His Way to be a Perfect Wife (Tagalog Version)

His Way to be a Perfect Wife (Tagalog Version)

last updateLast Updated : 2022-10-03
By:  M.J Yuzon  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
52Chapters
8.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Angelo Ian Diano didn't expect he would survive being hit by a speeding car. He wanted to thank the heavens for suddenly sparing his life and giving him another chance to correct his mistakes. But when Angelo opened his eyes, he was suddenly greeted by a nerve-wracking situation. From being a man oozing with masculinity, he suddenly became a femme fatale, as if the heavens were conspiring against him to punish him for all the things he did in the past. To add to the situation, not only did Angelo possess a body of just any woman but a married woman. He didn't know whether to laugh or cry because of his circumstance. To make matters worse, he found out that the husband of the woman he had possessed is the very person he has hated to the bones. Let's take a look at his story and find out who will be the first to go crazy. Is it Angelo or the one reading this?

View More

Latest chapter

Free Preview

His Way to be a Perfect Wife

"Life is unfair,"yan ang katagang bumalot sa utak ko habang dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata upang ihanda ang aking sarili sa pagtama ng isang rumaragasang sasakyan sa aking katawan.Ilang segundo lamang ay naramdaman ko na ang malaking metal na tumama sa kabuuan ng aking katawanan at dahil sa lakas ng impact ay tumilapon ako ng ilang metro."Ito na ba ang katapusan ko?"ang tanong ko sa aking sarili habang pilit na huwag mawalan ng malay."Diyos ko, buhay pa ba siya?""Anong nangyari?""Dali tumawag kayo ng ambulansya!"Ilan lamang yan sa mga narinig kong sinabi ng mga taong nagkukumpulan sa paligid ko. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay biglang naglaho ang ingay sa paligid at napalitan ng katahimikan, hindi ko mawari kung bakit bigla nalang tumahimik ang lahat. Bigla akong nakaramdam ng takot. Takot na mawala sa mundong i

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
flowerbridge
please update
2022-04-11 17:21:40
1
52 Chapters

His Way to be a Perfect Wife

"Life is unfair," yan ang katagang bumalot sa utak ko habang dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata upang ihanda ang aking sarili sa pagtama ng isang rumaragasang sasakyan sa aking katawan.Ilang segundo lamang ay naramdaman ko na ang malaking metal na tumama sa kabuuan ng aking katawanan at dahil sa lakas ng impact ay tumilapon ako ng ilang metro."Ito na ba ang katapusan ko?" ang tanong ko sa aking sarili habang pilit na huwag mawalan ng malay."Diyos ko, buhay pa ba siya?""Anong nangyari?""Dali tumawag kayo ng ambulansya!"Ilan lamang yan sa mga narinig kong sinabi ng mga taong nagkukumpulan sa paligid ko. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay biglang naglaho ang ingay sa paligid at napalitan ng katahimikan, hindi ko mawari kung bakit bigla nalang tumahimik ang lahat. Bigla akong nakaramdam ng takot. Takot na mawala sa mundong i
Read more

Kabanata 1

Mga di mapakaling yapak ang kanyang unang narinig sa muling pagbabalik ng kanyang malay. Nakaramdam siya ng takot dahil sa pagkakaalam niya siya lang ang nakatira sa inuupuhan niyang kwarto at malabong sa kanyang kapatid iyon dahil nasa dorm ng eskwelahan ito nakatira. Kaya kahit na napakasarap ng kanyang tulog ay napilitan nalang siyang imulat ang kaniyang mga mata upang malaman kung sino ang mga taong umiistorbo sa kanyang pagtulog. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at tumambad sa kanya ang puting kisame na nakapagpakunot sa kanyang noo."Nasaan ba ako?" naguguluhang tanong niya sa kanyang sarili at agad na sinuri ang kabuuan ng kwartong kinalalagyan niya. Sa paglilibot ng kanyang mga mata ay napagawi ito sa isang babaeng nakatalikod sa kanya, ito ay nakasuot ng puti at animo'y abala sa pagsusulat sa isang papel. Siguro ay dahil nakatalikod ang babae at dagdagan pa na abala ito sa pagsusulat ay hindi nito napansin na gising siya.Akma san
Read more

Kabanata 2

"Teka, parang kilala ko tong taong to," ang sabi ni Angelo sa kanyang isip. Agad naman nitong sinuri ang kabuuan ng lalaking bigla nalang pumasok sa kwarto.Habang inaalala ni Angelo kung saang lupalop ng Pilipinas nito nakita ang lalaki ay bigla itong nagsalita."Ayos ka lang ba?" tanong ng lalaki na hinahabol pa din ang hininga.Bigla namang napangiwi si Angelo sa tanong ng lalaki, "pre, kita mo na ngang nasa hospital bed ako tapos tatanungin mo ako kung ok lang ako? Malamang sa malamang hindi ako ok, yung totoo shonga ba ang mga tao dito?""Yeah," tipid na sagot ni Angelo, ayaw niya kasing makipagtalo sa lalaki, masasayang lang ang laway niya."Good to hear that." Ang sabi naman ng lalaki habang pumunta sa malapit na upuan sakanya at saka umupo.Tinignan naman ni Angelo ng masama ang lalaki ramdam niya kasing di sila magkakasundo nito. Para kasing magkaiba ang kanilang mga energy forces.Tahimik lan
Read more

Kabanata 3

"Asawa mo."Halos lumuwa ang mga mata at mabingi ang mga tenga ni Angelo sa kanyang narining. Sa lahat kasi ng pedeng isagot sa kanyang tanong ang kinatatakutan niya talagang mga kataga ang binitawan ni Mark."A...asawa, nagbibiro lang tong lalaking to diba? Paano kami magiging mag-asawa kung pareho kaming lalaki?""Hahaha joke ba to?" Natatawang tanong ni Angelo kay Mark. "Tol, di pa ko nasisiraan ng bait, kahit gwapo ka di ako pumapatol sa kapwa kong lalaki."Napangunot naman ang noo ni Mark sa kanyang mga narinig. Naisip niyang baka malala ang natamong pinsala ni Aimie sa kanyang utak dahil sa aksidente."Paano mo naman nasisiguradong lalaki ka?" mahinahong tanong ni Mark kay Angelo, dahil kung totoong malala ang pinsala ni Aimie ay kakailanganin niya itong subaybayang mabuti.Napangiwi naman si Angelo sa kanyang narinig, "Ha, tinanong mo talaga kung sigurado akong lalaki ako. Pre, wala ka bang mga mata? Sa kagwapoh
Read more

Kabanata 4

Sa wakas ay dumating na din ang araw na inaasam ni Angelo ngunit imbes na matuwa ay para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Ngayon kasi ang araw na magsasama sila ng pinakanaiinisan niyang homosapien sa iisang bahay."Kung tumakas nalang kaya ako," sa isip ni Angelo habang inaayos ang damit niya. Napangiti siya sa kanyang naisip at dali-dali siyang pumunta sa pinto at akma na sanang lalabas ng pintuan."Oh, Aimie saan ka pupunta?" ang tanong ni Mark na kadadating lang sa kwarto ni Angelo."Ah, eh wala magpapahangin lang," natatarantang sabi ni Angelo. "Nice timing pre, kung kailan ko naisipang tumakas saka ka din susulpot.""Samahan na kita." Nakangiting sabi ni Mark."Naku wag na, total nandito ka rin lang naman bakit hindi nalang tayo umuwi?" nakangiting mungkahi ni Angelo kay Mark ngunit sa kaloob-looban niya ay inis na inis na siya kay Mark. Hindi niya talaga kayang makasalamuha ang homosapien na ito papaano nal
Read more

Kabanata 5

Matapos ang eksena sa ospital ay nakarating na din sila sa bahay ni Mark at hindi mapigilan ni Angelo ang hindi mapanganga dahil sa ganda ng bahay."Wow ang ganda," manghang sabi niya sabay ang paglaki ng kanyang mga mata dahil sa ganda ng desenyo ng bahay."Halika, pasok na tayo." Pag-anyaya ni Mark kay Angelo sabay ngiti ng matamis. Para namang may bumasag sa masayang iniisip ni Angelo nang makita ang matamis na ngiti ni Mark."Tsk, ayos na sana ang lahat, sumaya na ako nang makita ko ang bahay mo tsaka ka pa nagsalita, psh, tapos may pa ngiti ngiti ka pang nalalaman sarap mo ding hagisan ng sapatos." Inis na pagrereklamo ni Angelo sa kanyang isip.Ngunit wala din siyang magawa kundi ang sumunod kay Mark sa loob ng bahay dahil gusto na niya talagang  makita ang kabuuan nito. Ayon kasi sa kanya, kung maganda ang desenyo sa labas ano pa kaya kung nasa loob na siya, sigurado siyang hihigitan p
Read more

Kabanata 6

"Nasaan na ba ang pangit na homosapien na mukhang impaktong iyon, kanina pa ako paikot-ikot sa bahay niya." Naiinis na sabi ni Angelo sakanyang sarili, kanina pa kasi siya naglalakad sa malamansyong laki ng bahay ni Mark. "Bakit ba kasi ang laki ng bahay ng pangit na homosapien na iyon kung siya lang naman mag-isa ang nakatira.""Teka, parang nadaanan ko na tong painting na ito." Sa isip ni Angelo habang sinusuri niya nang mabuti ang painting ng isang babaeng tumutugtog ng violin sa ilalim ng buwan. "tsk, siguro namamalikmata lang ako. Nasaan na ba kasi ang impaktong yon."Nagpatuloy si Angelo sa paghahanap kay Mark, kung saan-saan na siyang kwarto pumasok ngunit ni anino ng huli ay hindi niya makita."Lintek naman, nasaan na ba ang impaktong homosapien na iyon... teka ito na naman yong painting." Inis na sabi niya sa kanyang sarili. "Manufacturer ba siya ng painting na ito, ang dami-daming paint
Read more

Kabanata 7

"Ang totoo kasi niyan ay," biglang naputol ang sasabihin ni Mark ng biglang tumunog ang selpon nito. Agad nitong tinignan kung sino yung tumatawag tsaka sinagot ito. Nang marinig ni Mark ang pakay nang tumatawag ay nag-iba ang aura nito na siyang nakapagpahinto sa pagmumuni ni Angelo sa hapagkainan. "Excuse me for a second." Ang sabi ni Mark na hindi na hinintay ang tugon ni Aimie tsaka dali-daling pumunta sa kanyang opisina. "Ano ba yan, sayang may makakalap na sana akong impormasyon, panira yung taong tumawag sa kanya." Ang sabi ni Angelo habang tinutusok ang mga gulay na nasa kanyang plato at saka nginuya ito ng walang gana. "Nakakawalang ganang kumain tuloy." Huminto si Angelo sa kanyang pagnguya tsaka tumayo sa kanyang kinauupuan at inilagay niya sa lababo ang kanyang plato kasama na din ang pinagkainan ni Mark kanina. "Ako pa talaga ang paghuhugasin mo sa pinagkainan mo, tek
Read more

Kabanata 8

Maagang nagising si Angelo na nagbihis ng komportableng damit na isang black t-shirt, pantalon, sneakers, black cap at itim na mask, para siyang magnanakaw sa kanyang soot ngunit wala siyang magawa dahil ito lang ang normal na damit na mayroon si Aimie bukod sa mga napakaraming bestida na nasa aparador nito. Nanginig naman ang buo niyang katawan nang mapaisip niyang, siya na isang ubod ng kisig na lalaki ay magsusuot ng isang bestida. Umiling nalang siya dahil sa kanyang walang kwentang iniisip, ang importante kasi ngayon ay magkapagpalam siya kay Mark na aalis siya, baka kasi isipin nito na kinidnap o kung anong nangyari sa katawan ni Aimie kung hindi niya ito makita sa bahay. Ngunit simula nang makatanggap ng tawag si Mark ay hindi na niya ito makita, ni anino nito ay hindi niya mahagilap.Sa laki ng bahay niya na mala Mall of Asia ay aabutin siya ng siyam-siyam sa paghahanap rito. Kay
Read more

Kabanata 9

Halos mahimatay na si Angelo sa sobrang sikip ng bus, sa tingin niya ay mas maluwag pa ang lalagyan ng sardinas keysa sa bus na sinasakyan niya ngayon. Dagdagan mo pa ang hindi maipaliwanag na amoy na nalalanghap ng kanyang ilog mula sa kanyang katabi, kulang nalang maging double dead siya, dahil sa hindi maipaliwang na amoy ng katabi.Hindi niya magawang takpan ang kanyang ilong dahil una sa lahat hawak-hawak niya ang rabbit sa isang kamay habang ang isa naman ay nakakapit sa railings ng bus. At naisip niya din na magmumukha siyang bastos kung tatakpan niya ang kanyang ilong."Naman, ilang taon kayang hindi naligo ang taong toh," ang sabi ni Angelo sa kanyang isip, habang pinipingilan ang kanyang paghinga. "Ang bango niya talaga, pede na siyang gawing endorser ng exotic na pabango."
Read more
DMCA.com Protection Status