TILA bumaba lahat ng anghel sa langit dahil sa paglatag ng nakabibinging katahimikan sa buong silid. Magenta's words struck everyone in surprise."What do you mean?" untag ng isang reporter bilang paglilinaw sa kanilang narinig mula sa babae. "A man? You?""I am a transgender woman."Napalitan ng bulung-bulungan ang silid. Everyone was not prepared for that kind of revelation from a person whose name and reputation were respected almost all over the European country.Magenta Humpstock is a half Filipino-German culinary artist. And she had just finished her 1st solo cooking show in Asia. She's a very well-known personality that no one will ever expect that behind her success, a shocking past were tattooed on her."A transgender?" pag-uulit ng isa sa mga reporter. "You?""My real name is Isidro Laczamana. We hailed from Bicol. We migrated to Germany after my parents got annulled. And it all starts there. Because that country is liberated. I got my freedom.""How could you manage to hide
NAKAKASILAW ang pitikan ng camera sa buong silid, pero hindi man lang natinag niyon ang babaing nahihimbing sa kama. At tatagilid sana ito ng higa nang maagap na hinatak ni Khal ang kumot upang takpan ang mukha nito na pinanghinayangan naman ng mga reporter na naintriga rito."Is she the right one?""Forget what you saw here, okay? Please, don't let this mere issue come out.""That was not easy to hold and forget," pagbibiro ng isa sa mga reporter. "But at least, nakumpirma namin ngayong araw na hindi totoo ang kumakalat na tsismis na lalaki rin ang gusto mo kaya single ka pa rin.""What?""Don't you know? We've mentioned it to you a while ago. These rumours say that you're a certified gay.""No way!" depensa ni Khal."We know. We can see it in our own eyes..."Muling nabaling ang tingin ng lahat sa direksiyon ng kama."Hindi pa lang talaga dumarating ang babaing nakatadhana para sa akin.""What? Isn't she the one?"Khal chuckled. "She's not my type."Nagpalitan muna ng tingin ang ila
DAY 4GUMUHIT ang ngiti sa labi ni Yeonna nang masamyo ang bango ng katabi niya. Pero hindi lamang ang amoy ang nagpapagaan sa kanyang pakiramdam kundi ang hatid niyon na kapanatagan habang nakayakap dito. As if she's next to heaven. And she feels really safe."Huwag kang aalis..."Lalo niyang hinigpitan ang yakap at isinampay rin ang paa sa ibabaw ng kalambutan ng kanyang katabi.Yeonna smiled at the thought of sleeping next to her crush noong siya'y nasa high school. She's head-over-heels in love to that guy. Para tuloy ibinabalik niyon ang old feelings niya. Yet, it somehow feels like it was brand new."Ganyan nga. Dito ka lang. Okay lang sa akin kahit forever na tayong ganito..."Muling gumuhit ang kasiyahan sa mukha ni Yeonna nang pikit-matang pinapalakbay ang isang kamay habang nagpapantasya ang isip."OMG! Nanaginip ba ako ng pagkain? Bakit parang ang sarap mong papakin?"Bigla namang nagising ang diwa ni Khal mula sa pagkakahimbing saka napadilat nang maramdaman nito ang pagpi
WALA pa ring kibo at hindi man lamang natinag sa pagkakasalampak sa sahig si Yeonna nang humupa ang tensiyon sa pagitan nila ni Khal.Halos kalahating oras na ang lumipas. Kaya ramdam na niya ang pangangalay ng katawan mula sa posisyon. At gusto sana niyang maghilamos o magmumog man lang, pero nag-aalangan siya dahil sa presensiya ng binata."Ano bang plano niya?" bulong ni Yeonna sa sarili nang masulyapan na naman ang amo na nakatutok lang sa hawak nito na cellphone. "Wala ba siyang pakiramdam?"Mabilis siyang umiwas ng tingin nang madako sa kanya ang mga mata ni Khal na may kasama na namang pagbabanta nang itaas nito ang kamay na nasaktan niya kanina nang pilipitin iyon matapos siyang magising na katabi ito."Mahina lang naman ang ginawa ko," pabulong uling depensa ni Yeonna sa sarili. "Haist! Anak-mayaman kasi kaya parang posporo ang mga buto.""May sinasabi ka ba?" asik ni Khal. "Bakit hindi mo lakasan nang marinig ko?"Umiling si Yeonna habang mahigpit pa ring nahahawakan ang nak
MULING sumilip si Yeonna sa peephole ng main door. Halos kalahating oras na ring nakaalis sina Magenta at Khal. Pero naniguro muna siya dahil nakasalalay sa paglabas niya ang kanyang baril at tsapa.May nakikita siyang ilang staff at ibang tao na marahil ay hotel guests. But she's a little hesitant to walk out from the door. Baka may reporter na nagbabantay pa sa paligid."Bakit ba kasi hindi niya pa ako isinama? Haist!"Nagpalakad-lakad muna si Yeonna sa loob ng silid habang nag-iisip. Nakaalis na si Khal. Ito lang naman ang tiyak na inaabangan ng mga reporter. At nakita niya kanina na naglagay ng pantakip sa ulo si Magenta. Marahil ay na-divert na nito ang atensiyon ng mga naghihintay sa labas."Bahala na."Sumilip uli muna si Yeonna sa peephole. Klarado ang paligid. Wala siyang nakikita o naririnig na komosyon sa labas."Magandang senyales na ligtas na akong makakalabas. Okay. Go for it!"Nagpakawala muna siya ng malalim at mahabang buntong-hininga matapos palakasin ang loob saka
DAY 5NAGISING sa pagkakahimbing si Yeonna nang marinig ang tunog ng cellphone na pikit-mata niyang kinapa sa ibabaw ng bedside table. Pero sa halip na sagutin, inilagay niya iyon sa loob ng drawer na pinatungan pa niya ng mga gamit na naroon at saka marahas na isinara."Istorbo!"Tumalikod siya ng higa, inilalim ang sarili sa kumot at bumaluktot habang mahigpit na niyakap ang katabing unan. Itutuloy niya ang naudlot na panaginip. Maganda iyon dahil natagpuan na niya roon ang 'man of her dream'."Haist!"Inis na nagpapadyak si Yeonna nang hindi tumitigil sa pag-ring ang kanyang cellphone na nanunuot ang tunog mula sa pinagtaguan dito."Sino ba ang walang-pusong istorbo na ito? Gusto ko pang matulog!"Kung kanina ay nag-uulap ang kanyang mga mata dahil sa antok, ngayon may kasama iyong kidlat nang idilat niya na nagbabadya ng masamang panahon. Sisiguraduhin niyang pauulanan niya ng masamang salita ang taong umabala sa kanyang pamamahinga at pagpapantasya."Sino ka ba?" singhal ni Yeonn
DAY 6NAPASULYAP si Yeonna sa rearview mirror matapos maiparada ang kotse sa driveway ng bahay ni Khal nang lumipas na ang ilang saglit na nanatili pa rin ang amo sa loob.Nagtagpo ang mga mata nila. Saka lang niya naunawaan ang ibig ipahiwatig ng tingin nito. Mag-iisang linggo na rin siya, pero hindi pa siya sanay na kailangan na pagbubuksan niya ito ng pinto.He's a lazy man who knows nothing but to bully her and adds salt to her everyday torture of being with him."Papasok ka ba bukas?"That was the mark of her one week suffering. Gusto niyang magpahinga, pero gusto rin niya na madaliin na ang kabuuan ng kanyang kontrata. "Yes, sir.""Good. Pick me up at seven.""Gabi?"Napatigil sa paghakbang si Khal at saka lumingon. "You know how much I valued time, right? Ano pang mga magagawa ko sa gabi?""Umaga?""Seven at sharp."Napakuyom ng kamao si Yeonna. Gusto na niya iyong paliparin sa mukha ng amo na wala yata siyang balak na bigyan man lamang nang mas mahaba-habang oras na makatulog
DAY 7MAAGA siyang gumising. Kumain na rin siya para kung sakaling gutumin uli siya ng walang puso niyang amo ay kargado ng lakas at enerhiya ang kanyang tiyan.Matapos maligo, sinumulan na niyang mag-ayos ng sarili. She bought the red cocktail dress paired with black stiletto heels. Pinaresan din lang niya iyon ng kuwintas at hikaw.She's not into fashion, but she knew how to use her beauty to capture everyone's eyes. That cold-hearted CEO will surely be one of those people. "Teka." Napatigil siya sa paglalagay ng makeup nang may maisip. "Ano ba ang klase ng party ang pupuntahan niya at napakaaga naman?"Napasulyap si Yeonna sa nakasabit na relo sa dingding. 5:30 pa lang. Seven at sharp ang sinabing oras ni Khal."Baka kasalan. At baka malayo ang venue kaya kailangan naming agahan. Tama."Itinuloy na ni Yeonna ang paglalagay ng makeup. Pero muli siyang napatigil nang tumunog ang kanyang cellphone. Isang mensahe ang nakita niya sa screen. At mula iyon kay Khal."Gosh! This jerk!"Ila
DAY 11“ANO bang nangyari kay Sir? Parang kahapon pa yata siya wala sa mood.”Bumagal ang paglalakad ni Yeonna. Pumunta siya sa comfort room at napadaan sa umpukan ng mga empleyado.Breaktime naman. Ang ilan ay nakabalik na mula sa canteen at kasalukuyan nang naghihintay para sa oras ng pagbabalik sa kanilang mga trabaho.“Ayaw ngang magpaistorbo,” tugon ng sekretarya ni Khal.“Masama ba ang pakiramdam?”“Hindi naman.”“Maghapon siyang halos nagkulong sa kanyang opisina ngayon matapos ang naging close-door meeting niya sa mga opisyal.”“Totoo nga yata ang balitang babagsak na ang kompanyang ito.”"Huwag naman sana. Malaki ang naging tulong ng pagtatrabaho ko rito sa aking pamilya. Kung babalik na naman ako sa simula, umpisa ulit ng paghihirap ko sa paghahanap ng bagong malilipatan.""Ipagdasal natin na maging maayos ang lahat."“At kawawa si Sir,” wika ng sekretarya. “Bakit ba ganyan ang trato nila sa tao. Kung bakla man siya, ano naman ang pakialam nila? Nasa kasarian ba ang ikatatag
DAY 10“KUYA…”Tumigas ang mukha ni Yeonna nang nakangiting sumalubong sa kanila ang kinasusuklaman niyang tao na pumatay at bumaboy sa kanyang kapatid. Tila ba wala itong krimen o kasalanang ginawa dahil sa kasiyahang nakaguhit sa mukha nito. He's indeed a lucky man dahil mayaman ito. Kayang-kaya nitong bilhin ang kalayaan nito at ibaon ang katotohanan. Hindi niya ito kailanman nakita na nagsisi. Not even once. Kahit noong mga araw ng paglilitis sa grupo nito, kampante ito. Alam nito na maipapanalo nito ang kaso.“What are you doing here?” asik ni Khal. "Didn't I tell you na ayokong tumatapak ka rito sa kompanya lalo na ang pumasok sa opisina ko?""Binibisita ka.""Wala akong sakit. Now, get out."Napatingin si Anthony sa kasama ng kapatid. At nanlisik ang mga mata nito. “Hey! Anong ginagawa mo rito?”"Magkakilala kayo?" kunwaring usisa ni Khal."She's someone I despise a lot," sarkastiko nitong tugon kasabay ng pagsuyod ng baba-taas na tingin sa dalaga. "Stay away from that b*tch!"
DAY 9TULAD nang nagdaang linggo ay routine na ni Yeonna ang maghintay sa podium ng Golden Royals para sa pagdating ng kanyang amo, may driver naman kasi ito na sumusundo rito na inihahatid lamang niya sa bahay nito kapag natapos na ang trabaho o appointments nito.Eksakto naman sa oras kung pumasok sa kompanya si Khal. At hindi ito kailanman nahuli. Pero ngayon ay late na ito nang halos kalahating oras.Muling sinulyapan ni Yeonna ang suot na relo. "Anong nangyari sa kanya?"Naisip tuloy niya na baka naapektuhan ito nang namagitan sa kanilang halikan. He might catch a flu or an allergy. Mabuti na lang at malakas ang resistensiya niya. Pero inubo siya at nagsuka kagabi. Well, slight lang.Biglang napasapo si Yeonna sa labi. At ramdam niya ang pag-init ng kanyang magkabilang pisngi."Haist! Ano bang iniisip ko? Erase! Erase!" Tandaan mo na binangungot ka kagabi."Sandali siyang natigilan sa sinabi sa sarili. Ang totoo kasi ay maganda ang tulog niya at tinatamad nga sana siyang bumangon
“THAT jerk!”Pabagsak na ibinaba ni Yeonna ang plastic bottle ng mouth wash habang nakaharap sa kuwadradong salamin sa loob ng banyo.Nasaid na niya ang pangmumog, pero hindi pa rin nawawala ang iniwang alaala roon ng paghalik sa kanya ng aroganteng amo na hindi man lang humingi ng sorry."Hindi iyon ang kailangan ko," salungat agad ni Yeonna sa sinabi ng isip. "Hindi na maibabalik ng sorry ang first kiss ko!" Inis siyang napapadyak. "Bakit siya pa?" Nagngingitngit na ibinunton niya ang nararamdaman na inis sa wala nang laman na mouth wash. "Bakit siya pa?" “Hoy! Anong nangyayari sa ’yo? May sanib ka ba?”Napalingon siya sa kaibigan na marahil ay nagising niya dahil sa nilikha niyang komosyon. Studio-type lang ang bahay na inuupahan nito kaya kaunting galaw ay maririnig na nila ang ingay ng isa’t isa.Pansamantala siyang lumipat sa tirahan ni Hardie para malapit sa kanyang amo. Lalo na't kung tawagan at pauwiin siya ng binata ay parang magkapit-bahay lang sila.“Sorry. Sige na, matu
PAREHO ngang itinulos sa posisyon nila ang magkapatid. Nanlaki ang mga mata ni Khal habang nakaawang naman ang bibig ni Amira na may kunting pagsilay ng nakakalokong ngiti sa labi.“Anong sinabi mo?”“Allergic ka sa mga babae, ‘di ba?” Hindi na napigil ni Yeonna ang sarili. Naiinis na siya sa sobrang kayabangan ng arogante niyang amo. “Sa edad mong ‘yan, wala ka pang girlfriend.”"So what?""That makes me curious.""Curiosity k!lls a cat.""Siyam ang buhay ng pusa," papilosopo niyang tugon."Teka," singit ni Amira. "Bakit naman napunta ang usapan niyo sa pusa? Mag-focus kayo sa totoong topic."Hinawa ni Khal ang kapatid at hinarap si Yeonna. “What makes you curious about my personal matters? Interesado ka ba sa akin?""Hah!" Napabuga ng hangin sa bibig ang dalaga. "No way!""Good. Wala kang karapatan na makialam sa sarili kong buhay kung hindi ka naman pala interesado sa akin. And besides, just to remind you, empleyado lang kita.”“Right. But it's obvious."Napatiim-bagang si Khal.“P
“KUYA!”Napailing si Yeonna nang paika-ikang humakbang si Amira para salubungin si Khal at nagkunwari na lasing na lasing. Saka lamang niya naisip na nagkunwari itong nahihilo upang magkaroon pa nang oras na makalapit sa kanila ang binata.“You’re drunk again!”“May pinuntahan akong lamay!”“Hindi na birthday party?”“Para maiba naman,” sabay tawa nito na pilit niyayakap si Khal na umiiwas naman.“You stink! Maligo ka muna bago ka matulog!”Sumaludo ito. “Yes, sir!”“This brat!” asik ni Khal na agad inalalayan si Amira na muntikan nang mabuwal.“Kuya, may itatanong nga palayo sa ’yo si Miss Officer.”Bigla namang napahinto si Yeonna na papasok na sana ng kotse. At nagtama ang mga mata nila ni Khal nang lumingon siya.“Ano ‘yon?”“Ha? W-Wala, wala!”“Sige na, Miss Officer. Huwag ka nang mahiya.”“Aalis na ako. Bye.”“Kuya, gustong malaman ni Miss Officer kung bakla ka raw.”Muling napahinto si Yeonna.“Patunayan mo nga sa kanya na hindi ka bakla. Sige na, Kuya. Halikan mo siya.”Hindi
MULING napasulyap si Yeonna sa relo. Halos kalahating oras na ang lumipas na nagpaikot-ikot lang siya sa pagda-drive. Nakatulog na kasi si Amira nang hindi pa ibinibigay sa kanya ang address nito.Ilang beses niyang naisip na tawagan si Khal. Pero inabandona niya sa huli ang ideya na iyon. Her pride is higher than the diesel's price.Nang makaramdam na ng pananakit ng katawan si Yeonna ay itinigil muna niya ang sasakyan at ipinahinga ang likod sa kinauupuan. Pero kasabay naman niyon ang paggising ni Amira."Miss Officer." Ngumiti ito, "Bakit nandito ka pa rin?""Ano sa tingin mo?""Hhhmm..." Napaisip si Amira, "Dahil takot kang may mangyari sa aking masama?""Ibigay mo sa akin ang address mo nang maihatid na kita. Kailangan ko na rin na magpahinga.”"Address ko? Bakit naman hindi mo agad hiningi? Sana kanina pa tayo parehong nakauwi."Napatirik ng mga mata si Yeonna habang itinipa ni Amira sa GPS ng sasakyan ang address ng tinitirahan nito.“Magkasama lang kami ni Kuya Khal sa iisang
“MISS Officer? Ikaw ba ‘yan?”Naiiling na inalalayan ni Yeonna si Amira na hindi na halos makatayo. “Lasing ka na naman.”“Gosh! Huwag mo ngang agawan ng linya ang kuya ko!”Kinuha niya ang isang braso ng dalaga at isinampay iyon sa kanyang balikat upang mabalanse ang kanilang magkaabay na paglalakad."Miss Officer..."Iniiwas niya ang mukha sa paghaplos sa kanya ni Amira na namumungay rin ang mga mata dahil sa kalasingan."I feel like you and Kuya are meant to be," sabay hagikhik nito. "But can you tame a tiger? It will be hard." Tumango-tango ito. "Hayaan mo. Tutulungan kita. Paaamuin natin ang tigre na 'yon. At baka puwede na niya akong tanggapin bilang kapatid kapag napaamo na natin siya. What do you think, Miss Officer? Isn't it a good idea?"Binalewala ni Yeonna ang pagtatanong ni Amira. “Nasaan ang sasakyan mo? Ihatid na kita. At saka wala ka bang kasama na bodyguard?”Natawa ito. “I’m just a nobody, so why would I need them?”“Kapatid ka pa rin ng isang kilala at mayamang tao.
DAY 8“KUMUSTA naman ang unang linggo mo?”Sinulyapan ni Yeonna ang nagtanong na si Macoy. "Hindi ba obvious?""Pagpasok mo pa nga lang dito, kita na naming parang pasan mo ang mundo."Tumango ang lahat bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Macoy."Bakit nga ba para kang pinagbagsakan ng langit at lupa?" usisa ni Aldrich.Sinaid naman muna ni Yeonna ang laman na alak ng baso at saka iyon pabagsak na ibinaba. "Dahil malas ako."Kahapon pa niya tinatawagan ang mga kaibigan para samahan siyang uminom. Pero abala ang mga ito. At ngayon lang sila nagkaroon ng oras na magkita-kita.Natapos kanina ang ikawalong araw sa hambog at arogante niya na amo. And being with them will lighten the burden from stress and overworked. Mailalabas niya sa mga ito ang inis at galit niya kay Khal.Nakagawian na rin naman nila noon pa ang gumimik, kumain o mag-inuman sa mga pagkakataong sabay-sabay sila ng araw ng day-off sa trabaho.Kahit madalas siyang maging sentro ng usapan sa presinto nila dahil puro lalaki an