"SO, tell me..."Nakakunot ang noo nang mapasulyap si Yeonna sa rearview mirror. Pero ibinalik din agad niya ang atensyon sa tinatahak ng sasakyan.Tahimik lang kanina sa likuran si Khal na panay ang palibot ng tingin sa labas ng kotse dahil sa pag-aakalang nakasunod pa rin sa kanila si Mark. Bumuntot muna kasi ito ng ilang sandali bago humiwalay ng daan.Kilala naman niya ang kaibigan. Alam nito kung kailan susuko o susunod lalo kapag madiin na ang kanyang boses o matalim na ang mga mata niya. Hindi katulad ng amo niya na mukhang wala talaga yata sa bokabularyo na siya ay tantanan sa pang-uuyam."Is he the one you're telling me na tanging lalaking nagtiyaga lang na manligaw sa 'yo?""Wala akong sinabi na nagtiyaga lang siya," depensa ni Yeonna. "He's madly in-love with me. Hindi lang talaga siya ang tipo kong lalaki.""So, he really is? At patay na patay sa iyo?" Nakaramdam ng inis si Yeonna dahil sa nakakalokong tawa at tanong ni Khal na para bang hindi kumbinsido sa kanyang sinabi
HINDI na sila nag-usap pa uli ni Khal sa twenty minutes na biyahe hanggang sa makarating sila sa Misotto Hotel.Nang tumapat sila sa matayog na gusali, hinintay muna niyang matapos ang amo sa ginagawa nitong pagtipa sa laptop. At saka lang ito sumenyas sa kanya.Una siyang bumaba at pinagbuksan ng pinto ng kotse si Khal. Agad naman siya ritong sumunod sa pagpasok ng hotel.Sumalubong sa kanila ang manager na magiliw na bumati. Iniabot nito ang itim na card na kinuha niya nang sumenyas uli sa kanya ang amo."Have a nice day, sir."Tinanguan lang ni Khal ang manager na iginiya sila papasok sa nagbukas na VIP elevator."I'll be staying here the whole day.""Whole day?" pag-uulit ni Yeonna."Bakit? Hindi mo ba tiningnan ang schedule ko?"Saka lamang naalala ng dalaga na hindi pala niya dala ang organiser na ibinigay ng sekretarya ni Khal noong unang araw niya sa trabaho. "Sorry, sir.""You're slacking off." Napailing ito. "What should I do with you?"Hindi umimik ang dalaga."Pinaalmusal
"IT'S so hot!"Mula sa halos isang oras nang pagtayo ni Yeonna sa unahan ng pinto ay naulinigan na naman niya ang tinig ng babae na kasama ng amo sa loob ng binabantayan niyang silid. "Haist! Patay-gutom ba siya? Kanina pa siya sabi nang sabi ng hot, yummy, delicious, tasty!" paarte niyang bigkas. "Para siyang sirang plaka!"Bahagya nang lumayo si Yeonna, pero nanunuot pa rin sa kanyang pandinig ang hagikhik ng babae maging ang tawa ni Khal na lalo lang nagpadagdag sa kanyang inis."Mukha namang mayaman ang may-ari ng hotel na ito, pero hindi man lang niya ginawang soundproof ang mga kuwarto. Gusto ba nilang i-broadcast pa ang mga ginagawa nilang kalaswaan?"Inis niyang pinukol ng matalim na tingin ang nakasarang pinto. At parang x-ray ang mga mata niya na tila nakikita niya ang 'nakakakilabot' na eksena sa loob lalo na ang kainan-moment ng mga ito.Napasapo siya sa magkabilang braso nang maramdaman ang pagtayuan ng kanyang mga balahibo."Hindi na talaga siya nahiya! Isinama pa ako r
"OHHH! IT'S SO HOT!"Napuno ng tawanan ang paligid."That is Khal's favourite food," wika ni Magenta. "Buffalo wings.""Is it too hot for you?" usisa ng binata sa isa sa unang tumikim ng kanyang iniluto.They had a small private cooking show for their visitors inside the huge room of the hotel. Magenta is the head chef, and he's just assisting her. Though parehong may culinary skills ang dalawa, Khal chooses to be the sidekick. He wants the spotlight alone for Magenta."No. It tastes good."Sandali munang natuon ang atensiyon ng lahat sa maganang kainan bago sila tumungo sa dahilan ng pagtipon-tipon nila sa araw na iyon."We know you're a very private person. At kilala kang laging umiiwas sa ganitong uri ng pagtitipon or crowds. So, we are really grateful for letting us be part of this day."Ngumiti si Khal sa nagsalitang reporter. Pinagala niya ang tingin sa paligid. Ilan sa mga taga-media ang naroon sa silid; kaliwa't kanan din ang pitikan ng camera mula sa mga kasama ng mga ito na
TILA bumaba lahat ng anghel sa langit dahil sa paglatag ng nakabibinging katahimikan sa buong silid. Magenta's words struck everyone in surprise."What do you mean?" untag ng isang reporter bilang paglilinaw sa kanilang narinig mula sa babae. "A man? You?""I am a transgender woman."Napalitan ng bulung-bulungan ang silid. Everyone was not prepared for that kind of revelation from a person whose name and reputation were respected almost all over the European country.Magenta Humpstock is a half Filipino-German culinary artist. And she had just finished her 1st solo cooking show in Asia. She's a very well-known personality that no one will ever expect that behind her success, a shocking past were tattooed on her."A transgender?" pag-uulit ng isa sa mga reporter. "You?""My real name is Isidro Laczamana. We hailed from Bicol. We migrated to Germany after my parents got annulled. And it all starts there. Because that country is liberated. I got my freedom.""How could you manage to hide
NAKAKASILAW ang pitikan ng camera sa buong silid, pero hindi man lang natinag niyon ang babaing nahihimbing sa kama. At tatagilid sana ito ng higa nang maagap na hinatak ni Khal ang kumot upang takpan ang mukha nito na pinanghinayangan naman ng mga reporter na naintriga rito."Is she the right one?""Forget what you saw here, okay? Please, don't let this mere issue come out.""That was not easy to hold and forget," pagbibiro ng isa sa mga reporter. "But at least, nakumpirma namin ngayong araw na hindi totoo ang kumakalat na tsismis na lalaki rin ang gusto mo kaya single ka pa rin.""What?""Don't you know? We've mentioned it to you a while ago. These rumours say that you're a certified gay.""No way!" depensa ni Khal."We know. We can see it in our own eyes..."Muling nabaling ang tingin ng lahat sa direksiyon ng kama."Hindi pa lang talaga dumarating ang babaing nakatadhana para sa akin.""What? Isn't she the one?"Khal chuckled. "She's not my type."Nagpalitan muna ng tingin ang ila
DAY 4GUMUHIT ang ngiti sa labi ni Yeonna nang masamyo ang bango ng katabi niya. Pero hindi lamang ang amoy ang nagpapagaan sa kanyang pakiramdam kundi ang hatid niyon na kapanatagan habang nakayakap dito. As if she's next to heaven. And she feels really safe."Huwag kang aalis..."Lalo niyang hinigpitan ang yakap at isinampay rin ang paa sa ibabaw ng kalambutan ng kanyang katabi.Yeonna smiled at the thought of sleeping next to her crush noong siya'y nasa high school. She's head-over-heels in love to that guy. Para tuloy ibinabalik niyon ang old feelings niya. Yet, it somehow feels like it was brand new."Ganyan nga. Dito ka lang. Okay lang sa akin kahit forever na tayong ganito..."Muling gumuhit ang kasiyahan sa mukha ni Yeonna nang pikit-matang pinapalakbay ang isang kamay habang nagpapantasya ang isip."OMG! Nanaginip ba ako ng pagkain? Bakit parang ang sarap mong papakin?"Bigla namang nagising ang diwa ni Khal mula sa pagkakahimbing saka napadilat nang maramdaman nito ang pagpi
WALA pa ring kibo at hindi man lamang natinag sa pagkakasalampak sa sahig si Yeonna nang humupa ang tensiyon sa pagitan nila ni Khal.Halos kalahating oras na ang lumipas. Kaya ramdam na niya ang pangangalay ng katawan mula sa posisyon. At gusto sana niyang maghilamos o magmumog man lang, pero nag-aalangan siya dahil sa presensiya ng binata."Ano bang plano niya?" bulong ni Yeonna sa sarili nang masulyapan na naman ang amo na nakatutok lang sa hawak nito na cellphone. "Wala ba siyang pakiramdam?"Mabilis siyang umiwas ng tingin nang madako sa kanya ang mga mata ni Khal na may kasama na namang pagbabanta nang itaas nito ang kamay na nasaktan niya kanina nang pilipitin iyon matapos siyang magising na katabi ito."Mahina lang naman ang ginawa ko," pabulong uling depensa ni Yeonna sa sarili. "Haist! Anak-mayaman kasi kaya parang posporo ang mga buto.""May sinasabi ka ba?" asik ni Khal. "Bakit hindi mo lakasan nang marinig ko?"Umiling si Yeonna habang mahigpit pa ring nahahawakan ang nak
DAY 11“ANO bang nangyari kay Sir? Parang kahapon pa yata siya wala sa mood.”Bumagal ang paglalakad ni Yeonna. Pumunta siya sa comfort room at napadaan sa umpukan ng mga empleyado.Breaktime naman. Ang ilan ay nakabalik na mula sa canteen at kasalukuyan nang naghihintay para sa oras ng pagbabalik sa kanilang mga trabaho.“Ayaw ngang magpaistorbo,” tugon ng sekretarya ni Khal.“Masama ba ang pakiramdam?”“Hindi naman.”“Maghapon siyang halos nagkulong sa kanyang opisina ngayon matapos ang naging close-door meeting niya sa mga opisyal.”“Totoo nga yata ang balitang babagsak na ang kompanyang ito.”"Huwag naman sana. Malaki ang naging tulong ng pagtatrabaho ko rito sa aking pamilya. Kung babalik na naman ako sa simula, umpisa ulit ng paghihirap ko sa paghahanap ng bagong malilipatan.""Ipagdasal natin na maging maayos ang lahat."“At kawawa si Sir,” wika ng sekretarya. “Bakit ba ganyan ang trato nila sa tao. Kung bakla man siya, ano naman ang pakialam nila? Nasa kasarian ba ang ikatatag
DAY 10“KUYA…”Tumigas ang mukha ni Yeonna nang nakangiting sumalubong sa kanila ang kinasusuklaman niyang tao na pumatay at bumaboy sa kanyang kapatid. Tila ba wala itong krimen o kasalanang ginawa dahil sa kasiyahang nakaguhit sa mukha nito. He's indeed a lucky man dahil mayaman ito. Kayang-kaya nitong bilhin ang kalayaan nito at ibaon ang katotohanan. Hindi niya ito kailanman nakita na nagsisi. Not even once. Kahit noong mga araw ng paglilitis sa grupo nito, kampante ito. Alam nito na maipapanalo nito ang kaso.“What are you doing here?” asik ni Khal. "Didn't I tell you na ayokong tumatapak ka rito sa kompanya lalo na ang pumasok sa opisina ko?""Binibisita ka.""Wala akong sakit. Now, get out."Napatingin si Anthony sa kasama ng kapatid. At nanlisik ang mga mata nito. “Hey! Anong ginagawa mo rito?”"Magkakilala kayo?" kunwaring usisa ni Khal."She's someone I despise a lot," sarkastiko nitong tugon kasabay ng pagsuyod ng baba-taas na tingin sa dalaga. "Stay away from that b*tch!"
DAY 9TULAD nang nagdaang linggo ay routine na ni Yeonna ang maghintay sa podium ng Golden Royals para sa pagdating ng kanyang amo, may driver naman kasi ito na sumusundo rito na inihahatid lamang niya sa bahay nito kapag natapos na ang trabaho o appointments nito.Eksakto naman sa oras kung pumasok sa kompanya si Khal. At hindi ito kailanman nahuli. Pero ngayon ay late na ito nang halos kalahating oras.Muling sinulyapan ni Yeonna ang suot na relo. "Anong nangyari sa kanya?"Naisip tuloy niya na baka naapektuhan ito nang namagitan sa kanilang halikan. He might catch a flu or an allergy. Mabuti na lang at malakas ang resistensiya niya. Pero inubo siya at nagsuka kagabi. Well, slight lang.Biglang napasapo si Yeonna sa labi. At ramdam niya ang pag-init ng kanyang magkabilang pisngi."Haist! Ano bang iniisip ko? Erase! Erase!" Tandaan mo na binangungot ka kagabi."Sandali siyang natigilan sa sinabi sa sarili. Ang totoo kasi ay maganda ang tulog niya at tinatamad nga sana siyang bumangon
“THAT jerk!”Pabagsak na ibinaba ni Yeonna ang plastic bottle ng mouth wash habang nakaharap sa kuwadradong salamin sa loob ng banyo.Nasaid na niya ang pangmumog, pero hindi pa rin nawawala ang iniwang alaala roon ng paghalik sa kanya ng aroganteng amo na hindi man lang humingi ng sorry."Hindi iyon ang kailangan ko," salungat agad ni Yeonna sa sinabi ng isip. "Hindi na maibabalik ng sorry ang first kiss ko!" Inis siyang napapadyak. "Bakit siya pa?" Nagngingitngit na ibinunton niya ang nararamdaman na inis sa wala nang laman na mouth wash. "Bakit siya pa?" “Hoy! Anong nangyayari sa ’yo? May sanib ka ba?”Napalingon siya sa kaibigan na marahil ay nagising niya dahil sa nilikha niyang komosyon. Studio-type lang ang bahay na inuupahan nito kaya kaunting galaw ay maririnig na nila ang ingay ng isa’t isa.Pansamantala siyang lumipat sa tirahan ni Hardie para malapit sa kanyang amo. Lalo na't kung tawagan at pauwiin siya ng binata ay parang magkapit-bahay lang sila.“Sorry. Sige na, matu
PAREHO ngang itinulos sa posisyon nila ang magkapatid. Nanlaki ang mga mata ni Khal habang nakaawang naman ang bibig ni Amira na may kunting pagsilay ng nakakalokong ngiti sa labi.“Anong sinabi mo?”“Allergic ka sa mga babae, ‘di ba?” Hindi na napigil ni Yeonna ang sarili. Naiinis na siya sa sobrang kayabangan ng arogante niyang amo. “Sa edad mong ‘yan, wala ka pang girlfriend.”"So what?""That makes me curious.""Curiosity k!lls a cat.""Siyam ang buhay ng pusa," papilosopo niyang tugon."Teka," singit ni Amira. "Bakit naman napunta ang usapan niyo sa pusa? Mag-focus kayo sa totoong topic."Hinawa ni Khal ang kapatid at hinarap si Yeonna. “What makes you curious about my personal matters? Interesado ka ba sa akin?""Hah!" Napabuga ng hangin sa bibig ang dalaga. "No way!""Good. Wala kang karapatan na makialam sa sarili kong buhay kung hindi ka naman pala interesado sa akin. And besides, just to remind you, empleyado lang kita.”“Right. But it's obvious."Napatiim-bagang si Khal.“P
“KUYA!”Napailing si Yeonna nang paika-ikang humakbang si Amira para salubungin si Khal at nagkunwari na lasing na lasing. Saka lamang niya naisip na nagkunwari itong nahihilo upang magkaroon pa nang oras na makalapit sa kanila ang binata.“You’re drunk again!”“May pinuntahan akong lamay!”“Hindi na birthday party?”“Para maiba naman,” sabay tawa nito na pilit niyayakap si Khal na umiiwas naman.“You stink! Maligo ka muna bago ka matulog!”Sumaludo ito. “Yes, sir!”“This brat!” asik ni Khal na agad inalalayan si Amira na muntikan nang mabuwal.“Kuya, may itatanong nga palayo sa ’yo si Miss Officer.”Bigla namang napahinto si Yeonna na papasok na sana ng kotse. At nagtama ang mga mata nila ni Khal nang lumingon siya.“Ano ‘yon?”“Ha? W-Wala, wala!”“Sige na, Miss Officer. Huwag ka nang mahiya.”“Aalis na ako. Bye.”“Kuya, gustong malaman ni Miss Officer kung bakla ka raw.”Muling napahinto si Yeonna.“Patunayan mo nga sa kanya na hindi ka bakla. Sige na, Kuya. Halikan mo siya.”Hindi
MULING napasulyap si Yeonna sa relo. Halos kalahating oras na ang lumipas na nagpaikot-ikot lang siya sa pagda-drive. Nakatulog na kasi si Amira nang hindi pa ibinibigay sa kanya ang address nito.Ilang beses niyang naisip na tawagan si Khal. Pero inabandona niya sa huli ang ideya na iyon. Her pride is higher than the diesel's price.Nang makaramdam na ng pananakit ng katawan si Yeonna ay itinigil muna niya ang sasakyan at ipinahinga ang likod sa kinauupuan. Pero kasabay naman niyon ang paggising ni Amira."Miss Officer." Ngumiti ito, "Bakit nandito ka pa rin?""Ano sa tingin mo?""Hhhmm..." Napaisip si Amira, "Dahil takot kang may mangyari sa aking masama?""Ibigay mo sa akin ang address mo nang maihatid na kita. Kailangan ko na rin na magpahinga.”"Address ko? Bakit naman hindi mo agad hiningi? Sana kanina pa tayo parehong nakauwi."Napatirik ng mga mata si Yeonna habang itinipa ni Amira sa GPS ng sasakyan ang address ng tinitirahan nito.“Magkasama lang kami ni Kuya Khal sa iisang
“MISS Officer? Ikaw ba ‘yan?”Naiiling na inalalayan ni Yeonna si Amira na hindi na halos makatayo. “Lasing ka na naman.”“Gosh! Huwag mo ngang agawan ng linya ang kuya ko!”Kinuha niya ang isang braso ng dalaga at isinampay iyon sa kanyang balikat upang mabalanse ang kanilang magkaabay na paglalakad."Miss Officer..."Iniiwas niya ang mukha sa paghaplos sa kanya ni Amira na namumungay rin ang mga mata dahil sa kalasingan."I feel like you and Kuya are meant to be," sabay hagikhik nito. "But can you tame a tiger? It will be hard." Tumango-tango ito. "Hayaan mo. Tutulungan kita. Paaamuin natin ang tigre na 'yon. At baka puwede na niya akong tanggapin bilang kapatid kapag napaamo na natin siya. What do you think, Miss Officer? Isn't it a good idea?"Binalewala ni Yeonna ang pagtatanong ni Amira. “Nasaan ang sasakyan mo? Ihatid na kita. At saka wala ka bang kasama na bodyguard?”Natawa ito. “I’m just a nobody, so why would I need them?”“Kapatid ka pa rin ng isang kilala at mayamang tao.
DAY 8“KUMUSTA naman ang unang linggo mo?”Sinulyapan ni Yeonna ang nagtanong na si Macoy. "Hindi ba obvious?""Pagpasok mo pa nga lang dito, kita na naming parang pasan mo ang mundo."Tumango ang lahat bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Macoy."Bakit nga ba para kang pinagbagsakan ng langit at lupa?" usisa ni Aldrich.Sinaid naman muna ni Yeonna ang laman na alak ng baso at saka iyon pabagsak na ibinaba. "Dahil malas ako."Kahapon pa niya tinatawagan ang mga kaibigan para samahan siyang uminom. Pero abala ang mga ito. At ngayon lang sila nagkaroon ng oras na magkita-kita.Natapos kanina ang ikawalong araw sa hambog at arogante niya na amo. And being with them will lighten the burden from stress and overworked. Mailalabas niya sa mga ito ang inis at galit niya kay Khal.Nakagawian na rin naman nila noon pa ang gumimik, kumain o mag-inuman sa mga pagkakataong sabay-sabay sila ng araw ng day-off sa trabaho.Kahit madalas siyang maging sentro ng usapan sa presinto nila dahil puro lalaki an