Share

Chapter 21

Author: EL Nopre
last update Huling Na-update: 2024-12-18 22:09:13

"WOMEN!"

Napasulyap si Yeonna sa rearview mirror. Pinupunasan pa rin ni Khal ang nabasang damit nito habang nagngingitngit sa inis.

"Full of lies and pretentious!"

Napailing na lang si Yeonna. Kalmado si Khal kaninang pag-alis ni Liz. Lumabas nga sila ng restaurant na nakataas ang noo nito at nakaliyad ang dibdib.

Baka gusto lang nito na itago ang inabot na kahihiyan. Pero hindi naman kasi nito ipinagtanggol ang sarili laban sa maling akusasyon dito.

"Ganoon ba talaga kayong mga babae? Hindi lang naibigay ang gusto, magagalit na kayo? Magsisinungaling na? And even pretended like a victim?"

"Ako po ba ang kausap niyo, sir?"

"Bakit? Hindi ka ba babae?"

Tumikhim siya, "Minsan lang."

"What?"

"Walang nanliligaw sa akin kasi para raw akong lalaki kung umasta. Ah, may isa rin pala na nagtiyaga." Hindi na binanggit ni Yeonna ang pangalan ni Mark. "Madalas niya ring sabihin sa akin na 'no feminine' at all sa kabuuan ng aura ko. So, I might be a man by heart na nagkatawan lang bilang babae."

"D
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 22

    DAY 3NAPABALIKWAS ng bangon si Yeonna nang may marinig siyang pagtawag sa kanyang pangalan at sunud-sunod na katok.Napatitig muna ang nag-uulap niya na mga mata sa unahan bago tumingin sa tagiliran na bintana.Saka niya lang naalala ang kinaroroonan nang makita niya sa labas ng sasakyan si Khal. Bagong ligo ito at bihis na bihis na rin.Bahagyang nakabukas ang bintana kaya narinig niya ang utos ng amo na ibaba pa iyon. Tumalima naman agad siya."Hindi ka umuwi?"Marahil napansin ni Khal na pareho lang ang suot na damit niya dahil nakita niya na bumaba ang tingin nito at sinuri ang kanyang kabuuan mula sa pagkakaupo sa harapan ng driver's seat."Dito ka natulog?"Kinapa muna niya kung may dumi siya sa mata at paligid ng labi. Nagbuga rin siya ng hangin sa bibig para siguraduhin na walang amoy ang kanyang hininga.Sobrang pagod na siya nang maihatid ang amo sa Golden Royals. Ang gusto lang sana niya ay magpahinga kahit na ilang minuto. Pero hindi niya namalayan na nakaidlip na siya at

    Huling Na-update : 2024-12-19
  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 23

    "SINO 'yang kasama mo, Yeonna? Ang guwapo, ah?"Pinandilatan niya ang isa sa dalawang bakla na nakasalubong nila sa corridor. Nag-flying kiss muna ang mga ito kay Khal bago tuluyang umalis nang may kasama pang pagpapapungay ng mga mata at pag-indayog ng balakang."Sorry, sir.""No worries. At least they have those keen eyes."Palihim na napangiwi ang dalaga dahil sa kayabangan ng lalaki na nasabihan lang ng guwapo, ibinibida na agad ang sarili."Yeonna, jowa mo? Mabuti naman at nakapag-isip ka na rin. In fairness, ha. Magaling kang pumili."Halos itago niya ang mukha mula sa pagkakayuko dahil sa mga kapitbahay. Nakalimutan niyang ganoong oras kung maglabasan ang mga ito para sumagap ng tsismis sa paligid.Pero taliwas sa reaksiyon ng dalaga ang makikita kay Khal na tuwid na tuwid ang paglalakad at nakaliyad pa ang dibdib na natutuwa pa sa inaaning papuri sa mga tao."Ate Yeoona, may boyfriend ka na po? Kahapon lang, single ka pa.""Hindi lang kahapon. NBSB talaga siya.""No boyfriend

    Huling Na-update : 2024-12-20
  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 24

    MABILIS na sinundan ni Yeonna ang pagpasok ni Khal matapos na maisara ang pinto.Pinagdadampot niya ang mga nakakalat na damit, aklat at papeles sa ibabaw ng sofa. Pinunasan niya rin iyon ng basang basahan. At saka lang naupo ang binata na inilapag sa makalat ding centre table ang mga bitbit."Pasensiya na, sir. Busy kasi ako lagi sa istasyon."Wala namang masangsang na amoy sa loob dahil hindi siya nag-iiwan ng mga hugasin sa lababo. At mayroon siyang automatic air spray na naglalabas ng aromatic scent every 6 hours. Eksakto iyon sa pagdating nila kaya mabango sa paligid."I have a lot of friends na pareho ng trabaho mo, pero malinis sila sa bahay."Dinig na dinig niya sa kailaliman ng ear drums niya ang pang-iinsulto sa kanya ng lalaki kahit na mahinahon ang boses at pagkakasabi nito."For sure ang mga kaibigan mong iyon ay may katulong o may mga asawa, may ina at kapatid na kasama nila sa bahay. Hindi ka naman siguro makikipagkaibigan kung ordinaryong tao lang sila na katulad kong

    Huling Na-update : 2024-12-21
  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 25

    SANDALING inabala ni Khal ang sarili sa pagbabasa ng magazine na sinasabayan ng paghigop ng kape. Pero wala roon ang atensiyon niya. Naghihintay lang siya ng pagkakataon.He just not went there to trouble himself and had a coffee or breakfast. Talagang planado niya na pumunta roon na hindi naman niya inaasahang mangyayari sa araw na iyon. May gusto siyang alamin.Nang marinig niya ang lagaslas ng tubig sa loob ng banyo ay mabilis siya tumayo at saka pinagala ang tingin sa paligid ng bahay.The place was messy, but most of the things are organised. Wala rin doong masyadong mga gamit.Naglibot siya; marahang pinagbubuksan ang mga kabinet at drawers, kinalkal ang mga aklat sa shelves, pinagbubuklat ang ilang papeles. There's nothing special or out of ordinary sa mga bagay na naroon maliban sa malalaman mo talagang pulis ang nakatira roon.Tatalikod na sana si Khal at babalik sa sofa nang maagaw ang pansin niya ng malaking portrait ni Yessa na nakasabit sa dingding. Lumapit siya roon at s

    Huling Na-update : 2024-12-23
  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 26

    "SO, tell me..."Nakakunot ang noo nang mapasulyap si Yeonna sa rearview mirror. Pero ibinalik din agad niya ang atensyon sa tinatahak ng sasakyan.Tahimik lang kanina sa likuran si Khal na panay ang palibot ng tingin sa labas ng kotse dahil sa pag-aakalang nakasunod pa rin sa kanila si Mark. Bumuntot muna kasi ito ng ilang sandali bago humiwalay ng daan.Kilala naman niya ang kaibigan. Alam nito kung kailan susuko o susunod lalo kapag madiin na ang kanyang boses o matalim na ang mga mata niya. Hindi katulad ng amo niya na mukhang wala talaga yata sa bokabularyo na siya ay tantanan sa pang-uuyam."Is he the one you're telling me na tanging lalaking nagtiyaga lang na manligaw sa 'yo?""Wala akong sinabi na nagtiyaga lang siya," depensa ni Yeonna. "He's madly in-love with me. Hindi lang talaga siya ang tipo kong lalaki.""So, he really is? At patay na patay sa iyo?" Nakaramdam ng inis si Yeonna dahil sa nakakalokong tawa at tanong ni Khal na para bang hindi kumbinsido sa kanyang sinabi

    Huling Na-update : 2024-12-23
  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 27

    HINDI na sila nag-usap pa uli ni Khal sa twenty minutes na biyahe hanggang sa makarating sila sa Misotto Hotel.Nang tumapat sila sa matayog na gusali, hinintay muna niyang matapos ang amo sa ginagawa nitong pagtipa sa laptop. At saka lang ito sumenyas sa kanya.Una siyang bumaba at pinagbuksan ng pinto ng kotse si Khal. Agad naman siya ritong sumunod sa pagpasok ng hotel.Sumalubong sa kanila ang manager na magiliw na bumati. Iniabot nito ang itim na card na kinuha niya nang sumenyas uli sa kanya ang amo."Have a nice day, sir."Tinanguan lang ni Khal ang manager na iginiya sila papasok sa nagbukas na VIP elevator."I'll be staying here the whole day.""Whole day?" pag-uulit ni Yeonna."Bakit? Hindi mo ba tiningnan ang schedule ko?"Saka lamang naalala ng dalaga na hindi pala niya dala ang organiser na ibinigay ng sekretarya ni Khal noong unang araw niya sa trabaho. "Sorry, sir.""You're slacking off." Napailing ito. "What should I do with you?"Hindi umimik ang dalaga."Pinaalmusal

    Huling Na-update : 2024-12-24
  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 28

    "IT'S so hot!"Mula sa halos isang oras nang pagtayo ni Yeonna sa unahan ng pinto ay naulinigan na naman niya ang tinig ng babae na kasama ng amo sa loob ng binabantayan niyang silid. "Haist! Patay-gutom ba siya? Kanina pa siya sabi nang sabi ng hot, yummy, delicious, tasty!" paarte niyang bigkas. "Para siyang sirang plaka!"Bahagya nang lumayo si Yeonna, pero nanunuot pa rin sa kanyang pandinig ang hagikhik ng babae maging ang tawa ni Khal na lalo lang nagpadagdag sa kanyang inis."Mukha namang mayaman ang may-ari ng hotel na ito, pero hindi man lang niya ginawang soundproof ang mga kuwarto. Gusto ba nilang i-broadcast pa ang mga ginagawa nilang kalaswaan?"Inis niyang pinukol ng matalim na tingin ang nakasarang pinto. At parang x-ray ang mga mata niya na tila nakikita niya ang 'nakakakilabot' na eksena sa loob lalo na ang kainan-moment ng mga ito.Napasapo siya sa magkabilang braso nang maramdaman ang pagtayuan ng kanyang mga balahibo."Hindi na talaga siya nahiya! Isinama pa ako r

    Huling Na-update : 2024-12-28
  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 29

    "OHHH! IT'S SO HOT!"Napuno ng tawanan ang paligid."That is Khal's favourite food," wika ni Magenta. "Buffalo wings.""Is it too hot for you?" usisa ng binata sa isa sa unang tumikim ng kanyang iniluto.They had a small private cooking show for their visitors inside the huge room of the hotel. Magenta is the head chef, and he's just assisting her. Though parehong may culinary skills ang dalawa, Khal chooses to be the sidekick. He wants the spotlight alone for Magenta."No. It tastes good."Sandali munang natuon ang atensiyon ng lahat sa maganang kainan bago sila tumungo sa dahilan ng pagtipon-tipon nila sa araw na iyon."We know you're a very private person. At kilala kang laging umiiwas sa ganitong uri ng pagtitipon or crowds. So, we are really grateful for letting us be part of this day."Ngumiti si Khal sa nagsalitang reporter. Pinagala niya ang tingin sa paligid. Ilan sa mga taga-media ang naroon sa silid; kaliwa't kanan din ang pitikan ng camera mula sa mga kasama ng mga ito na

    Huling Na-update : 2025-01-06

Pinakabagong kabanata

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 46

    DAY 11“ANO bang nangyari kay Sir? Parang kahapon pa yata siya wala sa mood.”Bumagal ang paglalakad ni Yeonna. Pumunta siya sa comfort room at napadaan sa umpukan ng mga empleyado.Breaktime naman. Ang ilan ay nakabalik na mula sa canteen at kasalukuyan nang naghihintay para sa oras ng pagbabalik sa kanilang mga trabaho.“Ayaw ngang magpaistorbo,” tugon ng sekretarya ni Khal.“Masama ba ang pakiramdam?”“Hindi naman.”“Maghapon siyang halos nagkulong sa kanyang opisina ngayon matapos ang naging close-door meeting niya sa mga opisyal.”“Totoo nga yata ang balitang babagsak na ang kompanyang ito.”"Huwag naman sana. Malaki ang naging tulong ng pagtatrabaho ko rito sa aking pamilya. Kung babalik na naman ako sa simula, umpisa ulit ng paghihirap ko sa paghahanap ng bagong malilipatan.""Ipagdasal natin na maging maayos ang lahat."“At kawawa si Sir,” wika ng sekretarya. “Bakit ba ganyan ang trato nila sa tao. Kung bakla man siya, ano naman ang pakialam nila? Nasa kasarian ba ang ikatatag

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 45

    DAY 10“KUYA…”Tumigas ang mukha ni Yeonna nang nakangiting sumalubong sa kanila ang kinasusuklaman niyang tao na pumatay at bumaboy sa kanyang kapatid. Tila ba wala itong krimen o kasalanang ginawa dahil sa kasiyahang nakaguhit sa mukha nito. He's indeed a lucky man dahil mayaman ito. Kayang-kaya nitong bilhin ang kalayaan nito at ibaon ang katotohanan. Hindi niya ito kailanman nakita na nagsisi. Not even once. Kahit noong mga araw ng paglilitis sa grupo nito, kampante ito. Alam nito na maipapanalo nito ang kaso.“What are you doing here?” asik ni Khal. "Didn't I tell you na ayokong tumatapak ka rito sa kompanya lalo na ang pumasok sa opisina ko?""Binibisita ka.""Wala akong sakit. Now, get out."Napatingin si Anthony sa kasama ng kapatid. At nanlisik ang mga mata nito. “Hey! Anong ginagawa mo rito?”"Magkakilala kayo?" kunwaring usisa ni Khal."She's someone I despise a lot," sarkastiko nitong tugon kasabay ng pagsuyod ng baba-taas na tingin sa dalaga. "Stay away from that b*tch!"

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 44

    DAY 9TULAD nang nagdaang linggo ay routine na ni Yeonna ang maghintay sa podium ng Golden Royals para sa pagdating ng kanyang amo, may driver naman kasi ito na sumusundo rito na inihahatid lamang niya sa bahay nito kapag natapos na ang trabaho o appointments nito.Eksakto naman sa oras kung pumasok sa kompanya si Khal. At hindi ito kailanman nahuli. Pero ngayon ay late na ito nang halos kalahating oras.Muling sinulyapan ni Yeonna ang suot na relo. "Anong nangyari sa kanya?"Naisip tuloy niya na baka naapektuhan ito nang namagitan sa kanilang halikan. He might catch a flu or an allergy. Mabuti na lang at malakas ang resistensiya niya. Pero inubo siya at nagsuka kagabi. Well, slight lang.Biglang napasapo si Yeonna sa labi. At ramdam niya ang pag-init ng kanyang magkabilang pisngi."Haist! Ano bang iniisip ko? Erase! Erase!" Tandaan mo na binangungot ka kagabi."Sandali siyang natigilan sa sinabi sa sarili. Ang totoo kasi ay maganda ang tulog niya at tinatamad nga sana siyang bumangon

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 43

    “THAT jerk!”Pabagsak na ibinaba ni Yeonna ang plastic bottle ng mouth wash habang nakaharap sa kuwadradong salamin sa loob ng banyo.Nasaid na niya ang pangmumog, pero hindi pa rin nawawala ang iniwang alaala roon ng paghalik sa kanya ng aroganteng amo na hindi man lang humingi ng sorry."Hindi iyon ang kailangan ko," salungat agad ni Yeonna sa sinabi ng isip. "Hindi na maibabalik ng sorry ang first kiss ko!" Inis siyang napapadyak. "Bakit siya pa?" Nagngingitngit na ibinunton niya ang nararamdaman na inis sa wala nang laman na mouth wash. "Bakit siya pa?" “Hoy! Anong nangyayari sa ’yo? May sanib ka ba?”Napalingon siya sa kaibigan na marahil ay nagising niya dahil sa nilikha niyang komosyon. Studio-type lang ang bahay na inuupahan nito kaya kaunting galaw ay maririnig na nila ang ingay ng isa’t isa.Pansamantala siyang lumipat sa tirahan ni Hardie para malapit sa kanyang amo. Lalo na't kung tawagan at pauwiin siya ng binata ay parang magkapit-bahay lang sila.“Sorry. Sige na, matu

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 42

    PAREHO ngang itinulos sa posisyon nila ang magkapatid. Nanlaki ang mga mata ni Khal habang nakaawang naman ang bibig ni Amira na may kunting pagsilay ng nakakalokong ngiti sa labi.“Anong sinabi mo?”“Allergic ka sa mga babae, ‘di ba?” Hindi na napigil ni Yeonna ang sarili. Naiinis na siya sa sobrang kayabangan ng arogante niyang amo. “Sa edad mong ‘yan, wala ka pang girlfriend.”"So what?""That makes me curious.""Curiosity k!lls a cat.""Siyam ang buhay ng pusa," papilosopo niyang tugon."Teka," singit ni Amira. "Bakit naman napunta ang usapan niyo sa pusa? Mag-focus kayo sa totoong topic."Hinawa ni Khal ang kapatid at hinarap si Yeonna. “What makes you curious about my personal matters? Interesado ka ba sa akin?""Hah!" Napabuga ng hangin sa bibig ang dalaga. "No way!""Good. Wala kang karapatan na makialam sa sarili kong buhay kung hindi ka naman pala interesado sa akin. And besides, just to remind you, empleyado lang kita.”“Right. But it's obvious."Napatiim-bagang si Khal.“P

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 41

    “KUYA!”Napailing si Yeonna nang paika-ikang humakbang si Amira para salubungin si Khal at nagkunwari na lasing na lasing. Saka lamang niya naisip na nagkunwari itong nahihilo upang magkaroon pa nang oras na makalapit sa kanila ang binata.“You’re drunk again!”“May pinuntahan akong lamay!”“Hindi na birthday party?”“Para maiba naman,” sabay tawa nito na pilit niyayakap si Khal na umiiwas naman.“You stink! Maligo ka muna bago ka matulog!”Sumaludo ito. “Yes, sir!”“This brat!” asik ni Khal na agad inalalayan si Amira na muntikan nang mabuwal.“Kuya, may itatanong nga palayo sa ’yo si Miss Officer.”Bigla namang napahinto si Yeonna na papasok na sana ng kotse. At nagtama ang mga mata nila ni Khal nang lumingon siya.“Ano ‘yon?”“Ha? W-Wala, wala!”“Sige na, Miss Officer. Huwag ka nang mahiya.”“Aalis na ako. Bye.”“Kuya, gustong malaman ni Miss Officer kung bakla ka raw.”Muling napahinto si Yeonna.“Patunayan mo nga sa kanya na hindi ka bakla. Sige na, Kuya. Halikan mo siya.”Hindi

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 40

    MULING napasulyap si Yeonna sa relo. Halos kalahating oras na ang lumipas na nagpaikot-ikot lang siya sa pagda-drive. Nakatulog na kasi si Amira nang hindi pa ibinibigay sa kanya ang address nito.Ilang beses niyang naisip na tawagan si Khal. Pero inabandona niya sa huli ang ideya na iyon. Her pride is higher than the diesel's price.Nang makaramdam na ng pananakit ng katawan si Yeonna ay itinigil muna niya ang sasakyan at ipinahinga ang likod sa kinauupuan. Pero kasabay naman niyon ang paggising ni Amira."Miss Officer." Ngumiti ito, "Bakit nandito ka pa rin?""Ano sa tingin mo?""Hhhmm..." Napaisip si Amira, "Dahil takot kang may mangyari sa aking masama?""Ibigay mo sa akin ang address mo nang maihatid na kita. Kailangan ko na rin na magpahinga.”"Address ko? Bakit naman hindi mo agad hiningi? Sana kanina pa tayo parehong nakauwi."Napatirik ng mga mata si Yeonna habang itinipa ni Amira sa GPS ng sasakyan ang address ng tinitirahan nito.“Magkasama lang kami ni Kuya Khal sa iisang

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 39

    “MISS Officer? Ikaw ba ‘yan?”Naiiling na inalalayan ni Yeonna si Amira na hindi na halos makatayo. “Lasing ka na naman.”“Gosh! Huwag mo ngang agawan ng linya ang kuya ko!”Kinuha niya ang isang braso ng dalaga at isinampay iyon sa kanyang balikat upang mabalanse ang kanilang magkaabay na paglalakad."Miss Officer..."Iniiwas niya ang mukha sa paghaplos sa kanya ni Amira na namumungay rin ang mga mata dahil sa kalasingan."I feel like you and Kuya are meant to be," sabay hagikhik nito. "But can you tame a tiger? It will be hard." Tumango-tango ito. "Hayaan mo. Tutulungan kita. Paaamuin natin ang tigre na 'yon. At baka puwede na niya akong tanggapin bilang kapatid kapag napaamo na natin siya. What do you think, Miss Officer? Isn't it a good idea?"Binalewala ni Yeonna ang pagtatanong ni Amira. “Nasaan ang sasakyan mo? Ihatid na kita. At saka wala ka bang kasama na bodyguard?”Natawa ito. “I’m just a nobody, so why would I need them?”“Kapatid ka pa rin ng isang kilala at mayamang tao.

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 38

    DAY 8“KUMUSTA naman ang unang linggo mo?”Sinulyapan ni Yeonna ang nagtanong na si Macoy. "Hindi ba obvious?""Pagpasok mo pa nga lang dito, kita na naming parang pasan mo ang mundo."Tumango ang lahat bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Macoy."Bakit nga ba para kang pinagbagsakan ng langit at lupa?" usisa ni Aldrich.Sinaid naman muna ni Yeonna ang laman na alak ng baso at saka iyon pabagsak na ibinaba. "Dahil malas ako."Kahapon pa niya tinatawagan ang mga kaibigan para samahan siyang uminom. Pero abala ang mga ito. At ngayon lang sila nagkaroon ng oras na magkita-kita.Natapos kanina ang ikawalong araw sa hambog at arogante niya na amo. And being with them will lighten the burden from stress and overworked. Mailalabas niya sa mga ito ang inis at galit niya kay Khal.Nakagawian na rin naman nila noon pa ang gumimik, kumain o mag-inuman sa mga pagkakataong sabay-sabay sila ng araw ng day-off sa trabaho.Kahit madalas siyang maging sentro ng usapan sa presinto nila dahil puro lalaki an

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status