"Life is unfair," yan ang katagang bumalot sa utak ko habang dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata upang ihanda ang aking sarili sa pagtama ng isang rumaragasang sasakyan sa aking katawan.
Ilang segundo lamang ay naramdaman ko na ang malaking metal na tumama sa kabuuan ng aking katawanan at dahil sa lakas ng impact ay tumilapon ako ng ilang metro.
"Ito na ba ang katapusan ko?" ang tanong ko sa aking sarili habang pilit na huwag mawalan ng malay.
"Diyos ko, buhay pa ba siya?"
"Anong nangyari?"
"Dali tumawag kayo ng ambulansya!"
Ilan lamang yan sa mga narinig kong sinabi ng mga taong nagkukumpulan sa paligid ko. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay biglang naglaho ang ingay sa paligid at napalitan ng katahimikan, hindi ko mawari kung bakit bigla nalang tumahimik ang lahat. Bigla akong nakaramdam ng takot. Takot na mawala sa mundong ito ng hindi ko man lang naibigay sa mga magulang at kapatid ko ang marangyang buhay na ninanais ko para sa kanila.
"Ayoko pang mamatay, pakiusap ayoko pang mamatay," ang sigaw ng utak ko na wari'y humihingi ng tulong sa kung sinumang nakakarinig.
"Pakiusap," ang pagsusumamo ko, ngunit tila ba walang nakakarinig saakin.
"Ito na ba ang huli para saakin?" napatawa naman ako sa aking naisip, mukhang hindi na ata ako tatagal dahil sa sakit na nararamdaman ko sa buong katawan ko at sa dami ng dugong nawala saakin.
"Diyos ko kayo na po ang bahala sa pamilya ko..." ang sabi ng utak ko habang pilit na inaabot ang langit at ilang sandali pa'y nawalan na ako ng malay.
Mga di mapakaling yapak ang kanyang unang narinig sa muling pagbabalik ng kanyang malay. Nakaramdam siya ng takot dahil sa pagkakaalam niya siya lang ang nakatira sa inuupuhan niyang kwarto at malabong sa kanyang kapatid iyon dahil nasa dorm ng eskwelahan ito nakatira. Kaya kahit na napakasarap ng kanyang tulog ay napilitan nalang siyang imulat ang kaniyang mga mata upang malaman kung sino ang mga taong umiistorbo sa kanyang pagtulog. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at tumambad sa kanya ang puting kisame na nakapagpakunot sa kanyang noo."Nasaan ba ako?"naguguluhang tanong niya sa kanyang sarili at agad na sinuri ang kabuuan ng kwartong kinalalagyan niya. Sa paglilibot ng kanyang mga mata ay napagawi ito sa isang babaeng nakatalikod sa kanya, ito ay nakasuot ng puti at animo'y abala sa pagsusulat sa isang papel. Siguro ay dahil nakatalikod ang babae at dagdagan pa na abala ito sa pagsusulat ay hindi nito napansin na gising siya.Akma san
"Teka, parang kilala ko tongtaong to,"ang sabi ni Angelo sa kanyang isip. Agad naman nitong sinuri ang kabuuan ng lalaking bigla nalang pumasok sa kwarto.Habang inaalala ni Angelo kung saang lupalop ng Pilipinas nito nakita ang lalaki ay bigla itong nagsalita."Ayos ka lang ba?" tanong ng lalaki na hinahabol pa din ang hininga.Bigla namang napangiwi si Angelo sa tanong ng lalaki,"pre, kita mo na ngang nasa hospital bed ako tapos tatanungin mo ako kung ok lang ako? Malamang sa malamang hindi ako ok, yung totoo shonga ba ang mga tao dito?""Yeah," tipid na sagot ni Angelo, ayaw niya kasing makipagtalo sa lalaki, masasayang lang ang laway niya."Good to hear that." Ang sabi naman ng lalaki habang pumunta sa malapit na upuan sakanya at saka umupo.Tinignan naman ni Angelo ng masama ang lalaki ramdam niya kasing di sila magkakasundo nito. Para kasing magkaiba ang kanilang mga energy forces.Tahimik lan
"Asawa mo."Halos lumuwa ang mga mata at mabingi ang mga tenga ni Angelo sa kanyang narining. Sa lahatkasi ng pedeng isagot sa kanyang tanong ang kinatatakutan niya talagang mga kataga ang binitawan ni Mark."A...asawa, nagbibiro lang tong lalaking to diba? Paano kami magiging mag-asawa kung pareho kaming lalaki?""Hahaha joke ba to?" Natatawang tanong ni Angelo kay Mark. "Tol, di pa ko nasisiraan ng bait, kahit gwapo ka di ako pumapatol sa kapwa kong lalaki."Napangunot naman ang noo ni Mark sa kanyang mga narinig. Naisip niyang baka malala ang natamong pinsala ni Aimie sa kanyang utak dahil sa aksidente."Paano mo naman nasisiguradong lalaki ka?" mahinahong tanong ni Mark kay Angelo, dahil kung totoong malala ang pinsala ni Aimie ay kakailanganin niya itong subaybayang mabuti.Napangiwi naman si Angelo sa kanyang narinig,"Ha, tinanong mo talaga kung sigurado akong lalaki ako. Pre, wala ka bang mga mata? Sa kagwapoh
Sa wakas ay dumating na din ang araw na inaasam ni Angelo ngunit imbes na matuwa ay para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Ngayon kasi ang araw na magsasama sila ng pinakanaiinisan niyang homosapien sa iisang bahay."Kung tumakas nalang kaya ako,"sa isip ni Angelo habang inaayos ang damit niya. Napangiti siya sa kanyang naisip at dali-dali siyang pumunta sa pinto at akma na sanang lalabas ng pintuan."Oh, Aimie saan ka pupunta?" ang tanong ni Mark na kadadating lang sa kwarto ni Angelo."Ah, eh wala magpapahangin lang," natatarantang sabi ni Angelo."Nice timing pre, kung kailan ko naisipang tumakas saka ka din susulpot.""Samahan na kita." Nakangiting sabi ni Mark."Naku wag na, total nandito ka rin lang naman bakit hindi nalang tayo umuwi?" nakangiting mungkahi ni Angelo kay Mark ngunit sa kaloob-looban niya ay inis na inis na siya kay Mark. Hindi niya talaga kayang makasalamuha ang homosapien na ito papaano nal
Matapos ang eksena sa ospital ay nakarating na din sila sa bahay ni Mark at hindi mapigilan ni Angelo ang hindi mapanganga dahil sa ganda ng bahay."Wow ang ganda," manghang sabi niya sabay ang paglaki ng kanyang mga mata dahil sa ganda ng desenyo ng bahay."Halika, pasok na tayo." Pag-anyaya ni Mark kay Angelo sabay ngiti ng matamis. Para namang may bumasag sa masayang iniisip ni Angelo nang makita ang matamis na ngiti ni Mark."Tsk, ayos na sana ang lahat, sumaya na ako nang makita ko ang bahay mo tsaka ka pa nagsalita, psh, tapos may pa ngiti ngiti ka pang nalalaman sarap mo ding hagisan ng sapatos." Inis na pagrereklamo ni Angelo sa kanyang isip.Ngunit wala din siyang magawa kundi ang sumunod kay Mark sa loob ng bahay dahil gusto na niya talagang makita ang kabuuan nito. Ayon kasi sa kanya, kung maganda ang desenyo sa labas ano pa kaya kung nasa loob na siya, sigurado siyang hihigitan p
"Nasaan na ba ang pangit na homosapien na mukhang impaktong iyon, kanina pa ako paikot-ikot sa bahay niya." Naiinis na sabi ni Angelo sakanyang sarili, kanina pa kasi siya naglalakad sa malamansyong laki ng bahay ni Mark. "Bakit ba kasi ang laki ng bahay ng pangit na homosapien na iyon kung siya lang naman mag-isa ang nakatira.""Teka, parang nadaanan ko na tong painting na ito." Sa isip ni Angelo habang sinusuri niya nang mabuti ang painting ng isang babaeng tumutugtog ng violin sa ilalim ng buwan. "tsk, siguro namamalikmata lang ako. Nasaan na ba kasi ang impaktong yon."Nagpatuloy si Angelo sa paghahanap kay Mark, kung saan-saan na siyang kwarto pumasok ngunit ni anino ng huli ay hindi niya makita."Lintek naman, nasaan na ba ang impaktong homosapien na iyon... teka ito na naman yong painting." Inis na sabi niya sa kanyang sarili. "Manufacturer ba siya ng painting na ito, ang dami-daming paint
"Ang totoo kasi niyan ay," biglang naputol ang sasabihin ni Mark ng biglang tumunog ang selpon nito. Agad nitong tinignan kung sino yung tumatawag tsaka sinagot ito. Nang marinig ni Mark ang pakay nang tumatawag ay nag-iba ang aura nito na siyang nakapagpahinto sa pagmumuni ni Angelo sa hapagkainan. "Excuse me for a second." Ang sabi ni Mark na hindi na hinintay ang tugon ni Aimie tsaka dali-daling pumunta sa kanyang opisina. "Ano ba yan, sayang may makakalap na sana akong impormasyon, panira yung taong tumawag sa kanya." Ang sabi ni Angelo habang tinutusok ang mga gulay na nasa kanyang plato at saka nginuya ito ng walang gana. "Nakakawalang ganang kumain tuloy." Huminto si Angelo sa kanyang pagnguya tsaka tumayo sa kanyang kinauupuan at inilagay niya sa lababo ang kanyang plato kasama na din ang pinagkainan ni Mark kanina. "Ako pa talaga ang paghuhugasin mo sa pinagkainan mo, tek
Maagang nagising si Angelo na nagbihis ng komportableng damit na isang black t-shirt, pantalon, sneakers, black cap at itim na mask, para siyang magnanakaw sa kanyang soot ngunit wala siyang magawa dahil ito lang ang normal na damit na mayroon si Aimie bukod sa mga napakaraming bestida na nasa aparador nito. Nanginig naman ang buo niyang katawan nang mapaisip niyang, siya na isang ubod ng kisig na lalaki ay magsusuot ng isang bestida. Umiling nalang siya dahil sa kanyang walang kwentang iniisip, ang importante kasi ngayon ay magkapagpalam siya kay Mark na aalis siya, baka kasi isipin nito na kinidnap o kung anong nangyari sa katawan ni Aimie kung hindi niya ito makita sa bahay. Ngunit simula nang makatanggap ng tawag si Mark ay hindi na niya ito makita, ni anino nito ay hindi niya mahagilap.Sa laki ng bahay niya na mala Mall of Asia ay aabutin siya ng siyam-siyam sa paghahanap rito. Kay
Si Angelo, na mahimbing na natutulog ay nakaramdam ng mainit na temperatura sa kanyang tagiliran; lumapit siya sa mainit na bagay at pumulupot na parang ahas upang mas maramdaman pa niya ang komportableng init. Naramdaman naman ni Mark na niyakap siya ng mahigpit ng katabi niya, napabuntong-hininga siya bago niyakap pabalik ang kanyang asawa. Ang dalawa ay nagyakapan na tila ba kumukuha sila ng init sa isa't isa at, sila ay natulog nang mapayapa hanggang sa pagtunog ng tandang.Habang ang kislap ng araw ay nagsimulang umilaw sa paligid upang ibalita ang pagsilang ng bagong araw; at ang mga halaman at bulaklak na muling gumigising upang magsimula silang sumipsip ng hamog na nagpala sa araw ng tagsibol habang, ang mga ibon ay nagsisimulang kumanta upang salubongin ang bagong araw.Nang magsimulang mabuhay ang lahat mula sa tila nakatigil na gabi, dalawang tao ang mahigpit na nakayakap sa isa't isa. Ang kanilang komportableng postura ay naging nakakasakal- nadama ni Angelo na unti-unti
Malalaking mga hakbang ang ginawa ni Mark upang maihiga ang walang malay na asawa sa kanyang king-size na kama. Gagamitin sana ni Mark ang intercom upang tawagan ang personal doctor ng kanilang pamilya upang ipacheck-up si Aimie ngunit naputol ito nang marinig ang mga mumunting hilik ng kanyang cute na asawa. Napangisi si Mark na parang pusa- nang marinig- ang mumunting mga hilik ng asawa.Napailing-iling nalang siya ng kanyang ulo tsaka ay pinindot niya ang intercom upang tawagan ang isa sa mga kasambahay para bihisan ang asawa.Pagdating ng katulong sa kwarto ay binigay ni Mark sa kasambahay ang set ng mga damit upang ipasuot sa asawa.Para hindi maging awkward ang kapaligiran, napagdesisyunan ni Mark na lumabas ng kwarto at ipinaalam sa kasambahay- na tawagin lang siya kapag tapos na siya- sa pagsusuot ng damit sa kanyang cute na asawa. Nang pababa na si Mark sa hagdan ay nakasalubong niya ang kanyang ina na aakyat sana ng hagdan."Bakit ka
Masiglang inutusan ng ina ni Mark ang mga katulong kung saan ilalagay ang mga gamit ni Angelo at nang siya ay tapos nang mapahalaan ang mga katulong ay nagpasya ang nanay ni Mark na pagpahingahin na sila. Nakahinga naman ng maluwag ang mga tagapagsilbi dahil sa wakas ay makakapagpahinga na sila sa kanilang kwarto.Nang makita ang magandang trabaho ng kanyang mga tagasilbi ay masayang pinuntahan ng ina ni Mark ang kanyang anak na abalang nagbabasa at pumipirma sa mga papeles sa study table nito."Are you satisfied with the attendant's work?" Tanong ng ina ni Mark habang isinandal ang ulo sa study table.Tumango lang si Mark bilang tungon sa ina dahil ang buong atensyon nito ay nasa dokumentong binabasa nito. Nang makita ang walang ganang sagot sa kanya ng anak ay napahilamos na lamang ng mukha ang ina ni Mark, at agad na iniwaksi ang mga papel- na hawak ng kanyang anak at inilagay ito sa tambak ng mga papel na nasa gilid ng study table."Bakit mo pa tiniti
"Bakit ba ang lakas-lakas ng nanay ni Mark o sadya lang talagang napakahina ng katawang ito?" Sa isip ni Angelo habang hinawakan ang kanyang palapulsohan na mahigpit na hinawakan ng ina ni Mark. Nang makita niya ang palapulsohan na kasing nipis ng isang kawayan ay nais niyang maiyak ng walang luha."Bakit bigla mo nalang akong hinawakan?" Tanong ni Angelo habang minamasahe ang kanyang kamay."Well, mali kasi ang direksyon mo, hindi diyan ang papunta sa kwarto mo." Ang sabi ng nanay ni Mark.Luminga-linga si Angelo sa kaliwa't kanan, sinisikap alamin kung tunay ngang mali ang direksyon siya papunta sa kumikinang at magarbong pink na kwartong ginagamit niya. Hindi pa siya nakuntento at tiniginan pa niya ang pinto- upang makasigurado siya na nasa tamang kwarto.“Siguro ay namali ka lang, ma, ito po yung kwarto ko,” sabi ni Angelo nang makasigurado na siyang nasa tamang direksyon siya ng kanyang silid. "Pasok na po ako sa loob."Pero bago p
Namula tuloy si Angelo sa kahihiyan matapos magpaliwanag sa kanya ang ina ni Mark. Hindi siya sanay sa paraan ng pagkain ng mga mayayaman na ito; nakasanayan na niya kasi- na diretsong kainin ang kanyang mga pagkain ng hindi inisa-isa ang pampagana at panghimagas.Napabuntong hininga si Angelo at, tahimik na kinain ang nag-iisang pritong ravioli sa kanyang plato, at pagkatapos niyang maubos ang pampagana, sinenyasan ni Mark ang mga tauhan na ihain sa kanila ang pangunahing ulam. Ang mga kawani ng kusina- ay mahusay na pinalitan ang mga ginamit na plato at kagamitan- bago inihain- ang mga pangunahing pagkaing binubuo; ng isang high-grade na medium-rare steak at inihurnong patatas. Bigla tuloy nagutom si Angelo nang makita niya ang nakakatakam na mga pagkain.Bago pa makain ni Angelo ang pagkaing nakahain sa harapan- niya, napahamak siya sa sari-saring kutsara, tinidor, at kutsilyong nakalagay: sa gilid- kung saan nakalagay ang plato. Dahil sa ayaw niyang mapahiya,
Walang magawa ang ina ni Mark kundi ang pagkatiwalaan ang sinabi ng kanyang manugang. Hindi naman kasi niya alam ang tunay na nararamdaman ni Aimie. Ang tanging magagawa lamang niya, ay ang pagmasdan ang pakikitungo ni Aimie sa kanyang anak."Kung gayon pagkakatiwalaan ko ang iyong mga salita," ang sabi ng ina ni Mark. "Gusto mo bang magpaluto ng mga bagong pagkain? I'll ask the kitchen staff to cook a new batch of foods for lunch."Bago pa man tanggihan ni Angelo ang mungkahi ng ina ni Mark, umalis na ang napakarilag na tigre sa silid-kainan at nagtungo sa kusina upang pakiusapan ang mga tauhan sa kusina na magluto ng bagong set ng mga pagkain. Nakatitig lang si Angelo sa pagkain na hindi pa niya natatapos- pakiramdam niya may ugali ang mga mayayaman na; madalas mag-aksaya ng pagkain. He helplessly breath out at nagsimulang kainin ang pagkaing hindi niya naubos kanina.Ang mga tauhan sa kusina; ay mabilis na inilapag ang mga bagong lutong pagkain, kahit na buso
Habang nasasarapan si Angelo sa kanyang pagkain ay; may biglang umupo- sa tapat niya. Napasulyap siya sa taong nakaupo sa tapat niya, at nagulat si Angelo- nang makitang ito ay ang napakarilag na tigre; na nakaupo- sa tapat niya. Seryosong tumingin sa kanya ang biyenan ni Aimie; dahilan upang magsimulang lumabas ang mga goosebumps sa kanyang balat.Biglang ngumiti ng matamis sa kanya ang ina ni Mark, at bigla siyang nakaramdam ng panginginig sa buong balat: "May problema ba, ma?"Nagpasya si Angelo na tanungin ang biyenan ni Aimie dahil una palang silang nagkita; hindi siya komportable- sa kung paano siya tinginan ng ina ni Mark."Mukhang hindi nakatulog ng maayos kagabi." Napangiti ang ina ni Mark habang pinagmamasdan ang mukha ng kanyang manugang. "May ginawa ba kayo ng anak ko, alam mo na..."Iniluwa ni Angelo ang pagkaing nginunguya niya at naglabas ng ilang pagmumura sa kanyang isipan. Hindi niya inaasahan na ang napakarilag na tigre na ito na nasa k
Ang kanyang isip sa halip; ay hindi makatulog, at hindi maiwasan ni Angelo na isipin ang halikan nila ni Mark kanina. The kiss that has taken his breath away; na nagparamdam sa kanya ng kahinaan at nakapagpawala sa kanyang sarili. Napailing si Angelo sa kanyang iniisip- tungkol sa halik at pilit na pinakalma ang sarili. Na sa halip na siya ang nag-enjoy, ang katawan na kasalukuyang pinapalooban niya ang nasiyahan sa halik. Dahil ang katawang pinapalooban niya ay babaeng anatomy at hindi ng lalaki: natural lang sa katawan ni Aimie na magustuhan ang halik. Tutal babae naman siya."May katuturan ba ito!" Bigong sigaw ni Angelo habang ginulo ang buhok. "It doesn't make sense, na ako na, isang lalaki, ay masisiyahan sa halik ng kapwa lalaki. It doesn't explain anything, kahit na ako'y nasa katawan ng babae. Nakakadismaya talaga nito."Humiga muli si Angelo sa queen-sized bed na may malambot na velvety pink na kumot at hinila ito pataas hanggang sa kanyang baba.
Si Angelo ay nanatili lamang sa kanyang silid sa natitirang bahagi ng araw; ni wala siyang ganang kumain ng hapunan sa gabi dahil sa ginawa sa kaniya ng masamang pangit na b*st*rd*. Sa kabutihang palad ay hindi siya pinilit nina Mark at ng kanyang ina- na sumali sa kanila- upang kumain sa iisang hapag-kainan. Tumanggi pa nga si Angelo sa mungkahi ng mga kasambahay- na dalhin ang kanyang pagkain; sa kwarto; katuwiran niya na kumain na siya ng maraming meryenda nang mas maaga, at ngayon kailangan niyang magdiyeta dahil ang kinain niya kanina ay ang mga pagkaing puno ng mga calory at asukal.Ang maid ay walang nagawa kundi ang pilit na sumasang-ayon sa mungkahi ng kanilang madam, bagaman labag ito sa kanilang kalooban na; hindi hainan ng pagkain ang kanilang; madam, wala siyang magagawa. Makikita sa expression; ng kasambahay- na para bang binibigyan siya ni Angelo ng hindi patas na pakikitungo. Kaya nagpasya si Angelo na baguhin ang kanyang isip at hiniling sa kasambahay na dalh