"SALAMAT sa paghatid."
"Salamat ulit? Wala man lang bago?" Patulak na ibinalik ni Yeonna ang helmet kay Mark. "I-renew mo na iyang lisensiya mo dahil kapag umabot pa 'yan ng isang linggo, baka hindi lang ticket ang ibigay ko sa 'yo!" "Haist! Akala ko pa naman kapag may kaibigan akong pulis, absuwelto na ako." Nagkataon noon na duty si Yeonna nang mahuli si Mark sa isa sa mga checkpoint kaya nalaman niya ang naging violation nito. "Alam mong walang kai-kaibigan sa akin." "Paano kung sabihin ko sa makakahuli sa akin ng girlfriend kita? Iaabsuwelto kaya nila ako?" "Ikukulong kita sa pagkakalat ng maling impormasyon!" Natawa si Mark. "Siguro kong natuloy ka sa pagiging isang lawyer, marami ka na ring napakulong." "Sige na. Magtatrabaho na ako. Mag-iingat ka." "Wala man lang kiss?" sabay patulis nito sa bibig. Itinaas naman ni Yeonna ang tsapa. "Gusto mong dito ikiskis iyan?" "Have a nice day, Miss Police Officer." Itinaas lang ni Yeoona ang kamay bilang pamamaalam kay Mark at tumalikod na. Dumiretso na siya sa kanyang assigned department nang makapasok ng gusali. "Kapitan!” Sinalubong ng malakas na palakpakan at hiyawan si Yeonna nang makapasok siya sa departamento niya. Nakaabang na sa kanyang pagdating ang mga kasamahan sa trabaho na ang ilan ay may hawak na ng mga bulaklak habang ang iba naman sa mga kalalakihan ay nagpalipad ng confetti. “Ano bang ginagawa ninyo? Nagkakalat kayo!” “Kapitan—” “Heh!” saway niya sa isang katrabaho. “Candidates pa lang ako. At malalakas ang mga kalaban ko. Nakakahiya kung maririnig nila ang pagtawag niyo sa akin ng ganyan.” “Sikat na sikat ka ngayon sa social media. Mabangong-mabango ang pangalan mo kaya imposible na hindi mo makuha ang posisyon.” “Sige na. Magtrabaho na lang kayo. Para sa susunod na selection, mapasama na rin ang mga pangalan niyo na nilulumot na sa apat na sulok ng presintong ito.” Nauwi sa tuksuhan ang biro na iyon ni Yeonna nang pukulin ng tingin ng lahat ang isa sa kanilang mga kasamahan na tumanda na sa pagiging desk officer. "Wala akong binanggit na pangalan," depensa agad ni Yeonna na lalo lang nagpaugong sa malakas na tawanan. “PO2 Agravante…” Napalingon ang dalaga sa tumawag na katrabaho na naka-duty sa frontline ng presinto. “Pinapatawag ka ni Sir Bragaise.” “Okay. Salamat.” “Kapitan, siguradong pasado ka na niyan. Malakas na ang backer mo.” “Tumigil nga kayo. Oras na ng trabaho. Sige na. Ilagay niyo na lang ‘yang mga bulaklak sa mesa ko at linisin ninyo ang mga kinalat niyo sa sahig.” “Wala man lang bang salamat?” biro ng isa. “Pa-c*ntot naman!” dagdag ng isa pang pulis na kilalang babaero sa grupo. “This jerk!” asik ni Yeonna. “Ang ibig kong sabihin, canton! Ang dudumi talaga ng utak niyo!” “Kapitan, lumabas na lang tayo mamaya.” “Okay. Treat ko. Kayo na lang ang pumili ng lugar. ” Naghiyawan ang lahat. “Kapitan, wala nang bawian!” Umalis na si Yeonna at tinungo na ang opisina ng mataas niyang opisyal. Nang huminto at tumapat siya sa nakasarang pinto ay nagpakawala muna siya nang malalim na buntong-hininga saka siya marahang kumatok. “Come in.” Sumaludo siya nang makapasok. “PO2 Agravante, reporting, sir!” “Carry on. Have a sit, PO2.” “Thank you, sir.” "Wala ka bang tinamong injury kahapon?" "Okay lang po ako, sir." "Alam kong sa klase ng trabaho natin ay kailangan na mas unahin natin lagi ang kapakanan ng mamamayan. Pero hindi ibig sabihin na basta ka na lang lulusob nang hindi mo pinaghandaan. Pa'no na kung hindi lang pala patalim ang dala ng hostage-taker? Mag-iingat ka pa rin. And that's an order!" "Yes, sir! Thank you, sir!" Sandaling binalot ng katahimikan ang paligid. Pinakalma muna ni Erman ang sarili bago ito muling nagsalita. “I will be honest with you. Alam mong malalakas ang mga kalaban mo sa posisyon. They are all more experienced men than you na limang taon pa lamang sa serbisyo. Kahit na naging instant celebrity ka sa social media in span of a day dahil sa nangyaring hostage-taking kahapon, kulang pa rin iyon para makatulong sa promotion mo.” “Naiintindihan ko po, sir. Gagawin ko na lang po ang lahat nang makakaya ko.” “You know how much I believe in your skills and talent, PO2 Agravante." "Yes, sir! Thank you, sir!" Tumango-tango ito. "Being a captain is one step closer to your goal. Kaya nga inihanay kita sa magagaling for you to steal spotlight. Huwag mong sasayangin ang laki ng oportunidad na ibinigay ko.” “Opo, sir. Maraming salamat po.” “I asked you to come here para sabihin nang personal sa 'yo na makukuha mo ang boto nina Deputy Chief Alonte at Colonel Sabadia.” Nabuhayan nang pag-asa si Yeonna sa narinig na magandang balita. Ang dalawang nabanggit na opisyal ay may matataas na posisyon sa National Police. The latter is her old mentor at the PMA. Hindi naman sila malapit nito when she studied at the academy. But having him on her side is a great advantage. “They have seen your video circulating in social media. At napabilib sila sa tapang mo. They said you tackled the hostage scene in less than twenty minutes.” “Salamat po, sir. It’s always been an honour for me na magsilbi sa bansa natin.” “At ganyan na ganyan ngang magandang ugali ang kailangan na kailangan ng PNP. Keep up the good work. Huwag mo sana akong ipapahiya.” “Makakaasa po kayo, sir.” “Iwasan mong huwag madumihan ang pangalan mo. Kahit maliit na butas ang masilip sa ’yo ng mga kalaban mo, it will end your dream.” “Tatandaan ko ang mga payo mo, sir.” “Sige na. Bumalik ka na sa trabaho mo.” Tumayo si Yeonna at sumaludo uli sa opisyal. Nang makalabas sa opisina ay pinakawalan niya ang mahinang suntok sa hangin. Abot-kamay na niya ang pangarap. “Malapit na," wika niya sa sarili. "Malapit na malapit na ako sa 'yo, Yessa.” She took her wallet at tinunghayan doon ang larawan ng kapatid. Sampung taon na rin ang matuling lumipas, pero hindi pa niya naibibigay rito ang hustisya. The criminal came from a prominent family na kayang bilhin at paikutin ang batas. She made a vow to her sister's grave na bibigyan niya ng katarungan ang pagkamatay nito.HUMINTO ang dalawang kotse ng grupo ni Yeoona sa harapan ng isang resto bar. Naghanap muna sila ng parking slot saka magkakaabay nang naglakad patungo sa entrada."Pinili ko ang pinakamagandang venue para sa advance celebration natin."Napatingin si Yeonna kay Alrich. "For sure, pinili mo rin ang pinakamahal."Napangiti ito. "The best dito.""Butas naman ang bulsa ko.""Minsan lang 'to." Inakbayan ni Aldrich si Yeonna, "Sigurado na ang kasunod nito ay kasal mo na."Naghiyawan ang lahat."Makakahigop na rin ng mainit na sabaw!" biro ni Isko."Haist!" Siniko ni Yeonna sa tagiliran ang kaibigan, "Tumigil ka nga! Tumigil kayo!" asik niya sa mga kasama."Teka," singit naman ni Macoy. "Paano nga pala siya ikakasal kung manliligaw nga wala?"Nagkatawanan ang grupo."Mas lalaki ka pa kasing umasta kaysa sa amin," wika ni Melan. "Minsan lalambutan mo ang balakang mo kapag naglalakad."Lumakas ang tawanan ng lahat nang dalawang lalaki sa grupo ang naglakad nang pakembot-kembot sa unahan."At da
“KUMUSTA ka na, Yeonna? Lalo ka yatang gumaganda. Dahil ba napapaligiran ka ng mga kalalakihan?”Pinigil niya ang nagbabantang pagsabog ng emosyon sa ipinapakitang kawalan ng respeto ng aroganteng lalaki sa tulad nila na mga alagad ng batas. Isa lang ang ibig sabihin niyon, wala itong kinatatakutan."Uy!" sabay sipa ni Anthony sa paa ng mesa. "Kinukumusta kita? Bingi ka ba?"“Bulag ka ba?" balik-tanong ni Yeonna. "Hindi mo ba nakikita na humihinga pa ako?"Natawa si Anthony. "Oh. Clearly, I can see it now na buhay ka pa nga.""Oo. Kailangan ko kasing mabuhay dahil may pinaghahandaan akong laban.”Lumapad ang nang-uuyam na ngisi sa labi ni Anthony.“I want to see you behind bars.”“Is that a joke? Tatawa na ba ako?”“Tumawa ka hanggang kaya mo pa. When the right time comes, baka kahit pagngiti ay hindi mo na magawa.”Napabuntong-hininga ito. “I admire your courage. Not unlike Yessa…”Malakas na hinampas ni Yeonna ang mesa nang banggitin ni Anthony ang pangalan ng kanyang kapatid.She w
MARAHAS na itinulak ni Yeonna sa loob ng kulungan ang nahuling lalaki matapos itong tanggalan ng posas.“You’re really mistaken. I did nothing wrong.”“Tigilan mo ako. Gumamit ka man ng ibang lengguwahe, gasgas na sa akin ang linyang iyan. Hindi mo ako maloloko sa paingles-ingles mo na iyan.”“Nagsasabi ako ng totoo. You just need to listen to me.”Tumalikod na si Yeonna. Sinalubong siya ni Isko na bumalik agad ng presinto nang maghiwa-hiwalay sila. Duty kasi ito."Sino 'yan?""Nahuli kong may ginagawang kalaswaan sa loob ng sasakyan.""Talaga?" Sinuri nito ng tingin ang lalaki, "Mukha namang matino, ah?""Marami na ngayon ang mukha lang matino, pero nasa loob ang kulo.""Sabagay," sang-ayon ni Isko. "Pero bakit parang pamilyar siya sa akin?""Ibig sabihin, pabalik-balik na siya rito," wika ni Yeonna. "Tsk! Ibang-iba ba ang panahon ngayon. Wala nang takot ang mga tao lalo na sa batas.""Hindi mo naman ibinubunton ang galit mo kay Anthony sa lalaking iyan, hindi ba?""Professional ako
"KUYA!"Napalingon si Yeonna sa tumatakbong babae na patungo sa kanilang direksyon.Nakasunod naman dito ang isang lalaki na nakasuot ng formal suit at may dala na itim na attaché case.“Bakit nakakulong ang kuya ko?”“K-Kuya mo?" mulagat na pag-uulit ni Yeonna. Gusto niyang makasiguro na tama ang kanyang narinig. "Ibig mong sabihin, magkapatid kayo?”Kahit na medyo may kadiliman ang lugar na pinangyarihan ng insidente, nakilala niya ang babae. Ito ang 'nilaspatangan' sa loob ng kotse ng nahuli niyang lalaki. But she's claiming to be the sister of the pervert.“Matagal na!" asik nitong tugon sa naging tanong ni Yeonna na may kasama pang pagtaas ng kilay at pag-ekis ng mga braso sa harapan ng dibdib.Bigla siyang namutla lalo na nang makita ang nakakalokong pagngisi sa labi ni Khal nang dahan-dahan siyang bumaling dito, “But I thought…”“Bakit? Anong inisip mo?""A pervert.""That simple? For sure, inisip mong rap!st ako. Tama ba?"Napaawang ang bibig ni Yeonna. Natuyo rin ang kanyang
"AGRAVANTE..."Napahinto sa paghakbang si Yeonna nang humarang sa pagpasok niya sa kanilang departamento ang grupo ni SPO1 Panelo Liksang na naakangisi't halata sa mukha na nakarating na rito ang balita tungkol sa nangyari sa kanya. Isa ito sa mga kalaban niya sa puwesto bilang kapitan. At isa rin ito sa mga pulis na humawak sa kaso ni Yessa noon. She really made her way near to him because she wanted to expose his dirty and ugly side as a police officer."Kumusta ang superstar ng Crime Unit 3? Masarap ba sa pakiramdam na bida ka sa apat na sulok nitong istasyon?""Busy ako. Puwede ba kung wala kayong mga trabaho, huwag niyong abalahin ang iba.""Ang suplada mo naman. Minsan na nga lang kami dumalaw rito, magsusungit ka pa..." Napatingin ito sa paglapit ng grupo ni Yeonna na natanaw ang komosyon sa entrada, "Balita ko ay nag-celebrate na raw kayo para sa promotion mo? Bakit hindi man lang kayo nag-imbita para nakatikim din sana kami ng libre?"Isa sa mga kasama ni Panelo ang lumapit a
DAY 1"100 days?"Tumango lang si Yeonna sa pag-uulit ni Aldrich sa kanyang sinabi. Binigyan siya ng oras ni Khal para kunin niya ang mga gamit sa locker."At magiging private bodyguard ka ng lalaking iyon?" paglilinaw naman ulit ni Isko."Huwag naman sanang 24 hours ang trabaho mo sa kanya," singit ni Dante. "Guwapo pa naman. Baka mahulog pa ang loob mo sa kanya."Mapaklang natawa si Yeonna. "No way. Hindi siya ang tipo kong lalaki. Kahit na yata sa panaginip, hinding-hindi ko siya papangarapin. Baka maging bangungot lang siya sa buhay ko.""Mas mataas pa sa kanya ang standard na hanap mo?" Napailing si Macoy. "Tsk! Kaya naman pala hanggang ngayon ay wala ka pang boyfriend. Medyo babaan mo naman ang mga qualification mo sa pagpili nang hindi ka maging old-maid. Mahirap at malungkot din ang mag-isa.""Huwag niyong ibahin ang usapan," saad ni Melan. "Bakit pumayag ka?""Kailangan kong maisalba ang career ko. Alam niyo kung gaano sa akin kahalaga ang promotion. Hindi puwedeng mauwi sa w
"HOW come it was delayed despite the preparation? Apat na buwan pa lang ay nakausap niyo na ang logistic, hindi ba? They should inform the company right away!"Palihim pa ring napasulyap si Yeonna sa rearview mirror sa kabila ng ilang ulit na pagsita sa kanya ng amo na nakaupo sa backseat. Nahahatak kasi ang atensiyon niya dahil mula sa pag-alis nila sa police station, wala na itong tigil sa pagsasalita habang nakikipag-usap sa cellphone. At twenty minutes na rin iyon."I don't care about their reason. You must find a way to have our shipment ready at the agreed time. Understood? You know how much I valued the client's feedback. And do your job well!"Pakiramdam ni Yeonna, tainga niya ang umiinit sa matagal na paggamit ng amo sa cellphone nito. At sumasabay pa rito ang init ng ulo nito na halata naman sa taas ng boses nito at hitsura ng mukha."Hello, Mr. Li? Of course. The pleasure is always mine..."Napakagat sa labi si Yeoona para pigilan ang nagbabantang tawa dahil sa biglang pagb
“KUYA.”Nilagpasan lang ni Khal ang nakangiting si Anthony na sumunod naman agad sa kanya kahit na halata ang pag-iwas niya rito."Ako nang magdadala niyan..."Mabilis na hinawi ni Khal ang kamay ng kapatid nang akto nitong kukunin ang bitbit niyang bag.“I told you not to come here,” iritang saad niya kay Anthony."I know. Pero bawal na ba kitang bisitahin?"Tinalikuran na ni Khal ang kapatid at tumungo na sa hilera ng mga elevator."Kuya, nami-miss lang kita.""Leave," madiin niyang utos.Sa halip na umalis ay agad na sumunod sa loob ng elevator si Anthony at mabilis na pinindot ang 'Close' button gayundin ang palapag na kanilang pupuntahan."Totoo ang sinabi ko, Kuya. I just want to see you.”"Kahit isang libong ulit mong sabihin iyan, hindi ako maniniwala.""Kapag ginawa ko bang isang milyon, maniniwala ka na?"Pinukol niya ng matalim na tingin ang namimilosopong kapatid."I'm just kidding. Masyado ka kasing seryoso.""Do you think I have time to joke around?""Oo nga pala. Ang mo
DAY 11“ANO bang nangyari kay Sir? Parang kahapon pa yata siya wala sa mood.”Bumagal ang paglalakad ni Yeonna. Pumunta siya sa comfort room at napadaan sa umpukan ng mga empleyado.Breaktime naman. Ang ilan ay nakabalik na mula sa canteen at kasalukuyan nang naghihintay para sa oras ng pagbabalik sa kanilang mga trabaho.“Ayaw ngang magpaistorbo,” tugon ng sekretarya ni Khal.“Masama ba ang pakiramdam?”“Hindi naman.”“Maghapon siyang halos nagkulong sa kanyang opisina ngayon matapos ang naging close-door meeting niya sa mga opisyal.”“Totoo nga yata ang balitang babagsak na ang kompanyang ito.”"Huwag naman sana. Malaki ang naging tulong ng pagtatrabaho ko rito sa aking pamilya. Kung babalik na naman ako sa simula, umpisa ulit ng paghihirap ko sa paghahanap ng bagong malilipatan.""Ipagdasal natin na maging maayos ang lahat."“At kawawa si Sir,” wika ng sekretarya. “Bakit ba ganyan ang trato nila sa tao. Kung bakla man siya, ano naman ang pakialam nila? Nasa kasarian ba ang ikatatag
DAY 10“KUYA…”Tumigas ang mukha ni Yeonna nang nakangiting sumalubong sa kanila ang kinasusuklaman niyang tao na pumatay at bumaboy sa kanyang kapatid. Tila ba wala itong krimen o kasalanang ginawa dahil sa kasiyahang nakaguhit sa mukha nito. He's indeed a lucky man dahil mayaman ito. Kayang-kaya nitong bilhin ang kalayaan nito at ibaon ang katotohanan. Hindi niya ito kailanman nakita na nagsisi. Not even once. Kahit noong mga araw ng paglilitis sa grupo nito, kampante ito. Alam nito na maipapanalo nito ang kaso.“What are you doing here?” asik ni Khal. "Didn't I tell you na ayokong tumatapak ka rito sa kompanya lalo na ang pumasok sa opisina ko?""Binibisita ka.""Wala akong sakit. Now, get out."Napatingin si Anthony sa kasama ng kapatid. At nanlisik ang mga mata nito. “Hey! Anong ginagawa mo rito?”"Magkakilala kayo?" kunwaring usisa ni Khal."She's someone I despise a lot," sarkastiko nitong tugon kasabay ng pagsuyod ng baba-taas na tingin sa dalaga. "Stay away from that b*tch!"
DAY 9TULAD nang nagdaang linggo ay routine na ni Yeonna ang maghintay sa podium ng Golden Royals para sa pagdating ng kanyang amo, may driver naman kasi ito na sumusundo rito na inihahatid lamang niya sa bahay nito kapag natapos na ang trabaho o appointments nito.Eksakto naman sa oras kung pumasok sa kompanya si Khal. At hindi ito kailanman nahuli. Pero ngayon ay late na ito nang halos kalahating oras.Muling sinulyapan ni Yeonna ang suot na relo. "Anong nangyari sa kanya?"Naisip tuloy niya na baka naapektuhan ito nang namagitan sa kanilang halikan. He might catch a flu or an allergy. Mabuti na lang at malakas ang resistensiya niya. Pero inubo siya at nagsuka kagabi. Well, slight lang.Biglang napasapo si Yeonna sa labi. At ramdam niya ang pag-init ng kanyang magkabilang pisngi."Haist! Ano bang iniisip ko? Erase! Erase!" Tandaan mo na binangungot ka kagabi."Sandali siyang natigilan sa sinabi sa sarili. Ang totoo kasi ay maganda ang tulog niya at tinatamad nga sana siyang bumangon
“THAT jerk!”Pabagsak na ibinaba ni Yeonna ang plastic bottle ng mouth wash habang nakaharap sa kuwadradong salamin sa loob ng banyo.Nasaid na niya ang pangmumog, pero hindi pa rin nawawala ang iniwang alaala roon ng paghalik sa kanya ng aroganteng amo na hindi man lang humingi ng sorry."Hindi iyon ang kailangan ko," salungat agad ni Yeonna sa sinabi ng isip. "Hindi na maibabalik ng sorry ang first kiss ko!" Inis siyang napapadyak. "Bakit siya pa?" Nagngingitngit na ibinunton niya ang nararamdaman na inis sa wala nang laman na mouth wash. "Bakit siya pa?" “Hoy! Anong nangyayari sa ’yo? May sanib ka ba?”Napalingon siya sa kaibigan na marahil ay nagising niya dahil sa nilikha niyang komosyon. Studio-type lang ang bahay na inuupahan nito kaya kaunting galaw ay maririnig na nila ang ingay ng isa’t isa.Pansamantala siyang lumipat sa tirahan ni Hardie para malapit sa kanyang amo. Lalo na't kung tawagan at pauwiin siya ng binata ay parang magkapit-bahay lang sila.“Sorry. Sige na, matu
PAREHO ngang itinulos sa posisyon nila ang magkapatid. Nanlaki ang mga mata ni Khal habang nakaawang naman ang bibig ni Amira na may kunting pagsilay ng nakakalokong ngiti sa labi.“Anong sinabi mo?”“Allergic ka sa mga babae, ‘di ba?” Hindi na napigil ni Yeonna ang sarili. Naiinis na siya sa sobrang kayabangan ng arogante niyang amo. “Sa edad mong ‘yan, wala ka pang girlfriend.”"So what?""That makes me curious.""Curiosity k!lls a cat.""Siyam ang buhay ng pusa," papilosopo niyang tugon."Teka," singit ni Amira. "Bakit naman napunta ang usapan niyo sa pusa? Mag-focus kayo sa totoong topic."Hinawa ni Khal ang kapatid at hinarap si Yeonna. “What makes you curious about my personal matters? Interesado ka ba sa akin?""Hah!" Napabuga ng hangin sa bibig ang dalaga. "No way!""Good. Wala kang karapatan na makialam sa sarili kong buhay kung hindi ka naman pala interesado sa akin. And besides, just to remind you, empleyado lang kita.”“Right. But it's obvious."Napatiim-bagang si Khal.“P
“KUYA!”Napailing si Yeonna nang paika-ikang humakbang si Amira para salubungin si Khal at nagkunwari na lasing na lasing. Saka lamang niya naisip na nagkunwari itong nahihilo upang magkaroon pa nang oras na makalapit sa kanila ang binata.“You’re drunk again!”“May pinuntahan akong lamay!”“Hindi na birthday party?”“Para maiba naman,” sabay tawa nito na pilit niyayakap si Khal na umiiwas naman.“You stink! Maligo ka muna bago ka matulog!”Sumaludo ito. “Yes, sir!”“This brat!” asik ni Khal na agad inalalayan si Amira na muntikan nang mabuwal.“Kuya, may itatanong nga palayo sa ’yo si Miss Officer.”Bigla namang napahinto si Yeonna na papasok na sana ng kotse. At nagtama ang mga mata nila ni Khal nang lumingon siya.“Ano ‘yon?”“Ha? W-Wala, wala!”“Sige na, Miss Officer. Huwag ka nang mahiya.”“Aalis na ako. Bye.”“Kuya, gustong malaman ni Miss Officer kung bakla ka raw.”Muling napahinto si Yeonna.“Patunayan mo nga sa kanya na hindi ka bakla. Sige na, Kuya. Halikan mo siya.”Hindi
MULING napasulyap si Yeonna sa relo. Halos kalahating oras na ang lumipas na nagpaikot-ikot lang siya sa pagda-drive. Nakatulog na kasi si Amira nang hindi pa ibinibigay sa kanya ang address nito.Ilang beses niyang naisip na tawagan si Khal. Pero inabandona niya sa huli ang ideya na iyon. Her pride is higher than the diesel's price.Nang makaramdam na ng pananakit ng katawan si Yeonna ay itinigil muna niya ang sasakyan at ipinahinga ang likod sa kinauupuan. Pero kasabay naman niyon ang paggising ni Amira."Miss Officer." Ngumiti ito, "Bakit nandito ka pa rin?""Ano sa tingin mo?""Hhhmm..." Napaisip si Amira, "Dahil takot kang may mangyari sa aking masama?""Ibigay mo sa akin ang address mo nang maihatid na kita. Kailangan ko na rin na magpahinga.”"Address ko? Bakit naman hindi mo agad hiningi? Sana kanina pa tayo parehong nakauwi."Napatirik ng mga mata si Yeonna habang itinipa ni Amira sa GPS ng sasakyan ang address ng tinitirahan nito.“Magkasama lang kami ni Kuya Khal sa iisang
“MISS Officer? Ikaw ba ‘yan?”Naiiling na inalalayan ni Yeonna si Amira na hindi na halos makatayo. “Lasing ka na naman.”“Gosh! Huwag mo ngang agawan ng linya ang kuya ko!”Kinuha niya ang isang braso ng dalaga at isinampay iyon sa kanyang balikat upang mabalanse ang kanilang magkaabay na paglalakad."Miss Officer..."Iniiwas niya ang mukha sa paghaplos sa kanya ni Amira na namumungay rin ang mga mata dahil sa kalasingan."I feel like you and Kuya are meant to be," sabay hagikhik nito. "But can you tame a tiger? It will be hard." Tumango-tango ito. "Hayaan mo. Tutulungan kita. Paaamuin natin ang tigre na 'yon. At baka puwede na niya akong tanggapin bilang kapatid kapag napaamo na natin siya. What do you think, Miss Officer? Isn't it a good idea?"Binalewala ni Yeonna ang pagtatanong ni Amira. “Nasaan ang sasakyan mo? Ihatid na kita. At saka wala ka bang kasama na bodyguard?”Natawa ito. “I’m just a nobody, so why would I need them?”“Kapatid ka pa rin ng isang kilala at mayamang tao.
DAY 8“KUMUSTA naman ang unang linggo mo?”Sinulyapan ni Yeonna ang nagtanong na si Macoy. "Hindi ba obvious?""Pagpasok mo pa nga lang dito, kita na naming parang pasan mo ang mundo."Tumango ang lahat bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Macoy."Bakit nga ba para kang pinagbagsakan ng langit at lupa?" usisa ni Aldrich.Sinaid naman muna ni Yeonna ang laman na alak ng baso at saka iyon pabagsak na ibinaba. "Dahil malas ako."Kahapon pa niya tinatawagan ang mga kaibigan para samahan siyang uminom. Pero abala ang mga ito. At ngayon lang sila nagkaroon ng oras na magkita-kita.Natapos kanina ang ikawalong araw sa hambog at arogante niya na amo. And being with them will lighten the burden from stress and overworked. Mailalabas niya sa mga ito ang inis at galit niya kay Khal.Nakagawian na rin naman nila noon pa ang gumimik, kumain o mag-inuman sa mga pagkakataong sabay-sabay sila ng araw ng day-off sa trabaho.Kahit madalas siyang maging sentro ng usapan sa presinto nila dahil puro lalaki an