Share

Chapter 5

Author: EL Nopre
last update Last Updated: 2024-12-06 16:15:35

"SARADO na ang kaso. Wala na kaming magagawa riyan."

"Ganoon na lang 'yon? Hindi man lang kayo nag-effort na mag-imbestiga?"

"Miss- "

"Sinabi ko na sainyo na hindi basta-basta magpapakamatay ang kapatid ko!"

"Yeonna, tama na!" pagsaway ni Marco. "Umuwi na tayo!"

Hinawi niya ang kamay ng tiyuhin nang pinigil nito ang kanyang braso at saka galit na hinarap ang isa sa mga pulis na humawak sa kaso ni Yessa.

Kasalukuyang nasa police station ang dalawa. Sinamahan lang ni Marco ang pamangkin dahil nag-aalala ito.

Inilibing na sa araw na iyon si Yessa. Kaya emosyonal pa ang dalaga mula sa huling gabi ng burol nito. Nakaalalay naman ang lahat, pero hindi sapat ang naitutulong nila upang maibsan ang nararamdamang sakit ni Yeonna sa pagkawala ng kapatid.

"Hindi niyo ako naiintindihan!"

"Miss, ikaw ang hindi marunong umintindi!"

"Maraming pangarap ang kapatid ko! Masayahin siyang tao! Wala rin siyang sakit na depression! At hindi niya ako kailanman iiwang mag-isa! Kaya bakit siya magpapakamatay? Bakit?"

"Hindi na makakasagot ang patay."

"Pero kaya niyong gawin iyon kung iimbestigahan ninyo ang nangyari!"

"Sarado na nga ang kaso. Wala na tayong magagawa pa kahit umapila ka dahil wala namang ebidensiya na may nangyari na foul play."

"Sino nangbayad sainyo para pagtakpan niyo ang katotohanan? Sinong gumawa niyon sa kapatid ko?"

"Magdahan-dahan ka ng pananalita mo, Miss. Baka kasuhan ka namin ng slander dahil sa sinabi mong iyan?"

"Hindi ba? Malinis ba ang konsensiya niyo?"

"Yeonna, tama na!" Muling saway ni Marco. Hinatak na nito ang pamangkin. "Halika na!"

"Babalikan ko kayo! Babalikan ko kayo! Ipapakita ko sainyo na mga wala kayong mga kuwentang pulis!"

"Tumahimik ka na!" pasigaw nang sita ni Marco.

'Hindi basta-basta magpapakamatay ang kapatid ko! May pumatay sa kanya! May pumatay sa kanya!"

Hila-hila pa rin ni Marco ang pamangkin hanggang makalayo sila sa istasyon.

"Bakit ayaw niyong maniwala? Bakit walang naniniwala sa akin? Hindi nga magagawang magpakamatay ni Yessa! Hindi! Hindi! Hindi!"

Isang malakas na sampal mula kay Marco ang nagpatahimik kay Yeonna.

"May maniwala man sa 'yo o wala, maibabalik pa ba niyon ang buhay ni Yessa? Kung gusto mong alamin ang totoong dahilan nang pagkawala niya, ayusin mo muna iyang sarili mo! Sinong maniniwala sa iyo kung ganyan na wala kang maipakitang ebidensiya? Gusto mo na mag-imbestiga sila? Puwes, magbigay ka ng kahit katiting na lead na magtuturo sa kanila na pinatay nga ang kapatid mo!"

Napahagulhol si Yeonna. "Hindi ko alam ang gagawin ko, Tito. Si Yessa ang buhay ko."

"Huwag na huwag mong gagawin ang magpakamatay! Sinasabi ko sa 'yo, ha! Itatakwil ko kayo hanggang sa kabilang buhay!"

Umiiyak nang yumakap si Yeonna sa tiyuhin. "Hindi ko kaya, Tito. Hindi ko kayang wala siya."

"Kailangan mong kayanin. Kung talagang pinatay siya o may nagtulak sa kanya na magpakamatay, alamin mo." Humiwalay ito sa yakap at iniharap ang pamangkin. "Bigyan mo siya ng hustisya. Pero hindi mo magagawa iyon kung mahina ka at walang kakayahan."

Tumango-tango si Yeonna.

"Tandaan mo na hindi mo na maibabalik pa ang buhay ni Yessa. Pero puwede mo siyang mabigyan ng katarungan. Huwag kang gagawa ng bagay na ikapapahamak mo. Naiintindihan mo ba ako?"

Tumango uli si Yeonna.

"Halika na. Umuwi na tayo. Kailangan mo nang pahinga para maging klaro ang isip mo bago ka magdesisyon ng mga dapat mong gawin."

Hahakbang na sana si Yeonna nang may mapansin siyang babae na alam niya na kanina pa sa kanila nakatunghay. Nakita niya ito sa libing kahit noong ikaanim na gabi ng burol ni Yessa na nakatanaw sa labas na kanilang bakuran.

She has a photographic memory. It was her unique ability. She can easily recall something or someone even on a very brief encounter.

Iba ang kutob ni Yeonna sa babae. Tila ba may bahagi sa isip niya ang nagsasabi na mayroon itong kaugnayan kay Yessa.

"Tito, mauna na po kayo?"

"Bakit?"

"Maglalakad-lakad lang po ako."

"Puwede mong gawin iyan sa bahay."

Tumingin si Yeonna sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya ng tiyuhin. "Okay na po ako. Gusto ko lang muna pong mapag-isa."

"Sinabi rin 'yan sa akin ni Yessa. Pero tingnan mo ang ginawa niya?"

"Wala pong mangyayari sa akin. Tama naman kayo. Hindi ko malalaman ang totoo kung ipapahamak ko ang sarili ko."

Bumitiw si Marco sa pagkakahawak sa pamangkin. "Huwag ka nang babalik ng istasyon. Baka ikulong ka na roon."

"Opo."

"At umuwi ka kaagad. Hihintayin kita."

Tumango lang si Yeonna. Hinintay muna niyang makaalis ang tiyuhin bago niya pinuntahan ang babae na akto sanang iiwas sa kanya. "Sandali!" Pinigil niya ito sa braso at humarang sa harapan nito. "Sino ka?"

"Hindi kita kilala."

Muli niyang pinigilan sa braso ang babae nang kumawala ito sa kanya. "Pero kilala mo ang kapatid ko, 'di ba?" Naramdaman niya ang pagpitlag nito na tila ang sinabi niya ay nagdala rito ng takot. "Ano ang alam mo sa nangyari?"

"Wala. Wala akong alam."

"Puwede kitang paimbestigahan sa mga pulis..."

"Huwag!" maagap nitong salungat. "Hindi nila dapat malaman!"

"Ang alin?"

Pinagala ng babae ang tingin sa paligid upang makasiguro na wala sa kanilang makakarinig. "Hindi mo siya puwedeng kalabanin."

"Sino?"

"Ang lalaking iyon," bulong nito.

"Sinong lalaki?"

"Mula siya sa pamilya ng kilalang mga negosyante. Mahirap silang kalaban. Mapapahamak ka lang."

"Alam mo ba ang nangyari kay Yessa?"

Nakikita ni Yeonna ang takot sa mukha ng babae nang muli nitong pagalain ang tingin sa paligid. "Please, nakikiusap ako. Gusto kong malaman ang nangyari sa kapatid ko. Karapatan ko iyon."

"Hindi ako puwedeng tumestigo. May pamilya ako. Ayokong madamay sila. Kailangan ko lang itong sabihin dahil nakokonsensiya ako. Mabigat sa dibdib ko. Hindi ako pinapatahimik ng nakita ko."

"Anong nakita mo? Sabihin mo sa akin."

"Mangako ka. Mangako kang hindi mo ako idadamay rito."

"Nangangako ako. Gusto ko lang talagang malaman ang totoong nangyari sa kapatid ko."

Hinatak ng babae si Yeonna sa isang tagong lugar. Nanginginig ang kamay nito. Ramdam iyon ng dalaga.

Pero mas nangingibabaw sa kanya ngayon ang determinasyon na alamin ang katotohanan kaysa sa takot at kaba na kanyang nararamdaman sa rebelasyon na kanyang maririnig.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 6

    "HINDI ko alam kung paano ko sisimulan ang kuwento. At nagdadalawang-isip pa rin ako. Siguro dahil sa takot."Ginagap ni Yeonna ang kamay ng babae. Nagpakilala itong Loretta. Sa tingin niya, hindi nalalayo sa mga nakakatanda niya na mga pinsan ang edad nito."Alam ko ang ibig mong sabihin. At naiintindihan kita."Napabuntong-hininga lang ang babae. Sa nakikita ni Yeonna, nag-aalinlangan nga ito. Kailangan niyang makuha ang tiwala nito. Hindi maaaring mawala sa kanya ang nasisilip na pagkakataon na malaman ang nangyari kay Yessa."Nangangako ako. At marunong akong tumupad ng pangako. Maniwala ka.""Hindi ko alam," sabay iling nito na hinila palayo kay Yeonna ang kamay. "Marami kasing pangalan ang masasangkot. At hindi sila basta puwedeng kalabanin."Lalong lumakas ang determinasyon ni Yeonna na marinig ang mga nalalaman ng kanyang kausap. "Ang pagpunta mo sa libing at burol ni Yessa, gayundin ang pagsunod mo sa akin sa police station ay senyales na matapang kang tao. Kulang ka lang sa

    Last Updated : 2024-12-06
  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 7

    “MAIIPIT pa yata tayo sa trapik!”"Haist! Nagmamadali pa naman ako!""Inagahan niyo sana ng alis sa mga bahay niyo!""Manong, dinadagdagan mo lang ang stress namin!""Baguhan lang ba kayo rito sa Maynila? Matagal nang problema rito ang traffic!"Nagising ang diwa ni Yeonna mula sa pagkakaidlip nang marinig ang sagutan ng mga nagrereklamong pasahero at saka nang nanggagatong pa sa inis na drayber."Dagdag lang sila nang dagdag ng mga sasakyan, pero ang kikipot naman ng mga daan!"Nabaling ang nag-uulap pang tingin ni Yeonna sa drayber ng sinasakyang pampublikong jeep. Nasa likuran siya ng kabilang direksyon nito, pero kanina pa nanunuot sa ilong niya ang usok ng sigarilyo nito."Manong, may diperensiya ka ba sa mata?""Ha?" balik-tanong ng nagtatakang drayber."Ang laki ng karatola mo na 'No Smoking' na nasa mismong harapan mo pa, pero ikaw chill-chill lang sa paninigarilyo. Para lamang ba sa mga pasahero 'yan? May mga bata rito at matatanda! Sinisira mo ang kalusugan nila""Ako lang b

    Last Updated : 2024-12-07
  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 8

    "SALAMAT sa paghatid.""Salamat ulit? Wala man lang bago?"Patulak na ibinalik ni Yeonna ang helmet kay Mark. "I-renew mo na iyang lisensiya mo dahil kapag umabot pa 'yan ng isang linggo, baka hindi lang ticket ang ibigay ko sa 'yo!""Haist! Akala ko pa naman kapag may kaibigan akong pulis, absuwelto na ako."Nagkataon noon na duty si Yeonna nang mahuli si Mark sa isa sa mga checkpoint kaya nalaman niya ang naging violation nito."Alam mong walang kai-kaibigan sa akin.""Paano kung sabihin ko sa makakahuli sa akin ng girlfriend kita? Iaabsuwelto kaya nila ako?""Ikukulong kita sa pagkakalat ng maling impormasyon!"Natawa si Mark. "Siguro kong natuloy ka sa pagiging isang lawyer, marami ka na ring napakulong.""Sige na. Magtatrabaho na ako. Mag-iingat ka.""Wala man lang kiss?" sabay patulis nito sa bibig.Itinaas naman ni Yeonna ang tsapa. "Gusto mong dito ikiskis iyan?""Have a nice day, Miss Police Officer."Itinaas lang ni Yeoona ang kamay bilang pamamaalam kay Mark at tumalikod na

    Last Updated : 2024-12-07
  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 9

    HUMINTO ang dalawang kotse ng grupo ni Yeoona sa harapan ng isang resto bar. Naghanap muna sila ng parking slot saka magkakaabay nang naglakad patungo sa entrada."Pinili ko ang pinakamagandang venue para sa advance celebration natin."Napatingin si Yeonna kay Alrich. "For sure, pinili mo rin ang pinakamahal."Napangiti ito. "The best dito.""Butas naman ang bulsa ko.""Minsan lang 'to." Inakbayan ni Aldrich si Yeonna, "Sigurado na ang kasunod nito ay kasal mo na."Naghiyawan ang lahat."Makakahigop na rin ng mainit na sabaw!" biro ni Isko."Haist!" Siniko ni Yeonna sa tagiliran ang kaibigan, "Tumigil ka nga! Tumigil kayo!" asik niya sa mga kasama."Teka," singit naman ni Macoy. "Paano nga pala siya ikakasal kung manliligaw nga wala?"Nagkatawanan ang grupo."Mas lalaki ka pa kasing umasta kaysa sa amin," wika ni Melan. "Minsan lalambutan mo ang balakang mo kapag naglalakad."Lumakas ang tawanan ng lahat nang dalawang lalaki sa grupo ang naglakad nang pakembot-kembot sa unahan."At da

    Last Updated : 2024-12-08
  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 10

    “KUMUSTA ka na, Yeonna? Lalo ka yatang gumaganda. Dahil ba napapaligiran ka ng mga kalalakihan?”Pinigil niya ang nagbabantang pagsabog ng emosyon sa ipinapakitang kawalan ng respeto ng aroganteng lalaki sa tulad nila na mga alagad ng batas. Isa lang ang ibig sabihin niyon, wala itong kinatatakutan."Uy!" sabay sipa ni Anthony sa paa ng mesa. "Kinukumusta kita? Bingi ka ba?"“Bulag ka ba?" balik-tanong ni Yeonna. "Hindi mo ba nakikita na humihinga pa ako?"Natawa si Anthony. "Oh. Clearly, I can see it now na buhay ka pa nga.""Oo. Kailangan ko kasing mabuhay dahil may pinaghahandaan akong laban.”Lumapad ang nang-uuyam na ngisi sa labi ni Anthony.“I want to see you behind bars.”“Is that a joke? Tatawa na ba ako?”“Tumawa ka hanggang kaya mo pa. When the right time comes, baka kahit pagngiti ay hindi mo na magawa.”Napabuntong-hininga ito. “I admire your courage. Not unlike Yessa…”Malakas na hinampas ni Yeonna ang mesa nang banggitin ni Anthony ang pangalan ng kanyang kapatid.She w

    Last Updated : 2024-12-08
  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 11

    MARAHAS na itinulak ni Yeonna sa loob ng kulungan ang nahuling lalaki matapos itong tanggalan ng posas.“You’re really mistaken. I did nothing wrong.”“Tigilan mo ako. Gumamit ka man ng ibang lengguwahe, gasgas na sa akin ang linyang iyan. Hindi mo ako maloloko sa paingles-ingles mo na iyan.”“Nagsasabi ako ng totoo. You just need to listen to me.”Tumalikod na si Yeonna. Sinalubong siya ni Isko na bumalik agad ng presinto nang maghiwa-hiwalay sila. Duty kasi ito."Sino 'yan?""Nahuli kong may ginagawang kalaswaan sa loob ng sasakyan.""Talaga?" Sinuri nito ng tingin ang lalaki, "Mukha namang matino, ah?""Marami na ngayon ang mukha lang matino, pero nasa loob ang kulo.""Sabagay," sang-ayon ni Isko. "Pero bakit parang pamilyar siya sa akin?""Ibig sabihin, pabalik-balik na siya rito," wika ni Yeonna. "Tsk! Ibang-iba ba ang panahon ngayon. Wala nang takot ang mga tao lalo na sa batas.""Hindi mo naman ibinubunton ang galit mo kay Anthony sa lalaking iyan, hindi ba?""Professional ako

    Last Updated : 2024-12-08
  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 12

    "KUYA!"Napalingon si Yeonna sa tumatakbong babae na patungo sa kanilang direksyon.Nakasunod naman dito ang isang lalaki na nakasuot ng formal suit at may dala na itim na attaché case.“Bakit nakakulong ang kuya ko?”“K-Kuya mo?" mulagat na pag-uulit ni Yeonna. Gusto niyang makasiguro na tama ang kanyang narinig. "Ibig mong sabihin, magkapatid kayo?”Kahit na medyo may kadiliman ang lugar na pinangyarihan ng insidente, nakilala niya ang babae. Ito ang 'nilaspatangan' sa loob ng kotse ng nahuli niyang lalaki. But she's claiming to be the sister of the pervert.“Matagal na!" asik nitong tugon sa naging tanong ni Yeonna na may kasama pang pagtaas ng kilay at pag-ekis ng mga braso sa harapan ng dibdib.Bigla siyang namutla lalo na nang makita ang nakakalokong pagngisi sa labi ni Khal nang dahan-dahan siyang bumaling dito, “But I thought…”“Bakit? Anong inisip mo?""A pervert.""That simple? For sure, inisip mong rap!st ako. Tama ba?"Napaawang ang bibig ni Yeonna. Natuyo rin ang kanyang

    Last Updated : 2024-12-09
  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 13

    "AGRAVANTE..."Napahinto sa paghakbang si Yeonna nang humarang sa pagpasok niya sa kanilang departamento ang grupo ni SPO1 Panelo Liksang na naakangisi't halata sa mukha na nakarating na rito ang balita tungkol sa nangyari sa kanya. Isa ito sa mga kalaban niya sa puwesto bilang kapitan. At isa rin ito sa mga pulis na humawak sa kaso ni Yessa noon. She really made her way near to him because she wanted to expose his dirty and ugly side as a police officer."Kumusta ang superstar ng Crime Unit 3? Masarap ba sa pakiramdam na bida ka sa apat na sulok nitong istasyon?""Busy ako. Puwede ba kung wala kayong mga trabaho, huwag niyong abalahin ang iba.""Ang suplada mo naman. Minsan na nga lang kami dumalaw rito, magsusungit ka pa..." Napatingin ito sa paglapit ng grupo ni Yeonna na natanaw ang komosyon sa entrada, "Balita ko ay nag-celebrate na raw kayo para sa promotion mo? Bakit hindi man lang kayo nag-imbita para nakatikim din sana kami ng libre?"Isa sa mga kasama ni Panelo ang lumapit a

    Last Updated : 2024-12-10

Latest chapter

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 109

    "THAT man will marry me today!""Hija -""Father," pinutol na ni Jacquin ang muli sanang pagsalungat ng pari. "We are in love with each other. Ikasal mo na kami.""Kailangan ko ring marinig ang sasabihin ng groom-to-be.""He's not in the right mind today. Dahil ginamitan siya ng gayuma ng babaing iyan!"Napataas ng kilay si Yeonna. "Kanina lang sinabi mo na ginagamitan ko ng puwersa si Khal. Ngayon naman, gayuma. Anong susunod? Black magic?""Yes. Because you're an evil."Napaismid na lang na natatawa si Yeonna nang biglang takbuhin ni Jacquin si Khal at yakapin. "Jeez!""We're really in love. Ikasal mo na kami ngayon, Father.""Gusto mo bang kasuhan kita ng concubinage?" asik ni Yeonna."What?""Inaari mo kasi ang asawa ko.""Sinong asawa mo?"Sa halip na sumagot ay kinuha ni Yeonna sa bag ang kanilang marriage certificate at ibinigay iyon sa pari. "Please check the authenticity of that document, Father."Lahat nang mata ay natuon sa papel. Halos isang linggo pa lamang na kasal ang d

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 108

    "AFTER today, makakahinga na tayo nang maluwang and just wait for the result."Marahan na tumango at tipid lang na ngumiti si Yeonna. She's been a little nervous since last night. Kailangan na magawa niya ang plano nila nang hindi magdudulot ng pagdududa kina Felix at Anthony.Though it was her idea to do the DNA test, she's not very sure if it goes out according to their plans. Pareho pang tuso ang mag-ama. Baka mahalata ng mga ito ang totoo nilang motibo."Don't worry too much," dagdag pa ni Khal sa pagpakawala uli ng asawa ng malalim na buntong-hininga."Okay lang ako.""What's really bothering you? Alam kong hindi ka takot na makaharap sila. May iba ka pa bang ipinag-aalala?""Kung sakali man na maging positibo ang resulta ng DNA, alam kong unang-unang masasaktan si Amira. You know what she really wants, right? She always hopes na maituturing mo siyang tunay na kapatid.""We can't do anything about it. She has to choose between me or go against her own family.""Tatanggapin mo ba

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 107

    "IKAW naman ang taya. Ang laki ng binigay sa 'yong bonus.""Marami akong gastusin!" asik ni Hardhie sa panunudyo ng mga kaibigan.Magkakasama sila sa isang team bilang makeup artist ng kilalang anchor. Galing sila sa café at pabalik na sila sa trabaho nila."Bakit? Ilan ba ang lalaki mo?""Haist! Wala akong lalaki!"Natuon ang tingin ng grupo sa isang big bike na humarang sa kanilang daraanan."Wow! Ang gara!" bulalas na paghanga ng isa sa mga kasama ni Hardhie."Siguradong guwapo iyan!""Kaninong jowa iyan?"Kanya-kanya ng tanggi ang apat na kasamang bakla ni Hardhie."Ikaw.""Hindi ba't sinabi ko na sainyo na wala akong lalaki?" asik niya matapos siyang ituro ng mga kaibigan. "Wala pa sa plano ko ang makipagrelasyon. Period. No more arguments. No more questions. Okay?""Kung walang aangkin, akin na lang!" wika ng isa na humakbang sa unahan.Halos hindi kumurap ang magkakaibigan habang dahan-dahan na tinatanggal ng nakasakay sa motor ang helmet nito."Ang guwapo!" bulalas ng lahat ma

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 106

    "CAN we just cancel the plan today?"Sinulyapan lang ni Yeonna si Khal. "Hindi puwede. Napag-usapan na natin ito.""Limang araw pa lang mula nang ikasal tayo. Nasa honeymoon-stage pa tayo.""Alam ko ang nasa isip mo."Nakangiting kumapit sa braso ni Yeonna si Khal, "Let's just stay in bed.""Hindi pa ba sumasakit ang katawan mo?"Lalong lumapad ang pagkakangiti nito. "Hindi.""Kailangan ko nang pahinga.""Mamasahehin ko ang buong katawan mo.""At alam ko kung saan lang mauuwi iyon.""Magpapakita lang tayo sa Royals, then uuwi na agad tayo. Okay?""Magtatrabaho ka.""I owned the company -"Pinutol na agad niya ang pagdadahilan ni Khal. "Kailangan nating maghanda. Alam mo ang mangyayari sa oras na malaman ng mga kalaban na ikinasal na tayo.""Fine. But you have to promise me na akin ang buong gabi mamaya.""Haist! Oo na!"Parehong napahinto ang mag-asawa na palabas na sana ng bahay nang may tila ipo-ipong dumaan sa kanila na muntikan pa silang banggain."Sorry, sorry!"Nagmamadali si Am

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 105

    FOR the first time, they had that intense and passionate kiss nang hindi lasing si Yeonna. Though Khal is a little drunk, he knows what is happening and what he is doing.Nagpaikot-ikot ang dalawa sa loob ng kusina. Pero sa lawak niyon ay hindi sila makakuha ng perpektong espasyo upang makabuwelo sila. Ilang mga gamit na ang nasasagi at natutumba."Wait!" pagpigil ni Yeonna.Parehong naghahabol ng hininga ang dalawa sa matagal na pagkakalapat ng kanilang mga labi."Don't stop me. Please?" himig-pakiusap ni Khal.Hindi sumagi sa isip niya na pigilan o itigil ang kanilang ginagawa. She made up her mind. "Baka lumabas si Amira.""Then, let's go to my room."Mabilis na binuhat ni Khal si Yeonna at umakyat sa ikalawang palapag. Nawala ang kalasingan nito at napalitan iyon ng pananabik. Pero bigla itong itinulos nang nasa taas na dahil sa pagsulpot ni Amira na pupungas-pungas pa at humihikab."May nakapasok bang pusa? Bakit ang ingay sa baba?"Nagkatinginan ang dalawa na parehong naging ist

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 104

    END OF 100-DAY CONTRACT PABALING-BALING sa higaan si Yeonna. Katabi niya si Amira na naghihilik na. At kahit malapad naman ang kama ay para siyang nasu-suffocate. May hindi tama sa kanyang nararamdaman. At masama rin ang nasa isip niya."Haist!" Naiinis siyang bumangon. "Ano bang nangyayari sa akin? Epekto pa ba ito ng kasal? Darn! This is not good!""Hmmm..."Napabaling siya kay Amira na bahagyang nakadilat. "Okay ka lang?""Matulog ka lang diyan.""Nahihimbing nga ako. Nagising lang ako dahil sa 'yo. If you want to do it, don't hesitate. Just go.""Anong sinasabi mo?""Babae rin ako." Tumalikod ito ng higa. "I know what you feel.""Hey! Hindi ko iniisip ang honeymoon namin!"Muling napabaling si Amira kay Yeonna. "Honeymoon? Pero hindi iyon ang ibig kong sabihin. I mean, maybe you want some privacy. Me, too. You can transfer to another room.""P-Pareho tayo ng iniisip.""Pareho ba?" Bumalikn ito sa patalikod na higa, "Akala ko nabanggit mo ang tungkol sa honeymoon niyo.""Matulog k

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 103

    "HUWAG ka ngang malikot!""I just like it!""Mabubuwal tayo!'Pumirme naman sa pagkakasampa sa likuran ni Hardhie si Amira at mahigpit ditong yumakap. "I'm just happy. This is my first piggyback.""Well, hindi ako masaya. Ang bigat mo.""Did you have a piggyback before?""Marami na.""Ang suwerte mo. Kahit bakla ka, masuwerte ka.""Don't keep implying about the obvious. Minalas lang ako sa 'yo. You even use my graciousness na magpanggap ako kanina na boyfriend mo. My holy golly! That was my first time!""At least we experience 'first time' today. Did you enjoy it?""Mukha ba akong nag-enjoy?""You do.""Hindi!""I'll write it down to history.""Don't you ever dare! Ano na lang ang sasabihin ng magiging mga anak ko?""To remind you, wala kang matris. You will never, ever have. Pero kung sa akin ka magpupunla, I will accept your sperm willingly.""Hey!"Muntikan nang bumagsak si Amira sa sahig nang puwersahan siyang alisin ni Hardhie mula sa likuran nito, "How could you treat your futu

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 102

    "ARE we going up to heaven?""Hindi." Itinulak ng hintuturong daliri ni Hardhie ang nakasandal na ulo ni Amira sa tagiliran ng braso nito, "Nasa elevator tayo. Huwag ka nang umasa na sa langit ang punta mo."Ngumiti ang dalaga nang namumungay ang mga mata. "Okay lang naman sa 'kin kahit sa impyerno. Basta kasama kita.""Lumayo ka nga!" Pilit itong kumakawala sa pagyakap ni Amira. "You smell gross!""Gustong-gusto ko naman ang amoy mo.""Because I'm using an expensive perfume.""It's not the perfume. Your heart. I smell it. It has a flowery fragrance. Sabi ng isa sa mga madre na nag-alaga sa akin, if I smell someone's heart, ibig sabihin daw ay mabuti siyang tao.""Hindi ako mabuting tao.""I saw it today. Hindi mo ako iniwan.""Dahil ayoko na abalahin mo si Macoy. You're cunning. Alam kong tatawagan mo siya.""Ipinaglaban mo ako kanina kay Matt.""Dahil ayoko sa mga rude na lalaki. The moment I saw him, alam kong hindi siya mabuting tao.""Tama ka. He's a scoundrel and vicious man. So

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Chapter 101

    "DARN! Go inside!""Ayoko pang umuwi. Let's stay together." Sa halip na pumasok sa kotse, yumakap si Amira kay Hardhie. "Like this.""Ewww!" Itinulak nito ang dalaga nang kumawala rito, "Kapag lalo mo talagang pinainit ang ulo ko, iiwan na kita. Bahala ka sa buhay mo!"Ngumiti siya nang tiningala si Hardhie. "Saang ulo? Sa taas o baba?"Bigla nitong tinakpan ang maselan na bahagi ng katawan nang tumingin doon si Amira nang tila may pagnanasa. "Hey!""I'm a nurse. Puwede ko iyang kunan ng temperature para malaman natin kung kailangan mo ng gamot.""Lasing ka na!"Pinuwersa na nito ang dalaga papasok ng kotse at saka isinara ang pinto bago inukupa ang driver's seat "You're worse than Yeonna! Women!""You are one of us. So, don't curse us. But if you could be my boyfriend..." Nakangiti si Amira habang namumungay ang mga mata nang tumingin kay Hardhie. "Hindi kita pipigilan kahit ipakulam mo pa ang lahat ng babae sa buong mundo!""What a brat!" Pinaandar na nito ang sasakyan. "Fasten you

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status