“KUYA.”Nilagpasan lang ni Khal ang nakangiting si Anthony na sumunod naman agad sa kanya kahit na halata ang pag-iwas niya rito."Ako nang magdadala niyan..."Mabilis na hinawi ni Khal ang kamay ng kapatid nang akto nitong kukunin ang bitbit niyang bag.“I told you not to come here,” iritang saad niya kay Anthony."I know. Pero bawal na ba kitang bisitahin?"Tinalikuran na ni Khal ang kapatid at tumungo na sa hilera ng mga elevator."Kuya, nami-miss lang kita.""Leave," madiin niyang utos.Sa halip na umalis ay agad na sumunod sa loob ng elevator si Anthony at mabilis na pinindot ang 'Close' button gayundin ang palapag na kanilang pupuntahan."Totoo ang sinabi ko, Kuya. I just want to see you.”"Kahit isang libong ulit mong sabihin iyan, hindi ako maniniwala.""Kapag ginawa ko bang isang milyon, maniniwala ka na?"Pinukol niya ng matalim na tingin ang namimilosopong kapatid."I'm just kidding. Masyado ka kasing seryoso.""Do you think I have time to joke around?""Oo nga pala. Ang mo
"PLEASE, clean up his mess before it spread out and ruined the company's image.""Okay. I will call Atty. Marben to settle the problem," pagbanggit ni Melandro sa isa pang abogado ng pamilya Dee.Napasandal sa kinauupuan si Khal saka nagpakawala ng malalim at mahabang buntong-hininga, “Tell me. Am I doing the right thing?”“Gusto mo bang marinig ang sarili kong opinyon?”“Please. Do me a favour.”“Sa simula pa lang ay hindi mo na dapat kinonsinte ang kasamaan ng kapatid mo. Habang tinutulungan mo siya ay lalo lang siyang nagkakaroon ng lakas ng loob na ipagpatuloy ang mga ginagawa niya dahil alam niyang nandiyan ka para ayusin ang bawat gusot na kanyang mga pinasok."Napahilot sa sintido si Khal at sandaling napapikit."Kung umaasa ka na magbabago siya, sana noon pa."Dumilat si Khal at tumingin sa kausap, “I was just protecting my company.”“Pero sa maling paraan.""I know. Pero iyon lang ang alam kong paraan. And the worst thing about this situation, sinusuportahan pa ni Daddy ang g
DAY 2MABIGAT ang pakiramdam ni Yeonna nang magising. Hindi tulad ng dati na may excitement sa bawat pagbangon niya.Since last night, inihanda na niya ang sarili para sa ikalawang araw na iyon. Pero hindi pala ganoon kadali.She can not undo what she has done. Nangyari na kasi ang nagawa niya na pagkakamali. She just needs to comply with the condition of his employer only to save her career.Pinilit ni Yeonna na bumangon. Nanatili muna siyang nakapikit para ikondisyon ang sarili bago marahang dumilat. Pero lalo lang bumigat ang pakiramdam niya nang makita niya ang nakasabit niyang uniporme. Si Yessa ang unang pumasok sa kanyang isip."Fine. Let's do it!" pampalakas niya ng loob.Niligpit muna niya ang higaan saka niya sinimulan ang preparasyon sa pagpasok sa trabaho. Yesterday, she counted it the first day. Kaya may ninety-nine na araw pa siyang natitira. She had to complete it no matter how difficult it was. Nang matapos si Yeonna na maligo, muli siyang napatingin sa kanyang unipor
BINIGYAN si Yeonna ng puwesto na nasa may tagiliran lamang ng working table ni Khal.Wala siyang ibang ginawa sa ikalawang araw niya kundi maupo, tumunganga at bumuntot sa amo. And thinking another 98 days with that kind of routine will be like a t○rture to her.Mas gusto niya ang aksiyon. When she's in the field, she is lively and excited. Lalo na tuwing may nahuhuli siyang kriminal."Let's go."Hindi pa umiinit sa upuan si Yeonna nang magyaya na naman si Khal na aalis na tila nagmamadali ulit tulad nang ilang ulit na nangyari kanina na animo'y pupunta sila lagi sa karera. Pero hindi iyon ang uri ng aksiyon na gusto niya. Paa niya lang ang napapagod. Kahit nga yata utak niya ay hindi nagana sa ganoong trabaho."Are you tired?"Napahinto sa paghakbang si Yeonna at napatingin kay Khal."I heard you sighed."Napatikhim si Yeonna. Napalakas pala ang pagbuntong-hininga niya."Want to cut our contract?""No, sir.""Pero mukhang pagod ka na?""Kayang-kaya ko pa, sir." Pinasigla niya ang tin
"MAS guwapo ka pala sa personal."Napatingin ang dalawa kay Yeonna nang lumikha ng ingay sa pagkakataon na iyon ang pagpipigil ng pagtawa. Totoo naman na guwapo si Khal. Pero masyado kasing 'cheesy' ang linyahan ng babae. Taliwas sa aura nito na sophisticated at halata namang edukada o galing sa elite clan. Hindi bagay rito ang maging 'pabebe'."Anyway, let's meet from time to time. Para naman makilala natin ang isa't isa.""There's no need for that. I think kilala na kita," wika ni Khal.Napangiti ito. At muling nagpapungay ng mga mata sa binata. "Talaga?""As I have known, kilala kang 'shopaholic' sa fashion world."Nabura ang ngiti sa labi ng babae. "That's not the right term. I just love to shop.""In any way, it's still called 'add!ction'. And I would be very straightforward. I hate women who love luxuries rather than working hard for the future.""Fine. I can work. But I can't force myself to stop shopping. It's my happiness.""You're not working?""Well, my parents do. At mayam
"WOMEN!"Napasulyap si Yeonna sa rearview mirror. Pinupunasan pa rin ni Khal ang nabasang damit nito habang nagngingitngit sa inis."Full of lies and pretentious!"Napailing na lang si Yeonna. Kalmado si Khal kaninang pag-alis ni Liz. Lumabas nga sila ng restaurant na nakataas ang noo nito at nakaliyad ang dibdib.Baka gusto lang nito na itago ang inabot na kahihiyan. Pero hindi naman kasi nito ipinagtanggol ang sarili laban sa maling akusasyon dito."Ganoon ba talaga kayong mga babae? Hindi lang naibigay ang gusto, magagalit na kayo? Magsisinungaling na? And even pretended like a victim?""Ako po ba ang kausap niyo, sir?""Bakit? Hindi ka ba babae?"Tumikhim siya, "Minsan lang.""What?""Walang nanliligaw sa akin kasi para raw akong lalaki kung umasta. Ah, may isa rin pala na nagtiyaga." Hindi na binanggit ni Yeonna ang pangalan ni Mark. "Madalas niya ring sabihin sa akin na 'no feminine' at all sa kabuuan ng aura ko. So, I might be a man by heart na nagkatawan lang bilang babae.""D
DAY 3NAPABALIKWAS ng bangon si Yeonna nang may marinig siyang pagtawag sa kanyang pangalan at sunud-sunod na katok.Napatitig muna ang nag-uulap niya na mga mata sa unahan bago tumingin sa tagiliran na bintana.Saka niya lang naalala ang kinaroroonan nang makita niya sa labas ng sasakyan si Khal. Bagong ligo ito at bihis na bihis na rin.Bahagyang nakabukas ang bintana kaya narinig niya ang utos ng amo na ibaba pa iyon. Tumalima naman agad siya."Hindi ka umuwi?"Marahil napansin ni Khal na pareho lang ang suot na damit niya dahil nakita niya na bumaba ang tingin nito at sinuri ang kanyang kabuuan mula sa pagkakaupo sa harapan ng driver's seat."Dito ka natulog?"Kinapa muna niya kung may dumi siya sa mata at paligid ng labi. Nagbuga rin siya ng hangin sa bibig para siguraduhin na walang amoy ang kanyang hininga.Sobrang pagod na siya nang maihatid ang amo sa Golden Royals. Ang gusto lang sana niya ay magpahinga kahit na ilang minuto. Pero hindi niya namalayan na nakaidlip na siya at
"SINO 'yang kasama mo, Yeonna? Ang guwapo, ah?"Pinandilatan niya ang isa sa dalawang bakla na nakasalubong nila sa corridor. Nag-flying kiss muna ang mga ito kay Khal bago tuluyang umalis nang may kasama pang pagpapapungay ng mga mata at pag-indayog ng balakang."Sorry, sir.""No worries. At least they have those keen eyes."Palihim na napangiwi ang dalaga dahil sa kayabangan ng lalaki na nasabihan lang ng guwapo, ibinibida na agad ang sarili."Yeonna, jowa mo? Mabuti naman at nakapag-isip ka na rin. In fairness, ha. Magaling kang pumili."Halos itago niya ang mukha mula sa pagkakayuko dahil sa mga kapitbahay. Nakalimutan niyang ganoong oras kung maglabasan ang mga ito para sumagap ng tsismis sa paligid.Pero taliwas sa reaksiyon ng dalaga ang makikita kay Khal na tuwid na tuwid ang paglalakad at nakaliyad pa ang dibdib na natutuwa pa sa inaaning papuri sa mga tao."Ate Yeoona, may boyfriend ka na po? Kahapon lang, single ka pa.""Hindi lang kahapon. NBSB talaga siya.""No boyfriend
DAY 34NAKANGISI na naiiling si Yeonna habang binabasa ang mensahe ni Tina. Hindi ito makakarating para samahan siya dahil overtime raw ito sa trabaho."As expected."Pabuntong-hininga niyang ibinalik sa bag ang cellphone at kinuha roon ang compact mirror. Matapos masipat ang repleksiyon at maayos ang sarili, saka siya bumaba ng sasakyan.Tinanggal ni Yeonna ang sunglasses at tiningala ang dalawahang-palapag na wedding boutique na nasa harapan. It was a famous one for the rich. At tama lang ang nakuhang iyon ni Khal upang mas perpekto ang cinematography ng gagawin niyang melodrama."Jeez! Sana pala nag-artista na lang ako. Siguradong makakarami ako ng award.""Sister-in-law!"Binalingan niya si Amira na kumindat at nakangiting kumaway habang patungo sa kanya."Mabuti naman at tinawagan mo ako.""Kailangan ko ng assistant.""Anytime. Alam mo namang malakas ka sa akin. Pero ano bang meron ngayong araw at mukhang kakaiba ang aura mo?""Ano ba ang aura ko?"Sinuyod naman ng baba-taas na t
DAY 32SINIPAT ni Yeonna ang sarili sa rearview mirror. Nakahinto na siya sa parking lot ng Golden Royals, pero pinili muna niya ang manatili sa loob ng sasakyan. She keeps thinking for some reroute plans.Khal is slowing the count of the days. At halata rin na umiiwas ito sa kanya. Alam niyang may iba itong binabalak. So, she needs diversion para mas mapabilis ang usad ng araw."Haist! Ano bang nasa isip niya? Hindi kaya ayaw niya lang na matapos agad ang kontrata namin?"Umiling-iling si Yeonna bilang pagsaway sa sarili. Hindi siya dapat maapektuhan. It burdens her and makes her feel guilty. Ayaw niyang ma-disappoint sa kanya si Yessa.For some reason, naaalala na lang kasi niya ang mga romantic moments nilang dalawa ni Khal na nagiging dahilan kaya nagkakaroon ng confusion sa parte niya lalo na sa kanyang puso na patuloy ang abnormalidad tuwing kasama niya ito."Get hold of yourself. Marami namang paraan para maging obedient."Khal is using the marriage agreement para lalo siyang m
DAY 31 PALAKAD-LAKAD sa silid si Yeonna habang maya't maya ang sulyap sa hawak na marriage agreement. "Hindi ko na gusto ang nangyayari. Hindi ito ang resultang inaasahan ko. I want to end our contract nang walang anumang problema. Pero inilalagay ko ang sarili ko sa kapahamakan." Napahinto siya sa paghakbang at ikinuyom sa ere ang isang kamao. "That jerk! Sinasamantala talaga niya ang bawat pagkakataon para maisahan ako!" Natuon ang tingin ni Yeonna sa pinto nang bumukas iyon at pumasok si Khal. "You're still here." Napasulyap ito sa mga papel ng hawak ng dalaga, "It seems you are not satisfied with your conditions in our marriage agreement. May gusto ka pa bang idagdag sa mga naibigay mo na?" Napabuga muna ng hangin sa bibig si Yeonna. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nabasa niya. At kailangan niyang klaruhin iyon sa binata. "Alin ba riyan ang favourite lines mo? You can read it aloud para naman makuha mo ang opinyon ko." "Are you mocking me?" Itinaas ulit niya ang mga
HINDI na katulad ng mga naunang paggising ang naging reaksyon ni Yeonna.Kahit nagmulat siya na naroon sa harap si Khal at halatang kanina pa naghihintay sa kinauupuan nito, she remain calm but a bit confused.Alam niyang nalasing siya. Hindi na naman niya napigil ang sarili. Noong nagtatrabaho siya, minsan lang silang magkayayaan ng inuman ng kanyang mga katrabaho at kaibigan. Hanggang isang bote lang siya dahil madalas siya na sawayin ng mga kasama lalo't puro lalaki ang mga ito.She's chaotic when she is drunk. Mostly, madaldal. Pero hindi niya nagawa kahit minsan ang mga ginagawa niya ngayon kapag nasa paligid ang presensiya ni Khal na tila ba nagiging ibang tao siya."That's frustrating." Inalis nito ang headphone na nakatakip sa tenga. "Nakahanda na sana ako sa malakas mong sigaw."Sinipat ni Yeonna ang katawan sa loob ng nakabalot na kumot."Wala ka pa rin bang tiwala sa akin hanggang ngayon?""Mabuti nang naninigurado," pairap niyang tugon. "Paano nga pala ako nakauwi rito?"N
MARAHANG hinampas ni Yeonna ang tumatawang binata at tinalikuran ito. Pero sumunod din naman agad ito sa kanya hanggang sa makabalik sila sa sarili nitong opisina."Are you upset?"Hindi umimik si Yeonna na inirapan lang si Khal. Hindi rin niya ito kinibo kahit na nakapasok na sila sa opisina nito."But I was wondering. Is that how you really make a history? By hugging and kissing me, and kept on saying na wala kang espesyal na damdamin sa akin?""Heh!""Obviously, patay na patay ka naman talaga sa kaguwapuhan ko.""Alam mo ba kung sino talaga ang mga sinungaling na tao? 'Yong mga lasing.""Oh. Really?""Kapag nasa ilalim sila ng impluwensiya ng alak, wala na sila sa katinuan ng isip. Kaya huwag kang magpapaniwala kung may sinasabi man ako kapag nalalasing. Lahat nang iyon ay kasinungalingan.""What about the thing you did and said a while ago?"Napaatras si Yeonna nang humakbang palapit sa kanya si Khal."You stole another kiss. And it really stunned me..."Napasandal na sa mesa si Y
"KHAL is mine!""I'm not yours."Napatingin si Jacquin kay Khal na may diin pa sa tono ng pagsasalita nito."I belong only to the woman na balak kong dalhin sa harap ng altar. And it's her," tukoy ng binata kay Yeonna."Khal, please. Stop this act. Bistado na kayo. Why keep pushing yourself? You're just embarrassing your family nang dahil sa babaing iyan!"Tinaasan lang ng kilay ni Yeonna ang muling pagduro sa kanya ni Jacquin."Ano pa bang pruweba ang kailangan mo o ninyo para matanggap ninyo ang totoo tungkol sa relasyon namin? Wait. We are not even obliged to prove it. So, why I am explaining?""Khal -"Mabilis na binawi ng binata ang kamay na hinawakan ni Jacquin. "Selosa ang girlfriend ko. So, refrain from touching me.""Ginayuma ka ba niya?"Natawa si Yeonna. "What?""Kilala ko si Khal. Hindi siya ang klase ng taong magiging sunud-sunuran sa isang babae. May ginawa ka sa kanya. I knew it. Lahat gagawin mo para maangkin siya at gamitin sa paghihiganti mo."Nakangising tumayo si Y
NAPATINGIN muna si Khal sa kamay na pumigil sa braso nito bago binalingan si Yeonna.Sandaling nagkatitigan ang dalawa at nangusap ang kanilang mga mata. At naintindihan na nila ang sitwasyon na kailangan nilang kontrolin upang hindi iyon pumanig sa mga kalaban.“Huwag mong ipantay ang sarili mo sa isang mamamatay-tao.”“Hey!” tawag-pansin ni Felix sa dalaga na sinabayan din nito ng hampas sa ibabaw ng mesa. “Don’t you dare speak like that ever again to my son! Alam na alam mo na puwede kitang sampahan ng kaso.”“Oh. I almost forgot, Mr. Cardoval.” She gave him a disgusting frown, “Magaling ka nga pala sa pagpapaikot ng batas at pakikipaglaro sa hustisya. You once did that to my sister.”“Stop accusing us dahil hindi talaga ako magdadalawang-isip na kasuhan ka.”Binalewala ni Yeonna ang narinig na pagbabanta mula sa ginoo. “Palaisipan tuloy sa akin kung ano ba ang espesyal niyong relasyon ni Anthony para takpan mo ang mga ginagawa niyang kasalanan aside sa pagiging huwarang ama sa ana
MULA pa lamang kanina sa penthouse hanggang makarating ng Golden Royals ay palaisipan na kay Yeonna ang sinabi ni Khal sa kanya.Hindi na niya inulit ang pagtatanong ulit dahil binibitin din naman nito ang sagot.Gusto niyang kabahan. Pero mas nananaig sa kanya ang hangaring malaman agad ang katotohanan."We're not in a hurry..."Bumagal naman ang paghakbang ni Yeonna na bahagyang napahiya. Naramdaman yata ni Khal ang paghila niya mula sa pagkakaangkla niya sa braso nito."You seem excited. Hayaan muna natin silang maghintay. We are the star of the day."Pumasok na ang dalawa sa nagbukas na elevator. Napansin nila ang tinginan ng ilang empleyado nang magsara ang pinto niyon."Mukhang excited din sila sa kalalabasan ng resulta ng paghaharap-harap natin.""Correction. Hindi ako excited. Gusto ko lang matapos agad ang araw na ito.""Are you still upset dahil hindi ka nakahalik sa akin kagabi?"Mahinang hampas ang pinakawalan ni Yeonna sa nanunuksong binata. "Huwag mo ngang binabanggit sa
"MA'AM, okay ka lang po ba?"Napapitlag si Yeonna mula sa sandaling pagkatulala dahil sa presensiya ng isang babae na ngayon lang niya nakita mula nang okupahin niya ang penthouse."Hindi po yata maganda ang gising niyo."Marahan namang naiangat ni Yeonna ang kamay at sinapo ang mukha. Hindi na siya nakapagsalamin o nakahilamos man lang bago lumabas ng silid. Marami na kasing naglilipana sa isip niya tungkol sa nagdaang magdamag."Si Manang Hilda nga pala," pagpakilala ni Khal sa ginang. "Housekeeper siya rito. At halos isang buwan siyang nasa bakasyon kaya baka nagtataka ka. Every Thursday and Saturday ang trabaho niya. So, don't be surprised if you'll be seeing her often."Nagpalitan lang ng ngiti ang dalawang babae."Si Yeonna," pakilala naman ni Khal sa dalaga. "Girlfriend ko. And don't think anything malicious between us. We're both liberated," paliwanag nito sa ginang."Walang problema po, sir. Naiintindihan ko.""Thanks."Bumaling ang ginang kay Yeonna na tila istatwa pa rin sa