Matapos ang eksena sa ospital ay nakarating na din sila sa bahay ni Mark at hindi mapigilan ni Angelo ang hindi mapanganga dahil sa ganda ng bahay.
"Wow ang ganda," manghang sabi niya sabay ang paglaki ng kanyang mga mata dahil sa ganda ng desenyo ng bahay.
"Halika, pasok na tayo." Pag-anyaya ni Mark kay Angelo sabay ngiti ng matamis. Para namang may bumasag sa masayang iniisip ni Angelo nang makita ang matamis na ngiti ni Mark.
"Tsk, ayos na sana ang lahat, sumaya na ako nang makita ko ang bahay mo tsaka ka pa nagsalita, psh, tapos may pa ngiti ngiti ka pang nalalaman sarap mo ding hagisan ng sapatos." Inis na pagrereklamo ni Angelo sa kanyang isip.
Ngunit wala din siyang magawa kundi ang sumunod kay Mark sa loob ng bahay dahil gusto na niya talagang makita ang kabuuan nito. Ayon kasi sa kanya, kung maganda ang desenyo sa labas ano pa kaya kung nasa loob na siya, sigurado siyang hihigitan p
"Nasaan na ba ang pangit na homosapien na mukhang impaktong iyon, kanina pa ako paikot-ikot sa bahay niya." Naiinis na sabi ni Angelo sakanyang sarili, kanina pa kasi siya naglalakad sa malamansyong laki ng bahay ni Mark. "Bakit ba kasi ang laki ng bahay ng pangit na homosapien na iyon kung siya lang naman mag-isa ang nakatira.""Teka, parang nadaanan ko na tong painting na ito." Sa isip ni Angelo habang sinusuri niya nang mabuti ang painting ng isang babaeng tumutugtog ng violin sa ilalim ng buwan. "tsk, siguro namamalikmata lang ako. Nasaan na ba kasi ang impaktong yon."Nagpatuloy si Angelo sa paghahanap kay Mark, kung saan-saan na siyang kwarto pumasok ngunit ni anino ng huli ay hindi niya makita."Lintek naman, nasaan na ba ang impaktong homosapien na iyon... teka ito na naman yong painting." Inis na sabi niya sa kanyang sarili. "Manufacturer ba siya ng painting na ito, ang dami-daming paint
"Ang totoo kasi niyan ay," biglang naputol ang sasabihin ni Mark ng biglang tumunog ang selpon nito. Agad nitong tinignan kung sino yung tumatawag tsaka sinagot ito. Nang marinig ni Mark ang pakay nang tumatawag ay nag-iba ang aura nito na siyang nakapagpahinto sa pagmumuni ni Angelo sa hapagkainan. "Excuse me for a second." Ang sabi ni Mark na hindi na hinintay ang tugon ni Aimie tsaka dali-daling pumunta sa kanyang opisina. "Ano ba yan, sayang may makakalap na sana akong impormasyon, panira yung taong tumawag sa kanya." Ang sabi ni Angelo habang tinutusok ang mga gulay na nasa kanyang plato at saka nginuya ito ng walang gana. "Nakakawalang ganang kumain tuloy." Huminto si Angelo sa kanyang pagnguya tsaka tumayo sa kanyang kinauupuan at inilagay niya sa lababo ang kanyang plato kasama na din ang pinagkainan ni Mark kanina. "Ako pa talaga ang paghuhugasin mo sa pinagkainan mo, tek
Maagang nagising si Angelo na nagbihis ng komportableng damit na isang black t-shirt, pantalon, sneakers, black cap at itim na mask, para siyang magnanakaw sa kanyang soot ngunit wala siyang magawa dahil ito lang ang normal na damit na mayroon si Aimie bukod sa mga napakaraming bestida na nasa aparador nito. Nanginig naman ang buo niyang katawan nang mapaisip niyang, siya na isang ubod ng kisig na lalaki ay magsusuot ng isang bestida. Umiling nalang siya dahil sa kanyang walang kwentang iniisip, ang importante kasi ngayon ay magkapagpalam siya kay Mark na aalis siya, baka kasi isipin nito na kinidnap o kung anong nangyari sa katawan ni Aimie kung hindi niya ito makita sa bahay. Ngunit simula nang makatanggap ng tawag si Mark ay hindi na niya ito makita, ni anino nito ay hindi niya mahagilap.Sa laki ng bahay niya na mala Mall of Asia ay aabutin siya ng siyam-siyam sa paghahanap rito. Kay
Halos mahimatay na si Angelo sa sobrang sikip ng bus, sa tingin niya ay mas maluwag pa ang lalagyan ng sardinas keysa sa bus na sinasakyan niya ngayon. Dagdagan mo pa ang hindi maipaliwanag na amoy na nalalanghap ng kanyang ilog mula sa kanyang katabi, kulang nalang maging double dead siya, dahil sa hindi maipaliwang na amoy ng katabi.Hindi niya magawang takpan ang kanyang ilong dahil una sa lahat hawak-hawak niya ang rabbit sa isang kamay habang ang isa naman ay nakakapit sa railings ng bus. At naisip niya din na magmumukha siyang bastos kung tatakpan niya ang kanyang ilong."Naman, ilang taon kayang hindi naligo ang taong toh,"ang sabi ni Angelo sa kanyang isip, habang pinipingilan ang kanyang paghinga."Ang bango niya talaga, pede na siyang gawing endorser ng exotic na pabango."
Nang makarating si Angelo sa terminal, ay agad niyang hinanap ang bus na may karatolang nakapaskil na "Haven."Nagpaikot-ikot siya sa terminal at nang makita na niya ang kanyang hinahanap na bus ay agad siyang sumakay dito, baka kasi mamaya ay siksikan na naman at hindi siya makaupo, kaya minabuti na niyang sumakay agad-agad. Mabuti nalang at hindi pa madami ang nasa loob ng bus, nasa sampu pa lang nakakasakay kaya makakapili pa siya nang pwestong nais niyang upuan.Nang makaupo na siya ay inilibot niya ang kanyang paningin sa mga nakapaskil sa bus, baka kasi mamaya kokotongan na naman siya.Nakahinga siya nang maluwag ng walang makitang pandadaya,"makakatanong ako ng maayos mamaya."Habang prenteng nakaupo ay big
Dahil sa pagod ay mahimbing na natulog sa buong biyahe si Angelo, habang ang kanyang ulo ay nakapatong sa tiyan ng kuneho na animo'y isa itong unan. Pagdating nila sa ikatlong bus stop ay linapitan siya ng konduktor upang gisingin."Ma'am nandito na po tayo sa Haven." Kasabay nito ang mahinang pag-alog niya upang gisingin si Angelo."Ano ba, limang minuto pa, di pa ako excited pumunta sa heaven. Kung gusto mo ikaw nalang mauna doon." Ang wala sa sarili niyang suhestiyon sa taong gumagambala sa kanyang masarap na pagtulog."Pero ma'am, baka lumampas na po kayo sa patutunguhan niyo kapag di pa po kayo gumising diyan." Ang pangungulit ng konduktor, at mas lalo pang pinalakas ang pag-alog kay Angelo."Naman kuya eh!" ang malakas na sigaw
"Nandito na po tayo sa Garden of Peace Resting Place, ma'- sir nga pala," ang sabi ng guardya habang tinuro ang karatolang nakapaskil. "Gusto niyo po bang samahan ko kayo sa loob?""Naku, wag na po manong, nakakahiya po sainyo.""Buti alam mo." Sarkastikong sabi ng guardya sa kanya."Po?" Ang takang tanong ni Angelo,"Ano bang problema ng mga taong nakakasalamuha ko ngayon, bakit ba karamihan sa kanila ang papangit ng ugali?""Wala, ang sabi ko mag-ingat ka po sa loob," napaubo naman ang guardya, hindi niya inakalang maririnig ng babae ang kanyang sinabi. "Oh siya, aalis na ako.""Salamat po, manong." Nagpasalamat muna si Angelo sa guardya at pagkatapos ay nagpaalam na
Habang tumatakbo si Angelo, ay parang may nararamdam siyang sumusunod sa kanya. Kaya mas bilisan pa niya ang kanyang pagtakbo, gumagabi na kasi. Baka maging delikado pa sa kanya kung tatagal pa siya sa lugar dahil dayo lang siya, at hindi niya kabisado ang daan. Baka mamaya bumangon pa ang mga patay dito, kahit patay na ang katawan niya, ayaw niyang makakita ng mga kalahi niyang multo.Napahinto naman siya sa kanyang pagtakbo ng may makaramdam na naman siyang malamig na hangin sa bandang likuran niya. Dahan-dahan siyang tumingin sa likod, habang nananalangin na sana hindi nakakatakot na multo ang makikita niya.Nang makatalikod na siya ay nanginginig na imulat niya ang kanyang mata, at tumambad sa kanya ang kunehong pinakawalan niya kanina.Bumuntong hininga siya tsaka linapitan ang ku
Si Angelo, na mahimbing na natutulog ay nakaramdam ng mainit na temperatura sa kanyang tagiliran; lumapit siya sa mainit na bagay at pumulupot na parang ahas upang mas maramdaman pa niya ang komportableng init. Naramdaman naman ni Mark na niyakap siya ng mahigpit ng katabi niya, napabuntong-hininga siya bago niyakap pabalik ang kanyang asawa. Ang dalawa ay nagyakapan na tila ba kumukuha sila ng init sa isa't isa at, sila ay natulog nang mapayapa hanggang sa pagtunog ng tandang.Habang ang kislap ng araw ay nagsimulang umilaw sa paligid upang ibalita ang pagsilang ng bagong araw; at ang mga halaman at bulaklak na muling gumigising upang magsimula silang sumipsip ng hamog na nagpala sa araw ng tagsibol habang, ang mga ibon ay nagsisimulang kumanta upang salubongin ang bagong araw.Nang magsimulang mabuhay ang lahat mula sa tila nakatigil na gabi, dalawang tao ang mahigpit na nakayakap sa isa't isa. Ang kanilang komportableng postura ay naging nakakasakal- nadama ni Angelo na unti-unti
Malalaking mga hakbang ang ginawa ni Mark upang maihiga ang walang malay na asawa sa kanyang king-size na kama. Gagamitin sana ni Mark ang intercom upang tawagan ang personal doctor ng kanilang pamilya upang ipacheck-up si Aimie ngunit naputol ito nang marinig ang mga mumunting hilik ng kanyang cute na asawa. Napangisi si Mark na parang pusa- nang marinig- ang mumunting mga hilik ng asawa.Napailing-iling nalang siya ng kanyang ulo tsaka ay pinindot niya ang intercom upang tawagan ang isa sa mga kasambahay para bihisan ang asawa.Pagdating ng katulong sa kwarto ay binigay ni Mark sa kasambahay ang set ng mga damit upang ipasuot sa asawa.Para hindi maging awkward ang kapaligiran, napagdesisyunan ni Mark na lumabas ng kwarto at ipinaalam sa kasambahay- na tawagin lang siya kapag tapos na siya- sa pagsusuot ng damit sa kanyang cute na asawa. Nang pababa na si Mark sa hagdan ay nakasalubong niya ang kanyang ina na aakyat sana ng hagdan."Bakit ka
Masiglang inutusan ng ina ni Mark ang mga katulong kung saan ilalagay ang mga gamit ni Angelo at nang siya ay tapos nang mapahalaan ang mga katulong ay nagpasya ang nanay ni Mark na pagpahingahin na sila. Nakahinga naman ng maluwag ang mga tagapagsilbi dahil sa wakas ay makakapagpahinga na sila sa kanilang kwarto.Nang makita ang magandang trabaho ng kanyang mga tagasilbi ay masayang pinuntahan ng ina ni Mark ang kanyang anak na abalang nagbabasa at pumipirma sa mga papeles sa study table nito."Are you satisfied with the attendant's work?" Tanong ng ina ni Mark habang isinandal ang ulo sa study table.Tumango lang si Mark bilang tungon sa ina dahil ang buong atensyon nito ay nasa dokumentong binabasa nito. Nang makita ang walang ganang sagot sa kanya ng anak ay napahilamos na lamang ng mukha ang ina ni Mark, at agad na iniwaksi ang mga papel- na hawak ng kanyang anak at inilagay ito sa tambak ng mga papel na nasa gilid ng study table."Bakit mo pa tiniti
"Bakit ba ang lakas-lakas ng nanay ni Mark o sadya lang talagang napakahina ng katawang ito?" Sa isip ni Angelo habang hinawakan ang kanyang palapulsohan na mahigpit na hinawakan ng ina ni Mark. Nang makita niya ang palapulsohan na kasing nipis ng isang kawayan ay nais niyang maiyak ng walang luha."Bakit bigla mo nalang akong hinawakan?" Tanong ni Angelo habang minamasahe ang kanyang kamay."Well, mali kasi ang direksyon mo, hindi diyan ang papunta sa kwarto mo." Ang sabi ng nanay ni Mark.Luminga-linga si Angelo sa kaliwa't kanan, sinisikap alamin kung tunay ngang mali ang direksyon siya papunta sa kumikinang at magarbong pink na kwartong ginagamit niya. Hindi pa siya nakuntento at tiniginan pa niya ang pinto- upang makasigurado siya na nasa tamang kwarto.“Siguro ay namali ka lang, ma, ito po yung kwarto ko,” sabi ni Angelo nang makasigurado na siyang nasa tamang direksyon siya ng kanyang silid. "Pasok na po ako sa loob."Pero bago p
Namula tuloy si Angelo sa kahihiyan matapos magpaliwanag sa kanya ang ina ni Mark. Hindi siya sanay sa paraan ng pagkain ng mga mayayaman na ito; nakasanayan na niya kasi- na diretsong kainin ang kanyang mga pagkain ng hindi inisa-isa ang pampagana at panghimagas.Napabuntong hininga si Angelo at, tahimik na kinain ang nag-iisang pritong ravioli sa kanyang plato, at pagkatapos niyang maubos ang pampagana, sinenyasan ni Mark ang mga tauhan na ihain sa kanila ang pangunahing ulam. Ang mga kawani ng kusina- ay mahusay na pinalitan ang mga ginamit na plato at kagamitan- bago inihain- ang mga pangunahing pagkaing binubuo; ng isang high-grade na medium-rare steak at inihurnong patatas. Bigla tuloy nagutom si Angelo nang makita niya ang nakakatakam na mga pagkain.Bago pa makain ni Angelo ang pagkaing nakahain sa harapan- niya, napahamak siya sa sari-saring kutsara, tinidor, at kutsilyong nakalagay: sa gilid- kung saan nakalagay ang plato. Dahil sa ayaw niyang mapahiya,
Walang magawa ang ina ni Mark kundi ang pagkatiwalaan ang sinabi ng kanyang manugang. Hindi naman kasi niya alam ang tunay na nararamdaman ni Aimie. Ang tanging magagawa lamang niya, ay ang pagmasdan ang pakikitungo ni Aimie sa kanyang anak."Kung gayon pagkakatiwalaan ko ang iyong mga salita," ang sabi ng ina ni Mark. "Gusto mo bang magpaluto ng mga bagong pagkain? I'll ask the kitchen staff to cook a new batch of foods for lunch."Bago pa man tanggihan ni Angelo ang mungkahi ng ina ni Mark, umalis na ang napakarilag na tigre sa silid-kainan at nagtungo sa kusina upang pakiusapan ang mga tauhan sa kusina na magluto ng bagong set ng mga pagkain. Nakatitig lang si Angelo sa pagkain na hindi pa niya natatapos- pakiramdam niya may ugali ang mga mayayaman na; madalas mag-aksaya ng pagkain. He helplessly breath out at nagsimulang kainin ang pagkaing hindi niya naubos kanina.Ang mga tauhan sa kusina; ay mabilis na inilapag ang mga bagong lutong pagkain, kahit na buso
Habang nasasarapan si Angelo sa kanyang pagkain ay; may biglang umupo- sa tapat niya. Napasulyap siya sa taong nakaupo sa tapat niya, at nagulat si Angelo- nang makitang ito ay ang napakarilag na tigre; na nakaupo- sa tapat niya. Seryosong tumingin sa kanya ang biyenan ni Aimie; dahilan upang magsimulang lumabas ang mga goosebumps sa kanyang balat.Biglang ngumiti ng matamis sa kanya ang ina ni Mark, at bigla siyang nakaramdam ng panginginig sa buong balat: "May problema ba, ma?"Nagpasya si Angelo na tanungin ang biyenan ni Aimie dahil una palang silang nagkita; hindi siya komportable- sa kung paano siya tinginan ng ina ni Mark."Mukhang hindi nakatulog ng maayos kagabi." Napangiti ang ina ni Mark habang pinagmamasdan ang mukha ng kanyang manugang. "May ginawa ba kayo ng anak ko, alam mo na..."Iniluwa ni Angelo ang pagkaing nginunguya niya at naglabas ng ilang pagmumura sa kanyang isipan. Hindi niya inaasahan na ang napakarilag na tigre na ito na nasa k
Ang kanyang isip sa halip; ay hindi makatulog, at hindi maiwasan ni Angelo na isipin ang halikan nila ni Mark kanina. The kiss that has taken his breath away; na nagparamdam sa kanya ng kahinaan at nakapagpawala sa kanyang sarili. Napailing si Angelo sa kanyang iniisip- tungkol sa halik at pilit na pinakalma ang sarili. Na sa halip na siya ang nag-enjoy, ang katawan na kasalukuyang pinapalooban niya ang nasiyahan sa halik. Dahil ang katawang pinapalooban niya ay babaeng anatomy at hindi ng lalaki: natural lang sa katawan ni Aimie na magustuhan ang halik. Tutal babae naman siya."May katuturan ba ito!" Bigong sigaw ni Angelo habang ginulo ang buhok. "It doesn't make sense, na ako na, isang lalaki, ay masisiyahan sa halik ng kapwa lalaki. It doesn't explain anything, kahit na ako'y nasa katawan ng babae. Nakakadismaya talaga nito."Humiga muli si Angelo sa queen-sized bed na may malambot na velvety pink na kumot at hinila ito pataas hanggang sa kanyang baba.
Si Angelo ay nanatili lamang sa kanyang silid sa natitirang bahagi ng araw; ni wala siyang ganang kumain ng hapunan sa gabi dahil sa ginawa sa kaniya ng masamang pangit na b*st*rd*. Sa kabutihang palad ay hindi siya pinilit nina Mark at ng kanyang ina- na sumali sa kanila- upang kumain sa iisang hapag-kainan. Tumanggi pa nga si Angelo sa mungkahi ng mga kasambahay- na dalhin ang kanyang pagkain; sa kwarto; katuwiran niya na kumain na siya ng maraming meryenda nang mas maaga, at ngayon kailangan niyang magdiyeta dahil ang kinain niya kanina ay ang mga pagkaing puno ng mga calory at asukal.Ang maid ay walang nagawa kundi ang pilit na sumasang-ayon sa mungkahi ng kanilang madam, bagaman labag ito sa kanilang kalooban na; hindi hainan ng pagkain ang kanilang; madam, wala siyang magagawa. Makikita sa expression; ng kasambahay- na para bang binibigyan siya ni Angelo ng hindi patas na pakikitungo. Kaya nagpasya si Angelo na baguhin ang kanyang isip at hiniling sa kasambahay na dalh