTER today, makakahinga na tayo nang maluwang and just wait for the result."Marahan na tumango at tipid lang na ngumiti si Yeonna. She's been a little nervous since last night. Kailangan na magawa niya ang plano nila nang hindi magdudulot ng pagdududa kina Felix at Anthony.Though it was her idea to do the DNA test, she's not very sure if it goes out according to their plans. Pareho pang tuso ang mag-ama. Baka mahalata ng mga ito ang totoo nilang motibo."Don't worry too much," dagdag pa ni Khal sa pagpakawala uli ng asawa ng malalim na buntong-hininga."Okay lang ako.""What's really bothering you? Alam kong hindi ka takot na makaharap sila. May iba ka pa bang ipinag-aalala?""Kung sakali man na maging positibo ang resulta ng DNA, alam kong unang-unang masasaktan si Amira. You know what she really wants, right? She always hopes na maituturing mo siyang tunay na kapatid.""We can't do anything about it. She has to choose between me or go against her own family.""Tatanggapin mo ba
"IKAW naman ang taya. Ang laki ng binigay sa 'yong bonus.""Marami akong gastusin!" asik ni Hardhie sa panunudyo ng mga kaibigan.Magkakasama sila sa isang team bilang makeup artist ng kilalang anchor. Galing sila sa café at pabalik na sila sa trabaho nila."Bakit? Ilan ba ang lalaki mo?""Haist! Wala akong lalaki!"Natuon ang tingin ng grupo sa isang big bike na humarang sa kanilang daraanan."Wow! Ang gara!" bulalas na paghanga ng isa sa mga kasama ni Hardhie."Siguradong guwapo iyan!""Kaninong jowa iyan?"Kanya-kanya ng tanggi ang apat na kasamang bakla ni Hardhie."Ikaw.""Hindi ba't sinabi ko na sainyo na wala akong lalaki?" asik niya matapos siyang ituro ng mga kaibigan. "Wala pa sa plano ko ang makipagrelasyon. Period. No more arguments. No more questions. Okay?""Kung walang aangkin, akin na lang!" wika ng isa na humakbang sa unahan.Halos hindi kumurap ang magkakaibigan habang dahan-dahan na tinatanggal ng nakasakay sa motor ang helmet nito."Ang guwapo!" bulalas ng lahat ma