Share

Kabanata 1

Author: M.J Yuzon
last update Last Updated: 2021-05-29 07:38:14

Mga di mapakaling yapak ang kanyang unang narinig sa muling pagbabalik ng kanyang malay. Nakaramdam siya ng takot dahil sa pagkakaalam niya siya lang ang nakatira sa inuupuhan niyang kwarto at malabong sa kanyang kapatid iyon dahil nasa dorm ng eskwelahan ito nakatira. Kaya kahit na napakasarap ng kanyang tulog ay napilitan nalang siyang imulat ang kaniyang mga mata upang malaman kung sino ang mga taong umiistorbo sa kanyang pagtulog. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at tumambad sa kanya ang puting kisame na nakapagpakunot sa kanyang noo.

"Nasaan ba ako?" naguguluhang tanong niya sa kanyang sarili at agad na sinuri ang kabuuan ng kwartong kinalalagyan niya. Sa paglilibot ng kanyang mga mata ay napagawi ito sa isang babaeng nakatalikod sa kanya, ito ay nakasuot ng puti at animo'y abala sa pagsusulat sa isang papel. Siguro ay dahil nakatalikod ang babae at dagdagan pa na abala ito sa pagsusulat ay hindi nito napansin na gising siya.

Akma sana niyang kukublitin ang babae upang itanong kung nasaan siya nang napahinto siya at napatingin sa kanyang kamay.

"Bakit parang lumiit ang kamay ko at bakit parang kuminis ang balat ko?" tanong niya sa kanyang isip habang sinusuring mabuti ang kanyang kamay.

Habang abala siya sa pagsusuri sa kanyang kamay ay di inaasahang humarap sa kanya ang babaeng nakaputi at bakas sa mukha ng babae na nagulat ito ngunit agad naman itong napalitan ng tuwa.

"Mrs., gising na po kayo?" ang masayang tanong ng babaeng nakaputi. Nais niya sanang bigwasan ang babae dahil sa katangahan nito sa pagtatanong ngunit hindi niya magawa dahil sa salitang narinig niya.

"M...mrs?" may halong inis ang kanyang tono sa pagtatanong sa babae dahil sa tanang buhay niya ay ngayon palang may nagtangkang tawagin siyang misis, sa gwapo ba niya naman pagkamalan siyang babae ngunit di parin maikukubli ang pagkautal niya.

"May problema po ba Mrs. Castro?" nag-aalalang tanong ng babae.

Dahil sa sinabi ng babae ay mas lalong nag-init ang kanyang ulo, napagkamalan ata siyang ibang tao nito. Nakakasiguro siya na hindi siya ang Mrs. Castro na tinutukoy ng babae dahil una sa lahat isa siyang lalaki, pangangatawan palang niya sumisigaw na ito na purong lalaki siya at pangalawa hindi Castro ang apelyido niya kundi Diano, napakalaking kaibahan sa spelling ng dalawang apelyido at mas lalong magkaiba ang letrang D sa C.

Hindi niya maitago ang inis sa babaeng kausap niya ngayon at upang maiwasang basagin niya ang pagmumukha ng babae dahil sa katangahan nito, ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata at iniyuko ang kanyang ulo upang sa ganun ay mawala kahit papaano ang inis niya.

"Ayos lang po ba kayo? Tatawagin ko lang po muna ang doktor." Nag-aalalang saad ng babae at dali-daling lumabas ng kwarto.

Dahil sa sinabi ng babae ay lubos siyang natuwa, salamat naman at may makakausap na akong matino mamaya.

Sa kanyang pagmamasid ay nalaman niyang nasa hospital pala siya. Pilit niyang inalala kung bakit napunta siya sa dito at lubos siyang nanlumo nang maalalang nasagasaan pala siya.

Napabuntong hininga siya nang malalamin at unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata, dahil sa nakayuko siya ay kitang-kita niya ang kanyang dibdib at lubos siyang nagulat sa kanyang nakita dahil may dalawa itong umbok, kung babae sana siya ay matutuwa pa siya sa kanyang nakikita ngunit isa siyang lalaki at ang mga lalaki ay hindi dapat nagkakaroon ng dalawang hinaharap. Ang dapat lang na meron ang mga lalaki ay ang kanilang junior. Napalunok naman siya dahil sa kanyang naisip at napatingin sa bandang ibaba niya.

Dahan-dahan niyang ibinaba ang kumot na nasa kanyang katawan at ipinikit ang kanyang mga mata na animo'y inihahanda ang kanyang sarili sa kanyang makikita.

Nang buksan niya ang kanyang mga mata ay halos takasan na siya ng ulirat sa kanyang nakita, ang pinakamamahal niyang junior, ang yaman ng kanyang pamilya ay wala na. Anong ginawa nila saakin bakit ako naging babae? Napaluha siya sa kanyang nakita at wala sa loob na itinakob ang kumot sa kanyang katawan.

Habang nagluluksa siya sa kanyang kalagayan ay biglang pumasok ang babae na kausap niya kanina at sa tingin niya ay isa itong nurse, kasunod naman niya ang isang lalaki na sa tingin niya naman ay ang doktor dahil sa suot nitong lab gown.

Nang makita ng dalawa ang pag-iyak ni Mrs. Castro ay naawa sila sa babae.

"May problema ba?" sabi ng doktor kay Mrs. Castro dahil hindi na nito kayang makita ang babaeng umiiyak. Sa tingin niya kasi hindi bagay kay Mrs. Castro ang umiyak dahil sa taglay nitong kagandahan.

"Salamin, may salamin ba kayo?" ang tanong ni Mrs. Castro sa pagitan ng kanyang mga hikbi na lubhang ikinagulat ng doktor at nurse dahil ang akala nila ay umiiyak si Mrs. Castro dahil sa may masakit sakanya, hindi nila inakalang iiyak ito dahil lamang sa isang salamin.

"M...min kumuha ka ng salamin." Nauutal na utos ng doktor sa kanyang nurse. Dali-dali namang naghanap si Min ng salamin at ilang sandali pa ay iniabot niya na ito kay Mrs. Castro.

Seryosong tinignan ni Mrs. Castro ang kanyang repleksyon sa salamin at ilang minuto ding katahimikan ang namayani sa kwarto. At dahil hindi sanay ang nurse na si Min sa katahimikan ay binasag na niya ito.

"Mrs. Castro wala po kayong dapat ipag-alala sa mukha niyo dahil kahit po nabangga po kayo ng isang sasakyan ay galos lamang sa braso ang natamo niyo at hindi po nadamay ang mukha niyo. Maganda pa rin po kayo." Ang masayang saad ni Min sabay thumbs-up pa kay Mrs. Castro.

Ngunit imbes na matuwa si Mrs. Castro ay mas lalo pa itong umiyak. Nagkatinginan naman ang doktor at nurse sa isa't-isa dahil sa inasta ni Mrs. Castro.

"Ang mabuti pa tawagan natin si Mr. Castro." Napabuntong hininga na sabi ng doktor kay Min.

"Mabuti pa nga dok." Pagsang-ayon naman ni Min.

Lumabas ang dalawa na may pagtataka sa kanilang mukha hindi kasi nila mawari kung nag iinarte lang ba si Mrs. Castro o nabaliw na ba ito ng tuluyan dahil sa pagkakabagok ng ulo nito sa cemento nang mabangga ito ng sasakyan.

"Min magsagawa ka ng ilang check-ups kay Mrs. Castro alamin mo kung may problema sakanya. Tatawagan ko lang muna si Mr. Castro." Sabi ng doktor na hindi na hinintay ang sagot ni Min at dumiretso na sa kanyang opisina.

Sakabilang dako naman ay may isang babae na hindi maialis ang paningin sa salamin. Wari'y sinusuri nitong mabuti ang mukhang nakikita niya sa salamin.

Maya-maya pa'y napasabunot ito sa kanyang sarili. Kitang-kita sa mga mata nito ngayon ang galit, kalungkutan, takot at ilan pang mga emosyon.

Nais niyang magwala kanina sa sinabi ng doktor at nurse dahil sa kanyang narinig na puro nalang Mrs. Castro ng Mrs. Castro. Hindi siya si Mrs. Castro siya si Angelo Ian Diano isa sa pinakagwapong lalaki sa buong mundo ngunit sa hindi malamang kadahilanan ay naging babae o pede din namang sabihing nasa katawan ng isang babae na siya ngayon.

Napahinto siya sa pagsasabunot ng kanyang sarili ng may maalalang isang salita.

"Mrs." Agad nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa natuklasan. Hindi "Ms." kundi "Mrs." ibig sabihin kasal na ang babaeng ito. Nasapo niya ang kanyang ulo gusto niyang magwala at sabunutan ang kanyang sarili dahil ngayon lang niya naisip na may asawa na ang katawang napasukan niya.

Ang tanga mo Ian, kaya ka namatay ng maaga dahil sa katangahan mo. Pinagsasampal niya ang kanyang sarili, habang nasaganuong sitwasyon siya ay bigla nalang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto at lumuwa dito ang isang hinihingal na lalaki.

Napatingin siya sa lalaki at hindi niya mapigilang hindi kabahan.

Related chapters

  • His Way to be a Perfect Wife (Tagalog Version)   Kabanata 2

    "Teka, parang kilala ko tongtaong to,"ang sabi ni Angelo sa kanyang isip. Agad naman nitong sinuri ang kabuuan ng lalaking bigla nalang pumasok sa kwarto.Habang inaalala ni Angelo kung saang lupalop ng Pilipinas nito nakita ang lalaki ay bigla itong nagsalita."Ayos ka lang ba?" tanong ng lalaki na hinahabol pa din ang hininga.Bigla namang napangiwi si Angelo sa tanong ng lalaki,"pre, kita mo na ngang nasa hospital bed ako tapos tatanungin mo ako kung ok lang ako? Malamang sa malamang hindi ako ok, yung totoo shonga ba ang mga tao dito?""Yeah," tipid na sagot ni Angelo, ayaw niya kasing makipagtalo sa lalaki, masasayang lang ang laway niya."Good to hear that." Ang sabi naman ng lalaki habang pumunta sa malapit na upuan sakanya at saka umupo.Tinignan naman ni Angelo ng masama ang lalaki ramdam niya kasing di sila magkakasundo nito. Para kasing magkaiba ang kanilang mga energy forces.Tahimik lan

    Last Updated : 2021-05-29
  • His Way to be a Perfect Wife (Tagalog Version)   Kabanata 3

    "Asawa mo."Halos lumuwa ang mga mata at mabingi ang mga tenga ni Angelo sa kanyang narining. Sa lahatkasi ng pedeng isagot sa kanyang tanong ang kinatatakutan niya talagang mga kataga ang binitawan ni Mark."A...asawa, nagbibiro lang tong lalaking to diba? Paano kami magiging mag-asawa kung pareho kaming lalaki?""Hahaha joke ba to?" Natatawang tanong ni Angelo kay Mark. "Tol, di pa ko nasisiraan ng bait, kahit gwapo ka di ako pumapatol sa kapwa kong lalaki."Napangunot naman ang noo ni Mark sa kanyang mga narinig. Naisip niyang baka malala ang natamong pinsala ni Aimie sa kanyang utak dahil sa aksidente."Paano mo naman nasisiguradong lalaki ka?" mahinahong tanong ni Mark kay Angelo, dahil kung totoong malala ang pinsala ni Aimie ay kakailanganin niya itong subaybayang mabuti.Napangiwi naman si Angelo sa kanyang narinig,"Ha, tinanong mo talaga kung sigurado akong lalaki ako. Pre, wala ka bang mga mata? Sa kagwapoh

    Last Updated : 2021-05-29
  • His Way to be a Perfect Wife (Tagalog Version)   Kabanata 4

    Sa wakas ay dumating na din ang araw na inaasam ni Angelo ngunit imbes na matuwa ay para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Ngayon kasi ang araw na magsasama sila ng pinakanaiinisan niyang homosapien sa iisang bahay."Kung tumakas nalang kaya ako,"sa isip ni Angelo habang inaayos ang damit niya. Napangiti siya sa kanyang naisip at dali-dali siyang pumunta sa pinto at akma na sanang lalabas ng pintuan."Oh, Aimie saan ka pupunta?" ang tanong ni Mark na kadadating lang sa kwarto ni Angelo."Ah, eh wala magpapahangin lang," natatarantang sabi ni Angelo."Nice timing pre, kung kailan ko naisipang tumakas saka ka din susulpot.""Samahan na kita." Nakangiting sabi ni Mark."Naku wag na, total nandito ka rin lang naman bakit hindi nalang tayo umuwi?" nakangiting mungkahi ni Angelo kay Mark ngunit sa kaloob-looban niya ay inis na inis na siya kay Mark. Hindi niya talaga kayang makasalamuha ang homosapien na ito papaano nal

    Last Updated : 2021-05-29
  • His Way to be a Perfect Wife (Tagalog Version)   Kabanata 5

    Matapos ang eksena sa ospital ay nakarating na din sila sa bahay ni Mark at hindi mapigilan ni Angelo ang hindi mapanganga dahil sa ganda ng bahay."Wow ang ganda," manghang sabi niya sabay ang paglaki ng kanyang mga mata dahil sa ganda ng desenyo ng bahay."Halika, pasok na tayo." Pag-anyaya ni Mark kay Angelo sabay ngiti ng matamis. Para namang may bumasag sa masayang iniisip ni Angelo nang makita ang matamis na ngiti ni Mark."Tsk, ayos na sana ang lahat, sumaya na ako nang makita ko ang bahay mo tsaka ka pa nagsalita, psh, tapos may pa ngiti ngiti ka pang nalalaman sarap mo ding hagisan ng sapatos." Inis na pagrereklamo ni Angelo sa kanyang isip.Ngunit wala din siyang magawa kundi ang sumunod kay Mark sa loob ng bahay dahil gusto na niya talagang makita ang kabuuan nito. Ayon kasi sa kanya, kung maganda ang desenyo sa labas ano pa kaya kung nasa loob na siya, sigurado siyang hihigitan p

    Last Updated : 2021-07-02
  • His Way to be a Perfect Wife (Tagalog Version)   Kabanata 6

    "Nasaan na ba ang pangit na homosapien na mukhang impaktong iyon, kanina pa ako paikot-ikot sa bahay niya." Naiinis na sabi ni Angelo sakanyang sarili, kanina pa kasi siya naglalakad sa malamansyong laki ng bahay ni Mark. "Bakit ba kasi ang laki ng bahay ng pangit na homosapien na iyon kung siya lang naman mag-isa ang nakatira.""Teka, parang nadaanan ko na tong painting na ito." Sa isip ni Angelo habang sinusuri niya nang mabuti ang painting ng isang babaeng tumutugtog ng violin sa ilalim ng buwan. "tsk, siguro namamalikmata lang ako. Nasaan na ba kasi ang impaktong yon."Nagpatuloy si Angelo sa paghahanap kay Mark, kung saan-saan na siyang kwarto pumasok ngunit ni anino ng huli ay hindi niya makita."Lintek naman, nasaan na ba ang impaktong homosapien na iyon... teka ito na naman yong painting." Inis na sabi niya sa kanyang sarili. "Manufacturer ba siya ng painting na ito, ang dami-daming paint

    Last Updated : 2021-07-03
  • His Way to be a Perfect Wife (Tagalog Version)   Kabanata 7

    "Ang totoo kasi niyan ay," biglang naputol ang sasabihin ni Mark ng biglang tumunog ang selpon nito. Agad nitong tinignan kung sino yung tumatawag tsaka sinagot ito. Nang marinig ni Mark ang pakay nang tumatawag ay nag-iba ang aura nito na siyang nakapagpahinto sa pagmumuni ni Angelo sa hapagkainan. "Excuse me for a second." Ang sabi ni Mark na hindi na hinintay ang tugon ni Aimie tsaka dali-daling pumunta sa kanyang opisina. "Ano ba yan, sayang may makakalap na sana akong impormasyon, panira yung taong tumawag sa kanya." Ang sabi ni Angelo habang tinutusok ang mga gulay na nasa kanyang plato at saka nginuya ito ng walang gana. "Nakakawalang ganang kumain tuloy." Huminto si Angelo sa kanyang pagnguya tsaka tumayo sa kanyang kinauupuan at inilagay niya sa lababo ang kanyang plato kasama na din ang pinagkainan ni Mark kanina. "Ako pa talaga ang paghuhugasin mo sa pinagkainan mo, tek

    Last Updated : 2021-07-04
  • His Way to be a Perfect Wife (Tagalog Version)   Kabanata 8

    Maagang nagising si Angelo na nagbihis ng komportableng damit na isang black t-shirt, pantalon, sneakers, black cap at itim na mask, para siyang magnanakaw sa kanyang soot ngunit wala siyang magawa dahil ito lang ang normal na damit na mayroon si Aimie bukod sa mga napakaraming bestida na nasa aparador nito. Nanginig naman ang buo niyang katawan nang mapaisip niyang, siya na isang ubod ng kisig na lalaki ay magsusuot ng isang bestida. Umiling nalang siya dahil sa kanyang walang kwentang iniisip, ang importante kasi ngayon ay magkapagpalam siya kay Mark na aalis siya, baka kasi isipin nito na kinidnap o kung anong nangyari sa katawan ni Aimie kung hindi niya ito makita sa bahay. Ngunit simula nang makatanggap ng tawag si Mark ay hindi na niya ito makita, ni anino nito ay hindi niya mahagilap.Sa laki ng bahay niya na mala Mall of Asia ay aabutin siya ng siyam-siyam sa paghahanap rito. Kay

    Last Updated : 2021-07-05
  • His Way to be a Perfect Wife (Tagalog Version)   Kabanata 9

    Halos mahimatay na si Angelo sa sobrang sikip ng bus, sa tingin niya ay mas maluwag pa ang lalagyan ng sardinas keysa sa bus na sinasakyan niya ngayon. Dagdagan mo pa ang hindi maipaliwanag na amoy na nalalanghap ng kanyang ilog mula sa kanyang katabi, kulang nalang maging double dead siya, dahil sa hindi maipaliwang na amoy ng katabi.Hindi niya magawang takpan ang kanyang ilong dahil una sa lahat hawak-hawak niya ang rabbit sa isang kamay habang ang isa naman ay nakakapit sa railings ng bus. At naisip niya din na magmumukha siyang bastos kung tatakpan niya ang kanyang ilong."Naman, ilang taon kayang hindi naligo ang taong toh,"ang sabi ni Angelo sa kanyang isip, habang pinipingilan ang kanyang paghinga."Ang bango niya talaga, pede na siyang gawing endorser ng exotic na pabango."

    Last Updated : 2021-07-06

Latest chapter

  • His Way to be a Perfect Wife (Tagalog Version)   Kabanata 51

    Si Angelo, na mahimbing na natutulog ay nakaramdam ng mainit na temperatura sa kanyang tagiliran; lumapit siya sa mainit na bagay at pumulupot na parang ahas upang mas maramdaman pa niya ang komportableng init. Naramdaman naman ni Mark na niyakap siya ng mahigpit ng katabi niya, napabuntong-hininga siya bago niyakap pabalik ang kanyang asawa. Ang dalawa ay nagyakapan na tila ba kumukuha sila ng init sa isa't isa at, sila ay natulog nang mapayapa hanggang sa pagtunog ng tandang.Habang ang kislap ng araw ay nagsimulang umilaw sa paligid upang ibalita ang pagsilang ng bagong araw; at ang mga halaman at bulaklak na muling gumigising upang magsimula silang sumipsip ng hamog na nagpala sa araw ng tagsibol habang, ang mga ibon ay nagsisimulang kumanta upang salubongin ang bagong araw.Nang magsimulang mabuhay ang lahat mula sa tila nakatigil na gabi, dalawang tao ang mahigpit na nakayakap sa isa't isa. Ang kanilang komportableng postura ay naging nakakasakal- nadama ni Angelo na unti-unti

  • His Way to be a Perfect Wife (Tagalog Version)   Kabanata 50

    Malalaking mga hakbang ang ginawa ni Mark upang maihiga ang walang malay na asawa sa kanyang king-size na kama. Gagamitin sana ni Mark ang intercom upang tawagan ang personal doctor ng kanilang pamilya upang ipacheck-up si Aimie ngunit naputol ito nang marinig ang mga mumunting hilik ng kanyang cute na asawa. Napangisi si Mark na parang pusa- nang marinig- ang mumunting mga hilik ng asawa.Napailing-iling nalang siya ng kanyang ulo tsaka ay pinindot niya ang intercom upang tawagan ang isa sa mga kasambahay para bihisan ang asawa.Pagdating ng katulong sa kwarto ay binigay ni Mark sa kasambahay ang set ng mga damit upang ipasuot sa asawa.Para hindi maging awkward ang kapaligiran, napagdesisyunan ni Mark na lumabas ng kwarto at ipinaalam sa kasambahay- na tawagin lang siya kapag tapos na siya- sa pagsusuot ng damit sa kanyang cute na asawa. Nang pababa na si Mark sa hagdan ay nakasalubong niya ang kanyang ina na aakyat sana ng hagdan."Bakit ka

  • His Way to be a Perfect Wife (Tagalog Version)   Kabanata 49

    Masiglang inutusan ng ina ni Mark ang mga katulong kung saan ilalagay ang mga gamit ni Angelo at nang siya ay tapos nang mapahalaan ang mga katulong ay nagpasya ang nanay ni Mark na pagpahingahin na sila. Nakahinga naman ng maluwag ang mga tagapagsilbi dahil sa wakas ay makakapagpahinga na sila sa kanilang kwarto.Nang makita ang magandang trabaho ng kanyang mga tagasilbi ay masayang pinuntahan ng ina ni Mark ang kanyang anak na abalang nagbabasa at pumipirma sa mga papeles sa study table nito."Are you satisfied with the attendant's work?" Tanong ng ina ni Mark habang isinandal ang ulo sa study table.Tumango lang si Mark bilang tungon sa ina dahil ang buong atensyon nito ay nasa dokumentong binabasa nito. Nang makita ang walang ganang sagot sa kanya ng anak ay napahilamos na lamang ng mukha ang ina ni Mark, at agad na iniwaksi ang mga papel- na hawak ng kanyang anak at inilagay ito sa tambak ng mga papel na nasa gilid ng study table."Bakit mo pa tiniti

  • His Way to be a Perfect Wife (Tagalog Version)   Kabanata 48

    "Bakit ba ang lakas-lakas ng nanay ni Mark o sadya lang talagang napakahina ng katawang ito?" Sa isip ni Angelo habang hinawakan ang kanyang palapulsohan na mahigpit na hinawakan ng ina ni Mark. Nang makita niya ang palapulsohan na kasing nipis ng isang kawayan ay nais niyang maiyak ng walang luha."Bakit bigla mo nalang akong hinawakan?" Tanong ni Angelo habang minamasahe ang kanyang kamay."Well, mali kasi ang direksyon mo, hindi diyan ang papunta sa kwarto mo." Ang sabi ng nanay ni Mark.Luminga-linga si Angelo sa kaliwa't kanan, sinisikap alamin kung tunay ngang mali ang direksyon siya papunta sa kumikinang at magarbong pink na kwartong ginagamit niya. Hindi pa siya nakuntento at tiniginan pa niya ang pinto- upang makasigurado siya na nasa tamang kwarto.“Siguro ay namali ka lang, ma, ito po yung kwarto ko,” sabi ni Angelo nang makasigurado na siyang nasa tamang direksyon siya ng kanyang silid. "Pasok na po ako sa loob."Pero bago p

  • His Way to be a Perfect Wife (Tagalog Version)   Kabanata 47

    Namula tuloy si Angelo sa kahihiyan matapos magpaliwanag sa kanya ang ina ni Mark. Hindi siya sanay sa paraan ng pagkain ng mga mayayaman na ito; nakasanayan na niya kasi- na diretsong kainin ang kanyang mga pagkain ng hindi inisa-isa ang pampagana at panghimagas.Napabuntong hininga si Angelo at, tahimik na kinain ang nag-iisang pritong ravioli sa kanyang plato, at pagkatapos niyang maubos ang pampagana, sinenyasan ni Mark ang mga tauhan na ihain sa kanila ang pangunahing ulam. Ang mga kawani ng kusina- ay mahusay na pinalitan ang mga ginamit na plato at kagamitan- bago inihain- ang mga pangunahing pagkaing binubuo; ng isang high-grade na medium-rare steak at inihurnong patatas. Bigla tuloy nagutom si Angelo nang makita niya ang nakakatakam na mga pagkain.Bago pa makain ni Angelo ang pagkaing nakahain sa harapan- niya, napahamak siya sa sari-saring kutsara, tinidor, at kutsilyong nakalagay: sa gilid- kung saan nakalagay ang plato. Dahil sa ayaw niyang mapahiya,

  • His Way to be a Perfect Wife (Tagalog Version)   Kabanata 46

    Walang magawa ang ina ni Mark kundi ang pagkatiwalaan ang sinabi ng kanyang manugang. Hindi naman kasi niya alam ang tunay na nararamdaman ni Aimie. Ang tanging magagawa lamang niya, ay ang pagmasdan ang pakikitungo ni Aimie sa kanyang anak."Kung gayon pagkakatiwalaan ko ang iyong mga salita," ang sabi ng ina ni Mark. "Gusto mo bang magpaluto ng mga bagong pagkain? I'll ask the kitchen staff to cook a new batch of foods for lunch."Bago pa man tanggihan ni Angelo ang mungkahi ng ina ni Mark, umalis na ang napakarilag na tigre sa silid-kainan at nagtungo sa kusina upang pakiusapan ang mga tauhan sa kusina na magluto ng bagong set ng mga pagkain. Nakatitig lang si Angelo sa pagkain na hindi pa niya natatapos- pakiramdam niya may ugali ang mga mayayaman na; madalas mag-aksaya ng pagkain. He helplessly breath out at nagsimulang kainin ang pagkaing hindi niya naubos kanina.Ang mga tauhan sa kusina; ay mabilis na inilapag ang mga bagong lutong pagkain, kahit na buso

  • His Way to be a Perfect Wife (Tagalog Version)   Kabanata 45

    Habang nasasarapan si Angelo sa kanyang pagkain ay; may biglang umupo- sa tapat niya. Napasulyap siya sa taong nakaupo sa tapat niya, at nagulat si Angelo- nang makitang ito ay ang napakarilag na tigre; na nakaupo- sa tapat niya. Seryosong tumingin sa kanya ang biyenan ni Aimie; dahilan upang magsimulang lumabas ang mga goosebumps sa kanyang balat.Biglang ngumiti ng matamis sa kanya ang ina ni Mark, at bigla siyang nakaramdam ng panginginig sa buong balat: "May problema ba, ma?"Nagpasya si Angelo na tanungin ang biyenan ni Aimie dahil una palang silang nagkita; hindi siya komportable- sa kung paano siya tinginan ng ina ni Mark."Mukhang hindi nakatulog ng maayos kagabi." Napangiti ang ina ni Mark habang pinagmamasdan ang mukha ng kanyang manugang. "May ginawa ba kayo ng anak ko, alam mo na..."Iniluwa ni Angelo ang pagkaing nginunguya niya at naglabas ng ilang pagmumura sa kanyang isipan. Hindi niya inaasahan na ang napakarilag na tigre na ito na nasa k

  • His Way to be a Perfect Wife (Tagalog Version)   Kabanata 44

    Ang kanyang isip sa halip; ay hindi makatulog, at hindi maiwasan ni Angelo na isipin ang halikan nila ni Mark kanina. The kiss that has taken his breath away; na nagparamdam sa kanya ng kahinaan at nakapagpawala sa kanyang sarili. Napailing si Angelo sa kanyang iniisip- tungkol sa halik at pilit na pinakalma ang sarili. Na sa halip na siya ang nag-enjoy, ang katawan na kasalukuyang pinapalooban niya ang nasiyahan sa halik. Dahil ang katawang pinapalooban niya ay babaeng anatomy at hindi ng lalaki: natural lang sa katawan ni Aimie na magustuhan ang halik. Tutal babae naman siya."May katuturan ba ito!" Bigong sigaw ni Angelo habang ginulo ang buhok. "It doesn't make sense, na ako na, isang lalaki, ay masisiyahan sa halik ng kapwa lalaki. It doesn't explain anything, kahit na ako'y nasa katawan ng babae. Nakakadismaya talaga nito."Humiga muli si Angelo sa queen-sized bed na may malambot na velvety pink na kumot at hinila ito pataas hanggang sa kanyang baba.

  • His Way to be a Perfect Wife (Tagalog Version)   Kabanata 43

    Si Angelo ay nanatili lamang sa kanyang silid sa natitirang bahagi ng araw; ni wala siyang ganang kumain ng hapunan sa gabi dahil sa ginawa sa kaniya ng masamang pangit na b*st*rd*. Sa kabutihang palad ay hindi siya pinilit nina Mark at ng kanyang ina- na sumali sa kanila- upang kumain sa iisang hapag-kainan. Tumanggi pa nga si Angelo sa mungkahi ng mga kasambahay- na dalhin ang kanyang pagkain; sa kwarto; katuwiran niya na kumain na siya ng maraming meryenda nang mas maaga, at ngayon kailangan niyang magdiyeta dahil ang kinain niya kanina ay ang mga pagkaing puno ng mga calory at asukal.Ang maid ay walang nagawa kundi ang pilit na sumasang-ayon sa mungkahi ng kanilang madam, bagaman labag ito sa kanilang kalooban na; hindi hainan ng pagkain ang kanilang; madam, wala siyang magagawa. Makikita sa expression; ng kasambahay- na para bang binibigyan siya ni Angelo ng hindi patas na pakikitungo. Kaya nagpasya si Angelo na baguhin ang kanyang isip at hiniling sa kasambahay na dalh

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status